Muhammad Qasim's Dreams Tagalog

Muhammad Qasim's Dreams Tagalog

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Muhammad Qasim's Dreams Tagalog, Public Figure, .

Dajjal the Antichrist - Powers, Abilities. Wars & Fitna | Part 7: Muhammad Qasim Dreams Discussions 07/07/2022

L I V E D I S C U S S I O N

What is Dajjal's Identity? What Powers and Abilities will he possess? Details about the wars Dajjal will rage in this world.

10th July 2022 (Sunday) AT 8:00PM (Pakistan Time)

Our history and Islamic literature is filled with the topic of Dajjal, the most compelling fitna to come during end times, a major sign of Qiyamah. Many Islamic Scholars agree that we are very close to the end times, so then the time of Dajjal is upon us. How do we identify Dajjal? When will he come? We look at the hadiths and literature about Dajjal, the major signs about Dajjal, and we look at Muhammad Qasim's dreams about his visions and experience of Dajjal.

Every Sunday we will discuss aspects of Muhammad Qasim’s dream related to the past, present and future events.

This is part of a series of live discussions about Muhammad Qasim's Dreams. For more information visit links below.

Dajjal the Antichrist - Powers, Abilities. Wars & Fitna | Part 7: Muhammad Qasim Dreams Discussions L I V E D I S C U S S I O NWhat will be Dajjal's Identity? What Powers and Abilities will he possess? Details about the wars Dajjal ...

24/04/2022
05/04/2022

Reksyon video kay Muhammad Qasim

29/03/2022

Nararamdaman ko unti-unting lumilitaw ang katutuhanan kahit pa sa malawak na karagatan ng kasinungalingan, sabay sa pagliliwanag at pag-uusbong ng mensahe ng mga panaginip ni Muhammad Qasim.

Kahit ang kasinungalingan at kadiliman ay malakas na bagyo kung kumilos ngunit lumiliwanag parin ang katutuhanan, ito ay mangyayare sa bawat sulok ng mundo.

Halina kayo at maniwala sa mga panaginip ni Muhammad Qasim. Siya ay parang isang magandang buto na tumutubo pa sa ngayon, at balang araw ito ay magiging halaman na magbibigay ng mabulaklak na kagandahan at magbubunga ng matatamis na kasaganaan. Ang kanyang puno ay kung saan tayo ay magsisilong na magkakaisa, mapayapa, masagana at masaya.

Ang ALLAH ay kusang tutulungan si Muhammad Qasim sa pag-aayos nitong mundo. Kaawaan ng ALLAH si Muhammad Qasim dahil siya ay galing sa angkan ni propeta Muhammad(saw). Kaya matatamo ng mundo ang tulong at awa ng ALLAH

25/03/2022

Bakit nilikha ng ALLAH ang Pakistan?

04/03/2022

Mga magagandang asal na itunuro ng ALLAH at propeta Muhammad(saw) kay Muhammad Qasim.

25/02/2022

ANG GALIT NG ALLAH [12-28-2018]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim
Ang isang panaginip ni Qasim na si Allah ay nagpapaliwanag ng isang bagay sa mga muslim ngunit hindi nila ito binigyang pansin.

'Nagalit si Allah at sinabi "Qasim! Isulat mo ang aking mensahe at iparating mo ito sa mga taong ito na hindi nagbigay pansin."
"Ipapataw ko sa kanila Ang aking galit."
Si Allah ay nagsasalita sa isang galit na tono at wala akong magawa kundi isulat ang kanyang mensahe.
At Siya(Allah) ay nagsimulang magsabi "LA ILAHA ILLALLAH MUHAMMADUR RASOOLALLAH" ibig sabihin 'Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah at si Muhammad(SAW) ang Kanyang huling Sugo.
Pagkatapos nito si Allah ay nagsalaysay ng bagay na hindi ko matandaan.
Siya(Allah) ay galit at nagsalitang may boses na galit ngunit itong galit ay hindi para sa akin.
Patuloy ako sa pagsusulat tapos ang ilang mga tao ay dumating sa akin.
Kanilang napag-alaman na si Allah ay inutusan ako na isulat ang Kanyang Mensahe at patuloy ko itong sinusulat at pinaparating sa mga tao.

Ang galit at pagkayamot ni Allah ay nagpapatuloy at ako ay takot na sa pagsusulat dahil sa takot ko kay Allah.
Naisip ko, bakit kaya si Allah ay ipinasulat sa akin ang Kanyang mensahe? At ano naman ang magagawa ko, kundi ang gawin ito.

Tapos sinabihan ko ang mga tao na kasama ko na isulat ang natirang mensahe.
Sinabihan ko sila na kung ano man ang isasalaysay sa akin ni Allah "Isasalaysay ko sa inyo at patuloy n'yo itong isusulat." At Isa sa kanila ay nagsabi "Oo mabuti 'yan. Ito ay isusulat namin."
Si Allah ay pinagmamasdan ang lahat ng ito at nong handa na ang mga tao, si Allah ay nagsimulang magsalita.
Nakinig ako at sinalaysay ko ito sa mga tao. At patuloy nila itong sinusulat.

Itong trabaho ay napakaayos.
At ang galit ni Allah ay hindi para sa mga taong ito.
Nasabi ko sa aking sarili na ang mga taong ito ay masigasig na umpisahang isulat ang lahat nang ito.
Noong nakumpleto na ni Allah ang mensahe tapos nagsabi ang isa sa mga manunulat na "Ang mensahe ni Allah na isinalaysay ay napaka-mapanganib at nakakatakot."
"Ang India ay sasakupin din ang ilang bahagi ng Pakistan."
Tapos sinabi ko sa kanila "Oo, ngunit kapag tutulongan na tayo ni Allah mababawi din natin ang lugar."
Tapos nagkataon ding lumindol at ang mga pangyayare ay lumala.
At may isang kunting pagyanig na hindi namin napagtanto na ito ay kahaling-tulad pala sa hinihintay naming lindol na mangyayare. At lumitaw ang balita na 'yong mga taong kinukuntrol ang dalawang malalaking probinsya ay nasawi.

03/02/2022

GOLDEN SERVANTS [03-05-2017]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Nakita ni Muhammad Qasim ang kanyang sarili na nakaupo sa Masjid-e-nabawi (Masjid ng propeta) ﷺ

'Naramdaman ko ang napakagandang pakiramdam ng kapayapaan, alam ko na ako ay nasa dalisay na Masjid ng Muhammad ﷺ.
At nakita ko si Muhammad ﷺ na lumapit sa akin.
At nakaupo siya sa harap ko at sa kanyang mga kamay ay may apat na malalaking papel na gawa sa ginto.
Sinabi sa akin ni Propeta Muhammad(saw) sa isang napakasayang tono na "Qasim."
"Ibigay muli ang mensaheng ito sa aking ummah."
"Sinumang susuporta sa iyo ay tulad ng isang taong susuporta sa akin."
"At ang taong iyon ay makakasama ko sa araw ng paghuhukom."
"At Qasim, ibigay ang aking mensahe sa mga taong kasama mo."
"Hindi sila dapat mag-alala tungkol sa gawaing ito na ginawa nila na hindi isinulat bilang mabuting gawa."
"Hindi nila dapat isipin ang kanilang gawain bilang walang halaga."
"Anumang uri ng trabaho, kahit pa ang isang tao ay may napakaliit na bagay na nagawa, ang Allah ay hindi niya ito hahayaan na masasayang."
"Ang Allah ay magpaparami ng gawaing iyon maraming, maraming beses.
"Ito ay hindi isang ordinaryong trabaho na gagawin nila."
"Hindi nila dapat isipin na hindi ko alam ang kanilang mga pangalan at ang kanilang mga kontribusyon".
"Ang Allah ang nagsulat sa kanila sa mga papel na ito at nabasa ko ang kanilang mga pangalan at ang kanilang mga nagawa, nang paulit-ulit."
"At si Allah ay nagbigay-alam sa akin nang direkta, wala silang dapat ipag-alala."
"At sila ay makakasama ko sa araw ng paghuhukom."
"Ang mga ginintuang papel na ito na ipinagkaloob ng Allah sa akin, dadalhin ko ito sa lahat ng oras."
"At sa mga gintong papel na ito ay ang mga pangalan ng mga taong sasama sa iyo sa mahihirap na panahon."
"Qasim, ang aking tunay na Islam ay uunlad sa buong mundo."
"Sa tulong ng Allah."
"Siguraduhing ihatid mo ang mensaheng ito sa mga taong iyon."
Ako ay nakaupo doon nang tahimik na nakikinig sa lahat ng sinabi ni Muhammad ﷺ.
Gusto kong basahin ang mga pangalan sa papel ngunit hindi ko maigalaw ang mga bahagi ng aking katawan.
Hindi ko alam kung ang aking pangalan ay nan doon.'

30/01/2022

Ang kanyang panaginip tungkol sa mga lindol ay maaaring nagpapahiwatig kung ano ang kaganapan ng pandemiya ngayon.

30/01/2022

Ipinakita ng ALLAH kung ano si Dajjal (Antichrist) sa pamamagitan ng panaginip ni Muhammad Qasim.

30/01/2022

Ang paglitaw ng ganitong balita ay isang babala kapag hindi pinapakinggan ay may kaparusahan sa huli.

27/01/2022

Ang propesiya para sa prime minester at cheif Army ng Pakistan. At sa bandang huli magpapakita ang mahal na propet Muhammad(saw) sa cheif Army ng Pakistan upang patutuhanan na ang mga panaginip ni Muhammad Qasim ay totoo at ganung pangyayare ang mangyayare sa mundo.

18/01/2022

Muslim leaders and Islamic scholars, when will you be united? Don't you see this?

You... from different sects but believe in ALLAH, unite yourselves and come to listen to the dreams of Muhammad Qasim Bin Abdulkarim from ALLAH.

15/01/2022

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

subhanallahe wabimhamdihi, subhanallahil adzeem

-Allahumma Salle Ala Muhammadinw Wa Ala Aale Muhammadin K**a Sallaita Ala Ibrahima Wa Ala Aale Ibrahima Innaka Hamidum Majeed
Allahumma Barik Ala Muhammadinw Wa Ala Aale Muhammadin K**a Barakta Ala Ibrahima Wa Ala Aale Ibrahima Innaka Hamidum Majeed

14/01/2022

ANG LUPAIN BAGO ANG KHURASAN [04-2015]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Panaginip ni Muhammad Qasim:

Napanaginipan ko ang Propeta ﷺ ng ALLAH ﷻ nakipag-usap sa akin sa isang aparato na parang telepono. Sa kanyang ﷺ boses parang siya ay napakatanda na, pagod at nag-alala.
Sinabi n'ya ﷺ "Qasim, nanawagan ako sa maraming mga tao ngunit wala ni isa sa kanila ang nakinig sa akin. Ngayon pagod na pagod ako at wala na akong lakas." Sabi ko "Sabihin mo anu ang dapat kong gawin, nandito lang ako para sa iyo." Sabi n'ya ﷺ "Qasim nais kong magkita tayo, mayroong napakahalagang gagawin, maaari ka bang pumunta sa akin?" Sabi ko "Bakit hindi? Kailangan ko munang gawin ang aking passport at makakuha ng Visa." Sabi n'ya ﷺ "O sige pero gawin mo 'to nang mabilis." Nagpunta ako sa travel agency at sinabi nila na aabut ito ng 3 o 4 na buwan. Muli kong tinawagan si Muhammad ﷺ at sinabi ko sa kanya ang panahon ng paghihintay, nalungkot siya ﷺ at sabi "D'yan ka lang, pupunta ako sa'yo." Iginiit ko "Kung maghihintay ka ako mismo ang pupunta sa iyo. Ikaw ay matanda at pagod na at hindi mo na kailangang pumunta dito.’’ Sabi n'ya ﷺ "Hindi anak, ang gawaing ito ay napakahalaga at hindi dapat maantala."

Sabi ko "O sige nawa'y gawing madali ng ALLAH ﷻ sa 'yo." Pagkatapos ay nanalangin ako sa ALLAH ﷻ na gawing madali para sa aking minamahal ﷺ.

Tapos nagtungo ako sa paliparan at hinintay siya doon, nang dumating siya ﷺ ay tuwang-tuwa ako at tumakbo ako patungo sa kanya. Siya ﷺ ay masaya din, at sinabi ko "Ang ALLAH ﷻ ang nagdala sa'yo rito nang ligtas."
Sumang-ayon siya ﷺ at sabi "Ang ALLAH ay napakamahabagin."

Dinala ko siya ﷺ pauwi sa aking sasakyan. Naka-renta lang ang tirahan ko at muntikan nang maputulan ng kuryente. Siya ﷺ ay puma*ok at umupo at nagsabi: "Walang sinuman ang nakikinig sa akin, kung ang aking Islam ay mananatili sa parehong kalagayan natatakot ako na Ito ay mawala. Lahat ay abala sa kanilang sariling gawain at walang sinuman ang nag-aalala tungkol sa akin o sa aking Islam. Nais kong ibahagi mo ang panaginip na ipinakita sa iyo ng ALLAH ﷻ at ikalat ang aking mensahe sa mga tao. Dinalhan kita ng aparato kaya maibahagi mo ang mga panaginip at ang aking mensahe, at saka sabihin mo sa mga muslim na sinabi ko ito. Kahit anu pa si Qasim, siya ay kabilang sa aking ummah at hindi ko pinagkakaiba ang sinuman sa aking ummah. At huwag kayong maghati-hati sa mga grupo na sabihin ang Islam ay hindi aangat sa Pakistan kapag malapit na ang araw ng paghukom. Aangat muli ang Islam sa isang lugar, saan man, ang magandang bagay ay muling magkakaisa ang mga Muslim. Mababawi nilang muli ang kanilang nawalang katayuan. At ang Islam ay makikita sa buong mundo na iginagalang, iyan lahat ang dapat mangyare. Kaya ano ang masama tungkol d'yan?"

Sumagot ako na ‘’Gaano man kahirap o mapanganib ang gawaing ito ay gagawin ko ito sa awa ng ALLAH ﷻ" Nang marinig ito, labis na kaligayahan sa basang mga mata ni Muhammad ﷺ, niyakap niya ako na nagsasabing "Naniniwala ako sa ALLAH ﷻ na hindi ka tatanggi."

Siya ﷺ ay huminga ng malalim at nagpasalamat sa ALLAH ﷻ pagkatapos sinabi niya "Qasim may isang mapa sa kahon na ito, sa lupaing iyon kapag itinayo mo ang tunay na lungsod ng Islam sa awa ng ALLAH ﷻ tatawagan kita na pumunta ka sa akin at sasabihin sa iyo kung ano ang susunod na gagawin."

Sinabi ko sa kanya ﷺ "Huwag ka nang mag-alala ngayon, magpahinga ka na, akin na ngayon ang gawaing ito at gagawin ko sa awa ng ALLAH ﷻ, InshaAllah." Tapus ipinagdasal niya ﷺ sa ALLAH ﷻ ang aking tagumpay.

Tapus naisip ko "Ang ALLAH ﷻ lamang ang makakatulong sa akin ngayon. Imposibling gawin 'to na wala ang tulong ng ALLAH ﷻ." Kaya sabi ko "Bismillah" at inumpisahan ko na ang aking gagawin."

Binuksan ko ang kahon at may laman itong isang tablet na uri ng aparato, may isang mapa at may isang mensahe galing kay Muhammad ﷺ at mayroon din dito ang mga panaginip ko na ibahagi sa mga tao.

Pumunta ako sa mga leader ng mga muslim kasama ang mensaheng ito, pinagtawanan nila ako at kanilang sinabi "Qasim umalis ka at gumawa ka ng ibang bagay at huwag mong sayangin ang uras namin." Nalungkot ako nito ngunit sinabi ko, "Hindi, nangako ako kay Muhammad ﷺ na gagawin ko ang trabahong ito."

Tapos binuksan ko ang mapa upang makita ang khurasan at ang guhit ng isang lupain sa silangan ng khurasan na parang Pakistan.

Tapus meron itong note na nagsabing "Kapag malapit na ang araw ng paghukom, makikita n'yo ang totoong Islam ay lalaganap mula sa lupain bago ang khurasan, makiisa kayo dito kahit pa na gagapang kayo na nakayapak sa mga bulubundukin basta't makakarating doon"

Tapus nakatanggap ako ng mensahe galing sa isang tao, detalyadong nakipag-usap sa akin ngunit hindi n'ya ako maintindihan ng malinaw, sinabihan ko s'ya "Pumunta ka sa bahay ko ipapakita ko sa iyo ang isang mapa." Lumapit siya at sinabi niya "Oo nabasa ko sa isang Hadith na hindi ito ang lupain ng khurasan ngunit ito ang lupain bago ang khurasan. At kung totoo iyon kung gayon ang army ng mga itim na watawat ay ang Pakistan Army." Tapus sabi ko "Oo ang Pakistan Army ay ang pinakamahusay na army sa buong mundo dahil pinupuksa nila ng isa-isa ang mga terorista."
Tapus sabi n'ya "Kailangan nating iparating ang mensaheng ito sa Army ng Pakistan, kailangan nating iligtas ang huling kastilyo ng Islam." Sumang-ayon ako at sabi ko "Kailangang gawin natin ito kaagad." Sabi din ni Muhammad ﷺ "Ang nakabasa ng aking mensahe dapat ibahagi sa iba"

Tapus, sumali sa amin ang mga tao at nagsimula kaming magtrabaho sa pamamagitan ng pagbuo ng mga grupo. At ang iba ay nagpalaganap ng mga panaginip at ng mensahe ng pabilisan. At sila ay nagpalaganap sa buong mundo sa awa ng ALLAH ﷻ.

At pagkatapus, ang malalaking tao ay nagsabi "Dapat naniwala kami sa iyo noon." Sinabi ko sa kanila "Kung hindi lang maawain ang ALLAH ﷻ at hindi kami tinulungan, hindi namin kailaman magagawa ito."

(Dito Nagtapus Ang Panaginip)

13/01/2022

KADILIMAN TUNGO SA LIWANAG
[03-2015]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Panaginip ni Muhammad Qasim:

Ako ay nasa aking lumang tahanan at ang lahat ay wasak at walang ilaw. Sabi ko ‘’Siguro nakasulat na sa tadhana ko ang mabuhay sa kadilimang ito magpakailanman?’’ Ngunit pagkatapos ang Allah ﷻ ay nasa kanyang trono at nagsabing "Qasim hanggang kailan ka mananatiling mamuhay sa kadiliman na ito? Lumabas ka sa iyong tahanan at hanapin ang lugar ng Aking Awa at mga Pagpapala. Isang Lugar na walang kadiliman at kalungkutan." Agad akong umalis sa aking bahay nang may kaligayahan, iniisip ko na ‘‘Napakabait ng Allah ﷻ na siya ay dumating upang kunin ako sa kadilimang ito."

Naglakbay ako ng kaunting distansya hanggang sa nakita ko ang walo o sampung gutom na malalaking leon na umuungal, tumakbo ako pabalik sa aking bahay na takot na takot at sinara ko ang pinto sa likod ko. Nagreklamo ako kay Allah ﷻ at sinabi niya ‘’Maniwala ka sa Akin walang isa sa kanila ang makasakit sa iyo.’’

Tumingin ako sa labas ng bintana naghanap sa mga leon, may lumitaw na tatlong nakakatakot na a*o na tumatakbo patungo sa bintana na tahol ng tahol. Napabalikwas ako sa aking likuran habang papalapit ang mga a*o. Humampas ang mga a*ong iyon sa metal na harang sa bintana at nawalan sila ng malay.

Umupo ako sa sulok ng dingding na nagrereklamo kay Allah ﷻ sa pamamagitan ng pagdududa sa kanyang naunang sinabi. Nagalit ang Allah ﷻ at hinampas ng kidlat ang mga a*ong iyon, at doon sila namatay.

Sinabi ng Allah ﷻ "Qasim, sundin mo man ang aking utos o mamuhay sa kadilimang ito magpakailanman, at magtiwala ka sa Akin, poprotektahan kita at gagawin kitang maabot ang iyong kapalaran, at Qasim, Ako ay Makapangyarihan sa lahat sa Aking ginagawa."

Umalis na ang Allah ﷻ at nanatili akong nakahiga doon at nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin, tapos naisip ko, 'Kahit anong gawin ko, makakarating pa rin sa akin ang kamatayan, mas mabuti pang mamatay ako sa labas kaysa mamatay sa kadilimang ito, at nangako ang Allah ﷻ sa akin ng proteksyon at tagumpay kaya dapat akong magtiwala sa Kanya ﷻ. Kaya binigkas ko ang pangalan ng Allah ﷻ at lumabas ng bahay na takot na takot. Hinayaan ko pang nakabukas ang pinto para madali akong makapa*ok pabalik. Dahan-dahan akong lumabas sa sobrang pag-iingat, noong una wala akong nakitang mga leon. Tapos sa unahan ay nakita ko ang nakahiwalay na bra*o ng isang leon, naisip ko kung sino kaya ang posibleng nakapatay ng ganoong nakakatakot na leon? Sa ibaba, nakita ko ang ulo ng leon tapus ang mga katawan ng leon. Nakaramdam ako ng kagaanan nang mapagtantong ang Allah ﷻ ay gumagawa ng paraan para sa akin. Pagkatapos sinimulan kong hanapin ang Allah ﷻ habang iniisip kung ano ang susunod na gagawin. Nakita ko ang isang malaking gusali at umakyat ako sa bubong nito upang hanapin ang Allahﷻ. Nakita ko ang Nur (liwanag) ng Allah ﷻ na papunta sa isang lugar at sinundan ko ito nang marating ko ang Nur, nawala ito. Ang Nur ng Allah ﷻ ay nakakaakit kaya napagtanto ko na ako ay nasa lupa na pala. Nagtaka ako kung bakit hindi ako nahulog? Kaya talagang napagtanto ko na hawak ako ng Allah ﷻ sa buong panahon.
Subra akong na-excite at tumawag ako kay Allah ﷻ "Nasaan ka?" tapos sinabi ng Allah ﷻ ang pangalan ng aking patutunguhan at sinabing ‘’Qasim, narito Ako, halika kaagad.’’ Buong lakas, tiningnan ko ang lugar na iyon sa pag-aakalang kailangan ko Siyang puntahan, tapos nakita ko ang isang malaki, kulay itim, mamahaling motorsiklo, Ako ang nagmaneho nito ngunit ang daan ay puno ng putik na nagpabagal sa akin. ‘’Maganda sana ang daan para makapagmaneho ako ng mabilis.’’ Nang sabihin ko ito, isang kulay itim na carpet na kalsada ang lumabas sa lupa at lumatag, ako ay natuwa at minaneho ang aking bike nang buong bilis na abutin ang aking destinasyon.

Ito ay isang napakalaki maganda at marangyang gusali, tumakbo ako sa loob ng may kagalakan. Ang kapaligiran ay kalmado at nakapapawi at ito ay napakapayapa. Medyo kupas ang kulay at anyo nito na naging sanhi ng kaakit-akit na parang may bagong nagpintura sa gusali. At parang ang Allah ﷻ ay muling itatag ang gusali at gagawin itong bago. Nagpunta ako sa bawat silid hanggang nakarating ako sa isang malaking bulwagan. At sa bulwagan na iyon ay ang liwanag ng Allah ﷻ. Ang Allah ﷻ ay nagsabi ‘’Qasim hindi ba't sinabi ko sa iyo na dadalhin kita rito nang ligtas?’’ Ang tugon ko kay Allah ﷻ "Tinupad N'yo ang Iyong pahayag at ipinakita N'yo sa akin ang daan. Kinuha N'yo ako sa kadiliman at dinala N'yo ako sa liwanag. Tunay na Kayo ang pinakamahusay na tagapatnubay. Ngayon ay tatapusin ko na ang natitirang bahagi ng aking trabaho bukas ng umaga, pagkatapos ay ipapaalam ko sa iyo ang tungkol sa aking pagkumpleto." Sumagot ang Allah ﷻ sa seryosong tono na nagsasabing "Qasim, kung tatapusin mo ang lahat ng iyong gawain bukas, itatatag Ko ang Qiyamah (araw ng paghuhukom) sa gabi."

(Dito Nagtapos Ang Panaginip)

13/01/2022

ANG MASJID [02-25-2015]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Ang Rasulullah ﷺ ay lumabas sa kanyang bahay pagkatapos magsagawa ng wudu para sa pagdarasal ng Asr. Siya ﷺ ay matanda na at kailangan ng isang tungkod upang makalakad. Siya ﷺ ay tumawag at nagtanong "Mayroon bang magdadala d'yan sa akin sa masjid?"
Ngunit walang tumugon at lahat ay nanatiling abala sa kanilang sariling gawain. Siya ﷺ ay nabalisa at nagsimulang maglakad patungo sa pinakamalapit na masjid.
Nang marating niya ang Masjid walang naghintay sa kanya. At natapos na ang pagdarasal, lalo siyang nabalisa at nanlumo na walang naghihintay sa Kanya. Siya ﷺ ay nagsimulang maglakad patungo sa kanyang bahay at muli ay walang nag-alok ng anumang tulong.

Katatapos ko lang gumawa ng mahirap na trabaho at natagpuan ko si Muhammad ﷺ malapit sa kanyang bahay. Siya ﷺ ay nagsabi "Qasim dumating ka sa akin nang tapos na ang pagdarasal ano pa ang silbi ngayon, walang nakikinig sa akin o nagdala sa akin sa masjid?"

Sabi ko, "Huwag kang mag-alala may malaking masjid sa unahan kung saan hindi pa nagsisimula ang pagdarasal, ano kaya kung dadalhin kita doon?" Siya ﷺ ay nagsalita sa isang malungkot na tono "Qasim hindi mo ako madadala sa malapit na masjid, kaya paano mo ako madadala sa masjid na mas malayo at makarating sa tamang oras ng pagdarasal? Wala ka ring sasakyan kaya ayos lang Qasim hayaan mo na, sa bahay na lang ako magdarasal."
Tugon ko sa kanyaﷺ "Huwag kang mag-alala kung nakarating ako dito ng mas maaga, madadala kita sa masjid sa tamang oras, at ang Allah ﷻ ay kasama natin kaya dadalhin kita sa masjid sa tulong ng Allah ﷻ"

Kaya't siya ﷺ ay nagsabi "Bilisan natin at pumunta tayo sa Masjid." Ngayon ay nag-alala ako, hindi ko alam ang daan at wala akong sasakyan. Ngayon si Allah ﷻ lamang ang makakatulong sa akin. Kaya't sinabi ng Allah ﷻ sa aking kanang tainga "Qasim dalhin mo si Muhammad ﷺ at tumakbo at dadalhin ko kayo sa masjid."

Kaya't binuhat ko si Muhammad ﷺ sa aking mga bisig at tumakbo, pagkatapos, nagsimula akong tumakbo sa hangin sa awa ng Allah ﷻ. Siya ﷺ ay napakasaya nang makita ang isang malaking masjid sa harap namin. Siya ﷺ ay nagyabang pa tungkol sa akin na nagsasabing "Ito ang aking anak na dinala ako sa masjid sa tulong ng Allah ﷻ. Ang mga tao ay tumayo para magdasal nang kami ay puma*ok at si Muhammad ﷺ ang nanguna sa pagdarasal para sa kanila.

Hindi ako puma*ok sa masjid dahil hindi ako nakapag-wudu.
Nasabi ko sa aking sarili na kung nakapag-wudu lang ako, gusto ko sanang magdasal kasami sila.

Ang masjid ay napakalaki, kaya sa oras na matapos ko pa ang aking wudu tapus na din sila pagdarasal, at kung ako ay nag-wudu bago pumunta rito, si Muhammad ﷺ ay makaligtaan ang kanyang pagdarasal.

Sa anu pang paraan ang magandang bagay ay nakarating si Muhammad ﷺ sa Masjid sa tamang oras sa tulong ng Allah ﷻ. Nagpasalamat ako kay Allah ﷻ at sinimulan kong panoorin si Muhammad ﷺ na nagdarasal.

(Dito Nagtapos Ang Panaginip)

12/01/2022

ANG PAGTITIYAGA NI MUHAMMAD QASIM [02-15-2015]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Sabi ni Muhammad Qasim:

"Isang gabi [02-15-2015] na ibinahagi ko ang aking mga panaginip sa facebook, napagpasyahan ko na bukas buburahin ko ang lahat nang aking social media account at tuluyang abandunahin ko ang gawaing ito.

Tapus sa gabing iyon napanaginipan ko ang propeta Muhammad ﷺ at nagsabi 'Qasim huwag mawalan ng pag-asa sa awa ng Allah ﷻ. Siya ay tumutulong sa iyo at ikaw ay napakalapit na sa iyong destinasyon. Qasim maghintay ka lang ng kaunti pa, ang Allah ﷻ ay kasama mo.'

Ang boses at pananalita ni Muhammad ﷺ ay subrang napakalungkot, para bang mawawala sa kanya ang lahat kung ititigil ko ang aking trabaho, hindi ko siya nakitang nag-aalala ng ganun noon."

(Dito Nagtapos Ang Panaginip)

12/01/2022

LUMILIPAD NA MAKINA
[2015]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Panaginip ni Muhammad Qasim:

May kadiliman at destruksyon sa lahat ng dako, tila ba na ang masamang bansa at naghulog ng nuclear bomb.

Ako at ang ilang mga tao ay nagnanais na makatakas mula doon.

Mayroon akong isang uri ng lumilipad na makina, may gas ito sa loob. Lahat ay puma*ok na sa loob ngunit ako ay nasa labas pa rin dahil ang gas ay hindi pa nasindihan, naisip ko na ''Baka nag-malfunction ang makina.''
Nakagawa ako ng isang bagay at lumitaw ang mga kislap ngunit napakaliit nito, pagkatapos ng 5 o 6 na kislap sa wakas nasindihan ko ang gas. Masama ang pakiramdam ko dahil sa radiation ng nuclear bomb, halos hindi ako makahinga at hirap na hirap akong manatili sa labas.

Sinamahan ko na ang iba at sinimulang paliparin ang makina, hindi ito lumipad ng maayos, sa isang punto muntikan na itong mag-crash, iniligtas ito ng Allah ﷻ sa halos huling sandali nito, pagkatapos ay nagsimula itong lumipad nang tama at sumulong nang buong bilis. Tapus sa wakas ay nakalabas na kami sa kadilimang iyon, at sa wakas ay nakita namin ang paglitaw ng araw.

Nakita ng ilang tao sa lupa ang aming makina at sinabing "tingnan, kung saan pupunta ang mga taong yon."
Sabi ng isa sa kanila, "Tiyak na pupunta sila sa isang mapayapang lugar." Lahat sila ay sumigaw na nagsabing "Isama mo kami, gusto rin naming makaalis sa kadilimang ito at marating ang lupain ng kapayapaan." Ang makina ay lumipad ng buong bilis at hindi huminto para sa sinuman mayroon lamang itong mga tao na nakaupo na sa loob bago ito lumipad, ang iba pang mga tao ay kailangang maglakad o tumakbo sa pagsunod amin sa anumang paraan upang makarating sa mapayapang lupain.
Pagkatapus, malakas ang pakiramdam ko sa awa ng Allah ﷻ na bumaba sa lupa at pinalibutan ang aming makina, ito ang nagpalipad sa aming makina nang mas mataas at mas mabilis, pinoprotektahan ng Allah ﷻ ang aming makina upang kami ay lumipad nang buong bilis, at ang mga tao ay humahabol sa amin.
(Dito Nagtapos Ang Panaginip)

26/12/2021

ANG PATUNAY NA GALING KAY ALLAH(SWT) ANG PANAGINIP [09-20-2015]
Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Sinabi ng Allah sa akin sa panaginip.
"Qasim, tulad din ng Qur'an na aking salita, at kung si satanas, ang jinn at ang lahat ng mga tao ay magsama-sama, kahit noon hindi sila nakagawa ng isang solong Ayah.
Katulad din nito.
Ang mga panaginip na ipinakita ko sa iyo, ang mga panaginip na iyon ay nilikha Ko (Allah(swt).
At kahit na si satanas, ang jinn at mga tao ay magsasama-sama.
Hindi pa rin nila magagawang lumikha ng tulad ng isa sa iyong panaginip.
At hindi kayang ipakita ni satanas ang ganong panaginip sa sinuman.
Ang mga panaginip na ito ay mula kay Allah(swt), Panginoon ng lahat ng mundo."

14/12/2021

TATLONG KASTILYO NG ISLAM [12-04-2014]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim

Panaginip ni Muhammad Qasim:

Nakita ko ang Islam ay parang tatlong makapangyarihang gusali na parang mga kastilyo, ang mga kastilyong ito ay nagpoprotekta sa Islam. K**akailan ay mahusay na tinukoy ng ALLAH ﷻ ang lahat ng 3 kastilyo sa akin, ang unang kastilyo ay ang Turkey, at ang pangalawang kastilyo ay ang Saudi-Arabia, at ang ikat'long kastilyo ay ang Pakistan. Sa lahat ng aking panaginip nakita ko na dalawa sa tatlong kastilyo ang winasak ng mga hindi mananampalataya.

Sa isa kong panaginip noong desyembre 2015, nasabi sa akin ni Muhammad ﷺ na ang huling kastilyo ng islam ay ang Pakistan. At noong [12-04-2014] ang ALLAHﷻ ay ipinakita sa akin na ang dalawa sa tatlong kastilyo ay winasak ng mga masasamang pwersa ng Illuminati ngunit ang mga muslim ay walang nagawa dito. Labis nag-alala ang mga muslim nang makita ang unang kastilyo ay winasak at bigo sila'ng ipagtanggol ito.

Labis niyanig ang mga muslim noong winasak ang pangalawang kastilyo sabi nila ''Ito na ang isang mapangwasak na pagkawala sa Islam''. Tapus nagtungo sila sa Pakistan, ang pangatlo at panghuling kastilyo ng Islam. Tapus nakita ko ang aking sarili dito.

Nakita ko ang tatlong kastilyo ay nakapwesto nang magkakasunod at ang dalawa sa kanila ay inatake ng mga kalaban gamit ang mga armas.

Sobrang kinabahan ako at gusto kong ipaalam sa mga tao ngunit walang pumapansin sa akin at tuluyan na kanilang nawala ang dalawang kastilyo.

Tapus nakita ko ang kalaban ay nagsimulang tumungo sa huling kastilyo ng Islam.
Ang mga muslim ay sinubukang tumakbo at magtago at takot na nagsisipag-takbuhan. Sinabihan ko sila "Lalaban man kayo o magtago, mapapatay parin kayo." Tapus napasyahan kong lumaban at handang mamatay habang ipagtanggol ang Islam.

Ang ALLAH ﷻ ay tinulungan ang mga muslim sa pangatlong kastilyo ng Islam gamit ang Kanyang kapangyarehan at sa pamamagitan din ng mga itim na Jet-Fighters. Sa tulong ng ALLAH ﷻ ay naipagtanggol ng mga muslim ang pangatlo at huling kastilyo ng Islam. At ang kastilyong ito ay naging matagumpay. Tapus sa tulong ng ALLAH ﷻ ang mga muslim galing sa silangan ay ipinahayag ang totoong imahe ng Islam sa buong mundo. At ang buong mundo ay naging puno ng kapayapaan at katarungan hanggang dumating si Dajjal (Antichrist).
(Dito nagtapus ang panaginip)

10/12/2021

ANG MILAGROSONG SYUDAD [02-10-2014]

Bismillah Ar-Rahman Ar-Rahim Panaginip ni Muhammad Qasim:
Nakita ko ang aking sarili na tinatapos ang napakahaba at nakakapagod na paglalakbay at pagkatapos ay narating ko ang isang lugar kung saan nakakita ako ng mataas na gusali. Umakyat ako sa isang bubong at sinabi sa aking sarili na dito ako dapat tumakbo tapos tatakbo ako sa himpapawid sa awa ng ALLAHﷻ.

Kaya tumingin ako sa buong paligid upang makita kung malinaw ba ang lahat, ngunit nang tumingin ako sa langit nalaman ko na may ilang pwersang naglatag ng lambat upang pigilan ang sinuman na lumipad. Ito ay talagang nakapanghina ng loob ko inisip ko "Ano na ang dapat kung gawin ngayon? Kung tatakbo ako sa gilid ng building na ito tapos hindi na ako makakalipad, baka mahulog pa ako dahil sa lambat na nasa itaas?’’

Tapos sabi ko sa aking sarili ''Hindi Qasim ang ALLAHﷻ ang nagsabi sa akin na poprotektahan Niya ako at hindi niya ako hahayaang mabigo.'' Wala akong ibang pagpipilian kundi tumalon at magtiwala ng buo kay ALLAHﷻ kung hindi ay hinding-hindi ako magtatagumpay.

Tapus, inilagay ko ang lahat ng aking pagtitiwala kay ALLAHﷻ at nagsimula akong tumakbo patungo sa gilid at pagkatapos ay nagsimula akong lumipad pataas. Tapos pinunit ng ALLAHﷻ ang lambat sa pamamagitan ng Kanyang Awa, kaya nagawa kong makatakas ng madali mula doon.
At pagkatapos ay nakita ko ang mga tao sa ibaba na mukhang abala sa kanilang mga trabaho, ngunit may ilang tao ang nakakita sa akin at nagsabing ''Tingnan nyo, lumilipad si Qasim sa himpapawid,'' at sinabi ng ilang tao ''Kung saan man siya patungo doon ay ang lugar na naglalaman ng awa at pagpapala ng ALLAHﷻ.
Sabi nila, ‘’Hali kayo susundan natin siya!’’, ang mga taong iyon ay iniwan ang kanilang magagandang tahanan at trabaho at nagsimulang tumakbo sa parehong direksyon na aking pupuntahan. Lumipad ako sa malayo at pagkatapos ay narating ko ang isang lugar kung saan mayroong isang napakagandang lungsod, ito ay may napaka-Advanced at napakahusay na disenyo at may magagandang arkitektura na kailan ma'y hindi ko pa nakita. May mga magagandang gusali, at mga tahanan, at maging ang mga kalye ay kamangha-mangha. Ang lungsod ay pinalamutian ng mga kahanga-hangang kulay. At maging ang mga gusali ay napakalinis. Walang salita ang makakapagpaliwanag sa kagandahan ng lungsod na iyon at hindi maiisip ito ng mga kaisipan, parang isang himala ang lungsod na ito.

Inisip ko na kung sino ang mga taong ito na ginawa sila ng ALLAHﷻ na makapagtayo ng ganong lungsod at kung gaano sila katalino at makatarungan sa sinabi ni Allahﷻ mula sa langit, “Qasim ang lungsod na ito ay itanayo mo at ng mga kasama mo, sa pamamagitan ng Aking Awa at Aking Tulong.''
(Dito Nagtapos Ang Panaginip)

Videos (show all)

Reksyon video kay Muhammad Qasim
Mga magagandang asal na itunuro ng ALLAH at propeta Muhammad(saw) kay Muhammad Qasim.