Office of the Municipal Mayor- Hon. Benigno "BEN" B. Calauad
Nearby government services
3711
National Highway
You may also like
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Municipal Mayor- Hon. Benigno "BEN" B. Calauad, Public & Government Service, Bagabag.
๐๐๐ญ๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐รฑ๐จ, ๐๐๐ญ๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Buong pagmamalaking pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bagabag kay MDRRMO, Sir R-Jay B. Duleng, EnP., MM, sa kanyang tagumpay na pagpasa sa Environmental Planner Licensure Examination.
Congratulations, Sir R-Jay! Your LGU Family is very proud of you!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Opisyal nang ipinahayag ng Palasyo ng Malacaรฑang ang pag-reschedule sa paggunita ng Ninoy Aquino Day mula sa orihinal nitong petsa- Agosto 21, 2024 (Miyerkules) sa Agosto 23, 2024 (Biyernes), na nagdedeklara na ito ay isang special non-working day.
Sanggunian:
Proclamation No. 665, s. 2024 / Presidential Communications Office / Official Gazette of the Republic of the Philippines
๐๐จ๐๐ข ๐ ๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐ฌ, ๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ฃ ๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ฌ
Ang lahat po inaanyayahang maki-isa sa BLOOD DONATION CAMPAIGN, isang inisyatibo ng Municipal Health Unit (Bagabag) sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Bagabag, na magaganap sa :
August 16, 2024 - Friday
BAGABAG RHU COMPOUND
8AM - 2PM
Maging bayani sa bagong siglo. Mabuhay ang Bagabag!
๐๐๐ญ๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐รฑ๐จ
Tagumpay na naiuwi ni Bb. Agatha Margareth P. Almazan ang kauna-unahang korona at titulo bilang ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Ang nasabing kompetisyon ay nilahukan ng 12 na munisipalidad ng Nueva Vizcaya, kahapon, ika-10 ng Agosto sa Bayan ng Bayombomg.
Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon at magandang ehemplo sa lahat ng Bagabagueรฑo at magpatuloy ang iyong adbokasiya tungo sa pagkakapantay-pantay.
Maraming salamat sa pagbibigay karangalan sa ating bayan.
Congratulations and we are very proud of you!
(Photo from https://www.facebook.com/nvplydo22?mibextid=ZbWKwL)
Mabuhay ang Bagabag!
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Personal na binisita nina:
๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐)
ang tanggapan ni Mayor Benigno B. Calauad matapos nilang daluhan ang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes ng umaga.
Maalab din silang sinalubong nina Sangguniang Bayan Member Hon. Napoleon P. Logan, LNB President, Hon. Francisco E. Bayatan Jr at IPMR Hon. Roger B. Whigan.
Muli, Congratulations and we are very proud of you.
๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ
Pormal nang nanumpa sa katungkulan si ๐๐จ๐ง. ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐, bilang ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ง๐ .
BENCARES
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (Health)
Provide quality, safe comprehensive and cost-effective Health Care Services that ensures positive health outcomes, especially for the marginalized sectors in the municipality.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (SUSTAINABLE EDUCATION)
Provision of every pupil and/or students with the skills, knowledge and values they need to
become caring, self-reliant, productive and patriotic citizens, through competent educators
and sufficient learning facilities.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (Environmental Protection)
Provide an efficient and environmentally accepted disposal facility in the municipality, and ecologically balanced community.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (Good Governance and Transparency)
Facilitate the conduct of a responsible public affairs and management of public resources with accessible government transactions, in partnership with the CSO's
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Enhancement of the agriculture sector through equal and equitable produce, towards food sufficiency; thus, elevating the life of farmers through promotion of Bagabag as the Buko
Pie Alley and Pineapple Plantation of the North with strategic and improved infrastructure
plan for accessibility and mobility in serving the constituency.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (Disaster Preparedness and Peace and Order).
Build and maintain a safe, peaceful environment and resilient community through cooperation and active participation of the public and private entities, thereby providing capacitation to protective services agencies of the municipality.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Strengthening of small and medium enterprises, agriculture and fisheries through marketing, promotions, and diversified economy, thereby providing a modern, sustainable, dynamic, technologically advanced and internationally attractive and competitive environment.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Uphold the rights and privileges of the constituents by providing efficient basic services; thus, promoting a productive society and youth-oriented citizenry.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ร๐
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ay buong pagmamalaking nagpapabatid ng pagbati ng MALIGAYANG PAGTATAPOS sa mga Kabataang Bagabagueรฑo na sina:
๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
Philippine Merchant Marine Academy
Mandagayan Class 2024
(๐๐ณ๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ถ๐ข๐ฐ ๐๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ, ๐๐ข๐จ๐ข๐ฃ๐ข๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ท๐ข ๐๐ช๐ป๐ค๐ข๐บ๐ข)
๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
Philippine Merchant Marine Academy
Mandagayan Class 2024
(๐๐ณ๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ถ๐ณ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐๐ข๐จ๐ข๐ฃ๐ข๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ท๐ข ๐๐ช๐ป๐ค๐ข๐บ๐ข)
๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ (๐๐๐)
Philippine Merchant Marine Academy
Mandagayan Class 2024
(๐๐ณ๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐จ๐ข๐ฃ๐ข๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ท๐ข ๐๐ช๐ป๐ค๐ข๐บ๐ข)
๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐)
Philippine Merchant Marine Academy
Mandagayan Class 2024
(๐๐ณ๐ช๐ฅ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ถ๐ณ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐๐ข๐จ๐ข๐ฃ๐ข๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ท๐ข ๐๐ช๐ป๐ค๐ข๐บ๐ข)
Nawaโy magsilbing inspirasyon ito sa ating mga kabataan upang patuloy ang kanilang pagsusumikap at makamit ang kanilang mga mithiin.
Nagbunga ang lahat ng hirap, sakripisyo at pagtitiyaga. Kayo ay handa nang maglayag sa inyong mga Barko, kasama ang Diyos bilang inyong Angkla.
Muli, CONGRATULATIONS! Saludo po kami sa inyo.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ay taos pusong bumabati sa mga sumusunod na kawani:
Promoted:
July 1, 2024
๐๐จ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฅ. ๐๐ก๐๐๐๐ข
Assessment Clerk III
(MASSO)
July 22, 2024
๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐
Revenue Collection Clerk II
(Office of the Mayor- Economic Enterprise)
Ang mga kawani ay nanumpa sa kani-kanilang mga katungkulan sa pangunguna ni Mayor Benigno B. Calauad, at sinaksihan ni HRMO Josephine D. Ramisccal.
Nawaโy maging insprirasyon ito sa ating lahat upang lalong mapagtibay at mapataas ang antas ng serbisyo publiko sa ating bayan.
Congratulations po sa inyo.
๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐
Ang mga kawani ng RHU Bagabag at DOH ay muling magsasagawa ng LIBRENG CHEST X-RAY sa:
July 31, 2024 -Miyerkules
8:00 AM
RHU Bagabag
Ang lahat po ay hinihikayat at inaanyayahang makiisa at magpakonsulta. Tayo po maging parte sa pagsulong ng isang TB-Free Community.
Tanggapin po ninyo ang aking maalab na pagbati sa ika - 110 na Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.
Nawa'y ang mga simulain at pangako ng Iglesia ni Cristo sa mga pagpapahalagang espirituwal at moral ay manatiling tanglaw ng pag-asa at pagkakaisa para sa lahat.
At nawa'y ang mga darating na taon ay magdala ng patuloy na pag-unlad, pagkakaisa, at katuparan sa inyong sama-samang paghahangad ng banal na layunin.
Muli, Happy 110th Anniversary. Congratulations po!
๐๐๐ก๐๐ญ ๐๐ฒ ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐
Nagtapos ang 46th National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPRW)- PWD Summit on Inclusive Governance sa isang masiglang pagdiriwang mula ika- 18 hanggang ika- 19 ng Hulyo.
Ang nasabing okasyon ay nagsilbing plataporma upang ipakita ang walang patid na pangako ng lalawigan, sa pamumuno ni Gov. Atty Jose โJingโ V. Gambito, sa inclusivity at suporta sa ating Persons with Disabilities (PWD) community.
Kabilang sa mga dumalo ng PWD Summit on Inclusive Governance ay sina Vice Governor Eufemia A. Dacayo, Board Member Eunice Galima- Gambol, mga representate mula sa ating bayan, na pinangunahan ni Persons with Disability Affairs Officer, Allan James Co, kasama sina MSWDO Queeny Nieva V. Ico, PDO1 Jerick B**g Toledo, mga Barangay Chair on Social Services at mga representante ng ibaโt ibang munisipalidad.
Siniguro naman ni Mayor Benigno B. Calauad ang kanyang pagtaguyod sa mga karapatan at kagalingan ng mga PWD sa ating bayan at pagtaguyod ng patas at makatarungang lipunan para sa lahat.
Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐๐๐ซ ๐. ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ.
Aming dasal ang magandang kalusugan, walang hanggang pagpapala at tagumpay sa iyong mga mithiin sa buhay,
Nawa'y mapuno ng pagmamahal at kasiyahan ang iyong kaarawan.
Taong puso po kaming nagpapasalamat sa iyong paggabay sa aming mga serbisyo publiko.
Muli, Happy Birthday, Atty!
Nagkaroon ng pamamahagi ng Hygiene kits at complimentary feeding para sa mga bata (pre-school) at kanilang mga nanay sa Amballo South at Tawi-tawi noong ika- 5 at ika- 11 ng Hulyo.
Ang aktibidad na ito ay tinawag na โAdvocacy on Proper Nutrition/ Complimentary Feeding and Outreach Programโ, kung saan pinangunahan ni Mayor Benigno B. Calauad kasama sina Municipal Nurtition Action Officer Dra. Emiliza S. Andres- Aquino at mga Barangay Nutrition Scholars.
Ang mga nasabing Hygiene Kits ay mula sa nalikom sa idinaos na WALK FOR A CAUSE noong nagdaang taon.
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng sumali, sumuporta at nag ambag sa makabuluhang layuning ito.
Ang bawat hakbang na inyong inalay ay isang hakbang tungo sa pagbibigay ng ngiti at munting kaligayahan sa kanilang mga puso.
Mabuhay ang Bagabag!
Sa pamamagitan ng MSWDO at MAGRO, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Benigno B. Calauad, nagbahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ng 298 na Family Food Packs sa ating mga kwalipikadong magsasaka na lubos na naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot ng El Niรฑo.
Ang Family Food Packs ay bahagi ng prepositioned goods na nakalaan para sa kalamidad. Ito ay mula sa ating nasyunal na pamahalaan.
Kasama ni Mayor Benigno B. Calauad sina DSWD SWO II Stephen Ravelo, Social Welfare Assistant Onelio T. Liban sa pagbabahagi ng nasabing mga food packs sa ibaโt ibang barangay ng ating bayan.
Ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing okupasyon sa ating bayan. Sa kasalukuyan, nagsisikap ang Lokal na Pamahalaan na maisulong ang mga programang tiyak na makakatulong sa ating magsasakang Bagabagueรฑo.
๐๐๐ ๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐๐ฒ ๐ ๐๐ข๐ซ๐จ.
Nagkaroon ng Provincial Rice Techno Forum (HYBRID AND BIOFERTILIZER DERBY) sa ating bayan noong ika- 10 ng Hulyo.
Layunin nitong maipakita ang ibaโt ibang varieties ng palay at biofertilizers mula sa ibaโt ibang pribadong kumpanya. Ito ay makakatulong sa ating mga magsasaka na makapili ng tamang mga kagamitan upang tumaas ang kanilang mga ani.
Sa mensahe ni Mayor Benigno B. Calauad, hinikayat niya ang mga magsasaka na maging receptive at open-minded sa paggamit ng mga ibaโt ibang pamamaraan ng pagsasaka na makakatulong sa kanilang maging mas produktibo habang pinapagaan ang kanilang trabaho sa bukid.
Ito ay dinaluhan nina, DA Rice Coordinator Nueva Vizcaya, Ms. Jomilie Ubay, Rice focal person mula sa Provincial Agriculture Office, Norbert Butac at Kinglee Lucero, MAGRO Bagabag, Private Companies, MAFC at IA presidents.
Maraming salamat po sa inyong sipag at tyaga.
Mabuhay ang mga magsasaka!
๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐.
Nagsimula na ang POPCEN-CBMS Census of Population & Monitoring Based Monitoring System kahapon, ika-15 ng Hulyo, 2024.
Ang aktibidad na ito ay upang i-update ang impormasyon sa populasyon at mapabuti ang social registry ng bansa.
Sumangguni sa inyong mga Barangay Officials para sa house to house schedule ng inyong lugar.
Maraming Salamat po.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ร๐
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ay buong pagmamalaking nagpapabatid ng pagbati ng MALIGAYANG PAGTATAPOS sa mga Kabataang Bagabagueรฑo na sina:
๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐
Phillipine Military Academy โBagong Sinagโ
Class 2024
๐๐๐๐ญ. ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐
Philippine Army Officer Candidate โAramsidlakโ
CL 60-2024
TOP 5
๐/๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐, ๐๐
Philippine Naval Officer Candidate โMasakbayanโ
CL 40-2024
Nawaโy magsilbing inspirasyon ito sa ating mga kabataan upang patuloy ang kanilang pagsusumikap at makamit ang kanilang mga mithiin.
Mahirap man ang tinahak, nakakapagod man ang daan, at maingay man ang paligid, kumapit sila hanggang dulo upang makamit ang tagumpay.
Muli, CONGRATULATIONS! Saludo po kami sa inyo.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
Sa pangunguna ni Mayor Benigno B. Calauad at Dra. Emiliza S. Andres- Aquino, isa na naman matagumpay na ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ang naganap noong ika-21 ng Hunyo.
Ang taunang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong sa mga kabataan lalo na sa mga indigent families sa pagpunta sa private health facility para sa bagay na ito.
Sa tala ng RHU Bagabag, umabot sa 267 ang bilang ng mga kabataan ang kumuha ng pagkakataong ito.
Kami po ay ngapapasalamat kay Hon. Dr. Napoleon Logan sa paglaaan ng iyong oras upang magvolunteer, sa mga kawani ng RHU Bagabag at DOH sa walang kapagurang pagbibigay ng serbisyo para sa pangkahalatang kalusugan ng mga Bagabagueรฑo.
Mabuhay po kayo!
๐๐๐ญ๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐รฑ๐จ
Ang resulta ng June 2024 Civil Service Examimnation para sa
Basic Competency on Local Treasury (BCLTE) ay inilabas online ngayong araw ika-12 ng Hulyo, 2024.
Mula sa 6,400 examinees, umabot lamang sa 938 ang nakapasa. At buong pagmamalaki naming ipinapaalam na dalawa dito ay kasalukuyang kawani ng LGU Bagabag (Municipal Treasury Office).
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐
This is a remarkable achievement, and we are all proud of you. Hereโs to your continued success and bright future in public service!
Congratulations!
๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฒ๐๐ฐ, ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ๐
Isang napakasaya at nakakaindak ang pagsisimula ng araw sa Capt Jose P. Castillo M.M Sports Complex.
Sa pangunguna ng Municipal Nutrition Committee, na pinamumunuan nina Mayor Benigno B. Calauad at Municipal Nutrition Action Officer, Dra. Emiliza S. Andres-Aquino, naisakatuparan ang Zumba For a Cause ngayong araw ng Biyernes.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga malnourished na bata sa ating bayan.
Buong pwersang sumayaw at sumunod ang mga kawani ng LGU, SJA Coop, BFP, RIC Bagabag Federation, IPMR, Vizcaya Maharlika Agriculture Coop at mga representante ng iba't ibang barangay ng ating bayan.
Kami po ay taos- pusong nagpapasalamat sa mga tumulong at sumuporta para sa tagumpay ng Zumba For a Cause.
Mabuhay po kayo!
๐๐๐๐๐
Pinarangalan ang LGU BAGABAG ng 3rd Level Functionality sa idinaos na 2023 TAPAT (Tulong Angkop PAnTawid) noong nagdaang Local Government Units' Pantawid Pamilyang Pilipino Program Functionality Assessment.
Ang parangal na ito ay nagpapatunay sa komprehensibong pagtatatag ng mga tungkulin ng LGU at mga kasosyong stakeholder sa pagpapatupad ng 4Ps.
Ito ay isa na namang pagpapatunay sa kakayahan ng LGU na tiyakin ang mabisang pagpapatupad ng lahat ng convergence deliverables, outputs, at mekanismo, sa gayon ay pinapadali ang mga layunin at epekto ng programa.
Atin po itong ipagpatuloy laloโt ngayoโy mas kailangan ang ating pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang boses at layunin para pagtuunan natin ang lalong pagpapabuti ng mga magagandang nasimulan.
Mabuhay ang Bagabag!
๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ang naghahanap ng:
AGRICUTURAL TECHNICIAN II.
Maaaring sumangguni sa larawang naipahayag, at maaari ring sumangguni sa tanggapan ng HR.
Maraming Salamat po.
Idinaos ang Prime-HRM Orientation and Assessment, sa pangunguna ni Provincial Director ng CSC Nueva Vizcaya Field Office,
Mr. Elpidio S. Bunagan Jr.
Ito ay dinaluhan nina Mayor Benigno B. Calauad, mga Head of Offices at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Bagabag.
Binigyang-diin ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga epektibong estratehiya, kasanayan, at mahahalagang kakayahan sa pamamahala, kabilang ang pagpapapahusay ng mga proseso ng HRM at makamit ang kahusayan sa organisasyon.
Ang lahat ng mga dumalo ay hinikayat na isama ang mga estratehiyang ito, sa kanilang pang-araw-araw na operasyon upang himukin ang pagganap at pagyamanin ang serbisyo publiko.
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ข๐ซ ๐๐ข๐ง๐
Isang maalab na pagbati para sa ating ama ng Nueva Vizcaya, Governor Atty. Jose "Jing" V. Gambito, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.
Maraming Salamat sa iyong patuloy na suporta at pagmamahal sa bawat Bagabagueรฑo.
Muli, Happy Birthday sir Jing!
๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐ฉ๐จ.
Nais ipaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Bagabag ang taos-pusong pakikidalamhati sa pagpanaw ni Punong Barangay, Merlita A. Ang.
Aming dasal ay ang gabay ng Maykapal sa buong pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan ng butihing Punong Barangay.
Your service to your constituents will always be treasured and remembered, Kapitana.
May your soul rest in peace.
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐
Tuloy tuloy ang ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
- Construction of Flood Control (Phase 2)
Brgy. Bakir
- Improvement of Fencing Around Barangay Plaza
- Improvement of Multi-Purpose Hall
Brgy. Murong
- Improvement of Eatery Stalls
Public Market
- Construction of Canal Lining
Purok 5, Brgy. Sta. Cruz
- Installation of 33 units Street Lights
Brgy. Villa Coloma
๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐. ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ. ๐ช๐๐๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐
Bilang ama ng ating bayan, tungkulin kong tugunan ang mga panganga-ilangan at mga kara-ingan ng bawat mamamayan ng aking nasasakupan. Tungkulin kong itaguyod ang inyong mga karapatan - na itinakda ng ating saligang batas, - tungkulin kong ipatupad ang mga batas na naglalayong mai-angat ang kabuhayan at kinabukasan ng ating taong bayan.
Sa pagganap ng mga tungkuling ito, ako ay hindi nagdalawang isip at ako ay nanindigan laban sa pagsasamantala at pagpigil sa mabilis at makabuluhang pagpapatupad ng mga karapatan ng taong bayan. Sa hangaring ito, katuwang ko sana ang Sangguniang Bayan na pinangungunahan ng ating Bise-Mayor; ngunit dahil sa di maipaliwanag na kadahilanan, ang mga inendorso ng ating opisina para sa approval, kasama na ditto ang ating taunang budget, ay matagal na nabinbin sa kanilang opisina at marami sa ating mga proyekto ay naantala ang pagpapatupad at ang iba naman ay hindi na maipapatupad.
Kung kayaโt, ako ay dumulog sa ating Sangguniang Panlalawigan upang ang bawat pangangailangan at karaingan ng ating mga mamamayan ay aking matugunan, - upang ang nararapat na serbisyo para sa taong bayan ay ating maipagkaloob, - upang ang inyong mga karapatan ay ating maitaguyod at upang maipatupad ang ating mga hangaring kayo ay aking mapaglingkuran ng lubos at buong husay para sa higit na ikaka-unlad ng ating bayan.
๐๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐จ ๐ฅ๐๐๐๐ง, ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ข๐ง๐ญ๐๐ซ๐๐ฌ, ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ , ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ก๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ข๐ก๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ญ๐๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ข๐ข๐ฅ๐๐ง; ๐๐ญ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐โ๐ฒ ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ฒ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง.
Sa huli, nakamit natin ang hustisya at ang katotohanan ang siyang nanaig.
Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at mga panalangin. Ako din ay nagpapasalamat sa ating Sangguniang Panlalawigan sa kanilang patas at makatarungang desisyon.
Nawaโy patnubayan tayo at kasihan ng ating Poong Maykapal.
(Disclaimer: we do not own the background music used in this video. We give credit to the rightful owner/s)
Congratulations STL FARMERS!
(Brgy. Sta Lucia)
Sa pagtatapos ng ikalawang Hon. Benigno B. Calauad MAYOR'S CUP, taos pusong pasasalamat ang aming batid sa lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang paligsahang ito.
Sa ating mga magigiting na mga Punong Bayan at konseho, sa ating mga SK Chairpersons and officials, sa ating LYDO at mga kawani, sa ating mga manlalaro at sa lahat ng mga Bagabagueรฑo, kami po ay saludo sa pinakita ninyong pakikiisa.
Taos pusong pasasalamat din po sa Samahan ng mga Basketbolista ng Pilipinas (SBP) sa paglaan ng inyong kadalubhasaan at oras upang maging matagumpay ang paligsahang ito.
Hindi po dito nagtatapos ang Hon. Benigno B. Calauad MAYOR'S CUP, see you next year!
Muli, maraming salamat at Congratulations po sa lahat.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the organization
Website
Address
Bagabag
3711
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
Municipal Old Building, LGU Compound, San Geronimo, Nueva Vizcaya
Bagabag, 3711
This is the Official page of Department of the Interior and Local Government Field Office, Bagabag, Nueva Vizcaya
Bagabag, 3711
A modern fire service fully capable of ensuring a fire safe nation by 2034.
LYDO Office, LGU Compound, San Geronimo
Bagabag, 3711
Official page of the Local Youth Development Office (LYDO) of the Local Government Unit of Bagabag
Bagabag, 3711
ZSINGIAN TUAO SOUTH BAGABAG NUEVA VIZCAYA 09273743159