PinkEclipse

PinkEclipse

You can't write without paper and ink 🔏

http://เ.PinkEclipse_󱢏

11/04/2024

Due to excessive works, I couldn’t find time to update my stories and I'm so sorry for that. I'm trying my best to finish my works so that I can focus on writing my stories na. Anyways,

Happy 2 years and 5 months of being a writer, thank you for those people who supported me, who supports me, and will support me. I hope you will wait for my comeback.

That's all, have a great day and stay hydrated everyone. ✨

10/12/2023

Cheers 🥂 to the 2 years and
1 month of writing 🎉🎉

08/12/2023

Warning ⚠️❗ Grammatical and typographical errors ahead.

GxG Story. Published on Wattpad (PinkEclipse_). Ongoing.

Royalties Series 1 [RS 1] {Revised}

Fearless Love: Crystal Jade Alfonso [FL:CJA]

PROLOGUE

"You alright?" biglang tanong sakin ni Brix. Kaibigan ko.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya bago tumango. Well, andito lang naman kami sa gym dahil PE namin ngayon. Katatapos ko lang gawin ang parusang pinapagawa ni Sir Reyes sakin na tumakbo sa loob ng gym ng sampung beses dahil sa late akong pumasok sa klase niya. Dahil sa pagod ay hindi ko nakayanan pang tumayo kaya napasalampak ako sa sahig ng gym.

Tumabi sakin si Brix at binigyan ako ng isang malamig na tubig at isang towel na kinuha ko naman. Ininom ko ito habang nilagay ko naman sa ulunan ko ang towel.

"Bakit ka na-late? Ano na naman ang pinaggagawa mo kay Jade niyan?" bigla nitong tanong at nakatingin sa isang direksyon.

Hindi ko na tiningnan kung saan siya nakatingin dahil paniguradong nakatingin na naman ito sa isang kaklase ni Rys. Siniko ko siya ng medyo malakas kaya naputol ang pag-titig niya kay Xianna.

"Pwede ba, kung makapagsalita ka parang wala akong respeto kay Rys, ah." nakasimangot kong sabi. Sinimangutan niya rin ako at bumalik uli sa pag-titig sa babae. "Tigil-tigilan mo nga 'yang pag-titig mo, mukha kang manyak." sita ko.

Kunot-noo niya akong nilingon, naiirita na dahil sa pagpigil ko sa kanyang matitigan ang babae.

"Pwede ba h'wag mo kong guluhin. Minsan ko na nga lang siyang makikita, pinagkakait mo pa sakin. Doon ka na nga lang kay Jade." taboy niya sakin.

Napailing nalang ako dahil sa inaasta niya. Inubos ko na ang tubig ko saka ako tumayo para magligpit na ng gamit ko, hindi ko na nagawang yayain pa si Brix dahil alam kong enjoy na enjoy siya sa pag-titig ni Xianna.

Ewan ko ba dun, ang torpe. Hindi nagmamana sakin. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang malapit na magtanghalian kaya mabilis kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko at bumalik kay Brix. Na hanggang ngayon ay pasimple pa ring nakatitig sa estudyante.

Mga galawan nga naman, galawang torpe.

Tumingin ako sa banda nila Xianna at nakita kong papaalis na sila kaya natatawa akong tinapik si Brix sa balikat.

"Tara na, magla-lunch time na oh saka paalis na rin 'yang crush mo kaya tara na." yaya ko dito at tinulungan siyang tumayo.

Bagsak ang balikat niyang kinuha ang mga gamit niya at sumabay sakin. Napailing na lang uli ako.

"Bilis, nag-aantay na si Rys sakin. H'wag kang mag-alala, mamaya sasama ka sakin papunta sa room nila Rys para sunduin siya. Malay mo makita mo pa crush mo." pagpapagaan ko sa kanya. At ito namang babaeng 'to, biglang nabuhayan.

Hulog na hulog pero ayaw naman kumilos. Maunahan ka pa niyan, gago.

Dumaan muna kami sa locker area namin para ilagay ang mga gamit namin bago kami tuluyang pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay tinext ko si Rys na papunta na kami sa cafeteria at kung andon na sila ay hintayin nalang kami.

Marami kaming nadadaanang mga estudyante habang papunta kami sa cafeteria. May ilan sa kanila ay nag-uusap habang ang ilan naman ay nag-aaral.

Dahil sa nakita ay naalala kong may research pa pala kaming gagawin next week. Kinalabit ko si Brix dahil kagrupo ko naman siya sa research namin.

"Brix, anong balak natin sa research?" tanong ko rito. Tiningnan niya ako ng nagtataka.

"Research?" takang tanong nito. Tinanguan ko siya.

"Oo, research. 'Yung binigay satin ni Ma'am Alinton." simpleng sabi ko. Nabigla naman ako ng bigla siyang tumili. "Ano ba! Nakakarindi 'yang tili mo." sita ko uli.

Tumahimik naman siya agad at sinagot ako.

"Hindi ko alam. Itanong mo kay Sync 'yan, tutal siya naman ang leader natin." sagot niya.

Napaikot ako ng mata.

Bakit ko pa ba tinanong, wala din naman pala itong maiaambag kundi sakit lang sa ulo.

Hindi ko na siya kinausap pa hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. I'm already on my last year of being a college student pero hindi ko pa rin mapigilang humanga sa tuwing pumapasok ako sa mga building dito sa AIU. Sobrang lawak ng loob ng cafeteria at sobrang dami ng mga estudyante sa loob pero kahit na ganon nakita ko pa rin sila Rys.

Kasama niya 'yung mga kaibigan niya. Hinila ko si Brix at pinuntahan namin ang mesa nila Rys. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao dito.

Sino ba naman ang hindi titingin kung ang isang graduating na estudyante ay karelasyon ang isang 4th year junior high school na estudyante.

Yes, I'm already 21 and Rys is still 16. Too young to be in a relationship but who cares anyway? Hindi ko naman tine-take advantage si Rys.

Umupo ako sa tabi niya at hinayaan ko na sa buhay niya si Brix.

"Hey, baby." bati ko dito at hinalikan ang pisngi niya.

Nginitian niya naman ako pabalik sabay halik din sa pisngi ko. Tiningnan ko ang mga pagkaing nasa mesa at nagtataka akong napatingin kay Rys.

"Inorderan niyo kami?" tanong ko. Tumango siya at kinuha ang dalawang tray para sa aming dalawa.

"Yeah. Nalaman ko kasi na pinarusahan ka na naman ng Sir niyo kaya sinalihan na namin kayo. Sabi ko naman sayo kanina na mauna ka na, tingnan mo tuloy at tumakbo ka pa ng sampung beses." paliwanag niya.

Tiningnan ko siya sa mata at nginitian.

"If I get to spend my time with you, tatakbo ako kahit ilang beses pa 'yan. Minsan na nga lang tayo magkakasama, kailangan ko pang on time sa klase. Hindi ba pwedeng ikaw naman ang pag-aksayahan ko ng oras? Miss na kaya kita." tugon ko dito at hinawakan ang kamay niya.

Napatawa nalang ako ng mahina ng makitang namumula siya. She tried to hide it by rolling her eyes on me pero kapansin-pansin pa rin ito.

"Pwede ba guys? H'wag sa harapan namin?" biglang singit ni Brix kaya sinimangutan ko siya.

Magsasalita na sana ako ng biglang hinigpitan ni Rys ang hawak niya sa kamay ko kaya natahimik ako.

"Kumain ka na nga Ele, dami mong alam. Saka ikaw na rin Ate Brix." nakangiti niyang sabi.

I just rolled my eyes on Brix at nagsimula ng kumain ng hindi binibitawan ang kamay ng girlfriend ko.

"Eva, Eva." rinig kong tawag ni Brix sa isang kaibigan ni Rys.

"Yes?" sagot naman ni Eva. Katabi niya si Eva pero kung makatawag ay parang nasa kabilang mesa ang babae. Katabi naman ni Rys si Yvonne, pinsan niya.

Tatlo silang magkakaibigan na andito sa AIU. Sa pagkakaalam ko nasa ibang paaralan ang iba pa nilang kaibigan.

"Narinig kong nililigawan ka nung isang varsity player dito, kayo na ba?" tanong uli ni Brix at ang spaghetti niya naman ang pinagkaabalahan.

Chismosa din 'to eh.

"Hindi." medyo may pagkasungit na sagot ni Eva.

Napailing nalang ako habang kumakain ng carbonara. Nagpapasalamat akong hindi masungit o maldita si Rys hindi tulad nila Eva at Yvonne. Dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko ba 'pag nagsungit siya.

"Bakit? May pagmumukha naman 'yun ah." nabilaukan ako dahil sa naging tanong na naman ni Brix.

Mabilis kong ininom ang juice na nasa harapan ko. Hinimas-himas din ni Rys ang likod ko. Paubo-ubo ko pang sinamaan ng tingin si Brix na natatawang nakatingin sakin.

Tanginang babae. Parang hindi kasuklam-suklam ang mukha. Just kidding.

"Okay ka lang?" nag-alalang tanong sakin ni Rys. Tinanguan ko siya at nang mahimasmasan ay binatukan ko si Brix.

"Aray! Bakit ka nambabatok!?" inis niyang tanong at hinimas ang batok niya.

Inikutan ko siya ng mata.

"Kung makapanglait ka parang 'di kalait-lait 'yang mukha mo ah." masungit kong wika.

Hindi naman siya makapaniwala. Nanlaki pa ang mga mata at bibig niya sabay hawak sa bandang dibdib.

"Ano?!" eksaheradang sigaw niya at tumayo. Hinampas pa ang mesa.

Isip bata.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo! Bawiin mo!" turo niya pa sakin.

Tinapik ko ang daliri niyang nakaturo sakin at sinamaan siya ng tingin.

"Umupo ka nga, para kang bata kung makaasta. Tandang-tanda mo na." pagsusungit ko.

Umupo naman siya at may binulong na nagpalaki ng tenga ko at nagpainit lalo ng ulo ko.

"Atleast hindi ako pumapatol sa mas bata." bulong nito.

Tatayo na sana ako para sampalin siya ng may tumawag sakin.

"Ráye!"

Tiningnan ko kung sinong tumawag sakin at nakitang isa ito sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.

Uminom ako ng tubig at pinunasan ko ang bibig ko bago siya hinarap na ngayon ay kasalukuyang naghahabol ng hininga.

"Bakit?" taka kong tanong.

Hinintay ko siyang makabawi. Bakit kasi tumakbo pa eh ang layo ng College Building sa cafeteria ng Junior High Building. Nang makabawi ay tumayo siya ng tuwid.

"Pinapatawag ka ni Dean." sabi nito.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bakit naman ako pinapatawag ng Dean eh wala naman akong kasalanan na ginawa.

Hindi lang din ako ang natigilan, pati sila Rys ay natigilan din. Naramdaman ko ang isang kamay ni Rys na hinawakan ang kamay ko kaya taka akong napatingin sa kanya.

"Ano ang kailangan ni Mommy sayo?" tanong niya. Umiling ako dahil maging ako ay hindi ko alam.

"Pupuntahan ko lang si Dean, mauna na kayo 'pag natagalan ako ng balik." sabi ko nalang at tiningnan si Brix na busy pa rin sa pagkain. "Brix." tawag ko.

Tumingin siya sakin subo-subo ang isang hita ng manok.

"Bhakhit?" nabubulol niyang tanong.

Napailing nalang ako dahil sa inaasta niya.

"Ihatid mo sila sa room nila ah, bahala na kung malate ka. Malilintikan ka sakin 'pag hinayaan mo sila." utos ko.

Tumango siya at bumalik sa pagkain. Binalingan ko ng tingin si Rys at hinalikan ang noo nito bago tinanguan ang mga kaibigan niya.

"Mauna na ako, balitaan ko nalang kayo sa sasabihin sakin ni Dean. Mag-iingat ka, baby ah." huli kong sabi bago sumama sa kaklase ko.

Pagkalabas namin ng cafeteria ay sinabihan ko siyang pwede na siyang bumalik sa building namin dahil nagawa na niya naman ang iniutos sa kanya. Nagpaalam siya sakin na tinanguan ko nalang.

Habang papunta sa isang building na nag-iisa malapit sa quadrangle ay hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko alam kung anong kailangan sakin ng Dean. Kung tungkol ba ito sa pagiging late ko o dahil ba ito sa relasyon ko sa anak niya. May dalawang option lang ang maaaring dahilan ng pagpapatawag sakin ng Dean, ang pagiging late ko at ang relasyon ko kay Rys.

Saan man diyan, sana hindi niya ako papalayuin kay Rys.

Nasa harap na ako ng building. Pumasok ako sa loob at nakita ang isang reception area kung saan mayroong isang lalaking receptionist. Lumapit ako dito at sinabing hinahanap ako ni Dean. Pinapapirma niya ako sa log book bago ako pinapasok ng tuluyan.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button sa pinakamataas na bahagi. Nasa 15th floor or last floor ng building na ito ang office ng Dean kaya doon ako pupunta.

Narinig kong tumunog ang elevator senyales na nasa 15th floor na ako. Lumabas ako at hinanap ang office ni Dean.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ni Mrs. Alfonso, Dean namin, ay huminga muna ako ng malalim.

Bahala na si Batman. Sabi ko sa isipan ko bago kumatok sa pintuan.

Narinig ko naman ang salitang 'come in' kaya tuluyan na akong pumasok. Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang dimly lighted room. Makikita dito ang mga trophies, certificates and pictures na nakasabit sa dingding. All about a woman winning some pageants, and that woman is sitting in her swivel chair, busy reading some documents, I think.

She's Amethyst Anderson-Alfonso, Alfonso International University's Dean and a pageant queen. She's in her early fourties pero masasabi mo pa ring bata siya dahil sa gandang taglay niya and hindi rin mahahalata sa mukha niyang may anak na siya. Hindi na ako magtataka kung saan nagmamana si Rys sa pagiging maganda. Siguro nasa genes na nila 'yun.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Nag-angat ito ng tingin at bahagyang nagtataka ng makita ako.

"Ráye?" taka nitong tanong. Her glasses even slide down her nose. "What are you doing here?" dagdag nitong tanong.

Napakunot ako ng noo. Pati ako nagtataka kung bakit hindi niya alam na andito ako eh siya naman ang nagpapatawag sakin. Pero kahit na ganon, sinagot ko pa rin ang tanong niya.

"You called for me, Ma'am, sabi ng kaklase ko." magalang kong sagot.

Even though she's my girlfriend's Mom, she's still the school's Dean that's why I need to respect her.

Saglit siyang nag-isip at makaraan ang ilang saglit ay nagliwanag ang mukha niya.

"Oh, right. I asked that young lady to call you, it must have slipped my mind. Sorry, dear, perks of being old." she said apologizingly, she even chuckled as she said the word 'old'.

Umiling naman ako bilang pagtanggi sa kanya.

"It's okay, Ma'am." magalang ko pa ring sabi.

"Please, take a seat. I just won't let you stand all day, baka sabihan pa ako ni Jade na pinapahirapan ko ang girlfriend niya." she said as she gestured at the seats in front of her.

Namula naman akong umupo dahil sa salitang 'girlfriend' at mahinang nag-'thank you' sa kanya.

Pagkaupo ko ay dinagsa na naman ako ng kaba ko. I started fidgeting in my seat, thinking what I just did to make her call for me.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag, Ma'am?" tanong ko sa kanya makaraan ang ilang saglit na pananahimik.

Before she answers me, she cleaned her table and took a piece of brown envelope out from her drawer before handing it to me.

"Open it." utos niya.

I am contemplating if I should open it because heck, my relationship with Rys would be at risk if my hunch is right. But in the end, I choose to open it. Walang mangyayari kung hindi ko susubukan.

Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang maliit na piraso ng papel at isang picture. I took the picture out at nakita ang isang batang babaeng nasa edad na 10 years old. Katabi nito ang isang babaeng nasa mid thirties.

I never thought na ganito ka-cute si Rys sa picture niya noong bata pa siya. Her left hand is on her waist and her right hand was up, showing two fingers as a sign of 'peace' while smiling from ear to ear.

Si Ma'am Alfonso naman ay hawak si Rys sa bewang at nakangiti lang sa camera. Her pose was simple yet she looked elegant with a hint of being fierce. Hindi sila magkamukha ni Rys, but I know that their lineage is so unique.

After I finished looking at their old picture, kinuha ko naman ang papel. The paper looks old since medyo dirty white na siya but still, I can still read the words being written.

I promise Mom, I will never fall for a girl.

'Yan ang nakasulat. I felt pain crashes my heart knowing that this was written by Rys. I know Rys' hand written and this hand written was surely hers.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakangiti sakin si Ma'am Alfonso. Nagtataka akong nakatingin sa kanya, I can't comprehend all the things I was seeing and the things that's happening.

"B-Bakit po ninyo ito pinakita sa akin." nagtataka kong tanong pero hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Ngumiti siya sakin.

"That letter was written by Jade, herself and she gave it to me on my birthday." she said. Sumandal siya sa upuan niya at napa-krus ng braso. "Do you know why I showed you that?" tanong niya.

Umiling ako at tumingin sa picture nila.

May naisip ako pero hindi ko magawang sabihin-no, ayoko lang tanggapin.

"Lie. I know you know, Miss Gabriel. You're smart after all."

Napaiwas ako ng tingin.

"I want you to stay away from my daughter." bigla nitong sabi. Napatingin ako sa kanya. "It's not that I'm against it, I just want the best for you, Ráye." dagdag nito ng makita akong nasaktan sa sinabi niya.

Umiling ako at tumayo sa pagkakaupo.

"N-No, Ma'am. I won't. I love Rys so much, you guys know that. I can't risk to lose her. Kung ang iniisip niyo na masisira ko ang buhay niya, nagkakamali po kayo. I won't do anything na makakasira sa buhay ni Crystal, I'm willing to do anything for her. Just please, h'wag lang ang layuan siya." tanggi ko.

I can feel my eyes getting wet.

I love Rys so much that I would do anything for her. Ang hindi ko lang magawa ay ang layuan siya or worse hiwalayan siya.

Lumuhod ako sa harap ni Ma'am Alfonso. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero wala akong pake. All I want is to be with Rys, nothing else.

"Please, Ma'am, I would do anything, just please, not that. Please, I'm begging you." I said desperately.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sakin. Hinawakan niya ang mga braso ko at inalalayan akong tumayo.

"I know you would do anything for her, but my problem is not you being a hindrance to Jade's success but Jade being a hindrance to your success." nagulat ako dahil sa sinabi niya.

Si Rys? Maging sagabal sa buhay ko? Oh no, she won't be a problem to me. She may still be a minor but Rys is my life, my everything, my sun and moon, my lifeline. So why would Rys be a hindrance to me?

Kung titingnan ng maigi, ako ang dapat na maging sagabal sa buhay ni Rys. It's not the other way around.

"Bakit maging sagabal sakin si Rys eh siya ang lakas ko, Ma'am, siya ang dahilan kaya nagpapatuloy ako kahit mag-isa lang ako, kahit 'yung taong dapat na tutulong sakin tinalikuran ako, kaya bakit magiging sagabal si Crystal sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

She sighed at umupo sa upuang kanina lang ay inuupuan ko.

"Jade, she's..." her voice trailed as she lowered her head. "She's not who you think she is, Ráye." mahina niyang sabi at nag-angat ng tingin.

Mas lalo lang akong naguguluhan dahil sa mga pinagsasabi niya. She purse her lips after seeing my confuse look.

"Just like what I've said a while ago. I am not against your relationship with my daughter. I just want your safety, Ráye. I can't lose my school's top notcher, just because my daughter ruined her life. Jade, she's dangerous. She will only bring any harm to your life that's why I need you to stay away from her. Break up with her even." she explained.

Umiling-iling ako. Tumatanggi ako, oo.

I don't care about the fu***ng danger or about my fu***ng safety. With Rys, I am safe. So I would never ever break up with her.

Napabuga siya ng hangin.

"I know that this will going to be hard. But, please, Miss Ráye. Don't let me do unnecessary things just to let you stay away from Jade. Don't you think that when you graduate and you get to teach a university, do you think they would hire you after hearing that you're in a relationship with a student? Don't you think that you might taint your f-"

"I don't care." putol ko sa sasabihin niya dahil paniguradong babanggitin niya na naman ang pangalan ng kinamumuhian kong tao.

Alam ko 'yun. Naisip ko rin 'yun. I took BSED Major in Business Math. Yes, I want to be a Professor.

Nakatingin lang siya sakin.

Kahit anong gawin niya hinding hindi ko lalayuan si Rys.

"Very well then." sabi niya at ngumiti bago lumakad pabalik sa table niya. "You leave me no choice, Miss Ráye." dagdag nitong sabi at may kinuha uli sa drawer niya.

Isa itong piraso ng papel. Nagsulat siya doon at binigay sakin. Taka kong kinuha ito at galit na tumingin sa kanya.

"Do you think of me lowly, Ma'am? Check? I don't need this! You're really desperate to make me leave Rys that's why you gave me this check?" hindi makapaniwalang sigaw ko.

I can't help but to raise my voice. In my hand is a check. 100 million is written in this check.

Ganon na ba talaga ang tingin niya sakin?

"I know you don't need money, but I know that you have someone who needs it. Badly." she said and smiled ignoring my shout.

Natigilan ako.

"So, think of it. Stay away from Jade and in exchange is that 100 million worth of money. Be smart, Rys. Two lives is in your hands."

***

"Ele? You still with me?"

Napakurap ako ng ilang beses matapos marinig ang tanong ni Rys. Tiningnan ko siya ng pagtataka dahil sa biglaang tanong niya.

Nakita ko siyang sumimangot at napakunot noong tinanong ako.

"Ayos ka lang? Kanina pa tayo sa sasakyan mo. Wala ka bang balak na umalis?" kunot noo nitong tanong.

Mabilis ko namang pinaandar ang kotse ko at nagsimulang mag-drive.

"I'm fine. Don't mind me, may iniisip lang." I assured her.

Napaisip siya saglit.

"Is it my Mom?" tanong niya. Nagtaka ako ng bigla siyang humarap sa direksyon ko. "By the way, ano pala pinag-uusapan niyo kanina? You said you would tell me." dagdag niyang tanong at bahagyang ngumuso.

Hindi ko naman mapigilang matawa.

Damn, you're way too cute. How could I ever leave you when you're this cute and gorgeous?

Napailing nalang ako dahil sa naisip at tinuon ang atensyon sa pagda-drive. Nag-isip pa ako saglit bago siya sinagot ng tuluyan.

"Your Mom wants me to teach at SAHS and I'm contemplating if I should accept it kasi diba I dreamed to teach at ZA." sagot ko.

She hummed at napatango.

"Bakit hindi mo kunin? I mean, you know that there's a little bit of possibility na makuha ka sa ZA. So why don't you try teaching a school that's reachable?" she suggested.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya.

"ZA, is my dream school when I was little, Rys. But I never get the chance to study there that's why if I can't study at my dream school then I should teach at my dream school. And even if it's a little bit of possibility atleast there's a possibility. I can't lose that possibility." mahabang turan ko at mahinang pinisil ang kamay niya.

I saw her smiled at my statement bago pinagsaklob ang mga kamay namin.

"I really love the way you think that's why I love you." tugon niya at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik bago tumingin sa harap.

And that's why you broke your promise to your mother.

Mapait akong napangiti habang inaalala ang mga salitang nakasulat kanina sa isang pirasong papel.

Huminto ako sa pagda-drive ng umilaw ng p**a ang traffic lights. Taimtim akong naghintay ng biglang kinalabit ni Rys ang damit ko. Binalingan ko siya ng tingin at nagtaka ng makitang nakanguso ito.

"What?" kunot noo kong tanong.

She pointed her lips sabay pikit ng mga mata niya.

"Kiss me please." mahina nitong sabi bago tinuro ulit ang nguso niyo.

Namula naman ako. Magpapahalik lang naman pala.

"Faster Ele, I want my kiss now." muli nitong sabi.

Natatawa akong hinawakan ang pisngi niya at masuyo siyang hinalikan sa labi. Smack lang ang binigay ko dahil nasa kalsada pa rin kami.

Hindi muna ako lumayo sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti ng matamis sa kanya.

"Always remember that I love you so much, Crystal." mahina kong bulong.

Pumikit naman siya na ikinangiti ko dahil namumula siya.

"I love you more, Ele. Always." tugon niya at dumilat.

Pareho kaming ngumiti sa isa't-isa. Nagulat kaming dalawa ng biglang may bumusina samin. Pareho namin itong tiningnan at natatawa nalang ng makitang green light na pala.

Binuhay ko uli ang makina at nagsimula ng mag-drive. Pero hindi pa lang kami nakakatawid ay biglang napasigaw si Rys.

"Ele! There's a car! Watch out!" sigaw niya.

Tumingin ako sa side niya at nakitang may paparating nga na sasakyan. But it was too late for us to stop. So, all I had to do is to sped up.

I stepped on the gas pedal. But it was no use.

Tatanggalin ko na sana ang seat belt ko ng bigla akong binalot ng mga braso. Then the car hit us, badly.

"Ack! R-Rys!"

Our car rolled up. My head even hit the dashboard. Ang mga brasong bumalot sakin ay wala na.

Napasuka ako ng dugo at lalabas na sana ng maramdaman ko uli ang pagsalpok ng isa pang kotse kaya nauntog uli ang ulo ko sa harapan, this time sa steering wheel na.

I could feel blood dripping in my head. Papikit-pikit akong lumingon sa paligid. Sirang-sira na ang kotse ko. Naramdaman ko ding nabali ang mga buto ko.

I feel lightheaded. The world's spinning 'round. I'm losing my senses, I can't hear anything, I can't move my body. Pero kahit na ganon, pinili ko pa ring tingnan ang kalagayan ni Crystal.

Her head's on the dashboard. She's facing my direction kaya kita ko ang dugong dumaloy sa mukha niya. Hindi ko alam kung humihinga pa ba siya dahil her body's not moving. She stayed still kaya kinakabahan ako.

I wanted to touch her but I can't even move my body, I wanted to call for help but I can't speak. All I can do is cry.

Pero hindi din nagtagal ay unti-unti na akong kinukuha ng kadiliman. Maybe I lost a lot of blood. Pipikit na sana ako ng may marinig akong sirena.

For the last time, I smiled.

"Please..."

Save the love of my life.

And everything went black.

***

Ibang-iba na diba HAHAHAH. Pero same pa din ang flow or plot ng story which is hindi ko pa naipakita last time.

19/11/2023

Warning ⚠️❗ Grammatical and typographical errors ahead. It’s a GxG story, so if you don’t like this kind of story, better scroll up.

Royalties Series 1 [RS 1] {Revised}

Fearless Love: Crystal Jade Alfonso

SYNOPSIS

“You’re not safe with me. You better take it because I'm a walking disaster.”

Crystal Jade Alfonso, a 16 year old girl who fell in love from the moment her eyes landed to the blue eyed lady she met at the Music Club. She knew that, in that moment she’ll going to break the rule she promised to her Mom. The ‘Never fall in love with a girl’ kind of a promise. It was too young for her, yes, but she can’t waste the chances she had when the lady bore the same feelings as her. But then, just like every fairytails, it needs to end with a tragic ending.

A choice was made.

And that was the decision she’ll never forget.

“I don’t care about anyone, Rys. I’m taking back what’s properly mine 4 years ago.”

Ele Ráye Gabriel, a 25 year old author and a famous Professor in the prestigious school Southgate Anderson High School, is making her biggest comeback after getting the news she’s been longing to hear. What happened 4 years ago changed her, and she's not the Ele everyone knows now.

A promise was made years ago and it’s time for her to fulfill it by hook or by crook.

But, what if she’ll find out that it’s too late for her to realize that the love of her life is already in the arms of another man? What would she do when the only person who remembers their love is her? Can Jade protects the both of them with memories that has been lost?

Let’s find out how they both fearlessly fight for their love.

---------------------------------------------------------------

Iniba ko na yung pagkakasulat, pero yung plot is ganon pa rin. Enjoy reading, Pinkies! Follow PinkEclipse_ in Wattpad and kindly add/follow my writer’s account, Kris Writés .

19/11/2023

Post ko later yung revised na Fearless Love, note na hindi pa siya complete kasi wala pa akong time, busy much ang person. Pero I'll try my best na mag-update.

You can add my second account which is my writer's acc, dun ko pino-post yung mga stories na hindi ko ipa-publish sa Wattpad. Sadly, hindi din ako always nag-a-update doon, but don't worry, as I've said, I'll try na mag-ud para naman hindi kayo madismaya.

See comsec for my account.

05/09/2023

Warning ⚠️❗ Grammatical and typographical errors ahead.

Trinity Valore University Series 2 [TVUS 2]

My Clandestine Feelings

*CHAPTER 1*

Cherry's POV

Nagmulat ako ng mata ng may marinig akong yabag na papalapit sakin. Hinawakan ko ang librong nilagay ko sa mukha ko at tiningnan kung sino ang dumating. My eyes went blank after seeing who it was.

“Pati ba naman dito?” kunot noo kong tanong.

“I just want to talk to you.” mahina niyang sabi at umupo sa harapan ko. Mabuti nalang at napapagitnaan kami ng mesa.

Sinara ko ang librong hawak ko at akma sanang tatayo ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sakin kaya dahan-dahan niya itong tinanggal. Tiningnan ko siya ng masama bago umayos ng tayo.

“Wala tayong dapat na pag-usapan. What happened would be forever in the past, let bygones be bygones.” sabi ko at iniwan siya para ilagay sa tamang lalagyan ang librong dala ko.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na pala ang lunch time. Ilang oras ba ako nakatulog dito sa library? Inaalala ko ang nangyari kanina bago ako natulog. P.E time ng maaga kami binitawan ni Ms. Estrella dahil sa nangyari kay Louise at wala akong nagawa sa room since hindi pumasok si Ms. Del Ros kaya napagpasyahan kong pumuntang TV Hospital para manghingi ng balita. Pagkatapos ay dumiretso ako sa library para magbasa-basa. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinarangan.

“Look, I just want to clarify things, Chenzell.” pagsusumamo nito at pinagdikit pa talaga ang mga palad niya. “At bumawi rin sa'yo.” dagdag nito.

Napabuntong hininga ako.

“Alam mo, wala naman talaga sakin ‘yung nangyari nung nakaraan eh. Kaya please lang, tigilan mo na ang ginagawa mo. May girlfriend ka Harvin, siya dapat ang inaasikaso mo at hindi ito.” tugon ko at tinalikuran na siya.

Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa.

Lumabas ako ng library at pupunta na sana ng department namin nang biglang may tumawag sakin. Kinuha ko ito at sinagot ng hindi tinitignan ang tumatawag.

“Hello?” sagot ko sa tawag.

“President?” tanong ng sa kabila.

Tiningnan ko ang caller at nakitang si Ivan pala ‘to.

“Oh? Anong problema, Ivan?” tanong ko rito.

“Wala namang problema, pinapatawag ka lang ni Mrs. Lim.” sagot nito.

“Bakit daw ba?” tanong ko uli at nagsimulang maglakad pabalik sa TV Hospital.

“Ewan, walang sinabi eh.” sagot nito.

“Sige, papunta na ako riyan.” sabi ko sabay patay ng tawag.

Dali-dali akong bumalik sa TV Hospital. Medyo malayo ang lalakarin ko since ang library ay malapit sa entrance ng school habang ang TV Hospital naman ay nasa dulong bahagi ng campus.

Mabilis akong naglakad hanggang sa unti-unti na akong tumatakbo. May sasakyan naman na pwede kong gamitin pero nasa parking lot ‘yun at medyo malayo sa library kaya titiisin ko muna ang pagtakbo. Sabihan ko nalang si Richard tungkol dito.

Kalahating oras din akong tumakbo at buti nalang ay nakarating na ako pero pawisan naman. Tumayo ako ng maayos at kinuha ang sariling panyo para punasan ang mukha ko habang nakatingin sa mga estudyanteng labas pasok sa loob. Hindi ko nakita ang mga kasamahan ko rito kaya paniguradong nasa opisina sila ni Mrs. Lim. Nakapagtataka lang na maraming mga estudiyante ang naririto.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay napagpasyahan ko ng pumasok sa loob. Dumiretso ako sa elevator at pagkapasok ay mabilis kong pinindot ang button na may 15 dito. Sa 15th floor ako pupunta kasi nasa last floor ang office ni Mrs. Lim. 1st hanggang 10th floor ay dito dinadala ang mga pasyente habang ang 11th hanggang 15th floor ay para na sa mga personnel ng TV Hospital.

Magsasara na sana ang pintuan ng elevator ng biglang may kamay na humarang dito kaya bumukas uli ito. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na naka-uniporme ring tulad ko. Magulo ang buhok nitong mahaba na medyo natatabunan ang mata nito. Bigla niyang pinindot ang button na may 8 kaya nagsara na ang pintuan ng elevator. Nilingon ako ng lalaki at napansin kong naghahabol ito ng hininga.

“Hi.” nakangiting bati nito habang naghahabol pa rin ng hininga. “I’m Kevin.” dagdag nito at inilahad ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko ito at matagal na kinuha.

“Alam ko, kaklase kita eh.” tugon ko at binitawan ang kamay niya. Tumawa siya ng mapakla at ngumiwi sakin.

“Akala ko hindi mo pa ako kilala.” nakangiwing sambit nito pero hindi ko na ito pinansin at nakatutok lang sa numerong papataas.

Why do I feel like time's getting slower?

“Uh, boyfriend mo ba si Harvin?” tanong niya uli makaraan ang ilang pananahimik.

Tiningnan ko ang numero na nasa taas kung saang floor na kami at nakitang nasa 6th floor pa. Tiningnan ko siya sa gilid ng mata ko at sumagot sa kanya.

“No, we're typically bestfriends.” maikli kong sagot.

He nodded his head.

Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa 8th floor na kami. Bago siya lumabas ay nginitian niya muna ako kaya tinanguan ko nalang siya.

Mabilis kong pinindot uli ang 15th floor dahil medyo late na ako.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa destinasyon ko.

“Si Mrs. Lim po?” tanong ko sa receptionist pagkalabas ko pa lang sa elevator.

Malapit lang kasi ito sa elevator. Naglalagay kami ng reception area sa lahat ng building para walang mangyayaring masama. Para na rin na kahit wala ang mga school officials at personnel ay mamonitor pa rin namin sila.

“Nasa office niya Miss.” sagot naman ng babae.

Tinungo ko naman ito at nakita na medyo nakaawang ang pintuan nito. Kumatok ako ng ilang beses hanggang sa marinig ko ang salitang ‘come in’ kaya pumasok ako.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga kasamahan ko rito sa TV Hospital. We called ourselves ‘Young Doctors’ since we're still teenagers. We are those students who want to pursue medical but in my case I didn't, because I really want to be a teacher. Maybe helping others treating their wounds or sickness is just one of my hobbies.

“Sorry, I'm late.” pag-paumanhin ko kay Mrs. Lim na nakaupo sa mesa niya.

May dalawang sofa naman na nasa harapan ng mesa niya na nakaharap sa isa't-isa then isang sofa na pang-isahan lang sa harap mismo ng mesa niya. Doon ako umupo kasi ‘yun lang din naman ang bakante. Lahat ng kasamahan ko ay nasa dalawang sofa nakaupo. Tinanguan ko silang lahat tanda ng pagbati.

“It’s okay, I know that the library is half way far from our hospital.” Mrs. Lim said at tumayo sa pagkakaupo niya dala ang maraming folders.

She places herself sa pang-isahan lang din na sofa na katapat lang ng akin.

“Anyways, I want you all to have this.” panimula nito at binigay samin ang mga folders na dala nito.

I took mine and open it. Only to see an invitation from a known hospital in Luzon.

Dizon Hospital.

Binasa ko ang nakalagay sa papel.

—We heard that TVU’s TV Hospital is conducting a free service all around Luzon. Dizon Hospital’s heartfelt gratitude to each and everyone in TVU. We also heard some issues regarding the equipments in TV Hospital. Being one of the prestigious hospitals in the Philippines, we would like to lend some help regarding this matter. Free usage of all Dizon Hospital's materials and equipments. In exchange for that, we, Dizon Hospital personnels would also like to join.

Pagkatapos kong basahin ay tiningnan ko si Mrs. Lim ng hindi makapaniwala.

“I can't believe it, Dizon Hospital? One of the prestigious hospitals in the Philippines next to Foster Medical Hospital is helping us?” hindi rin makapaniwalang sabi ni Hellary.

Katabi niya si Harley na tahimik lang ding naghihintay sa sasabihin ni Mrs. Lim.

“As what you have seen in the letter, yes, they're willing to help us by letting us use their equipments. As you can see, we really don't want to conduct this kind of activity since we lack a bit in our equipments. But the owner of this university said so, so we don't have a choice.” mahaba nitong eksplanasyon.

Huminga ako ng malalim.

“Ano pong sagot mo sa offer nila? Tatanggapin mo po ba?” tanong ko.

“Yes, we will accept it. We couldn't risk our current equipments and materials so we need their help. But, in exchange of that, we will be working with them. So expect that they will come here or we will come in their place.” sagot nito sakin.

Tumayo uli ito at bumalik sa upuan niya.

“That’s all for today, further information will be given once the schedule is settled. If you have questions regarding this matter, ask me. Okay?” pagtatapos niya sa meeting namin na tinanguan din naming lahat. “You may now go.” she dismissed.

Binalik ko sa lalagyan ang letter at nahuling lumabas sa office ni Mrs. Lim.

Dahil wala naman akong gagawin pa sa unibersidad na ito ay napagpasyahan ko nang umuwi. Pero hindi pa lang ako nakakaalis sa room ay nakita ko uli si Kevin.

“Hi.” nakangiti nitong bati.

“Hi.” balik ko ring bati.

“Ah baka gusto mong sumabay?” offer nito sakin na inilingan ko lang.

“Maybe next time, Kevin. May pupuntahan din ako eh.” tanggi ko at tuluyan ng umalis.

Pa-iling-iling akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep dahil sa inaakto ng lalaking ‘yun.

The hell is wrong with him?

***

Hehe.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Oxford?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Oxford