pusang itim
Nearby public figures
3018
Bulacan
3018
3018
3018
Jc Premiere Health and Beauty Skin Products By Reyz Nicolas
Bocaue Bulacan
3016
3018
3018
3018
Blk 4 Lot
3018
Bocaue Bulacan
malas
tayo'y mga tuyong dahon na nagkalat sa liwanag,
at sa dilim nama'y tangkay ng mga halamang magkayakap,
puso ang magsasabing alam nya ang hinahanap,
utak ang magtutulak upang laman ay mapanatag.
mapagbigyan mo sana ako'ng nagdadamo't
kung tatanggi'y tiyak lunti-ang panukli sa nag-aalok.
sumasabay ba talaga 'ko dapat sa agos,
pumapatay ng dalawampu't apat na oras sa pagraos
ng tamang hiniram sa nagpautang na inang kalikasan,
nang magsauli ay hindi na muling bumalik pa ang kasipagan.
gusto ko'ng maging kaibigan ulit ang araw,
mukhang magtatampo ang buwan kung aaminin ko ang ayaw.
sa pagsilang ng antok, bulong ng ingay ang dadalaw,
maririnig ko rin maging katahimikan na papanaw.
tayo'y mga tuyong dahon na nagkalat sa liwanag,
at sa dilim nama'y tangkay ng mga halamang magkayakap.
kape
binubulabog ng katahimikang nakaririndi.
walang aninong susundan.
maging ang kaisa-isang gabay ko'ng buwan ay mapupundi.
binububuyog ang tamis ng bulaklak nitong gabi.
ang mga talulot niya ang magsisilbing
payong na panukob sa ulan ng paghikbi.
ako ang nawawalang bituin
sa kalawakang kaydumi.
Isisigaw ko ang hiling
sa bulalakaw na bingi.
2020
linamnam ng pait,
nagtatalo sa kalamnan
ang init at lamig,
umagang may ulan at
maligamgam na halik sa tasa ng kape.
asukal na minimithi'y buhangin ng tamis
sa dagat ng pait,
gatas na magsisilbing panggapi sa dilim,
siya ring panghawi ng sakit.
bakit ang tapang mo'ng dala'y
mayro'n ding takot na bitbit?
likas mo'ng init at pait na umaabot sa dibdib.
hayaan mo ko'ng umidlip.
2018
magpapakita ang mga alikabok sa araw na isisilang ang liwanag,
at sa kamatayan nito'y mga hamog at dalamhati ang lalaganap.
masaya ka ba
o hindi
hindi rin malungkot
baka tuyo ka lang sa tuloy tuloy na pambibilad ng buhay
sino ka ba
saan ka paroroon
kung saan ka hihilahin ng espasyo't panahon?
walang may alam
walang kasiguraduhan
paslit ka lang na nakakulong sa paa ng mga tumatawid na laman
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Bocaue
3018
Bocae
Bocaue
The Purpose of this page is to express your Feelings using words, letter, poetry and etc.
Bocaue
A community page for Vicente Ignacio "Jojo" Soria de Veyra, painter, diskurso art magazine editor