Brethren Psalm133:1

Psalm 133:1

King James Version

133 Behold, how good and how pleasant it is for brethren to dwell to

Photos from INC News and Updates's post 18/08/2023
28/04/2023

" ANG TAMANG PAGPAPALIT NG RELIHIYON "

MAITUTURING NA ISANG mabigat na pagpapasiya ang pagpapalit ng relihiyon, lalo na kung isasaalang-alang ng isang tao ang magiging damdamin ng mga kapamilya at mga dating kasamahan niya sa iiwang relihiyon. Maraming dapat isaalang-alang ang isang tao sa gagawing paglipat o pagpapalit ng relihiyon, at hindi niya ito dapat gawin nang batay sa sariling pakiramdam, kuru-kuro, o palagay.

Sapagkat marami ang relihiyon sa kasalukuyan, marapat lamang na tiyakin muna ng tao kung tunay ang relihiyong kaniyang inaniban. Higit ang pinsalang maidudulot ng pagkakamali sa pagpili ng relihiyon kaysa pagkakamali sa pagpili ng mga materyal na bagay. Ang pagkakamali sa relihiyon ay ikapapahamak ng kaluluwa. Ganito ang babala ng Banal na Kasulatan:

“May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” (Kawikaan 14:12)

Ito ang panganib kung sariling pakiramdam at panuntunan lamang ng tao ang gagamiting batayan o gabay sa pagpili ng relihiyon. May mga daan na sa tingin ng tao ay tila matuwid ngunit ang mga ito pala ang maghahatid sa kaniya sa kamatayan—sa kaparusahan sa dagat-dagatang apoy (Apoc. 20:14). Ang paglitaw ng mga relihiyong hindi tunay na sa Diyos ang isa sa mga dahilan kung kaya’t dapat maging maingat ang tao sa pagpili ng aaniban o lilipatang relihiyon. Ang tawag ng Biblia sa mga maling daan o relihiyon ay mga likong landas. Ganito ang ating mababasa sa Isaias 59:8-9:

“Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan. Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.”

Ang mga maling relihiyon o likong landas ay ginawa o itinatag lamang ng tao at hindi ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya, kahit magpalipat-lipat sa mga ito ang mga tao o magpapalit-palit man ng pangalan ang mga relihiyong ito ay mananatili pa ring mali sapagkat hindi naman ayon ang mga ito sa kalooban ng Diyos na nasa Biblia.

Sa pagpapasya sa mga bagay na may kinalaman sa paglilingkod sa Diyos, ang dapat gumabay sa tao upang hindi siya magkamali ay ang mga kalooban ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Pinatutunayan ng Biblia na ang mga apostol ay may relihiyon. Sabi ni Apostol Pablo:

“Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon. …” (I Tim. 3:16, Magandang Balita Biblia)

Ang relihiyong pinaglagyan sa mga apostol ay ang tunay na Iglesia. Ganito ang ating mababasa sa I Corinto 12:28:

“Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga g**o. …” (Ibid.)

Ang mga apostol at ang mga unang Cristiano ay inilagay ng Diyos sa Iglesia. Bagaman si Apostol Pablo ay mayroon nang relihiyong kinabibilangan noon (ang Judaismo) gayunman ay tinawag pa rin siya sa Iglesia ni Cristo (Gal. 1:13-14, New Pilipino Version). Kaya, mahalaga at kailangan ng tao na umanib sa tunay na Iglesia. Ang pangalan ng tunay na Iglesia sa Biblia ay Iglesia ni Cristo:

“Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.” (Roma 16:16)

Samakatuwid, kung ang tunay na Iglesia ni Cristo ang relihiyong aaniban, tulad ng ginawa ng mga apostol, makatitiyak ang tao na siya ay nasa katotohanan.

Sa paglipat ng tao sa Iglesia ni Cristo mula sa ibang relihiyon ay hindi sarili lamang niyang kagustuhan ang kaniyang sinunod kundi higit sa lahat ay ang kalooban ng Diyos. Kalooban ng Diyos na ilipat ang tao na nasa kadiliman o likong landas patungo sa kaharian ng Anak:

“Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan.” (Col. 1:12-14)

Sa pahayag na ito ni Apostol Pablo ay maliwanag na may pinaglipatan sa mga naging tagapagmana ng mga pangako ng Diyos. Inilipat sila sa kaharian ng Anak na kinaroroonan ng katubusan na siyang kapatawaran ng mga kasalanan. Ang pinatutunayan ng Biblia na tinubos o binili ng dugo ng Panginoon ay ang Iglesia ni Cristo:

“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.” [Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.] (Acts 20:28, Lamsa Translation)

Samakatuwid, mapalad ang tao na mula sa dating relihiyon ay lumipat sa Iglesia ni Cristo sapagkat napabilang siya sa mga taong tinubos at tiyak na maliligtas.

‘Nakaiwas na, muli pang naakit sa dati’
Subalit sa unang Iglesia, sa panahon ng Panginoong Jesus at ng mga apostol, ay may mga hindi nakapanatili sa banal na tawag. Ang iba ay muling naakit sa dati nilang masamang gawain kaya lalong sumama ang kanilang kalagayan kaysa noong hindi pa sila Iglesia ni Cristo. Dito angkop na angkop ang sinabi ni Apostol Pedro:

“Nakaiwas na sa kasamaan ng daigdig ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas. Ngunit kung muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang malupig nito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. Mabuti pang hindi nila natutuhan ang daang matuwid kaysa talikdan, matapos matutuhan ang banal na utos na ibinigay sa kanila. Kung magkagayon, angkop na angkop sa kanila ang kasabihang ‘Ang a*o ay hayop, likas ang damdamin Na sa isinuka ay nagbabalik din.’ Ito namang baboy, paliguan mo man, Babalik muli sa dating lubluban.” (II Ped. 2:20-22, MB)

Ang tinutukoy ni Apostol Pedro sa mga talatang ito ay yaong nakakilala na sa daang matuwid, samakatuwid ay kaanib na sa tunay na Iglesia, subalit muling naakit na magbalik sa dati niyang kalagayan sa labas ng Iglesia ni Cristo. Ayon kay Apostol Pedro ay lalong pinasasama ng gayong tao ang kaniyang kalagayan. Mabuti pang hindi niya nakilala ang tamang daan kaysa pagkatapos ay talikdan ito. Ang mga kaanib na nagbabalik sa masamang gawa o hindi nagbabagong-buhay ay itinitiwalag sa Iglesia (I Cor. 5:13, NPV)
Dahil ang tunay na relihiyon ay ang Iglesia ni Cristo, malaking kasawiang-palad ang sasapitin ng sinumang napaanib na rito subalit naalis pa, kusa man o hindi. At kung sila’y umanib sa ibang samahang panrelihiyon, hiwalay na sila sa daang matuwid, kaya wala na silang pag-asa sa kaligtasan.
Sa kabilang dako, kapag ang sinuman ay nagpasiyang iwan ang kaniyang dating relihiyon upang umanib sa Iglesia ni Cristo, magdanas man siya ng pag-uusig at pagsubok, ay mapalad siya, sapagkat pinatutunayan ng Biblia na ang Iglesia ni Cristo ang tunay na relihiyong dapat na aniban ng tao.

Ctto.

07/04/2023

May napanood ako na video ng isang nangangaral na nag-aangking sila ay BORN AGAIN CHRISTIAN daw. Ang turo nila para daw ang tao ay maligtas ay SAPAT NA DAW ANG SUMAMPALATAYA LAMANG. Hindi na daw kailangan ang pag-anib sa Iglesia at ng paggawa ng mabuting mga gawa.

Ang ginamit na analogy ay 'yaong magnanakaw na kasama ni Cristo na nakabayubay sa krus na pinangakuan ni Cristo na kakasamahin niya sa paraiso o katumbas na pinangakuan niya ng kaligtasan. Ang ginawa lang naman daw ng magnanakaw ay kinilala at sumampalataya sa ating Panginoong Jesucristo at wala na daw iba.

MY COMMENT:
'Yung tagpo na ginagamit na argumento ng mga nagpapakilalang Born Again ay isang SPECIAL CASE. Hindi na po magagawa ng nasabing mapalad na magnanakaw ang prosesong iniuutos ni Cristo para ang tao ay maligtas. Ang pangako ni Cristo sa kanya ay PARA LANG NAMAN SA KANYA. Yamang ang Cristo ang itinalaga ng Diyos na Tagapagligtas, karapatan ni Cristo na isama niyang maligtas ang nasabing magnanakaw.

Pero ang tagpong 'yun ay hindi aplikable sa lahat ng tao para maligtas.

Ito ang utos ni Cristo sa lahat para maligtas:

"At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan." (Marcos 16:15-16)

Ang tao ay kailangang maaralan muna ng evangelio o ng mga salita ng Diyos ng mga isinugo ng Diyos, kailangan niyang sampalatayanan ang mga salita ng Diyos na ipinangaral sa kanya at kailangan siyang bautismuhan para maligtas. Kaya maling aral o doktrina ang paniniwalang sapat na ang sumampalataya lang para maligtas.

Saan naroroon ang mga nagsitanggap ng tunay na bautismo? SA ISANG KATAWAN

"Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu." (1 Corinto 12:13)

Ang isang katawan na tinutukoy ay ang Iglesia na ang ulo nito ay si Cristo (Colosas 1:18).

Ito ang Iglesia ni Cristo (Roma 16:16)

Ang bahagi ng proseso sa kaligtasan alinsunod sa turo ni Cristo, ang tao ay kailangang mag-Iglesia ni Cristo para magkaroon ng pag-asa sa kaligtasan. Kaya hindi sapat na sumampalataya lang. Ang mga tunay na sumampalataya ay sumunod sa utos ni Cristo, naroon sa Iglesia ni Cristo.

Pero sapat na ba ang umanib lang sa Iglesia ni Cristo para maligtas? HINDI PO.

Ito pa po utos para huwag masayang ang kaligtasang ipinangako ng Diyos at ni Cristo na dulot ng pagiging kaanib sa Iglesia ni Cristo:

"Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
"Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay." (1 Timoteo 6:18-19)

Kailangan magsiyaman sa mabuting gawa, kailangang magtipon ng mga ito bilang mabuting saligan sa ikatitiyak ng kaligtasan. Kaya maling aral ang dala ng mga nagpapakilalang Born Again na hindi na daw kailangan ang mabuting gawa para maligtas.

Huwag tayong padaya sa kanilang matatamis na mga salita.

Ctto.
Allan Valenzuela

09/03/2023

🇮🇹Hindi Totoo na Lahat ng Nagsasagawa ng Pagpupuri Sa Diyos Kahit Nagsisikap na Paglingkuran Siya ay Tinatanggap.
Dahil May Tunay At Tamang Paraan Talaga ng Paglilingkod
Na Ang Tanging Batayan ay Nagmula sa Mga. salita ng Diyos(Biblia)
Ito ang Patotoo ng Apostol na si Pablo na Hindi lahat ng Naglilingkod o Nagsisikap na Sambahin ang Diyos ay May Tamang Batayan.

👇👇

📚Roma 10:2-3
Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan. Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.

Mayron talagang hinirang At Pinili ang Diyos na Magpupuri at sasamba sa kanya 👇👇

📚Efeso 1:11-13
11 Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Kaming mga unang umasa sa kanya ay pinili niya at hinirang upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.

13 Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo bilang tatak ng pagkahirang sa inyo.

🇮🇹📚🦅

Send a message to learn more

07/03/2023

📚🇮🇹🦅
Huwag Maging Magagalitin.

07/03/2023

📚🇮🇹
Bawal Po ang Divorce Sa Loob ng Iglesia Ni Cristo at Bawal din Po Ang Same S*x Marriage.
Sapagkat mababasa sa Biblia na Ipinagbabawal ng Diyos ang mga yan.

Panoorin nyo po ang Video
Maraming Salamat po 💕

06/03/2023

🇮🇹Hindi Sapat ang Pananamapalataya lamang
Para Maligtas Kailangan mayroong
👉Pagsunod
👉Pagtupad
👉Paggawa
👉Pagtitiis

🇮🇹Ang Mga Tunay Na Sumasampalataya Kay Cristo ay ang Mga Taong Tumutupad kanyang Mga Salita At Sumusunod sa mga Utos Ng Diyos na kanyang Ama na Nagsugo sa kanya

👇👇👇👇👇👇
📚 JUAN 14:23-24
Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya. Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na nagsugo sa akin.

📚Mateo 24:13 TLAB
Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

28/02/2023
28/02/2023
27/02/2023
27/02/2023

Ang kaibahan ng katas ng ubas sa alak o wine na nakakalasing...

Lokal ng Taytay
Distrito ng Rizal

Helmet by Spyder Philippines
Riding bag by USAGI
shopee.ph/motorsiklo_ni_paps

27/02/2023
24/02/2023

Welcome po kayo na magsuri sa Loob ng INC💚🤍❤️

24/02/2023

💚🤍❤️

24/02/2023

pagmasdan mo ang pinaka aktibong religion

commitment- on time, ang gumagawa niyan ang TUNAY NA IGLESIA

Juan 4:23
Datapuwa't dumarating ang ORAS, at ngayon nga, na sasambahin ng mga TUNAY na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

Sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan ( salita ng Diyos ) , hindi sa pamamagitan ng imahe o rebulto

22/02/2023

ANG BAHAY DALANGINAN

Nagagalak ang Diyos tuwing may mga bahay dalanginan na kumakalat sa lahat ng bansa bakit?

Basa!

📜 Isaias 56:7 ADB

“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa AKING TEMPLO. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Minsan kung saan marami ang hindi nakakaangat sa buhay doon mo makikita ang naglalakihang kapilya ng Iglesia Ni Cristo. bakit? dahil marami sa kanila'y naghahanap ng pagpapala sa Diyos. dahil sa marunong silang tumawag sa Diyos mga kaibigan kaya ganun na lang sila pagpalain ng Diyos kahit mahirap sila dito sa lupa, sa langit naman napakayaman nila. dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos. sabi nga sa banal na kasulatan,

📜 Lukas 6:20 ADB

"At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios."

Walang pinipili talaga ang Diyos mayaman ka man o dukha lahat pantay pantay nasa pananampalataya mo lang yan sa Diyos kapatid. kaya panghawakan natin ang ating kahalalan mga kapatid. huwag bibitaw, dahil malapit na tayo makarating sa kanyang kaharian!

▫️ Lokal ng Tondo
Distrito Ng Maynila

ctto 📸

SA AMING DIYOS ANG KAPURIHAN! 💚🤍❤️

21/02/2023

Ang Pagtuturo ng Sugo ng Diyos sa Mga Huling ARAW🇮🇹

21/02/2023

Mahirap talaga pakisamahan ang taong bulag sa sariling mali, mataas ang tingin sa sarili at di marunong tumanggap ng katotohanan. Yung mahilig mamuna ng pagkakamali ng iba ngunit sariling pagkakamali hindi nakikita.

Iwasan mo nalang yung mga ganung klaseng tao at h'wag ng makipagtalo. Mahirap makipagtalo sa taong sarili lang ang pinapakinggan.
H'wag mong hayaan na madumihan ang puso mo, dahil sa mga ganung tao. ✨

- 🥀
# 🇮🇹
Ctto

19/02/2023

“lagi ka sa kapilya niyo pero hindi ka naman umaasenso mahirap ka pa rin” puna ng ibang tao.
may mali sayo kapag ang batayan mo ng blessings ay materyal lang, ang bilin sa mga HINIRANG,

At sinabi niya sa kanila, "Sikapin ninyong mag ingat sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang mga ari-arian."

Lucas 12:15 Ang Banal na Biblia

hindi kami taga sanlibutan, nagpapayaman kami sa gawang paglilingkod, dahil susundan kami ng aming gawa at yun ang may KAYAMANANG WALANG HANGGAN🇮🇹

Pctto.📌
✍️

16/02/2023

"Walang tithes O ikapu (10%) ang Iglesia Ni Cristo"

Salungat yan sa naririnig ninyong paninira laban sa Iglesia, merong mga taong nag-aakala at nagpapakalat ng maling impormasyon na di-umano obligado magbigay ng 10% ang mga kaanib ng Iglesia.

Hindi doctrina ng Iglesia ang pagbibigay ng tithes (10%).

Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay hindi obligado na magbigay ng kahit anong percentage sa mga sahod nila o anumang amount ng pera.

Ayun kay Apostol Pablo; magbigay ang bawat isa ayun sa ipinasya ng puso.

“Each person should give what he has decided in his heart to give. A person should not give if it makes him sad. And a person should not give if he thinks he is forced to give. God loves the person who gives happily.” (II Cor. 9:7, Easy-to-Read Version)

kaya, ang Iglesia ni Cristo ay walang aral sa pagbibigay ng tithes.

Ang paghahadog sa Iglesia ay kung ano lamang ang ipinasya ng puso at hindi labag sa damdamin.

Ang Iglesia ay hindi tulad ng Sabadista at Methodist Church na merong tithes.

Hindi din kami katulad ng Katoliko na kahit patay ay piniperahan.

Kung nakikita nyo man ang palago ng Iglesia ay hindi lang yan sa kusang loob na paghahandog, kundi, higit sa lahat yan ay tulong at habag ng Dios sa kanyang bayan.

Sa Dios ang lahat ng Kapurihan.

🇮??


Ctto.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Bacoor?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Bacoor
4102
Other Religious Organizations in Bacoor (show all)
Holy Is the Lamb Christian Ministry Inc. Holy Is the Lamb Christian Ministry Inc.
Sapphire Street, Richfield Subdivision, Hauskon Homes, Mambog 4
Bacoor, 4102

A family in Christ where we... REACH, RAISE, RESTORE, RELEASE!

CLY Greenstone CLY Greenstone
82 3rd Street Greenstone Molino 2
Bacoor, 4102

We set our minds to win SOULS for GOD

LOGOS Church Molino LOGOS Church Molino
2nd Fl. Blk 12 Lot 2, Sampaguita St. Main Road (On Top Of Generika, Beside Alfamart), Maryhomes Subdivision, Molino 4
Bacoor, 4102

Our MISSION: "Connecting people to God to exalt, engage, embrace, equip, empower and extend & enlarge." √We WORSHIP √We PROCLAIM √We SERVE

Bethany Baptist Church of Bacoor Cavite Bethany Baptist Church of Bacoor Cavite
Bacoor, Cavite
Bacoor, 4102

Marriage and getting Married Marriage and getting Married
All About Marriage Services
Bacoor, 4102

Marriage Counselling and Marriage Services.

El Shaddai - Soldier's Hills 4 El Shaddai - Soldier's Hills 4
Our Lady Of Fatima Parish, Soldiers Hills 4, Molino 6 City Of Bacoor
Bacoor, 4102

El Shaddai (God Almighty) El Shaddai is one of the seven Covenant Names through which God, the Father

Ministry of Altar Servers - Inay Maria ng Magnificat Parish Ministry of Altar Servers - Inay Maria ng Magnificat Parish
Bacoor, 4102

This is the official page of Ministry of Altar Servers - Inay Maria ng Magnificat Parish lo

Christian Bible Church Molino Christian Bible Church Molino
Block 26 Lot 13 Blue Avenue Springville North Camelia Molino 3
Bacoor

Christian Bible Chruch Molino

Shekinah Global Harvest Church- Molino, Bacoor City Cavite Shekinah Global Harvest Church- Molino, Bacoor City Cavite
#52 SNVE Compound
Bacoor

For Church Activities

Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite
Poblacion
Bacoor, 4102

Samahan ni San Jose - Parokya ni San Miguel Arkanghel Bacoor, Cavite

Buhay Na Tubig Seventh-Day Adventist Church Buhay Na Tubig Seventh-Day Adventist Church
Buhay Na Tubig
Bacoor, 4103

Reach one win one for the Lord