Once upon a tales and poetries
A collection of my unwritten tales and poetries.
If you ever think about falling inlove again
I hope you fall inlove with the girl whom I met 2 years ago
I hope you fall inlove
On her crinkled eyes when she smile
And the painted freckles on her cheek
Take her in amusement parks
Walk with her in empty streetlights
And tell her that she's beautiful every single day
In her darkest hours, offer your shoulder
In every mistake
Be gentle with her
Remind her—
She's still learning
I hope you fall in love with that girl
Just like how I fell in love with her
I hope you fall in love with every little piece
Just like how i fell in love with her little things
In her silent tears
I hope you fall in love with her
Just like how I fell in love with you
I hope you fall in love with her
Just like how I fell in love with her
I hope you fall in love with you
Just like how I fell in love with you.
after you find love in the mirror,
i hope love leads you back to my front door.
-Lakan
And now, I remembered why I never fell inlove but fascinated at the idea of falling inlove.
Romance has ideas and love came out from stupidity.
I am your idea.
An ideal type of what romantic looks like—
A 5 foot 7 inch guy with a brooding slick back hair,
With his arched eyebrows and intimidating stares
You had the idea of your romance
As he will hold your hand in public places
As he will laugh whenever you're throwing jokes at him
As he will comfort you through the darkest times of your life
As he will look into your eyes whenever you feel insecure
He will tell you you're beautiful
And he will kiss you under the light of the thousand stars
For you— that is romance.
And I wonder would you still recognize romance if
You're taller than him
He had a buzz cut that makes him look stupid
Or maybe he forgot to take a bath for weeks and
dark circles grew around the corners of his eye.
Would he still be the idea of romance when
He can't find the courage to hold your hand
He's not laughing nor smiling at your jokes anymore
And his world is darker than the shade you never knew
The time that he cannot find the confidence to look upon your eyes
Or the day that he forgot to tell you how beautiful you are
Would you still dare to kiss the chapped on his lips?
For you— is that romance?
Would I still be that romance?
Or maybe you love?
You answered directly,
"I'm not stupid."
By: Lakan
Napapangiti ako. Alala ko pa,
ang unang pagsipa mo sa aking tyan,
At ang paghele ko sa iyo habang ikaw'y nasa aking sinapupunan.
At nung una mong, nasilayan ang mundo,
Habang kalong-kalong kita sa aking mga braso,
Kabisado pa, ang bawat lirikong inaawit ko, kapag ipipikit mo na ang iyong mga mata,
At ang iyong matamis na ngiti,
ang una kong nasisilayan sa tuwing imumulat mo ang iyong mga mata
At ang pag-alalay ko sa una mong paghakbang, dito sa mundo.
Dumaan ang pagpintig ng orasan,
Di namalayan ang pag takbo ng nakaraan
At ngayon naman, aking nasaksihan,
Noong natuto kang maglakad, nagsimula ka ng tumakbo..palayo.
Papunta sa lugar kung saan rinig ko ang nagmistulang nakakatakot na tinig,
mga pighati at nakakapangilabot na panaghoy. Anak, huwag ka tumuloy.
Nasaan na kana?
Bigla na lamang naglaho
Sa dilim ng gabi ay nagpatianod
Sa liwanag ng umaga'y natakot, natuod.
Ako'y nasasabik na, muli kang aawitan ng iyong paboritong oyayi,
Anak. Asan ka na.
At ekasatong alas syete ng gabi, habang naghahanda ako ng hapunan, umaasang babalik ka,
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.
Tila puminta ang ngiti sa aking mga labi.
At sinasambit, ang katagang, "umuwi na ang anak ko."
Ngunit, sa pagbukas ng aking pinto.
Bigla mong binitawan ang batong hawak mo at
Dilat mata kong nasilayan, ang balang kumitil sayo mula sa malayo
Kasabay ng pagbawi ng iyong huling hininga,
Muli kitang ikinulong sa aking mga braso at ihinele sa huling pagkakataon.
Nasaksihan ko ang iyong ngiti, habang nakatingin sa akin
At binanggit ko ang huling liriko ng paborito mong oyayi'ng
nagpapatulog sayo ng mahimbing ,
Alinsabay ng pagpikit ng iyong mga mata, na di na muling mumulat pa,
Napangiti ako, at naalala ko,
Ang una mong pagsipa sa loob ng aking sinapupunan.
Nagmamahal,
Inang bayan.
Kaalinsabay ang bawat usok sa bawat paghakbang ko rito. Hindi ko alam kung bakit ako narito. Napakabaho ng amoy dahil na rin nasa tabi ako ng ilog---Ang ilog Pasig. Alas-kwatro ng hapon ngunit maalinsangan pa rin sa kalsada.
Habang tahimik ko na binabaybay ang tabi ng ilog ay nakarinig ako ng tawanan. Agad nitong napalingon ang mata ko at nakita ang nagkukumpulang tao sa isang tabi.
Dahil sa pagtataka ay pati na rin ako ay naki-usyoso at nakihalubulo sa kanila hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa pinakarurok ng atensyon. Napaurong ang aking bibig at natulala sa aking nakikita.
Isang matanda, matandang babae, matandang babaeng kalbo. Nakakasuka at ang pangit ng itsura nito. Hawak-hawak ang tungkod at iika-ika ito. Nakaramdam ako ng awa hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng pagkutya. Wala akong nagawa kundi nanatiling nakatayo. Nakatitig, walang magawa...
"Hoy NotPa! Notpa ka tanda Notpa! Saan napunta yung buhok mo? Wala na sigurong makintab sayo kung hindi ka kalbo," biglang nagtawanan ang lahat ng mga tao.
"Anak ka ng buwan!, kasi kasing liwanag ng buwan yung tuktok mo." Sabat ng isa. Muntikan akong mapahagalpak ng tawa. At sinundan pa ng kung ano-anong pangungutya. Ngunit nanatili lang na tulala ang matanda.
"Papanot panot ka k..kasi.. k...kasi....k....kasi---"
"Ehh, uwian na!"
"Edi wow."
"Ano bang pangalan mo Panot!?"pag-iiba ng tanong ng isang bata.
"I-ina...Inang kalikasan..." sagot nito.
I'm aware that april fools is over, but how about we pretend that last night you haven't called me and told me that you already moved on when I was supposed to beg on my knees and ask for one more chance at your front door?
Hey, 1.2k followers! Salamat ng marami!
As a treat, don't hesitate to dm this page and we'll make a piece dedicated for you. Please. Please. (P.s. We'll keep your name privately)
Again, thank you for dwelving inside the tales and poetries of us!
—Lakan
The Mirror knows it all
Who's the fairest of them all
The mirror knows it all
Every version of you
When nobody's around
Spin with your highest heels, love
Curtsy with your head low
You're shining more than a mirrorball
Hush
No one's here my dear
Keep dancing with your tiptoes
No one will knock up your feet
Open the closet beneath your bones
You're shining in every dress you wear
Turn around, you're the queen
Rule this kingdom in your room
Even you fell apart
Darkness won't stop you dancing
Spinning, tiptoeing at every step
On the creaks of the floor
Hush
No one knows it all
I am the mirror who knows it all
The way you spin around my dear
I am the mirror who knows it all
I know every version of you
I am the mirror who knows it all
You're the fairest of them all.
As lipbalm glows,
Red dress shining.
Silky virtual hair flows.
Beaux-gestes of yours,
You are beautiful,
Boy.
I'am your mirror,
Who accepts it all.
Saglit lang.
Hindi naman 'to magtatagal. Pakiusap, saglit lang. Siguro kumuha ka muna ng silya dyan at hayaan mong itimpla ko ang paborito mong kape na lagi nating pinagsasaluhan sa tuwing bumubuhos nang malakas ang bawat patak ng ulan dito sa kwarto ko, sa kwarto ko kung saan madalas kong sinasandal ang ulo ko sa balikat mo habang nakahiga tayo.
Hahanapin ko lang yung paborito mong tasa, yung may disenyo na kalahating-puso na binili mo para sa ating dalawa. Nakakatawa lang isipin noong sinabi mo na ako ang kalahati mo, na sa akin ang kalahati ng puso mo. Medyo kenkoy nga yun pero hindi ka nabigo na mapangiti ako sa mga banat mo.
Ipag-iinit lang kita ng tubig, saglit lang. Hindi masyadong mainit, 'di rin naman malamig, gaya ng sabi mo sa tuwing iinom tayong dalawa ng kape habang nakatulala sa kalawakan. Lagi nating ginagawa yun tuwing gabi, yung tipong pinapangalanan natin bawat pagkakahanay ng bituin. Mas lalo tuloy akong humanga sayo dahil kabisadong-kabisado mo bawat pangalan nito.
Pasensya na, masyado yatang napahaba 'tong pagtitimpla ko. Sana ayos lang yung lasa tulad ng dati, medyo nanlalabo na kasi yung paningin ko, hindi ako umiiyak, nagpapawis lang yung mata ko. 'Di ko kasi mahawakan ng maayos yung kutsara, medyo nanginginig ako sa paghalo dahil dito sa sakit na nararamdaman ko sa loob.
Sana maghintay ka, kahit na medyo nag-aalinlangan ako kung itutuloy ko pa ba na ibigay sayo yung kape. Hindi ko alam kung masasanay ako na kapag naubos mo na yung kape, tatahakin mo na yung hakbang mo papunta sa pinto. Palayo sa kwarto na pinagsaluhan nating dalawa.
Alam ko na ito na yung huling beses na ipagtimtimpla kita, ito na yung huling beses na ihahalo ko ang kutsara sa paborito mong kape--- sa tasa na huli na nating pagsasaluhan ngayong gabi. Kaya saglit lang, ipagtitimpla kita.
Diyan ka muna. ||| Lakan
You said, in everytime you stare at my eyes, it was hazel.
You said it's like staring at the stars and moon above the vast deep of ocean,
I'm drowned
With your poems and proses,
Drunked,
Under your sweetest intoxicating smiles,
Deafened,
At the loud heartbeats that I felt when you placed my hand beneath your chest,
And I was right there,
Believing
Love is blind,
And it was enough for me
That you're blindfolded for a certain time,
My Romeo.
-Lakan
Minahal ko lang naman si Eba.
Alas-dos ng madaling araw, tahimik kong binabaybay ang kahabaan ng San Juanico. Mula rito sa gilid ng tulay, dala-dala ko ang isang sako na puno ng mga pinaglumaan kong damit.
Unti-unting binabalot ng amihan ang balat ko na nagpapatayo sa bawat balahibo ko. Dinig ko pa ang tahimik na pagbulong nito sa tuwing hahaplos ito sa tubig ng dagat. Tuyo ang lalamunan ko, walang boses o salita ang kaya kong ihabi sa loob ng lalamunan ko.
Tumingin nalang ako sa kalangitan ngunit nababalutan ng ulap ang mga bituin at buwan na magsisilbi ko sanang ilaw sa madilim na daanang binabaybay ko. Tila naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng mata ko, ako lang mag-isa dito at walang maghahanap sa katulad ko.
Isinarado ko nalang ang mata ko at huminga nang malalim. Ngunit agad akong napamulat nang maramdaman ko ang isang braso ang bumalot sa akin mula sa aking likod.
At hindi ko na kailangan lumingon, alam ko ang init ng bawat bisig niya. Sa halip, mas lalo kong dinama ang yakap niya. Nawala na ang lamig na saki'y bumalot.
Muli kong nilingon ang langit, at ngayon, kita ko na ang bawat tala sa madilim na kawalan sa taas. Ako'y nalulunod sa sinag ng buwan kasama ang bawat sementong aking tinatapakan na nagmistulang pilak sa pagkinang nito dulot ng ulan na dumaan kanina.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang maramdaman ko ang halik niya mula sa likod ko. Ang sakit na kaninang nararamdaman ko ay tila naglaho nang maramdaman ko ang init niya.
Tumingin ako mula sa kinaapakan ko, at mula dito, nakita ko ang replika naming dalawa. Napakaganda niya. Ang mga mata niya ay tila isang kanlungan na matagal ko nang hinahanap.
Si Eba. Napakaganda ni Eba. Alam ko na mahal ko si Eba. At nang sa oras na minahal ko siya, ako na ang pinakamakasalanang tao sa mundo sa paningin ng aking Ama. Isa akong baliw at walang isip dahil mahal ko daw si Eba. Isa daw akong imoral dahil mahal ko si Eba.
Hindi pa rin mabura sa isipan ko nang pinaalis niya ako sa nag-iisa kong tahanan na uuwian. At ngayon, na tanging wala na akong mauuwian, kami nalang ni Eba ang nandito. Ako at si Eba.
Tila nakasulat na sa bawat balat ko ang mga husga ng mga matang nakakita sa akin. At wala akong magagawa kundi buong loob na tanggapin ang bawat isang salita na kanilang itatapon.
Si Eba lang ang gusto ko at hindi si Adan. Ano pa ba ang buhay ko kung wala si Eba?
"Akala ko ba, mabuti ang pagmamahal? Ngunit tila ang pagmamahal ko ay Imoral. May pamantayan ba sa moral at mabuting pagmamahal? Nagmahal lang naman ako, minahal ko lang naman si Eba." -- mga katagang iniwan ko bago lumapat sa pisngi ko ang latay ng sampal ni Ama. Nasisiraan na daw ako ngunit hindi ako nakinig. Hindi ko kayang mahalin si Adan. Si Eba lang at si Eba.
Patawad ama, si Eba lang ang mahal ko at magiging siya lang. Pandirihan mo man ako ama ngunit kailanman hindi mo maalis sa puso ko si Eba. Patawad ama, kung ako ang pinakamakasalanang babae sa harapan mo. Ang pinaka-siraulong babae, tulad ng sinabi mo. Patawad ama kung lumayas ako.
Dahil si Eba lang ang gusto ko.
Muli kong pinikit ang mata ko at mapait na lumuha.
Mahal kita ama, ngunit mahal ko rin si Eba.
Minulat ko ang mata ko nang maramdaman ko ang malamig na patak ng ulan sa balat ko. Dali-dali akong tumakbo at hinawakan si Eba ngunit napatigil ako.
Hawak ko ang sarili kong kamay.
Nakayakap pala ako sa sarili ko.
Ako lang pala ang nandito.
Bigla akong tumawa ng malakas, kala ko nawala si Eba. Nandito lang pala sya, kala ko iniwan niya ako.
Agaran kong hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa sarili ko.
"Tara na Eba," nakangiti kong sabi sa kanya habang nakangiti. Tumango naman ako at pumayag siya.
Dali-dali akong tumakbo sa kung saan-saan kasama si Eba hanggang sa biglang natalisod ang paa ko kaya parehas na tumama ang ulo namin sa matigas na semento. Ramdam ko ang kirot at tila pagkasira ng bungo ko ngunit hindii ko nalang ito inalinta. Mas mahapdi pa rin yung pasa na nakuha ko kay Ama.
Bago magdilim ang paningin ko, hinawakan ko si Eba. Buti naman, 'di ka masyadong nasaktan. Nakangiti akong hawak ang kamay ko habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko.
"Patawad ama, ako si Eba at ang mahal ko ay si Eba."
-Santino