Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS

A group of talented youth from Our Lady of Fatima Chapel Youth Ministry - Libis
We are gifted to give. A Filipino Youth In Mission: Beloved.Gifted.Empowered.

23/01/2024

๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ 21, 2024 | ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐’.

โ€œ๐šƒ๐™ฐ๐šˆ๐™พ ๐™ฝ๐™ฐ ๐š‚๐™ฐ ๐š‚๐™ธ๐™ฝ๐š„๐™ป๐™พ๐™ถ, ๐š…๐™ธ๐š…๐™ฐ ๐™ฟ๐™ธ๐šƒ ๐š‚๐™ด๐™ฝ๐šˆ๐™พ๐š!โ€

Ipinagdiwang sa ating kapilya ang kapistahan ng Sinulog o ang pista ng Sto Niรฑo. Sa pamumuno ng mga kabataan ng Libis Chapel - Centro ay nag handog sila ng sayaw sa Sinulog bilang pag pupugay sa kapistahan ng Sto Niรฑo. Lubos na pinasasalamatan ang lahat ng kabataan na naglaan ng panahon para maisagawa ang pagtatanghal na ito.

๐‘ณ๐’–๐’ƒ๐’๐’” ๐‘ฐ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š ๐’”๐’‚๐’Š๐’๐’š๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐‘ช๐’€๐‘ด ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚๐’Ž๐’Š๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’Š๐’”๐’•๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’๐’๐’ˆ.

16/01/2024

"MALIGAYANG KAPISTAHAN NG STO. NIร‘O!!!!

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng kapistahan ng Sto. Niรฑo ngayong darating na Linggo, January 21, 2024, ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo sa ating Banal na Pagdiriwang sa ganap na ala-sais ng Umaga (6:00AM) at dalhin ang inyong mga Poon/Imahe ng Batang Hesus para sa espesyal na pagbabasbas. Mamimigay din po tayo ng mga Candies para sa mga bata pagkatapos ng ating misa.

Hangad po namin ang inyong pakikiisa sa lahat ng gawain ng ating Kapilya.

Maraming Salamat Po!!!

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 09/01/2024

๐—๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† 07, 2024 || ๐—›๐—”๐—ฃ๐—”๐—š-๐—ž๐—”๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข: "๐—ž๐—จ๐— ๐—”๐—œ๐—ก, ๐— ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”"

Sa proyektong itinatag ng Fatima Chapel Youth Ministry (FCYM) na Hapag-Katesismo, para sa pagdiriwang pa rin ng Kapaskuhan at ng Panibagong Taon, sila ay naghandog ng kaalaman sa mga kabataan na sakop ng kanilang kapilya, patungkol sa paglalakbay nina San Jose at Birheng Maria mula sa Nazaret patungong Betlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesus. Dito rin ay kanilang ibinahagi na ating ipinagdiriwang ang araw ng Pasko nang may pagbibigayan, pagmamahalan, at pagkakaisa.

Matapos nito, kanila namang binigyang ngiti ang mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang inihandang masarap na pagsasaluhan at mga simpleng handog na laruan bilang pasasalamat sa kanilang pakikiisa at pakikibahagi sa araw na iyon.

Sa pamamagitan nito, ipinakikita na kasama niyo ang mga kabataan ng ating kapilya sa paglalayon na magtanim ng pagmamahal at pagpapahalaga sa Mabuting Balita ng Panginoon para sa lahat ng mga kabataan ng ating lugar.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa aming aktibidad na ito. Hindi ito maisasakatuparan kung hindi sa tulong ng mga indibidwal na may mabubuting puso na mag-sponsor at makiisa sa pagpapatuloy nito. Mabuhay po kayong lahat!

๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž, ๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™๐˜พ๐™”๐™ˆ, ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™จ๐™–!

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 09/01/2024

๐——๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ 25, 2023 || ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€

Matapos ang ilang taong pagharap natin sa pandemya, ang ating Batang Sanggol na si Hesus ay muling dumalaw sa ating mga tahanan upang tayo ay kanyang basbasan ng biyaya at pagmamahal.

Noong nakaraang Disyembre 25, 2023, ang mga kabataan ng ating kapilya, kasama ang imahen ng batang Hesus, ay bumisita sa mga tahanan na nasasakupan ng ating kapilya bilang paggunita sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo sa mundo.

Nawa'y sa pamamagitan nito, tayo ay patuloy na maging instrumento ng paghahatid ng pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan sa bawat isa!

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 09/01/2024

๐˜ฟ๐™š๐™˜๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง 24, 2023 || ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ โ€ข ๐™‹๐™–๐™œ๐™ข๐™ž๐™ข๐™ž๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™—๐™ž ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ

Ang Panunuluyan ay isang tradisyong Kristiyano ng mga Filipino. Isinasadula nito ang mahirap na paglalakbay nina San Jose at Birheng Maria mula sa Nazaret patungong Betlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesus.

Narito ang ilan sa mga litratong kuha mula sa nagdaang Panunuluyan na pinangunahan ng FCYM, mga kabataan ng ating kapilya.

Dito ay naging saksi ang lahat sa ilang ulit na pagtaboy kay Jose, Maria, at sa Sanggol na nasa sinapupunan ng mahal na ina. Nawa'y ating laging dalhin ang aral ng Panunuluyan at laging maghanda ng puwang sa ating mga buhay para kay Hesus.

"๐‘ท๐’‚๐’‘๐’–๐’“๐’Š ๐’”๐’‚ ๐‘ซ๐’Š๐’š๐’๐’” ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’Š๐’•๐’‚๐’‚๐’”๐’‚๐’, ๐’‚๐’• ๐’”๐’‚ ๐’๐’–๐’‘๐’‚'๐’š ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’•๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’–๐’๐’–๐’ˆ๐’…๐’‚๐’ ๐‘ต๐’Š๐’š๐’‚!"

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜!

01/12/2023

Sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.
- 2 Corinthians 9-7

โค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Sa tuwing sasapit ang Pasko, ang ating Kapilya ay nagkakaroon ng isang proyekto para maipagpatuloy ang pagbibigay natin ng munting Noche Buena Package para sa ilang pamilya na mas nangangailangan dito sa ating komunidad. Kaya naman po ngayong taon ay ating ilulunsad ang

"BIYAYA TAYO SA ISA'T-ISA"
-a Christmas Gift-Giving Project-

Mayroon tayong Noche Buena Package na maaaring ipa-reserba o bilhin sa halagang P250.00

Hangad ng ating Kapilya na makapagbigay sa 200 families o higit pa at maipamigay ito Bago sumapit ang kapaskuhan para may maidagdag o maihain sila sa kanilang Noche Buena.

Nawa lahat Tayo ay Maging Biyaya sa isa't-isa!๐Ÿ™

Maraming Salamat ๐Ÿฅฐ

24/10/2023

โ›ช Our Lady of Fatima Chapel-Libis

๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐„ ๐Ž๐… ๐’๐€๐ˆ๐๐“๐’ 2023

Be HOLY this coming HOLY-WEEN!

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal ay inaanyayahan ang mga lingkod, mamamayan at maninimba sa ating Kapilya, Our Lady of Fatima Chapel-Libis upang makiisa sa Parade of Saints kung saan itatampok ng ating mga kasuotan ang ibaโ€™t ibang santo ng simbahang katoliko sa pangunguna ng Fatima Chapel Youth Ministry

Halinaโ€™t kilalanin at pagnilayan ang buhay ng mga Santo at Santa na gumaganap bilang gabay tungo sa kabanalang ating inaasam.

๐Ÿ—“๏ธ October 29 | Sunday

2:30PM ๐Ÿ”ท Assembly Time/Formation

3:00PM
๐Ÿ”ท Prayerful Procession
๐Ÿ”ท Parade of Saints
๐Ÿ”ท Culmination of the Month of Holy Rosary ๐Ÿ“ฟ
๐Ÿ”ท Blessing
๐Ÿ”ท Awarding of Best in Costume

Prizes:

๐Ÿ”ธ 1st place - 1,000.00
๐Ÿ”ธ 2nd place - 800.00
๐Ÿ”ธ 3rd place - 600.00

Consolation:

6 winners - 100.00

๐Ÿ”นSpecial Prize
(Mama Mary Costume)
5 winners - 200.00

โ€ขNO REGISTRATION FEEโ€ข

Inaasahan po namin ang inyong buong pusong pakiki-isa.

Maraming Salamat po!

03/10/2023

๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™ž๐™˜ ๐™€๐™˜๐™˜๐™ก๐™š๐™จ๐™ž๐™–๐™ก ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (๐˜ฝ๐™€๐˜พ) | 09.30.2023
๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ข๐™– ๐˜พ๐™๐™–๐™ฅ๐™š๐™ก ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ฎ (๐™๐˜พ๐™”๐™ˆ)

Sa bawat pagtitipon, mas pinalalakas namin ang aming ugnayan sa Diyos at sa isa't isa. Ito ang aming landas tungo sa mas malalim na kaalaman at pag-ibig kay Kristo. Nawa'y ito ay maging daan tungo sa mas masayang samahan at mas malalim na pananampalataya ng mga kabataan ng aming kapilya.

Photos from Our Lady of Fatima Chapel - LIBIS's post 03/10/2023

โœจ ๐‡๐Ž๐‹๐˜ ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜ ๐Ÿ“ฟ
Daily Rosary | Oct.02, 2023
๐Ÿ™ BEC-FCYM / Block Rosary

Let us pray the ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ for peace, love, good health, and protection from evil.

๐Ÿ“ฟ

30/09/2023

โœจ ๐‡๐Ž๐‹๐˜ ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐˜ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐Ÿ“ฟ
๐Ÿ—“๏ธOctober 01, 2023
๐Ÿ•œ after 6:00AM Mass

"๐‘ถ๐’„๐’•๐’๐’ƒ๐’†๐’“, ๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘ฏ๐’๐’๐’š ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’“๐’š ๐‘ด๐’๐’๐’•๐’‰, ๐’Š๐’ ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ ๐‘ช๐’‚๐’•๐’‰๐’๐’๐’Š๐’„๐’” ๐’„๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’•๐’† ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐’‘๐’‚๐’”๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’๐’… ๐’…๐’†๐’—๐’๐’•๐’Š๐’๐’."

Let us pray the ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ for peace, love, good health, and protection from evil.

โญ Please Bring you Rosary and Candle.

๐Ÿ“ฟ

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 23/09/2023

09.23.2023 || Diocesan BEC Big Day 2023
"Makinig, Makilakbay, Magmisyon"

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 22/08/2023

Cheers guys for a job well done!!! Totally deserve it ๐Ÿ’–๐Ÿ™ 4-0 ๐Ÿ˜Š

FRATRES - Libis Chapel ๐Ÿ€๐Ÿ†๐ŸŽ‰๐Ÿฅฐโ›น๏ธ
C H A M P I O N
๐Ÿ™Parochial Altar Servers Week 2023

15/04/2023

LIVE | 6:00am | April 16, 2023

Divine Mercy Sunday | Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Unang Pagbasa: Mga Gawa 2, 42-47

Salmon Tugunan: Salmo 117, 2-4. 13-15. 22-24
๐Ÿ”ท"Butihing Pooโ€™y purihin,
pag-ibig nโ€™yaโ€™y walang maliw.",

Ikalawang Pagbasa: 1 Pedro 1, 3-9

Mabuting Balita: Juan 20, 19-31

Panalangin ng Bayan:
๐Ÿ”ท Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalingin!

Tagapanguna sa Banal na Misa:
Rev. Fr. Bench Balsamo, MSC

06/04/2023

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating Banal na Pag diriwang ngayong Huwebes Santo sa ganap na alas- Sais ng gabi.

Isasagawa rin ang Pag poprosisyon ng Banal na Sakramento at Pagtatanond sa Altar ng Repositoryo.

Maraming Salamat po..

03/04/2023

โ€œPABASAโ€ is a Filipino Catholic ritual involving uninterrupted chanting of Christ's life, passion, death, and resurrection. ๐Ÿ“–

04โ€ข03โ€ข23 ๐Ÿ™

02/04/2023

Mapagpalang Linggo ng Palaspas ๐ŸŒฟ

04โ€ข02โ€ข23 ๐Ÿ™

01/04/2023

โœ๏ธ P A A N Y A Y A โœ๏ธ

Ito po ang Libis Chapel Schedule para sa Semana Santa 2023.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa mga pagdiriwang na gagawin ng ating Kapilya.

MAHALAGANG MALAMAN:
Mga Kapatid, hindi lamang po ang Stations of the Cross, Pabasa, o Siete Palabras ang dapat nating daluhan sa mga Mahal na Araw. Higit po sa mga ito, ang pagdiriwang ng โ€œPASCHAL TRIDUUMโ€ o Triduo ng Paskuwa po ang siyang dapat na pag-ukulan po natin ng pansin at panahon. Ang Paschal Triduum po ang dapat nating prayoridad. ๐Ÿ™

Ang Paschal Triduum ang pinaka-rurok o pinaka-banal na mga araw sa kalendaryong liturhikal ng simbahan. Napapaloob dito ang Misa ng Huwebes Santo, ang liturhiya ng Biyernes Santo at ang Bihilya ng Muling Pagkabuhay na ginaganap tuwing Sabado de Gloria ating binibigyang diin at sinasariwa sa mga araw na ito ang DAKILANG PAG-IBIG NG DIYOS PARA SA ATING LAHAT.

30/03/2023

Mapagpalang Linggo ng Palaspas ๐ŸŒฟ
April 2, 2023 - 6:00AM

11/03/2023
20/02/2023

"Alalahanin mong sa abo ang iyong pinangagalingan at Abo rin sa wakas ang iyong babalikan."

โœ๏ธGenesis 3:19

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo at makibahagi sa ating Banal na pag diriwang.

Sa araw na ito, sinisimulan natin ang Banal na Panahon ng Kuwaresma o ang Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay.

12/01/2023

Halina't sabayan kaming mga kabataang isayaw ang ating mga Santo Niรฑo sa Linggo, January 15, 2023 sa ganap na ika-anim ng umaga!๐Ÿ‘๐Ÿฅณ๐Ÿฅฐ

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 16/12/2022

โ€œWhen Jesus touches a young personโ€™s heart, he or she becomes capable of truly great things.โ€ - Pope Francis

"Sa pagsisimula ng Simbang Gabi, ipinagdiriwang ng lahat ng kabataan sa buong mundo ang National Youth Day. Ito ay isang pagdiriwang ng Simbahang Katoliko upang ipahayag ang konkretong paraan ng dakilang pagmamahal para sa mga kabataan. Isa itong pagkakataong inilaan para sa mga kabataan upang magdiwang at mapalalim ang kanilang pananampalataya at isang natatanging pagkakataon na magsama-sama bilang isang katawang pinagbuklod sa iisang paglalakbay patungo sa malalim na ugnayan kay Kristo."

Maligayang Pambansang Araw ng mga Kabataan! ๐Ÿฅณ Nawa'y ang bawat isa ay patuloy na maglingkod at magsilbing inspirasyon sa mga kapwa natin kabataan! ๐Ÿ’™

13/12/2022

Ang mga Simbang Gabi ay panahon ng taimtim na pananalangin, at ang ating mga panalangin ay dapat naka-sentro sa mga sumusunod:

1. Pagpupuri sa Diyos (Adoration);
2. Paghingi ng tawad (Confession);
3. Pasasalamat sa mga biyaya (Thanksgiving);
4. Paghingi ng grasya (Supplication).


ยฉ
---------------------------------
Ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa sa ating Misa de Gallo at sa mga misa ngayon panahon ng Kapaskuhan.

โœจ Christmas Season Scheduleโœจ

*MISA DE GALLO
Dec.16-24 | 4:30 AM

*CHRISTMAS EVE
Dec.24 | 7:00 PM

*CHRISTMAS DAY
Dec.25 | 9:00 AM
(Mass at susundan ng Binyagang Bayan)

*NEW YEAR'S EVE
Dec.31 | 7:00 PM

Sa mga nangnanais pong magpamisa, mangyari pong makipag-ugnayan sa mga miyembro ng ating kapilya o magpadala ng mensahe dito sa ating FB page.

Maraming salamat po.

Photos from Fatima Chapel Youth Ministry - LIBIS's post 26/10/2022

โ›ช Our Lady of Fatima Chapel-Libis

๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐„ ๐Ž๐… ๐’๐€๐ˆ๐๐“๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Be HOLY this coming HOLY-WEEN!

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal ay inaanyayahan ang mga lingkod, mamamayan at maninimba sa ating Kapilya, Our Lady of Fatima Chapel-Libis upang makiisa sa Parade of Saints kung saan itatampok ng ating mga kasuotan ang ibaโ€™t ibang santo ng simbahang katoliko sa pangunguna ng Fatima Chapel Youth Ministry

Halinaโ€™t kilalanin at pagnilayan ang buhay ng mga Santo at Santa na gumaganap bilang gabay tungo sa kabanalang ating inaasam.

๐Ÿ—“๏ธ October 30 | Sunday

3:30PM ๐Ÿ”ท Assembly Time/Formation

4:00PM ๐Ÿ”ทPrayerful Procession
๐Ÿ”ท Parade of Saints
5:00PM ๐Ÿ”ท Culmination of the Month of
Holy Rosary ๐Ÿ“ฟ
๐Ÿ”ท Blessing
๐Ÿ”ท Awarding of Best in Costume
Prizes:
๐Ÿ”ธ1st place 500.00
๐Ÿ”ธ 2nd place 300.00
๐Ÿ”ธ 3rd place 200.00
โ€ขNO REGISTRATION FEEโ€ข

Inaasahan po namin ang inyong buong pusong pakiki-isa.

Maraming Salamat po!

Photos from Our Lady of Fatima Chapel - LIBIS's post 26/10/2022

๐Ÿ”ท PAALALA AT PAANYAYA

Narito po Ang Schedule ng ating mga Misa at gawain ngayong darating na Linggo at Undas:

๐Ÿ“ October 30, 2022 | 6:00AM
Banal na Misa

๐Ÿ“ October 30, 2022 | 4:00PM
๐Ÿ”ธ Culmination of the Month of Holy Rosary
๐Ÿ”ธ Parade of Saints

๐Ÿ“ November 01, 2022 | 6:00AM
Banal na Misa para sa mga Namayapa nating Mahal sa buhay

Inaasahan po namin ang inyong buong pusong pakiki-isa!
Patuloy kayong pagpalain ng ating Panginoon ๐Ÿ™

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Caloocan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

VIVA, PIT SEร‘OR STO. NIร‘O! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Cheers guys for a job well done!!! Totally deserve it ๐Ÿ’–๐Ÿ™ 4-0 ๐Ÿ˜ŠFRATRES - Libis Chapel ๐Ÿ€๐Ÿ†        C H A M P I O N ๐Ÿ™Parochia...
CAKE RAFFLE DRAW JUNE 19, 2022

Website

Address

Libis Baesa
Caloocan
Other Caloocan places of worship (show all)
Jesus Reigns Victoriously Jesus Reigns Victoriously
79 McArthur Hi-way, Monumento
Caloocan

Jesus Reigns Victoriously (JRV / JRCC) is a Christ-centered and a Bible-based Church. We are located

CFC YFC West A High School Based CFC YFC West A High School Based
Caloocan

Young people being and bringing Christ wherever they are.

Vessels for Christ Fellowship-TWBC Vessels for Christ Fellowship-TWBC
TWBC Atis Extension Caimito Street Camarin
Caloocan, 1423

The Vessels for Christ Fellowship is a fellowship of youth in The Word Baptist Church in Camarin, Caloocan City, Phil.

Immaculate Conception Youth Choir (Victory Heights) Immaculate Conception Youth Choir (Victory Heights)
Victory Heights
Caloocan, 1427

ang choir na laging ON CALL =D

Fire Unleashed Ministries Fire Unleashed Ministries
Blk 11 Lot 12 Eden Street Natividad Subdivison Phase 1, Deparo
Caloocan, 1420

Glorify God. Go Make Disciples. Grow Leaders

San Lorenzo Ruiz Kawan San Lorenzo Ruiz Kawan
Caloocan

The official page of San Lorenzo Ruiz Kawan managed by SLR Social Communications and Media Ministry

Mandirigmang Apostoliko Mandirigmang Apostoliko
Caloocan

Theme for the month of September: ๐—”๐—”๐—ช๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—ž๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—›๐—”๐—ก ๐— ๐—ข ๐ŸŽถ

Kapilya ni San Antonio de Padua Kapilya ni San Antonio de Padua
J, Ramos
Caloocan, 1400

Kapilya ni San Antonio de Padua formerly J. Ravels Pastoral Council

Shechem Ministries Shechem Ministries
Saranay Homes, Barangay 171, Bagumbong, North Caloocan
Caloocan

A network of fivefold ministers who are called in the ministry of healing, equipping, and restoration of the Body of Christ through the sharing of the message of the finished work ...

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon
Phase 10-A Package 2 Block 30 Bagong Silang
Caloocan, 1428

Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parish ay isang makabagong pamamaraan sa paghahatid ng mabuting balita. Sa pamamagitan ng Page na ito ay maaari pa rin tayong ma...

Jabez Ministry Jabez Ministry
Caloocan, 1428

Community ministry