Immaculate Conception Youth Choir (Victory Heights)
ang choir na laging ON CALL =D para kay Lord kakanta kami kahit walang practice. Impromptu kung impromptu!
kahit saan, basta para kay Lord, kakanta kami - misa sa simbahan, misa sa kalsada, prusisyon, kasalan, misa sa patay, piyesta - ah basta! Basta ICYC, hindi mahirap ang mahirap kantahin dahil ang pag-awit ay galing sa puso.=D
"Magsisi, talikdan ang kasalanan, at maniwala sa Salita ng Diyos."
Mga ka-parokya, ang Miyerkules ng Abo ang hudyat ng pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma. Ito ang panahon upang talikuran natin ang paggawa ng kasalanan at kasamaan at manumbalik sa Diyos.
Mga pabatid mula sa ating parokya:
Ritu ng Pagsusunog ng Palaspas | Ash Wednesday Masses
Parish Pastoral Visit ni Bp. Gaa
Marriage Encounter Weekend Seminar
Angels for Holy Week
Mga ka-parokya, sa Pebrero 3, magkakaroon ng Healing Mass sa ganap na 9:00 A.M. sa atin pa ring parokya.
San Blas, buong pagmamahal mong ipinalaganap ang pananampalataya, pinagaling ang maysakit, at inialay ang iyong buhay bilang martir. Dalangin namin kami at ang aming pamilya ay maligtas mula sa lahat ng uri ng karamdaman, lalo na sa mga sakit sa lalamunan, at panalangin ko na gaya mo, magkaroon din ako ng lakas ng loob para maging saksi kay Kristo, hanggang sa kamatayan. San Blas, ipanalangin mo kami.
Larawan: Β© Ralph Hammann - Wikimedia Commons, Public domain, via Wikimedia Commons
Lord, we joyfully await for you.
Last night's simbang gabi Gospel was about Mary's Canticle. Here is our simple rendition of David Haas' All That I Am (Magnificat). This is also somewhat of a tribute to all present and past members (can't find older pictures with complete members, pardon me). Always sing with a joyful and grateful heart like Mama Mary!!!π
Day 1 Simbang Gabi π€πΈπΆ
Unang simbang gabi po sa ating kapilya. Kitakits ng 7:30pm!
ATM. Amateur Singing Contest πΆπ€
Happy fiesta!!! π€ππ
O Mary, our queen of love, our way to the loving Son
Our beautiful way to the loving Son. πΆπ€πΈ
Mga ka-parokya, malugod namin kayong inaanyayahan sa gagawing Advent Recollection sa pangunguna ni Reb. Padre Romy Gallo. Tayo nang magnilay upang maghanda sa nalalapit na Adbiyento!
Mga ka-parokya! Malapit na ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan (Christ the King). Ito na ang hudyat na ang Linggo pagkatapos nito ay Linggo na ng Adbiyento (Advent Sunday). Nawa'y makasama namin kayo sa mga gawain sa ating parokya.
Mga ka-parokya, tara na at sabay-sabay nating paglingkuran ang Panginoon.
Mga ka-parokya, Oktubre na naman, Buwan ng Banal na Rosaryo. Halina at dumulog sa ating Mahal na Ina na si Maria sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosaryo.
Mga ka-parokya, ating ipagdiwang ang Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal kasabay ng Unang Anibersaryo ng Pagtatalaga ng ating Parokya, September 14, ganap na 7:00 A.M. kasama si Bishop Antonio R. Tobias, D.D.
Happy Fiesta, mga ka-parokya!
Relic photo courtesy of Jagie Tabusao.
Mga ka-parokya, ating ipagdiwang ang kaarawan ng ating Mahal na Inang Maria sa September 8 sa pamamagitan ng pakikiisa sa isang prusisyon sa ganap na 5:00 P.M., na susundan ng isang Banal na Misa (at ika-8 Misa Novenario) sa ganap na 6:00 P.M. Ito ay pangungunahan ni Bishop Antonio Tobias. Magdala po tayo ng mga bulaklak para sa ating Mahal na Ina para sa isang pag-aalay na gagawin sa grotto ng ating parokya. Happy Birthday, Mama Mary!
Larawan: The Birth of the Virgin, obra ni Erasmus Quellinus II, mula sa Wikimedia Commons
Mga ka-parokya, malugod namin kayong inaanyayahan sa mga pagdiriwang para sa ika-40 Parish Fiesta. Isa na dito ang mga Novena Masses mula September 1 hanggang 9. Narito ang mga Novena Mass presiders at sponsors, pati na rin ang schedule ng Fiesta Mass sa Spetember 10.
Yey! Good to see you and sing with you again Ate Airies. π π₯°π€πΆ
A WARNING TO ALL PARISHIONERS: kapag may lumapit po sa inyo o nakipag-chat na mayroong fundraising (t-shirt, ticket, at iba pa) o donation for a cause ang ating parokya or simbahan, ngunit walang announcement sa mga Misa (pabatid), o sa official facebook account ng parokya at announcement mula sa mga chapel leaders, ITO PO AY ISANG SCAM.
May isang taong nagpapakilalang pari na si Ian Cunanan Cabral ng grupong Tulungang Kristiyano Inc. na gumamit pa ng logo ng ating parokya para makapanloko sa messenger. Sa kasamaang palad ay nakapanloko na siya. Malaki din ang posibilidad na ang pangalan po na ito ay isang alyas lamang.
Huwag mag-atubili na magpadala ng message dito sa official page ng parokya para makasiguro. Huwag agad maniwala sa mga lumalapit o nakikipag-chat sa inyo, kahit na may logo pa ng parokya o ng diyosesis ang kanilang profile.
Maraming salamat po.
Mga ka-parokya, sa darating na May 31, magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na 3:00 P.M. Ito ay bilang pagpaparangal at paggunita sa Kapistahan ng Pagdalaw ni Maria (Feast of the Visitation of the Blessed Virgin Mary). Ang pag-aalay ng bulaklak ay gagawin pagkatapos ng Misa sa harap ng imahen ni Maria sa bagong Grotto ng parokya. Inaasahan po ang lahat na makibahagi.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Victory Heights
Caloocan
1427
79 McArthur Hi-way, Monumento
Caloocan
Jesus Reigns Victoriously (JRV / JRCC) is a Christ-centered and a Bible-based Church. We are located
TWBC Atis Extension Caimito Street Camarin
Caloocan, 1423
The Vessels for Christ Fellowship is a fellowship of youth in The Word Baptist Church in Camarin, Caloocan City, Phil.
Blk 11 Lot 12 Eden Street Natividad Subdivison Phase 1, Deparo
Caloocan, 1420
Glorify God. Go Make Disciples. Grow Leaders
Caloocan
But he said to me, βMy grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.β
Saranay Homes, Barangay 171, Bagumbong, North Caloocan
Caloocan
A network of fivefold ministers who are called in the ministry of healing, equipping, and restoration of the Body of Christ through the sharing of the message of the finished work ...
Pechayan Street Brgy. 178 Camarin
Caloocan, 1400
οΏ½Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. οΏ½Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa ...
81 Concepcion Street , Morning Breeze Subd
Caloocan, 1400
GRACE PARK BAPTIST CHURCH INDEPENDENT β’ FUNDAMENTAL β’ MISSION-MINDED Rev. Aldrin Victor Bernardo, Pastor
CCF Grace Park, GRC Bldg. , M. H. Del Pilar Cor. 9th Avenue Caloocan
Caloocan
CCF Grace Park Across- A Family Ministry Advancing Family Discipleship Across Generations