HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley

HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley

Chia seeds are the world's riches plant-based source of Omega-3, dietary fiber, protein and antioxid These fats are important for brain health. Get Full.

10 reasons to add chia seeds to your diet:

Combat Diabetes
Chia is being studied as a potential natural treatment for type-2 diabetes because of its ability to slow down digestion. The gelatinous coating chia seeds develops when exposed to liquids-can also prevent blood sugar spikes. Get More Fibre
Just a 28-gram or one-ounce serving of chia has 11 grams of dietary fibre — about a third of the re

28/05/2021

May 28, 2021 (friday)

For delivery again of 1 bag (42 bts) of green barley to Mam Manansala from Bulacan

Thank you mam sa tiwala!!

09/05/2019

May 8, 2019 (wednesday)

Done delivery again of 1 bag (42 bts) of green barley to Mam Manansala from Bulacan

Thank you mam sa tiwala!!

19/11/2018

AVAILABLE !

SPIRULINA is one of the oldest life forms on Earth. In fact, this blue-green microalgae is partly responsible for producing the oxygen in the planet's atmosphere that billions of years ago allowed the planet's originating life forms to develop. Spirulina is the world's first SUPERFOOD, and one of the most nutrient-rich foods on Earth.

SPIRULINA SUPERFOOD
♻10 PROVEN BENEFITS OF SPIRULINA:
1. Spirulina is Extremely High in Many Nutrients
2. Spirulina Has Powerful Antioxidant and Anti-inflammatory properties
3. Spirulina Can Lower LDL and Triglyceride Levels
4. Spirulina Protects LDL Cholesterol From Becoming Oxidized
5. Spirulina Appears to Have Anti-Cancer Properties, Especially Against Oral Cancer
6. Studies Show That it May Reduce Blood Pressure
7. Spirulina Improves Symptoms of Allergic Rhinitis
8. Spirulina May be Effective Against Anemia
9. Muscle Strength and Endurance May Improve
10. Spirulina May Help With Blood Sugar Control

☆☆☆NUTRIENTS & MINERALS
12 tablets = 50 times more iron than spinach
12 tablets = 7 times more calcium & VIT. E than whole milk
12 tablets = 550 times more Betacarotene than apple.
12 tablets = 3 kilos of fruits & vegetables.
12 tablets = 10 time more potassium than any vegetables.
12 tablets = 6 times more Vit B12 than beef liver.
12 tablets = 8 times more VIT. B3 than Lemons.
12 tablets = 16 times more VIT. B1 than sardines.
12 tablets = 47 times more VIT. B2 than fresh strawberries.

PM NOW FOR ORDERS!

Photos from HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley's post 19/11/2018

Re Stock!
Green Barley juice powder taken as daily supplement, especially, as anti-oxidant, anti-inflammatory agent will help us maintain a healthy lifestyle.

Photos from HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley's post 11/10/2017

Done Shipment from Tacloban City

Thank you again Mam!

Timeline photos 01/08/2017

Raffle Number 4: JOIN na!

More Prizes na. Libre Sumali.

Paki-SHARE lang itong post. May tsansa ka na Manalo.
Paki-Like din ang second page namin - Dr Willie Ong's Health Tips

Heto ang PREMYO sa Raffle #4:

1st Prize – NEBULIZER para sa hika, emphysema, laging inuubo. Plus 3 Libro libre.

2nd Prize - Blood Pressure machine at 3 free books

3rd Prize – 10 Libro ni Doc Willie at Liza (kumpletong articles nasa Facebook. Madali basahin.)

Sa Linggo ang announcement ng New Winners, August 6.

Ipapa-LBC namin sa bahay ninyo mismo. Libre po lahat.
Dagdag paraan ng pasasalamat sa ating followers.
God bless po at mahal namin kayo.

- doc willie at liza ong

Tips:
1. Blood Pressure dapat mas mababa sa 140 over 90. Pinaka-mainam ay 120 over 80.
2. Fasting Blood Sugar dapat mas mababa sa 126 mg/dl. Pinaka-mainam ay mababa sa 100 mg/dl.

Congratulations sa mga past winners natin.

Raffle 1:
1. Josephine V. from Masbate
2. Leticia O. from Lucena
3. Rudith V. from Davao Del Norte

Raffle 2:
1. Verginia B. from Cebu
2. Reynaldo A. from Pagadian
3. A. Baylon from Pampanga

Raffle 3: Latest winners natin!
1. R. Jamal (Blood sugar machine)
2. M. Lucanas (Blood pressure machine)
3. A. Gabrillo (10 free books)

31/07/2017

Laging Pagod? Baka Chronic Fatigue Syndrome Yan.
From Doktor Doktor Lads

Ang chronic fatigue syndrome ay isang sakit kung saan nakakaranas ka ng labis na pagod na lubhang nakakaapekto na sa iyong buhay. Minsan ay hindi mo na magawa ang mga bagay na dapat mong dawin dahil pakiramdam mo sobrang pagod ka at kailangan na humiga lang at magpahinga. Bagamat, wala pang gamutan para sa sakit na ito, ang pag-eehersisyo at stress management programs ay nakatulong upang mabawasan ang sintomas.

Misteryo pa din kung ano ang dahilan ng sakit na ito. Maaaring dulot ito ng sira sa immune system, sa nutrition o sa pagkakaroon ng viral infection. Maaari ding may kinalaman ito sa mga problema sa pagtulog, anemia, low blood pressure at iba pang metabolic abnormalities.

Nakakaranas ng labis na pagod na hindi bababa sa anim na buwan. Lalo itong lalala kapag napapagod ang pasyente. Kahit itulog ay hindi nawawala ang pagod. Minsan ay nakakaranas din ng sakit sa katawan at sakit ng ulo. Maaari ring makaranas ng problema sa memorya, hindi makapagfocus, nanghihina at madalas mahilo.

Kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito ng mahigit sa anim na buwan, maaaring bumisita sa inyong doktor upang matulugan kayo sa pagkakaroon ng chronic fatigue syndrome

Photos from HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley's post 11/07/2017

Hwic products
Green barley tropical fruits
Fruit punch
Dragon fruit

Timeline photos 16/03/2017

Ganito ba ang hitsura ng daliri niyo? (nasa kanan)

Clubbing tawag diyan at senyales ng sakit sa puso o baga.
Kulang sa OXYGEN na dumadaloy sa katawan.

Alamin ito sa ating FB Live. Malapit na!

Timeline photos 03/03/2017

SAKIT SA PUSO AT SAKIT SA DIBDIB
By Dr. Willie T. Ong

BILANG isang espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta sa akin. Sa aking palagay, 80% ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa puso. Paano ko nalalaman na HINDI sa puso ang problema? Nahuhulaan ito ng doktor sa pagkukuwento ng pasyente ng kanyang nararamdaman.

Kung ang sakit sa dibdib ay parang tumutusok, hindi iyan sa puso. Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib, hindi rin iyan sa puso. Kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. Baka natulog ka sa matigas na higaan. Baka nadaganan ni Mister. Baka nagbuhat nang mabigat at na i-sprain ang laman. Ang solusyon dito ay pahinga lamang.

May 2 pang tanong para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Una, kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pa-nanakit sa dibdib? Kapag naituro ng pasyente ito, hindi iyan sa puso. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng 1 daliri.

Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang isang minuto ang tagal ng sakit o dili kaya lampas 1 oras ang kirot, siguradong hindi iyan sa puso. Ang tunay na sakit sa puso ay mula 5 minuto hanggang 15 minutos lamang.

Ano ba talaga ang sakit na galing sa puso? Ang sakit sa dibdib ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan sa dibdib. Ang sakit ay tumatagal lang ng 5 hanggang 15 minutos. Dumarating ang sakit kapag napapagod, naglakad nang malayo o umakyat ng hagdan.

Madalas magkaroon ng sakit sa puso ang mga kalalakihan, mula 50 edad pataas. Kung may katabaan, may diabetes, o may lahi ng sakit sa puso, malaki ang tsansa na baka puso ang diperensiya. Sa ganitong sitwasyon, magpatingin sa doktor.

Pero kung bata ka pa naman, wala pang edad 30, lalo na kung babae ka, halos sigurado ako na hindi sa puso ang problema. Huwag mangamba. Magpa-check sa isang espesyalista sa puso kung kinakailangan.

DISCLAIMER: The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.

Please SHARE if you care.

Untitled album 05/02/2017
Photos from Endocrine Witch's post 29/01/2017
Timeline photos 08/01/2017

MALUNGGAY: The “Miracle” Gulay

Paki-LIKE ang Page ni Doc Willie Ong

Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Puwedeng ihalo sa sabaw, pang-gulay at gawing Tea.
Tinuruan ako ng kapatid ko (Mrs. Julie Ong-Alonzo) gumawa ng Malunggay Tea:
1. Kumuha ng ilang sanga ng malunggay.
2. Kunin lang ang dahon at tanggalin ang sanga.
3. Hugasan maigi ang dahon.
4. Pakuluan ito sa 3 basong tubig.
5. Inumin and manlunggay tea habang mainit pa. Masarap ito.

Heto Ang Benepisyo ng Malunggay:
1. Ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.
2. Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.
3. Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay.

Para sa Maysakit
1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.
3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-normal ng iyong pagdudumi.

Marami pang galing na itinatago ang malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran.
Para sa dagdag tips, PAKI-LIKE ang page ni Doc Willie Ong

08/01/2017
Lunas sa Cholesterol - Payo ni Dr Willie Ong #90 02/01/2017

Lunas sa Cholesterol - Payo ni Dr Willie Ong #90 Mataas na Cholesterol : Heto ang Lunas Video ni Dr Willie Ong #90 Ang mataas na cholesterol ay puwede magdulot ng atake sa puso at stroke. Subukan ito: 1. Ku...

November 2015 - December 2020 18/12/2016

NAKAKAKANSER BA ANG PILLS?
by Dr. Meredith Garcia

Ang karaniwang "pills" (oral contraceptive pills, birth control pills) ay naglalaman ng kombinasyon ng female hormones na estrogen at progesterone. Dahil pinipigilan nito ang "pangigitlog" (ovulation) ng mga babae, ito ay ginagamit para makaiwas sa pagbubuntis.

Marami ang nagtatanong kung nakakakanser ba ito, lalo na ang breast cancer.

Napag-alaman sa mga pag-aaral na bahagya at pansamantalang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng BREAST CANCER sa mga babaeng gumamit ng pills kailanman, lalo na sa mga nagsimulang gumamit noong teenager pa lamang sila, ngunit ang tsansang ito ay bumababa rin pagkatapos ng 10 taon ng paggamit ng pills. Gayunpaman, dapat tandaan na may iba pang mga mas matimbang na risk factors para sa breast cancer tulad ng reproductive history at family history.

Napag-alaman din na bahagya at pansamantalang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng CERVICAL CANCER sa mga babaeng gumagamit ng pills, ngunit ang tsansang ito ay unti-unti ring bumababa sa paglipas ng panahon kapag tumigil na sa pag-inom ng pills. Ang human papillomavirus (HPV) infection pa rin ang nangungunang sanhi ng cervical cancer.

Pero, may mga positive effect din ang pills. Naobserbahan sa maraming pag-aaral na ang mga babaeng gumagamit ng pills ay may mas mababang tsansa ng pagkakaroon ng OVARIAN CANCER at ENDOMETRIAL (UTERINE) CANCER, at ang tsansang ito ay lalong bumababa habang mas tumatagal ang pag-inom ng pills.

Kung susumahin, makikita sa larawan na mas malaki ang antas at mas mahaba ang panahon ng proteksyon na ibinibigay ng pills laban sa ovarian at endometrial cancer kaysa sa panahon na bahagyang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng breast at cervical cancer dahil dito. Ang sagot ni Dr. Jericho Thaddeus Luna, isang gynecologic oncologist mula sa PGH, ayos lang gumamit ng pills dahil nakakaprotekta naman ito laban sa ovarian at endometrial cancer – dalawang uri ng kanser na wala pang mabisang screening method sa ngayon kaya madalas ay late ma-diagnose. Ito ay kumpara sa breast cancer na maaaring ma-diagnose nang maaga dahil maaari itong i-screen sa pamamagitan ng mammography at sa cervical cancer na maaaring i-screen sa pamamagitan ng Pap smear – kaya mahalaga pa ring sumailalim sa mga screening test na ito, gumagamit man ng pills o hindi.

Gayunpaman, ang pills ay hindi para sa lahat dahil may mga kondisyon na hindi naaangkop dito. Pinak**abuting KUMONSULTA at makipagdiskusyon muna sa iyong OB/GYN kung ano ang pinak**abuting paraan ng birth control para sa iyo. Tandaan din na pinapayuhang huwag nang uminom ng pills ang mga babaeng may personal history ng breast cancer.

Image credit: Cancer Research UK

Prof of shipment/delivery 07/12/2016

Going to Leyte..

Timeline photos 03/12/2016

Nahihilo o Benign Positional Vertigo
By Dr Willie Ong

Maraming dahilan ang pagkahilo. Pero ang isang pangkaraniwang dahilan ay ang Benign Positional Vertigo.
Kadalasan, ang matinding pagkahilo ay nag-uumpisa sa pag-gising sa umaga kung saan bigla kang uupo mula sa k**a. Ang biglang paggalaw ng ulo ang siyang dahilan. Nakakatakot ito sa pasyente pero hindi naman ito delikado.
Ang Benign Positional Vertigo ay isang problema sa tainga. Nasa tainga ang vestibular system kung saan nagmumula ang ating balanse at pag-galaw. Kung may dumi o impeksyon sa loob ng tainga (otolith), at puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo. Tumatagal itong sakit ng ilang araw.

Heto ang puwedeng gawin:
1. Huwag igalaw ang ulo. Ipirmi lang na nakatingin sa harap. Huwag tumungo o lumingon muna.
2. Idilat lang ang mata at tumingin sa harap. Huwag muna matulog o ipikit ang mata dahil lalo kang mahihilo. Sa gabi na lang matulog.
3. Manood lang ng TV buong araw para maka-focus ang mata sa TV. Umupo lang buong araw at huwag hihiga.
4. Dahan-dahan lang sa pagtayo at paglakad patungo sa banyo at baka mawalan ka ng balanse. Humawak sa kasama o kapaligiran para hindi matumba.
5. Ang gamot sa Vertigo ay ang Betahistine 8 mg tablet, 3 beses sa maghapon (Brand name Serc o Exigo). Inumin ang gamot ng 3 araw.
6. Sa mga nagsusuka o hindi makakain, uminom ng paunti-unti ng Oral Rehydrating Solution para hindi ma-dehydrate.
7. Sa pagkain, panatiliing nakatingin sa harap at huwag tutungo. Dahan-dahang isubo ang pagkain sa bibig. Puwede ang lugaw, saging at malambot na pagkain. Ganoon din sa pag-inom. Huwag din itungo ang ulo.
8. Sa pagtulog sa gabi, gumamit ng 3 unan para mataas ang iyong ulo sa katawan. Kapag humiga ka ng flat, doon mag-uumpisa muli ang pagkahilo.
9. Kapag gumaling ka na, dahan-dahan pa rin ang iyong paggalaw ng ulo para hindi bumalik ang vertigo. Good luck po.

Timeline photos 18/11/2016

Ang pagiging sobrang taba o obese ay nakasasama rin sa kalusugan. Ito ang maglalapit sa atin sa iba't ibang mga sakit.

Narito ang 10 sakit na maaring kahantungan ng taong sobra-sobra ang timbang. http://kalusugan.ph/mga-sakit-na-maaring-makuha-sa-sobrang-timbang-o-obesity/

Timeline photos 16/11/2016

Madali bang napapagod ang inyong mata sa pagbabasa o pagtatrabaho sa harap ng computer? Narito ang ilang tips na makatutulong upang hindi kaagad mapagod ang inyong mga mata

Basahin sa Kalusugan.PH http://kalusugan.ph/mga-hakbang-para-hindi-agad-mapagod-ang-mata/

Timeline photos 07/11/2016

SIYAM NA TANONG PARA SA DOKTOR
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan

Sa tinagal ng pagsusulat ko dito, marami na akong natutunan sa mga nagtatanong kay Dok Bru. Kung paano magpaliwanag sa mga pasyente na madali nilang maintindihan. Ano ang mga tanong na dapat kong sagutin - kahit hindi pa tinatanong. Natutunan ko yan sa mga tanong ng mga tao sa Facebook, kaya salamat po sa inyo.

Maiksi lamang ang panahon sa clinic para makapagtanong ang pasyente sa doktor kaya noong nakita ko ang article na ito sa Time magazine na pinamagatang Nine Questions Your Doctor Wishes You'd Ask ay naisip ko kaagad na ibahagi ito sa inyo sa wikang Filipino.

http://time.com/4433153/9-questions-ask-doctor/

1. Ano-ano ang mga pamamaraan ng panggagamot sa sakit ko? Madalas itong tanungin kay Dok Bru - kailangan ba talaga ng operasyon? Di ba puwedeng gamot na lang? Mahalaga na mapaliwanag ito nang mabuti ng doktor para mawalan ng pag-aalinlangan ang pasyente sa gamutang magaganap.

2. Ano ang kalalabasan ng gamutan? Dapat ay malinaw sa pasyente kung gagaling ba siya sa gagawing gamutan o maiibsan lamang ang mga sintomas. Halimbawa, puwedeng maging normal ang asukal sa dugo ng pasyenteng may diabetes sa pag-inom ng gamot pero kapag tinigil niya ang pag-inom ng gamot ay tataas muli ang asukal sa dugo. Kasi ang mga gamot sa diabetes ay hindi nakakagaling ng diabetes kundi pinapababa lamang ang asukal sa dugo. Iba naman kung may ubo at uminom ng antibiotic laban sa bacteria sa baga. Pinapatay ng antibiotic ang bacteria kaya pagkatapos uminom ng antibiotic nang isang linggo ay gumagaling na ang ubo at puwede nang itigil ang pag-inom ng gamot.

3. Kailangan na ba itong gawin ngayon o puwede pa itong pag-usapan sa susunod na balik ko? Halimbawa sabi ng doktor kailangan magpagawa ng cholesterol profile. Kailangan na ba itong gawin kaagad o makakahintay pa dahil hindi naman ito emergency. Kung kailangang operahan ang goiter, puwede bang pagkatapos na ng Pasko o dapat talaga ngayon na? Depende siyempre kung cancerous ang goiter o hindi.

4. Meron ba akong puwedeng gawin sa sarili ko para mapabuti ang aking kondisyon? Nakakatuwa pero minsan kahit ilang beses na kami nagkita ng pasyente ay nagtatanong pa rin kung ano ba ang mga bawal kainin, kahit nasabi ko na dati. Minsan din, sinasabihan ako ng pasyente na Buti pala tinanong ko Dok kasi wala ka namang sinabi dati tungkol diyan.

5. Ano ang mga posibleng side effect ng gamutan? Mas mabuting itanong ito nang diretso sa doktor para malaman. Minsan kasi kung kay Dok Google ka magtatanong ay baka matakot ka lang sa mababasa mo. Kung may side effect man ang gamot, hindi naman kasi ibig sabihin na mangyayari na ito sa iyo.

6. Paano ko malalaman ang resulta ng lab test ko? Dapat ay magpa-appointment na sa doktor kung kelan ipapaliwanag ng doktor ang resulta ng test. Minsan ay hawak na ng pasyente ang resulta pero hindi naman bumabalik sa doktor para mabasa ito. Minsan din ay matagal pa ang bisita sa clinic at hindi na makatulog ang pasyente sa kakaisip sa resulta.

7. Magkano ang magagastos? Napakahalagang tanong ito! Huwag mahiyang magtanong sa doktor. Tanungin din kung puwede bang mag-claim sa Philhealth o puwede ang senior citizen o PWD discount. Buti na lang sa clinic ko ay kapitbahay ko lang ang Philippine General Hospital kaya doon ko pinapadala ang pasyente kung kailangan ng murang biopsy halimbawa.

8. Kailangan ko ba ng second opinion? Malamang mahihiya ang mga pasyenteng Filipino na magtanong nito. Pero kung ang doktor ay bukas ang isip, hindi niya ito dapat ikagalit o ikainis.

9. Ano pa ba ang mga tanong na dapat kong itanong na hindi ko pa naitanong? Kapag tinanong mo ito sa doktor ay baka may maalala bigla ang doktor na nakalimutan niyang sabihin kaya maganda itong tanong na ito.

November 2015 - December 2020 01/11/2016

KAILAN DAPAT IPA-BIOPSY ANG ISANG KULANI?

Ang mga kulani o lymph nodes ay normal na matatagpuan sa maraming parte ng ating katawan. Ito ay ang bahagi ng ating immune system kung saan naninirahan ang mga lymphocyte na panlaban sa mga infection at iba pang mga sakit tulad ng lupus at cancer. Karamihan sa ating lymph nodes ay hindi nakakapa dahil malalim o nasa loob ng katawan ang mga ito, pero maaaring makakapa ng paisa-isang kulani sa leeg, kili-kili at singit kung saan ito ay parang butil ng mais sa ilalim ng balat. Ang pamamaga ng kulani ay pinak**adalas na dulot ng mga bacterial/viral/parasitic infection, ngunit sa ilang pagkakataon ay maaari itong maging senyales ng cancer. Hindi dahil may kulani ka ay mayroon ka na agad cancer.

Kailan dapat ipa-biopsy ang isang kulani? Kapag mas maraming check sa mga ito, mas lalong dapat ipatingin sa doktor para sa posibleng biopsy.

1) Kapag ang sukat nito ay mas malaki sa 1.5 cm x 1.5 cm o halos kasukat ng isang 1-peso coin
2) Kapag ito ay tumagal nang higit 4 weeks
3) Kapag walang ibang mga senyales ng kaakibat na infection tulad ng ubo, sirang ngipin at pigsa
4) Kapag hindi ito lumiliit kahit nakatapos na ng dalawang ulit ng tamang gamutan para sa isang pinagsususpetsahang infection
5) Kapag may kasamang abnormal na sintomas tulad ng madalas na lagnat, pagpapawis sa gabi at pangangayayat (hindi sinadyang pagbawas ng higit 10% ng karaniwang timbang sa loob ng nakaraang 6 months)
6) Kapag mabilis itong lumalaki o nagdidikit-dikit na ito sa isang grupo at hindi naigagalaw kapag hinawakan
7) Kapag nagsugat, dumugo o pumutok ito

WALANG PANGTUNAW SA KULANI. Para magamot ang kulani, ang sanhi nito ay kailangan munang matukoy. Kaya mahalagang MAGPATINGIN SA DOKTOR kapag ikaw ay mayroong kahina-hinalang kulani para ikaw ay masuri, magawan ng mga nararapat na laboratory test at magamot ito nang tama depende sa diagnosis.

Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor.

– Dr. A. M. Garcia

November 2015 - December 2020 15/10/2016

Tanong: Kung ang myoma (fibroid) ay isang uri ng bukol, ito ba ay cancerous?

HINDI.

Ang pagkakaroon ng myoma (fibroid) ay isang common condition sa matris at itinatayang 70% hanggang 80% ng mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng myoma bago sumapit sa edad na 50 taon. Kaya kung ikaw ay may myoma, hindi ka nag-iisa.

Ang myoma uteri o uterine fibroid ay benign (noncancerous) na bukol na maaaring tumubo sa matris ng mga babae partikular na habang sila ay nagreregla pa. Ito ay hindi naman naiugnay sa mas mataas na tsansa ng pagkakaroon ng kanser sa matris.

Maraming kababaihang may myoma ang walang nararamdamang sintomas, pero ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas depende sa sukat, lokasyon sa matris (subserosal, intramural, submucosal), at kung gaano ito kalapit sa iba pang mga organ sa paligid nito. Maaari itong magdulot ng:
– Pagbabago sa regla
– Pananakit o pagkirot sa bandang puson o balakang
– Pagbabago sa pag-ihi
– Pagbabago sa pagdumi
– Pananakit o pagkirot habang nakikipagtalik

Kung mayroon ka ng mga nasabing sintomas na hindi nawawala o nakakasagabal na sa iyong pang-araw-araw na buhay, pinak**abuting kumonsulta na sa doktor.

Walang iisang tiyak na lunas para sa myoma, pero maaari kang payuhan ng operasyon ng iyong OB-GYN kung masyado na itong malaki o nagdudulot na ito ng matinding sintomas. Kung ikaw ay malapit nang mag-menopause, maaari ring lumiit ang myoma kapag tumigil na ang pagreregla. Kausapin ang iyong OB-GYN kung ano ang dapat gawin sa iyong kaso kung ikaw ay may myoma.

– Dr. A. M. Garcia

Photos from Cancer Answers PH by Ann Meredith Garcia Trinidad, M.D.'s post 02/10/2016

Kaya mag green barley na kayo.. 😆😆😆😆

Photos from HWIC-Fruit Punch with Real Chia Seeds and Green Barley's post 18/09/2016

Mga Ka-Barleyhan! Baka masagot nitong post na ito ang mga katanungan mo tungkol sa pagiging DEALER ng Green Barley/Fruit Punch/Dragon Fruit kaya BASAHIN mo na ito!

Paano po ba maging dealer ng GREEN BARLEY/Fruit Oynch/Dragon Fruit? May bayad ba ito?

WALA pong BAYAD para maging dealer ng GREEN BARLEY! Kailangan mo lang bumili ng 1 product pack ng ating Green Barley na may lamang 42 bottles!

Magkano naman ang isang product pack ng Green Barley?

Ang isang product pack naman ay Php 8778 na naglalaman ng 42 bottles. Lalabas na Php 209 nalang per bottle kung 1 product pack ang bibilhin ninyo. Tanda niyo ba na ang MANDATORY RETAIL PRICE ng 1 bottle ng GREEN BARLEY at PhP 275. Ibig sabihin, nakatipid ka na, naging DEALER ka pa. Ayos ba?

Ano ba ang mga benefits ng isang DEALER ng Green Barley?

1. Pwede po kayong kumita ng extra income bilang isang dealer ng Green Barley! Tignan ang compensation plan sa website natin (www.hw-ic.net)
2. Magkakaroon kayo ng access at discount sa iba pang mga produkto ng HWIC (puntahan niyo lang ang www.hw-ic.net for more details).

Paano naman kung gusto ko lang bumili ng product? May benefit ba ang pagiging dealer?

Aba oo naman! Kung kayo po ay gusto lang bumili ng produkto, sa 2nd product pack na bibilhin niyo, makakakuha pa rin po kayo ng "kita" dahil ang binibilang po ng HWIC para sa mga commission ay ang product pack na binibili. Hindi po tao. Isipin niyo nalang po, para na kayong nakakuha ng MORE discount dahil kayo ay naging DEALER ng Green Barley

Paano ba makaka-order ng Product Pack ng Green Barley?

Pwede po kayong mag-message dito sa FB page na ito o di kaya naman ay mag-text sa numero na nakasaad sa page!

Ano pang hinihintay niyo, maging DEALER na!

Timeline photos 29/08/2016

Sakit sa tiyan: Ano kaya ito?
Dr. Willie T. Ong

Para malaman ang mga posibleng dahilan ng pananakit ng tiyan, heto ang mga itanong sa pasyente. Una, nasaang parte ng tiyan ang masakit? Pangalawa, ano pa ang iba mong nararamdaman?
Alamin natin ang mga posibleng sanhi ng sakit ng tiyan:
1. Ulcer o hyperacidity - Kapag ang pananakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa gitna, o medyo kaliwa, ito ang lugar ng sikmura. Posibleng ulcer o hyperacidity ang iyong sakit. Ang sakit na ito ay nararamdaman kapag ika’y gutom o kahit bagong kain. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig.
2. Gallbladder stones - Kapag ang sakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa kanan, ito ang puwesto ng gallbladder o apdo. Posibleng may bato ka sa apdo. Minsan ang sakit na ito ay tumutugon din sa bandang taas ng likod. Dumarating din ang sakit kapag nakakakain ka ng mamantika at matataba na pagkain. Magpa-ultrasound ng tiyan para malaman kung may bato ka o wala.
3. Appendicitis - Kapag nasa ibaba at kanan na lugar, ito ang lugar ng appendix. Ang sakit ng appendicitis ay nag-uumpisa sa may sikmura at pagkaraan ng 2-3 araw ay lumilipat sa kanan. Masakit ang lugar na ito kapag dinidiinan. Kumonsulta agad sa doktor.
4. Colic - Kapag paikot-ikot ang sakit at walang permanenteng lugar, ito ay marahil sa paghilab ng bituka. Ang tawag dito ay colic at hindi naman delikado. Baka nasira ang iyong tiyan sa maduming pagkain at magtatae ka lang.
5. Gastroenteritis - Kung mahilab ang iyong tiyan at nagtatae ka, ito ay malamang dahil sa gastroenteritis o impeksyon na nakuha sa panis o maduming pagkain. Uminom ng maraming tubig at kumain ng saging.
6. Amebiasis - Kapag madalas kang dumumi at may bahid ito ng sipon at dugo, posibleng amebiasis ito. Uminom ng gamot.
7. Kidney infection or stones - Kapag sa may puson ang sumasakit at mahapdi ang iyong pag-ihi, posibleng may impeksyon ka sa ihi o may bato sa bato (kidney stones). Tingnan din kung mapula ang ihi dahil senyales ito ng bato. Magpa-check ng urinalysis para malaman ang sakit.
8. Sakit sa matris o obaryo - Kapag ika’y babae at sa may puson ang sakit, posibleng nasa obaryo at matris ang iyong problema. Puwede itong dysmennorhea (sakit kapag malapit na ang regla), ovarian cyst (bukol sa obaryo) o myoma.
Huwag matakot kumonsulta sa isang doktor para sa problema mo sa tiyan. Gastroenterologist, internist o surgeon ang dapat mong puntahan. Good luck!

November 2015 - December 2020 28/08/2016

ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG MAY NAKAKAPANG BUKOL SA SUSO?

(Ito ang isa sa mga pinak**adalas na tanong dito sa K*K.)

STEP 1. Kapag hindi nawawala ang bukol kahit lumipas na ang ilang cycle ng regla o kapag ito ay lalong lumalaki at may kasamang ibang sintomas o kulani sa kilikili, mas mabuting magpasuri sa doktor. Kailangan ng tamang history at aktwal na physical examination para dito.

STEP 2. Kung mayroon talagang abnormal na makita ang doktor, may mga lab test na ginagawa tulad ng mammogram o ultrasound upang mas makita ang itsura ng bukol sa loob nito.
***Maaari ring dumiretso na sa biopsy ang doktor kung talagang kaduda-duda o hindi maganda ang panlabas na itsura ng bukol.

STEP 3A. Kung normal o mukhang benign ang resulta ng mammogram o ultrasound, maaaring obserbahan o i-monitor lamang ito. Bumalik sa STEP 1 at mag-follow-up sa doktor kung hindi mawawala ang bukol.

STEP 3B. Kung may kakaiba sa mammogram o ultrasound, ang karaniwang rekomendasyon ay magsagawa ng biopsy upang malaman kung may kanser o wala ang pasyente.

STEP 4A. Kung negatibo ang biopsy sa kanser (benign), maaaring ituloy lang ang obserbasyon o pag-monitor. Bumalik sa STEP 1 kung hindi mawawala o patuloy na lalaki ang bukol at magkakaroon ng mga sintomas tulad ng pagkirot. Maaari ring magrekomenda ang iyong doktor ng mga ilang uri ng procedure tulad ng aspiration (para sa cyst) o surgery (para sa fibroadenoma). Itanong sa iyong doktor kung kailangan mong sumailalim dito. May pwede bang inumin na pangtunaw para sa mga bukol sa suso? Wala.

STEP 4B. Kung positibo ang biopsy sa kanser (malignant), kailangang bumalik agad sa doktor upang makumpleto ang mga dapat gawin at mapagdesisyunan ang gagawing gamutan. Maaaring magpayo ang doktor ng kombinasyon ng surgery, chemotherapy, hormonal therapy at radiotherapy depende sa bawat kaso.

Ang BREAST CANCER ay CURABLE o NAGAGAMOT kapag NAAGAPAN. Kaya magpatingin agad sa doktor kung mayroon kang kaduda-dudang bukol sa suso.

Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor.

– Dr. A. M. Garcia

01/08/2016

BAKIT NAMAMANHID ANG MGA PAA O KAMAY NG MAY DIABETES?
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan

Ang katawan natin ay maraming nerves – mga ugat na tumutuloy sa spinal cord at sa utak. Dahil sa mga nerves, nararamdaman natin kung may humawak sa ating balat o kung mainit ang ating nahawakan.

Ang mataas na blood sugar sa diabetes ay nakakasira ng mga nerve fibers. Ang tawag dito ay DIABETIC NEUROPATHY. Isa ito sa mga komplikasyon ng diabetes.

Depende kung anong mga nerves ang naapektuhan, iba’t ibang sintomas ang maaring maramdaman. PERIPHERAL NEUROPATHY o ang pagkasira ng mga nerves sa paa at k**ay ang pinak**alimit na klase ng neuropathy sa diabetes. Madalas na mas matindi ang mga sintomas kapag gabi, tulad ng –

1. Pagmamanhid o pangingimay

2. Pagbawas ng pakiramdam sa sakit o mainit

3. Parang kinukuryente o umiinit

4. Parang tinutusok

5. Pamimitig

Kapag nawalan ng pakiramdam ang mga paa o k**ay, iyan ang nagiging daan upang magkasugat. Minsan nalalaman na lamang ng taong may diabetes na may sugat na pala siya sa paa kapag ito ay nangamoy na o may nana, dahil hindi niya ito naramdaman nang masugatan. Ito ay puwedeng mauwi sa pagkaputol ng paa na kinatatakutan ng maraming tao na may diabetes.

Ang mga sintomas na nabanggit ay puwedeng hindi dahil sa nerve damage. Magpatingin sa doktor upang makasigurado.

Timeline photos 11/06/2016

ANO ANG THYROID CANCER?
Ni Dr. Iris Thiele Isip Tan

May mga bagay na kahit ilang beses mong gawin, ay hindi makakasanayan. Para sa akin bilang isang endocrinologist, isang halimbawa ay ang ipaalam sa isang pasyente na ang resulta ng kanyang thyroid fine needle aspiration biopsy ay KANSER. Sa pagsambit ko ng salita na kanser, tiyak ay malulungkot ang pasyente. May mga umiiyak sa clinic ko. Meron ding nanghihinayang na hindi nila pinansin ang bukol sa leeg kaagad. Meron ding mga nagagalit, hindi naman sa akin kung hindi sa kanilang sarili o sa Diyos.

Kadalasan, bago ko ipadala ang pasyente ay sinasabi ko na ang dapat mabasa sa resulta ng biopsy ay COLLOID. Kapag 'yan ang nakasulat, ibig sabihin ay BENIGN ang resulta - hindi kanser. Minsan din, ang sinusulat ng pathologist ay NO MALIGNANT CELLS SEEN. Ang salitang malignant ang ibig sabihin ay cancerous kaya kung "NO malignant cells seen" ay walang nakitang kanser. Ngunit kung kanser ang findings, ang salitang ginagamit kadalasan ay CARCINOMA. Kung ang nakasulat naman sa report ay BLOODY SMEAR, ibig sabihin ay dugo lamang ang nakita at kailangang ulitin ang biopsy. Kung ACELLULAR SMEAR, ay walang laman na nakuha at kailangan ding ulitin ang biopsy.

Kung may bukol sa thyroid na nakita, tinatanong kaagad ng pasyente kung ito ba ay ordinaryong bukol o masamang bukol. May mga bukol na iba ang hitsura sa ultrasound at mas mataas ang tsansa na ito ay maging cancerous. Sa clinic, tinatawag ko itong SUSPICIOUS. Ibig sabihin, kailangang patunayan na ito ay HINDI kanser.

Walang ibang paraan na malaman kung ang bukol sa thyroid ay kanser kung hindi ito tutusukin para makakuha ng konting laman para mabasa ng isang pathologist - ito yung tinatawag na FINE needle aspiration biopsy. Madalas tinatanong ako ng pasyente kung ligtas bang magpa-biopsy at hindi ba kakalat lalo ang tumor kung tutusukin ito? Noong araw mas malalaking karayom ang ginagamit kaya may ganoong posibilidad. Hindi na ito totoo ngayon kasi nga manipis o FINE needle na ang ginagamit. Kung tinatanong ako kung gaano ito kasakit, malimit kong sinasabi na ang sakit ay kahalintulad ng kung nagpapakuha ng dugo sa braso - 'yun nga lang sa leeg ang tusok. Hindi rin kailangan ng anesthesia, tulad ng pag nagpapakuha ng dugo sa ugat.

May iba't ibang klase ng kanser sa thyroid tulad ng:

1. Papillary thyroid cancer
2. Follicular thyroid cancer
3. Medullary thyroid cancer
4. Anaplastic thyroid cancer
5. Thyroid lymphoma

Karamihan ng mga pasyente ay may papillary thyroid cancer. Ang papillary at follicular thyroid cancer ay CURABLE - ibig sabihin, sa tamang paggagamot ay puwedeng gumaling. Kaya hindi tinataningan ang buhay ng mga taong may ganitong klaseng kanser.

Noong ako ay nasa training pa, may isang doktor na narinig kong nagsabi sa pasyente, "Kung kausap mo ang Diyos, at ang sabi Niya ay bibigyan kita ng kanser. Sumagot ka na ok lang po basta thyroid cancer." Hindi ito nakakatawa na biro pero isa ito sa mga sinasabi noon para maintindihan ng pasyente na hindi death sentence ang papillary o follicular thyroid cancer.

May mga sintomas ba ang kanser sa thyroid? Puwedeng walang maramdaman liban sa mabilis na paglaki ng bukol sa thyroid. May mga iba naman na nagiging paos ang boses o nahihirapang huminga o lumunok kapag malaki na talaga ang bukol sa thyroid.

Mga 5% ng mga bukol na nakakapa sa thyroid ay cancerous. Ibig sabihin, kung may 100 katao na may bukol sa thyroid ay 5 lamang dito ang may kanser. Ngunit hindi natin ito malalaman base lamang sa hitsura nito sa ultrasound kaya kadalasan ay kailangan ng biopsy.