Magkaisa Mprcitizen Progress

Magkaisa Mprcitizen Progress

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Magkaisa Mprcitizen Progress, Community Center, .

Magkaisa Mprcitizen Progress 03/02/2022

Ang KATOTOHANAN sa mga Tanong...

Ito pong nasa larawan ay si Ferdinand E. Marcos aka Apo Lakay Macoy.

Sinasabi ninyong diktador ng bansa sa loob ng 20 taon ng panunungkulan.

Sinasabi ninyong magnanakaw ng kaban ng bayan.

Kumustahan nga tayo.

Eh kumusta naman kaya yung mahigit na 30 taon na panunungkulan ng mga traidor, sakim, at mga mandarambong na pumalit sa kanya sa pagkakaupo? (Correction: Mga nang-agaw pala ng upuan)

Kumusta ang kalakaran ng droga sa bansa mula nung palitan ninyo sya?

Kumusta ang pagbabayad ninyo ng kuryente sa Meralco na dati ay pag-aari ng gobyerno na inagaw ng mga sakim at ginawang pribado ngayon?

Kumusta yung mga kabataan na pinag-aaral ng gobyerno at ng mga magulang nila at nasa bundok ngayon kasama ng mga taong maka-kaliwa?

Kumusta ang mass transportation kagaya ng bus na Love bus, Pantanco, Philtranco at Metrobus?
Sino sino na ang namamayagpag sa transportasyon para sa simpleng mamamayan?

Kumusta ang Philippine Airlines? Kanino nila ibinenta?

Kumusta ang mga health center ngayon sa bawat barangay? Nagagamit pa ba ngayon at nakakapagbigay pa ba ng mga supply ng bitamina, pulvoron, gatas, trigo at iba pa?

Kumusta ang 13th month pay at bonuses sa kumpanyang pinapasukan mo? Yun eh kung regular ka sa trabaho. E kumusta yung contractualization na ipinauso ng mga mang-aagaw ng upuan?

Kumusta ang Kalayaan na sinasabi ninyo na kasama sa kalayaan na yan ang pagbaba ng presyo ng galunggong? Di ba ultimo kangkong ngayon binibili na at ang isang tali ay lilimang piraso sa halagang limang piso?

Kumusta ang mga lupain sa agrikultura at pagsasaka? Na noon ay puro palayan at gulayan ang makikita mo sa buong Luzon? Bakit puro na sya subdivision? Sino ang nagmamay-ari ngayon?

Marami pa sana akong ikukumusta pero hahayaan ko na ang iba na mangumusta.

Ito lang ang pinupunto ko sa pangungumusta ko.

Ano ang nangyari sa bansang ito na kinikilala at nirerespeto ng buong mundo noong si Apo Lakay ang nakaupo.

Dating agila ng asya na naging sisiw na lang.

Dating tigre ng asya na naging kuting na lang.

At ngayon ay kinikilala ang bansang ito na Pugad ng mga buwaya at mga buwitre.

Ang dating mga alipin noon ang sya namang nang-aalipin ngayon dahil nakahawak ng magandang posisyon na iniluklok ng oposisyon.

Ikumpara ninyo ang 20 taon na pamumuno ng isang Macoy lamang sa 30 taon na pamumuno ng mga dayukdok at ganid sa kapangyarihan at kayamanan.

Mas nanaisin ko pa ang alipinin ako ng isang diktador na sinasabi ninyo na may puso sa bayan kaysa maging malaya kuno sa kamay ng mga ganid at dayukdok na ang sarili lamang nilang bulsa ang nakikinabang.

Mas nanaisin ko pa ang makikain ako sa plato ng sinasabi ninyong magnanakaw basta kasama ko ang bayan sa nakikinabang sa kanyang mga ninakaw.

Ikumpara na ninyo...

20 years na pagkaalipin Vs. 30 years na Kalayaan

-CTTO
Repost

Magkaisa Mprcitizen Progress Community centre

Website