CHESS PLAYERS for LENI

CHESS PLAYERS for LENI

Make the BEST MOVE, choose LENI!

a group of chess players banded together to form this group to help and support VP Leni Robredo in her bid to become the 17th President of the Republic of the Philippines.

23/06/2024

To all my friends in FB. I was informed that a second account was made bearing my name and posting invites for a possible scam. Beware, it is not my account and the person who made the account is just pretending to be me. Please report him and block this person. Thank you.

26/06/2022

This group continues in group chat but with a different name: Angat Pyesa Angat Buhay!

Photos from Philippine Chess League's post 17/02/2022

Proud of one of our Kakampink Chess Player from Malolos City Chess Club.

11/12/2021
10/12/2021
FALSE: Nostradamus predicts Bongbong Marcos will lead Philippines in 2022 09/12/2021

Hinulaan lng nila ang hula n Nostradamus, fake pa lumabas!

FALSE: Nostradamus predicts Bongbong Marcos will lead Philippines in 2022 Nostradamus never mentioned 'pearl of the orient seas' in his book of prophesies. There is no historical record of anyone using that term until 1751, almost two centur...

Mobile uploads 01/12/2021

SINISIRA NG GANITONG MGA ARGUMENTO ANG FUTURE NG MGA KABATAAN:

Lately po, ang comments ng mga tumutuligsa sa posts natin ay ganito:

1) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, lahat naman ng pulitiko o nasa gobyerno ay nagnanakaw!

2) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, may nagawa naman!

3) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, hindi naman nakakulong kahit sinong miyembro ng pamilya!

4) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, na-dismiss naman yung maraming kaso!

5) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, inggit lang kayo!

6) Eh ano kung nagnakaw ang ama at ina, yung anak deserves another chance! (kahit sila ng pamilya niya ang humahawak ng nakaw na yaman)

7) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, walang kailangan na ipag-sorry ang pamilya!

Mga kaibigan, naiitindihan po ba natin na parang sa lungga ng kadiliman nanggagaling ang ganitong mga salita? Naiintindihan po ba natin na ginagawang katanggap-tanggap ang pagnanakaw sa lipunan?

Friends, masyado pong urgent ang repentance at proclamation of the truth. Very very urgent po. Lahat po dapat, gawin natin ito, wala pong exempted. Salamat po.

๐Ÿ”QUICK GUIDE PARA ITAMA ANG FAKE NEWS NA WALA DAW NAKAW NA YAMAN ANG MGA MARCOS:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=329178912352830&id=100057821720820

30/11/2021

IDINEKLARA NA PERSONA NON GRATA O BANNED SA SWITZERLAND SI FERDINAND MARCOS SR. AT ANG KANYANG BUONG PAMILYA

Makamandag ang epekto ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga institusyon ng iba't ibang bansa. Sinisi ng marami ang US sa matagal nitong pagkunsinti kay Marcos sa pang-aabuso niyang ginawa sa bayan. Nabulabog maging ang mga korte nila, at ang kanilang mga policies na parang naging unconditional support sa repressive regimes gaya ng kay Marcos, ay kinailangang i-revise. Dinagdagan ng human rights at anti-corruption elements ang kanilang foreign policy dahil sa leksyon mula sa Marcos regime.

Napaso din ang Japanese government. Nagkaroon sila ng political crisis nung nabulgar ang sistema ng pagkokotong ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga Japanese corporations. Ang mga corporations kuno, na ma-aawardan ng infrastructure development contract sa ilalim ng Japanese Reparation Fund para sa World War II damage and death ng mga Pilipino, ay hinihingan ni Marcos ng 15% commission. Idinedeposito naman ang kotong na ito sa HongKong branches ng secret Swiss bank accounts ni Marcos. Tinawag tuloy ang season na iyon as the season of the Marcos Diet (Japanese Parliament) dahil hiyang-hiya ang gobyerno sa malawakang pagnanakaw ni Marcos sa pera ng mga Hapones, na pang-repair sana ng relasyon ng mga Hapon sa napinsala nilang mga Pilipino. Kalahating milyon ang namatay sa giyerang iyon. Naipost na natin ito dati.

Sino namang mag-aakala na pati ang Switzerland, ay tatanggihan ang anumang association with Ferdinand Marcos Sr., eh sila ang pasimuno ng secret banking na gustong-gusto ni Ferdinand at Imelda? Hiyang-hiya ang mga Swisso sa krimen na nagawa sa mga Pilipino ng kliyente nilang si Marcos.

Kaya't nung sinabi ni Marcos na gusto niyang lumipat mula sa Hawaii at manirahan sa Switzerland noong 1986, ang sinabi ng gobyerno nila ay: No Way!

Nagkagulo ang Swiss government at banking sector nung nagkabistuhan na ginamit sila nang husto upang ikubli sa mga Pilipino ang ninakaw na mga yaman ng mga Marcos. Bago ito ay na-ban din ng Switzerland ang isa pang diktador na si Haiti dictator Jean-Claude Duvalier.

Basahin niyo po ang announcement na ito na PERSONA NON GRATA si Ferdinand Marcos, Sr. at ang kaniyang buong pamilya sa Switzerland.

May kinalaman kaya ang pagtakbo ni MARCOS, JR. BILANG PANGULO SA ENTRY BAN NA ITO O ANUMANG REMAINING RESTRICTIONS O ISSUES NG PAMILYA MARCOS WITH THE SWISS GOVERNMENT AT SWISS BANKS? NA-LIFT NA BA ANG FREEZE ORDER NG SWISS GOVERNMENT SA LAHAT NG ACCOUNTS NILA? Parang wala tayong nababalitaan from our government on that score.

TANDAAN PO NATIN, SA ILALIM NG ANTI-ILL-GOTTEN WEALTH LAW, WALANG TIME LIMIT O PRESCRIPTION ANG PAGHABOL NG PILIPINAS SA ILL-GOTTEN WEALTH.

-------------

๐Ÿ” MARCOS NOT WELCOME IN SWITZERLAND
https://www.upi.com/Archives/1986/11/20/Marcos-not-welcome-in-Switzerland/4818532846800/?fbclid=IwAR0aK1H1yhCIdnZu5YDGR6k9jjpf5bfxfpIkeEoenmDyFpA8dsRWHT0ADjE

๐Ÿ” REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY
PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE
PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955https://www.ombudsman.gov.ph/docs/republicacts/Republic_Act_No_1379.pdf

29/11/2021

Malapit na po ang pamaskong handog....Dec 12 na po yan. magparegister na po at 50 players ang magkakapremyo! Handog ng SUNDAYS River-watered Rice!
Eto po registration procedures:
1. Pay the registration fees thru Gcash of Juancho Caunte - 09155844472 (Rosauro C.) Then go to the Lichess link 2. Join the Team: United Filipino Chess Players, wait for the approval 3. Once approved, join the tournament proper by using the password given to you after payment of registration fees.

COME AND JOIN
Open to ALL chess players regardless of political affiliation and beliefs.
PAMASKONG HANDOG NG CHESS PLAYERS FOR LENI SPONSORED BY SUNDAYS RIVER-WATERED RICE
AN ONLINE TOURNAMENT AT LICHESS PLATFORM
ON DECEMBER 16, 2021 AT 7:00 PM (5 + 3) ; 7 ROUNDS SWISS SYSTEM OR MORE
DEPENDING ON NUMBER OF ENTRIES

Tournament Link: https://lichess.org/swiss/GOiScyUU

Registration Fees:
*2300 and above and titled players P 200.00
BELOW 2300 150.00
LADY, KIDDIES, STUDENTS
P 100.00
PAYMENT OF REG FEES ARE THRU GCASH OF TREASURER JUANCHO CAUNTE (09155844472- Rosauro C.)
* current lichess rating will be used.

PRIZES AT STAKE: 50 players will receive prizes at stake with total prize of P20,000.00
20 MAJOR PRIZES :
1ST : P 3,000.00
2ND: P 2,000.00
3RD : P 1,000.00
4TH to 10TH P 600.00 each
11TH to 20TH P 500.00 each


30 CONSOLATION PRIZES:
10 CATEGORIES (with 3 prizes) FOR EACH CATEGORY:
1ST: P 300.00
2ND : P 150.00
3RD : P 50.00
Titled players are not entitled to category prizes.
TOP SENIOR: 55 YEARS OLD AND ABOVE
TOP JUNIOR: 15 YRS OLD UP TO 20 YRS OLD
TOP KIDDIE: 14 YRS OLD AND BELOW
TOP LADY
TOP 2300 : (2201 โ€“ 2300)
TOP 2200: (2101 โ€“ 2200)
TOP 2100 : (2001 โ€“ 2100)
TOP 2000 : (1901 - 2000)
TOP 1900 : (1801 - 1900)
TOP 1800 : (1800 AND BELOW)

25/11/2021

selfie with Altty Alex Lacson who is deserving of my vote for Senator!

17/11/2021

Ngano si Leni man?
1. Labing daghan nahimo karong panahon sa pandemya.
-Bisan kaadlawon, siya mismo ang motubag sa mga mangayo og tabang. Daghan proyekto: libre nga sakay, bakuna, covid test, internet og tutor para sa mga estudyante, ayuda, PPE sets para sa mga doctor ug nurse, dugang nga negosyo sa mga namaligya sa merkado, website para sa mga nangitag trabaho ug uban pa.
2. Sa panahon sa bagyo ug katalagman, nanguna siya pirmi ug lihok para hinabang sa mga naigo sa kalamidad. Taal, Rolly, Ulysses, Maring โ€“ naa sya.
3. Sa wala pa mahimong pulitiko, gitabangan niya ang mga kabus. Uban ani ang mga mag-uuma sa Sumilao. Abogada nga nitabang ug wala nagpabayad sa mga babayeng giabusohan, lumad, mag-uuma ug mangingisda sa hilit nga dapit.
4. Nidapig sa mga inosentent nga gipatay, ug wala moluhod bisan sa dihang siya gidaugdaog ug giabuso tungod niini.
5. Dili kawatan. Gi-audit sa COA โ€“ pinakataas nga ratings sa tulo ka sunud-sunod nga tuig. Bise Presidente pero nagpuyo gihapon sa gamay nga condo. Gipadako sa husto ug way luho ang mga anak.
6. Ligdong ug dili bastos. Limpyo sya. Mapasigarbo nato siya tupad sa mga namuno sa ubang nasod.
7. Wala ta gibaligya sa China. Samtang ang uban nangagpas sa pagsakmit sa China sa West Philippine Sea, siya ang adunay labing klaro nga baruganan: Ato ang ato.



https://www.pna.gov.ph/articles/1148520
https://cnnphilippines.com/news/2020/11/18/duterte-hits-robredro-typhoon-efforts.html?fbclid
https://www.manilatimes.net/2016/04/13/news/top-stories/sumilao-farmers-choose-leni/255921
https://www.reuters.com/article/us-philippines-drugs-robredo-idUSKBN16M0WM
https://www.manilatimes.net/2021/06/29/news/robredos-office-gets-highestcoa-rating-for-3rd-straight-year/1805072
https://twitter.com/inquirerdotnet/status/1441399816060223495
https://ph.news.yahoo.com/vp-leni-robredo-reacts-china-104331881.html

10/11/2021

Sa awa ng Diyos, iskolar po ako simula hayskul hanggang kolehiyo. Trabaho sa araw, aral sa gabi, para makapagtapos ng abogasiya.

Nasuspend po ako noong ako ay 4th year high school dahil pinangunahan ko ang isang campus protest. Pero hindi ko po pinagsisisihan na ipinaglaban noon ang karapatan ng aking kaklase dahil sa pang-aabuso at hindi makatarungang pagtrato sa kanya.

Basta nasa tama, dapat po nating ilaban.

10/11/2021

TIMELINE NG PANTASYA UKOL SA YAMAN NA IPAMIMIGAY NG MGA MARCOS

Binubudol-budol po ang mga Pilipino para pagtakpan ang pagnanakaw ni Ferdinand at Imelda Marcos sa dami ng fake news na ipinakalat ng supporters nila sa socmed. Dahil dito, nalito ang marami at nag-isip na baka si Marcos pa nga daw ang nagpondo ng mga projects sa Pilipinas, at umaasa na ibabalik ang yaman nila at ipamumudmod sa taumbayan, lalung-lalo na sa mga supporters ni Bongbong.

Basahin lamang po ang timeline na ito, buksan ang links, at kaagad ninyong maiko-conclude na budol-budol lamang ang ginawa para pagtakpan ang napakalaking kasalanan ng mga Marcos sa bayan na dahilan kung bakit tayo naghihirap hanggang ngayon.

โ–ช๏ธ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ-๐—ฆ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ

Mayroong mga ikinalat na fake news na ang Tallano Royal Family daw ay ang mga kamag-anak ng mga European royalty na nagmamay-ari ng buong Pilipinas, kasama na ang Spratlys at Sabah. SOBRANG FAKE PO ITO. Lahat ng historians ng Pilipinas, at ang mismong history book na approved ni Marcos ay nagsabing mga hiwa-hiwalay na mga barangay na may datu o pinuno ang naninirahan sa Pilipinas noon. Lahat ng historians ay nagsasabi na walang isang naghahari o nagmamay-ari ng Pilipinas. Ang fake news ng Tallano family po ay kumakalat sa internet bilang Youtube video.

โ–ช๏ธ๐—•๐—ถ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—๐˜‚๐—บ๐—ฝ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€

Kasama po ito ng pekeng kwento tungkol sa Tallano family. Dahil daw sa laki ng kaso ng lupa na naipanalo ni Marcos bilang abugado, binigyan siya ng 7,000 tons of gold ng Tallano family. Imposible po ito:

(1) wala pong ganung kalaking gold ang sinumang pamilya sa Pilipinas, napasinungalingan na po iyang Tallano gold ng maraming experts sa gold production;

(2) ang titulo sa lupa noon ay maaari lamang ibigay ng Spanish government, then later, ng American authorities, kaya hindi maaaring manggaling sa Tallano family;

(3) Si Marcos po ay kumuha ng bar noong 1939, at maaari lamang mag-practice ng abugasya noong 1941, matapos siyang ma-acquit sa Nalundasan murder charge. So, hindi probable na may ibinigay na malaking kaso sa kanya noong 1940โ€™s;

(4) Giyera na noong 1941-1945, kaya wala nang court trials na maaaring maglitis ng ganitong kaso. Obvious po na fake, ano?

โ–ช๏ธ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฐ๐Ÿต โ€“ ๐—™๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐— ๐—ฒ๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ

May kumakalat din na fake news na noong 1949, si Marcos at ang isang Fr. Antonio Diaz ang two richest men in the world. Naku po, 32 years old lang po si Marcos noon, at katatapos pa lamang niyang magsilbi bilang abugado ng pamahalaan for 3 years, kung saan mababa ang sweldo. Ito po ang simula ng kaniyang unang term bilang kongresista, at hindi po siya kilalang napakayamang kongresista. Wala pong maaaring panggalingan ng yaman si Marcos sa panahong iyun. Kahit saliksikin niyo pa ang lahat ng credible na listahan ng mga richest people in the world, wala si Marcos doon. Ang meron ay isang pekeng website na hindi natin alam kung sino ang nag-set9up. Hindi po madaling mapa take-down ang fake website. Kailangan po ng matitinik na forensic investigators para mai-take down ito, ngunit malinaw po na ang prino-promote nito ay ang pantasya ng origin ng yaman ng mga Marcos, at ang pangakong ipamamahagi ang yaman ni Marcos, at paniwala ng marami, kung mananalo si Bongbong sa pagkapangulo.

โ–ช๏ธ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿฐ โ€“ ๐—™๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐˜„๐—ถ๐˜€๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐˜€

False po ang sinasabi ng isang vlogger at isang blogger na in 1954, ay nagbukas si Ferdinand at Imelda Marcos ng secret bank accounts. In 1954, 37 years old pa lang si Marcos, hindi nakikitaan ng nakakalulang yaman. Bagong kasal po sila at walang travel history sa Switzerland kung saan sinasabing nagbukas sila ng secret bank accounts. In fact, ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฏ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ, ๐—ถ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ป๐—น๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿด, ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐˜†๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—บ๐—ฒ๐—น๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—บ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐—ฅ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ ๐—ฆ๐˜„๐—ถ๐˜€๐˜€ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐˜€.

Malinaw na gustong i-sanitize o pabanguhin ng vlogger at blogger na ito ang mga Marcos, para kunwari, napakayaman na nila bago pa mag-presidente si Marcos at hindi sa pangungulimbat nakuha ang kanilang nakaw.

โ–ช๏ธ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿฑ โ€“ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐—œ๐—น๐—น-๐—š๐—ผ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ป ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต

Dito unang isinabatas na idedeklara na ang assets ng isang public official na nakitang hindi proportionate o walang pinanggalingang lehitimong source gaya ng sweldo at ibang assets na lehitimo, ay idedeklara na nakaw na yaman. So applicable na po ito kay Congressman Marcos. Kaya nung naging effective na ito nung 1955, dapat sa susunod na deklarasyon ni Marcos, ay naghayag na siya ng kaniyang totoong yaman. Ang penalty po nito ay ang pag-forfeit ng assets sa pamahalaan, wala pong kaakibat na pagkakakulong. Ang penalty of imprisonment po ay sa nagta-transfer o tumatanggap ng ill-gotten wealth.

โ–ช๏ธ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿฑ โ€“ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ข๐—ฎ๐˜๐—ต ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ต๐—ฃ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜๐˜€ ๐—ผ ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—œ๐—บ๐—ฒ๐—น๐—ฑ๐—ฎ

Noong 1965, pag-upo niya bilang pangulo, nag-deklara si Marcos under oath na PhP 120,000 lang ang total na yaman niya. Simula po noon until 1985, wala ni katiting na sinabi siya tungkol sa ginto, lupa o Swiss accounts na pinanggagalingan ng lehitimong yaman niya. At wala rin po ni isang paliwanag na ibinigay si Imelda o ang mga anak ukol sa nakakalulang yaman nila.

โ–ช๏ธ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿฑ - ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿด๐Ÿฑ โ€” ๐—จ๐—ฆ๐—— ๐Ÿฑ ๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜€๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—š๐—š.

Hindi po galing sa 7,000 metric tons of gold ang nakaw na yaman ng mga Marcos, per Salonga. Kundi galing sa pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Basahin nyo po ang paliwanag ni Senator Salonga sa earlier post ko kung paano nagnakaw si Marcos. Panoorin nyo rin po ang maikling video na galing po sa isang expert group na nagpapakita kung gaano kadami ang 8,000 tons of gold, na total gold reserve ng US Federal Government. Kaya po imposible ang claim na may 7,000 tons of gold si Marcos. Ano sya, kasing yaman ng US government? May video link po sa baba na 8,000 tons of gold lang ang pag-aari ng US government. Sobrang budol-budol po yan.

โ–ช๏ธ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿญ โ€“ ๐—ฃ๐—ต๐—ฃ ๐Ÿญ๐Ÿณ๐Ÿฐ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ-๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฃ๐—ต๐—ฃ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ-๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€

Ano po ang resulta ng paghahabol ng nakaw na yaman sa mga Marcos? Meron na pong mga nabawi, sabi ng PCGG totaling PhP 174 billion na po:

โžก๏ธ Idineklara ng Korte Suprema na nakaw na yaman ang hindi maipaliwanag na assets na hawak ng mag-asawang Marcos beyond USD 304,372.43.

โžก๏ธ Nangumpisal ang hindi bababa sa 12 cronies o kasabwat ni Marcos sa pangungulimbat nila o pangnanakaw sa bayan gamit ang utos at awtoridad ni Marcos;

โžก๏ธ Nai-surrender mismo ni Gng. Marcos sa pamahalaan bilang settlement sa isang Hawaii case;

โžก๏ธ Na-sequester na specific assets at hindi naipakita ng napagkunan ng assets na iyon na lehitimong kanila at hindi nakaw sa bayan;

โžก๏ธ Nahatulan ang mga assets na kabahagi ng nakaw na yaman.

Sabi po ng PCGG naibigay na ang assets na ito sa:
(a) farmers under the Comprehensive Agrarian Reform Program;
(b) human rights victims, at
(c) Coconut Levy Trust Fund. Sabi po ng Human Rights Victimsโ€™ Claims Board, nag-award na sila ng compensation sa 11,103 human rights victims, at marami pang hindi natapos ang pag-proseso. Ang present PCGG po ay under kay Pangulong Duterte.

------------------------------

Ito po ang mga links ng paliwanag ko sa mga bagay na iyan:

๐ŸŽฅ US Government owns only 8,135 metric tons of gold as of 2012.
https://youtu.be/kSWiMUL3c2g
(Excerpt from the video "ALL THE GOLD IN THE WORLD" by Junius Maltby.)

โ–ช๏ธAng paliwanag ni Senator Jovito Salonga sa U.S. Government ukol sa lehitimong income ni Marcos
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=304041441533244&id=100057821720820

โ–ช๏ธ2021 PCGG report (Duterte Presidency na) on recovery of Marcosโ€™ ill-gotten assets from 1987 to 2021, at saan napunta:

โœ”๏ธend-2020:
https://drive.google.com/file/d/1-lnDpi1Zb5yDn9djc9j-2krjxZxAPVXx/view?usp=sharing

โœ”๏ธFreedom of Information https://www.foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbnQiEVBDR0ctMTcxODU1MjUzMDk5DA

โ–ช๏ธList of cronies
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=315961793674542&id=100057821720820

โ–ช๏ธMga Supreme Court final decisions na nagsabing may nakaw na yaman ang mga Marcos:

โœ”๏ธ2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/48708

โœ”๏ธ2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/54791

โœ”๏ธ2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/62728

โ–ช๏ธPrevious posts ko tungkol sa fake Tallano gold story:

โœ”๏ธTotoo po ba na may Tallano family, na King ng Maharlika, na nagbigay ng mga lupa at ginto kay Ferdinand Marcos Sr. na ugat ng yaman ng mga Marcoses? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=303003154970406&id=100057821720820

โœ”๏ธPaano po ba nagkakaroon ng titulo ng lupa sa Pilipinas? Posible ba yung kwento ng Marcos gold mula sa mga Tallano?
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=304178131519575&id=100057821720820

โ–ช๏ธScreenshot of page 398 of Senator Salonga's book:
https://drive.googleyu.com/file/d/1SvkuS189Ad1NFRrsSrFIsnPcAjOVSDly/view?usp=sharing

https://duckduckgo.com/?t=ffab&q=salonga+the+quest+for+marcos+ill+gotten+wealth&ia=webhttps://

www.rappler.com/business/pcgg-runs-after-san-miguel-bank-of-commerce-marcos-ill-gotten-wealth

07/11/2021

Our greetings to all chess players and Kakampinks.
The organizing committee of the 2nd Chess for a Cause Tourney held on Nov 5 is grateful to all of you for the support which made the event successful. We had a record-breaking 181 participants!

The 3rd Chess for a Cause tournament scheduled on Tuesday, Nov 9, 7 pm, relies upon the needed support from all of you again with your participation, voluntary contribution, and payment of registration fees.

All the proceeds from the tournaments will finance the 200 pcs of t-shirts for giving-aways to all our active members. Hopefully, this group of level-headed people can raise the amount needed to pay the cost for labor and materials by encouraging fellow chess players to join the tournament the day after tomorrow and subsequently.

Please join the 3rd Chess for a Cause tournament on Tuesday, Nov. 9, 2021. We count on you for our support to Leni. Attached is the layout of T-shirt.

05/11/2021

Congratulations sa mga winners ng 2nd Online tournament spoonsored by Chess Players for Leni!

27/10/2021

Heto Po ang Top 10 winners sa ating 1st Online Chess Tournament! Congratulations po!

27/10/2021

KAILAN MALI ANG "FORGIVE AND FORGET"
By Maria Lourdes Sereno

1) Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan (ill-gotten wealth) ay hindi kasalanan sa mga indibidwal na Kristiyano bilang Kristyano, kundi sa Republic of the Philippines, the corporate entity trying to recover the ill-gotten wealth; the People of the Philippines whose criminal laws were violated; the poor na napagkaitan ng benefits of the money that was stolen; and the taxpayers who will continue to shoulder the loans that the Marcos government incurred dahil nilimas niya ang treasury ng bayan.

2) At dahil hindi lang po ang ilang individuals ang injured party sa malawakang pagnanakaw na nangyari, huwag po tayong presumptuous na nasa atin ang decision to forgive on behalf of everybody, na okay lang na na-deprive ang poor o okay lang na hanggang ngayon kargo pa rin ng mga young taxpayers ang utang during the Marcoses' time. Wala po sa atin ang desisyong iyan, kasi hindi naman tayo lang ang injured, maraming marami pa, hindi lang tayo.

3) Kapag pinipigilan niyo ang mga taong humihingi ng accountability sa mga magnanakaw o holders of ill-gotten wealth, kayo ay enabler in โ€œthe works of wickedness.โ€ Ayaw na ayaw ni Lord ang pagnanakaw. Ang words na ginagamit Niya: โ€œI, the Lord, love justice, I hate robbery, and every wrongdoingโ€ (Isaiah 61:8). Kapag kayo ay pumanig sa magnanakaw ay nakiki-parte kayo sa kaniyang gawain. Ano ang sabi pa ni Isaiah sa Isaiah 1:17: โ€œLearn to do good, Seek justice, Rebuke the oppressor.โ€

4) Sa Leviticus 6:1-7, malinaw ang requirement sa mga may hawak ng nakaw na yaman: (a) Isauli ang ninakaw na yaman, (b) dagdagan ng 1/4 dahil pinagkait nila sa tunay na may-ari, at (c) humingi ng tawad. May humingi na po ba ng tawad? Eh bakit hindi niyo ni-rerebuke ang dapat humingi ng tawad, bagkus pinagagalitan niyo pa ang mga gustong ituwid ang mali?

5) Naalala niyo po ba si Zaccheus? Kung may malasakit kayo sa pinagtatanggol niyong pulitiko, the best thing you can tell him is to do what Zaccheus did, return the stolen money (Luke 19:1-10).

Tandaan po natin na si Jesus was always on the side of the oppressed, rebuking those who take advantage of their power.

Ngayon, mga kapatid, it pains me to do this, but I have to. May God have mercy on you, mga kapatid, kung kayo ang nangre-rebuke at nagpapatahimik at nagpapagalit sa mga kapatid nating humihingi ng katotohanan, at ang pagpapasauli ng nakaw na yaman. I have to do this because I love you. And if I know you personally, I will deliver the same message โ€” please, do not, out of our love for Christ prevent the good work that God is doing in our country, kung saan ginigising Niya ang mga konsyensya ng mga anak Niya, binibigyan sila ng tapang at boses para gawin ang tama.

At ano ang tama? Ang hingin na ibalik ang mga nakaw na yaman sa kaban ng bayan. At ipaalala na humingi ng tawad ang mga nagnakaw lalo na ng mga napakalalaking halaga.

Mga kapatid, ibukas niyo ang mga mata niyo. Tatlong final decisions na ng Supreme Court ang nagsabing nagnakaw ang mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos sa bayan. At ang mga nakaw na yaman na iyan ay pilit na inaangking lehitimo at kanila daw ayon kay Gng. Imelda at ng tatlong anak niya kasama si Bongbong. Ito po ang exact words ng Supreme Court:

โ€œThe joint income tax returns of Ferdinand and Imelda Marcos cannot, therefore, conceal the skeletons of their kleptocracy.โ€

Ano po ang eternal implication ng inyong pagre-rebuke sa mga gusto lamang na ang tama ang manaig? For the love of Christ, pag-isipan niyo pong mabuti.

Nagmamahal, inyong kapatid.

----------------------------------
Ang liberty po ni Imelda ay hindi ebidensya na wala siyang ninakaw. Ang civil proceedings po ng 3 cases na iyan ay nagka final judicial pronouncement na that the assets in the cases ay ill-gotten o nakaw na yaman. May 7 counts of graft na convicted na si Imelda. Out on bail siya at ina-appeal pa niya sa Supreme Court.

Ito po ang links ng unanimous Supreme Court decisions finding the Marcoses holding ill-gotten wealth:

2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/48708

2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/54791

2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/62728
Ito po ang 3rd jewelry collection na na-forfeit na sa government, at mas mahal ang dalawang naunang koleksyon.

27/10/2021

Thank you to all who participated in the First Online chess tournament sponsored by Chess players for Leni. Congratulations to the winners!

Website