Jizuu Win's Book of Romance
Jizuu Win
HE CEO's Regrets
Jizuu Win
"Axel, what if gusto ko nang magkaanak?" Tanong ni Fatima sa live in partner niya. Si Axel ay isang CEO sa kumpanya na pag aari ng pamilya. Habang si Fatima naman ay nagtatrabahong HR sa kumpanya nito. Pitong taon nang nagkapanatagan ng loob ang dalawa. They were living like couple, iyon nga lang at hindi sigurado si Fatima kung seryoso ba sa kanya ang binata o pinagsasawahan na siya nito.
"Sinabi ko na sa iyo 'yan sweetie, akala ko ba nagkainitindihan na tayo? That things come after our marriage, so meaning, matagal pa 'yon" saad ng binata. Sobrang nasaktan ang dalaga sa naging desisyon ng nobyo. Naiintindihan niyang may trust issue ito sa dating karelasyon. Pero sobrang unfair dahil napaka tagal na niyang nag adjust.
"Enough for this relation ship Axel, ayoko na. Hindi na ako bumabata pa at ang gusto ko isang stable at firm na isang buong pamilya. If you couldn't give it to me . Then I'm sorry, but I have to live" litanya ng dalaga .
Gulong gulo ang isipan ng binata sa mga sandaling iyon. Gusto niyang pigilan ang live in partner niya ngunit nauunahan siya ng pride .
Kinabukasan, walang anino ni Fatima ang nakikita sa loob ng HR office ng tanungin niya ay nakaleave ito ng isang linggo.
"What? Who give her the approval?" Galit na tanong ng binata.
"The COO Mr.Daniel Monte Carlo sir CEO. Yong ama niyo po ang nagbigay kaninang maagang maaga pa." Imporma ng kasamahang HR ni Fatima.
Gustong suntukin ni Axel ang kanyang sarili. Masyado niyang dinamihan ang ininom na alak kaya nalasing ng sobra at tinanghali ng dating sa opisina , tuloy hindi niya naabutan ang nobya.
Sinubukan niya itong hanapin ngunit nahihirapan siyang hagilapin ito. Tinawagan niya ngunit nakapatay, marahil ay nagpalit ng numero. Halos araw araw na siyang naglalasing at nagbabasag. Tinawagan ng binata ang best friend ni Fatima na si Gilda. Nagmakaawa siya rito na sabihin na kung saan na si Fatima.
"Pero Kasi axel, nangako na ako Kay Fatima na huwag sabihin sa'yo Kung nasaan siya ngayon" wika ng dalaga.
"Ito lang Gilda ,Isang beses lang , aayusin ko lang ang sa amin , please Gilda" pagsusumamo ng binata.
Awang awa na rin ang dalaga sa miserableng mukha ng binata kaya hindi niya matiis na huwag sabihin dito.
Ito pa mismo ang nagmaneho ng kotse ng binata papunta sa apartment ng dalaga. Nagulat si Fatima ng makita ang mukha nito.
"Paano mo nalaman ang bago Kong tirahan?" Tanong ng dalaga.
"Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay natagpuan kita , please honey, don't leave me just because I didn't grant your wants. Maari pa naman nating pag-usapan ng maayos" saad ng binata na nakatukod ang ulo sa gilid ng pintuan. Nakapikit ang mga mata sa sobrang kalasingan.
"Umalis ka na Axel, wala na akong panahon pa para sa'yo" walang emosyon na wika ng dalaga.
"No honey, I won't leave you here. Ang sabi mo hindi ba I'm your world, kaya dito lang ako lagi sa tabi mo" saad pa nito na pilit niyayakap ang dalaga. Isinara na lamang ng dalaga ang pintuan dahil sa hiya na may makakakita sa kanila sa labas sa ganoong ayos.
"Ano ba Axel , tigilan na natin ito. Wala akong panahon para sa mga walang kabuluhang bagay" inis na saad ng dalaga. Pinilit niyang makawala mula sa pagkakayakap nito at mabilis na umupo sa sofa.
Ngunit nakabuntot pa rin sa kanya ang nobyo. Tumabi na rin ito sa kanya sa pagkaupo sa mahabang sofa.
"Please Honey, umuwi ka na sa ating condo" saad ng dalaga.
"I'm sorry Honey pero dito lang ako sa tabi mo, hindi ako aalis," saad nito at pilit pa rin na niyayakap ang dalaga.
"Bitawan mo ako Axel, tama na! Pagod na akong umintindi, ayoko na. Hayaan mo nalang ako!" Saad ng dalaga.
"No, hindi mo ako pwedeng iwanan Fatima! Hindi ako papayag!" Wika nito at sinunggaban na ng halik ang nobya. Sapilitan nitong hinubaran ang nobya at inangkin ng walang pagpigil.
"Gusto mo naman lagi ito hindi ba?" Wika pa ng binata na tila nawawala na sa kanyang sariling katinuan.
Napapaluha na lamang ang dalaga habang hinahayaan ang nobyo sa ginagawa nitong tila pangbababoy sa kanya.
Deretso itong nakatulog matapos gawin iyon sa kanya. Napahikbi habang umiiyak ang dalaga , titig na titig siya sa maamong mukha ng nobyo. Napapailing siya at hindi makapaniwala na kayang gawin ng nobyo ang bagay na iyon sa kanya. Napaka maginoo nito at marespeto , ngunit sa gabing iyon ay tila ito sinaniban ng diablo.
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago iniwan ang nobyo na mahimbing na nakatulog sa sofa. Tinakpan lang niya ng polo ang gitnang bahagi nito.
Habang nakahiga sa kanyang kwarto ay hindi rin siya makatulog. Hindi niya maatim ang kanyang nobyo na nilalamok sa labas kaya dinalhan na niya ito ng kumot. Hindi ito nakaramdam at mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Iniwan na niya itong muli at bumalik sa pagkakahiga. Mabilis na rin siyang hinila ng antok dahil malalim na ang gabi
Napahilamos si Axel kinabukasan ng maalala niya ang kanyang ginawa sa nobya. Sapilitan niya itong inangkin.
"What have I done" sambit niya sabay suntok ng kanyang ulo. Mabilis siyang nagbihis at umakyat sa kwarto ng dalaga ngunit wala na ito. Kaagad siyang pumunta sa opisina at baka papunta na doon ang nobya dahil mag aalas syete na ng umaga. Ngunit wala ito sa opisina. Sinubukan niyang idayal muli ang telepono nito ngunit hindi pa rin makontak.
"God damn it!" Sigaw niya.
Palabas ulit siya ng building ng tumawag ang kanyang ama.
"Nasaan ka na? We have our flight at exactly 10 o'clock this morning, baka malate ka. Mahalaga ang meeting na ito sa ating kumpanya " wika ng ama. Naalala niya na may meeting nga pala sila sa hongkong ng kanyang ama. They planned to build a new hotel building in hongkong at kailangan nilang makausap ang may-ari ng commercial lot na naispatan ng ama doon na magandang lokasyon para sa isang hotel dahil malapit ito sa lahat ng mga magagandang tourist spot ng bansang hongkong.
Ang Alpha Hotels and Restaurants ay nagkaroon na ng maraming unit sa ibat ibang bansa. Their kind of service ay pang world class at may pitong dekada nang nakatatak bilang Isa sa pinaka best hotels sa buong mundo ang Alpha Hotels na may nasa bente tres nang naipatayong building.
Mabilis na pinaharurot ni Axel ang kotse pauwi ng bahay para maligo. Nakahanda na ang kanyang maletang dadalhin noong nakaraang araw pa.
"I'll fix things when I came back honey" sambit niya. Handa na siyang magpakasal sa nobya no matter what happen.
Samantalang , bagsak ang balikat ni Fatima ng makitang wala na ang kotse ni Axel. Patakbo siyang pumasok at sinubukan pang hanapin ang nobyo. Wala na talaga ito, nagsisisi na marahil sa ginawang pag angkin sa kanya ng sapilitan at walang gamit na proteksyon. Inilapag na lang niya sa mesa ang bitbit na mainit pang lomi at kape. Para sana iyon pawala sa hangover ng nobyo. Makalipas ang tatlong araw , wala pa ring Axel na nagpaparamdam sa kanya.
"Huwag ka nang umasa pa Fatima, ayaw nga niya ng commitment di ba?" Sambit niya sa kanyang sarili.
Mabilis niyang pinahid ang kanyang luha at pagkatapos ginawa ang isang mabigat na desisyon. Nag-emergency resign siya sa mismong araw na iyon at nagdesisyon na tumira sa isang probinsya na walang kahit sinong nakakilala sa kanya. Gusto niyang marefresh ang sarili ng mag-isa, gusto niyang magsimulang mamuhay na mag isa at kung ano man ang kapalarang naghihintay sa kanya sa bagong lugar na tatahakin niya, yayakapin niya iyon ng buong puso.
"Sigurado ka talaga sa desisyon mo anak? Pati kami ayaw mo nang makita?" Tanong ng Ina na may himig hinanakit.
"Ma, ilang taon lang naman, at saka nasa akin naman ang numero niyo, tatawag lang ako kung sakali" wika ng dalaga. Walang magawa ang mga ito sa kanyang naging desisyon.
Pagbalik ni Axel galing ng hongkong ay sumambulat sa kanyang mesa ang resignation letter ng nobya.
"No hindi totoo ito!" Sambit niya at mabilis na lumabas para puntahan ito sa bagong apartment, subalit wala na roon ang dalaga. Sinubukan niyang puntahan ito sa bahay ng mga magulang subalit wala roon ang nobya at ang kapatid na lalaki lang ni Fatima ang humarap rito dahil Galit ang Ina ng dalaga sa binata.
Naging miserable ang buhay ni Axel sa pagkawala ng nobya. Bakit hindi siya nito hinintay upang makapag usap sila ng masinsinan.
Makalipas ang anim na taon, tanggap ni Fatima ang kanyang buhay. Isa siyang single mom sa isang batang lalaki na ngayon ay limang taong gulang na. Napaka talino at matanong.
"Mommy where's my Dad? I need to see him" saad ng batang si Anselmo.
Ayaw rin ni Fatima na lumaki na walang kilalaning ama ang anak kaya lalakasan niya ang kanyang loob para harapin ang ama nito.
Pagdating sa lungsod ay deretso na kaagad si Fatima kasama ang anak sa bahay ng dating nobyo.
Nakailang doorbell pa siya bago binuksan ang gate.
"Jusmeyo Fatima! Ikaw na nga ba iyan?" Tanong ng ginang na matagal nang naninilbihan Kay Axel.
"Manang Fe, ako po 'to, andyan ba si Axel?" Tanong niya. Si Anselmo ay tahimik lang na nakatingala sa ginang.
"Ah , eh , kasi ma'am Fatima" nauutal na wika ng ginang.
"Sino pong bisita Manang Fe?" Boses iyon ni Axel na papalabas kaya biglang tumambol ang dibdib ni Fatima. Nang bumungad ito sa pinto ay may babaeng nakakabit sa balikat nito. Maganda, sexy at halatang mayaman din. Halos magdikit ang kilay nito habang nakatingin sa kanilang mag-ina.
Habang si Axel naman ay nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang mag-ina. Hindi alam kung matutuwa o magagalit. Ngunit sa biglang pagsigaw ng bata, tila biglang umikot na muli ang kanina'y tila naitime freeze na sandali.
"Papa!" Sigaw ng bata. Biglang tinakpan ni Fatima ang bibig ni Anselmo ngunit malinaw nang narinig ng mga kaharap ang salitang binitawan nito.
"Anong kalokohan ito Fatima?" Galit na tanong ni Axel habang papalapit sa kanya.
"You heared it clear Axel, anak mo siya" saad ng dalaga.
"Paano ko naman masiguro na anak ko nga yang batang iyan?" Galit pa ring tanong ng binata. Mag-asawang sampal ang ibinigay Fatima rito . Namilog ang mga mata ng babaeng nasa likod Axel dahil sa gulat.
"Matapos mo akong sapilitang Kunin nang gabing iyon at iwanan nalang basta? May gana ka ngayong itanong sa akin kung sino ang ama ng anak ko?" Galit na wika ng dalaga. Napayuko ng matagal ni Axel sa bata at hindi nakahuma sa sinabi ng dalaga.
Maingat na humakbang ang babae sa likod ni Axel.
"What is going on here?" Tanong ng dalaga na palipat lipat ng tingin sa tatlo. Sa bata, Kay Fatima at Kay Axel.
"Sweetheart listen, hindi ako sigurado kong anak ko nga ito. It's been so long," saad ng binata. Napailing ito sabay walkout
"Amara , sweetheart wait!" Sigaw ng binata. Milyong karayom ang tumusok sa puso ni Fatima ng marinig iyon. Hindi maipagkailang nasasaktan siya at nagseselos. Well, ano naman ang karapatan niya?
"Magpapa DNA test ako , if this is all you want , ang sirain ulit ang buhay ko " Galit na saad ni Axel. Napatawa ng pagak si Fatima, sinamaan niya ito ng tingin.
"Buhay mo talaga ang nasira after all? Ang Kapal naman talaga ng mukha mo!" Galit na wika ng dalaga. Tahimik lang si Axel na nakipagtitigan dito. Talagang hindi alam ng kaharap niya kung paano nawasak ang buhay niya sa biglaang paglisan nito.
"If you have that deal, I have this deal too... At dapat pirmahan tayo " seryosong saad ng dalaga.
"Anong deal?" Tanong ng binata.
"My son will under go DNA testing at kapag napatunayan na totoong anpak mo siya, pipirma ka sa kasunduan na mawawalan ka ng karapatan sa bata kahit konti, naintindihan mo?" Tanong ng dalaga. Walang alinlangang sumagot ang binata.
"Then there's no DNA testing , you and my son will stay here!" Saad ng binata.
"Kasama ang babae mo? How could you?" Tanong niya.
"Me and my fiancee Amara will temporarily live at her condo. Dito kayo ng anak ko sa bahay at huwag mong tang ofkain na ilayo muli siya sa akin" saad ng binata.
Pighati sa puso ni Fatima. Nasa bahay nga siya nito ngunit ito naman ay nasa bahay ng ibang babae. Hindi naman ganoon kabilis mawala ang pitong taon na pagsasama nila na parang mag asawa. Ngunit hindi pinalad na magtuloy tuloy pa at tila isang bangungot nalang ng nakaraan.
"Papa," umiiyak na wika ni Anselmo. Nakatingala ito habang nakakapit sa ina. Saka lang ito natitigan ng husto ni Axel. Nakipagpantay siya sa anak, hindi mapigil ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.
"Hey baby, can you tell me your name?" Tanong niya sa anak. Ramdam niyang anak niya ito. Lukso ng dugo malamang.
"I'm Anselmo Monte Carlo po papa. Alam niyo lagi kayong kinukwento ni Mama sa akin, napaka bait mo raw, Kasi lagi Kang busy kaya sinabi ko sa kanya kami nalang ang pupunta sa inyo. Papa, ano po yong DNA testing?" Tanong ng bata. Napatingala ito Kay Fatima.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Purok Debulgado
Bacolod City
6100
Opening Hours
Monday | 9am - 5pm |
Tuesday | 9am - 5pm |
Wednesday | 9am - 5pm |
Thursday | 9am - 5pm |
Friday | 9am - 5pm |
Saturday | 9am - 5pm |
Sunday | 9am - 5pm |