Poseidon Dominic Corona

01/04/2024
Mobile uploads 23/02/2024

Sports officiating Eraโ™ฅ๏ธ๐Ÿฅน

19/10/2023

Okay na ako hihi๐Ÿ˜

14/10/2023

MIXED SIGNALS

14/10/2023

NASA TALKING STAGE KA BA?
-Kuya Jugs

05/10/2023

Grabe ba October 5, 2023 Francis

16/09/2023

๐Ÿ’ฏ

13/09/2023

KAGULO NA MAY KONTING TIKTOK

02/09/2023

V #2 : CAMPUS HANGOUT

01/09/2023

๐ŸŒŸ ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—น ๐—ข๐˜‚๐˜! ๐ŸŒŸ

Ready na ba kayo sa bagong school year, o sa mga nagsimula na, kamusta naman ang simula ng school year n'yo? ๐Ÿ˜Š Alam naming namiss n'yo ang mag gather kaya naman introducing "Campus Chill Out" โ€“ an event made for students like you! ๐Ÿ˜Ž

๐Ÿ—“๏ธ ๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ: September 2
๐Ÿ•‘ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: 2:00 PM
๐Ÿ“ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป: ENC Student Center

Don't miss out on the fun โ€“ spread the word and invite your friends and classmates students. The more, the merrier! ๐Ÿฅณ

01/09/2023

Vlog kimiiiiiii

Photos from La Aroma Cafรฉ's post 30/08/2023
05/08/2023

Make it a habit to check your love ones. Learn warning signs...we all have role to play because depression is a real thing.

30/07/2023

"Sa Tamang Panahon"

Sa paglaon ng oras aariin din ang lakas
Magkakaroon ng liwanag ang daang binabagtas
Sa paglakad nang panahon mga bagay man ay lumilipas
Muling magkakakulay ang litratong kumukupas

Hahanay ang bituwin sa makinang na kalangitan
Susulyap at ngingiti ang marikit na buwan
Iihip nang banayad ang hangin sa parang
Kasabay nang indayog nang mumunting halaman

Kakalma ang nagngangalit na tubig nang dagat
Mawawala ang talim at lakas ng kidlat
Matamis na musika ay magiging sapat
Upang mahipo ang apoy na sa pag-ibig ay salat

Marahil sa ngayon napapagod at nalilito
Sa bawat pangyayari at elemento ng mundo
Ngunit sa pagmamasid, mamumulat at matututo
Na sa tamang panahon maiiba ang kwento

Sa bawat hagdan na pinipilit akyatin
Naka abang ang tagumpay kung gagamitin ang paningin
Matalas na isip at matatag na damdamin
Ang natatanging sangkap upang ginto ay ariin din

Sa tamang panahon hahanay ang lahat
Kung saan ang paghihirap ay magiging sapat
Ang bundok at ulap ay pantay na magtatapat
Ang bawat paghikbi ay magiging halakhak

Credit sa may ari ng picture.

26/07/2023

Hindi ko alam kung baโ€™t tayo humantong sa ganito;

Walang kinang, walang kilig at ang tugon ay pagsuko.
Walang lambing sa gabing bumubulong ang pagsamo.
Walang imik, walang lingon, mga mata'y 'di mapako.
Lahat ng pangarap, pangako bigla na lang naglaho โ€”

๐’๐ข๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ค๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ค๐จ,
๐€๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ง ๐ค๐š ๐ค๐š๐ก๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ ๐ฎ๐ซ๐š๐๐จ.

14/07/2023

โ€œ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ป๐—ฒ๐˜โ€ ๐ŸŽฃ

๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ, โ€œ๐˜›๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ธ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต-๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ข๐˜ต, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถโ€™๐˜ญ๐˜ญ ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ!โ€ ๐˜š๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฅ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜บ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ฏโ€™๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ข๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ ๐˜ง๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ต. โ€”๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ 21:6

Sometimes, itโ€™s very frustrating when things donโ€™t go as planned.

Mahirap.
Nakakalungkot.
Masakit sa puso.
But when I meditated this one scene from the bible when Jesus met the bothered and problematic Simon, my faith became vast about the way of God.

Here are the things I learned when Jesus said, โ€œ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ป๐—ฒ๐˜โ€

1.) Casting your net means to empty your hands.
Yes, emptying your hands is saying, โ€œGod, I am trusting your will.โ€

Hindi mabibigay ni Lord yung gusto nyang ibigay hanggaโ€™t may hawak hawak ka pa.

What are does? Yung mga bagay na akala natin security natin. Yung mga bagay na pinagkatiwalaan natin ng husto bukod kay Lord.

2.) Casting your net means to โ€œLET GOD.โ€
Allow Himโ€” na mangialam sa buhay mo.

When things donโ€™t go as planned, maybe God is trying to signal a โ€œTime-out.โ€
Enough of your own plans, this time trust Him to make His plans be visible in your life again.

3.) Casting your net means moving in the directions of God.

Oh what an awesome reminder that we are not alone. May pakialam sya and He wants to guide you, only if youโ€™ll obey.

Lastly, Kapag corner ka na sa kaliwa at sa kanan, sa harap at sa likod, yung taas bukas pa. ๐Ÿค

Dear Friday, My God is able.
I am casting my net today.

13/07/2023

โ€œAlaalang โ€˜Di Malimotโ€

Bagabag ng damdaming
Di mapigilan
Mga kabang nararanasan
Saglit ko na namang naramdaman

Tila ang mundo koโ€™y paulit-ulit
Sa bawat alaala ng nakaraan
Maalis na sana sa isipan
Yun ang nais makamtan

Ito na lang ang magsisilbing aral
Upang akoโ€™y magtagumpay
Harapin ang takot,
Kahit Akoโ€™y nahihirapan

Alam kong di maalis sa isipan
Ang bangungot ng nakaraan
Ito na lang ang alaalang
Di ko malimutan na sana'y maibsan.

12/07/2023

"PAGLISAN"

Hawak mo na ang aking mga kamay
Ngunit bakit iyo pang binitawan?
Ako'y tinalikuran mo at biglang nilisan
Umalis ka nang wala man lang paalam

Ulap, dilim, lamig at ulan
'San pa ba maaaring ihalintulad ang damang pighati?
Sa iyong paglaho at paglisan
Papaano ako makatatayo at makababawi?

Sa mundong tayong dalawa mismo ang bumuo
Ika'y umalis; iniwang luhaan at sugatan ang aking puso
Ano ba ang dahilan kung bakit tayo humantong sa puntong ito?
Ako ba ang may kulang o ikaw ang hindi nakuntento

Pilit akong nagbulag-bulagan
Kahit na niloloko mo na ako nang harapan
Dahil para sa relasyong aking iningatan at pinanghahawakan
Handa 'kong tiisin ang sakit na nararamdaman

Hindi ko batid kung papaano mo nagawa sa akin ito
Pagmamahal naman ay ibinigay ko nang buo
Labis ang dalamhati ko at hinayang
Sapagkat ito'y di mo nagawang suklian man lamang

Luha ngayo'y di na mapigil sa pagpatak
Ako naman sana ay naging tapat ngunit di pa rin sapat
Wala na rin akong magagawa
Kung sa kanya ka sasaya, ako na ang magpaparaya

Kay lalim ng isang bangin
Ang sugat na iniwan mo sa aking damdamin
Ngunit tulad ng araw na unti unting sumisikat sa gitna ng dilim
Alam kong ang nararamdaman ko'y lilipas din

-GINOONG FRANCIS

06/07/2023

Sa oras na namamanhid at napapagod ka na,
piliin mo sana ang mamahinga.
Kung pagbitiw ang naiisip na tugon
sa bawat alitan nating dalawa,
pagkapit mo sana'y mas higpitan pa.
Kung sa tingin mo nama'y malamig na
ang bawat halik at yapos ko sa gabi,
nawa'y huwag sumagi sa 'yong isip
na umalis sa aking tabi.
Sapagkat may mga panahong
katunggali ko rin ang aking sarili.

At kung paglisan na ang sagot mo
sa tanong ng ating pag-ibigโ€”
Mahal, pakiusap manatili ka.

28/06/2023

paano kung masaktan kita?"

"hindi ba't darating naman talaga ang panahon na masasaktan natin ang isa't-isa? maari kitang masaktan nang hindi ko nalalaman, at maari mo kong mapaluha ng dahil sa maliliit na dahilan. kaya ayos lang. ayos lang na masaktan ako, handa naman akong patawarin ka. basta ipangako mo sa akin na aayusin natin nang magkasama."

sa totoo lang, natatakot din ako. nangangamba ako na isang gabi ay makabisado mo ako โ€” at kinabukasan โ€” pagsapit ng umaga ay maging estranghero na lamang tayong magkakasalubong sa isang kalye o pamilyar na baryo.

ayoko muling mabigo sa pag-ibig at maranasan ang sakit na kinailangan kong pawiin bago kita matagpuan. kaya noong dumating ka, muli kong ipinagkatiwala ang puso ko at muli akong umasa na hindi na ako bibiguin ng dala mong pag-ibig na araw-araw kong idinalangin sa kalawakan.

sinta, hindi ba't sinabi ko sa'yo? ayos lang naman kung sakaling masaktan mo ako. pero kailanman, hindi ko hiniling na masaktan ako sa paraan ng paglisan mo.

28/06/2023

Hindi mo na kailangang mabahala sa mga araw na paparating. Dahil lagi't lagi, ano man ang mangyari โ€” ikaw ang aking pipiliin.

Makakaasa kang hindi ko bibitiwan ang iyong mga kamay. Sasamahan kita sa daan ng kabiguan at parada ng tagumpay. Kasama mo ako sa bawat bagyo at bawat kalma, sa pagdalaw ng lungkot at pagdaloy ng saya.

Hayaan mong punasan ko ang mga luhang tumatabing sa angkin mong kagandahan. Ituring mo ako bilang iyong pahinga at sandigan โ€” sa mga yakap ko ay maaari kang manahan. Dito kung saan laging may espasyong tanging sa'yo lang nakalaan. Umaraw man o umulan โ€” maaari mo akong uwian.

Hindi man sigurado itong ginagalawan nating mundo โ€” may mga daang nakakalito at may mga oras na magulo. Ngunit iisa lang ang natitiyak ko โ€” malinaw ang ibinubulong ng puso. Ikaw lang ang pipiliin sa bawat tagpo.

26/06/2023

hindi lahat ng tula ay dapat palaging tugma,
dahil may malayang taludturan na laging handa,
at kung makabuluhan ang pyesa at paksa,
Maaring ang iyong tula ay maging kamangha mangha at akma

24/06/2023

๐Ÿ˜

23/06/2023

Totoo ngang may pagtatagpo sa maling panahonโ€”pero sa tamang tao.

Ipakikilala sa'yo ang pag-ibig na totoo, buo ang intensyon at walang pagpapanggap na tila ba ang lahat ay walang hangganan. Iparamdam sa'yo ng tadhana ang pagmamahal sa maginoong galaw na tanging kayo lang ang nakararamdam ng paraiso.

Matagpuan niyo ang isa't isa sa ilalim ng banayad na ulap ngunit hindi niyo alintana ang hampas ng alon sa baybayin. Marahil, isang pahiwatig lamang na kapag may banayad ay may paghampas din na kabaliktaran sa pagmamahalan. Ngunit pag-ibig ang siyang maituturing sa pagitan ng tingin at damdamin. Sa bawat "magandang umaga" at "kumain ka na?" Sa pagbibigay ng oras sa pagpupuyat abutin man ng umaga.

Gayunpaman, katulad ng isang k'wento magtatapos din ito. Gaya ng isang pangungusap na kailangang tuldukan sa katapusan. At kabanatang tatapusinโ€”wawakasan.

Totoo na may pag-ibig sa maling panahon dahil sa tamang pagtrato ng isang tao. At iyon ang k'wentong nabuo sa pagitan ng Ikaw at Ako.

โ€”
Ginoong Poseidon

Photos from Poseidon Dominic Corona's post 21/06/2023

With my classmates who push me to do better๐Ÿ’ฏ๐Ÿ’–

Picturan sa Art appreciation
with Mam Angel

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Okay na ako hihi๐Ÿ˜
MIXED SIGNALS
NASA TALKING STAGE KA BA?-Kuya Jugs
Okay na ba?
๐Ÿ˜ฃ๐Ÿ˜ฃ
Saktan mo lang sarili mo hanggang mapagod ka by kuya jugs

Category

Telephone

Address


Catechist Lane
Calapan

Other Athletes in Calapan (show all)
Ryza lovelle ical Ryza lovelle ical
Calapan

DEAF

Rodel Vaygan Fans   #vayganatics Rodel Vaygan Fans #vayganatics
Calapan, 5100

This is a FAN PAGE of RODEL BAYGAN(VAYGAN) not an official account of him. We are the VAYGANATICS.

Karatistang PARAK Karatistang PARAK
Calapan

Motivated

ruel m cosico ruel m cosico
Gumamela Street
Calapan, 5200

Taekwondo Taekwondo
In Front Of Dpwh, Calapan City
Calapan, 5200

?

Calapan City Badminton Club - CCBC Calapan City Badminton Club - CCBC
Calapan, 5200

Train Hard โ€ข Have Fun โ€ข Win Championships ๏ฟฝ

Sepak takraw DWCC Sepak takraw DWCC
Dwcc
Calapan, 5200

Life's too short to wait.

Kobe Deacosta Kobe Deacosta
Sitio Guyaman
Calapan

Lagayan ng mga Basketball Videos ko "Memories-Memories-Memories" Future Pro Basketball Player๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™