MFC Couples - Bulacan

MFC Couples - Bulacan

We are an evangelistic and missionary community committed to become families empowered by the Holy Spirit to renew the face of the earth.

28/05/2024

MFC INTERCESSORY PRAYER

29/01/2024

Good evening brothers and sisters.

Let us join our Diocesan Commission on Family & Life Teaching via zoom tomorrow, January 30, 2024 at 7:30 pm.

Please see the poster for zoom meeting details.

Kindly indicate MFC Bulacan to our zoom participant’s name.

See you there! 🙏

14/09/2023

I learned to ask God not just to bless me, but also to use me as a blessing to others. It’s not always easy to be kind or to be generous, especially during our own moments of brokenness or lackness, but that’s when God’s love and strength can be magnified in us.

We can give because
we have a generous God.

We can be kind because
we have a loving God.

We can be gentle because
we have a patient God.

These days, pray to be someone else’s answered prayer. And believe that someday the blessing will come back to you. 🤍

14/09/2023

FROM THE SERVANT GENERAL

The past few decades have seen the emergence and rapid rise of cultural changes in society and the world that have impacted greatly on the lives of peoples and nations. Most of these changes are ideologies that are opposed to the Christian faith, and in fact have contributed to the decline and weakening of Christianity. Such as radical feminism, abortion as healthcare, and gender ideology. These have overturned much of what the Church has taught about the natural order of things, as established by God.

Tragically, these ideologies have infiltrated the Church herself, and worse, have been embraced by Catholics, including authorities at the highest levels. When those in the Church no longer accept what she teaches, that is the recipe for disaster. And indeed, that is what we are experiencing now.

What then are faithful Catholics to do? We must know the basics of our faith and defend them. But the foundation to be able to do this is to know that God does not change. The faith cannot be dependent on the culture of the age. We cannot look to the secular well-being of man but neglect the righteousness of God. We must look to Jesus and only Jesus.

And so for us in MFC, next year we take as our inspiration this truth from Hebrews 13:8. “Jesus Christ is the same yesterday, today, and forever.” As such, our theme for 2024 is:

“UNCHANGING GOD”

This has to do first of all with our personal relationship with Jesus Christ. Yesterday Jesus called us, touched our lives, and brought us to conversion. Today Jesus continues to pour out his grace upon us to bring us to holiness, to be more like him, to follow closely in his footsteps. And we look to forever, when at the end of time Jesus brings us into our eternal destiny, to live with him eternally in heaven.

Secondly, this is about our mission. Yesterday, from the very beginning, our calling had been evangelization founded on family renewal. Today, after over four decades, we are still focused, even more so, on these two aspects of the work given us. And looking to forever, we rest in the hope that we can bring our families and the people God has used us to touch to heaven with us.

A particular emphasis will be on our resisting the ideologies that are destroying the faith, the family and society. This includes opposing and denouncing the modernism that has arisen in our Church. Modernists have been overturning Jesus’ teachings, which just yesterday were firmly planted in the Church. Now bad is good and good is bad. Today modernists are making us accept what is wrong, such as the culture of DEATH, and to embrace such abominations as transgenderism. And they no longer look to forever, as they even deny the reality of hell and eternal punishment.

These are crucial but exciting times, as the spiritual war that rages intensifies, and the forces of evil march on. Who will resist? We as MFC are among those called. We must remain faithful to yesterday’s call, steadfast in today’s task, and joyfully looking forward to what is forever.

Photos from MFC Couples - Bulacan's post 14/08/2022
23/07/2022

Hi everyone!

MFC Obando Chapter invites all couples in their Christian Life Seminar on August 7, 2022, Sunday, 8:00 am to 5:00 pm at St. Joseph the Worker Chapel, Lawa, Obando, Bulacan.

For more details, you can contact the following:
Bro. Edgardo & Sis. Dorotea Ortega Estrellado - 09175704157
Bro. Mario Kennedy & Sis. Amy Villanueva - 09557011148
Bro. Hermie & Sis. Tess dela Cruz - 09654234974

"'Come after me and I will make you fishers of men."
- Matthew 4:19

Let us know Christ and let us bring Christ in our family.

25/06/2022

Ika-26 ng Hunyo, 2022
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAGBASA SA EBANGHELYO NG PANGINOON AYON KAY SAN LUCAS (9:51-62)
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.
Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matuluyan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”

PAGNINILAY
“Buo ang loob,” ganito ang tawag natin sa mga taong handang magtaya ng kanilang sarili sa isang bagay bagama’t may kalakip itong mga paghihirap.
Ito rin ang paanyaya ng Panginoong Hesus sa sinumang nais sumunod sa Kanyang yapak, kailangang sila ay buo ang loob. Hindi maaaring may pagdadalawang-isip ang sinumang nais na Siya ay sundan. Kaya’t kung susundan natin ang Kanyang mga yapak ay kailangang wala tayong takot at anumang uri ng pag-aalinlangan.
Paano ba natin masasabing buo ang ating loob sa pagsunod sa yapak ng Panginoong Hesus?
Magandang araw! Halina’t tayo ay mag-dasalnilay.
Una, kailangang maging handa tayong mapagod sa ngalan ng paglilingkod. Hindi kumportable ang buhay na tinahak ng Panginoon. Mas pinili Niyang maglingkod higit sa Siya ay paglingkuran. Mas pinili Niyang maging aba at pangkaraniwan higit sa maging mayaman o maluklok sa kapangyarihan. Kaya’t ang karanasan ng pagkapagod ng mga ordinaryong tao ay naranasan Niya. Sa katunayan, kahit ang magpahinga ay halos hindi Niya magawa dahil sa dami ng tao na nangangailangan ng Kanyang panahon. Subalit sa kabila ng kapaguran ay patuloy Siyang naglaan ng sarili para sa sila ay paglingkuran.
Pangalawa, kailangang maging handa tayong talikuran ang lahat para magbigay ng buong sarili sa ngalan ng paglilingkod. Ang kailangan ng Panginoong sa lahat ng nais sumunod sa Kanya ay ang kanilang buong sarili. Hindi maaaring hati ang ating puso samantalang Siya ay ating sinusundan. Hindi maaaring kumikilos tayo ng wala sa loob dahil ang puso natin ay patuloy na nakatali sa mga bagay na kinahuhumalingan natin. Hindi maaring ang ating isang kamay ay naglilingkod sa kapwa samantalang ang kabila ay nakahawak sa mga bagay na hindi natin kayang mabitawan.
Panghuli, kailangang maging handa tayong masaktan at mahirapan sa ngalan ng paglilingkod. Madalas na kinatatakutan natin ang mga paghihirap. Bagama’t matibay ang ating paninindigan na sumunod sa Panginoon subalit kung minsan ay pinangungunahan tayo ng takot dahil baka hindi natin kayanin ang sakit dulot ng mga pagdurusa na kinakailangan nating pagtiisan. Kaya’t kung minsan ay inaakala nating kulang ang ating lakas upang pasanin ang mga krus na bahagi ng pagsunod sa Panginoon. Subalit tandaan nating walang hirap na hindi natin kakayanin at walang sakit na hindi natin kayang tiisin dahil tiyak na sa lahat ng oras ay lagi natin Siyang kapiling.
Para sa ating personal pagninilay: Buo ba ang aking loob upang sundan ang yapak ng Panginoong Hesus? Ano ang mga bagay na pinagkukunan ko ng lakas ng loob upang Siya ay sundan? Ano ang mga bagay na aking kinatatakutan na dapat kong pagtagumpayan upang si Hesus ay aking masundan?

HAMON SA PAGSASABUHAY
• Kailangang maging handa tayong mapagod sa ngalan ng paglilingkod.
• Kailangang maging handa tayong talikuran ang lahat para magbigay ng buong sarili sa ngalan ng paglilingkod.
• Kailangang maging handa tayong masaktan at mahirapan sa ngalan ng paglilingkod.

PANALANGIN
Panginoong Hesus, nawa’y maialay namin ang aming buong sarili sa paglilingkod sa Iyo at sa Iyong sambayanan. Amen.

Photos from MFC Singles - Bulacan's post 13/06/2022

MFC Singles Bulacan
Christian Life Seminar

June 11-12, 2022

Sa lahat ng pagbabago na nangyayari sa mundo, ang Diyos ay nananatiling tapat at nagmamahal sa Kanyang bayan.
Biyaya ang makilala, makasama at maibahagi ang Diyos sa mundo!

Photos from MFC Couples - Bulacan's post 12/06/2022

✨ 41st MFC ANNIVERSARY CELEBRATION - ARRIBA! ✨

Arriba MFC! Arriba! Our anniversary will be a day of thanksgiving to the Lord for seeing us through the past 40 years and the past 2 years that we have been in lockdown. As we celebrate our 41st Anniversary Celebration, let's move forward and continue to carry on! Arriba!

Despite the many challenges that we faced, we know that we are still blessed beyond bounds. We will rejoice, pray and give thanks! Arriba MFC! Arriba!

Pagkatapos ng dalawang taon, magsasaya tayo at magsasama-sama ngayong Hunyo! Tayo na't magdiwang bilang ating pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos! Ito ay araw ng kasiyahan kaya tayo ay magalak!
__________

🎉 ARRIBA! 41st MFC Anniversary Celebration
June 26, 2022 | Sunday
Amoranto Sports Complex (Quezon City)
__________

Follow our social media channels for regular updates on our Anniversary festivities.

LIKE AND FOLLOW our page:
Missionary Families of Christ

SUBSCRIBE to our YouTube Channel: https://www.youtube.com/c/MissionaryFamiliesofChrist

FOLLOW our Instagram Account:
instagram.com/missionaryfamiliesofchrist

BE PART of our MFC Viber Community:
http://bit.ly/ViberMissionaryFamiliesofChrist

Together as one community, let us celebrate God's goodness and greatness in our lives. Indeed, we are BLESSED BEYOUND BOUNDS!

Mobile uploads 31/05/2022

Maraming mga nangyayari sa paligid natin na tiyak na nakakapanghina ng loob - nalulunod sa dami ng trabaho, problema sa pamilya, at kakulangan sa pera, na para bang sa araw-araw ay wala nang nagaganap na maganda.

Pero kahit anong hirap pa yan, tandaan mong lagi ka pa ring BLESSED! Punong puno pa rin ang buhay mo ng mga biyaya na galing sa Diyos! May saya sa kalungkutan, ginhawa sa kahirapan, at liwanag sa dilim!

At para mas maramdaman mong blessed ka, sali ka na sa Christian Life Seminar 2022:

This is open to all single men and women, and young professionals, ages 21 to 39.

More details in this registration link: bit.ly/feelingblessed2022

You may also contact the following for more details:

Bro. Venson - 0906-186-9488
Sis. Mara - 09301743025

Kita-kita tayo dito at sama-sama tayong maging blessed sa yakap ni Lord!

Photos from MFC Couples - Bulacan's post 21/05/2022

Kita kita po tayo bukas!

18/05/2022

Worldwide Meeting with the Servant General | Our Lady of Fatima

Worldwide Meeting with the Servant General
May 18, 2022
Topic: Our Lady of Fatima

04/05/2022

Worldwide Meeting with the Servant General | Warriors of Gideon

Worldwide Meeting with the Servant General
May 04, 2022
Topic: Warriors of Gideon

27/04/2022

Worldwide Meeting with the Servant General | The Gospel of Division

Worldwide Meeting with the Servant General
April 27, 2022
Topic: The Gospel of Division

16/03/2022

Worldwide Meeting with the Servant General | The Culture of DEATH

Worldwide Meeting with the Servant General
March 9, 2022
Topic: The Culture of DEATH

09/03/2022

Worldwide Meeting with the Servant General | One, Holy, Catholic, Apostolic

Worldwide Meeting with the Servant General
March 9, 2022
Topic: One, Holy, Catholic, Apostolic

02/03/2022

Worldwide Meeting with the Servant General - Lamentations

Worldwide Meeting with the Servant General
March 2, 2022
Topic: Lamentations

23/02/2022

Worldwide Meeting with the Servant General - My Tongue Is On Fire!

Worldwide Meeting with the Servant General
February 23, 2022
Topic: My Tongue Is On Fire!

16/02/2022

Worldwide Meeting with the Servant General - The Prayer of Power

Worldwide Meeting with the Servant General
February 9, 2022
Topic: The Prayer of Power

07/02/2022
06/02/2022

Ika-7 ng Pebrero, 2022
Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon

PAGBASA SA EBANGHELYO NG PANGINOON AYON KAY SAN MARCOS (6:53-56)
Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka. Panglunsad nila, nakilala siya agad ng mga tao kaya’t nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga maysakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Hesus, saanman mabalitaang naroon siya. At saanman siya dumating, maging sa nayon, lungsod, o kabukiran, ay dinadala sa liwasan ang mga maysakit, at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.

PAGNINILAY
Ang isang pagkauhaw nating mga tao, mula noon at magpahanggang ngayon, ay ang maranasan ang kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa ating buhay. Kaya’t saanmang lugar magtungo ang Panginoong Hesus, ayon sa ebanghelyo, ay pinagkakalipumpunan Siya ng mga tao sapagkat sa Kanyang piling ay higit nilang nararamdaman ang presensiya ng Diyos.
Ang paanyaya sa atin ng ebanghelyo ngayong araw ay ito: bilang mga kristiyano ay ang ipadama natin ang presensiya ng Diyos saanman tayo naroroon.
Magandang araw! Halina’t tayo ay mag-dasalnilay!
Paano natin maipadarama ang presensiya ng Diyos ating kapwa?
Una, gawin natin ang lahat ng bagay sa diwa ng pag-ibig. Ayon kay Leo Tolstoy, “Where there is love, there is God also.” Ang Diyos ay pag-ibig at saanman may pag-ibig ay naroroon ang Diyos. Kaya’t kung ang lahat ng bagay ay gagawin natin sa ngalan ng pag-ibig, tiyak tayong mararanasan ng ating kapwa ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ating ginagawa.
Pangalawa, bigyan natin ng pagkakataon ang mga taong nais magbagong buhay. Ito ang isang bagay na tiyak, “God is a God of endless chances,” sapagkat kahit hindi tayo tapat ay nananatiling tapat ang Diyos sa Kanyang pagmamahal at habag para sa mga taong naghahangad na magbalik-loob at magbagong buhay (2 Tim. 2:13). Kaya’t sa bawat pagkakataon na patatawarin natin ang ating kapwa at bibigyan sila ng pagkakataong magbagong buhay, higit nilang mararanasan ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan natin.
Panghuli, gawin ang mabuti sa lahat ng pagkakataon. Lagi nating naririnig na isinisigaw ng mga kristiyano, “God is good all the time!” Ito ang isa sa mga pangunahing katangian ng Diyos, Siya ay mabuti. Kaya’t sa tuwing pipiliin natin ang mabuti at hahangarin ang pangkalahatang kabutihan, mararanasan natin ang Diyos sa ating piling; at ito rin ang mararanasan ng mga taong nakakakita ng mga ginagawa nating kabutihan.
Para sa ating personal na pagninilay: Paano natin ipinadarama ang presensiya ng Diyos sa ating kapwa?

HAMON SA PAGSASABUHAY
• Gawing mapantayan sa buhay ang kumilos sa diwa ng pag-ibig sa lahat ng pagkakataon.
• Bigyan ng pagkakataon ang sinumang nagsisikap magbagong buhay.
• Piliin na mabuti sa lahat ng oras.

PANALANGIN
Panginoong Hesus, ipinadama Mo sa amin ang presensiya ng Ama; nawa’y sa pamamagitan namin ay maranasan din ng aming kapwa ang Kanyang presensiya sa lahat ng oras. Amen.

05/02/2022

Ika-6 ng Pebrero, 2022
Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAGBASA SA EBANGHELYO NG PANGINOON AYON KAY SAN LUCAS (5:1-11)
Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao. Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayon nga ang ginawa nila sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli gayon din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

PAGNINILAY
Ang bawat binyagan ay tinawag, pinili, at pinapagindapat ng Diyos upang maging mga mamamalakaya ng mga tao. Ito ang paalala sa atin ng ebanghelyo ngayong Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon, bilang mga kristiyano ay nakikibahagi tayo sa misyon ng Panginoong Hesus: ang kumilos para sa kaligtasan ng maraming mga kaluluwa ng ating mga kapatid na napapariwara upang sila ay masagip natin mula sa tiyak na kapahamakan at magkamit ng kaligtasan.
Paano tayo makatutugon sa paanyayang ito ng Panginoon?
Magandang araw! Halina’t tayo ay mag-dasalnilay.
Una, tanggapin natin ang ating pagiging makasalanan. Tandaan natin na sa kabila ng ating pagiging mga makasalanan ay tinawag tayo ng Diyos upang makibahagi sa Kanyang misyon na iligtas ang sanlibutan. Bakit ba mahalaga na mayroon tayong pagkilala sa ating pagiging makasalanan? Ito ay upang hindi tayo maging mapagmataas. Hindi maaaring maging mayabang ang sinumang nagnanais na maging lingkod ng Diyos. Hindi maaaring mataas ang turing natin sa sarili dahil sa katotohanan ay makasalanan din tayo katulad ng iba.
Pangalawa, pagsumikapan nating magkaroon ng isang malalim at personal na ugnayan sa Panginoong Hesus. Isa ito sa susi tungo sa pagiging masigasig sa pamamalakaya ng mga tao katulad ng karanasan ng mga unang apostol. Nang makilala nila ang Panginoon, tapat nila Siyang sinundan at pinaglingkuran. Ipinagpatuloy din nila ang misyon na simulan ng Panginoon hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay sapagkat malinaw sa kanila na kailangan nilang magmalasakit para sa kaligtasan ng kanilang kapwa.
Panghuli, magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos. Ayon sa napakinggan natin sa ebanghelyo, hindi naging madali para kay Pedro na sundin ang sinasabi ng Panginoon na muling pumalaot at muling ihulog ang lambat para manghuli ng isda dahil magdamag na silang nagbakasali para manghuli pero wala naman silang nahuli. Subalit sa hindi inaaasahang pangyayari ay naghimala ang Panginoon, nang hilahin nila ang lambat ay napakarami silang nahuling isda taliwas sa kanilang inaasahan. Ito rin naman ang kailangan nating gawin, sa pamamalakaya ng mga tao na inaasahan sa atin, kailangan natin ang tiwala sa kapangyarihan ng Diyos dahil walang imposible sa Kanya. Siya ang tumawag sa atin upang magmisyon at maging mamamalakaya ng mga tao, kaya’t gagawa Siya ng paraan upang maging mabunga ang ginagawa nating pagtugon sa Kanyang paanyaya. Kaya’t huwag tayong magpadala sa ating mga pagdududa, bagkus ay magtiwala tayo sa kapangyarihan ng Diyos dahil Siya ay kasama nating kikilos samantalang gumaganap tayo sa ating tungkulin na makibahagi sa Kanyang misyon na iligtas ang sangkatauhan.
Para sa ating sariling pagninilay: Saang bahagi ng ating buhay tayo kailangang lumago upang masigasig na tumugon sa paanyaya na maging mamamalakaya ng mga tao?

HAMON SA PAGSASABUHAY
• Tanggapin natin ang ating pagiging makasalanan.
• Pagsumikapan nating magkaroon ng isang malalim at personal na ugnayan sa Panginoong Hesus.
• Magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos.

PANALANGIN
Panginoong Hesus, tulungan Mo kami na maging mga mamamalakaya ng tao sa pamamagitan ng aming pagsaksi sa Iyong mga aral na sinisikap naming isabuhay. Amen.

04/02/2022

Ika-5 ng Pebrero, 2022
Sabado sa Ika-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAGBASA SA EBANGHELYO NG PANGINOON AYON KAY SAN MARCOS (6:30-34)
Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya't sinabi niya sa mga ito, "Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti." Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.
Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya't mula sa lahat ng bayan, ang mga tao'y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nin Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.

PAGNINILAY
Saan tayo bumabaling kapag nakadarama ng pagod upang mapanumbalik ang ating lakas?
Sa ebanghelyo, ipinapaalala sa atin ng Panginoong Hesus na sa Diyos tayo dapat lumapit upang mamahinga at tiyak na panunumbalikin Niya ang ating lakas. Sa gayon, magkakaroon tayo ng panibagong sigla upang muling magkapagbigay ng sarili sa paglilingkod sa Kanyang sambayanan na ipinagkatiwala sa atin.
Magandang araw! Halina’t tayo ay mag-dasalnilay!
Paano natin masusumpungan ang kapahingahan sa Panginoon?
Una, maglaan ng panahon upang walang ibang pagtuunan ng panahon maliban sa Panginoon. Ito ang tinatawag na spiritual solitude and silence, ang mapag-isa at manahimik sa piling ng Diyos. Sa gayon, mararanasan natin na ang paglalaan ng panahon kasama Siya ay hindi bagay na nakapapagod kundi pagkakataon upang mapanumbalik ang ating lakas. Maliban pa nito, mas higit nating mararanasan na ang ating lakas sa paglilingkod ay sadyang nagmumula tanging sa Kanya lamang.
Pangalawa, hanapin ang presensiya ng Diyos sa mukha ng mga taong pinaglilingkuran. Ito ang isang nagpapanumbalik ng ating lakas samantalang naglilingkod sa pangangailangan ng mga tao, ang makita natin ang Diyos sa mga taong ating nakakasalamuha at pinaglilingkuran. Kapag nagawa natin ito, ang maglilingkod ay hindi magiging nakapapagod na bagay kundi ating kaaaliwan at kahuhumalingan sapagkat malinaw sa atin na ito ay gawaing iniuukol natin hindi lamang para sa mga tao kundi maging sa Diyos.
Panghuli, damhin ang presensiya ng Diyos sa piling ng mga kapwa lingkod. May mga pagkakataon na ang nagbibigay sa atin ng kapaguran ay hindi ang mga maraming bagay na ating ginagawa, ni hindi rin ang napakaraming tao na nangangailangan ng ating pagdamay, kundi ang mga kapwa nating lingkod na dapat sana ay ating katuwang at karamay subalit nagdudulot ng kahirapan sa ating kalooban. Sa mga ganitong pagkakataon, higit nating kailangan na damhin ang presensiya ng Diyos sa bawat isa. Tandaan natin na anuman ang ating kakulangan at kahinaan, ang Diyos na tumawag sa bawat lingkod ay lagi nilang kapiling sa lahat ng pagkakataon.
Para sa ating personal na pagninilay: Maglaan ng sandalling katahimikan at balikan ang mga karanasan na tayo ay nakadama ng kapahingahan dahil piling ng Diyos.

HAMON SA PAGSASABUHAY
• Maglaan ng panahon sa piling ng Diyos bawat araw.
• Hanapin ang presensiya ng Diyos sa bawat taong pinaglilingkuran.
• Damhin ang presensiya ng Diyos sa mga kapwa lingkod.

PANALANGIN
Panginoong Hesus, Ikaw ang aming lakas sa panahon ng pagkapagod. Lagi Mo kaming samahan sa mga ginagawa naming paglilingkod at pawiin ang aming pagkapagal. Papanumbalikin Mo po ang aming sigla upang maglingkod kami ng may kasiyahan sa kalooban. Amen.

Videos (show all)

Worldwide Meeting with the Servant General | Our Lady of Fatima
Worldwide Meeting with the Servant General | The Gospel of Division
Worldwide Meeting with the Servant General | One, Holy, Catholic, Apostolic
Worldwide Meeting with the Servant General | Rejoice Always
Worldwide Meeting with the Servant General  | A God Who Hates
Worldwide Meeting with the Servant General - Bearing Fruit
MFC Bulacan Household Leaders Training Week 11
MFC Household Leaders Training - Week 8
Household Leaders Training - Week 5
Household Leaders Training