Gabay Kaalaman Videos

Videos by Gabay Kaalaman.

Husgahan ang Islam sa aral, wag sa mga muslim.
#Dawah
#motivation
#guidance
#nuhcaparino
#islamicreels

Click to enable sound Next

Other Gabay Kaalaman videos

Husgahan ang Islam sa aral, wag sa mga muslim. #Dawah #motivation #guidance #nuhcaparino #islamicreels

Salah o pagdarasal. (Limang haligi ng Islam)

Increase your Imaan by reading the Qur'an. #dawah #motivation #religiousawareness #guidance #islamicreels #islamicreminders #gabaykaalaman #abubakrzoud

Give without expecting anything in return. #dawah #motivation #guidance #islamicreminders #islamicreels #gabaykaalaman #abubakrzoud

Bakit Balik Islam? #dawah #gabaykaalaman #motivation #guidance #islamicreels #religiousawareness #nuhcaparino

Learn this lesson now before its too late. #Dawah #religiousawareness #motivation #islamicreminders #gabaykaalaman #abubakrzoud Thanks for watching. Jazakumullahu Khairan.

Do i have to forgive? #guidance #motivation #Dawah #islamicreels #gabaykaalaman #belalassaad

Do I have to obey my parents? #guidance #motivation #Dawah #islamicreels #gabaykaalaman #belalassaad

Al 'Ayn(The Evil Eye) #guidance #motivation #Dawah #islamicreels #gabaykaalaman #belalassaad

The reward of Ayatul Kursi. #religiousawareness #motivation #Dawah #guidance #gabaykaalaman

Get up and Pray FAJR! #religiousawareness #motivation #Dawah #guidance #gabaykaalaman

📌Ang Masusing Pagsasalaysay Tungkol Kay Maria. Ang kapatid na babae ng asawa ni Propeta Zakarias ay nangangalang Hannah. Siya ay kasal kay Imran, isang pinuno ng mga Israelita. Sa maraming taon, ang mag-asawa ay hindi magka-anak. Tuwing si Hannah ay makakita ng babaing may anak, ang kanyang hangaring magkaroon ng anak ay naging masidhi. Lumipas ang maraming taon, patuloy pa rin siyang hindi nawalan ng pag-asa. Siya ay naniniwala na balang araw, siya ay pagpapalain ng Dakilang Allah ng isang anak na maaari niyang pagyamanin sa pagmamahal at pangangalaga. Siya ay madalas na nagsusumamo sa Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan at nakikiusap nang buong pagpapakumbaba sa Kanya para sa isang anak. Ipinangako na kanyang iaalay ang kanyang magiging anak sa paglilingkod sa templo ng Herusalem. Ipinagkaloob ng Allah ang kanyang kahilingan. Nang malaman niya na siya ay nagdadalang-tao, siya ay naging masayahing babae at siya ay nagpasalamat sa Allah para sa handog. Ang kanyang asawa na labis na masayahin ay nagpasalamat din sa Allah sa Kanyang habag na iginawad sa kanila. Subali't habang siya ay nagbubuntis ang kanyang asawa ay yumao. Si Imran ay hindi nabuhay upang masilayan ang kanilang kinasasabikang anak. Hindi nagtagal, siya ay nagsilang ng isang anak na babae, at muli siya ay nanalangin at ito ay matutunghayan sa Banal na Qur’an: “Aking Panginoon, ako po ay nagsilang ng isang [batang] babae. At ang Allah ang higit na nakaaalam sa anumang kanyang isinilang. At ang lalaki ay hindi katulad ng babae [sa paglilingkod] at siya ay aking pinangalanang Maria at ako po ay humihingi ng kanlungan [sa Iyo] para sa kanya at sa kanyang magiging mga supling laban sa satanas, ang isinumpa.” [Qur’an 3:36] Isinalaysay ni Abu Hurayrah, si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Bawa’t bagong silang na sanggol ay hinahawakan ng satanas. At ang sanggol ay magsisimulang umiyak nang dahil sa kanyang paghawak maliban kay Maria at sa kanyang anak [si Hesus].” [Tafsir Ibn Kathir,

đź“ŚAng Kasaysayan ng Angkan ni Maria. Ipinahayag ng Allah na Kanyang pinili si Adan at ang mga mabubuti sa kanyang lahi. Pagkaraan ay Kanyang tinukoy ang pamilya ni Abraham, na binubuo ng mga anak ni Ishmael, at ng anak na si Isaak na siyang pinagmulang pamilya ni Imran na siyang ama ni Maria. Si Muhammad Ibn Ishaaq [isang dalubhasang manunulat ng kasaysayan] ay nagsabi na ang buong pangalan ni Imran [ang ama ni Maria] ay si: Imran anak na lalaki ni Bashim, na anak na lalaki ni Amun, na anak na lalaki ni Misha, na anak na lalaki ni Hosqia, na anak na lalaki ni Ahriq, na anak na lalaki ni Mutham, na anak na lalaki ni Azazia, na anak na lalaki ni Amisa, na anak na lalaki ni Yamish, na anak na lalaki ni Ahrihu, na anak na lalaki ni Yazem, na anak na lalaki ni Yahfashat, na anak na lalaki ni Eisha, na anak na lalaki ni Iyam, na anak na lalaki ni Rahba am, na anak na lalaki ni David (Propeta David o Dawud). đź“ťQasas Al-Anbiya YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UClheN0kB3M3qKZN4OqT9KMA

📌Ang Pagkakapanganak Kay Maria ayon sa Banal na Qur'an. Sinimulan ng Banal na Qur’an ang kasaysayang tungkol kay Hesus sa pamamagitan ng pagsasalaysay ring nauukol sa pagkakapanganak kay Maria. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:“Katotohanan pinili ng Allah [bilang angkan ng mga Propeta] sina Adan, at Noah, at ang pamilya ni Abraham at ang pamilya ni Imran [at sa kani-kanilang panahon, sila ay Kanyang pinarangalan] nang higit sa lahat ng [Kanyang] mga nilikha.” [Qur’an 3:33][Banggitin mo, O Muhammad] nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: “Aking Panginoon, katotohanan aking ipinangako sa Iyo ang anumang nasa aking sinapupunan, na aking iaalay [para sa paglilingkod sa Iyo] kaya tanggapin Mo ito mula sa akin. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Nakaririnig, ang Maalam.” Kaya, nang siya ay magsilang sa kanya [sa sanggol na si Maria], siya ay nagsabi: “Aking Panginoon, ako ay nagsilang ng isang [batang] babae. At ang Allah ang higit na nakaaalam sa anumang kanyang ipinagkaloob. At ang lalaki ay hindi katulad ng babae [sa paglilingkod] at siya ay aking pinangalanang Maria at ako ay humihingi ng kanlungan [sa Iyo] para sa kanya at sa kanyang magiging mga supling laban sa satanas, ang isinumpa.” [Qur’an 3:35-36] Ang mga magulang ni Maria ay sina Imran at Hannah Bint Faqoud. Si Hannah ay hindi nagka-anak sa mahabang panahon. Sa kanyang mataimtim na panalangin, siya ay pinagkalooban ng anak [si Maria]. Bilang panata, si Maria ay kanyang inialay sa paglilingkod sa Dakilang Allah sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang amain si Zakariyya. Sa pagsasalaysay ni Abu Hurayrah, si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Bawa’t bagong silang na sanggol ay hinahawakan ng satanas. At ang sanggol ay magsisimulang umiyak nang dahil sa kanyang paghawak maliban kay Maria at sa kanyang anak [si Hesus].” 📝Qasas Al-Anbiya YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UClheN0kB3M3qKZN4OqT9KMA

📢Ang Dakilang Allah ay Nagpahayag na Siya ay Walang Anak. ➡️Sa maraming talata ng Banal na Qur’an, itinakwil at tinutulan ng Dakilang Allah ang mga maling paniniwala ng mga Kristiyano na Siya ay may anak [na lalaki sa katauhan ni Propeta Hesus]. Minsan, isang lupong kinatawan mula sa bayan ng Najran [ng Arabia] ang dumating kay Propeta Muhammad ﷺ. Sila ay nagsimulang makipagtalakayan sa mga Muslim tungkol sa kanilang paniniwala sa Tatlong Persona sa Iisang Diyos, na kanilang sinasabi na ang Allah ay ikatlo sa Isang Persona ng Diyos - Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu. Bunga nito, ang Mahabaging Allah ay nagpatunay sa maraming talata ng Qur’an na si Hesus ay isang alipin lamang ng Allah na nilikha Niya sa sinapupunan ng ina nito tulad ng iba pang mga nilikha. At Kanyang nilikha si Hesus ng walang ama, tulad ng pagkalikha kay Adan na wala rin namang kinasangkutang ama o ina. Pinili ng Makapangyarihang Allah si Hesus bilang isa sa Kanyang mga dakilang sugo para sa mga anak ni Israel. 📝Qasas Al-Anbiya YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UClheN0kB3M3qKZN4OqT9KMA