El Filibusterismo
We aim to educate our youth about our own literature.
Whats on your mind?
‼️‼️‼️‼️
HI KRA # # # KO SI JOHNLYN CATAYONG SEXY MO PO
Gawin na nating official page kaya to total wala naring gumagamit ehh
Si johnlyn Catayong ang pinaka payat na makikilala mo sa SMSC.
now you know😂
"Ang Paglisan sa tahanang sinilangan at nilakihan ay higit pa kaysa kung mawala ang kalahati ng sariling Pagkatao."
- Jose Rizal
"Ang p**t walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga." - Simoun
- Ctto
- 🐶
BUOD KABANATA 3 - "MGA ALAMAT"
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga nasa kubyerta. Dumating si Simoun. Sayang daw at hindi nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad na batong buhay. Sinabi ng kapitan na may isa pang alamat ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi, "sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?" Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay Padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Halos naalala pa ng lahat ang pangyayaring iyon kahit labintatlong taon na ang nakalipas. Naghihintay ang lahat sa itutugon ng kapitan, bukod kay Simoun na waring may inaaninaw sa dalampasigan ng lawa. Ayon kay Padre Sibyla narito sa ilog si Ibarra kasama ng kaniyang ama. Marami pa sana silang pag-uusapan ngunit sumama na ang pakiramdam ni Simoun. Ipinalagay ng kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.
Sino sino ang mga kilala mong tauhan sa El Filibusterismo?
- 🐶
Jose rizal ( centre ) , with juan luna ( left ) , and valentin ventura ( right ) .
-🎶
Mabuhay La Liga Filipina 🇵🇭
- 🎶
Ctto
- 🐶
One of these artifacts is the last photograph taken of Teodora Alonso, mother of Dr. Jose Rizal, in her home in San Fernando Street, Binondo, Manila in August 1911. Having outlived her son by 15 years, she saw him being commemorated by a national holiday since 1898 and a law authorizing the construction of what is now the Rizal Monument at the Luneta. Despite offers for a lifetime pension, she politely refused it, saying:
"My family has never been patriotic for the money. If the government has plenty of funds and does not know what to do with them, it's better to reduce the taxes."
Come and visit the Jose Rizal Museums in Calamba, Fort Santiago, and Dapitan, and see the other important artifacts related to our nation's foremost hero.
- 🎶
Alam nyo ba na ang "WONDERING JEWS" ay ang pangatlong nobelang naisulat ni Dr.Jose Rizal noong nabubuhay pa siya subalit hindi ito masyadong naituloy ng ating pambansang bayani sa kadahilanang pinatay siya ng mga espanyol noong Disyembre 30, 1896.
- 🐶
Humarap si Rizal nang siya'y barilin at deretcho ito sa kanyang puso, ang kanyang pag harap ay sumisimbolo na hindi siya guilty sa mga ipinaparatang sakanya.
Gusto nyo bang may malaman tungkol kay Jose Rizal? Comment "Rizal", Ano pa bang kaalaman ang pwedeng malaman sa ating pambansang bayani
Pamilyar ba kayo sa "Retraction Theory"?
Pinaniniwalaang bago mamatay ay may isinulat si Rizal na liham na nagsasabing pinagsisisihan niya at humihingi siya ng tawad sa mga espanyol lalong lalo na sa mga prayle sa pag sulat nya ng kanyang mga akdang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" na siyang naglalahad ng mga kasakiman at panga abusong ginagawa ng mga espanyol sa mga Pilipino.
Sa katunayan ay mayroon nga naman din talagang liham na natagpuan nang siya'y mamatay ngunit nang suriin ito ng mga eksperto'y may pagkakaiba ang lagda ni Rizal sa nabanggit na liham at sa kanyang iba pang mga akda. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay 'teorya' parin itong maituturing.
Alam niyo ba na si Leonor Rivera na isa sa mga naging nobya ni Rizal ang pinaniniwalaang ginawa nitong inspirasyon sa pagsulat ng karakter ni Maria Clara sa kanyang nobelang "Noli Me Tangere".
EL FILIBUSTERISMO BUOD :KABANATA 2
"SA ILALIM NG KUBYERTA"
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyante pinakukundanganan ng iba - sina Basilio at Isagani. Napag-usapan nina Kapitan Basilio, Basilio at Isagani ang tungkol kay Kapitan Tiyago. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan Basilio, magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si Don Tiburcio, na sa bahay ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago. Dumating si Simoun at sila'y nagtalo ukol sa pag-inom ng serbesa. Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni't nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito'y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
-Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica, pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
BUOD : EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1
"ANG KUBYERTA"
Umaga ng Disyembre. Sa ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Donya Victorina, Isagani, Paulita Gomez, Simoun, Ben Zayb, at marami pang iba. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: "Mag-alaga ng itik". Ani Simoun na isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan Heneral: "Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila." Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Agad na sumagot si Donya Victorina na nandidiri at nasusuklam sa mungkahi ni Don Custodio na durumi ang ilog kapag nag-alaga ng pato ang mga tao.
Hindi niyo ba alam na ang "Filibustero" ay isinulat ni rizal para sa kaniyang kaibigan na, si FERDINAND BLUMENTRITT at kakaunti lang ang may alam nito sa Pilipinas?
Ngayon alam mo na?
-P
Matalino at iniisip ang makabubuti sa nakararami. Sumang ayon siya sa pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil hindi lingid sa kaniya na may kakayahang mag-aklas ang mga estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na magbunsod sa pagbagsak ng mga kastila. Yan si Padre Fernandez
-P
Ang nobelang El Filibusterismo, literal na "Ang Pilibusterismo" o Ang Paghahari ng Kasakiman, ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal.
- 💣
Ang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong nakilala sa bansag na GOMBURZA - Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora.
- 🐶