San Miguel Arkanghel
Nearby places of worship
Molino Road, Bacoor
Quận, Bacoor
Malipay 3 Molino, Bacoor
Palico Daanan, Imus
M. Rodriguez Street, Las Piñas
Cavite, Guimba
Deboto ni San Miguel Arkanghel.
Ika-siyam at Huling araw ng Nobena sa Mahal na Patrong San Miguel Arkanghel
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ikasiyam na Koro na pina-ngalanang ANGHEL na itinalaga sa mga tao at inuutusan Mong umakay at mag-ingat sa bawa’t isa sa mga daang patungo sa Langit. Iniaalay ko sa Iyo ang mga karapatan nitong maamong Espiritu at ng maluwalhating Prinsipeng si San Miguel na namumuno sa kanila sa paglingap at pagkakalinga sa buong sangkatauhan. Ako ay kasihan Mo ng Iyong awa at laging iadya sa pagkakasala at pagkalooban Mo ng kalinisan ng mga anghel upang maging kapalaran ko ang pagtatamo ng kaluwalhatian sa Langit at ang maliwanag na panonood at lubos na pagsinta sa Iyo magpakailanman. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati.
Amen
IKA-WALONG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 27, 2023
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ika-walong Koro na pina-ngalanang ARCANGEL, yayamang sila ang sinugo at pinaghabilinan ng mga bagay na nauukol sa Iyong lalong malaking kapurihan at kaluwalhatian. Iniaalay ko sa Iyo ang karapatan nitong mga Espiritu na lubhang banal at ng maluwalhating si San Miguel na totoong nabantog sa tanging katapangan sa pakikibaka laban kay Lucifer at sa kanyang palalong mga kampon na nagnanasang mapantay sa Kamahalan Mo at maagaw ang Iyong Kaharian at Kaluwalhatian. Isinasamo ko sa Iyo na ako ay bigyan Mo ng grasya at katibayan upang matutuhan kong labanan at supilin ang tanang kaaway ng aking kagalingan at makamtan ko ang kaluwalhatian ng Langit at doon pasalamatan ko at awitan ang Iyong awa magpakailanman. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati
AMEN
Ika-pitong araw ng Pagsisiyam sa Mahal na Patron San Miguel Arkanghel | Sept. 26, 2023
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng ikapitong koro na pinagkatiwalaan Mo ng pamamahala at pagkakalinga sa mga bayan at kaharian. Iniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan nitong mararangal na Espiritu at ng maluwalhating Prinsipeng si San Miguel na hindi nalilingat sa pagkakalinga sa Santa Iglesya at sa mga bayang binyagan. Isinasamo ko sa Iyo na ingatan Mo ang aking kaluluwa at katawan upang ako ay magtagumpay sa mga tukso at pitang laban sa katuwiran at mapasa-akin ang kapayapaan ng kaharian ng grasya at makamtan ko ang tunay na ligaya, ang kasipagan at ningas ng loob sa pagsunod sa mga banal na utos mo. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati.
Amen
IKA-ANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ika-anim na Koro na pinanganlang POTESTADES na binigyan Mo ng sadyang tapang at kapangyarihan sa pagsawata sa mga demonyo. Iniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan nitong matatapang na Espiritu at ng maluwalhating si San Miguel na lubhang nabantog sa tagumpay sa paglupig kay Lucifer at sa mga palalo niyang kampon at laging nananalo at nagpapalayo sa dilang kaaway ng mga ampon ng kanyang kapangyarihan. Inaasahan ko na ipagkaloob Mo sa akin ang mga kailangang grasya at ang pananatili sa kabanalan hanggang kamatayan upang makamtan ko ang korona ng kaluwalhatian. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati.
AMEN
IKALIMANG ARAW NG PAG SISIYAM MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 24, 2023
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu sa Ikalimang Koro, na pinanganlang Birtud, na pinagagawa Mo ng iba't ibang kababalaghan ng iyong dakilang kapangyarihan sa iyong pamamahala sa tanang kinapal, loobin Mo na ang lahat ng aking gawain ay maukol nawa sa iyong lalong dakilang kapurihan at kaluwalhatian. Iniaalay ko sa iyo ang mga karapatan nitong mga espiritu na mapaghimala, at ng maluwalhating si San Miguel na tanging binigyan Mo ng kapangyarihan, sa mga himala ng Iyong awa at katuwiran sa buong santinakpan. Isinasamo ko po sa iyo, na ipagkaloob sa akin ang pgsupil sa masasamang hilig, ng lumang pagkatao na nasira sa kasalanan, upang maingatan ko at laging lumago sa akin, ang Iyong mahal na grasya na siyang ipagkakamit ko ng kaluwalhatiang walang hanggan. Siya nawa.
Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit. (dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San Miguel sa pagsisiyam na ito.
AMEN!
IKAAPAT NA ARAW NG PAG SISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 23, 2023
Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ikaapat na Koro na pinanganlang DOMINACION na namumuno sa ibang mababang mga Koro at mga alagad na inuutusan Mo sa Iyong pamamahala. Iniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan ng lubhang mararangal na Espiritung ito at ng maluwalhating si San Miguel, Kataastaasang Alagad ng Iyong kamahalan. Ipagkaloob Mo sa akin ang tunay na pagsupil sa masamang nasa at pita ng katawan at isang lubos na pagtalima sa Iyong mga Utos at sa aking mga Pinuno upang makamtan ko ang gantimpala na itinalaga sa mga masunurin hanggang sa kamatayan ayon sa turo ng aming Panginoong Hesuskristong Anak mo, Diyos na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggang. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati.
AMEN
IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 22, 2023
O Diyos at Panginoon ng mga TRONO na lubhang dakilang espiritu ng Ikatlong Koro na pinagpahingahan Mo at nilukluklukan na parang Tribunal ng Katarungan. Iniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan ng matataas na Espiritung ito at ng maluwalhating si San Miguel na lubhang marikit sa Trono sa Kamahalan Mo at Kataastaasang Alagad ng Iyong Katarungan. Ipagkaloob Mo sa akin ang grasya ng wagas na pagtanggap sa Iyo sa Banal na Komunyon sa trono ng aking puso. Sa pagluklok Mo sa nasabing Trono, huwag Mo akong hukuman at hatulan nang nararapat sa mga kasalanan ko kundi ayon sa malaking awa Mo, upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan. Siya Nawa
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati.
AMEN!
PANALANGIN KAY SAN GABRIEL ARKANGHEL | SEPT. 21, 2022
O pinagpalang Arkanghel San Gabriel, sugo ng Diyos tagapaghatid ng Mabuting Balita ng Panginoon. Tagapagpaliwanag at Tagapagtanggol ng Katotohanan. Tulungan mo kaming maging patotoo ng Diyos. Sa binyag at kumpil nakibahagi kami sa Pagkapropeta ni Kristo upang magbigay ng patotoo sa harap ng mundo at maghatid ng Mabuting Balita sa Kapwa. Tanggapin nawa namin ng buong Pagmamahal, pag aralan ng buong ingat, isabuhay ng buong Katapatan at Palaganapin ng buong sigasig ang aral na ipinagkatiwala sa amin ng Panginoon. Sa pamamagitan mo kamtan nawa namin ang biyayang aming Hinihiling. Patnubayan mo kami mabunying sugo ng Langit, sa aming pagmamalasakit at paninindigan. Ukol sa kapangyarihan, katotohanan, kabanalan at katarungan ng Diyos. Upang kami'y maging tunay na saksi ni Kristo, ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Amen.
San Gabriel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
Amen!
IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 21, 2023
Ating parangalan at purihin ang mga Kerubin, ang ikalawang koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel, at ng Korong makalangit ng mga Kerubin, ay dulutan nawa kami nang Panginoon ng biyayang maitakwil nang lubusan ang lahat ng buhay- kasalanan at karamutan, at matahak nawa namin ang landas ng kaganapang Kristiyano. Siya nawa.
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati.
AMEN!
UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN MIGUEL ARKANGHEL | SEPT. 20, 2023
O Diyos at Panginoon ng mga SERAPIN na maniningning na Espiritu ng Unang Koro na palaging nag-aalab sa apoy ng dalisay na pag-ibig sa Iyo. lniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan ng maapoy na pagsinta ng mga Espiritung ito at ng masintahing si San Miguel na totoong iniirog Mo. Sapagkat Ikaw lamang ang Diyos at Panginoon na dapat ibigin ng lalo sa lahat. Nang buong puso, buong kaluluwa, buong isip at lakas. Pagpipilitan ko o nanaisin man lamang na Ikaw ay ibigin ng lahat at huwag kaming magkasala sa Iyo. Amen.
Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit. Dasalin natin ang Ama Namin, Aba GInoong Maria at Luwalhati
Amen!
ARAW NG PAMIMINTUHO SA NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO | SEPT. 15, 2023
KAPISTAHAN NG PAGTATAMPOK SA BANAL NA KRUS | SEPT. 14, 2023
MALIGAYANG KAARAWAN MAHAL NA BIRHENG MARIA | SEPT. 8, 2023
ARAW NG PAMIMINTUHO SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO.
kapistahan ni san agustin ng hippo 🙏
Araw ng Pamimintuho sa NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO.
Manalangin Tayo,
Katamis-tamisang Jesus Nazareno Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa lyo. Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng lyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa lyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng lyong balikat ang kahoy ng lyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan. Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako'y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng lyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako'y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng lyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng lyong mga Utos diyan
sa lyong Langit na Kaharian.
Amen
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO,
Kaawaan Mo po kami! Amen!
PANALANGIN SA LA HERMOSA VIRGEN BALINTAWAK
Mahal na Birhen ng Balintawak, na sa aming kasaysayan ay ipinadama mo ang iyong pagkalinga sa mga anak mong naghahangad ng kasarinlan at kapayapaan; ikaw, kasama ng iyong Anak na Si Hesus na aming tagapagpalaya ay siyang nagpabatid ng mensahe na nagdulot ng kaligtasan mula sa kamay ng mga kaaway. Mahal na Ina ng Simbahang Pilipino, dulutan mo kaming mga nangabubuhay at nananahan sa aming bayan, na lagi mong iwaksi sa mga bagay na nagdadala sa amin sa pagkaalipin sa kaguluhan at kasamaan; lagi mo kaming paalalahanan na maging matapat kami sa mga aral at kalooban ng iyong Anak at maging kabahagi kami ng pagsusulong ng kapayapaan sa aming kapwa, pamilya, pamayanan, Simbahan at lipunan na magdadala sa amin tungo sa isang buhay na kasiya-siya at ganap.
Birheng nakiisa sa mga Pilipino, lagi mo nawa kaming alalahanin sa mga panahon ng paghihirap ng aming bayan. Tulad ng iyong pagpapalaki Kay Hesus, arugain mo kami bilang iyo na ring anak, turuang maging makatao, maka Diyos at maging makabayan upang kaming tulad mo, ay umaruga sa aming bansa. Alang-alang sa Iyong Anak na Si Hesus, aming Panginoong mapagpalaya. AMEN.
Birhen ng Balintawak, ipanalangin mo po kami!
NGAYON ang kapistahan ng Birhen ng Balintawak, ang makasaysayang titulo ng Mahal na Birhen na tanging sa Iglesia Filipina Independiente lamang matatagpuan. Hango ito sa pagpapakita ng ating Mahal na Ina sa isa sa mga katipunero noong panahon ng himagsikan na siyang naging daan upang mailigtas ang ating mga ninuno mula sa isa sa mga kapahamakan.
Amen!
TUWING HUWEBES ARAW NG PAMIMINTUHO SA KARANGALAN NI SAN MIGUEL ARKANGHEL
PANALANGIN KAY San Miguel Arkanghel
San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa s'ya ng Diyos na ipinagmamakaawa namin sa iyo. At ikaw prinsipe ng mga hukbo sa langit, sa kapangyarihan ng Diyos ay ibulid mo sa kalaliman ng impyerno si satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa.
Ipanalangin Mo kami Amen
"LAHAT NG KAHILINGAN MO AY MATUTUPAD, WALANG IMPOSIBLE SA PANGINOON."
AMEN 🙏
😇🙏Huwag kang magsasawang kausapin ang panginoon, kahit hindi mo man siya nakikita, pero nakikita at naririnig ka niya!
🙏Amen 🙏
PLS, FOLLOW LIKE AND SHARE OUR PAGE San Miguel Arkanghel 🙏
https://www.facebook.com/tatayigeofficial?mibextid=ZbWKwL
San Miguel Arkanghel Deboto ni San Miguel Arkanghel.
GOD IS GOOD ALL THE TIME 🤍
ARAW NG PAMIMINTUHO SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO. 🙏
'LA HERMOSA VIRGEN BALINTAWAK: INANG SUMASAKSI SA PAGKANDILI NI HESUS SA KANYANG BAYANG PINILI'
Marami ang hindi pa nakikilala ang Birheng tangi sa Iglesia Filipina Independiente: ang La Hermosa Virgen Balintawak at maraming hindi nalalaman na ang Simbahang Pilipino ay kumikilala rin sa Mahal na Birheng Maria. Kaya ang Katedral ng Bacoor ay nakikiisa sa buong Simbahang Pilipino sa pagkilala sa pagkilos ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria mula noon hanggang ngayon sa mga Pilipinong nagnanais buhay na ganap at kasiya-siya.
Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa Kapistahan ng Virgen Balintawak sa Agosto 27 sa pangunguna ng Hermana Mayor ng kapistahan, Sis. Edith Apolonio.
Narito ang talaan ng mga Banal na Gawain.
PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DEL PILAR.
Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob mo sa amin ang lakas
upang alalayan kaming mga mahihina.
Pakundangan sa banal na pananalangin ng Mahal na Birhen del Pilar, palakasin mo
ang aming pananampalataya,
patatagin ang aming pag-asa
at pag-alabin ang aming pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan,
Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
NUESTRA SEÑORA DEL PILAR
aming lakas at kagalakan
Ipanalangin mo kami! Amen.
PANALANGIN KAY SAN AGUSTIN
Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami ay napaaampon sa iyo bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng aming bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Obispo sa Sambayanan ng Diyos, inalagaan mo ang noon ay munti pa at lumalaking Simbahan sa pagbibigay linaw sa kanyang mga aral kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga ama ng Simbahan.
Ngayon, aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa Diyos Ama na Maylalang sa ating lahat at tunay na pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na ito ang mga kinakailangan namin lalung-lalo na ang kahilingang ito. (Ilahad ang kahilingan). Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng banal na karunungan na patuloy na magsasaliksik sa kanya at sa kanyang kalooban upang si Kristo ang Katotohanan at Karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at magpakailanman. Amen.
Araw ng Pamimintuho sa Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.
Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!
MALIGAYANG PAGBATI SA IKA-121 TAONG PROKLAMASYON NG PAGKAKATATAG NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE!
PAGBATI PO SA ATING MGA KAPATID NA AGLIPAYANO!
Panalangin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito …
(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin).
Noon ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang Mahiwagang Kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakakamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin, at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin ng Kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na Ina, habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon. mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
Amen.
ORATIO IMPERATA 🙏
Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ganda ng iyong nilikha, kaisa na rin kami, sa iyong kabutihan, sa pagkakaloob ng aming mga pangangailangan, at sa iyong karunungan na gumagabay sa landas ng buhay.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa iyo at buong sangnilikha. Hindi kami naging mabuting tagapangasiwa ng Kalikasan. Hindi kami tumupad sa iyong atas na pangalagaan ang mundo.
Ang kalikasan ay dumaranas ng hirap dahil sa aming kapabayaan, at ngayon ay nagbunga ang aming pang-aabuso at kawalan ng malasakit.
Umiinit na ang mundo. May mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ang patuloy naming nararanasan.
Nagsusumamo kami sa iyo, Amang Mapagmahal, at pagkalooban kami ng kapatawaran sa aming mga sala.
Hinihiling namin na kami, sampu ng aming mga mahal sa buhay, at ng aming mga pinaghirapan ay malayo sa anumang banta ng kalamidad, maging likas man o kagagawan ng tao.
Nawa'y gisingin mo ang lahat na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng iyong nilikha, at maging mapagbigay sa mga nangangailangan.
Amen.
San Miguel Arkanghel,
Ipanalangin mo po Kami! Amen!
Debosyon kay San Miguel Arkanghel sa araw ng Huwebes.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Telephone
Website
Address
Cavite
4102
San Roque District
Cavite, 3019
The Virgen de la Soledad de Porta Vaga is one of the most venerated Marian images in Phil. Her feast is celebrated every 2nd and 3rd Sunday of November in Cavite City, where She is...
Evangelista Street , Poblacion, Bacoor
Cavite, 4102
Parish of St. Michael, the Archangel (ICAR)
Cavite, 4117
A Pioneering Full Gospel Church in GMA, Cavite of God's Kingdom Mission Christian Church Philippines
Bucal1, Maragondon Cavite
Cavite, 4112
Pasong Kawayan II West
Cavite, 4107
The church with a heart for God and for people.
522 R. Palma Street San. Roque Cavie City
Cavite, 4100
John 15:5 I am the vine; you are the branches.
Malabag, Silang
Cavite
This page is intended for the use of people under the staff of the team of Bible Challenge. The obje
Silang Cavite
Cavite, 4118
Lord, can we talk is a page created to express my strong faith - have it shared to people of the earth - a legacy of a woman who believes.