Videos by PinoyPedia. Entertainment l Celebrity gossip,Tv and more.....
Orange and lemons nag walk out dahil daw umano sa biglang pagsingit ni francine diaz?
Kilalanin ang pinakabatang manghahabi sa Ilocos Norte. Sa bidyo ni Training Program Director at Bayan Patroller Edwin Antonio, makikitang ginagawa ni AC ang pangunahing proseso ng paghahabi gamit ang simple weaving technique at design. Kuwento ni patroller, nakitaan nila si AC ng natural na talento sa paghahabi at natuwa ang lahat na makita ang batang nagka-interes sa sining na ito. Ayon pa sa kanya, isa si AC sa isang daang iskolars ng Gawad sa Manlilikhang Bayan Cultural Center na nabigyan ng oportunidad para sa libreng pag-aaral ng Inabel weaving. Karamihan sa mga iskolar ay nasa high school at college, at si AC ang pinakabatang marunong maghabi sa lugar. Dagdag niya, ang training na ito, na sinimulan nila noong Enero, ay pinasimulan ni National Living Treasure Magdalena Gamayo, ang pinakamatandang manghahabi sa lugar, para ipagpatuloy ang tradisyon ng paghahabi sa lugar. Handog din ang programang ito sa kanyang nalalapit na ika-100 kaarawan sa Agosto. Dagdag pa niya, ang kanilang pag-aaral ay batayang kurso kung saan bumibisita rin ang mga iskolar sa processing center ng cotton, ang pangunahing materyal na ginagamit sa Inabel, at ipinapakita muna sa kanila ng mga trainers kung paano ito gawin bago sila maghabi isa-isa. Ayon kay Antonio, may sampung araw ang pagsasanay at lahat ng produkto na matatapos ay gagamitin ng mga iskolar bilang sablay sa kanilang pagtatapos na ipagdiriwang naman, kasabay ng sentenaryo ni Gamayo. Dagdag niya, sa sampung araw na pagsasanay, kinakailangan ng mga iskolar na makumpleto ang 80 oras, ngunit hindi nila pinipilit si AC na tapusin ito dahil sa kanyang edad. Nagulat din si Patroller na kaya ni AC abutin ang pedal ng makina kahit na ito ay malaki para sa kanyang katawan. Aniya, nahirapan man si AC sa una dahil sa laki ng makina ay nasanay din ito dahil ginagabayan siya ni Gamayo. Sa ngayon ay inaaral pa aniya ni AC kung paano ang proseso ng paghahanda ng mga sinulid. Kuwento naman ng Mommy ni AC na si Reann Claro, pinilit ni AC