Mylah Pedrano, ang ating Staff Regent

Mylah Pedrano, ang ating Staff Regent

Si MYLAH Pedrano, librarian mula UP Cebu at naging VP for REPS ng AUPAEU-Cebu, ang ating Staff Regent! #MYLAHbanTayo

29/07/2019

Dumalo si Staff Regent Mylah Pedrano sa 2019 UP Libraries Conference. Kasama nya sa larawan ang mga University Librarian mula sa iba't ibang CU. Bago mahalal, si SR Mylah ang head librarian ng UP Cebu. 📷 Florabel Banares

24/07/2019

Nagsama-sama ang mga manggagawang administratibo at akademiko sa panunumpa ni Mylah Pedrano bilang ika-6 na Staff Regent. Sinabayan ng lahat ang likhang awit ni Edge Uyanguren ng AUPAEU-Diliman.

Photos from All UP Academic Employees Union - Manila Chapter's post 24/07/2019
Photos from All U.P. Academic Employees Union's post 24/07/2019
Photos from U.P. Workers' Alliance's post 24/07/2019

Daghang salamat, All UP Workers Alliance!

Photos from Mylah Pedrano, ang ating Staff Regent's post 24/07/2019

Panunumpa ni Mylah Pedrano, ika-6 na Staff Regent ng Unibersidad ng Pilipinas at kauna-unahan mula sa hanay ng research, extension and professional staff. Daghang salamat sa lahat ng administrative staff, REPS at buong UP community! Mabuhay ang All UP Workers Alliance!

24/07/2019

Mabuhay ang ating ika-6 na Staff Regent, Mylah Pedrano!

24/07/2019

Panunumpa ni Mylah Pedrano, ang ating ika-6 na Staff Regent

23/07/2019

[UMMC update]

Narito ang mga resolusyon sa special meeting ng Union-Management Monitoring Committee (UMMC) ng All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU) at UP administration para sa final report ng mga binuong technical working group (TWG) sa mga panukalang side agreement sa CNA:

1. Kinilala ng parehong panig ang mga prinsipyo ng non-discrimination at equity sa pagpapatupad ng mga kasalukuyan at panukalang benepisyo ng pabahay at study privilege sa mga itinuturing na dependent ng mga UP employees sa buong system.

2. Tinanggap sa UMMC ang rekomendasyon ng TWG na palawigin ang konsepto ng dependent ng UP employee upang saklawin pati ang mga non-earning na pamangkin (hanggang 3rd degree of consanguinity) ng mga empleyadong walang anak. Hanggang 3 nasabing dependent ang maaaring makatamasa nito at dadaan pa rin sila sa regular na proseso ng admission (pagkuha at pag-qualify sa UPCAT). Pag-aaralan pa ang maaaring karagdagang puntos sa admission para sa mga nasabing UP dependent, kasama na rin ang iba pang alternatibong porma ng benepisyo sa mga UP employees na may anak na nakakatamasa na rin ngayon ng free education sa unibersidad.

3. Nagkasundo ang UMMC na muling babalikan ang mga best practices ng mga CU sa kani-kaniyang housing project at ang iba pang panukala para buuin ang pag-aaral sa range ng mga option para sa benepisyong pabahay sa buong system. Inirekomenda namang patuloy na pag-aralan at isalang sa konsultasyon sa mga CU ang panukalang transportation allowance para sa mga UP employees na di nakakatamasa ng mga kasalukuyang benepisyong pabahay sa unibersidad.

4. Nagkasundo naman ang UMMC na ipadala na sa Office of the President ang mga rekomendasyon ng TWG on Health and Wellness partikular na sa pagpapalawig ng eHOPE. Inaasahan ding magkakaroon ng joint meeting ang mga kinatawan ng UMMC at UMCB upang ikonsolida ang kani-kaniyang rekomendasyon hinggil sa eHOPE.

Sinang-ayunan din ng UMMC ang pag-standardize ng mga proseso sa pagpapagamot ng mga UP employees mula sa ibang CU sa PGH, kasama ang pagtatalaga ng courtesy lane sa mga UP employees. Aprubado rin ng UMMC ang rekomendasyon na buuin ang systemwide na pag-aaral sa pagpapatupad ng kabuuan ng Magna Carta for Public Health Workers sa PGH at iba pang health service units, health at safety ng mga empleyado, at pagsasaprayoridad ng wellness programs sa mga CU.

Nakinig din sa nasabing pulong sina Faculty Regent Ramon Guillermo at Staff Regent-elect Mylah Pedrano.

Anuman sa mga nasabing UMMC recommendations ang maaprubahan ng BOR ay magiging opisyal na bahagi ng kasalukuyang CNA, at inaasahang kagyat na ipapatupad ng UP administration.

23/07/2019

ATM: Special UMMC meeting on the final report of the AUPAEU-TWGs on Housing, Study privilege and scholarships, and Health and wellness. Faculty Regent Ramon Guillermo and Staff Regent-elect Mylah Pedrano are also present to hear the recommendations.

23/07/2019

Malipayong pagabot, Staff Regent-elect Mylah Pedrano, mula sa All U.P. Academic Employees Union-National!

23/07/2019

Nakatakdang magpulong ang Union-Management Monitoring Committee (UMMC) ng All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU) at UP administration sa Hulyo 23 para pakinggan ang ulat at rekomendasyon ng mga binuong technical working group (TWG) para sa mga panukalang side agreement sa kasalukuyang CNA. Tatlo sa limang TWG ang mag-uulat nga Martes - Health and Wellness, Housing, at Study Privilege/Scholarships. Ang dalawa pang UMMC TWG ay ang komite sa REPS concerns, at Kontraktwalisasyon.

23/07/2019

Mga militante, progresibo at makabayang unyonista sa United People's SONA 2019!

22/07/2019

United People's SONA 2019 sa Metro Manila 📷 Efren Ricalde

22/07/2019

"Kahit na may bagyo, kahit na may unos...", tuloy ang martsa ng mamamayan sa United People's SONA.

22/07/2019

Atin ang Pinas! Mga militante, progresibo at makabayang unyonista ng All UP Workers Alliance sa United People's SONA sa Kamaynilaan.

22/07/2019
22/07/2019

Tutulan ang Pag-eetsa Pwera ng Sambayanang Pilipino sa sariling Pamantasan at sariling Bayan!

Editoryal ng Pandayan, ang opisyal na publikasyon ng All U.P. Workers Alliance
Hulyo 22, 2019

Ikatlong SONA na ni Rodrigo Duterte. Dahil sa kahihiyan at grabeng baho na inabot na ng rehimeng Duterte, nakakatiyak tayo sa pagkakataong ito na babakuran at haharangan na nila ng mga sundalo, pulis at armas itong SONA na walang dangal ng isang bastos na diktador.

Paghaharang at pagbabakod.

Sa kasalukuyan ay abalang-abala ang Administrasyon ng UP sa pagtatayo ng mga bakod: bakod sa paligid ng Quezon Hall, bakod sa paligid ng Executive House, bakod sa paligid ng Unibersidad, bakod sa paligid ng mga komunidad na paaalisin at marami pang ibang bakod. Pampaganda raw sa kampus. Panseguridad din daw at pangkaunlaran.

Sa kabila ng itinatayong mga bakod, patuloy na ini-etsa-pwera ang mga manininda, jeep at mga maralitang komunidad sa loob ng pamantasan. Ang turing sa kanila ay marurumi, masasakit sa mata at pananda ng kawalang pag-unlad ng unibersidad. Samantalang napapagkaitan ang daan-daang libong kabataang mula sa mga pamilyang manggagawa, magsasaka at lumad ng edukasyon at walang pag-asang makatuntong sa kolehiyo at laluna sa isang elitistang pamantasan katulad ng UP.

Pagpapaganda at pag-eetsa-pwera ang inaaatupag. Naghahangad ng pag-angat sa katanyagang pandaigdig samantalang nalalayo sa mga pangangailangang pambansa at nakakaligtaan ang tungkuling magserbisyo sa mas malawak na mamamayan. Ngunit kaugnay lamang ang mga ito ng kasalukuyang mga neoliberal na patarakan ng estadong Pilipino.

Kaya kung tumanaw naman tayo sa labas ng UP sa antas pambansa. Iba ngunit kahawig na eksena naman ang makikita.

Bukas na bukas at nakabuyangyang ang pambansang ekonomiya sa mga mapagsamantalang dayuhang negosyante at multinasyunal. Bukas na bukas ang ating karagatan sa walang pakundangang pagpasok at paninira ng mga barkong nangingisda at panggiyera mula sa Tsina. Bukas na bukas at walang kaangal-angal ang rehimeng Duterte sa pagtatayo ng Tsina ng mga base at instalasyon sa loob mismo ng teritoryo ng Pilipinas. Sa loob mismo ng ating sariling bansa ay nagtatayo ang mga dayuhan ng mga bakod na nag-eetsa-pwera sa mga Pilipino.

Sa gitna ng mga paghaharang, pambabakod at panggigipit na ito ay may namumuong lakas. Naiipon ang galit, lumalakas ang diwang palaban, nagigising ang kamalayan. Darating ang araw na wawasakin ng sambayanang Pilipino ang mga panloob at panlabas na bakod na ito at kakamtin ang kalayaan mula sa dayuhang mananakop at sa madugong diktador na nakaupo sa Malakanyang.

Shuttering ‘lumad’ schools 18/07/2019

"But are Esperon’s charges true in the first place? Did the DepEd conduct an independent investigation to verify them before it made the decision to shutter the schools? Where is, in fact, DepEd’s own footprint in the process leading to that decision?"

Shuttering ‘lumad’ schools And just like that, scores of “lumad” pupils in the Davao Region are at risk of being driven out of school following what appears to be an abrupt decision

17/07/2019

[Oath taking ng ating ika-6 na Staff Regent]

Iniimbitahan ang lahat ng administrative staff, REPS, at UP community sa Araw ng Panunumpa ni Mylah Pedrano, ang ating Staff Regent sa Hulyo 24, Miyerkules, 1:00 ng hapon sa Quezon Hall lobby, UP Diliman.

Si Mylah ang ika-6 na UP Staff Regent, at kauna-unahan mula sa hanay ng research, extension and professional staff o REPS (kinakatawan ng SR ang mga sektor ng administrative staff at REPS).

Halos dalawang dekada nang naglilingkod si Mylah sa UP. Naging Vice President for REPS siya ng All UP Academic Employees Union (AUPAEU) at kasalukuyang head librarian ng UP Cebu.

ACT party-list seeks House inquiry on alleged police profiling of UP employees in Iloilo 17/07/2019

“The profiling of teachers and professors who are union leaders and members must end. Members and leaders of the Alliance of Concerned Teachers Union and the All U.P. Academic Employees Union have been in the forefront when it comes to the salaries, benefits, rights, regularization, and tenure of public school teachers and U.P. employees and faculty. They are not criminals that could be subjected to profiling and harassment by the police,” ACT Teachers Rep. France Castro Castro said in a statement.

ACT party-list seeks House inquiry on alleged police profiling of UP employees in Iloilo ILOILO CITY –– The ACT Teachers party-list group on Tuesday filed a proposed House resolution seeking a congressional inquiry into alleged police profiling of members of the University of the

16/07/2019

Daghang salamat, All U.P. Academic Employees Union!

DAGHANG SALAMAT, mga administrative staff, REPS, at sa buong komunidad ng UP, mula sa All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU). Isulong ang militante, progresibo at makabayang unyonismo!

Sa sulat na ipinadala ng system ad hoc committee kay Pangulong Concepcion nitong Lunes, pormal nang iniulat na si Mylah R. Pedrano mula sa UP Cebu ang nanalo sa halalan noong July 2 para sa ika-6 na Staff Regent (SR). Siya ang kauna-unahang SR mula sa hanay ng research, extension and professional staff (REPS).

Batay sa final at official count, nakakuha si Mylah ng 2,901 votes, lamang ng halos 300 boto sa kanyang kapwa nominado na si Jocelyn Dagusen ng UP Baguio na may 2,616 votes.

Si Mylah ang opisyal na kandidato ng All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU), kinatawan ng mga REPS at faculty sa UP, sa nagdaang 6th SR selection process. Sinuportahan din siya ng REPS Association, Alliance of Contractual Employees in UP, at ng All UP Workers Alliance sa UPM-PGH at sa UP Diliman. Malaking bilang din ng mga kawani ang bumoto para kay Pedrano sa iba't ibang kampus.

Halos dalawang dekada nang naglilingkod si Pedrano sa UP. Siya ay kasalukuyang head librarian ng UP Cebu at dating Vice President para sa REPS ng AUPAEU-Cebu.

16/07/2019

UNITED PEOPLE'S SONA 2019: IPAGLABAN ANG PILIPINAS!
Sobra na! Taman na! Ipaglaban ang soberanya, kabuhayan at demokrasya!
July 22, 3-6pm Commonwealth Avenue, Quezon City

On July 22, Pres. Rodrigo Duterte will deliver his fourth State of the Nation Address (SONA). This SONA comes after the victory of his allies in the mid-term election, an election that is tainted by suspicions of abuse of government resources for his candidates, vote buying, intimidation, and electronic fraud.

That the once-independent Senate is now dominated by the President’s allies marks the completion of the necessary ingredients for dictatorial and unaccountable governance. Combined with co-opted institutions and disregard for the rule of law, which has distinguished his government in the last three years, our democracy urgently needs our complete attention and action. Of particular concern are the following:

President Duterte’s unwillingness to stand up to China in the West Philippine Sea, at the expense of our people’s right to the vast resources of our exclusive economic zone.
The deliberate campaign against dissenters, activists and advocates of democracy, justice and human rights, characterized by humiliation, intimidation, harassment, use of made-up charges, and denial of due process.
Economic policies that destroy our local agriculture and manufacturing, ecological integrity and biological diversity.
An insensitive and aberrant development model that keeps wages low and jobs insecure, and increases the prices of public utilities and other basic goods and services.
The continued push for Charter Change that aims to strengthen political dynasties, lift term limits, undermine the system of checks and balances, water down civil and political rights, open up our country and people to foreign exploitation, and plunder environment and natural resources.
Continuing corruption and abuse of power.
Collusion in the revision of our history and identity.
The further degradation of women, indigenous peoples, churches and other marginalized groups.

We simply cannot allow this to go on. Sobra na. Tama na.

This year’s SONA is an important occasion to voice our issues and concerns. And more than that, it is an opportunity to reclaim our God-given power as the sovereign people.

It is in this context that the United People’s SONA 2019 aims to once again bring together the biggest and broadest number of groups and individuals in defense of our sovereignty, democracy, and people’s well-being and livelihood. All activities are expected to culminate in a mammoth rally along Commonwealth Avenue on July 22, from 3-6p.m., to serve as a powerful counterpoint to the opening of the 18th Congress and the President’s SONA. # # #

16/07/2019

Daghang salamat, All UP Workers Alliance-Manila at REPSA-Manila!

Daghang salamat, UP Manila-PGH! Sa pagkakaisa ng All UP Workers Union-Manila, All UP Academic Employees Union-Manila at Alliance of Contractual Employees in UP-Manila, sa ilalim ng militante, progresibo at makabayang All UP Workers Alliance-Manila, kasama ang REPS Association-Manila, naipanalo natin ang ating pambato na si MYLAH R. PEDRANO bilang ika-6 na Staff Regent, at ang kanyang nais na agenda ng positibong pagbabago sa Opisina ng Staff Regent!

Narito ang update sa final at official results ng SR elections: https://www.facebook.com/431306773622415/posts/2309604232459317/

15/07/2019

Si Mylah R. Pedrano ang ating bagong Staff Regent! Daghang salamat sa mga kapwa administrative staff, REPS at sa buong UP community!

Daghang salamat, mga kapwa administrative staff, REPS at sa buong UP community!

Dalawang linggo matapos ang eleksyon, pormal nang kinumpirma ng System Ad Hoc Committee na si MYLAH R. PEDRANO ang ating bagong Staff Regent (SR). Nanguna sa halalan si Mylah na may 2,901 votes, habang ang kanyang kapwa nominado na si Jocelyn Dagusen ay nakakuha ng 2,616 votes. Isinumite na rin sa Office of the President ang final report ng nasabing komite para sa 6th SR selection process.

Inaasahang maitatakda ang panunumpa ni Mylah bilang ika-6 na SR sa lalong madaling panahon, at makakaupo ang ating bagong SR sa darating na Board of Regents meeting sa Hulyo 31.

Kapag sama-sama, MYLAHBAN TAYO para sa positibong pagbabago sa Staff Regent's office!

15/07/2019

Investigate Lumad killings, school closures too, U.N. told
U.P. union hits militarization of bureaucracy under Duterte

The All U.P. Academic Employees Union (AUPAEU), the sole representative of research, extension and professional staff (REPS) and faculty of the University of the Philippines (UP), calls on the United Nations (UN) Human Rights Commission to step up the pressure against the Philippine government, and take a closer look on the other face of war being waged by the Duterte administration against indigenous people.

The relentless attacks against Lumad schools prove the Duterte government's wanton disregard for human rights. It also affirms the position of human rights advocates in the Philippines and the recent decision of member countries of the UNHRC to call for the investigation of rights abuses in the country.

Not only is it an affront to children’s right to education, the national government's move contributes to the marginalization of Lumad communities. AUPAEU adds that DepEd's closure order invites further militarization of Lumad communities and human rights violations under the state of martial rule in Mindanao.

DepEd's rash decision at the behest of the National Security Adviser and the Armed Forces of the Philippines merely shows the military's tight grip on the Duterte administration and the continuing militarization of the civilian bureaucracy. It comes as no surprise that the government turned its back on the peace process and became more adamant on adopting military solutions through brutal counterinsurgency programs instead of addressing the roots of the armed conflict.

AUPAEU is an active part of the Save Our Schools (SOS), a network of advocates in support of Lumad right to education and self-determination. #

[Photo: Moving up and graduation rites of the Lumad Bakwit School in U.P. Diliman on March 29, 2019]

12/07/2019

DATES TO REMEMBER
START OF ONLINE APPLICATION PERIOD : JULY 16, 2019

SUBMIT APPLICATION TO THE OFFICE OF ADMISSIONS:
JULY 16, 2019 – AUGUST 23, 2019

DEADLINE FOR FILING OF APPLICATIONS
2 AUGUST 2019 – REGIONAL PUBLIC HIGH SCHOOL
9 AUGUST 2019 – REGIONAL PRIVATE HIGH SCHOOL
16 AUGUST 2019 – METRO MANILA PUBLIC HIGH SCHOOL
23 AUGUST 2019 – METRO MANILA PRIVATE HIGH SCHOOL

Application received after August 23, 2019 will be processed only if test permits are still available

UPCAT 2020 WILL BE HELD ON OCTOBER 5 & 6, 2019

For inquiries please email us at : [email protected]

Videos (show all)

Nagsama-sama ang mga manggagawang administratibo at akademiko sa panunumpa ni Mylah Pedrano bilang ika-6 na Staff Regent...
Panunumpa ni Mylah Pedrano, ang ating ika-6 na Staff Regent #MYLAHbanTayo #PositibongPagbabago
Ani SR-elect MYLAH sa flag raising ceremony sa UP Cebu, hindi mahalaga kung sino ang ating sinuportahan noong nagdaang h...
Ang laban natin--BUMOTO!
#MYLAHbanTayo sa PROMOSYON
#MYLAHbanTayo sa Regularisasyon
Pantay-pantay na benepisyo ang ating ipinapanawagan kaya naman matagal na nating isinusulong ang harmonization ng eSRP a...
Kailangan ng rebisyon ng E-Hope upang mas maging masaklaw ang mapaglingkurang mga empleyado na nangangailangan ng benepi...
Si MYLAH Pedrano lamang ang Staff Regent candidate na dumalo sa Public forum sa UP Manila-PGH. #MYLAHbanTayo
Si MYLAH Pedrano lamang ang Staff Regent candidate na dumalo sa Public forum sa University of the Philippines Manila-Phi...
Si MYLAH lamang ang dumalong Staff Regent nominee sa public forum sa UP Manila-PGH #MYLAHbanTayo
Mylah Pedrano, ang ating Staff Regent

Website