Klinika Cervantes
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Klinika Cervantes, Health & Wellness Website, .
SEVERE LEPTOSPIROSIS (WEIL'S DISEASE)
✅Nakita nyo sa mga balita ang paglobo ng leptospirosis na kaso at pagkapuno ng NKTI dahil sa mga severe leptospirosis (https://www.facebook.com/share/p/d9JvaR4Xe1BjD4z7/)
✅ Ito ay isang mas malalang uri ng LEPTOSPIROSIS na nagdudulot ng PANINILAW, KIDNEY FAILURE at BLEEDING
✅ Hindi lahat ng magkakasakit ng leptospirosis ay magkakaroon ng WEIL'S DISEASE
✅ 90% ay magiging asymptomatic o makakaranas ng mild illness at nasa 5-10% ang makakaranas ng severe disease.
✅ Lumalabas ang mga sintomas ng leptospirosis mula 5-14 days after maexpose sa contaminated na tubig o baha
✅ NAKAKAMATAY ang SEVERE LEPTOSPIROSIS kapag hindi naagapan. Karamihan ay nangangailangan ng DIALYSIS upang masuportahan ang pagpalya ng kidney sa mga pasyente.
✅ Kung mabigyan agad ng ANTIBIOTICS, STEROID and/or HEMODIALYSIS, gumagaling at nakakarecover ang pasyente at ang mga kidneys.
Prolonged screen or reading times can lead to eye strain, dry eyes, and headaches. DO ✅ take breaks! Use the 20 - 20 - 20 rule to help your eyes:
🖥️ After using a screen for 20 minutes
📏 Look at an object 20 feet away
🕓 For 20 seconds
May CLINIC po tayo bukas (July 27, Sabado) sa BETHESDA, 9am
Sa mga hindi po nakaiwas lumusong sa baha 👇🏽
Wala po tayong clinic ngayon sa Bethesda at sa Briton
(July 19,2024)
May CLINIC po bukas sa BETHESDA, June 15, 9am
May CLINIC po bukas sa BETHESDA - 9am.
June 12, 2024
WASTONG PAGKUHA NG IHI PARA SA URINALYSIS
Ang urinalysis ang isa sa mga pinakaimportanteng test upang malaman ang kalusugan ng kidneys. Kaya napakahalaga na masigurado ang mga resulta nito ay ACCURATE o TAMA. Nakadepende sa tamang pagkuha ng urine sample ang urinalysis para maging accurate ito. Narito ang mga steps sa WASTONG PAGKUHA ng ihi para ipasa sa urinalysis:
1. Maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon.
2. Punasan ang harapan na bahagi ng ari gamit ang antiseptic na wipes. Pwede rin gumamit ng tubig at sabon bilang panlinis ng ari.
3. SA MGA LALAKE: Kung hindi pa natuli (kagaya ng sa mga bata), hawiin ang FO****IN ng ari bago umihi. Huwag saluhin AGAD ang ihi sa urine cup!
4. SA MGA BABAE: Hawiin ang L***A at umihi sa toilet. Huwag saluhin AGAD ang ihi sa urine cup!
5. Palipasin ang 2-3 segundo, pagkatapos ay pigilin ang ihi. Itapat ang cup sa ari at simulan ang pagsalo ng ihi dito.
6. Punuin ng ihi hanggang sa KALAHATI ng URINE CUP, tapos ay ipagpatuloy ang ihi sa toilet. Huwag idikit ang ari sa urine cup.
7. Ingatang huwag hawakan ang bunganga ng cup habang ito'y tinatakpan.
8. Maghugas ng kamay at punasan ang URINE CUP kung may ihi na tumalsik sa labas nito. IPASA AGAD ang urine sample sa laboratoryo.
PUS CELLS / WHITE BLOOD CELLS SA IHI
✅ Ang pagkakaroon ng ≥5 WBC per high power field o ≥10 mm3 ay tinatawag na PYURIA.
✅ Common ito pag may infection or UTI ngunit HINDI palaging ibig sabihin ay may UTI kapag may nakitang WBC sa urine.
✅Maraming ibang infection na nagdudulot din ng WBC sa ihi gaya ng
- SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE
- PROSTATITIS
- GENITOURINARY TUBERCULOSIS
✅ Maaari ring dulot siya ng mga NON-INFECTIOUS CAUSES gaya ng
- CANCER
- POLYCYSTIC KIDNEY DISEASE
- KIDNEY STONE
- INTERSTITIAL NEPHRITIS
- DIABETES
✅Common din makita ang WBC sa ihi sa mga medical interventions gaya ng
- RADIOTHERAPY
- FOLEY CATHETER
- URETER STENTS
- RECENT UROLOGIC PROCEDURE ./ SURGERY
✅Hindi SPECIFIC na finding ang WBC sa urine for infection kaya dapat ay maimbestigahan ang tunay na cause nito
Schedule ng CLINIC bukas (May 17)
Bethesda - 9am
Briton - 11am
WALA pong CLINIC sa BETHESDA bukas (May 15)
MAY CLINIC po sa Friday (May 17), 9am
May CLINIC po ngayon sa BETHESDA, 9am
BETHESDA
May CLINIC
May 10 (Friday) and 11 (Saturday) - 9am
WALANG Clinic
May 15 (Wednesday)
MAY CLINIC po bukas (May 😎 sa Betheda, 9am
WALANG CLINIC
(May 7)
Surecare, Briton, Gezyne
ANO ANG KETOANALOGUES?
✅ Ang KETOANALOGUES + ESSENTIAL AMINO ACIDS ay isang uri ng mga gamot na ginagamit para sa may mga CHRONIC KIDNEY DISEASE.
✅ Ang KETOANALOGUES ay NITROGEN-FREE analogs ng mga amino acids. Hindi gaya ng mga amino acids na naglalaman ng nitrogen, walang nitrogen ang mga ketoanalogues.
✅ Ang NITROGEN ay nakikita sa mga NITROGENOUS WASTE PRODUCTS na naiipon sa dugo kapag may CHRONIC KIDNEY DISEASE. Isang halimbawa nito ay ang UREA. Nakikita ang urea levels sa pamamagitan ng isang test na tinatawag na BLOOD UREA NITROGEN o BUN
✅ Kadalasang tumataas ang level ng UREA at iba pang NITROGENOUS WASTE PRODUCTS kapag kumakain ng PROTEIN gaya ng mga karne.
✅ Isang paraan upang MAPABAGAL ANG PAGLALA NG CHRONIC KIDNEY DISEASE ay ang pagkain ng LOW-PROTEIN DIET.
✅ Ang problema sa LOW-PROTEIN DIET sa may mga CKD ay maaari itong magdulot ng MALNUTRITION, PROTEIN-ENERGY WASTING at INFLAMMATION. Ang mga kumplikasyon na ito ay maaaring magdulot ng mataas na risk ng PAGKAMATAY.
✅ Ang pag-inom ng KETOANALOGUES ay isang mabisang paraan upang makakuha ng SAPAT NA PROTEIN ang pasyente upang hindi magkaroon ng MALNUTRITION
✅ Dahil walang NITROGEN ang KETOANALOGUE, ang pag-inom nito ay hindi makakadagdag sa UREA sa dugo.
✅ Ang KETOANALOGUES ay magandang source ng ESSENTIAL AMINO ACIDS na mahalaga para mapanatili ang MUSCLE MASS AT NUTRITIONAL STATUS ng katawan.
✅ Napatunayan na rin ang mga KETOANALOGUES (kapag ininom ng tamang dose) ay nagdudulot ng:
- Pagbagal ng pagkasira ng kidneys
- Improves malnutrition
- Nagpapababa ng risk for long-term dialysis
- Nag-iimprove ng metabolic acidosis
✅ Mahalaga na TAMA ANG DOSAGE ng gamot na ito. Sa mga pag-aaral, ang effective dose ng ketoanalogue ay 1 tablet kada 5-10 kilograms body weight. Ibig sabihin, ang taong 60 kg ang timbang ay dapat uminom ng 6 na tableta araw-araw.
✅ Mas effective din ang ketoanalogues kung sasamahan ng PROTEIN RESTRICTION o pagtitipid sa protein/karne na 0.4 grams/kg/day.
✅ Dahil hindi naman lahat ay makakabili ng gamot na ito, mas mahalaga pa ring tutukan ang wastong diet at pag-inom ng iba pang mas mahahalagang gamot gaya ng gamot para sa BLOOD PRESSURE at DIABETES.
May CLINIC po bukas (May 4) sa BETHESDA, 9am.
💦🥛🧐
IWAS KIDNEY STONE TIPS: DAMI NG IHI
✅ Mataas ang chance mag-form ng kidney stones kapag konti at CONCENTRATED ANG IHI.
✅Kapag concentrated ang ihi, nagkakaroon ng SUPERSATURATION ng CALCIUM at iba pang elements na nagcocontribute sa pagbuo ng stones.
✅ Ayon sa EUROPEAN ASSOCIATION OF UROLOGY, mahalaga na mapanatili sa at least 2.5 LITERS PER DAY ang ihi upang maiwasan ang pagkakaroon ng stones (PARA SA MGA MAY KIDNEY STONE or DATI NANG NAGKAKIDNEY STONE)
✅ Para ma-achieve ito, kailangan uminom ng maraming tubig (lalo na ngayong tag-init) upang maiwasan ang dehydration. Ang dehydration ay isang risk factor sa pagkakaroon ng kidney stones
‼️ Hindi applicable ang advise na ito sa mga hindi na nakakaihi, mga may heart failure at mga nagdadialysis. See your doctor for a personalized treatment regimen
May CLINIC po sa BETHESDA bukas (May 1), 9am
😊
HINDI LAHAT NG PANANAKIT NG LIKOD AT TAGILIRAN AY UTI!
✅ Madalas isisi ng nakararami sa URINARY TRACT INFECTION ang pananakit sa likod at tagiliran. Dahil dito, ginagamitan ng mga gamot tulad ng antibiotics ang mga sakit na hindi naman impeksyon ang dahilan ng mga sintomas na ito.
✅ Napakaraming sakit ang pwedeng pagmulan ng pananakit sa likod at tagiliran. Ilan sa mga sakit na ito ay:
⛔️ KIDNEY STONE (http://bit.ly/2KvyA2u) - isa sa mga madalas na dahilan ng pananakit sa tagiliran, na kadalasan ay pabugso-bugso, lumilipat ng lokasyon pababa sa singit at minsan ay may kasamang dugo sa ihi.
⛔️ POLYCYSTIC KIDNEY DISEASE - isang sakit na kadalasang namamana kung saan nagkakaroon ng napakaraming CYSTS sa kidney, na nauuwi sa paglaki ng kidneys at kidney failure.
⛔️ MUSCULOSKELETAL PAIN - ang mga sakit sa muscles o kalamnan na kadalasan ay sanhi ng STRAIN, CONTUSION o iba pang injury ay pwedeng magdulot ng pananakit sa likod. Ang mga sakit sa spine tulad ng SPONDYLOSIS ay nagdudulot ng sakit sa likod na mas tumitindi kapag ginagalaw ang likod.
⛔️ URINARY TRACT OBSTRUCTION - ang pagkakaroon ng harang o pagbabara sa kahit saan sa daluyan ng ihi gaya ng mga bukol sa tiyan o stricture ng ureter at kahit mga kidney stone ay pwedeng magdulot ng paglaki ng mga URETER at KIDNEY na siyang nagiging sanhi ng pananakit ng tagiliran.
⛔️ CANCER - ang mga cancer gaya ng sa PROSTATE, COLON, LUNG at BREAST ay mahilig kumalat sa mga buto tulad ng spine na pwedeng maging sanhi ng pananakit ng likod. Ang KIDNEY CANCER ay pwede ring maging sanhi ng pananakit sa tagiliran o likod.
⛔️ GASTROINTESTINAL DISEASES - ang mga sakit sa gaya ng PANCREATITIS, ULCER, GALLBLADDER STONES ay maaaring magdulot ng pananakit na gumuguhit patungo sa likod.
⛔️ PELVIC CONDITIONS - ang ENDOMETRIOSIS, PELVIC INFLAMMATORY DISEASE at PROSTATITIS ay maaaring magdulot ng pananakit ng likod at balakang.
✅ Sa dami ng mga sakit na pwedeng maging sanhi ng pananakit ng tagiliran at likod, importante ang pagpapatingin sa doktor upang ma-examine, ma-diagnose at magamot ng TAMA ang inyong sakit.
May CLINIC po tayo bukas sa BETHESDA, 9am 😊
𝗦𝘂𝗺𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻 𝗺𝗼 (𝗹𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄)? 😩💢
Alamin ang mga detalye sa infomercial na ito ➡️ https://youtube.com/shorts/4jLgQVr9xP8?si=4mCWGZUbvzk8iffk
Magandang araw! Kami ang 1A5 mula sa UST Faculty of Medicine and Surgery 🩺💛
Ating palaganapin ang impormasyon tungkol sa PUD: I-click ang link o i-scan ang QR code 🫶🏻 𝘏𝘦𝘭𝘱 𝘶𝘴 𝘳𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘰𝘢𝘭 𝘰𝘧 3,000 𝘷𝘪𝘦𝘸𝘴!
𝙈𝙖𝙡𝙪𝙨𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙪𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙖𝙜𝙧𝙚𝙚 𝙖𝙠𝙤 𝙏𝙄𝙔𝘼𝙉! 👍🏻