NOHS - Ang Aninag
Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Negros Occidental High School Ang Aninag ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Negros Occidental High School.
Layunin naming makiisa sa pagprotekta at pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag, sa pamamagitan ng pagmulat sa mga mag-aaral tungkol sa mga detalye ng iba't ibang mahahalagang kaganapan, usapin, at mga topikong kailangang bigyang pansin at pag-usapan, sa loob at labas ng paaralan.
BAGONG PANGKAT NG MGA MAMAMAHAYAG! ANINAG, ASSEMBLE! 🎯
(Pagtanggap ng Bagong Pangkat ng Mamamahayag: Awdisyon 2024)
hiyas ng sinilangan, kikinang sa abot ng matang hahantungan
bago mabigyang-halaga, bato rin ang gintong nagbabaga
nang mahubog, mahulma, sa kawastuhan dudulog
bagong kintab na matatanaw; sumasagisag sa palahaw
habambuhay, habang buhay hihilig sa katotohanan
-
MGA HAKBANG:
🎯Pindutin at punan ang link na nakapaskil para sa online registration.
• https://tinyurl.com/43577hhk
🎯I-print ang dokumentong nakapaskil sa ilalim. Ito ang magsisilibing registration form ng mga nais sumali kaya punan ang mga kinakailangang impormasyon dito.
• https://tinyurl.com/4m84uw5n
🎯Dumalo sa harapang uri ng awdisyon sa Setyembre 11-12, 2024 kasama ang opisyal na patnugot kung saan matatasa ang angking talento sa iba't ibang kategoryang nais salihan.
🎯 Dalhin ang napunang registration forms sa harapang awdisyon.
🎯 Hintayin ang mensahe ng patnugutan ng Ang Aninag hinggil sa panayam kaugnay sa pagpili mula sa awdisyon.
🎯 Antabayanan ang anunsyo ukol sa mga nakapasang bagong pangkat ng mamamahayag na ilalathala sa NOHS - Ang Aninag.
MGA KINAKAILANGAN AT PAALALA:
🎯 Mahahati sa dalawang araw ang awdisyon.
Sa unang araw (Setyembre 11) ang mga sumusunod na kategorya:
Pagsusulat ng Balita
Pagsusulat ng Opinyon
Pagsusulat ng KOlum
Pagsusulat ng Lathalain
Pagsusulat ng Isports
Pagsusulat ng Agham at Teknolohiya
Pagwasto ng Sipi at Taga-ulo ng Balita
🎯 Habang sa pangalawang araw (Setyembre 12) naman ang sumusunod:
Tagadisenyo
Tagaguhit/Kartunista
Tagakuha ng Litratong Pampahayagan
Taga-edit ng Bidyo
News Anchor
News Presenter
Teknikal sa Radyo at Telebisyon
- Sa nakatakdang oras ng harapang awdisyon lamang tatanggapin ng patnugot ang mga registration forms na napunan ng mga auditionees.
- Mainam na mga mag-aaral mula sa JHS (Junior High School), ang uukupa sa mga nasabing puwesto, ngunit hindi nililimitahan ang mga ma-aaral mula sa SHS (Senior High School) sa pagsali.
- Para sa mga manunulat, inaabisuhan na ihanda ang sariling bolpen at papel.
- Maaaring gumuhit sa tradisyunal na pamamaraan o digital, ngunit mas bibigyang-daan ang mga tagaguhit na gumagamit ng pisikal na materyales gaya ng lapis at papel.
- Sa mga sasali bilang taga-kuha ng litrato, kinakailangang may camerang dala (ipinapayong mas mababa sa 24 mp).
- Para sa mga tagadisenyo, mas mainam kung mayroong kaalaman sa pagdisenyo at pag-edit sa aplikasyong Adobe. (Indesign, Photoshop, atbp.)
-
Disenyo ni: Lamont Casia
BALITANG PAMPAARALAN | Buwan ng Siyensiya binuksan
Kalakip ang temang "Forecasting Wind Shifts, Charting Climate Futures", opisyal nang sinimulan ang Buwan ng Agham sa Negros Occidental High School (NOHS), Setyembre 3.
Layunin ng Kagawaran ng Science at Technology na bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa at pagtataya sa mga pagbabago sa klima upang mabuo ang isang mas napapanatiling kinabukasan.
"Napakahalaga at napapanahon ang tema ngayong taon dahil nakikipaglaban tayo sa lumalalang epekto ng pagbabago ng klima sa ating planeta, halimbawa na ang La Niña at El Niño na nararanasan natin," ani Russell Gorre, isang g**o mula sa Departamento ng Science at Technology.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ang mga aktibidad na magaganap sa buwan ng Setyembre, kabilang na rito ang Clean-up Drive, Mass, Science Activities, at Closing Program.
-
Sulat ni: Peach Togado
Kuha nina: Elaine Baylon at Anicka Tiapon
BALITA NGAYON | Sinuspende ni Acting Mayor El Cid Familiaran ang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan mula preschool hanggang senior high school sa Bacolod City‚ Setyembre 2.
Ayon ito sa ulat ng Philippine Atmospheric‚ Geophysical‚ and Astronomical Services Administration (PAGASA) Bulletin bandang 11 P.M. na pagtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 at 2 sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng Tropical Depression Enteng.
Idineklarang nasa Blue Alert ang nasabing siyudad ayon sa pinakahuling ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) kasabay ng pagbubukas ng Disaster Online Reporting and Monitoring Systems (DORMS) at Emergency Operation Center (EOC) para sa Tropical Depression Enteng at Enhanced Southwest Moonsoon o Habagat.
Kasalukuyang tumaas ito bilang Tropical Storm at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) gabi ng Setyembre 5.
-
Basahin ang anunsyo:
Anunsyo ni Mayor Albee Benitez: https://tinyurl.com/y4akuvz3
Anunsyo ni Acting Mayor El Cid Familiaran: https://tinyurl.com/4rn98ssh
Sulat ni: Sasha Estil
Kwentong BER Months | Isang Daan at Labinlimang Araw Bago ang Pasko
Kasabikan para sa pinakahinihintay na bisperas ng kapaskuhan ang siya na namang nararamdaman! Matapos malagpasan ang nakapapagod na Enero haggang Agosto, handa na ba ang mga NOHSians na salubungin ang BERyyyy exciting na pagbulaga ng BER months sa kalendaryo?
Sa kabila ng mga kaganapan, nawa'y matagpuan ang kapayapaan at manaig ang tunay na diwa ng kapaskuhan; ang pagmamahalan at pagbibigayan. Mula sa patnugutan ng Ang Aninag, maligayang BER months!
-
Sulat ni: Czaren Canlog
BALITANG NASYONAL | BSP ipinakilala ang ₱750 na barya
Naglabas ng bagong ₱750 non-circulational commemorative coin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang pagdiriwang sa ika-75 na anibersaryo ng bangko sa bansa, Agosto 30.
Ginawa ang barya mula sa pilak na may sukat na 38.6 mm at may disenyong hango mula sa Intendencia, o Aduana building, na orihinal na punong-tanggapan ng BSP sa bansa.
Magsisimulang ipamimili ang barya sa ika-2 ng Setyembre sa halagang ₱7,500 kapag nakaselyo sa acrylic box at ₱8,200 naman sa selyong wooden box.
Karaniwang ginagamit ang mga non-circulational commemorative coins bilang koleksyon.
-
Sulat ni: Chenice Rivera
Desinyo ni: Lamont Casia
BALITANG PAMPAARALAN | Buwan ng Wika ‘24: Wikang Filipino binigyang-halaga
Pagpapalago at patuloy na pagtangkilik sa sariling wika ang naging paalala sa ginanap na pagtatapos ng Buwan ng Wika 2024 na may temang “FILIPINO‚ Wikang Mapagpalaya”, Agosto 30.
“Sa loob ng 30 araw na paggunita natin ng pagpapahalaga natin sa wikang Filipino, ito na po ang katapusan, katapusan lamang po ng pagdiriwang ngunit ang ating pagpapahalaga at pagtangkilik ay magpapatuloy‚” giit ni Roanne De Los Reyes‚ isa sa mga g**o sa Departamento ng Filipino.
Dagdag pa ni De Los Reyes‚ dapat mamuhay ang bawat isa ayon sa nararapat na gawain ng isang tunay na Pilipino, na may pagmamalasakit, may pagmamahal sa kapwa, at may tiwala na kayang maiangat ang lahing Pilipino sa anumang oras.
Samantala‚ pinarangalan naman ang mga mag-aaral na nagwagi sa iba’t ibang mga patimpalak na inihanda ng Departamento ng Filipino tulad ng Sulat-Bigkas ng Tula na iginawad kina Gabrielyn Joy Patricio ng 8 - SPJ na nagkamit ng kampeonato; Aishwaryah Murin Gaurana ng 9 - Betelgeuse ang ikalawang pwesto at Marwin Diego ng 9 - Procyon ang ikatlong pwesto.
Pinarangalan din ang mga nagwagi sa Poster Slogan na sina Kaye Patalagsa at Clyde John Manzanares ng 9 - Oaktree sa unang pwesto; Eduardo Enriquez at Almiera Amala Cabalpin ng 9 - Procyon sa ikalawang pwesto at Yojem Hipolito ng 10 - Diamond at Elizabeth Demawalo ng 10 - Zircon sa ikatlong pwesto.
Kinilala rin sa Pagsulat ng Sanaysay sina Chenice Dane Rivera ng 10 - Special Program in Journalism (SPJ)para sa unang pwesto; Ysla Cassidy Recaido ng 9 - Procyon sa ikalawang pwesto at Kurt Marl Jance ng 8 - Pollux sa ikatlong pwesto.
Nagwagi rin sa Sulat Bigkas ng Talumpati sina Shainie Magbiray ng 10 - Sirius sa unang pwesto; Angelex Alleyan Gonzaga sa ikalawang pwesto at Jann Daniel Jardinico ng 10 - Alpha Centauri sa ikatlong pwesto.
Sa karagdagan‚ nanumpa ang mga bagong opisyales at mga miyembro ng Samahang Filipino para sa taong panuruan 2024 - 2025.
-
Sulat ni: Sasha Estil
Kuha ni: Sam Hulleza
BALITANG LOKAL | NGCP nagbabala ukol sa power interruption
Nagbigay-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ukol sa nakatakdang power interruption sa ilang bahagi ng Bacolod City, Agosto 31 at Septyembre 1, 6 AM hanggang 6 PM.
Alinsunod sa NGCP, ipinapatupad nila ang mga nakatakdang pag-antala ng kuryente upang magimplementa ng relay resetting para sa Bacolod - Reclamation at Bacolod - Alijis.
Apektado ng nasabing pag-antala sa kuryente ang mga lugar sa Gonzaga Feeder, Alijis Feeder, Reclamation Feeder, at Murcia Feeder.
-
Sulat ni: Peach Togado
ARAW NG MGA BAYANI | Pag-ibig at Pakikibaka
Pagtakip sa mga matang namulat at paggapos sa mga kamaong nakakuom. Sa kabila ng pang-aalipusta ng mga naghaharing-uri, nananatiling nakausli ang liwanag ng pakikibaka; pagsulong na walang pakundangan, itinulak ng pag-ibig para sa bayang sinilangan.
Ngayong araw, Agosto 26, ating gunitain ang matatapang na mga bayaning hindi lamang nakasaad sa libro ng kasaysayan, kundi pati mga nagpapakita ng kagitingan maging sa kasalukuyan.
Mula sa mapayapang pagmulat upang harapin ang sinag ng araw kinabukasan at paglanghap sa hanging umiihip sa lahat na walang takot na umiiral—lahat ng ito bunga ng ipinunlang pagmamahal ng mga bayaning sumulong para sa kalayaang natatamasa.
Rosas na may kaakibat na tinik, ulap na may dalang ulan. Sapagkat ang pag-ibig ay mapagpalaya, ang ibigin ang Pilipinas ay pakikibaka.
Maligayang Araw ng mga Bayani!
-
Disenyo ni: Angeli Gumban
BALITANG NASYONAL | DOH humiling ng 2,000 bakuna kontra mpox
Matapos makapagtala ng unang kaso ng mpox (monkeypox) ang Pilipinas ngayong taon, humingi ang Department of Health (DOH) ng 2,000 doses ng bakuna kontra mpox sa World Health Organization (WHO), Agosto 24.
Mpox o monkeypox ang tawag sa isang nakahahawang sakit na dulot ng monkeypox virus, isang species ng genus na Orthopoxvirus.
"Nanghingi na ako. I have about 2,000 doses coming from our share sa ASEAN, sa WHO, at may proseso iyan," pahayag ni Ted Herbosa, DOH Health Secretary.
Matatandaang taliwas ito sa sinabi ni Nina Gloriani, dating chairperson ng Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel (VEP), na hindi pa magkakaroon ng mpox vaccine sa Pilipinas dahil hindi pa nagsusumite ng CPR upang makakuha ang bansa ng bakuna para sa mpox at nananatiling mababa ang bilang ng mga natukoy na kaso.
Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng DOH, mayroon nang 10 kaso ng mpox sa Pilipinas mula 2022 hanggang Agosto ngayong taon, kung saan naitala ang pinakahuling kaso na isang 33-taong gulang na lalaki na walang travel history.
-
Sulat ni: Nathalie Mirasol
TEKNO-TUKLAS | Kagat ng Peligro
Kasabay ng pagbuhos ng tubig at pagragasa ng baha ngayong tag-ulan, ang pag-usbong ng mga panganib na tila mga kabuteng biglang nagsulputan—mga sakit na nagbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng bawat mamamayan. Mga naka-impok na tubig sa bawat kanto at sulok ng ating mga tahanan—pinamumugaran ng mga lamok—may dalang banta ng dengue sa buong pamayanan.
Kaya’t kinakailangan ang masusing kamalayan at maagap na aksyon upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga mahal sa buhay. Magsama-sama tayo sa pagkilos, pag-aralan at protektahan ang ating mga sarili laban sa lamok na may dalang kamatayan.
Narito ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa LAMOK upang maprotektahan ang ating kalusugan laban sa dengue:
🦟LAGNAT NG DENGUE
Isang laganap na sakit sa buong mundo ang lagnat ng dengue (dengue fever o break-bone fever) na dulot ng dengue virus na maaaring makuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus.
🦟ALAMIN ANG BILANG
Ayon sa Department of Health (DOH), ngayong taon, umabot na sa 136,161 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng dengue sa buong bansa; 10,188 ang galing sa Western Visayas at 1,584 dito ang galing sa probinsya ng Negros Occidental. Ayon naman sa Negros Occidental High School - Medical Clinic, nakapagtala naman ng limang kaso ng dengue ang paaralan.
🦟MAPANGANIB
Maaari lamang mahawa ng dengue virus ang isang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na bitbit ang virus na ito. Bagama't hindi 'contagious' o hindi direktang naipapasa ang virus mula sa tao patungo sa tao, nakamamatay naman ang sakit na ito.
🦟OBSERBAHAN ANG SINTOMAS
Asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ang karamihan sa mga kaso ng dengue virus. Gayunpaman, sa iilang kaso, karaniwang mararamdaman ang sintomas ng dengue pagkatapos ng apat hanggang 10 araw. Iilan sa mga sintomas ng dengue ang pagtaas ng lagnat, pagsakit ng buong katawan at ulo, pagsusuka at pagkahilo.
🦟KUMILOS NANG MAAGA
Pigilan ang banta't panganib na dulot ng dengue sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahahabang medyas, paggamit ng lotion, madalas na paginom ng tubig, pagkain ng masustansiya upang pataasin ang resistensiya at ugaliing magpakonsulta. Makipag-ugnayan at makiisa sa mga hakbang ng City Health Office tulad ng Fogging at Spraying Operations.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Dengue maaring bisitahin ang page ng NOHS Medical Clinic at DOH.
-
Bisitahin ang FB Page ng NOHS Medical Clinic sa link na nakalakip:
https://tinyurl.com/srx8dk2c
Sulat nina: Kenjie Francisco at John Mark Chisno
Disenyo ni: Lamont Casia
PUN-KARTUN | Politicircus
Nakapag-aral na ba ang lahat para sa pagsusulit? Not very demure ang mga pangyayari kaya be very mindful. ✍🏻
-
Sining ni: Denise Biscocho
Disenyo ni: Lamont Casia
ARAW NI NINOY AQUINO | Pag-alala sa Naiwang Karangalan
"Karapat-dapat alayan ng buhay ang bawat Pilipino", mensaheng nagbigay-diin sa kaniyang pagmamahal sa mga mamamayan ng sariling bayan.
Ayon sa Proklamasyon Blg. 665, idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na ang araw ni Ninoy Aquino na mula sa Agosto 21, inilipat sa araw ng Biyernes, Agosto 23. Ngayong araw kinikilala ang kaniyang pagkamatay, at ang malalaking kontribusyon na kanyang iniwan at kagandahang loob na inialay sa bansa.
-
Sulat ni: Chelsea Berja
Disenyo ni: Lamont Casia
PAG-ALALA | Kaarawan ng dating Punong-g**o
Bilang isa sa haligi't nagsilbing ama ng Probinsyal Hayskul sa ilang taon, patuloy na namamayagpag ang 'yong karunungan at pamanang nakaukit sa bawat alaala ng mga mag-aaral. Lumisan ka man sa mundong ibabaw, patuloy na nananalaytay ang mga aral na iniwan mo sa lahat ng sulok ng paaaralan, laman ng iba't ibang kwento't salindilang bumubuhay sa diwang hindi mabura-bura sa bawat estudyante ng institusyon.
Mula sa kabuoan ng Ang Aninag, mga g**o at mag-aaral, binabati ka namin ng maligayang kaarawan, Ginoong Mario S. Amaca, bilang dating punong-g**o ng Negros Occidental High School, hinding-hindi malilimutan ang legasiyang iyong tinatak sa aming puso't isipan. Sa paggunita ng iyong kaarawan, aming muling isisigaw nang may karangalan at pagmamalaki, TATAK PROBINSYAL!
Maligayang Kaarawang muli, Ginoong Amaca! Nawa'y mapuno ng pagmamahal ang 'yong puso't kaluluwa.
-
BALITANG NASYONAL | Guo diumano nakaalis ng Pinas
Hinihinalaang nakalabas ng bansa ang dating alkalde ng Tarlac at Bamban na si Alice Guo, alinsunod kay Senator Risa Hontiveros, Agosto 19.
Ayon pa sa senador, umalis si Guo noong Hulyo 18 at pumuntang Kuala Lumpur, Malaysia, at sunod na nagtungo sa Singapore kasama ang kaniyang ama para sunduin ang ina at kapatid upang magpatuloy sa China.
"Sino ang nagpahintulot na mangyari ang kalokohang ito? Sino ang may kagagawan nito? Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginisa sa sarili nating mantika," ani Hontiveros.
Itinanggi naman ito ng Department of Justice (DOJ) at sinabing iniimbestigahan pa ng Bureau of Immigration kung mayroong ulat ng kaniyang pag-alis sa mga paliparan.
-
Sulat ni: Frances Prado
Disenyo ni: Lamont Casia
Litrato mula sa: Senator Risa Hontiveros FB page
ALERTO-ALISTO | Pagbilang ng Tatlo, Tandaan ang Numerong Ito
‼️UMANINAG. MAGING MAPAGMATYAG.‼️
Sa gitna ng pagkalat ng misimpormasyon at disimpormasyon ukol sa mga kaso ng ‘kidnapping’ at ‘abduction’ sa lungsod ng Bacolod, nararapat lamang magpalaganap ng kamalayan, hindi takot.
Ayon sa masusing imbestigasyon ng Bacolod City Police Office (BCPO), walang sapat na ebidensya upang mapatunayan ang mga kumakalat na ‘posts’ tungkol sa mga kasong ito. Nilinaw ng kanilang opisyal na pahayag na walang mga naitalang kaso na maaaring maiugnay rito kung kaya't walang dapat ikabahala ang publiko.
Dagdag pa rito, inudyok ng BCPO ang mga residente na mag-ulat sa mga estasyon kung sakaling nasa peligro. Kasalukuyan nilang pinagtitibay ang seguridad sa siyudad sa pamamagitan ng pagpaparami ng patrolya sa iba't ibang mga lugar.
Sa oras ng panganib, ugaliing i-dial ang mga emergency hotlines na nakalakip sa litrato.
Maging alerto at alisto dahil higit ang peligrong dala ng impormasyong hindi totoo. Ingat, NOHSians!
-
Basahin ang opisyal na pahayag ng BCPO sa link na ito:
https://tinyurl.com/mua4uwwv
Sulat ni: Czaren Canlog
Disenyo ni: Angeli Gumban
BALITANG INTERNASYONAL | 1ST INT'L NUCLEAR SCIENCE OLYMPIAD: Team PH umukit ng kasaysayan
Husay at talino ang naging susi ng Team Philippines upang mahakot ang mga medalya sa 1st Int’l Nuclear Science Olympiad (INSO) , Agosto 9.
Gumawa ng kasaysayan ang tatlong mag-aaral ng Team Philippines matapos mag uwi ng magkakaibang medalya mula sa INSO. Tumanggap ng gintong medalya si Mohammad Nur Casib matapos ipakita ang galing sa pagkamit ng pinakamataas na puntos sa teoretikal at pangkalahatang iskor sa nasabing kompetisyon.
Kinilala rin bilang 'Nuclear Ambassador' si Casib habang nag uwi naman ng ginto at pilak na medalya ang kanyang mga kasama na sina Neil Kyle Maniquis at Jeremiah Auza.
Lalahok at kakatawanin ni Casib at ng kanyang mga kasamahan ang Pilipinas sa 17th International Olympiad in Astronomy and Astrophysics, na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil, mula Agosto 17 hanggang 26.
Ginanap ang kauna-unahang International Nuclear Science Olympiad sa Clark, Pampanga, na may layuning itaas ang kamalayan tungkol sa mga praktikal na aplikasyon ng nuclear science at teknolohiya, gayundin ang pangangailangang isama ang mga isyu sa nuklear sa sekondaryang paaralan.
Lumahok din sa nasabing kompetisyon ang mga kinatawan mula sa 14 na iba pang bansa.
-
Sulat ni: Ellie Trayfalgar
Litrato mula sa DOST 10/page
AGOSTO 9 | Pandaigdigang Araw ng mga Katutubong Mamamayan ng Mundo
'Di kailanman naging dahilan ng kalayaan ang pagtuklap ng kabuhayan mula sa globalisadong mundo, kundi pagtuklap sa karapatang pantao. Magkaiba man ang mga kultura, tradisyon, at paniniwala, hindi iba ang kalupitang kanilang nararanasan sa kapaligirang tuluyang hiniwalayan.
Tuwing August 9, ipinagdiriwang ang World Indigenous Day sa pagsiklab ng kamalayan sa nababaklas na karapatan ng mga 'Indigenous peoples' sa buong sanlibutan. Sa kabila ng kanilang 'right to autonomy' na nakatatak sa UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, patuloy ang pananakop, paggiba, at pagbabanta, sa kani-kanilang mga tahanan.
Nagsisimbolo ng pagpapahalaga sa kapaligiran at kultura ang pagprotekta sa mga Indigenous Peoples kung saan ang pagtubo ng mga puno't halaman sa gubat na nasasakupan, sabay sa lumalago nilang lipunan. Pagbibigay-diin sa kanilang mga kontribusyon at ang pananatili nito naman ang ating kontribusyon.
Mula sa patnugutan ng NOHS - Ang Aninag, nakikiisa kami sa pagsulong ng isang mas makatarungan at pantay na lipunan kung saan nabibigyan ng boses ang ating mga katutubo at naipagtatanggol ang kanilang mga karapatan sa kanilang lupa, kultura, at pagkakakilanlan.
Maligayang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo!
-
Sulat ni: Kenneth Marius Bravo
Disenyo ni: Lamont Sirach Casia
Litrato mula sa: Face2Face Africa
BALITANG PAMPAARALAN | Kamalayan sa Wikang Filipino pinaigting
Pagpapahalaga ng papel ng wikang Filipino bilang kasangkapan sa pagkamit ng kalayaan, pagbabago at pag-unlad sa buhay.
Ito ang naging pangitain sa ginanap na pagbubukas ng Buwan ng Wika 2024 sa Negros Occidental High School (NOHS) kalakip ang temang “FILIPINO‚ Wikang Mapagpalaya‚” Agosto 5.
“Nakalaan ito upang lunsaran sa pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at ng mga wika‚ layunin ng selebrasyong ito ang maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito‚” ani Christine Joy Gorriceta‚ isa sa mga g**o ng Filipino Department.
Dagdag pa ni Gorriceta‚ adhikain din nito na maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay sa Buwan ng Wikang Pambansa upang mapataas ang kamalayan sa wika.
“Nararapat na maging instrumento ng katotohanan at hindi ng mga gawa-gawang kwento ng walang basehan‚ sa bawat pagbigkas pawang katotohanan dapat dahil ito ang tunay na magpapalaya sa atin dahilan upang magkaroon tayo ng katahimikan sa pag-iisip” saad naman ni Donna Bella Aposaga‚ Assistant Principal ll ng Senior High School Academics‚ nang ipinahayag ang ipinarating na mensahe ni Josette S. Terrora‚ Punong-g**o ng NOHS.
Paalala pa ni Aposaga sa mga mag-aaral‚ nararapat na gamitin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan nang sa ganoon‚ maging makabuluhan ang Buwan ng Wika.
Sa karagdagan‚ inihayag naman ni Roanne Delos Reyes‚ Master Teacher l‚ ang buwanang aktibidad at nagpakitang-gilas ang mga g**o sa Filipino Department bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang.
-
Sulat ni: Sasha Estil
Kuha ni: Sam Hulleza
BALITANG ISPORTS | 4TH SEA V.LEAGUE: Alas Pilipinas pinalo ang tanso
Naabot ng Alas Pilipinas ang tansong medalya matapos talunin ang Indonesia sa apat na set, 25-23, 15-25, 25-23, 25-21, sa Leg 1 ng Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) sa Vinh Phúc Gymnasium, Vietnam, Agosto 4, 2024.
Umalab ang pusong Pilipino sa pagkamit ng medalya kahit inapula ang koponan ng delegado mula Vietnam at Thailand sa unang dalawang araw ng kompetisyon.
Pinangunahan ng nakaraang taong 'Best Opposite Spiker', Alyssa Solomon ang takbo ng Alas Pilipinas laban sa Indonesia nang nagtala ito ng 16 puntos, kung saan naglista ang atleta ng 14 attacks, isang block at isang ace.
Kabalikat ni Solomon sina Eya Laure at Sisi Rondina na may 13 puntos bawat isa, kaagapay si Thea Gagate na umiiskor ng 10.
Itinanghal na 'Best Setter' si Jia De Guzman habang 'Best Middle Blocker' naman si Gagate para sa Leg 1.
Ito ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas mula noong 2019 matapos lumapag nang 'back-to-back' sa ikatatlong puwesto ang bansa sa torneyo.
Lalaban pa at magpapatuloy pa ang pangarap sa pagkamit ng medalya sa ikalawang leg ng kompetisyon na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand, Agosto 9-11.
-
Sulat ni: Niel Dacuba
Disenyo ni: Lamont Casia
Litrato mula sa SpinPH
BALITA NGAYON | Yulo, inangkin ang trono
Sa muling pagkakataon, pinahanga ni Carlos Yulo ang sambayanang Pilipino sa matagumpay na pagsungkit ng gintong medalya sa Men's Artistic Gymnastic Vault ng 2024 Paris Olympics, Agosto 4.
Tinapos ni Yulo ang kompetisyon na may kabuuang iskor na 15.116, sunod ang Armenia na may 14.966, at 14.949 para sa Great Britain
-
Sulat ni: Miren Arboleda
Disenyo ni: Lamont Casia
Litrato Mula sa: Inquirer Sports at Gma News
BALITANG ISPORTS | PARIS OLYMPICS '24: Carlos Yulo sinungkit ang ginto
Pagsirko-sirko at tamang paglapag ang naging instrumento ni Carlos Yulo sa pagkamit ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa Men's Artistic Gymnastics - Floor Exercise sa Paris Olympics 2024 sa Bercy Arena, France, ika-3 ng Agosto.
Pumuntos ng 15.000 si Yulo matapos ang malinis na 'routine' na siyang nagpatungtong sa kaniya sa unang pwesto, na pinangalawahan ni Artem Dolgopyat, delegado ng Israel, na nagtala ng 14.966 puntos at Jake Jarman ng Great Britain na umangkin ng tanso na medalya sa puntos na 14.933.
Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 at ikalawang ginto na sinamsam ng Pilipinas sa kasaysayan ng palaro.
Matatandaang nagsimula ang Paris Olympics 2024 noong nakaraang Hulyo 26 kung saan iwinagayway ng 22 atleta ang watawat ng Pilipinas.
Abangan at suportahan ang isa pang laban ni Yulo sa Men's Artistic Gymnastic Vault Finals sa pag-asang makuha ang ikalawang medalya sa Olympics, bukas, Agosto 4.
-
Sulat nina: Niel Dacuba at Miren Arboleda
Disenyo ni: Lamont Casia
Litrato mula sa: Reuters
BALITANG PAMPAARALAN | NOHS inilathala sa Negros Weekly
Itinampok ang mga mag-aaral ng Negros Occidental High School sa pahayagang Negros Weekly matapos maiuwi ang tansong parangal sa idinaos na Palarong Pambansa noong Hulyo 9-16.
Kinilala ang mga manlalaro bilang sina AJ Lorenz Jurada at Rey Nier Andrew Dalimo-os na kabilang sa mga kumatawan sa Western Visayas sa kompetisyon sa kategoryang 'Badminton Doubles'.
Kaugnay nito, MIMAROPA ang nakakuha ng gintong parangal, habang National Capital Region naman sa pilak na parangal, at CALABARZON ang nakatanggap ng tansong parangal kasama ang Western Visayas.
Isang online media page ang Negros Weekly na naglilimbag ng mga kasalukuyang balita, lathalain, at opinyon na artikulo sa buong isla ng Negros.
Nakapaloob ang mga mag-aaral sa 'Vol. 24, No. 37' na paglathala ng nasabing pahayagan.
-
Sulat ni: Frances Prado
Disenyo ni: Lamont Casia
PANOORIN | BALIK-ESKWELA 2024
Positibo ang hangarin at labis ang kahandaan para sa taong panuruan 2024-2025.
Ito ang nangingibabaw para sa mga g**o't mag-aaral ng Negros Occidental High School sa pagsisimula ng kasalukuyang taong panuruan, Hulyo 29.
-
Ulat nina: Jans Macariola at Jade Sagun
Kuha ni: Shirge Sagansay
Taga-edit ng bidyo: David Kyle Gila
TINGNAN | Mahigit 9,000 mag-aaral ng Negros Occidental High School (NOHS) ang nagbalik sa pagbubukas ng pasukan ngayong taong paunuran 2024-2025‚ Hulyo 29.
Dinaluhan ng mga g**o at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ang nasabing pagbubukas at tinalakay ang mga panuntunan ng paaralan sa pangunguna ni Celsa Tableso‚ ulo ng departamento ng Technology and Livelihood Education (TLE) Department.
-
Sulat ni: Sasha Estil
Kuha nina: Elaine Baylon at Lamont Casia
TINGNAN | Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Negros Occidental High School sa kauna-unahang 'Flag Ceremony' para sa Taong Panuruan 2024-2025.
-
Kuha ni: Elaine Baylon
BALITANG PAMPAARALAN | Capability Training: Kakayahan ng kabataang lider pinaunlad
Paghubog sa kahandaan ng mga estudyanteng lider ng Negros Occidental High School ang naging layunin ng ginanap na Capability Training, Hulyo 26 at 27.
Nakilahok sa aktibidad na ito ang NOHS - Supreme Secondary Learner Government na dinayuhan naman nina Ana Leah Reyes, Ken Paolo Gilo, at Julie Cristy Gawal bilang mga tagapagsalita sa naturang pangyayari.
"Importante sa amin ang aktibidad na ito sa kadahilanang ito'y makatutulong upang mas makilala namin ang isa't isa, at mapatibay ang aming samahan," saad ni Jana Arbas, NOHS-SSLG President.
Dagdag pa nito, ito rin ay makatutulong upang linangin ang kanilang mga kakayahan kakailanganin para maisakatuparan ang kanilang tungkulin bilang lider.
Tinalakay rin sa nasabing pangyayari ang kahalagahan ng pamumuno; inalam ang kani-kaniyang kakayahan ng mga kalahok; at pagbuo ng stratehiya sa pagpaplano.
"May pakinabang din ang mga mag-aaral hindi lamang ang SSLG dahil pinapalago nito ang abilidad at kakayahan ng mga estudyante na pagyamanin at katawanin ang 'culture of excellence," giit ni Arbas.
Ayon pa kay Arbas, may natutuhan din silang mga bagong kaalaman na maaaring makatulong sa kanilang kinabukasan.
-
Sulat ni: Leanna Martirez
Kuha nina: Kharl Montero at Anicka Tiapon
ALIW | Body Clock
Batak din ba kayong mag-beg? Matulog nang maaga o matulog sa umaga? Isang tulog (?) na lang, NOHSians, at balik-eskwela na!
-
Sining ni: Samantha Alindog
ALIW | Baks baks
Dalawang tulog na lang! Nakahanda na ba ang iyong katawan at katarungan para sa taong panuruan 2024-2025?
-
Disenyo ni: Mary Angeli Gumban
NATIONAL CAMPUS PRESS FREEDOM DAY | Palasong Pluma Para sa Katotohanang Inaasinta
Sa patuloy na pagsulong para sa katotohanan at paglaban sa katiwalian, banta at panganib ang katumbas ng papel na ginagampanan. Sa likod ng mga balitang nailathala, nakasilip ang tanglaw ng pag-asa para sa mga nakabusal ang bibig, nakatakip ang tainga, at nakapiring ang mata — patuloy na binibigyang boses ang madla. Bitbit ang sandatang panulat na mas makapangyarihan pa sa espada; karapatan ng mga mamamahayag pangkampus ay matatamasa at katotohana'y magiging malaya.
Alinsunod sa nilagdaang Batas Republika 11400 noong 2019, ngayong Hulyo 25, nakikiisa ang patnugutan ng Ang Aninag bilang tagapagsulong ng malayang pamamahayag sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day.
Sa kasalukuyang panahon kung saan nagiging talamak ang panganib at karahasan na nararanasan ng mga mamamahayag pangkampus sa pisikal o digital na mundo, tulad ng 'red-tagging' at pagsupil sa kalayaan sa pagpapahayag, nararapat lamang na bigyan itong pansin, palawakin ang seguridad, at isaalang-alang ang karapatan ng bawat mamamahayag pangkampus sa malaya at ligtas na pamamahayag.
Gamitin natin ang palasong pluma bilang sandata upang protektahan at maipagtanggol ang malayang pamamahayag, mamamahayag pangkampus, at ang katotohanan.
-
Maaaring makiisa sa DP blast sa pamamagitan ng link na ito:
https://twb.nz/campfreedom
Disenyo ni: Lamont Casia
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
MW6V+VJC, Paglaum Road, Araneta-Hernaez Sts
Bacolod City
6100
A-1 Esteban-Magdalena Building, Hernaez Street
Bacolod City, 6100
This is the official page of Negros Daily Bulletin. Since1960.
Almana Corporate Center (Pau D' Arco), 23 Lacson Extension, Alijis Road
Bacolod City, 6100
The Visayan Daily Star is the most widely read and respected daily newspaper in Negros Island.
Sta. Clara Subdivision
Bacolod City, 6100
The Official Publication in English of DLNHS
University Of Negros Occidental/Recoletos
Bacolod City, 6100
Compass Nautica is the official publication of UNO-R COED Batch Pyxis Academic Year 2022-2023
Barangay Banago
Bacolod City, 6100
Wala kabutigan, Kamatuuran Lamang May Ebidensiya Pa!
Gegato-Abecia Bldg. , Corner Burgos-Lacson Sts. , Brgy. 9
Bacolod City, 6100
Uniting Negros Island to Progress