EsP Grade 9 ni Gng. Diony L. Gonzales

EsP Grade 9 ni Gng. Diony L. Gonzales

Assignments, Group or Individual Activities, Projects and Requirements will be POSTED here if:
1. WA

13/01/2015

Maraming magiging trabaho kaya sipag sipagan ng kaunti. Magnilay sa mga araw ng pagbisita ng Santo Papa.

Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Learners Module 02/01/2015

http://www.slideshare.net/marcomed/grade-9-edukasyon-sa-pagpapakatao-learners-module?related=1

You can download your Module. Basa-basa din.

Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Learners Module Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Learners Module

See the Pass it On 'Honesty' commercial - Stay honest under pressure | Values.com 15/09/2014

honesty is the best policy...

http://www.values.com/inspirational-stories-tv-spots/91-classroom

See the Pass it On 'Honesty' commercial - Stay honest under pressure | Values.com A young boy chooses not to cheat on a math test and sets a good example of honesty. See this Pass it On commercial and more at Values.com.

See our newest commercial about the positive side of peer pressure | Values.com 15/09/2014

http://www.values.com/inspirational-stories-tv-spots/115-peer-pressure

Pass it on...
DO THE RIGHT THING!

See our newest commercial about the positive side of peer pressure | Values.com Having good friends—who pressure you to be a good person is a good thing.

14/09/2014

Pakibasa ang PAGPAPALALIM, Modyul 5. Please prepare for a 30- item-quiz.

14/09/2014

Pa-add sa mga groups ng section nyo para ma-upload ko yung pagpapalalim ng Module 6 mamaya...sinasalin ko pa sa MS Word ngayon. Super haba.

Timeline photos 02/09/2014

Concept Web / Takdang Aralin. Pakibasang mabuti ang panuto. Basahin at intindihing mabuti ang PAGPAPALALIM upang masagot ang concept web.

Gabay lamang ang halimbawa sa ibaba, maaari kayong gumawa ng inyong sariling concept web. Unawaing mabuti ang panuto.

Pagpapalalim / Teksto / Babasahin 02/09/2014

Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Timeline photos 21/08/2014

Proyekto sa EsP 9 sa Ikalawang Markahan:
SCRAPBOOK.

Kapag sinabing scrapbook:
1. Scrap nga, meaning galing sa mga bagay sa paligid na patapon na ngunit mapapakinabangan pa.
2. Hindi masyadong malaki ang gagastusin ngunit maganda ang kalalabasan ng proyekto.

Anu-ano ang ilalagay sa scrapbook?
✓ Dahil nauukol sa batas ang Ikalawang Markahan at tinatalakay natin every now and then ang Lokalisasyon, mga batas ng paaralan ang magiging laman ng inyong scrapbook.

Paano ninyo malalaman ang mga batas ng paaralan?
✓ Ibibigay ko ang kopya sa inyong class president at bahala na kayong magpa-photocopy. Nakasaad doon ang mga Minor and Major Offenses.

Maaari ba kayong magdala ng camera sa paaralan?
✓ Oo, provided na hanggang sampung katao lamang sa isang section ang magdadala. Maki-picture na lang ang iba. Bibigyan ko kayo ng sulat na nagsasaad na pinahihintulutan ko kayong magdala ng camera sa araw na iyon. (Isang araw lang) HINDI KO PAPAYAGAN ANG CELPHONE BILANG MAGSILBING CAMERA PARA SA PROYEKTO.

Ma'am, papaano po 'yung mga nakasaad sa batas for example: IPINAGBABAWAL ANG PAGDADALA NG ANUMANG URI NG DEADLY WEAPON. Paano po namin iyon isasama sa scrapbook?
✓ Kanya-kaya tayo ng interpretasyon. Maaaring gumupit ng larawan o mag-print ng larawan mula sa internet na nagpapahiwatig ng nasabing batas. Nasa paraan iyan ng iyong pagpapaliwanag. Halimbawa: LARAWAN NG KUTSILYO NA MAY NAKALAGAY NA EKIS (X) SA IBABAW NG LARAWAN.

Ma'am, paano po kapag na-confiscate ang camera ko dahil expired na po yung permit na ginawa ninyo?
✓ Kaya nga dapat gawin on schedule ang pagkuha ng larawan nang sa gayon ay maiwasan ang ganitong pangyayari.

Ma'am, kailan po ang pasahan?
✓ Sa loob ng klase ko idi-discuss ang araw ng pasahan.

Ma'am, pagkatapos po namin maipasa at ma-grade-an at ma-record ang proyekto namin, ano po ang kasunod?
✓ ANG "TOP 10 THE BEST SCRAPBOOK" SA BAWAT SECTION ay maisasama sa exhibit sa February, EsP Month. Kaya kapag binalik ko ang inyong proyekto, balutin ng plastic o ilagay sa kahon o paper bag upang hindi masira o mabasa dahil hihingin ko ulit 'yan bago ang exhibit.

MA'AM MAY TANONG PA PO AKO...!
✓ Sige, sa klase tayo magkakaroon ng pagpapaliwanag at klaripikasyon.

MAGANDANG GABI!

Timeline photos 21/08/2014

Takdang Aralin #1
Ikalawang Markahan.

Sa isang buong papel, gawin ang Semantic Web. Basahin mabuti ang panuto. Gawing makulay ang inyong gawain.

Rubric:
10 puntos - Kumpleto ang apat na web strand at mayroong mga strand tie.
8 puntos - Kumpleto ang web strand ngunit kulang ang mga strand tie
6 puntos - Hindi malinaw ang mga nakapaloob sa web strand at kulang o di sapat ang mga nasa strand tie.

(Ang stand tie ang siyang magbibigay ng suporta o supporting answer sa web strand)

Araw ng pasahan: SA SUSUNOD NA PAGKIKITA-KITA.

Website