Sisa Sta. Juana de Cuza

Sisa Sta. Juana de Cuza

Mission & Love

Photos from Sisa Sta. Juana de Cuza's post 24/05/2024

Ti panagballaigi ti rambak Piesta ti Sisa iti aywan ken talek ni Santa Juana de Cuza naimpaposuan a panagyaman ti innak iyebkas kadakayo amin kakabsat nga timultulong para ti naballigi nga rambak tayo, kadakayo nga miembros iti daytoy a SiSa Dios ti agngina. Kadakayo!
Itultuloy tayo koma kakabsat ti mangisaknap ti pagarian ti Apo ditoy daga kas ti inaramid ni Sta. Juana, dawatentayo ti panangibabaetna ta maikantayo koma ti TURED nga agsaksi ti kinapudo ken ti Panagungar ti Apo!

Photos from Sisa Sta. Juana de Cuza's post 24/05/2024

Ti panagballaigi ti rambak Piesta ti Sisa iti aywan ken talek ni Santa Juana de Cuza naimpaposuan a panagyaman ti innak iyebkas kadakayo amin kakabsat nga timultulong para ti naballigi nga rambak tayo, kadakayo nga miembros iti daytoy a SiSa Dios ti agngina.
Itultuloy tayo koma kakabsat ti mangisaknap ti pagarian ti Apo ditoy daga kas ti inaramid ni Sta. Juana, dawatentayo ti panangibabaetna ta maikantayo koma ti TURED nga agsaksi ti kinapudo ken ti Panagungar ti Apo!

24/05/2024

SINO SI SANTA JUANA DE CUZA?

Si Juana ay “asawa ni Cuza, na tauhang tagapangasiwa ni Herodes.” Si Cuza ang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay sa bahay ni Herodes Antipas. Isa si Juana sa mga babaeng pinagaling ni Jesus. Siya at ang iba pang babae ay sumama sa paglalakbay ni Jesus at ng kaniyang mga apostol.—Luc. 8:1-3.

Itinuturo noon ng mga Judiong rabbi na ang mga babae ay hindi dapat makihalubilo sa mga lalaking hindi nila kamag-anak, at lalong hindi sila dapat maglakbay na kasama ng mga ito. Sa katunayan, halos hindi nakikipag-usap sa mga babae ang mga lalaking Judio. Hindi sinunod ni Jesus ang gayong mga tradisyon. Pinayagan niyang sumama sa kaniyang grupo si Juana at ang iba pang nananampalatayang babae.

Patuloy na sumama si Juana kay Jesus at sa mga apostol kahit hindi iyon nagustuhan ng marami. Lahat ng sumasama kay Jesus ay dapat na handang gumawa ng mga pagbabago sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tungkol sa mga tagasunod niyang ito, sinabi ni Jesus: “Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay ang mga ito na dumirinig sa salita ng Diyos at nagsasagawa nito.” (Luc. 8:19-21; 18:28-30) Hindi ba’t nakapagpapatibay malaman na malapít sa puso ni Jesus ang mga nagsasakripisyo para sumunod sa kaniya?

NAGLINGKOD SIYA MULA SA KANIYANG MGA TINATANGKILIK

“Mula sa kanilang mga tinatangkilik,” si Juana at ang maraming iba pang babae ay naglingkod kay Jesus at sa Labindalawa. (Luc. 8:3) “Hindi sinasabi ni Lucas sa kaniyang mga mambabasa na ang mga babae ang nagluluto ng pagkain, naghuhugas ng pinggan, at nag-aasikaso ng mga damit,” ang sabi ng isang manunulat. “Maaaring ginawa nila ito . . . , pero hindi iyan ang gustong sabihin ni Lucas.” Lumilitaw na ginamit ng mga babaeng iyon ang kanilang pera, mga tinataglay, o ari-arian para makapaglaan sa kanilang mga kasama.

Hindi nagtatrabaho si Jesus ni ang kaniyang mga apostol noong panahong naglalakbay sila para mangaral. Kaya malamang na hindi nila kayang bayaran ang lahat ng pagkain at iba pang pangangailangan ng isang grupo ng marahil 20 katao. Maaaring pinatutuloy at inaasikaso naman sila ng ibang mga tao, pero hindi sila laging umaasa rito. Masasabi natin iyan dahil si Kristo at ang kaniyang mga apostol ay may “kahon ng salapi.” (Juan 12:6; 13:28, 29) Si Juana at ang iba pang babae ay maaaring nag-abuloy para sa mga gastusin.

Sinasabi ng ilan na ang isang babaeng Judio ay walang pera o ari-arian. Pero ipinakikita ng mga isinulat noon na sa mga Judio, ang isang babae ay puwedeng magkaroon ng pag-aari sa iba’t ibang paraan: (1) bilang mana mula sa namatay niyang ama na walang anak na lalaki, (2) bilang ari-ariang ibinigay sa kaniya, (3) bilang pera na tatanggapin niya ayon sa kontrata ng kasal sakaling magdiborsiyo silang mag-asawa, (4) bilang bahaging tinatanggap niya mula sa ari-arian ng namatay niyang asawa, o (5) bilang personal na kita.

Ang mga tagasunod ni Jesus ay tiyak na nag-abuloy ng kung ano ang kaya nila. Maaaring may mayayamang babae sa kanila. Dahil si Juana ay asawa o naging asawa ng tauhan ni Herodes, iniisip ng ilan na maykaya siya. Isang katulad niya ang maaaring nagbigay ng mamahaling kasuutan ni Jesus na walang dugtungan. Binanggit ng isang manunulat na ang ganitong bagay ay “hindi kayang ilaan ng asawa ng mangingisda.”—Juan 19:23, 24.

Hindi binabanggit ng Bibliya na nag-abuloy ng pera si Juana. Pero ginawa niya ang kaniyang makakaya, at isang aral ang itinuturo nito. Anuman ang ibibigay natin para sa kapakanan ng Kaharian—magbibigay man tayo o hindi—tayo ang magdedesisyon. Para sa Diyos, ang mahalaga ay masaya nating ginagawa kung ano ang ating makakaya.—Mat. 6:33; Mar. 14:8; 2 Cor. 9:7.

PAGKAMATAY NI JESUS

Lumilitaw na noong patayin si Jesus, naroon si Juana kasama ng iba pang babae na “sumasama [kay Jesus] noon at naglilingkod sa kaniya noong siya ay nasa Galilea, at [ng] maraming iba pang mga babae na umahong kasama niya sa Jerusalem.” (Mar. 15:41) Nang alisin sa tulos ang katawan ni Jesus para ilibing, “ang mga babae, na sumama sa kaniya mula sa Galilea, ay sumunod at tiningnan ang alaalang libingan at kung paano inilagay ang kaniyang katawan; at bumalik sila upang maghanda ng mga espesyal at mababangong langis.” Ang mga babaeng ito—na ipinakilala ni Lucas bilang sina ‘Maria Magdalena, Juana, at Maria na ina ni Santiago’—ang bumalik pagkatapos ng sabbath at nakakita ng anghel na nagsabing binuhay-muli si Jesus.—Luc. 23:55–24:10.

Posibleng isa si Juana sa mga alagad, kasama ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus, na nagtipon sa Jerusalem noong Pentecostes 33 C.E. (Gawa 1:12-14) Dahil sa kaniyang koneksiyon, maaaring kay Juana galing ang sinasabing personal na mga impormasyon ni Lucas tungkol kay Herodes Antipas, lalo pa’t si Lucas lang ang manunulat ng Ebanghelyo na bumanggit sa pangalan ni Juana.—Luc. 8:3; 9:7-9; 23:8-12; 24:10.

May matututuhan tayong mga aral mula kay Juana. Naglingkod siya kay Jesus sa abot ng kaniyang makakaya. Kung ang pera o mga tinatangkilik niya ay nakatulong kay Jesus, sa Labindalawa, at sa iba pang alagad para sama-sama silang makapaglakbay at makapangaral, tiyak na ikinatuwa niya ito. Tapat na pinaglingkuran ni Juana si Jesus kahit sa harap ng mga pagsubok. Maganda ngang tularan ng mga babaeng Kristiyano ang makadiyos na saloobin ni Juana!

𝑺𝒕𝒂. 𝑱𝒖𝒂𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑪𝒖𝒛𝒂, 𝒊𝒑𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒎𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊!

23/05/2024

𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚜𝚒𝚊𝚖 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊

22/05/2024

𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚠𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊

21/05/2024

𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚙𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊

20/05/2024

𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚒𝚗𝚎𝚖 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚂𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊

Videos (show all)

𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚜𝚒𝚊𝚖 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊
𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚠𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊
𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚙𝚒𝚝𝚘  𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚜𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊
𝙼𝚊𝚒𝚔𝚊𝚒𝚗𝚎𝚖 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚕𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚒 𝚗𝚘𝚋𝚎𝚗𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚂𝚝𝚊. 𝙹𝚞𝚊𝚗𝚊 𝚍𝚎 𝙲𝚞𝚣𝚊 𝚙𝚊𝚝𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚒 𝚂𝚒𝚂𝚊 𝚔𝚎𝚗 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚒𝚊

Website