Mahabang Parang Angono, Rizal Free Zumba Fitness Class

Community

Photos from Brgy. Mahabang Parang Angono, Rizal's post 15/09/2020
Photos from Angono Public Information Office's post 27/08/2020
26/08/2020

Advisory
Low pressure to temporary water interruption
Aug.27 10pm - Aug.28 6am
Mahabang Parang Angono Rizal
Mag-ipon ng tubig.

17/08/2020

sa August 19, 2020 bilang selebrasyon ng ika-82 Anibersaryo ng Pagkakalagda ng Pagsasarili ng Angono bilang Bayan mula sa Bayan ng Binangonan.

Ito ay isang special non-working holiday base sa Proclamation No. 996.

Timeline photos 05/08/2020

Remember to wear your face shield the next time you commute.

Aside from face masks, all passengers are now required to wear face shields in areas where public transportation is allowed, starting August 15, 2020 as per Department of Transportation MC No. 2020-014.

04/08/2020

Maraming Salamat s agarang aksyon💗

Balita: "Dagdag-bawas" sa mga pangalang natanggal at nadagdag sa SAP, iimbestigahan at ipapa-CIDG-NBI kung kinakailangan; basahin, SAP master list ng mga waitlisted beneficiaries sa Angono

Ni Richard Gappi

"Para mabigyan ng katugunan ang misteryo sa listahan na ito ng SAP ay inirefer sa Lupon ng Barangay Affairs para pag-aralan at alamin ang dahilan paano nangyari iyon.

At kung mapag-aalaman na merong sapat na ebidensiya na meron ngang hindi magandang gumawa sa listahan, kakatulungin ng Sangguniang Bayan ang NBI o CIDG para magconduct ng formal investigation at malaman ang buong katotohanan sa likod ng listahan na ito ng 2nd tranche ng SAP beneficiaries."

Ito ang wika kahapon, Lunes, August 3, sa livestream ni Umaaktong Kalihim ng Sangguniang Bayan ng Angono Juancho Lalic kaugnay sa pagpapatupad ng second tranche ng SAP sa bayan ng Angono.

Ang pag-uulat ni Sec. Juancho ay sa atas na rin nina Sangguniang Bayan presiding officer at Vice-Mayor Gerry Calderon at Mayor Jeri Mae Calderon.

Ang pahayag ni Sec. Juancho ay bunsod na rin ng talumpati sa konseho noong Biyernes ni Konsehal Bernie Balagtas tungkol sa listahan ng 2nd tranche ng SAP beneficiaries.

Nagkomento na rin ang maraming SAP beneficiaries na natanggal sila sa listahan.

"Ano po ang sinabi ni Konsehal Balagtas? Siya po ay nagtataka kung bakit 'yung sa listahan sa 2nd tranche ay mayroong mga pangalan na hindi nag-aapply o hindi naman nag-fill up ng form e nakalista ang pangalan.

Nagtataka rin po si Konsehal Bernie Balagtas sapagkat meron naman dating mga nakalista e nawala naman 'yung pangalan, at napalitan ng ibang mga pangalan. Ganundin po ang pagtataka ng ating Vice-Mayor sampu ng ating mga konsehal. Paano nangyari 'yun?" wika niya.

Ibinigay na isang halimbawa ni Sec. Juacho ang kaso ng isang empleyado ng munisipyo na umano'y napasama sa listahan.

"Kasi magtataka kayo, meron pong isang kawani ng munisipyo, nakalista sa listahan e hindi naman siya nag-fill up ng form? Paano napunta roon ang pangalan niya?

At sino naman ang matinong kawani ng munisipyo ang ilalagay ang pangalan niya dun e alam na alam niyang hindi siya qualified at kapag kumuha siya ng benepisyo ay maaaaring maging mitsa pa ito nang pagkatanggal niya sa trabaho," paliwanag ni Sec. Juancho.

Binigyang diin din ni Sec. Juancho na "ang sinumang opisyal sa ating bayan ay walang alam at walang kinalaman sa SAP beneficiaries."

Dagdag niya: "Bawal po sa kanila, batay sa umiiral na batas na pakialaman at panghimasukan ang listahan na 'yun ng mga SAP beneficiaries."

(Pakinggan ang paliwanag ni Sec. Juancho sa link/video na ito mula 31:32 -35:26 https://www.facebook.com/AngonoRizalOfficial/videos/216511329704775 )

Samantala, nasa 8.979 million families — o 77 percent — ng 11.5 million beneficiaries ang nakatanggap ng second tranche, ayon sa update ng national DSWD noong Lunes.

“As we have earlier communicated, we aim to meet 80% accomplishment by July 31. But in some areas, our goal is to complete payout by the middle of August,” wika ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, sa ulat ng INQUIRER.net ngayong August 4.

Base na rin sa unang ulat ng national DSWD, magsisimula sa August 15 ang pagbibigay ng ayuda sa mga Waitlisted Beneficiaries. Ito ay dahil tatapusin muna nila ang pamamahagi ng second tranche.

Ipinaliwanag naman kahapon ni Mayor Jeri Mae ang tungkol sa SAP at sa naging proseso ng pagpili para sa kabatiran at kalinawan ng publiko:

"ANO BA ANG NAGING PROSESO SA SOCIAL AMELIORATION PROGRAM (SAP) WAITLISTED?

Sa dahilang ang unang SAP na ipinagkaloob sa ating Bayan noong panahon ng ECQ ay mayroon lamang 11,773 at dahil na din sa apila ng inyong lingkod sa DSWD ay mapalad tayo na nabigyan ng pagkakataon na mapasama ang tinatawag na LEFT OUT o WAITLISTED.

Unang Proseso:
Ang bawat Barangay ay nag-distribute ng PRE-ASSESSMENT FORM para sa mga ka-barangay nila, ang pre-assement form ay iba sa tinatawag na Social Amelioration Card.

Sa Pre-Assessment, dito nakita ng Barangay ang sa tingin nila ay kuwalipikado para mabigyan ng Social Amelioration Card.

Ikalawang Proseso:
Matapos makita kung sino ang kuwalipikado sa SAP ay nagbuo ng listahan ang bawat Barangay at ipinadala ito sa Municipal Social Welfare and Development Office sa pamamagitan ng e-mail.

Mayroong kabuuang 14, 187 ang listahan mula sa mga Barangay na potensyal na makakasama sa SAP.

Ikatlong Proseso:
Ang kabuuang 14, 187 na listahan mula sa 10 Barangays ay sumailalim sa inisyal na cross-matching ang listahan na isinagawa ng mga Municipal Link ng DSWD, sa cross-matching ay tiningnan nila kung ang mga taong nakasama sa listahan na 14, 187 ay kasama sa 4Ps, Social Pension at Job Orders ng Munisipyo.

Ika-apat na Proseso:
Matapos ang inisyal na cross-matching, ang listahan ay ipinasa naman sa DSWD-Regional Office upang isagawa ang muling cross-matching sa National Level at titingnan ang mga pangalan na nasa Listahan kung nakasama na ba ito sa mga naging beneficiaries ng SSS, DOLE, LTFRB, OWWA, DA at iba pang National Agencies na nagbigay na din ng ayuda.

Ika-limang Proseso:
Matapos ang isinagawang cross-matching ng DSWD, ang 14, 187 na pangalan ay naging 9, 852 na lamang at mayroong 4,335 na hindi kuwalipikado ayon sa DSWD National Office.

Ika-anim na Proseso:
Ang listahan na may bilang na 9,852 ay inilathala ng mga Barangay sa kanilang Facebook Accounts at sa Barangay para sa transparency at muling paglilinis ng listahan kung mayroong makikita ang ibang kabarangay na sa tingin nila ay hindi dapat mapasama sa SAP, doble ang pangalan at iba pa.

Ika-pitong Proseso:
Matapos na masuri ng mga ka-barangay ang listahan ay muli itong aayusin ng Barangay upang alisin ang mga pangalan na hindi dapat kasama sa SAP, kasama ang mga double entry, mag-asawa na parehong nasama sa listahan at iba pang dahilan.

Ika-walong Proseso:
Ang Pinal at malinis na listahan ay muling isa-submit ng mga Barangays sa MSWDO upang i-submit ulit ito sa DSWD-Regional Office sa pamamagitan ng E-MAIL upang ihanda ang PAYROLL ng mga pinal na kuwalipikado sa SAP.

Ika-siyam na Proseso:
Ang DSWD ay sasabihan ang mga kuwalipikadong makatanggap ng SAP sa pamamagitan ng TEXT para sa instruction ng digital cashout.

Kapag may reklamo at katanungan kung bakit hindi nakasama sa listahan ng kuwalipikadong makatanggap ng SAP samantalang kasama ang Pangalan sa na-submit sa DSWD, iparating po sa aming tanggpan upang maitanong din namin sa DSWD National Office kung ano ang naging batayan at dahilan nila kung bakit kayo na-disqualify.

Humihingi po kami ng pang-unawa, sapagkat ang programa po ng SAP ay mula sa DSWD National. Ang Barangay at Pamahalaang Bayan ay naging tulay lamang sa pagproseso ng inyong mga pangalan papunta sa DSWD Regional at National Office.

Ang planong gawin ng inyong lingkod ay muling lumiham at umapela sa DSWD, upang mapasama ang mga umaasang kwalipikado subalit na disqualify ng DSWD."

Samantala, narito naman sa mga sumusunod na link ang listahan ng mga SAP Waitlisted beneficiaries na ipinost ng bawat barangay sa kanilang FB account:

San Isidro: https://www.facebook.com/photo?fbid=297095521547602&set=pcb.297102411546913

San Vicente: https://www.facebook.com/barangaysanvicenteofficial/photos/pcb.4117718641636267/4117708094970655/

Mahabang Parang: https://www.facebook.com/PatnubayngAngono/photos/pcb.3451260644908241/3451258978241741/

Bagumbayan: https://www.facebook.com/PatnubayngAngono/photos/pcb.3446413012059671/3446412552059717/

Kalayaan: https://www.facebook.com/bagongbarangaykalayaan/photos/pcb.3213049582108143/3212944335452001/

San Pedro: https://www.facebook.com/photo?fbid=1293108511081424&set=pcb.1293108661081409

San Roque: https://www.facebook.com/Barangay-San-Roque-Angono-Rizal-548288505298936/photos/pcb.2914182925376137/2914177778709985

(Litrato: Screenshot ng livestream ni Umaaktong Kalihim ng Sangguniang Bayan Juancho Lalic)

*******
Volume X. Issue 15. August 2-9, 2020. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

04/08/2020

PAALALA: Ang araw ng pamimili ay hindi na limitado sa market vicinity sapagkat ito ay EPEKTIBO NA SA BUONG BAYAN.

Susundin na po ang nasabing schedule sa larawan kung kayo ay pupunta sa establishimyento (kasama na rito ang mga bangko, restos, carinderia, drug stores at iba pa) along M.L. Quezon Ave., Manila East Road at sa market vicinity.

Kung dati ay within Pandayan to market boundary lamang sinusunod ang schedule - ngayong MECQ na ang lalawigan, ito ay implemented na sa buong bayan ng Angono.

Kung kayo man ay may sadya sa SM Angono o sa mga establishment sa nabanggit na lugar ay makakalabas lang kayo sa araw ng inyong market day.

03/08/2020

ANUNSYO

TIGIL OPERASYON ang mga tanggapan ng LTO sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula Agosto 4-18, 2020.

Ito ay alinsunod sa anunsyo ng Pangulo na ibalik ang mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

🇵🇭👊
👀🧠👌

Photos from Angono Rizal News Online's post 29/07/2020

Fyi

NOTICE OF WATER SERVICE INTERRUPTION: Facility Maintenance in Antipolo City on July 22, 2020 Affecting Parts of Rizal Province | Manila Water Company, Inc. 22/07/2020

Attention Brgy. Mahabang Parang Angono Rizal
💧Temporary Water Service Interruption💧
July 22,2020 9pm hanggang 5am kinabukasan.

NOTICE OF WATER SERVICE INTERRUPTION: Facility Maintenance in Antipolo City on July 22, 2020 Affecting Parts of Rizal Province | Manila Water Company, Inc. After being postponed from last week, Manila Water will proceed with its maintenance activities in its Siruna Pumping Station in Brgy Mambugan, Antipolo City this week. This will result in temporary water service interruption affecting more than 210,000 population in 42,289 households, commercial an...

14/07/2020

Balita: Mag-asawa o magpartner na magka-angkas kahit walang barrier ang motor, bawal hulihin sa Angono sa Lalawigan ng Rizal hanggang walang official guidelines o memo ang IATF o ang DILG, ayon kay Mayor Jeri Mae Calderon

Ni Richard R. Gappi

Ito ang announcement ng punongbayan sa livestream/advisory na ginanap sa conference room ng munisipyo kaninang Lunes ng gabi, July 13.

"Noong nakaraan lamang po ay naglabas ako ng statement na tungkol sa hindi ako sang-ayon sa hindi pag-aangkas sa motorsiklo ng mga hindi kapamilya o kasama sa bahay, at nabanggit ko 'yung barrier, hindi rin po ako sang-ayon dun.

At kaya nga po hanggang wala 'yung guidelines ng IATF, na ang lahat ng LGU ay dapat sumunod, ay sabi ko po, puwede 'yang angkas (na mag-asawa or partner) sa Angono," wika ni Mayor Jeri Mae.

"Pinapayagan po ang angkas kahit wala po tayong inilalagay na barrier. Pero kailangan po na ang mga riders po ay naka-helmet.

Kapag nasita po tayo, magpakita lang po ng proof na kayo ay mag-asawa o nakatira sa loob ng isang bahay. Ipakita lang po ang I.D. na karaniwang hinihingi ng mga enforcer," paliwanag ni Sir Elmer Deloritos na in-charge ng Public Safety and Order Office ng munisipyo.

Ipinaalala rin ni Sir Elmer ang pag-obserba sa minimum health protocols.

Kabilang dito ang pagsusuot ng facemask, pag-obserba sa social distancing, ang huwag nang tumambay sa labas, at ang pagsunod sa curfew, lalupa't maraming aniya ang sumusuway rito.

"Mula po noong Lunes, July 6 to 12 ay may 135 na nahuli tayong nag-violate sa curfew. Asahan n'yo po na hindi kami magsasawa sa pagpapa-alala sa ating mga kababayan kung ano ang dapat gawin," wika ni Sir Elmer.

(Panoorin at pakinggan ang paksang ito na binanggit nina Mayora Jeri Mae at Sir Elmer sa link na ito: mula 3:01 hanggang 7:36 ng livestream/update: https://www.facebook.com/AngonoRizalOfficial/videos/641575516706756/ )

******
Volume X. Issue 12. July 12-19, 2020. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

13/07/2020

Developing Story: Sampung (10) dagdag na COVID-19 confirmed positive kaya 52 na ang total case sa bayan, ini-announce ng Angono Municipal Health Office sa livestream/advisory ng lokal na pamahalaan, ngayong Lunes ng gabi, July 13, 2020

Ni Richard R. Gappi

Tatlo (3) mula sa Brgy. Kalayaan; tatlo (3) sa Mahabang Parang; isa (1) sa San Roque; isa (1) sa Poblacion Ibaba; isa (1) sa San Vicente; at isa (1) sa San Isidro ang mga bago at nadagdag na kaso.

Base ito sa ulat ni Dr. Rodolfo Narciso, ang nangangasiwa sa Municipal Epidemiology and Surveillance Unit ng Angono Municipal Health Office.

Dahil sa development na ito, narito ang distribution ng mga positive case sa bawat barangay, as of Monday, July 13:

San Isidro: 17
Mahabang Parang: 15
San Roque: 7
Kalayaan: 6
San Vicente: 4
Poblacion Ibaba: 2
Sto. Niño: 1

Nasa 27 naman ang swab tested/active case, ayon sa Health Office, at 85 ang positive sa mga rapid test na ginawa ng munisipyo.

Narito naman ang COVID-19 status report ni Mayor Jeri Mae Calderon ngayong gabi, tungkol sa ilang detalye sa bagong 10 pasyente at ang kaniyang mensahe:

"COVID-19 UPDATE

Patient 43 - Mahabang Parang
- Female, 24 years old
- Asymptomatic
- Pharmacist outside Angono

Patient 44 - Kalayaan
- Female, 47 years old
- Asymptomatic
- Works in Metro Manila

Patient 45 - Kalayaan
- Female, 47 years old
- With Comorbidity
- Admitted in a government hospital (Metro Manila)

Patient 46 - Mahabang Parang
- Male, 60 years old
- With Comorbidity
- For transfer to a hospital

Patient 47 - Poblacion Ibaba
- Male, 42 years old
- Asymptomatic
- Institutional worker in a private hospital

Patient 48 - San Vicente
- Female, 33 years old
- Asymptomatic
- Frontliner in a private facility

Patient 49 - San Isidro
- Female, 39 years old
- Asymptomatic
- Frontliner in a private facility

Patient 50 - Kalayaan
- Female, 33 years old
- Asymptomatic
- Working in a private health facility

Patient 51 - San Roque
- Female, 40 years old
- Asymptomatic
- Frontliner in a private facility

Patient 52 - Mahabang Parang
- Female, 70 years old
- With Comorbidity
- Admitted in a private hospital outside Angono

Pinaghahandaan na po natin ang ibang isolation facility para mailipat na ang mga naka-home quarantine na pasyente. At iniintay lamang din natin ang final guidelines na ibababa sa atin ng IATF at DOH."

Antabayanan ang detalye sa balitang ito.

******
Volume X. Issue 12. July 12-19, 2020. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

09/07/2020

JUST IN: Papayagan na ang backriding sa motorsiklo ng mga mag-asawa o mag-partner simula Biyernes, anunsyo ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ayon sa kalihim, sila ang mga papayagang umangkas: "Living in one household whether they are married, common-law husband and wife, or boyfriend and girlfriend but they're living in one household."

BASAHIN: https://bit.ly/2Cdfiyd

Metro Manila to return to ‘stricter’ quarantine if hospitals overwhelmed by COVID-19 cases —Palace 06/07/2020

Metro Manila may return to “stricter” community quarantine if hospitals in the capital region hit capacity due to a surge in COVID-19 cases, Malacañang said Monday.

Metro Manila to return to ‘stricter’ quarantine if hospitals overwhelmed by COVID-19 cases —Palace Metro Manila may return to “stricter” community quarantine if hospitals in the capital region hit capacity due to a surge in COVID-19 cases, Malacañang said Monday. 

Meralco admits ‘overestimation, underestimation’ of power use in March, April billings 06/07/2020

The Manila Electric Company (Meralco) admitted on Monday that it failed to reflect the “overestimation” or “underestimation” in March and April bills, which senators said has caused confusion among the company’s consumers.

Meralco admits ‘overestimation, underestimation’ of power use in March, April billings MANILA, Philippines — The Manila Electric Company (Meralco) admitted on Monday that it failed to reflect the "overestimation" or "underestimation" in March and April bills, which

Photos from Meralco's post 01/06/2020
01/06/2020

Fyi

Announcement: Mula sa Manila Water

"RESUMPTION OF METER READING & BILLING

✓ Nakapagsimula nang muli ng aktwal na pagbabasa ng metro ang Manila Water noong May 16, 2020.

✓ Ngayong Hunyo, makatatanggap ang mga customer ng Statement of Account (SOA) kung saan nakatala ang aktwal na billing mula noong huling binasa ang inyong metro bago mag-ECQ (between Feb 16 - Mar 15, 2020) hanggang sa muling pagbabasa ng metro (between May 16 - Jun 2020).

✓ Ang aktwal na konsumo sa kabuuan ng ECQ ay hahatiin sa tatlong (3) buwan.

✓ Sumailalim na sa review at necessary adjustment, kung kinakailangan, para maitama ang anumang naging labis o kulang sa nasingil noong mga buwan ng ECQ na batay pa sa average na konsumo. Ibinawas na rin sa SOA ang lahat ng payments na ginawa habang ECQ.

✓ Asahang maaaring may malaking pagtaas sa inyong bill dala ng tag-init na panahon at disinfection activities upang makaiwas sa COVID-19.

Para sa anumang katanungan, tumawag sa aming 24/7 Customer Service Hotline 1627."

*******
Volume X. Issue 6. May 31-June 7, 2020. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

26/05/2020

Patient #14- Mahabang Parang
Patient #15- San Isidro

(4th Update: Martes;11:52PM) Balita: Family transmission ng COVID-19, naganap na sa Angono;14th at 15th positive case na taga-Mahabang Parang at San Isidro, ini-announce ng mga local officials ngayong gabi, Martes, May 26, 2020

Ni Richard R. Gappi

Inianunsiyo sa livestreaming/advisory ngayong Martes ng gabi, Mayo 26, 2020, ni Angono Municipal Health Officer Dr. Jose Lozo na naganap na ang COVID-19 family transmission sa bayan ng Angono.

Ito ay matapos magresulta ng positive ngayong linggo ang swab test ni Patient No. 14 na taga-Barangay Mahabang Parang.

Si Patient No. 14 ay 62 years old at asawa/husband ni Patient No. 13 na naitala na pumanaw na sa report ni Mayor Jeri Mae Calderon noong Sabado, Mayo 23.

Ayon kay Dr. Ginger Miranda ng Angono MHO, si Patient No. 14 ay unang nag-negative sa rapid diagnostic test na ginawa ng munisipyo noong nakaraang linggo.

"Pero a day before na matapos 'yung 14-day quarantine ni Patient No. 14, lumabas 'yung positive na result ng kaniyang swab test mula sa DoH," wika ni Dr. Miranda.

Sa tracing na ginawa, ayon pa kay Dr. Miranda, at dahil na rin asymptomatic, lumabas at pumunta umano si Patient No. 14 sa Terminal, sa talipapa at sa ilang lugar sa nasabing barangay at kalapit-bayan bago siya magawan ng rapid test noong Mayo 12 at magsimula ng self-quarantine.

Si Patient 14 ang nagsilbing taga-bili ng pangangailangan nilang mag-asawa/Patient 13. Hindi siya lumabas ng bahay o namalengke during his P.U.I./quarantine period, paglilinaw ng mga health officials.

Si Patient No. 13 na asawa/wife ni Patient No. 14 ay 58 years old, may ovarian cancer at nagpapa-chemotheraphy sa isang ospital sa Maynila.

Base sa dating ulat ng Angono Municipal Health Office, Mayo 12 nang ma-swab test si Patient No. 13 sa isang pribadong ospital sa Maynila at nakumpirmang positibo sa nasabing virus. Sinwab test siya bago ang kaniyang dapat sana ay next theraphy session dahil nilagnat at nag-chill ang babae/si misis kinagabihan.

Una nang ipinahayag ni Dr. Rodolfo Narciso ng MHO at COVID-19 surveillance at contact tracing officer, na "sa labas (ng Angono) nakuha ng 13th patient ang virus dahil walang nakasalamuha sa Angono na positive sa nasabing virus."

Gayunman, base sa contact tracing, Marso 11 nang huling lumabas sa Angono si Patient No. 13 bago sana magpa-chemotheraphy uli at ma-swab test noong Mayo 12. Bahay at ospital din lang ang tanging rota/ginalawan ni Patient No. 13, ayon kay Dr. Lozo.

Paliwanag naman ni Mayor Jeri Mae:

"Ang patient 14 at 15 ay parehong asymptomatic. Naka-strict home quarantine at compliant po sila sa protocol ng quarantine procedures. Sila po ay continously monitored ng BHERT at MESU.

Patient #14, matatapos na po ang home quarantine bukas (May 27) at scheduled repeat swab po sa Thursday. Nagawa na rin po ang Contact Tracing at patuloy po silang babantayan at imomonitor," wika ng punongbayan.

Bilang pagtugon sa sitwasyon, magkakaroon ng paghihigpit sa nasabing lugar ng barangay.

"Baka humigpit tayo d'yan sa Mahabang Parang. Baka po dumami d'yan (ang kaso) sa lugar. Ang gagawin natin, itong family o local transmission e tuloy-tuloy ang contact tracing dahil ang bottomline, kailangang makita o mahanap kung local transmission ito.

Kaya mag-iingat po kayo, mga kababayan. Kung hindi kinakailangan, huwag ng lumabas ng bahay," paliwanag ni Dr. Lozo.

Itinalaga rin ni Mayor-Vice Gerry Calderon ang mga P.S.O. at mga taga-Mayor's Extension Office sa nasabing barangay upang maging bantay sa nasabing area at magsilbi sa information dessimination.

Hiniling din ni Mayor-Vice Gerry sa mga residente at pangulo ng mga subdivision at area sa nasabing barangay na makiisa at tulungan ang lokal na pamahalaan sa gagawing "pagrereformat" sa peace and order situation sa nasabing lugar.

Samantala, si Patient No. 15 na taga-Barangay San Isidro ay isang lalaki na nagtatrabaho sa labas ng Angono, ayon kay Dr. Lozo.

Dagdag naman ni Angono COVID-19 surveillance officer and contact tracer Dr. Narciso, Mayo 18 nang ma-swab test si Patient No. 15 bilang requirement ng kompanyang pinapasukan nito. Mayo 22 naman nang lumabas ang positive result.

Mayo 15 nang i-lift ng national IATF sa Calabarzon at Angono ang Enhanced Community Quarantine status at sinimulang payagang mag-operate at magtrabaho ang ilang manggagawa, sektor at kalakalan.

Ayon pa kay Dr. Narciso, nagawa na nila ang contact tracing kay Patient No. 15.

"Walo po ang kasama niya sa bahay (may 4 na bata at 4 na adult) at walo rin ang kasamahan sa trabaho. 'Yung asawa/misis ni Patient No. 15 ay may konting ubo at ina-arrange na natin para sa rapid test at sa swab test," wika ni Dr. Narciso.

*******
Volume X. Issue 5. May 24-31, 2020. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

Photos from Angono Public Information Office's post 20/05/2020

ANNOUNCEMENT

Minimum of Twenty Pesos (Php20.00) and Maximum of Thirty Pesos (Php30.00)
Mahabang Parang Angono Rizal

19/05/2020

Sa Purok 8 Covered Court po ang Mahabang Parang Angono Rizal
May 21,2020

Photos from Department of Social Welfare and Development's post 17/05/2020
16/05/2020

Sa lahat ng may SAC forms n nakakuha na s payout at nkasama s pending 800+ forms.... MagRegister na kayo online at ibigay ang mga hinihinging information.
Last day is on May 18,2020.
Open link below to register.

ReliefAgad

15/05/2020

SAP Beneficiaries

Public Announcement mula sa MSWDO:

Ang lahat po ng beneficiaries ng SAP o Social Amelioration Program ay kinakailangan mag online register sa ReliefAgad sa pamamagitan ng pag download ng application nito o di kaya mag register sa website na www.reliefagad.ph para lamang sa mga nakatapos o nakakuha na ng SAP payout.

Ang online registration po ay hanggang Lunes, May 18, 2020.

Black light experiment shows how quickly a virus like Covid-19 can spread at a restaurant 15/05/2020

A viral video from Japan aims to show how easily germs and viruses can spread in restaurants when just one person is infected.

Black light experiment shows how quickly a virus like Covid-19 can spread at a restaurant

12/05/2020

Ang probinsya ng Rizal ay under GCQ na sa May 16, 2020.

Photos from Angono Rizal News Online's post 02/05/2020

SAP Pay-out Schedule
May 7,2020.
Mahabang Parang Angono Rizal

30/04/2020

Stay safe and stay informed, mga Kasangga!

Mag-subscribe na sa Manila Water FREE text alerts. Get your monthly outstanding water bill at iba pang service advisories by texting:
MW REG CAN Last 8 digits of Contract Account Number Last 5 digits of Meter Number at i-send sa 225600. Example: MW REG CAN 12345678 34510

Ang registration at text alerts ay FREE* of charge para sa mga Manila Water customers!

*FREE para sa mga Globe at TM subscribers. Kailangan ng P1 maintaining balance para sa ibang mobile service subscribers.

23/04/2020

Sampu (10) na po ang positibo s sa Angono Rizal.
San Isidro-7
Kalayaan-1
San Vicente-1
San Roque-1
Tatlo (3) po ang pumanaw na.😔
STAY HOME.

Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

04~10~18Mahabang Parang Zumba Group Meeting#Swimming#BdayCelebrationOfNanetteMahabang Parang Angono, Rizal Health Center...
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#15
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#13
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#12
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#4
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#3
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#2
03~24~18@Grandvalley Ph.1 Covered CourtW/Zin Emily Visey DangananOrange Day w/Zumba Ladies 💋#1
03~17~18@Grandvalley Subd. Ph.3Covered Courtw/Zin Sarah Alcaraz#8
03~17~18@Grandvalley Subd.Ph.3Covered Courtwith Zin Sarah Alcaraz#7
03~17~18@Grandvalley Subd. Phase3With Zin Sarah Alcaraz#3
03~10~18@Pag-asa Covered Court BotongThank you ladies! ⚘

Website

Address


Brgy. Mahabang Parang
Angono
1903

Other Vitamin Supplement Shops in Angono (show all)
Manchest Gym Official Manchest Gym Official
303 Manila East Road, Highway, Angono, Rizal Front Of Sm
Angono, 1940

Fitness gym with wide space for fitness training with complete sets of necessary facilities for proper body building . Opens from 6am to 10pm

Conquer Gym Health and Wellness Conquer Gym Health and Wellness
3/F Paulina Romero Building, A. Ibañez Corner M. Diaz Sts, Brgy. Sto. Niño
Angono, 1930

Lose/Maintain/Gain Weight Programs with or without exercise. We focused more on healthy nutrition an