San Miguel Arkanghel Chapel Banlic Calamba
The Official page of San Miguel Arkanghel Chapel Banlic, City of Calamba, Laguna.
PANALANGIN SA MAHAL INA NG LAGING SAKLOLO
Mahal na Ina ng laging saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin, Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalong lalo na ang biyayang ito ...
(sabihin ang iyong mga hangarin)
Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay, kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila, tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak, inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.
Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
AMEN.
AMING INA NG LAGING SAKLOLO,
Ipanalangin mo kami.
Halina't
Panalangin kay San Jose
Dakilang Patriarkang San Jose,
Ulirang ama ng tahanan, amang turing ni Hesus,
At kalinis-linisang esposo ng Birheng Maria,
Sa tulong ng iyong makapangyarihang pagkupkop
Bilang mabisang katiwala sa trono ng Diyos,
Kami po ay dumudulog sa iyong maka-amang pagmamahal at tanging pag-aampon.
Mahal naming San Jose,
Itinataas po namin sa Diyos Ama
Ang aming mga pangangailangan sa buhay espiritual, na sa iyong tulong ay makamit ang pagpapala ayon sa kalooban ng Panginoon.
Paging dapatin mo po
Na ihatid sa Diyos Amang bukal ng awa,
Ang aming taos pusong panalangin na may lubos sa pasasalamat sa lahat ng kanyang mga biyayang kaloob. Amen
Mahal naming San Jose,
ipanalangin mo kami.
UNANG LINGGO NG KWARESMA | Peb. 17, 2024 | Banal na Misa
MABUTING BALITA
Marcos 1, 12-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, si Hesus ay agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglilingkuran ng mga anghel.
Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Halina't
BIYERNES PANANALANGIN KAY KRISTONG NAKABAYUBAY SA KRUS
Makapangyarihang Diyos
na nagtitiis ng kamatayan sa krus
dahil sa aking mga kasalanan,
sumaamin ka nawa.
Banal na krus ni Hesukristo,
maawa ka sa amin.
Banal na krus ni Hesukristo,
Ikaw ang aking pag-asa.
Banal na krus ni Hesukristo,
ilayo mo sa akin ang lahat
ng nakahihiwang sandata.
Banal na krus ni Hesukristo,
ilayo mo sa akin ang lahat ng kasamaan.
Banal na krus ni Hesukristo,
ipahintulot mong marating ko
ang daan patungo sa kaligtasan.
Banal na krus ni Hesukristo,
ilayo mo sa akin ang lahat
ng pagtatangkang pagpatay.
Banal na krus ni Hesukristo,
iadya mo ako sa lahat
ng uri ng kapahamakan.
Sambahin ko nawa
ang banal na krus ni Hesukristo
magpasawalang hanggan.
Hesus ng Nazareth na ipinako sa krus, maawa ka sa akin.
Paliparin mo sa walang hanggan
ang mga masasama at makapipinsalang espiritu. Amen.
PANGINOONG HESUS NA NAKAPAKO SA KRUS,
Kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob.
Halina't
HUWEBES PAGDEDEBOSYON KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL DE BANLIC
+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
San Miguel Arkanghel
ampunin mo kami sa labanan
at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan
at sa mga silo ng demonyo.
Sugpuin nawa siya ng Diyos
na ipinagmamakaamo namin sa’yo,
at ikaw prinsipe ng mga hukbo ng langit,
sa kapangyarihan ng Diyos
ay ibulid mo sa impyerno si Satanas
at ang lahat ng malulupit na espiritu
na gumagala sa sanlibutan
at nagpapahamak sa mga kaluluwa.
Maluwalhating San Miguel Arkanghel,
inilagay kami ng ating Ama sa langit
sa ilalim ng iyong pangangalaga,
tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan
na naglalayo sa aming
mapagmahal na Ama at sa isa’t isa.
Iligtas mo kami sampu ng aming pamilya
sa lahat ng masama.
Nawa’y sa pamamagitan
ng iyong patuloy na kalinga
ay lagi kaming manatili
sa landas ng kabutihan.
Amen.
San Miguel Arkanghel,
Kami'y tingnan at sa Diyos ipanalangin.
+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
A Blessed Ash Wednesday! Magpigil nang ang ating mga anghel ay hindi manggigil.
ASH WEDNESDAY
First Day of Lent: Ash Wednesday ushers in the Lenten season, a time for Catholics to focus on their relationship with God and prepare their hearts for the celebration of Easter.
Symbolism of Ashes: The distribution of ashes on the forehead is a central tradition of Ash Wednesday. The ashes, typically made from burned palm branches from the previous year's Palm Sunday, symbolize dust and mortality, reminding us of our human limitations and dependence on God.
A Time for Reflection: Lent is a time for self-examination, prayer, and acts of charity. Many Catholics choose to give up something they enjoy or take on additional spiritual practices during this period.
Maligayang Kapistahan Sta. Marta, ang Rosas ng Pateros!
Ngayong araw, ikalawang linggo ng Buwan ng Pebrero ay ating ipinagdiriwang ang Pistang Bayan alay kay Santa Marta. Pintakasi at Rosas ng Pateros.
Nawa’y patuloy tayong gabayan ng ating patrona sa ating pang araw-araw na mga gawain.
Viva Santa Marta!
IKA-6 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | Banal na Misa | February 10, 2024
MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮, 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗿𝘁𝗶𝗿
𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟲
O Panginoong Hesukristo,
tulad ng Iyong masakit na pagkamatay sa krus,
pinabanal mo ang itinuturing na martir ng Hapon
si San Pedro Bautista at ang kanyang mga kasama.
Ipagkaloob Mo na kami ngayong nagtatamasa ng kanilang tagumpay
ay papag-alabin ng kanilang mga halimbawa.
Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama
at ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
Sa Birhen!
Mayroong salin-bibig na kwento noon na umano'y ang Birhen, sa anyo ng matandang babae, ay nanghihikayat sa mga deboto ng Antipolo na mamanata sa Turumba ng Pakil at gayundin sa mga deboto ng Turumba na mamanata sa Antipolo. Gayun nga ang nakaugalian buhat na rin ng pagkakatabi ng lalawigan ng Rizal at Laguna
IKA-5 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | February 3, 2024 | Banal na Misa
Aleluya! Aleluya!
Inako ni Hesukristo
ang sakit ng mga tao
upang matubos n’ya tayo!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 1, 29-39
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Andres at Simon. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.
Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.
Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya’y matagpuan, sinabi nila, “Hinanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makaparangal ako roon – ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
KAPISTAHAN NG PAGDADALA KAY HESUS SA TEMPLO | CANDELARIA | Pebrero 2
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG CANDELARIA
Mahal na Inang Maria, Birhen ng Candelaria,
niluluwalhati namin ang Panginoong Diyos
sa pagkakahirang Niya sa iyo
upang maging Ina ng Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus.
Karapat-dapat ka sa natatanging pagpapala Niya sa iyo
sapagkat buong katapatan mong isinabuhay at pinanindigan ito.
Sa sinapupunan pa lamang ay pinili ka nang Diyos
para sa Kanyang magandang plano sa pagdating sa Manunubos,
kaya’t dinalisay ka Niya sa kasalanang mana.
Ginampanan mo ang dakilang papel sa kasaysayan ng kaligtasan.
Naging kasangkapan ka ng Diyos
upang matupad ang inaasam ng baying Israel.
At para sa iyong Anak na si Jesus at sa iyong Esposong si San Jose,
ikaw ay naging Ilaw ng tahanan, ulirang Ina at butihing Maybahay.
Tinanglawan mo ang noon ay murang isipan ni Jesus,
ginabayan Siya, nakiisa sa Kanyang pangangaral,
nakidalamhati sa Kanyang pagdurusa
at nakigalak sa muLi Niyang pagkabuhay.
O Mahal na Birhen ng Candelaria,
habang dinadala mo sa iyong mga bisig ang Panginoong Jesus,
inihaharap mo naman siya sa amin
upang masilayan namin ang Liwanag ng sanlibutan
na tumatanglaw sa amin buhay.
Anong ligaya ang aming nadarama
kapag pinagmamasadan ka namin at ang iyong Anak.
Nababatid namin na patuloy mong ginagampanan hanggang ngayon
ang iyong pagiging Ina ng sangkatauhan,
na lagi mong inilalapit sa Panginoong Jesus an gaming kalagayan,
mga panalangin at hangarin.
Nawa, maging kalugud-lugod sa iyo
itong ginaganap naming pagpaparangal sa iyo
kalakip ang aming kahilingan.
Amen.
Mahal na Birhen ng Candelaria,
Ipanalangin mo kami!
ST. JOHN BOSCO, Priest | Memorial, Jan. 31
St. John Bosco, our loving father, now we lift to thee our voices.
As we gather around Thine altar, far and wide the world rejoices.
Oh, Don Bosco, we’re thy dearest whose protection are imploring
For in heaven thou remainest an apostle ‘mid the adoring.
Don Bosco, thy children on many ashore,
Shall love and revere thee till time be no more.
Don Bosco, thy children on many ashore
Shall love and revere thee till time be no more!
𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗦𝘁. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗕𝗼𝘀𝗰𝗼, 𝗣𝗿𝗶𝗲𝘀𝘁
𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟯𝟭
O God, who raised up the Priest Saint John Bosco as a father and teacher of the young, grant we pray, that, aflame with the same fire of love, we may seek out souls and serve you alone. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, God, for ever and ever.
Tabella is The Free Catholic App for Parishes and Groups.
Listen to The Rosary, the Daily Gospel Readings, and Catholic content
Grow in your faith with the best Catholic content.
Listen to hundreds of hours of Catholic audios for free.
Free access to The Holy Rosary, daily Gospel readings, prayers, and much more. Discover new content daily and grow in your faith.
No more wondering what is going on with your Catholic events or groups.
Organize all of your faith life with Tabella and stay in touch with other members of your community.
𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗦𝘁. 𝗧𝗵𝗼𝗺𝗮𝘀 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝗲𝘀𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵
(𝒔𝒖𝒑𝒆𝒓𝒔𝒆𝒅𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝟒𝒕𝒉 𝑺𝒖𝒏𝒅𝒂𝒚 𝒊𝒏 𝑶𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒓𝒚 𝑻𝒊𝒎𝒆)
𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟮𝟴
O God, who made Saint Thomas Aquinas outstanding in his zeal for holiness and his study of sacred doctrine, grant us, we pray, that we may understand what he taught and imitate what he accomplished. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, God, for ever and ever.
IKA-4 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | Banal na Misa | Enero 27, 2024
Aleluya! Aleluya!
Bayang nasa kadiliman
sa lilim ng kamatayan
ngayo’y naliliwanagan!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 1, 21-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, si Hesus at ang mga alagad at nagpunta sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.
Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal na mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Purok 1 Banlic
Calamba
4027
Opening Hours
5pm - 7:30pm |
Barretto 46
Calamba, 4027
Diocesan clerics may be members of the Third Order for all effects and purposes and can take a full part in all its activities, although without lay characteristics insofar as this...
Calamba
The official page of San Agustin Parish - Brgy. Parian, Calamba City, Laguna
Calamba
Recollect Augustinian Youth (RAY) is a Catholic ecclesial youth movement sponsored by the Order of
Don Bosco Street
Calamba, 4028
The Knights of the Altar is an organization of boys and men who serve Our Blessed Lord at His altar. It was organized in September 1938, in response to many requests from priests,...
菲律宾
Calamba
God is our rock and our support. A wise virgin can hear God's voice, follow God's footsteps, a
Calamba
This page is been created for the youth of Siranglupa-Kanluran (SI-KA).
San Sebastian College-Recoletos Canlubang, Carmelray Industrial Park I, Canlubang, Calamba City, Laguna
Calamba, 4028
Help us build this Church ✅ https://onesansebastian.org/church
Calamba, 4027
The Feast Calamba. Every Sunday @ Paseo Uno De Calamba. Mass starts at 9:00 am.
Barangay Looc
Calamba, 4027
Opisyal na page ng Saint Mary Magdalene Parish - Looc, Calamba City.