KYM - Kinalaglagan Youth Ministry

KYM - Kinalaglagan Youth Ministry

You may also like

Buoyant Salad
Buoyant Salad
P1ayshop
P1ayshop

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry, Youth Organization, Kinalaglagan, Mataas na Kahoy, Batangas City.

21/12/2023

Ano nga ba ang mga senyales na nasa atin si Hesus?

Gaya ni Maria, kung nasa sa'yo si Hesus, walang mga hirap o pagsubok na hindi mo mapapagtagumpayan. If you have Jesus in your life, you can overcome any difficulty.

If you have Jesus, you can also share with the joy of others. Kaya mong makibahagi sa kagalakan ng iba. Walang lugar ang inggit kapag nariyan si Hesus.

At kapag nariyan si Hesus sa puso mo, ikaw ay marunong umalalay sa iyong kapwa taong nangangailangan.

Ikapitong Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 21, 2023

20/12/2023
20/12/2023

Ang hamon sa atin ay matuto tayong sumunod sa kalooban ng Diyos. Kung ang hamon sa atin ay kagaya ng pagtugon ng Mahal na Birhen, ano nga ba ang mga katangian ng pagtugon na ito?

Una, ang pagsasabi ng 'opo' ay isang tugon na nakalapat sa reyalidad. Tanggapin natin na tayo ay mahina at makasalanan, at dapat na nakalapat sa lupa - kilala ang sarili at alam ang mga limitasyon at kakayanan.

Ikalawa, pagpapaubaya sa pagkilos ng Diyos, pagtitiwala sa biyaya ng Diyos. Ang pagtanggap sa reyalidad ay hindi para makita na wala kang magagawa kundi para makita ng buong-buo ang pagkilos at magpaubaya sa biyaya ng Diyos. Kapag nawala ang isa, hindi masasabi ang sinabi ni Maria na:

Ako'y alipin ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.

Ika-anim na Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 20, 2023

19/12/2023

Walang hindi mapangyayari ang Diyos✨

Kapag ang Diyos ang gumalaw sa buhay ng tao, walang magagawa ang tao kundi sumangayon at pumailalim sa gusto at plano ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga dapat marunong tayong magparaya ng ating gusto para sa plano ng Diyos sa atin.

Palagi tayong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Bakit? Sapagkat tayo ay pag-aari ng Diyos. Ang Diyos ang may karapatan sa atin at sa ating buhay. Sabi nga sa panalangin ng "Ama Namin": Sundin ang loob Mo.

Ikalimang Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 19, 2023

18/12/2023

Ginawa tayo ng Diyos na mahina at makasalanan para makita natin na mahal niya tayo. Dito nya ginamit ang ating mga magulang para gumabay sa atin dahil ipinangako ng Diyos na tayo ang pinakamamahal niya.

Ngayong gabi, ating alalahanin ang mga katagang ito:
Trust
Vision
Calmness
Righteousness
Productivity
Dialogue with God
Standard with Sustainability

Ika-apat na Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 18, 2023

17/12/2023

Tuwirin ninyo ang daraanan ng ating Panginoon.
Tuwirin ang ating daan, ang ating mga sarili, sapagkat malapit na malapit na ang pagdating ng ating Panginoon.
Ngunit ano nga ba ang kahulugan sa sinasabi ni Juan?

Tatlong mahahalagang bagay ang kanyang gustong bigyan ng pansin, ito ay ang:
Pagpapatawad
Pagbabalik-loob
Pagpapakumbaba

Ikatlong Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 17, 2023

16/12/2023

Anuman ang ating propesyon, bilang anak o kapatid, at higit sa lahat ay bilang Anak ng Diyos, nakikita kaya sa ating mga iniisip, sa ating mga sinasabi at sa ating mga ginagawa ang ating pagkakakilanlan bilang mga Anak ng Diyos?

Mga kapatid, kung alam natin ang ating pagkakakilanlan at ito'y ating isinasabuhay, doon natin makakamit ang tunay na KAGALAKAN.

Ikatlong Linggo sa Panahon ng Adbiyento at Ikalawang Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 16, 2023

15/12/2023

Paano natin malalaman na anumang dumarating sa ating buhay ay kaloob ng Diyos?

Kung iyan man ay maganda o negatibo, malalaman nating ito ay kaloob sa pamamagitan ng panalangin. Kung gusto nating lalong makilala ang Diyos, dapat tayo ay nananalangin. Dahil kung tayo'y nananalangin, lumalalim ang pagkilala natin sa Kanya at anuman ang dumating sa ating buhay, alam nating ito ay galing sa Diyos.

Anumang pinagdadaanan ng ating pananampalataya, anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay na ito, manatili tayong naniniwala sa Diyos.

Unang Araw ng Simbang Gabi
Disyembre 15, 5pm

14/12/2023

Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin🎶

Ramdan nyo na ba? Dumating na muli ang pinakahihintay natin, halina't sabay-sabay nating paghandaan ang pagdating ng Panginoon✨

Dahil ang panahong ito ay para sa buong sangkatauhan, ipagdiwang natin ang pagdating ng pag-asa. Simula bukas, Disyembre 15, ay inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagdiriwang ng Simbang Gabi.

Isama na ang buong pamilya at mga kaibigan at sama sama tayong mag-awitan🎶

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 05/06/2023

Kami po sampu ng lahat ng namumuno ng ating Chapel/Tuklong ay nagpapasalamat muli sa Lahat ng Purok na nakilahok sa ating Arko Banderitas Contest , sa mga purok Leaders , SKV, KYM na palaging andyan sa oras ng pangangailan , sa mga Barangay Officials na tumuwang sa bawat purok na kanilang nasasakupan at Kay Father Andreen Castillo at Bro Arnel na naglaan din oras kahit maulan para bisitahin talaga ang lahat ng Arko . Muli po ...
MARAMING SALAMAT
HAPPY FIESTA BRGy. KINALAGLAGAN

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 05/06/2023

Congratulations sa lahat ng kalahok at mga Nanalo sa ating Kauna-unahan Arko-Banderitas Contest sa matagumpay na patimpalak , lahat ng bawat Purok ay kinikilala sa kanilang galing , sipag at pagkakaisa na kundi dahil sa inyong pag susumikap ay hindi magtatagumpay at gaganda ang kalsada dito sa ating Barangay KINALAGLAGAN na ngayon ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron Birheng Milagrosa Medalya... SALUDO ang buong Barangay sa inyong ipinakita galing at pagiging malikhain .

Kami po sampu ng lahat ng namumuno ng ating Chapel/Tuklong ay nagpapasalamat muli sa Lahat , sa mga purok Leaders , SKV, KYM , Barngay Officials na palaging andyan sa oras ng pangangailan at Kay Father Andreen Castillo at Bro Arnel na naglaan din oras kahit maulan para bisitahin talaga ang lahat ng Arko . Muli po ...
MARAMING SALAMAT
HAPPY FIESTA BRGy. KINALAGLAGAN

04/06/2023

Reminder po 8:am bukas cut off na po ng Heart❤️ reaction for our Arko- Banderitas FB hearts ... Maraming Salamat po

Lahat ay panalo na sa bawat puso ng mga Taga Kinalaglagan , ating ipagmalaki ang pagiging malikhain ng bawat isa na naging tanda din ng pagkakaisa ng bawat purok na itutuloy tuloy natin ang pagkakaisa para sa buong Barangay ng KINALAGLAGAN
❤️❤️❤️...
Happy Fiesta Barangay Kinalaglagan
June 5,2023

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 03/06/2023

PLEASE CAST YOUR VOTE TO WHICH YOU THINK HAS THE BEST DESIGN BY HITTING THE LIKE BUTTON ❤️ ON THE PICTURE OF YOUR CHOICE ...

(ONLY HEART ❤️ BUTTON WILL BE COUNTED ) .

Cut off will be on June 5, 2023 8am and THE LUCKY WINNER WILL BE ANNOUNCED ON JUNE 5,2023

19/05/2023

ANUNSYO 🔊🔊🔊

AMIN PONG IPINAGBIBIGAY ALAM NA ANG ARKO BANDERITAS CONTEST PO NATIN AY BINIBIGYAN NA LAMANG NG HINDI NA BABABA O IIGSI NG 50METRO ANG SUKAT , ANG ARKO AT UNANG 50 METRO PO LAMANG ANG BIBIGYAN NG PANSIN PARA SA PAMANTAYAN NG MANANALO AT KUNG NAIS PO NA MAS MAHABA PA SA
🔊🔊🔊🔊 50 METRO 🔊🔊🔊
ANG BANDERITAS NA INYONG NAIS IKABIT AY IYUN PO AY NASA INYO NG KAGUSTUHAN NA MAS MAGING MAGANDA AT MASAYANG TINGNAN ANG INYONG MGA OBRA ...

Ang bawat purok ay inaanyayahan na magkaroon ng isa o higit pang entry
•Ang pag didesenyo ay hanggang May 28,2023 hangang May 31,2023 po lamang .
•Ang bawat entry ay ipopost sa ating page, mula June 1,2023 (12:01 am) hanggang June 4,2023 (12midnight) lamang pwedeng mag-react.
• Ang banderitas ay dapat may kaukulang sukat na hindi bababa sa 50 na metro.
• Hanggang May 31 , 2023 lamang po maaaring mag patala.

NOTE:
PWEDE PO NATIN ILAGAY ANG ARKO KAHIT SAAN PARTE NG ATING PUROK NA HANGGAT MAAARI PO AY MADALING MAKITA AT NADADAANAN NG PROSISYON NA MAY KAUKULANG SUKAT PO NA 50 metro .

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 15/05/2023

Mapagpalang araw mga kabarangay!

Halina't ating bigyang kulay ang darating na kapistahan!

Ang lahat po ay inaanyayahan na sa sumali sa ating "ARKO AND BANDERITAS COMPETITION"

•Ang bawat purok ay inaanyayahan na magkaroon ng isa o higit pang entry
•Ang pag didesenyo ay hanggang May 28,2023 hangang May 31,2023 po lamang .
•Ang bawat entry ay ipopost sa ating page, mula June 1,2023 (12:01 am) hanggang June 4,2023 (12midnight) lamang pwedeng mag-react.
• Ang banderitas ay dapat may kaukulang sukat na hindi bababa sa 100 na metro.
• Hanggang May 31 , 2023 lamang po maaaring mag patala.

NOTE:
PWEDE PO NATIN ILAGAY ANG ARKO KAHIT SAAN PARTE NG ATING PUROK NA HANGGAT MAAARI PO AY MADALING MAKITA AT NADADAANAN NG PROSISYON NA MAY KAUKULANG SUKAT PO NA 100 metro .

Ang mga magpapatala ay maaring mag palista kina:

Contact Person Volunteers:
Obeda
De Torres Geron
Vergara
Eam

Purok 1 :
Carandang
Ahcel

Purok 2:
Dela Vega
Dela Vega DeLeon

Purok 3:
Glecy
Vergara Mancia

Purok 4:
Orense
Tipan

Purok 5:
Recio
Margaret Alcaria

Purok 6:
Dela Vega
Orense

Purok 7:
Hernandez Tiquis
Casilag

27/12/2022

Magandang Araw KYM!☀

Bilang paghahanda sa darating na National Youth Day 2022 na may temang "Mary arose and went with haste" (Lk 1:39) Kalakbay: G (Gising, Gayak, Ganap) na!, mayroong isasagawang aktibidad sa Kinalaglagan Covered Court bukas, Disyembre 28, 2022 sa ganap na ika-9 ng umaga.

Inaanyayahan pong muli tayong lahat na makiisa sa aktibidad na ito bilang miyembro ng ating simbahan. Ang iba pang detalye ay nasa ibaba.

Susundan ito ng isang munting selebrasyon para sa mga kabataan kaya g na, mga KYM!

Maraming salamat po!😊

Kita kits mga kabataan!😉

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 25/09/2022
Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 25/09/2022

KYM- Kinalaglagan Youth Ministry
First Color Fun 2022

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 25/09/2022

Una po sa Lahat isang Masaya at Makulay na umaga sa Lahat , kami po na bumubuo ng KYM ( Kinalaglagan Youth Ministry ) ay taus pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa kauna unahan Color Fun Run dito sa ating Barangay na nagbigay ng Saya at Kulay sa isang umaga ng Barangay Kinalaglagan ,nagpapasalamat po sa mga Barangay Tanod na nagbigay ng serbisyo para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat participants at sa Sanggunian Barangay na nagpahintulot na maisagawa ang Color Fun Run , sa SKV na naging katuwang namin mula sa simula hangang matapos ang Event maraming Salamat. Sa mga KYM officers na lahat suporta at effort (job well done) ... At higit sa Lahat ay kay Lord na nag bigay ng magandang panahon , malakas na pangangatawan at isipan upang maidaos ang Unang Color Fun Run ng maayos at Masaya ...
Ito po ay simula pa lamang ng journey para sa KYM at madami pa pong pagkakataon na nais namin kayong makasama , at sanay patuloy nyo po kaming Suportahan sa aming mga magagandang layunin para sa ating mga Kabataan at kabarangay ...

Photos from KYM - Kinalaglagan Youth Ministry's post 24/09/2022

Excited na ba kayong makisama sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗

Narito ang ilang paalala para sa makulay at masayang pagtakbo ng lahat bukas🏃
Kita-kits mga kabataan! 🌈 Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.

This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge.
Kindred Hearts Pharmacy
Sun Knots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

24/09/2022

Isang araw na lang mga ka-KYM!
Excited na ba kayong makisama sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗
Register na para manalo kayo🏃
Kita-kits sa September 25,2022 mga ka-KYM! 🌈
Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.
This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge. .
Kindred Hearts Pharmacy
Sun Knots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

23/09/2022

Dalawang araw na lang mga ka-KYM!

Excited na ba kayong makisama sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗

Register na para manalo kayo🏃
Kita-kits sa September 25,2022 mga ka-KYM! 🌈

Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.

This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge.
Kindred Hearts Pharmacy
Sun Knots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

22/09/2022

Tatlong araw na lang mga ka-KYM!

Excited na ba kayong makisama sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗

Register na para manalo kayo🏃
Kita-kits sa September 25,2022 mga ka-KYM! 🌈

Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.

This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge.
Kindred Hearts Pharmacy
Sun Knots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

18/09/2022

Isang linggo na lang mga ka-KYM!
Excited na ba kayong makisama sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗
Register na at baka kayo ang manalo ng mga premyong ito 🏃
Kita-kits sa September 25,2022 mga ka-KYM! 🌈
Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.
This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge.
Kindred Hearts Pharmacy
Sun Knots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

15/09/2022

Nakakuha na ba kayo ng ticket niyo para sa kauna-unahang Color Fun Run ng Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas? 🏃🤗

Tara na at sumama sa Takbo ngayong September 25, 2022 🏃

Para sa gaganaping programa, narito ang ating trail map na 4KM sa kabuuan~

Excited na ba kayong makisama sa makulay na takbong ito? 🌈 Kita-kits sa September 25 mga ka-KYM!

Para sa ibang detalye, mag-message lamang sa aming page.

This Color Fun Run 2022 is Brought to you by:
Hilltop Canopy Staycation
The Woodridge.
Kindred Hearts Pharmacy
SunKnots
InkTech Trading
Moments with JNicolasPhotography

08/09/2022

"HALINA'T DUMALO, SA MAKULAY AT MASAYANG PAGTAKBO"

What: Color Fun Run
When: September 25, 2022, 5:00 A.M.
Who: Open to all
Where: Around Brgy. Kinalaglagan

Registration Fee: Php 100.00
Mode of Payment: Cash/Gcash

WALK-INS ARE ALLOWED ON SEPTEMBER 25, 2022

OPEN TO ALL AGES

Steps to Join:
1. Kindly contact the person below:

• KYM - Kinalaglagan Youth Ministry
• Lan DObeda
• Mitz Vergara
• Jenilie De La Vega
• Keanrafael Obeda
• Shaira Anne Recio
• Abby Vergara
• Riana Herlaine Vergara Carandang
• Joanne Maye Calinisan
• Corinne Gonzales
• Cassandra Ann cortez
• Frances Shanley Tanael
• Orense Evasco Ryan Dave
• Serdane Gamboa

2. If payment will be made through Gcash, send proof of payment to KYM - Kinalaglagan Youth Ministry with your name and contact number.

GCASH: 09388493428 - Jo Anne Maye C.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Batangas City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Kinalaglagan, Mataas Na Kahoy
Batangas City
4223
Other Youth Organizations in Batangas City (show all)
Brgy. Malitam Dos Kapisanan Brgy. Malitam Dos Kapisanan
Batangas City, 4200

Barangay Malitam Dos Kapisanan

SSBC Youth Ministry SSBC Youth Ministry
175 National Road, Tulo
Batangas City, 4200

The Official page of Shepherd Sheep Baptist Church - Youth | 1 Timothy 4:12 EST. 2016

Criminology Students Society - Batangas State University - TNEU Criminology Students Society - Batangas State University - TNEU
Batangas State University
Batangas City, 4200

CRIMSOC: Commitment and Service for the Criminology Society

Young Entrepreneur's Society - Bolbok, Batangas City Young Entrepreneur's Society - Bolbok, Batangas City
Bolbok
Batangas City, 4200

An Organization under Angat Kabatan Society of Brgy. Bolbok, Batangas City YES est. June 19, 2022

WIS Philippine Society of Customs  Administration Students WIS Philippine Society of Customs Administration Students
Alangilan Batangas City
Batangas City, 4200

Philippine Society of Customs Administration Students is an organization for Customs Ad Students

Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City
Purok 4, Bolbok Batangas City
Batangas City, 4200

Purok 4 Youth Development Council - Bolbok, Batangas City

Barkada Kontra Droga - Tipas Integrated National High School Barkada Kontra Droga - Tipas Integrated National High School
Tipas San Juan
Batangas City, 4226

TINHS BARKADA KONTRA DROGA

Bucal South Kapisanan Bucal South Kapisanan
Bukal South Batangas City
Batangas City, 4200

Welcome!

KKDAT - Batangas City KKDAT - Batangas City
Batangas City, 4200

Kabataan Kontra Droga at Terorismo

LPU-Batangas Association of Radiologic Technology Students LPU-Batangas Association of Radiologic Technology Students
Batangas City

Assosiation of Radiologic Technology Students (Lyceum of the Philippines Batangas)

Kabataang Lingkod ng Inang Simbahan Kabataang Lingkod ng Inang Simbahan
Basilica Of The Immaculate Conception Batangas/Archdiocese Of Lipa
Batangas City, 4200

Parish Youth Ministry