SOC Cavite Youth Cluster
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SOC Cavite Youth Cluster, Bacoor.
Cavite Youth Cluster is one of the Soldiers of Christ Ministry, that leads and inspire young generation to serve God through their Time, Talent and Treasure for the greater glory of Christ Jesus.
๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ค๐-20 ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง - AGOSTO 23, 2024
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ | MATEO 22:34-40
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐
Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: โGuro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?โ Sumagot si Hesus, โIbigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: โIbigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.โ
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Aleluya! Aleluya!
Aba, Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya,
Dโyos ay kapiling mo tโwina.
Aleluya! Aleluya!
- Lucas 1:28
Mary Queen of Heaven and Earth
Pray for us!
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
|Memorial of The Queenship of the Blessed Virgin Mary
๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ค๐-20 ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง - AGOSTO 22, 2024
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ | MATEO 22:1-14
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐
Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, โAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, โSabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!โ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isaโy sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, โNakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kayaโt pumunta kayo sa mga langsangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.โ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasamaโt mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.
โPumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. โKaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?โ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kayaโt sinabi ng hari sa mga katulong, โGapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Dooโy mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.โ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.โ
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Sabado ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Agosto 17, 2024
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 19:13-15
Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Datapwat sinabi ni Hesus, โHayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.โ Ipinatong niya sa kanila ang kanyang kamay, saka umalis.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
-Psalm 96:4
Bago pa man naging miyembro ng Soldiers of Christ ang pamilya namin, maaga na kaming tinawag sa paglilingkod sa simbahan. Kaya nang unang maikyat ang Mahal na Birhen sa aming tahanan noong 2011, buong loob namin siyang tinanggap. At doon nagsimula ang pagiging aktibong kamanggagawa ng aming pamilya sa Soldiers of Christ.
Sa loob 13 taon na pagiging kasapi namin ng Soldiers of Christ, maraming pagpapala ang dumating sa aming pamilya-makapagtapos ng pag-aaral, maayos na trabaho, magandang kalusugan, at marami pa. Ngunit mas higit na biyaya ang magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok ng buhay. Ito'y isang kayamanan na kahit kailan ay hindi maaagaw o mananakaw, at ito rin ang magiging magandang pamana namin sa mga susunod na henerasyon ng aming pamilya.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Biyernes ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Agosto 16, 2024
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 19: 3-12
Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: โNaaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?โ Sumagot si Hesus, โHindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulutan na sa pasimulaโy nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, โDahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaโt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at silaโy magiging isa.โ Kayaโt hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.โ Tinanong siya ng mga Pariseo, โBakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?โ Sumagot si Hesus, โDahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayun sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.โ
Sinabi ng mga alagad, โKung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.โ Sumagot si Hesus, โHindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may ibaโt ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Ang buhay ay punung-puno ng paglalakbay. Isinilang sa Gagalangin Tondo. Inimulat ng aking mga magulang sa loob ng Simbahan na noon ay aktibo bilang household leader ng Couples For Christ. Dumating ang panahon na kami ay nanlamig sa paglilingkod. Taong 2005 nang muling tinawag ang aming pamilya sa pamamagitan ng COB dahil sa kasakitan (Breast Cancer) ng aking (+) ina. Taong 2006 noong ako ay unang dumalo sa gawain ng SOC hanggang sa naging aktibo ng Youth Cluster sa pamumuno ni Kuya Mon Punay at hinasa ni Ate Gerona Rama sa COB.
Nakapagtapos ako ng kursong Nursing na ang unang pangarap ay makapangibang bansa at magkaroon ng magandang estado sa buhay.
Ngunit iba ang plano ng Diyos sa aking buhay dahil sa dalawang beses akong hindi pinalad na makapasa ng Nursing Board Exams.
Kung kaya nagdesisyon ako na mag-full time service sa COB kung kaya't nakarating sa malalayo at iba't ibang Probinsiya sa loob ng tatlong taon.
Taong 2014 noong ako mapunta ng PACEM Missionaries dahil sa paanyaya ng aming PACEM Founder na si Fr. Leonardo Polinar at pagkakatira ni Bro. Alberto Ting sa PACEM Binangonan dahil sa kaniyang kasakitan. Hanggang sa ako ay mag-apply sa aming founder bilang isang Seminarista
na ngayon ay isa nang ganap ng Pari ng PACEM Missionaries na nagmula sa SOC. Isang Pari sa lugar Tondo hindi bilang isang hari ng Tondo.
Ako ay inordinahan noong Disyembre 06, 2022 ng aming Bishop Protector na si Bp. Abet Uy D.D. ng Diyosesis ng Tagbilaran.
Isang taos-pusong pasasalamat sa Diyos sa Kaniyang grasya na ibinigay sa akin sa Bokasyon bilang isang ganap na Pari.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Our Lady of the Assumption Prayer
Maria, Reyna na umakyat sa langit, nagagalak ako na pagkatapos ng maraming taon ng kabayanihan na pagiging martir sa lupa, sa wakas ay dinala ka na sa trono na inihanda para sa iyo sa langit ng Banal na Trinidad. Itaas mo ang aking puso kasama mo sa kaluwalhatian ng iyong Assumption sa ibabaw ng kakila-kilabot na dampi ng kasalanan at karumihan. Turuan mo ako kung gaano kaliit ang lupa kapag tinitingnan mula sa langit. Ipaunawa sa akin na ang kamatayan ay ang matagumpay na tarangkahan kung saan ako dadaan sa iyong Anak, at na balang araw ay muling sasamahan ng aking katawan ang aking kaluluwa sa walang hanggang kaligayahan ng langit. Mula sa mundong ito, na aking tinatahak bilang isang pilgrim, humihingi ako ng tulong sa iyo. Hinihiling ko ang pabor na ito: (Banggitin ang iyong kahilingan). Kapag dumating na ang oras ng aking kamatayan, akayin mo akong ligtas sa presensya ni Hesus upang tamasahin ang pangitain ng aking Diyos sa buong kawalang-hanggan kasama mo.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
|FeastOfTheAssumption
HUWEBES , AGOSTO 15, 2024
Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab
Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoโt ganda
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas 1: 39-56
Si Mariaโy nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, โPinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!โ At sinabi ni Maria,
โAng puso koโy nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, akoโy tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan โ
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng saliโt saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!โ
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Are you looking for a good diet to start with?
Good for your body and spiritual wellness?
Here's the list of foods at Daniel's Diet, and let's try his tips for us:
1. Vegetables: All veggies and vegetable juices of any type
2. Fruit: All types of fruit and fruit juices (excluding processed juices, especially those with added sugar)
3. Beans and Legumes: All types of beans and legumes, but avoid anything canned with added salt.
4. Wholes Grains: Brown rice, oats, whole wheat, millet, amaranth, barley, and any other natural whole grains
5. Nuts & Seeds: Raw is best; nothing with added sugar, salt, or other seasoning
Dig in and enjoy!
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Miyerkules, Agosto 14, 2024
Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit
sa Mahal na Birheng Maria
1 Cronica 15:3-4. 15-16; 16:1-2
Salmo 131:6-7. 9-10. 13-14
Bumangon ka, Dโyos na banal,
sa tronong Kaban ng Tipan.
MABUTING BALITA
Lucas 11:27-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, โMapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa inyo! Ngunit sumagot siya, โHigit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Martes, Agosto 13, 2024
Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Ponciano, papa
at San Hipolito, pari, mga martir
Ezekiel 2, 8 โ 3, 4
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131
O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โmin.
MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, โSino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?โ Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, โTandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.
Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.
Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapuโt siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapuโt siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Lunes, Agosto 12, 2024
Lunes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Ezekiel 1, 2-5. 24-28k
Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd
Ang kadakilaan ng Dโyos
sa lupaโt langit ay lubos.
MABUTING BALITA
Mateo 17, 22-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa Galilea sina Hesus at ang mga alagad, sinabi niya sa kanila, โAng Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.โ At silaโy lubhang nagdalamhati.
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. Tinanong siya, โNagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro?โ โOpo,โ sagot ni Pedro. At nang dumating siya sa bahay, tinanong na siya agad ni Hesus, โAno ba ang palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga mamamayan ba o sa mga dayuhan?โ โSa mga dayuhan po,โ tugon niya. Sinabi ni Hesus, โKung gayun, hindi pinapagbayad ang mga mamamayan. Gayunman, para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Kunin mo ang unang isdang mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak. Kunin mo ito at ibayad sa buwis nating dalawa.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir
AUGUST 10, 2024
UNANG PAGBASA
2 Corinto 9: 6-10
SALMO
Salmo 111: 1-2. 5-6. 7-8. 9
Ang taong tunay na matโwid
ay mahabagiโt mabait.
MABUTING BALITA
Juan 12: 24-26
โHINANAP NG ILANG GRIYEGO SI JESUSโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โTandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, itoโy mamumunga nang marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised! Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! - 1 Corinto 15:57
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
AUGUST 09, 2024
UNANG PAGBASA
Nahum 2: 1. 3; 3, 1 โ 3. 6-7
SALMO
Deuteronomio 32: 35kd-36ab. 39abkd. 41
Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.
MABUTING BALITA
Mateo 16: 24-28
โUNANG PAHAYAG NI JESUS SA KANYANG PAGKAMATAY AT PAGKABUHAYโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โKung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nitoโy ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yaoโy gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaโt di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
โMapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit."
- Mateo 5:3
Kay buti ng Panginoon sa paraang kumikilos ang biyaya Niya sa kakaiba at kamangha-manghang paraan. Matibay ang aking paninindigang nadidinig niya ang bawat panalangin ng bawat isa, naglalaan nga lang ito ng tamang panahon kung kailan darating ito. Karaniwang dumarating ang mga kasagutan at mga hinihingi ng ating panalangin sa 'di inaasahang panahon. Kumikilos ang biyaya ng Panginoon sa panahong nakatakda at sa paraang hindi mo aasahang iyon na nga ang tugon Niya.
Patuloy na nagpupuri at nagpapasalamat ang puso ko dahil kailanman ay hindi Siya lumisan. Gaano pa man ako makasalanan, at mabigat na ang lahat, hinihintay lang Niya akong tawagin ang ngalan Niya. Ang Panginoon natin ay mahabagin, hinihintay lamang Niya lamang tayong magbagong loob at bumalik sa Kaniya. Ganoon Niya tayo kamahal!
Tulad na lamang ng nangyari sa akin. May mga panahong dumarating talaga ang kagipitan, ang madilim na yugto ng buhay at nangangailangan kami ng panggastos lalo na sa sakit ng aking ina na may "Chronic Kidney Disease- Stage 5". Idinadalangin kong direktang gumaan ang pakiramdam ng aking Ina sa Panginoon at nawa ay may tumulong sa kalagayan namin. Tinugunan ng Panginoon ito sa pamamagitan ng mga taong may bukal na puso nagbuong pusong nagbigay ng kaunting tulong sa panggamot upang mas mapabuti pa rin kahit papaano ang lagay ng aking Ina. Wala man itong lunas na, tinulungan ng gamot at ng mga panalangin ang paggaan ng pakiramdam ng aking Ina.
Doon ko napagtantong, ang Panginoon ay patuloy na tutugon sa mga dinadalangin ng ating mga puso, ang mga kahilingan sa buhay para sa ikabubuti natin at ng iba. Binibigay lang Niya ito at tinutugon sa kakaiba at kamanghamanghang paraan. Kamangha-mangha at kakaiba ang pamamaraan ng Panginoon sa pagtugon sa mga dalangin ng ating puso, ganoon Siya magmahal.
โHumingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan."
- Mateo 7:7
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kay Santo Domingo, Pari
AUGUST 08, 2024
UNANG PAGBASA
Jeremias 31: 31-34
SALMO
Salmo 50: 12-13. 14-15. 18-19
Diyos ko, sa akiโy likhain
tapat na pusoโt loobin.
MABUTING BALITA
Mateo 16: 13-23
โANG PAHAYAG NI PEDRO TUNGKOL KAY HESUSโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, โSino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?โ At sumagot sila, โAng sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.โ โKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?โ tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, โKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.โ Sinabi sa kanya ni Hesus, โMapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang itoโy hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.โ At mahigpit niyang tinagubilin ang kanyang mga alagad na huwag sasabihin na siya ang Kristo.
Mula noon ay ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siyaโy muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: โPanginoon, huwag namang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.โ Ngunit hinarap siya ni Hesus at sinabihan, โLumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip moโy hindi sa Diyos kundi sa tao.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Happy Wellness Wednesday Soldiers of Christ!
As they say "it's a matter of balance".
If we manage to weigh things in life, we can achieve our goals. In order to pursue it, we need to have that kind of conscious effort to train our body and spirit; to be physically, mentally and spiritually tough!
It goes hand in hand with God's words that will enlighthen and guide us to do so!
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
AUGUST 07, 2024
UNANG PAGBASA
Jeremias 31: 1-7
SALMO
Jeremias 31: 10. 11-12ab. 13
Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.
MABUTING BALITA
Mateo 15: 21-28
โANG PANANALIG NG ISANG CANANEAโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, โPanginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.โ Ngunit gaputok maโy di tumugon si Hesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, โPagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siyaโy nag-iingay at susunud-sunod sa atin.โ Sumagot si Hesus, โSa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.โ Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, โTulungan po ninyo ako, Panginoon.โ Sumagot si Hesus, โHindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.โ โTunay nga po, Panginoon,โ tugon ng babae, โNgunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.โ Kayaโt sinabi sa kanya ni Hesus, โNapakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.โ At noon diโy gumaling ang kanyang anak.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon
God is great and greatly to be praised!
Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Nang si Jesus ay nagbagong-anyo sa harap ng kanyang tatlong alagad, nagpakita sina Moises at Elias, na kumakatawan sa batas at mga propeta. Nang magkagayo'y isang ulap ang lumilim sa kanila, at isang tinig ang lumabas sa alapaap, na nagsasabi, "Ito ang aking minamahal na Anak; pakinggan ninyo siya."
Ipinapakita nito sa atin na si Jesus ang katuparan ng batas at ng mga propeta, at ang presensya ng Diyos dito sa lupa; ang anak ng Diyos. Bago ang pagbabagong-anyo, ipinahayag ni Jesus sa kaniyang mga alagad na Siya ay magdurusa sa hinaharap; papatayin at muling bumangon sa ikatlong araw, na siyang ikinasindak nila. Ngunit, dahil sa takot na baka sa kung ano ang darating, maiuugnay natin si Pedro na nagsabing mabuti na manatili sa harapan ng Diyos. Gayunpaman, tinanggihan ni Jesus ang pagnanais ni Pedro na manatili sa bundok dahil hindi ito kalooban ng Kanyang Ama. Ganun din, kapag nasa comfort zone tayo, ayaw nating umalis. Ngunit, nais ng Diyos na harapin natin ang hamon; Gusto niyang lumabas tayo sa comfort zones natin dahil mas malaki ang plano Niya para sa atin. Tandaan, na lagi Siyang makakasama at kung patuloy tayong makikinig at magtitiwala sa Kanya, malalagpasan natin ang anumang pagsubok na darating sa atin.
At sa gayo'y tayo rin ay magbabagong anyo tulad ni Kristo sa paguugali, pananalita, sa ating mga gawa at pananampalataya.
God is great and greatly to be praised!
- Psalm 96:4
|FeastOfJesusTransfiguration
Mga Pagbasa mula sa
Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (B)
AUGUST 06, 2024
UNANG PAGBASA
Daniel 7: 9-10. 13-14
SALMO
Salmo 96: 1-2. 5-6. 9
Panginooโy maghahari,
lakas nโyaโy mananatili.
IKALAWANG PAGBASA
2 Pedro 1: 16-18
MABUTING BALITA
Marcos 9: 2-10
โANG PAGBABAGONG ANYO NI JESUSโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, umakyat si Hesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama kundi sina Pedro, Santiago at Juan. Samantalang silaโy naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus, nagningning ang kanyang kasuotan na naging puting-puti, anupat walang sinumang makapagpapaputi nang gayun. At nakita ng tatlong alagad si Moises at si Elias, na nakikipag-usap kay Hesus. Sinabi ni Pedro kay Hesus, โGuro, mabuti paโy dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.โ Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi sapagkat masyado ang takot niya at ng kanyang mga kasama. At nililiman sila ng isang alapaap at mula ritoโy may tinig na nagsabi, โIto ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!โ Pagdaka, tumingin ang mga alagad sa paligid nila at nakitang wala na silang kasama roon kundi si Hesus.
Habang bumababa sila sa bundok ay mahigpit na itinagubilin sa kanila ni Hesus: โHuwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nakita hanggaโt hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.โ Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila-silaโy nagtanungan kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised!
Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
AUGUST 4, 2024
UNANG PAGBASA
Exodo 16:2-4. 12-15
SALMO
Salmo 77:3 at 4bk. 23-24. 25 at 54
Panginoon ang nagbigay
ng pagkaing bumubuhay.
IKALAWANG PAGBASA
Efeso 4:17. 20-24
MABUTING BALITA
Juan 6:24-35
โSI JESUS ANG TINAPAY NA NAGBIBIGAY-BUHAYโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, nang makita ng mga tao na wala na si Hesus, ni ang kanyang mga alagad, sa lugar na kinainan ni Hesus ng tinapay, silaโy sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Hesus.
Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, โRabi, kailan pa kayo rito?โ Sumagot si Hesus, โSinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.โ Kayaโt siyaโy tinanong nila, โAno po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?โ โIto ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya,โ tugon ni Hesus. โAno pong kababalaghan ang maipakikita ninyo upang manalig kami sa inyo? Ano po ang gagawin ninyo?โ tanong nila. โAng aming mga magulang ay kumain ng manna sa ilang, ayon sa nasusulat, โSilaโy binigyan niya ng pagkaing mula sa langit,โโ dugtong pa nila. Sumagot si Hesus, โDapat ninyong malamang hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng pagkaing mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit. Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan.โ โGinoo,โ wika nila, โbigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon.โ โAko ang pagkaing nagbibibgay-buhay,โ sabi ni Hesus. โAng lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised! Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
AUGUST 3, 2024
UNANG PAGBASA
Jeremias 26:11-16. 24
SALMO
Salmo 69:15-16. 30-31. 33-34
P**n, akoโy iyong dinggin
sa panahong โyong ibigin.
MABUTING BALITA
Mateo 14:1-12
โANG PAGKAMATAY NI JUAN NA TAGAPAGBAUTISMOโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Hesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, โSiyaโy si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!โ
Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, โHindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.โ Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.
Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kayaโt isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, โIbigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.โ Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga. Kayaโt pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
God is great and greatly to be praised! Psalm 96:4
|GospelOfTheDay
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Address
Bacoor
Bacoor, 4102
This page was made for the benefit of the Addas Greenfields Phase 1 residents, for them to be inform
SHS In San Nicolas III, Bacoor City
Bacoor, 4102
Our advocacy aims to educate the young men and women about the consequences of early sexual relations
Bacoor, 4102
This is a community for Filipino's around the world to be a part of a global movement adhering to save soil for better future and for the next generation to come. To learn more vi...
San Nicholas III
Bacoor, 4102
"Let's get addicted to education rather than drugs"
Bacoor, 4102
#ServicethroughStrongBrotherhood #DeoEtPatria #Brotherhood #Service #Unity #DivinePower
Brgy. Tabing Dagat, Cavite
Bacoor, 4102
A social media network that intensify awareness on the information, announcements, and implementation of various programs, projects, and activities of Youth Formation Programs of D...