Barangay Aplaya

Barangay Aplaya

This is the official page of Barangay Aplaya, Bongabong, Oriental Mindoro. #APLAYEÑOS💚

Photos from Barangay Aplaya's post 23/07/2024

Aplaya Barangay Road Clearing Operation and Barangay Kalinisan Day for the Month of July, 2024.

Kalinisan sa Bagong Pilipinas 2024 sama-sama at tulong tulong para sa magandang bukas!

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya ay patuloy na nakikiisa sa mga programa ng Pamahalaan para sa ligtas, maayos, at magandang kalsada para sa lahat! 💚

22/07/2024

Barangay Aplaya Weather/Climate Update!
As of July 23, 2024 - 5:00 AM
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)

Yellow Warning:
Associated Hazard: FLOODING in low lying areas and near river channels

Maaaring makipag-ugnayan sa mga Opisyales at Kawani ng Barangay sa anumang ulat o pangangailangang tulong at paglikas.

Keep Safe and Dry, Aplayeños!

Source: DOST PAGASA

Photos from Barangay Aplaya's post 22/07/2024

July 22, 2024 - Tinanggap at nakiisa si Kapt. Raida Sarmiento at mga Barangay Health Workers ng Aplaya sa ginawang Distribution of BP Apparatus, Oximetry, at iba pang mga kagamitan na makakatulong at magagamit ng ating mga BHW sa pagseserbisyo at pagpapanatili ng magandang kalusugan ng ating mga mamamayan.

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya ay nagpapasalamat sa ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Malaluan-Candelario Administration at ng mga Sangguniang Bayan Members. 💚

21/07/2024

It's Back to School, Aplayeños!

Ilang paaralan na ang muling magbubukas at ilang Aplayeños na ang muling magbabalik sa kani-kanilang mga paaralan!

Maligayang paglalakbay sa Panibagong Taon ng Kaalaman at Pagkatuto!

Welcome to School Year 2024-2025! 🏫🎒

Photos from Barangay Aplaya's post 21/07/2024

July 20, 2024 - Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya sa pamamagitan ni Mayor Elgin Malaluan ay nakapamahagi ng 75 packs ng ayuda sa ilang residente ng Barangay Aplaya na naapektuhan ng labis na pagbaha.

Maraming Salamat po Mayor Elgin Malaluan! 💚

21/07/2024

Ang lahat ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Aplaya ES at mga Aplayeños ay aming iniimbitahan sa ating BRIGADA ESKWELA ngayong ika-22 ng Hulyo, 2024 ganap na ika-6 ng Umaga sa Aplaya Elementary School.

Pinaaalalahanan din na ang lahat ng makikiisa ay magdala ng mga gamit panglinis.

Sama sama tayo para sa isang ligtas, malinis, at magandang pagbubukas ng panibagong taon ng panuruan! 💚

Photos from National Prisaa Games 2024's post 20/07/2024

Mabuhay, Aplayeños!

CLICK YHE LINK BELOW AND VOTE FOR Region 4B-MIMAROPA!

Show our love and support to our very own Aplayeños and Region 4B-MIMAROPA representative for Mutya ng PRISAA 2024!

TRICIA NICOLE GARA MAGBANUA

Link below - The Voting Poll
https://www.prisaasportsfoundation.org/mutya-ng-prisaa-voting-poll/

19/07/2024

Let's show love and support to our very own Aplayeños, Mr. Louie Retorca, as he is one of the representatives of 4B-MIMAROPA at the National PRISAA in Legazpi, Albay!

Mr. Retorca will be competing for 3,000m Steeplechase final and 5,000m Run final.

Run strong, run fast, and show them what Aplaya is made of!

The Local Government of Barangay Aplaya, Bongabong, and all the Aplayeños stand behind you, believing in and supporting you! 💚

Photos from Barangay Aplaya's post 19/07/2024

July 19, 2024 - Dahil sa baha at patuloy na pag-ulan, nagbaabot ng tulong ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya sa ilang parte ng Sitio 3, Aplaya.

Isa ang sitio 3 sa bahaging Isip-Isip sa mga mabababang lugar sa Barangay Aplaya na pangunahing binabaha sa tuwing may malalakas na ulan na nagreresulta sa pagpasok ng tubig sa kanilang mga tahanan.

Patuloy na pinag-iingat ang lahat at huwag magdalawang isip na mag-ulat at humingi ng tulong pangangailangan at paglikas sa mga Kawani at Opisyales ng Barangay.

18/07/2024

Barangay Aplaya Weather/Climate Update!
As of July 19, 2024 - 5:00 AM

HEAVY RAINFALL
Yellow Warning in
FLOODING in low lying areas may still prevail and near river channels.

Maaaring makipag-ugnayan sa mga Opisyales at Kawani ng Barangay sa anumang ulat o pangangailangang tulong at paglikas.

Keep Safe and Dry, Aplayeños!

Source: DOST PAGASA

Photos from Barangay Aplaya's post 18/07/2024

July 18, 2024 - Alerto at nakaantabay ang mga Kawani at Opisyales ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya sa patuloy na pag-ulan, pataas ng tubig at pagbaha sa iba't ibang bahagi ng ating barangay.

Maaaring makipag-ugnayan sa ating mga Opisyales at Kawani ng Barangay para sa mga ulat o pangangailangang tulong at paglikas.

Patuloy na pinag-iingat ang lahat sa banta ng pagbaha, paglaki ng tubig, at mga sakit na maaaring makuha dito.

Photos from Barangay Aplaya's post 18/07/2024

July 18, 2024 - Dahil sa lagay ng panahon, nakipag-ugnayan ang Special Action Force sa Pamahalaang Barangay ng Aplaya upang tingnan ang kalagayan ng ating barangay at mga Aplayeños.

Bukod dito, nagpaabot din sila ng pakikiisa at pagbibigay tulong sa mga gawaing sa ating barangay.

Isang pagpapakita ng mabuting ugnayan ng Pamahalaang Barangay at kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at kapayapaan sa ating Barangay.

Photos from Barangay Aplaya's post 17/07/2024

July 16, 2024 - Sa araw na ito ay isinagawa ang Turn Over and Inauguration Ceremony ng Construction of Drainage Canal sa Sitio 2, Barangay Aplaya.

Ito ay dinaluhan nina Punong Bayan Elgin Malaluan, Ikalawang Punong Bayan Richard Candelario, SB Members Jayson Barcelona at Dolores De Gala, mga Kawani ng Pamahalaan mula sa iba't ibang departamento, Community Volunteers at mga beneficiary ng proyekto.

Malugod naman itong tinanggap ng mga Opisyales ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya at buong puso ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tao at opisina na naging tulay sa likod ng gawaing ito. 💚

Photos from Barangay Aplaya's post 17/07/2024

July 14, 2024 - Buong puso ang suporta at pakikiisa ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya at ang Kupunan nito sa pagbubukas at pagsisimula ng Mayor's Cup Inter-barangay Volleyball League 2024.

Isa itong pagpapakita ng mabuting ugnayan at suporta ng Pamahalaang Barangay sa mga Kabataan pagdating sa larangan ng sports at pampalakasan.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga Kabataang aktibong nakiisa at inilaan ang kanilang oras at kakayahan upang irepresenta ang ating barangay.

Patuloy natin silang panoorin at suportahan!

Follow the official page of Bongabong Sports for the game schedule and live broadcast.

16/07/2024

Let's show love and support to our very own Aplayeños, Ms. Tricia Nicole Gara Magbanua, as she quests for the title of Mutya ng PRISAA 2024 in Legazpi, Albay! 👑

Ms. Magbanua will be representing Region 4B MIMAROPA.

Wishing you success, and may you bring home the crown.

The Local Government of Barangay Aplaya, Bongabong, and all the Aplayeños stand behind you, believing in and supporting you! 💚

Photos from Barangay Aplaya's post 12/07/2024

Hulyo 12, 2024 - Patuloy ang pagsasagawa ng Voters Registration sa Barangay Aplaya sa pangunguna ng COMELEC Bongabong at Pamahalaang Barangay Aplaya.

Patuloy ang paanyaya sa mga Aplayeños na edad 18 Pataas na magparehistro at para din sa mga nais magpalipat sa Barangay Aplaya.

12/07/2024

Dahil sa init ng panahon, ang COMELEC Bongabong Satellite Registration na nasa Covered Court ay kasalukuyang iniakyat sa taas ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya.

Sa mga nais pang magparehistro magdala lamang ng xerox copy ng inyong birth certificate o valid ID.

09/07/2024

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya ay bumabati ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa isa sa ating Lupong Tagapamayapa, Mrs. Helen Rivas!

Maraming salamat sa iyong pagmamahal at serbisyo para sa ating barangay! 💚

08/07/2024

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya at mga mamamayan nito ay bumabati ng Maligayang Araw ng Kapanganakan na sama ng ating minamahal na Bayan ng Bongabong, Mayor Doc Elgin Malaluan!

Dalangin namin ang iyong masigla at malusog na katawan para sa patuloy na pagseserbisyo sa ating bayan. Ipinagpapasalamat din namin ang iyong pagmamahal at pagkalingan sa Barangay Aplaya at sa mga Aplayeños!

Mula sa Puso ng mga Aplayeños, hatid po namin ang isang mainit at masiyang pagbati sa iyong kaarawan! 💚

08/07/2024

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya ay bumabati ng Maligayang Araw ng Kapanganakan sa isa sa ating masisipag na Barangay Health Worker, Mrs. Thelma Retorca!

Maraming Salamat sa iyong umaapaw na serbisyo at pagmamahal sa ating barangay!💚

04/07/2024

Ang Pamahalaang Barangay ng Aplaya at mga mamamayan nito ay bumabati ng Maligayang Araw ng Kapanganakan kay dating Punong Bayan, Alex Enquriez! 💚

04/07/2024

Magparehistro, kabilang ka sa Pagbabago!

Para sa mga Aplayeños na nasa edad 18+ na hindi pa nakakapagparehistro, kayo po ay aming iniimbitahan sa satellite registration ng COMELEC Bongabong sa July 12, 2024 sa ating Covered Court.

Magdala lamang ng xerox copy ng inyong birth certificate o valid ID.

Ang mga Aplayeños lalo't higit ang mga kabataan ay aming kinukumbinsi na magparehistro sapagkat magiging isa sa mga requirements ninyo para sa ilang programa ng Barangay at Sangguniang Kabataan ang inyong pagiging registered voter.

Ano pang hinihintay mo? Magparehistro para Makaboto, dahil, Ikaw at Ako, Kabilang tayo sa Pag-unlad at Pagbabago!

Photos from Barangay Aplaya's post 04/07/2024

Hulyo 2, 2024 - Nagsagawa ng pagpupulong sa pangunguna ng KALAHI ang mga Kawani at Opisyales ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya katuwang ang mga community volunteers, para sa functionality audit ng ating mga proyekto.

Photos from IKAW ANG GUSTO KO's post 03/07/2024
29/06/2024

PRIDE MONTH SA BRGY Barangay Aplaya

Photos from Barangay Aplaya's post 27/06/2024

Hunyo 27, 2024 - Dumalo sina Barangay Nutrition Scholar Nelly Rada at Aplaya BHW President Sharlyn Arellano sa ginanap na gawain at pagpupulong para sa Philippines Integrated Management on Acute Malnutrition na ginanap sa Lobby ng Executive and Legislative Building ng Pamahalaang Bayan.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng Municipal Health Office na dinaluhan ng mga BNS at BHW mula sa iba't ibang mga barangay sa Bongabong, layunin ng gawaing ito na bigyan ng pansin at tugon ang problem ng ating pamayanan sa malnutrisyon.

Photos from Barangay Aplaya's post 27/06/2022

Ang pusa na nasa larawan ay alaga ni Ma'am Gay Sevilla mula sa Zone 2, Aplaya at itinuturing na bilang isang pamilya. Ang pusa pong ito ay nawawala, ilang araw na po ang nakalilipas at patuloy pong hinahanap.

Ang may alaga po ay nakikiusap sa ating mga kabarangay o sa mga naaabot ng post na ito na kung sakaling makita ang pusa na nasa larawan ay agad na makipag-ugnayan kay Ma'am Gay Sevilla, sa ating Pamahalaang Barangay o magchat sa ating page upang ito ay maibalik.

Ang anumang tamang impormasyon tungkol sa pusang ito ay malaking tulong.

Handa pong magbigay ng reward o pabuya si Ma'am Gay Sevilla sa sino mang makakapagbalik ng kanyang alagang pusa.

Maraming Salamat po!💚

26/06/2022

ABANGAN MAMAYA‼️

Ipakita ang galing at suporta, Aplayeños!

Mayor's Cup 2022

June 26, 2022
•2nd Game 6:00PM
Brgy. Aplaga vs Brgy. Sagana

📌 Municipal Gymnasium
Bring your Vaccine Card
Wear your Facemask

24/06/2022

Bilang isang Coastal Barangay sa Bayan ng Bongabong, ang Pamunuan ng Barangay Aplaya at nasasakupan nito ay nakikiisa sa paggunita ng Basaan Festival o mas kilala bilang San Juan.💦

Ang Dalampasigan at Dagat ng Barangay Aplaya ay bukas para sa mga nais maligo at mamasyal ngunit may mga alituntuning kailangang sundin:
•Panatilihin ang pagsunod sa ating mga health and safety protocols.
•Pinagbabawal din ang pag-iinom ng mga inuming nakakalasing sa tabing dagat.
•Iwasan ang pagkakalat, pagtatapon ng basura sa kung saan saan o pag-iiwan nito sa dagat at dalampasigan. PANATILIHIN ANG KALINISAN.
•Iwasang maghatid ng gulo, kapahamakan at kaguluhan sa tabing dagat at sa nasasakupan ng Barangay.
•MAKINIG at SUMUNOD sa mga alituntunin ng Pamahalaang Barangay ng Aplaya.

Ang mga Barangay Officials at mga Kawani nito ay magbabantay upang mapanatili ang pagsunod sa mga alituntunin at pagpapanatili ng seguridad ng lahat.

Bukas din ang ating Pamahalaang Barangay para sa anumang reklamo, sumbong, emergency, katanungan at iba pa.

Maraming Salamat po!💚

Videos (show all)

PRIDE MONTH SA BRGY Barangay Aplaya
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of FatimaBuhay sa Baybay, Lakas ng BarangayBarangay Aplaya presents SAGALAH...
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of Fatima"Buhay sa Baybay, Lakas ng Barangay"PAGODA 2024
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of Fatima"Buhay sa Baybay, Lakas ng Barangay"PAGODA 2024
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of Fatima"Buhay sa Baybay, Lakas ng Barangay"PAGODA 2024
Get drowned in the beauty, brains, and charisma of our contingents as they vie for the Miss Teen Pangisdaan crown. Dive ...
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of Fatima"Buhay sa Baybay, Lakas ng Barangay."MISIS PANGISDAAN 2024DISCLAIM...
Get drowned in the beauty, brains, and charisma of our contingents as they vie for the Misis Pangisdaan crown. Dive into...
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of FatimaBuhay sa Baybay, Lakas ng BarangayFun Games and Jollibee for Kids!...
Pangisdaan Festival 2024In Honor of Our Lady of FatimaBuhay sa Baybay, Lakas ng BarangayFun Games and Jollibee for Kids!...

Website