Barangay Council for the Protection of Children - Tagpos
This is the official fb page of the “Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) –Tagpos”
𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟰-𝟮𝟬𝟮𝟱
"𝘔𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘈𝘳𝘢𝘭 𝘢𝘺 𝘒𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘔𝘰. 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵𝘢!"
Inaanyayahan ang lahat ng mga batang nais mag-aral ngayong School Year 2024-2025 na magpalista mula 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟳 hanggang 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰 sa Tagpos Elementary School.
𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮:
𝗞𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝘁𝗲𝗻:
📍Mga batang 𝟱 taon na ngayon o maglilimang taong gulang sa 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟰
𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟭:
📍 Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa taong pangpanuruan 2023-2024
𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿𝗲𝗲𝘀:
📍 Mga batang grades 2 to 6 na nais lumipat sa aming paaralan.
𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗔𝗿𝗮𝗹:
📍 Mga batang nais bumalik sa pag-aaral.
📝Ang mga mag-aaral naman mula Grade 2 hanggang Grade 6 na nag-aaral sa Tagpos ay considered ng pre-registered at hindi na kailangan pang sumali sa early registration.
𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗗𝗮𝗹𝗵𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮:
𝗞𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝘁𝗲𝗻:
📍 Magdala ng Original at Photocopy ng PSA Birth Certificate o Local Live Birth Certificate
𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟭:
📍 Kinder Completers
📍 Magdala ng Original at Photocopy ng PSA Birth Certificate or Local Live Birth Certificate
📍 ECD Checklist
𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿𝗲𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗔𝗿𝗮𝗹:
📍 Magdala ng Original at Photocopy ng PSA Birth Certificate or Local Live Birth Certificate
📍 Form 138 galing sa natapos na grade level.
Sa mga nagnanais magpalista, maaaring magtungo na sa ating paaralan bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖:
• Magdala ng sariling ballpen at mga requirements na nakatala sa itaas.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa pagpapalista, magmensahe lamang sa FB page na ito o magchat, call o txt sa mga adviser ng paaralan.
Happy Birthday, Shairene Ruz! Your role as BCPC Tagpos Child Representative is vital, and your dedication shines through. May this year be filled with achievements, joy, and new opportunities. Wishing you continued success in making a positive impact in our community! 🎂🎈
👩🏻🏫 Happy World Teacher's Day po 👨🏼🏫
Pagpupugay, Pasasalamat, at Pagbati sa ating mga dakilang g**o ngayong World Teachers' Day!
Happy 18th Birthday Euan! We, BCPC-Tagpos wish you endless joy and happiness on this very special day. Keep your life full of positive elements, that are inspirational, beneficial, truly worth remembering and sharing. Best wishes! Have a great one with lots of love!!!
Happy birthday to our beloved Kap. Angelita J. Tamoria!
“Ang pag-abot sa iyong mga pangarap ang pinaka malaking pakikipagsapalaran ng buhay.” — Oprah Winfrey
------------------
Pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nakatapos at nagtapos sa taong panuruan na ito. Nawa sa kabila ng iba't ibang pagsubok ay huwag kayong tumigil sa pagsisikap na maabot ang inyong mga minimithi at pinapangarap sa buhay. Muli maligayang pagtatapos at huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos sa taong nagdaan. 🎓🎓🎓
Ilang kuha sa naganap na Quarterly Meeting kanina, Hunyo 27, 2023 sa Sangguniang Bayan Hall. Ito ay dinaluhan ng ating Child Representative na si John Edward Sabado bilang pagtalima sa nasabing pagpupulong. Doon pinag-usapan ang iba't ibang updates, issues, at concerns patungkol sa mga bata.
Happy Birthday Pau!
Narito ang ilang kuha sa nangyaring Palarong Pinoy sa Bagong Palengke kahapon, June 18, 2023.
Maligayang Kapistahan mga Ka-BCPC! ✨
Happy Birthday Alex!
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating isa sa mga masisipag na miyembro ng Committee on Children's Participation, Alex Torres. Nawa ay mag patuloy ka pa sa paglilingkod sa ating kapwa kabataan. God Blessed!
Happiest Birthday Reniel Ramirez!
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating isa sa mga masisipag na miyembro ng Committee on Children's Development, Reniel Ramirez! Nawa ay magpatuloy ka sa paglilingkod sa ating mahal na Barangay at sa mga bata't kabataan.
Happy Birthday Rayza!
“Disiplina ang ating kailangan upang mapanatili ang kalinisan, hindi lang sa loob ng ating tahanan kundi maging sa ating pamayanan. ”
BASAHIN: Ang Barangay Council for Protection of Children- Tagpos (BCPC) sa pangunguna nina John Edward Sabado, BCPC- Tagpos Child Representative at Kgd. Maria A. Barrameda, Committee on Education, sa pakikipag-ugnayan
kina Mrs. Cecilia S. Bautista, Punong G**o ng TAG/ES, at Ms. Ma. Nimfa B. Cenina, G**o III ay matagumpay na naisagawa ang Information Education Campaign (IEC) na ginanap kanina, Abril 26, 2023, sa TAG/ES Covered Court.
Ito ay dinaluhan nina Kgd. Jocelyn D. Cartalla, Committee on Health, Women & Family, Celia N. Borja, Barangay Administrator, Rayza B. Borbe, BCPC- Tagpos Child Representative Treasurer, John Jairus R. Gabo, Committee on Children's Childhood and Care Development, mga g**o, at mga mag-aaral mula sa Baitang 5 hanggang Baitang 6.
Layunin ng nasabing programa ang ibahagi sa mga bata ang ilang impormasyon patungkol sa tamang paghihiwalay, pagtatapon, at paglalabas ng basura kasunod na rin sa mandato ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nang ating Barangay hinggil sa ating napakaseryosong problema sa basura.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Tagpos, Tagpos Elementary School, sa mga g**o, mga mag-aaral, at sa lahat ng kumilos upang maisagawa ang programang ito.
TO GOD ALL BE THE GLORY!
Happy Birthday Cristina Garbin!
Mainit na pagbati ng isang Maligayang Kaarawan, Cristina Garbin. Nawa ay magpatuloy ka sa iyong mga ginagawa lalo na ang paglilingkod sa mga kapwa mo Kabataan.
Ilang kuha sa naganap na meeting kanina, March 27, 2023 sa Tagpos Elementary School para sa nalalapit na “Information Education Campaign (IEC)” doon. Ito ay dinaluhan nina Kgg. Maria A. Barrameda, Kagawad, John Edward L. Sabado, BCPC- Tagpos Chairman, Rayza B. Borbe, BCPC- Tagpos Treasurer, Ms. Ma. Nimfa B. Cenina, G**o at Mrs. Cecilia S. Bautista, Punong G**o (TAG/ES).
Maligayang Kaarawan sa nag-iisang taga-pitik ng aming grupo, Jai! Nawa patuloy kang lumago sa lahat ng aspeto lalo na sa iyong pag-aaral at bilang isang kabataan. Salamat sa iyo, sa sipag at t'yaga, at sa ngiting hatid mo sa ating grupo. Nawa patuloy kang pagpalain ng ating Panginoon. Muli maligayang kaarawan!
Random Pictures from the Information Education Campaign (IEC) held in DJMNHS.
“We are the first generation to feel the impact of climate change and the last generation that can do something about it.”
- Barack Obama
LOOK: Barangay Council for Protection of Children (BCPC) headed by John Edward Sabado and Hon. Dr. Maria A. Barrameda, Councilwoman / Chairperson of the Committee on Education, Ways & Means, and Cultural Affairs, in coordination with the Principal of Don Jose M. Ynares Memorial National High School, Mrs. Roquita S. Suyod, Mr. Paulo B. Cerda , Head Teacher, and Ma'am Lucita A. Flores, YES-O adviser, successfully conducted the Information Education Campaign (IEC) held yesterday, March 13, 2023, at the DJMNHS Covered Court.
It was attended by Hon. Angelita J. Tamoria, Chairwoman, Mr. Jover M. Andrino, Brgy. Tagpos General Services Head, Princess Gabrielle B. Mañago, BCPC- Tagpos Vice Chairman, Elaiza H. Pamatian, BCPC- Tagpos Secretary, Rayza B. Borbe, BCPC- Tagpos Treasurer, Ian B. Picones & Alexandra N. Torres, Committee on Children's Participation, Reniel J. Ramirez, Committee on Children's Development, Angela Pauline R. Mangui, Committee on Children's Protection, Williana Garbin & Cristina Garbin, Committee on Children's Survival, Shairene Jane B. Ruz & John Jairus R. Gabo, Committee on Children's Childhood and Care Development and Don Joseans from Grade 7 to Grade 12 who currently live in our Barangay.
With the goal of spreading environmental awareness, advocating action to keep our Mother Earth healthy, and making every youth as stewards of sustainable development following the mandate of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) regarding to our very serious waste problem, and to explain the Republic Act 9003 also known as "The Ecological Solid Waste Management Act of 2000."
BCPC-Tagpos is very grateful to our very-supportive Sangguniang Barangay ng Tagpos, DJMNHS, GLCs, Teachers, Students, and everyone who take actions to make this program possible.
TO GOD ALL BE THE GLORY!
Mga kabarangay, kayo po ay malugod na inaanyayahan na dumalo sa ating Barangay Assembly bukas, March 12, 2023, ika-3 ng hapon sa ating bagong Barangay Hall sa San Pedro Village.
Pakinggan ang ulat ng ating mga opisyal na pangungunahan ni Kapitana Angie Tamoria.
”B-BIDA KA! Barangay BIDA KA sa Pagpatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga ng Kalikasan at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan”
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo. Maraming Salamat po.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚- 𝐁𝐂𝐏𝐂!
“A little progress each day adds up to big results”
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw (feb 6) ang Barangay Council for the Protection of Children Tagpos o BCPC sa Barangay Tagpos, upang mapag-usapan at mapag-handaan ang nalalapit nitong IEC program at iba pang mga proyekto para sa taong (2023) ito.
National ID Update:
MAHALAGANG ANUNSYO: Ang Philippine Statistics Authority ay magtutungo sa ating Barangay Hall bukas, February 7, mula ika-8 ng umaga. Kaugnay ito ng printing ng ePHILID o ang digital version ng Philippine National ID para sa mga hindi pa nakukuha ang kanilang physical PHIL ID.
Magdala lamang ng proof of identity: ID and/or Birth Certificate
PhilSys Registration Slip
Maraming salamat po.
“𝑩𝒆 𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒐𝒍𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝑵𝒐𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒐𝒍𝒍𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏.”
- 𝑻𝒉𝒆 𝑭𝒓𝒆𝒔𝒉 𝑸𝒖𝒐𝒕𝒆𝒔
𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐀. 𝐁𝐚𝐫𝐫𝐚𝐦𝐞𝐝𝐚, 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐄𝐝𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐋. 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨, 𝐈𝐚𝐧 𝐁. 𝐏𝐢𝐜𝐨𝐧𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐄𝐥𝐚𝐢𝐳𝐚 𝐇. 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐩𝐨𝐬 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐃𝐨𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐌. 𝐘𝐧𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐒𝐫. 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 (𝐈𝐄𝐂) 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧. 𝐋𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐄𝐂 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐫𝐢𝐬𝐢𝐬 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐢𝐭𝐨'𝐲 𝐦𝐚𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧.
𝐈𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐒𝐢𝐫. 𝐀𝐫𝐢𝐞𝐥 𝐃𝐋. 𝐅𝐞𝐫𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 (𝐓𝐀𝐆/𝐄𝐒), 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐌𝐚. 𝐍𝐢𝐦𝐟𝐚 𝐁. 𝐂𝐞𝐧𝐢𝐧𝐚, 𝐆𝐮𝐫𝐨 (𝐓𝐀𝐆/𝐄𝐒), 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐫 𝐏𝐚𝐮𝐥𝐨 𝐁. 𝐂𝐞𝐫𝐝𝐚, 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 (𝐃𝐨𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞).
Nagkaroon ng pagtitipon ngayong araw sina Kapitana Angelita J. Tamoria, Kagawad Nick Baldoza, at mga kinatawan ng Barangay Council for the Protection of Children o BCPC sa Aplaya upang mapag-usapan ang mga nakalinyang plano at programa para sa BCPC sa taong 2023. Narito ang ilang kuha.
INIHAHANDOG sa inyo ng pamunuan ng Barangay Tagpos, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay, Kgg. Angelita J. Tamoria at Sanggunian ang bagong bukas na Botika ng Barangay.
Ang ating Botika ng Barangay ay matatagpuan sa lumang barangay hall sa National Road. Ang mga gamot rito ay libreng makukuha basta ikaw ay naninirahan sa Barangay Tagpos, magdala lamang ng reseta, at katunayan na ikaw ay taga Tagpos o kahit anong ID na nakatala ang inyong address.
Isang maligayang pagbati ng kaarawan sa ating Chairman ng Committee on Children's Survival, Williana! Nawa'y patuloy kang magsikap sa lahat ng bagay. Salamat sa iyong masigasig at masayang pakikiisa at pagtulong sa ating organisasyon. Muli isang maligayang kaarawan sa'yo, God bless! 🥰
Walang wifi o gadgets para makapag search o gumawa ng homeworks sa bahay? No worries mga kapwa estudyante ng tagpos, Brgy. Tagpos and Information Center got you covered!
Magdala lang ng mga sumusunod:
• Student Id
• O anumang proof of enrollment
Working hours:
• 9 am - 9 pm, Mondays to Sundays
📍 Lumang barangay ng Tagpos
Patuloy pa din po tayong tumatanggap ng mga donasyong libro, mag tungo lamang po sa lumang barangay. Maraming salamat po!
Isang Maligaya't Manigong Bagong Taon mga Ka-BCPC!!
Maligayang Pasko mga Ka-BCPC!! 🎄🎄
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Binangonan
1940
Central Mall Binangonan (Savemore Pantok, Ground Floor)
Binangonan, 1940
National ID Registration
Sitio Pulo, Pilapila Binangonan Rizal
Binangonan, 1940
Ang Opisyal na page ng Sangguniang Barangay ng Pilapila