Fr. Jesus Wenceslao
"Contemplare et contemplata aliis tradere"- To contemplate and to share with others the fruits of co
“Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?” -Matt 20:15
On this 25th Sunday in the Ordinary Time, the parable of the laborers in the vineyard highlights the extravagant GENEROSITY of GOD. The late hired workers received from the landowner the same compensation as the early arrivals, yet this was neither earned by their efforts nor owed to them according to the terms of the contract. It was not something they deserved or merited. It was simply a gift that the Lord was free to bestow at his good pleasure.
The laborers who arrived very early in the morning, however, misunderstood the land owner’s generosity for injustice. We could also say that they got ENVIOUS of the laborers who arrived late and yet received FULL COMPENSATION. ENVY is not simply jealousy, which is the desire to attain or possess what another person has. ENVY is the sin of being upset and unhappy at another person’s good fortune.
TWO LEVELS OF ENVY
First level - BAKIT IKAW MERON, AKO WALA? (not really harmful but if tolerated will bring us to the 2nd level of enviousness)
Second level - DAHIL WALA AKO… DAPAT IKAW WALA DIN (at this level you will do something bad against the person you are envious to- backstab and spread lies against them, destroy what they have, steal what they have etc.)
ANTIDOTE AGAINST THE SIN OF ENVY
1. Focus on the blessings you received (pinagpala ka ni Lord masyado ka lang naka- focus sa blessings ng iba kaya akala mo wala ka)
2. Celebrate the blessings of other people (maging masaya ka para sa mga mabubuting pangyayari sa buhay ng ibang tao)
Theological Message: God’s unfathomable generosity
Moral Message: Cautiousness against the sin of envy
“Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you“
-1 Thessalonians 5:16–18
So ayun na nga. Antagal kong walang drawing dahil busy sa Simbang Gabi. Happy New Year po sa inyong lahat at God bless po :)
Simba po tayo ngayong araw. Yan po ang magbibigay sa atin na totoong pagpapala :)
Joke lang po itong post. Hehe
Amen ✌️🙏😅😍
Maligayang Pasko po sa inyong lahat! Nawa’y lagi tayong gabayan ng liwanag ni Kristo sa lahat ng oras ng ating buhay. AMEN
So ayun na nga. ilang araw akong hindi nakapag.drawing dahil sa sobrang ka.busy.han.
Sa post na ito magtungo muna tayo sa science 😂😂😂
Ngayon po ay aking ipinagdiriwang ang unang anibersaryo ng aking ordinasyon sa pagkapari. Isama po ninyo ako sa inyong mga panalangin ngayon at makakaasa po kayong ipagdarasal ko rin po kayo.
May kakilala ka bang mapalad? Huwag mo na akong imention alam ko nang malapad ako este mapalad 😂😂😂
Oras.jpg
De joke lang. Patungan talaga yon ng kamay kapag nagmimisa. Hehe
Pa.follow narin po ng aking Page. Isang malaking THANK YOU PO!
Dasal po tayo para hindi tayo manghina :)
Patis nalang . Hehehe
Sige nga… tag mo nga 😂😂😂
Tularin natin ang mga CINNAMON 😀 1.. 2.. 3.. Ready.. Awit!
Joke lang po 😂 Mga kids lagi tayo dapat sumunod sa parents natin 😀
Sana ikaw din maka-juice. Hehe
Nagsimula na silang maglakbay... pero parang mali ata sila ng sinundan?
Simba po tayo :)
Homiliya sa Miyerkules ng ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
"Kung ano ang nakikita sa ating panlabas... sya ring dapat ang nasa ating loob"
Homiliya sa Kapistahan ni San Roque
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Pagninilay:
Ngayon pong araw na ito, ating pinagdiriwang ang dakilang kapistahan ng pag-aakyat sa langit sa katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria.
Noong nagtuturo ako ng katekesis sa isang public school sa Taguig, tinanong ko sa mga bata kung ano ang pagkakaiba ng “ascension” sa “assumption”. Dagling sumagot sa akin ang isang bata at ang sabi niya, “hindi ba Brother ang ascension kay Jesus at ang assumption ay kay Mama Mary, ibig sabihin ang ascension ay panlalaki at ang assumption ay pambabae”.
Natawa ako sa kanyang sagot ngunit hindi iyon ang pagkakaiba ng dalawa.
Ascension- Umakyat sa langit ang ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng kanyang sariling kapangyarihan.
Assumption- Iniakyat sa Langit ang Mahal na Birhen, katawan at kaluluwa hindi dahil sa kanyang sariling kakayahan kundi dahil sa kapangyarihan ng Diyos.
Sa pasimula pa lamang po ng Kristiyanismo, pinaniniwalaan na po ang aral na si Maria, matapos ang kanyang buhay dito sa daigdig ay iniakyat ang kanyang katawan at kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit.
Sa Eastern Churches, ang sinasabing nangyari sa huling sandali ng Mahal na Birhen ay tinatawag na Dormition of the Blessed Virgin Mary. Nangangahulugan ng pagkatulog o pagkahimlay ni Maria.
Makatwiran pong hindi namatay at iniakyat sa langit ang Mahal na Birhen dahil siya ay walang bahid ng kasalanan, orihinal man o personal.
Sa pagdiriwang natin na ito ay tinuturuan tayo ng Mahal na Birheng Maria ng paraan kung paano tayo makapupunta sa langit. Atin pong pagnilayan ang 3 disposisyon ng puso ni Maria na naging daan para mapabilang siya sa kaharian ng Diyos.
1. Pakikinig sa Salita ng Panginoon – ayon sa Banal na Kasulatan “Mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos”.
Ano nga ba ang dapat nating gamitin sa pakikinig sa Salita ng Diyos? Hindi lamang ang ating tenga kundi lalo’t higit ang ating puso ang dapat nating gamitin sa pakikinig. Sa salitang HEART. Makikita natin sa gitna ang salitang EAR at ito ay nagpapatunay lamang na ang ating puso ay may tenga at marunong itong making.
Maraming beses din ipinakita sa Ebanghelyo kung paano nakinig si Maria sa Salita ng Diyos at pinagbulay-bulayan ito sa kanyang puso. (Lk 2:19)
Siguro kung bubuksan natin ang puso ng Mahal na Birhen. Punong-puno ito ng ala-ala ni Hesus. Ala-ala ng lahat ng kanyang karanasan at kung papaanong ito ay kanyang tinignan bilang mensahe sa kanya ng Panginoon.
Ang tanong, kung bubuksan kaya ang ating puso, ano kaya ang makikita sa atin?
2. Sumusunod sa Kalooban ng Panginoon – Hindi lang natatapos sa pakikinig ang mga bagay na narinig ni Maria. Ito rin ay kanyang pinagninilayan at sinasabuhay.
Kapag dinadasal natin ang Orasyon (Angelus) sinasambit natin ang mga kataga ni Maria kay Anghel Gabriel, “Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo” (Lk 1:38). Ibig sabihin nito, maganap nawa sa akin ayon sa kalooban ng Diyos. Ipinakita sa atin ni Maria na bilang mga Kristiyano dapat tayong sumunod sa kalooban ng Panginoon at hayaan nating kumilos ang grasya niya sa ating buhay.
3. Nagpapasalamat sa Panginoon – Si Maria kailanman ay hindi nakalimot sa Diyos. Tunay ngang siya ay “Pinagpala sa babaeng lahat” (Lk 1:42). Pinagpala siya hindi dahil sa magaling siya kundi dahil siya ay pinuspos ng grasya ng Panginoon.
Lahat ng bagay na mayroon tayo, (talents, achievements, career) ay biyaya ng Diyos kaya’t huwag tayong makalilimot na ipagsalamat ang lahat ng ito sa kanya.
Isa sa naging inspirasyon nating mga Pilipino nitong nagdaang mga araw ay ang pagkapanalo ni Ms. Hidilyn Diaz ng gold medal sa Olympics. Isa itong malaking karangalan para sa ating bansa
Isa sa mga hinangaan ko sa kanya ay ang lalim ng kanyang pananampalataya sa Diyos. Sabi niya, hindi daw niya alam kung saan nanggaling ang kanyang lakas at nabuhat nia 127 na kilo na barbel. Paano niya nagawa iyon? Sabi niya sa isang interview “Siguro si God iyon and all the people who prayed... Sobrang thankful ako sa lahat ng nagdasal at nagnobena.” (mula sa ulat ng Rappler noong Hulyo 27, 2021)
At hindi lang iyon, pinakita din niya na suot niya ang miraculous medal na tanda ng debosyon niya sa ating Mahal na Ina. Nakatutuwa dahil kahit malayo ang kanyang narating, hindi siya nakalimot sa Diyos at ipinagpapasalamat niya ang lahat nang narating niya sa Panginoon.
Sa pagdiriwang natin ng pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birheng Maria, ipanalangin natin, na sana kagaya niya, makinig tayo sa Salita ng Panginoon, Sumunod tayo sa kanyang kalooban at huwag tayong mkalimot na magpasalamat sa kanya sa lahat ng ating tinatamasa sa ating buhay. Sa ganitong paraan, mapapabilang at makaaakyat din tayo sa Kaharian ng Panginoon – Ang Kaharian ng Langit! AMEN
Halina at sumama sa ating paglalakbay upang mapalalim ang ating pananampalataya bilang mga Katoliko sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga Sakramento: ang mga banal na tanda ng pag-ibig ng Diyos .
Ating palalimin ang kaalaman sa "Sakramento ng Binyag" na tatalakayin ni Rev. Jesus Salonga Wenceslao.
Join Zoom Meeting:
https://us02web.zoom.us/j/81154951235?pwd=dTYvektqc1kwYzZBMllsQkdEQWRuQT09
Meeting ID: 811 5495 1235
Passcode: 581116
BREAKING: CBCP elects Bishop Pablo Virgilio David of Kalookan as its new president
Read more: https://bit.ly/3wtytdn
"Dear friends, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, because many false prophets have gone out into the world." - 1 John 4:1
WALANG LUMAPIT SA PANGINOON NA NAPAHIYA
Pagninilay sa ating Ebanghelyo ngayon- Marcos 5:21-43
Homiliya sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Maligayang Araw ng Kasarinlan sa Lahat 😂
Langit.jpg
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon: Homiliya
Aside from the Solemnity of the Ascension of Our Lord, We also celebrate today World Communications Sunday. The following are some of the highlights from Pope Francis' Communication Message this year.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Caloocan
1406
Caloocan
The official page of San Lorenzo Ruiz Kawan managed by SLR Social Communications and Media Ministry
J, Ramos
Caloocan, 1400
Kapilya ni San Antonio de Padua formerly J. Ravels Pastoral Council
Phase 10-A Package 2 Block 30 Bagong Silang
Caloocan, 1428
Parokya ng Ang Muling Pagkabuhay ng Ating Panginoon Parish ay isang makabagong pamamaraan sa paghahatid ng mabuting balita. Sa pamamagitan ng Page na ito ay maaari pa rin tayong ma...
A. Mabini Street
Caloocan, 1400
San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan Ministry on Liturgical Music
Libis Espina, Barangay 14 Caloocan City
Caloocan, 1400
Kapilya ng Ina ng Laging Saklolo is a Barrio Pastoral Chapel and Council under the Cathedral Parish of San Roque, Diocese of Kalookan.
C. NAMIE Street BRGY. 37, ZONE 4 CALOOCAN CITY
Caloocan, 1003
Official page Señor De Longos Chapel Located in C. Namie Street, Marulas B. Caloocan Cit
Libis Baesa
Caloocan
A group of talented youth from Our Lady of Fatima Chapel Youth Ministry - Libis We are gifted to give. A Filipino Youth In Mission: Beloved.Gifted.Empowered.
Whispering Palms Subdivision, Royal Palm Street, 167
Caloocan, 1400
Official page of St. Joseph, Husband of Mary Chapel - Whispering Palms. This chapel is loca
Doña Rita Street Cor Laon Laan St. , Sampalukan
Caloocan
This is the Official page of the St. Joseph the Workman Parish
Caloocan, 1428
The official Page of Himig ni San Jose Choir of San Jose Amang Mapagkalinga Parish Phase 5.