Brgy. Banay-Banay Health Center Cabuyao Laguna

Brgy. Banay-Banay Health Center Cabuyao Laguna

Health Center

Timeline photos 04/04/2024

Bakit nga ba hindi nireregla ang babae kapag gumamit ng DMPA/DEPO? Masama ba ito sa matris?

Ang hindi pagreregla sa panahon na gumagamit ng hormonal contraceptive ay hindi isang problemang medikal at hindi rin nangangahulugang buntis ang isang babae. Hindi dapat mag-alala kung hindi nireregla dahil ito ay normal na epekto ng ganitong klase ng kontraseptibo.

Kapag ang babae ay walang ginagamit na kontraseptibo, ang obaryo ay naglalabas ng hinog na itlog (egg cell) at kasabay nito ay unti unting kumakapal ang sapin ng matris. Ang pagkapal nito ay paghahanda sa posibleng pagbubuntis ng isang babae kapag napertilisado ang egg cell. Kapag walang pagbubuntis na nangyari, ang egg cell ay kusang matutunaw at ang kumapal na dingding ay mapipilas ng paunti unti na nagdudulot ng pananakit ng puson o dysmenorrhea. Ang napilas na sapin ng matris ay lalabas kasabay ng dugong nagmula sa pilas at ito ang buwanang regla na lumalabas.

Sa paggamit ng hormonal contraceptives, may tatlong "P" na ginagawa ito sa katawan;

1. Pinipigilan nito ang paglabas ng hinog na itlog.
2. Pinapakapal nito ang cervical mucus kaya maaaring magkaroon ng mas maraming "white mens" upang di agarang makapasok ang semilya.
3. Pinapanatili nitong manipis ang sapin ng matris kaya walang mapipilas at wala ring reglang lalabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi nireregla ang karamihan ng babae sa hormonal contraceptives. Kung nagkaroon ng spotting, posibleng kumapal nang bahagya ang sapin ng matris at dahil walang pagbubuntis na mangyayari ay mapipilas ito ng paunti unti at lalabas ito ng kaunti lamang o spotting na posibleng tumagal ng dalawang linggo o higit pa.

TANDAAN: IBA IBA ANG POSIBLENG MAGING REAKSYON NG KATAWAN NG BABAE SA BAWAT KONTRASEPTIBONG GAGAMITIN.

03/04/2024

PERTUSSIS Ating Alamin…

Photos from DepEd Philippines's post 02/04/2024
Photos from Mother-Baby Friendly Calabarzon's post 28/02/2024
28/11/2023

WALA PO TAYONG TURUKAN NG MGA BABIES BUKAS (11.29.2023), DECEMBER 6 NA PO ULIT

05/11/2023
10/10/2023

Narito ang emergency contact numbers ng barangay/lungsod na pwedeng tawagan o padalahan ng mensahe kung kakailanganin ng agarang tulong at aksyon.

Emergency
BDRRMC Rescue Medic
-0970 582 2245

CDDRMO Rescue 911
-0977 481 1337

Peace and Order
Bantay Bayan Main
-0921 761 5381

113 Satellite Phase4 Lakeside
-0921 872 1075

Meralco
-0920 971 6211

Bureau of Fire Protection Cabuyao
-0932 741 1457

PNP Cabuyao
-0949 745 6048
-0927 986 9946

05/10/2023

Mga KaBarangay
Anunsyo:

Bukas , October 6, 2023 8am-4pm
may libreng FLU VACCINE para sa 250 Senior Citizen na taga Banay-Banay (NATIONAL HI-WAY,DON ONOFRE VILLAGE, SAN CARLOS VILLAGE , GRAND ACACIA, HONGKONG VILLAGE, KATAPATAN HOMES, ASLA HOMES,GREENLEAF,BAMBOO ORCHARD)πŸ’‰

Magtungo lamang sa Banay-Banay Health Center (sa likod ng Brgy. Hall). Ma'am ANALYN

At para naman sa lahat ng Senior Citizen na taga Southville, Lakesidenest Subd. at Depante.
- 250 Senior Citizen
8am - 4pm, October 6, 2023
Magtungo lamang po sa Southville Health Center (sa Phase 14) Ma'am DADA

God bless Banay-Banay☝️

14/08/2023

‼️‼️‼️‼️

𝙁𝙍𝙀𝙀 π™π˜½ π™Žπ˜Ύπ™π™€π™€π™‰π™„π™‰π™‚ π˜Όπ™‰π˜Ώ π˜Ύπ™ƒπ™€π™Žπ™ 𝙓-π™π˜Όπ™” 🩻
𝑻𝒂𝒓𝒂'𝒕 π‘΄π’‚π’ˆπ’ƒπ’‚π’šπ’‚π’π’Šπ’‰π’‚π’! 𝑻𝑩 π’‚π’š π‘»π’–π’π’…π’–π’Œπ’‚π’!
(No need for requirements)

Isang magandang gabi po KaBarangay

Sa August 16, 2023, Wednesday, 8AM-12NN sa Banay-Banay Health Center (likod ng Brgy. Hall) ay gaganapin ang ating 𝙁𝙍𝙀𝙀 π™π˜½ π™Žπ˜Ύπ™π™€π™€π™‰π™„π™‰π™‚ π˜Όπ™‰π˜Ώ π˜Ύπ™ƒπ™€π™Žπ™ 𝙓-π™π˜Όπ™” 🩻
Handog ni Kap. Eric E. Barron, CHO-2 at Philippine Business for Social Progress (PBSP).

Isang daan hanggang isang daan at limampung (100-150) katao ang ating bibigyang serbisyo. Kaya punta na, KaBarangay.

Layunin ng programang ito na magsagawa ng Tuberculosis (TB) Mass screening at makapagbigay sa ating mga kabarangay ng Free Mobile Chest X-ray, upang hanapin, gamutin, at sugpuin ang sakit na TB sa ating barangay.

Para sa mga hindi pa po nakakaalam:
Priority Risk Group
Sino-sino po ba ang maaaring dumalo sa nasabing programa?
1. Taong inuubo ng dalawang linggo o higit pa, pumapayat, nawawalan ng ganang kumain, nilalagnat sa hapon o gabi, masakit ang likod o dibdib at sobrang pagpapawis
2. May edad 15 taong gulang pataas
3. Mga kasambahay ng naggagamot ng anim na buwan sa baga
4. Senior Citizens
5. Mga Brgy. Officials, Tanod ng barangay
6. Mga Drivers, TODA
7. SMOKERS
8. May sakit na diabetes
9. BHW, BNS
10. Myembro ng 4Ps

Maraming salamat po.

#𝑬𝑡𝑫𝑻𝑼𝑩𝑬𝑹π‘ͺ𝑼𝑳𝑢𝑺𝑰𝑺

30/07/2023

FYI

Mga KaBarangay

Eto na... Eto na.... Eto na....

Handog ni Kap. Eric E. Barron at Epektibong Barangay ang LIBRENG TULI 2023
para sa ating mga totoy na nais nang maging ganap na binata πŸ‘¦πŸ§’

KAILAN: August 5, 2023, Sabado | 7:00 AM
SAAN: Banay-Banay Covered Court, Hongkong Village
100 slots only

PS. Maghintay lamang ng iba pang anunsyo patungkol sa programa ❀️

God bless Banay-Banay 🌹

13/07/2023

Mga KaBarangay

Handog ni Kap. Eric E. Barron at Sangguniang Barangay

Muli, may schedule po ang ating Brgy. Pediatrician at OB-Gyne Doctor, Bukas, Biyernes, July 14, 2023, 8AM sa Banay-Banay Health Center (sa likod ng Brgy. Hall) πŸ€°πŸ‘ΆπŸ€±

First 16 para sa mga buntis o babaeng may problema sa kanilang reproductive - (OB-Gyne)

First 20 sa mga 19yrs old pababa - (Pediatrician)

Dagdag kaalaman:

Ang isang OB-Gyn ay isang doktor na dalubhasa sa reproductive ng kababaihan, pagbubuntis at panganganak.

Samantalang ang isang Pediatrician ay isang doktor na namamahala sa kalusugan ng isang bata.

God bless Banay-Banay 🌹

Mobile uploads 24/06/2023
23/06/2023

Narito po ang listahan ng venue para sa ATM application sa mga Senior Citizen kada barangay. Monday-Friday 8:00am-5:00pm.

Measles 14/06/2023

Measles Measles remains one of the leading causes of death among young children globally, despite the availability of a safe and effective vaccine.

03/05/2023

Mga KaBarangay

Ito po ang schedule ng pagbahay-bahay ng ating mga Barangay Health Workers at midwife ng Banay-Banay Proper Health Center para sa programang CHIKITING LIGTAS ng gobyerno

Pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Polio, Rubella at Tigdas

/SIA

-Bakuna kontra Tigdas at Rubella (MR) -
9 hanggang 59 months

-Bakuna kontra Polio (OPV) - 0 hanggang 59 months
-Magbibigay din ng Vitamin A

Schedule:
May 04 - Katapatan Homes
May 05 - Katapatan Homes
May 08 - Grand Acacia Grove
May 09 - Hongkong Village
May 10 - Bamboo Orchard
May 11 - San Carlos Village & Southpoint Creekside
May 12 - Asla Homes, Greenleaf Residences and Don Onofre

Ang bawat schedule ay magsisimula ng
9am hanggang 4pm

God bless Banay-Banay 🌹

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cabuyao?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


National Highway Banaybanay
Cabuyao
4025

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Other Public & Government Services in Cabuyao (show all)
Mr. Malasakit Ariel Bariring Mr. Malasakit Ariel Bariring
Cabuyao, 4025

Para sa mabilis na pagtugon at pagtutulungan, komento at suhestyon sa mas mabuting paglilingkuran

Cabuyao Youth Development Affairs Office Cabuyao Youth Development Affairs Office
Cabuyao Town Plaza
Cabuyao, 4025

Blk 25 Health Center Southville 1 Marinig Blk 25 Health Center Southville 1 Marinig
Blk 25 Health Center
Cabuyao, 4025

Pres. Rudy Villegas Pres. Rudy Villegas
PNR Site Purok 4 San Isidro
Cabuyao

Selkaokf Selkaokf
Mainig
Cabuyao, 4025

love your family

MTCC Cabuyao City, Laguna MTCC Cabuyao City, Laguna
Cabuyao, 4025

Mission: To uphold the rule of law through fair, expeditious and timely judicial process in defending the constitutional and democratic rights and welfare of the people, and consis...

CSWD Cabuyao CSWD Cabuyao
Cabuyao, 4025

The City Social Welfare and Development Office is one of the front liner agencies of the Local Government Unit (LGU) in the delivery of basic social services.

Bagong BotiCab Bagong BotiCab
BotiCab, Cabuyao City Hall, F. B. Bailon Road
Cabuyao, 4025

Registered Pharmacists

Jeom's Bills-Payment Travel and Tours Jeom's Bills-Payment Travel and Tours
Cabuyao, 4025

Bills payment, travel and tours ticketing, local and international booking. Loading, sending money,

PhilSys - Cabuyao PhilSys - Cabuyao
Cabuyao, 4025

Official FB Page of Philippine Identification System - Cabuyao Registration Centers

Math/Filipino/Hekasi Math/Filipino/Hekasi
P2 BLK 1 L5 Cenetennial Homes
Cabuyao, 4025

Ito ang fan page na may halong katalinuhan, may sports hugot at iba pa kaya like na