Municipality of Calumpit, Bulacan
Community group of legitimate Calumpiteños
June 28, 2022 | Blessing and Inauguration of San Jose Multi-Purpose Building
Ngayong araw ay nagkaroon ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Multi-Purpose Building sa Brgy. San Jose na Proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama si Municipal Administrator Myleen T. Pangan at Pamahalaang Barangay ng San Jose.
Ang Paglilingkod na Alay sa Kalumpitenyo hanggang sa mga Huling Araw ng Serbisyo bilang pagtupad sa pangarap at bilang pagpapahalaga, pag gabay, at pag suporta ng Pamahalaang Bayan sa Pamahalaang Barangay ng San Jose.
June 28, 2022 | Blessing and Inauguration of Longos Multi-Purpose Building
Ngayong araw ay nagkaroon ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Multi-Purpose Building sa Brgy. Longos na Proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama si Municipal Administrator Myleen T. Pangan at Pamahalaang Barangay ng Longos.
Ang Paglilingkod na Alay sa Kalumpitenyo hanggang sa mga Huling Araw ng Serbisyo bilang pagtupad sa pangarap at bilang pagpapahalaga, pag gabay, at pag suporta ng Pamahalaang Bayan sa Pamahalaang Barangay ng Longos.
June 25, 2022 | Maligayang Kaarawan Mayor Doc Jess!
Ang mga kawani, tanggapan at Opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa Ama ng ating Bayan, ang masipag at maaasahan na Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus.
Maraming maraming salamat po sa tatlong termino na Paglilingkod, Pagmamahal, at Pagmamalasakit sa Bayan ng Calumpit at sa bawat Kalumpitenyo.
Hangad po namin ang inyong tagumpay sa inyong mga ginagawa, at gagawin sa hinaharap.
God bless po!
God bless Calumpit!
June 23, 2022 | Hanging Bridge sa Sapang Bayan pansamantalang Isinara
Kalumpitenyo, para po sa inyong kaalaman at kabatiran:
Nagkaroon ng malaking depekto ang "hanging bridge" sa Brgy. Sapang Bayan dahil sa naging overloading ng mga tao na nanood ng Libad sa kailugan para sa Kapistahan ng Mahal na Patron San Juan Bautista. Kaya't pansamantala po muna isasarado ang nasabing tulay para sa kapakanan ng mga taong dumaraan dito.
Ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus at ang Tanggapan ng Inhinyero sa ating Pamahalaang Bayan ay agaran na nakipag-ugnayan sa DPWH, sa ating District Engineer, Engr. Henry Alcantara at sa ating Provincial Engineering Office.
Sila naman po ay agaran na tumugon sa pangangailangan at magsasagawa ng assessment ng kanilang mga kawani upang makita ang kabuuang sira at magkaroon ng kaukulang aksyon at solusyon upang maisaayos at magamit muli ang nasabing hanging bridge.
450th Calumpit Town Fiesta
Maligayang Kapistahan
Mahal na Patron San Juan Bautista
June 23-24, 2022
Tema: "Apo Juan: Ang Liwanag Ng Katotohanan Tungo Sa Tuwid Na Daan"
Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus, DMD.
Kalumpitenyo, para sa inyong kaalaman at kabatiran:
Ang Hunyo 23 at 24 ng bawat taon ay idinedeklara ng Sangguniang Bayan ng Calumpit bilang SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY sa buong Bayan ng Calumpit.
June 17, 2022 | Pagbisita ng Calumpit Ministerial Fellowship sa Punong Bayan
Ang pagbisita ng Calumpit Ministerial Fellowship sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus at nagbigay ng kanilang mga mensahe at panalangin bilang tanda ng pagpapahalaga sa naging kontribusyon bilang isa sa tagapag taguyod at natatanging mga tulong at suporta para sa CMF, binati din nila si Mayor Jessie ng kanilang birthday greetings para sa kanyang nalalapit na kaarawan.
June 15, 2022 | Lingkod Bayan Women's Advocacy Support Group - Oath Taking
Ang Panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal at naitalaga na pamunuan ng Lingkod Bayan Women's Advocacy Support Group sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus.
June 15, 2022 | Pagbisita ng Municipal Cooperative Development Council of Calumpit sa Punong Bayan
Ang pagbisita ng Municipal Cooperative Development Council of Calumpit sa pangunguna ni Mr. Marionito Cabasal (MCDC Chairperson) sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus at nagkaloob ng "Plaque of Appreciation " bilang tanda ng pagpapahalaga sa naging kontribusyon bilang isa sa tagapag taguyod at natatanging mga tulong at suporta para sa MCDC.
Paglilingkod na Alay sa Kalumpitenyo hanggang sa mga Huling Araw ng Serbisyo
Isinagawa ang pagbabasbas ng (1) Backhoe pangserbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit lalo na sa Sektor ng Agrikultura, at magiging malaking tulong sa mga magsasaka. Ito ay pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama ang Municipal Agriculture Office.
Paglilingkod na Alay sa Kalumpitenyo hanggang sa mga Huling Araw ng Serbisyo
Isinagawa ang pagbabasbas ng mga karagdagang sasakyan pangserbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kabilang sa mga karagdagang sasakyan na ito ay ang (1) Ambulansya, (2) Innova, at (1) L300 Van.
June 13, 2022 | Paglilingkod na Alay sa Kalumpitenyo hanggang sa mga Huling Araw ng Serbisyo
Ngayong araw ay binisita ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ang kasalukuyang pag gawa ng CALUMPIT SPORTS AND CONVENTION CENTER ganun din ang patuloy na konstruksyon ng mga bagong establisyemento tinatayo sa ating Bayan, ang PUREGOLD CALUMPIT at ROBINSONS EASY MART CALUMPIT.
Araw ng Kalayaan 2022
Ngayong araw ay nagdaos ng simpleng pagala-ala at pagbibigay pugay para sa ating mga Bayani na nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan na ating hinangad at ipinaglaban para sa Kalayaan ng ating Bansa, ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kaisa at kasama ang hanay ng PNP, mga kawani ng BFP, Pamahalaang Barangay ng Poblacion, Municipal Scouting Committee of Calumpit, Knights of Rizal, at Primera Republica Masonic Lodge.
Patuloy nating suportahan ang mga makabagong bayaning nagsasakripisyo sa gitna ng pandemya ating kinahaharap.
Patuloy tayong maging bayani sa sarili nating pamamaraan at kakayahan.
Maligayang Ika-124 taong anibersaryo ng ating Kalayaan!
CALUMPIT KABILANG SA CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE AUDIT PASSER
Ang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ay isa sa pumasa at nakabilang sa Listahan ng mga Kwalipikadong Munisipyo sa Gitnang Luzon at Lalawigan ng Bulacan para sa Child-Friendly Local Governance Audit Passer sa inilabas na resulta ng Department of the Interior and Local Government at Council for the Welfare of Children noong nakaraang May 30, 2022.
Ang Child-Friendly Local Governance (CFLG) ay ginagawa bilang batayan na ang mga institusyon ng lokal na pamahalaan, na matatagpuan sa pamayanan ay mabuti ang ugnayan sa mga bata at makapagbigay nang lubos upang maisakatuparan ang kanilang mga karapatan.
CALUMPIT KINILALA NA 2021 GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING
Binigyan ng pagkilala ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit bilang isa sa Gitnang Luzon at Bulacan na 2021 Good Financial Housekeeping mula sa Commission on Audit. Ito ay sa pangunguna ng ating butihing Punong, Mayor Jessie P. De Jesus sa pagtiyak na tama ang paggastos at pag-ulat ng kaban ng bayan.
Isa sa mga batayan ng COA sa paggawad ng parangal ay ang mga sumusunod: a) Most recent available COA Audit Opinion is Unqualified or Qualified for CYs 2019 or 2020; and b) Compliance with the Full Disclosure Policy - posting of financial documents in 3 conspicuous places and in the FDP Portal for CY 2020 all quarters and CY 2021 1st quarter posting period documents.
Senior Citizens na nagdiwang ng Nonagenarian Kaarawan
Pagkilala at pagpapahalaga ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating masipag at maaasahan na Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa ating mga minamahal na SENIOR CITIZENS na nagdiwang ng NONAGENARIAN Kaarawan.
Personal na iniabot ang Sertipiko ng Pagkilala at Cash grant bilang insentibo na tinanggap ng kanilang mga mahal sa buhay.
Brgy. Panducot - Margarita Gonzales
Brgy. Meyto - Alejandra Dela Cruz
Brgy. Sto. Niño - Maria San Pedro
Brgy. San Miguel - Olimpia Sambilay
Brgy. Pio Cruzcosa - Francisca Calonzo
Brgy. Iba O' Este - Nemencio Reyes
Lakip ang pagmamahal at ang taos-pusong dalangin sa Panginoong Diyos na sila ay magsilbing inspirasyon ng mabungang pamumuhay bilang isang natatanging mga Kalumpitenyo para sa ating mga Kabataan.
June 07, 2022 | Blessing & Inauguration - Balay Silangan sa Calumpit, Bulacan
Binasbasan at Pinasinayaan na ang Balay Silangan Reformation Center sa Calumpit, Bulacan ngayong araw.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Calumpit Municipal Police Station, Pamahalaang Bayan ng Calumpit, Calumpit Municipal Health Office, at Pamahalaang Barangay ng Balungao.
Ang pagpapasinaya sa pasilidad ay pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama ang PDEA Region 3 Deputy RD Martin R. Francia, PDEA Bulacan Provincial Officer Dheo A. Tabor, at Calumpit MPS Chief PLt. Col. Wendell Ariñas.
Binigyang diin naman ng PDEA ang kahalagahan ng mga intervention programs para sa mga indibidwal na gumagamit ng ipinagbabawal na droga para maiwasan ito at binigyan ng pagkilala naman ang patuloy na suporta at pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit laban sa illegal na droga.
Sa Balay Silangan ay mananatili ang mga matutukoy na lulong sa ipinagbabawal na droga para sumailalim sa rehabilitasyon at makapagbagong buhay.
June 06, 2022 | Pagbisita ng Calumpit North District sa Punong Bayan
Ang pagbisita ng Calumpit North District sa pangunguna ni Sir Paul J. Candelaria (District Supervisor) sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus at nagkaloob ng "Plaque of Recognition" bilang tanda ng pagpapahalaga sa naging kontribusyon bilang isa sa tagapag taguyod at natatanging mga tulong at suporta para sa de kalidad na Edukasyon sa ating Bayan.
Ang pagbati ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa Barangay Pio Cruzcosa na nagwagi at nag Champion sa Mayor's Cup 2022 Finals laban sa Barangay Gatbuca na nakakuha ng ikalawang pwesto.
Pinapaabot ng ating Mayor Jessie ang pasasalamat sa lahat ng Barangay o Kuponan sa pangunguna ng bawat Pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan na nakiisa at sumali sa nakaraang Mayor's Cup 2022.
Nagpapasalamat din si Mayor Jessie kasama ang Pamahalaang Bayan sa Calumpit Legends na isa sa nagorganisa at nagsilbing komite sa Palaro para sa ating mga Kabataan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit ay kabilang sa binigyan ng "Functional Rating" sa katatapos na 2021 Peace and Order Council (POC) Performance Audit at "High Functional Rating" sa 2021 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa Lalawigan ng Bulacan.
Isa ito sa mga programa ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus na tinututukan kasama ang ating Kapulisan, mga Anti-Drug & Crime Groups at mga Pamahalaang Barangay dahil ang giyera laban sa iligal na droga ay giyera para sa buhay ng bawat Kalumpitenyo lalo't higit para sa ating Kabataan at bawat mamamayan.
Manatili tayo sa pagkamit ng "Matino, Mahusay, at Maaasahan na Lokal na Pamahalaan sa ating Lalawigan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ay binabati si Mr. Joel Basa Danganan, President & CEO ng JED'S Island Resort na kinilala at binigyan parangal bilang "CEO of the Year" ng Golden Globe Annual Awards for Outstanding Filipino Achiever 2022.
May 31, 2022 | Mayor's Cup 2022 Awarding of Mythical Team (10 players) & Teams in Playoffs
Binigyan ng pagkilala at parangal ang ilan sa manlalaro at koponan ng Mayor's Cup 2022 sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama ang ilan sa Sangguniang Bayan Members ng Calumpit at ang Calumpit Legends.
Ang Mythical Team ay isang Karangalan na ibinibigay sa pinakamahuhusay na manlalaro sa bawat posisyon sa basketball.
1. Panducot #22 Matic
2. San Jose #25 Espiritu
3. Iba O' Este #9 Rueda
4. Poblacion #9 Co
5. Meysulao #13 Lobo
6. Gatbuca #4 Bustillos
7. Gatbuca #25 Cuyus
8. Pio Cruzcosa #11 Salem
9. Pio Cruzcosa #21 Reyes
10. Corazon #26 Gabriel
Pinagkalooban din ng pagkilala ang mga koponan na pumasok at naglaro sa Playoffs ng Mayor's Cup ito ay ang mga barangay, San Jose, Panducot, Poblacion, Corazon, Meysulao, at Iba O' Este.
Kinilala at personal na pagbati ni Mayor Jessie sa dalawang koponan na naglalaban sa Mayor's Cup 2022 Finals ito ay ang Team Gatbuca at ang Team Pio cruzcosa.
May 30, 2022 | Pagbisita ng Calumpit South District sa Punong Bayan
Ang pagbisita ng Calumpit South District sa pangunguna ni Ma'am Edelmira S. Dorega, PhD (District Supervisor) sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus at nagbigay din ng 'Portrait' bilang tanda ng pagpapahalaga sa naging kontribusyon bilang isa sa tagapag taguyod at natatanging mga tulong at suporta para sa de kalidad na Edukasyon sa ating Bayan.
May 30, 2022 | Mensahe ng Punong Bayan sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan
Sa loob ng 9 na taon o tatlong termino tayo ay nagsama-sama at nagkakaisa sa anumang hirap, mga pagsubok, sa saya, sa pandemya, sa baha at kalamidad.
Sa pagtatapos ng aking ikatlong termino bilang inyong Punong Bayan ay babalik ako sa aking pribadong buhay, at sa aking permanenteng titulo bilang mas kilala at minahal ninyo na Doc Jess.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta at patuloy nagpaparamdam ng pagmamahal sa akin, sa aking kapatid at sa aming buong pamilya.
Makaka-asa kayo na ang ating samahan at pagkakaibigan na nabuo sa mga taon na lumipas ay mananatili sa aming mga Puso at isipan.
Mananatili ang aking pagmamahal at pagpapahalaga sa ating Bayan Calumpit at sa bawat Kalumpitenyo.
God bless Calumpit!
May 20, 2022 | Blessing and Inauguration of Meysulao Day Care Center
Ngayong araw ay nagkaroon ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Day Care Center sa Brgy. Meysulao na Proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus. Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator Myleen T. Pangan, Mga kawani ng MSWDO at Pamahalaang Barangay ng Meysulao.
Ito ay pagtupad sa pangarap at bilang pagpapahalaga, pag gabay, at pag suporta ng Pamahalaang Bayan para sa mga bata, mga magulang at sa Pamahalaang Barangay ng Meysulao.
May 20, 2022 | Blessing and Inauguration of Gatbuca Day Care Center
Ngayong araw ay nagkaroon ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Day Care Center sa Brgy. Gatbuca na Proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus. Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator Myleen T. Pangan, Mga kawani ng MSWDO at Pamahalaang Barangay ng Gatbuca.
Ito ay pagtupad sa pangarap at bilang pagpapahalaga, pag gabay, at pag suporta ng Pamahalaang Bayan para sa mga bata, mga magulang at sa Pamahalaang Barangay ng Gatbuca.
May 20, 2022 | Blessing and Inauguration of Panducot Day Care Center
Ngayong araw ay nagkaroon ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng Day Care Center sa Brgy. Panducot na Proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus. Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator Myleen T. Pangan, Mga kawani ng MSWDO at Pamahalaang Barangay ng Panducot.
Ito ay pagtupad sa pangarap at bilang pagpapahalaga, pag gabay, at pag suporta ng Pamahalaang Bayan para sa mga bata, mga magulang at sa Pamahalaang Barangay ng Panducot.
May 04, 2022 | CARE SCC- Oath Taking
Ang Panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal at naitalaga na pamunuan ng CARE Savings & Credit Cooperative (CARE SCC) sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus.
May 01, 2022 | Ang Pagbabasbas at pagpapasinaya ng "Columbarium" sa Simbahan ng San Juan Bautista
Ang Pagbabasbas at pagpapasinaya ng "Columbarium" o ang magsisilbing "Eternal Resting Place of Deceased Love Ones" ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Patron San Juan Bautista kaalinsabay ng Pagdiriwang ng Ika-450 Taong Kristiyanismo sa ating Bayan ng Calumpit (1572-2022)
Ito ay pinangunahan ni Rev. Msgr. Angelito Santiago, Rektor at Kura Paroko ng Katedral Immaculada Concepcion sa Malolos, katuwang si Rev. Fr. Ventura P. Galman, Rektor at Kura Paroko ng San Juan Bautista.
Dumalo at nakiisa sa nasabing gawain ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus, Dating Ombudsman Atty. Emilio "Lot" at Gng. Marietta Centeno-Gonzales na sinaksihan ng bumubuo ng Parish Pastoral Council (PPC).
April 30, 2022 | Mayor's Cup 2022 Opening
Ngayong araw ay isinagawa ang Mayor's Cup Opening dito sa ating Bayan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus kasama ang Calumpit Legends, Mga Pamahalaang Barangay, at Sangguniang Kabataan na nagkaisa at nagtulung-tulong sa pag organisa ng Liga na ito.
Ito ay dinaluhan ng iba't ibang koponan mula sa 29 barangays dito sa ating Bayan.
Ang ligang ito ay naglalayong palakasin ang Sportsmanship, at magandang pangangatawan sa ating mga kabataang Kalumpitenyo.
Sa kabila ng pagluluwag ng COVID-19 Alert Level sa ating bayan, lalawigan at bansa, pagibayuhin pa rin natin ang pagiingat at ang pag sunod sa minimum health and safety protocols at nawa'y maging mapayapa at maayos ang Mayor's Cup 2022 dito sa ating Bayan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta at nanood sa ating Opening at Good luck sa lahat ng koponan at sa lahat ng ating manlalaro!
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ay binabati si Antoinette De Jesus na itinanghal at kinoronahan bilang Miss Teen International of Asia 2022 na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Sports sa kabataang Kalumpitenyo suportado ng Punong Bayan...
Ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ay magsasagawa muli ng "Basketball Sports Clinic Caravan" na isasagawa at iikot sa 29 barangay upang higit na mahasa ang aspetong pisikal, emosyonal, at pagpapahalaga sa pagka maginoo sa larangan ng palakasan ng mga kabataang Kalumpitenyo.
Ang kaagapay ng ating butihing Mayor Jess sa Sports Clinic Caravan na ito ay ang Basketball Consultant na si Coach Macoy Fajardo.
Kaya Kabataang Kalumpitenyo, Tara na makiisa at makilahok sa Basketball Sports Clinic na ito!
April 25, 2022 | Calumpit Youth Development Council- Oath Taking
Ang Panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal at naitalaga na pamunuan ng Calumpit Youth Development Council sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO).
April 23, 2022 | Blessing of Santo Cristo Chapel
Ang pagdalo at pakikiisa ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa Pagbabasbas at Pagpapasinaya ng Capilla del Santo Cristo sa Brgy. Frances - Bukid, Calumpit, Bulacan na pinangunahan ng Lubhang Kagalang galang Obispo ng Malolos Dennis C. Villarojo, D.D. para sa Pista Pasasalamat para sa Mahal na Poong Sto.Cristo.
Semana Santa 2022
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus ay nakikiisa sa paggunita ng Semana Santa.
Ngayong Mahal na Araw ay lubusin po sana natin ang panahong ito upang pagnilayan at gunitain ang dakilang sakripisyo at pag-ibig ni Hesukristo para sa ating kaligtasan.
April 11, 2022 | SGLG 2022 Regional Assessment
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit ay sumailalim sa Seal of Good Local Governance Regional Assessment.
Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay naglalagay ng pangunahin sa integridad at mahusay na pagganap bilang mga haligi ng makabuluhang lokal na awtonomiya at pag-unlad.
Ito ay isang progresibong sistema ng pagtatasa na nagbibigay ng pagkakaiba sa kahanga-hangang pagganap ng lokal na pamahalaan.
April 08, 2022 | Go Bayong Delivery App Launching
Inilunsad sa Bayan ng Calumpit ang Go Bayong na isang Pinoy-owned, Pinoy-developed and Pinoy-operated on demand delivery service app na kung saan ay nakatuon na dalhin ang pinakamahusay na karanasan ng customer para sa lahat ng uri at pangangailangan ng mga mamimili.
Pinangunahan ni Mayor Jessie P. De Jesus ang nasabing Launching ng Go Bayong kasama ang Go Bayong CEO na si Mr. Geoffrey Cruz, CFO Ms. Ann Marie Bartolome, COO Ms. Claudine Macam, Municipal Tourism Officer Ms. Sherryl Pangan at DTI Representative Mr. Danilo Aquino III.
Kalumpitenyo, para sa inyong kaalaman ito po ang Architectural Perspective ng Proposed Robinsons Easy Mart na itatayo sa dating CGS Gravel & Sand compound sa MacArthur Highway, Brgy. Corazon, Calumpit sa tapat ng Red Oil Gas Station.
"Robinsons Easy Mart Calumpit Soon to Rise"
Tuloy-tuloy po tayo sa Positibong Pagbabago!
April 07, 2022 | CIBAC Partylist Courtesy Call
Nagkaroon ng Courtesy Visit ang CIBAC Partylist sa pangunguna ni Cong. Ptr. Domeng Rivera sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
Calumpit