Samahan ng mga Tsuper at Operator Tutol sa Phase Out
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng mga Tsuper at Operator Tutol sa Phase Out, Transportation Service, Angeles City.
LTFRB, payag na magdagdag pa ng mga TNVS na mabibigyan ng prangkisa
PAPAYAGAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makakuha ng prangkisa ang nasa 100,000 sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, sa ngayon ay nasa 100,000 sasakyan muna na nakarehistro sa Grab ang mabibigyan ng prangkisa.
Gayunman, sakali aniyang hindi pa rin sumapat ang nasabing bilang, daragdagan ito ng ahensya batay sa mga pangangailangan ng mga pasahero.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng napaulat na “investment pledge” mula sa kumpanyang Grab na maaaring magresulta ng 500,000 dagdag na trabaho sa mga Pilipino.
“500,000 new jobs with the creation of 100,000 motor vehicles both in 4-wheeled and the motorcycle taxi. But 100,000 is the initial, hindi naman natin bibiglain lahat 'yan to prevent saturation in the market,” ani Chairman Guadiz.
“So initially, 100,000 and increasing further in 3-months’ time. We may increase the number until such time that the number of TNVS matches the needs of the riding public..." dagdag pa niGuadiz.
Bukod dito, binigyang-diin ni Guadiz na susubukan din ng ahensya na makapagbigay ng prangkisa sa ilan pang motor vehicles sa ibang bahagi ng bansa tulad ng mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.
Maglalabas aniya ang ahensya ng dalawang memorandum circular na naglalaman ng panuntunan at iba pang kwalipikasyon para sa mga tsuper.
“Normal qualifications lang naman 'yon. Una, Professional Driver's License at pangalawa, seminar of 15-hours. The seminar is more on road safety to ensure that there would be minimal accident on the road especially motorcycle taxi,” saad ni Guadiz.
Naniniwala aniya ang LTFRB na ang pagbibigay ng prangkisa na ito ay makatutulong para mabigyan ng mas malawak na serbisyo ang publiko.
NO TO INDISCRIMINATE FIRING
On behalf of the Clark Development Corporation family, CDC President and CEO Atty. Agnes VST Devanadera wishes everyone a joyful and blessed Christmas!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po! 💕🎉🎊
Clark Development Corporation, in partnership with the Gemik Clark Unlimited Sports Club, and the Philippine Shooters Match Officers Confederation will conduct the 1st CDC President's Cup on December 16-18, 2022, 8:00 AM to 5:00 PM. The event will also coincide with an LTOPF Caravan which will happen on December 17, 2022.
Don't miss this exciting event in Clark!
LOOK. CDC President and CEO Atty. Agnes VST Devanadera with the accounts officers and personnel from CDC Business Enhancement and Business Development Group (BDBEG) led the awarding of Authority to Operate (ATO) certificates to Megaworld Corporation Assistant Vice President Michael G. Lao and Megaworld Corp. Senior Manager Aurora Pastolero.
Panibagong oil price hike ang muling ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong Martes, October 18, 2022.
Magtataas ang Pilipinas Shell at SEAOIL ng ₱2.70/L sa presyo ng diesel, ₱0.80/L naman sa gasolina, at ₱2.90/L sa kerosene.
Parehong oil price adjustment ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene.
Epektibo ang dagdag-presyo 6 AM ngayong Martes sa lahat ng kumpanya habang 4:01 PM naman magpapatupad ng price hike ang Cleanfuel. | via Karen Maurillo
PAHAYAG NG LTFRB UKOL SA HILING NA KARAGDAGANG TAAS PASAHE NG MGA PAMPUBLIKONG DRAYBER AT OPERATOR
Natanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Biyernes, ika-14 ng Oktubre 2022, ang petisyon ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na lagyan ng "surge" ang pamasahe sa Traditional at Modern Public Utility Jeepney (PUJ) at Public Utility Bus (PUB).
Base sa petisyon, hiling ng transport groups na dagdagan ang base fare sa mga pampublikong sasakyan tuwing rush hour o peak hours. Ang sinumiteng petisyon ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Nauunawaan ng pamunuan ng LTFRB ang hinaing ng mga drayber at mga operator na itaas muli ang pamasahe dulot nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Bukod diyan, naiintindihan din ng LTFRB ang panawagan ng mga komyuter na ang muling pagtaas ng pamasahe ay lalong magpapahirap sa pang-araw araw na gastusin.
Bagamat magkakaroon ito ng inflationary effect sa ekonomiya ng bansa, isinasantabi muna ito ng ahensya upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon.
Patuloy ang LTFRB sa pag-aaral ng mga petisyong inihahain sa ahensya at iba pang mga polisiya para sa kapakanan ng mga driver, operator, at mga pasahero.
𝐏𝐔𝐕𝐌𝐏 | 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐈𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐕 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐑𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟑𝟏 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐒𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟑!
Muling bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Application for Consolidation sa mga rutang walang aplikante sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Base sa Memorandum Circular No. 2022-071, binuksan ang mga ruta para sa aplikasyon dahil sa kakulangan ng consolidated entities sa mga naturang ruta. Bukod diyan, ang mga unconsolidated franchise ng mga individual operator ay maaari pang sumali sa existing consolidated entity sa ilalim ng authorized route ng kanilang prangkisa hanggang March 31, 2023 alinsunod sa Memorandum Circular No. 2022-059.
Hinihikayat ang lahat ng ating individual operators na sumali sa PUV Modernization Program tungo sa mas mataas na antas ng pampublikong transportasyon. Para sa inyong karagdagang katanungan, mangyaring makipagugnayan sa PUVMP personnel ng NCR gamit ang numerong 0906-463-7034 o tel. no. 8929-6789 / 8926-6346 / 8925-7366 / 8925-7367 loc. 210.
Maaari rin mag-iwan ng komento para sa inyong mga katanungan, alalahanin at mungkahi patungkol sa programang ito na maaaring matalakay o masagot sa mga susunod na post.
BAGONG FARE MATRIX/GUIDE KASUNOD NG PAGPAPATUPAD NG FARE INCREASE SA MGA PUV SIMULA IKA-3 NG OKTUBRE, MAAARI NANG I-REQUEST NG MGA PUV OPERATOR SA LTFRB
Maaari nang mag-request ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operator ng bagong Fare Matrix/Guide kasunod ng pagpapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fare increase sa mga pampublikong sasakyan na epektibo na sa ika-3 ng Oktubre 2022.
Nauna nang inanunsyo ng LTFRB ang pagtaas ng pamasahe sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Modern PUJ (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Transport Network Vehicle Service (TNVS), at Taxi noong ika-16 ng Setyembre 2022. Kasama sa kundisyon ng pagpapatupad ng taas-pasahe ang pagpaskil ng updated Fare Matrix/Guide sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Narito ang mga dokumentong kailangang isumite ng mga PUV operator upang makuha ang kanilang updated Fare Matrix/Guide:
1.) Latest Land Transportation Office (LTO) OR/CR
2.) Franchise Verification
3.) Kopya ng Provisional Authority (para sa mga hindi pa nabibigyan ng desisyon ukol sa kanilang Certificate of Public Convenience)
4.) Official Receipt of Payment
Sundin ang mga sumusunod na proseso sa pagkuha ng updated Fare Matrix/Guide:
1.) Pumunta sa Window 13 o 14 upang ipa-assess ang babayaran para sa Fare Matrix/Guide
2.) Pumunta sa Cashier (Door B) upang bayaran ang fee para sa Fare Matrix/Guide at matanggap ang Official Receipt of Payment
3.) Pumunta sa Window 12 ipang isumite ang documentary requirements kasama ang Official Receipt of Payment
4.) Maghintay ng dalawang (2) araw bago pumunta sa Window 11 upang makuha ang updated Fare Matrix/Guide.
Bukas ang tanggapan ng LTFRB upang tumanggap ng mga request ng Fare Matrix/Guide mula Lunes hanggang Sabado.
Muling pinapaalala ng LTFRB na bagamat makakapag-issue na ang ahensya ng updated Fare Matrix/Guide, SA IKA-3 NG OKTUBRE 2022 PA EPEKTIBO ANG FARE INCREASE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN. Sa ngayon, HINDI PA PINAHIHINTULUTAN ANG MGA PUV DRIVER NA MAGTAAS NG SINGIL HABANG HINDI PA EPEKTIBO ANG FARE INCREASE.
Bukod diyan, kailangan pa ring sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensya ang mga PUV driver at operator, alinsunod sa mga kundisyon at probisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC) at Joint Administrative Order 2014-01.
Kung may reklamo patungkol sa pagpapatupad ng fare increase sa mga pampublikong sasakyan, maaaring ipaabot ang inyong reklamo sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o mag-send lang ng message sa LTFRB Official page o magtungo sa official website ng LTFRB.
Senate of the Phils. Hearing Re: D.O. 2017-011
PUV'S PHASE OUT
FAKE MODERNIZATION
Mga Ka Confed/ STOP invited po tyo sa Senate in aid if legislation 02-09-2020
Mga ka Confed/ STOP yan po ang ginawa nating nouse barage n motor cade kanina sa Angeles City Pamp upang tutulan ang pagoapatupad ng D9tr/lto sa bagong systema ng motor vehicle Inspection. Maraming Salamat po sa mga sumuporta kanina.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Angeles City
2009
Clark Pampanga
Angeles City, 2009
Passengers, Bookers and Drivers are all welcome!
Hilda Street, Nepo Mart
Angeles City, 2009
our cooperative is ready to provide service to the passengers at their destination as smoothly and safely
Angeles City, 2009
BLUE TAXI AVAILABLE HERE: 24/7 GLOBE: 0915 0733 801 THANK YOU���
VILLA REGINA SUBDIVISION ANGELES CITY PAMPANGA
Angeles City, 2009
Crew Support/Flight Crew & Aircraft Mechanic Services. Services related to the operation of Air Transportation.
Road 9 Purok 4 Barangay Cuayan
Angeles City, 2009
SAY NO TO COLORUM! We are here to provide LEGAL, SAFE, and CONVENIENT transport services,
Angeles City
Friendly drivers and affordable rates for transportation needs for work, school or online deliveries
Angeles City, 2009
Based in Angeles City, Pampanga. Private car and driver for delivery of Passengers and small freigh