New Muslim Academy - Philippines

Kami ang kasama MO sa “Araw-Matapos-ang-Shahadah” na umaalalay sa Edukasyon ng Bagong Muslim

Ang mga aralin ng NMA ay makakamtang lahat online – walang takdang oras ni lugar para sa mga aralin ng NMA. Magsisimula ang mga klase kapag handa ka na, binabagayan nila ang sarili mong schedule, at ikaw ang magpapasya kung kailan lalabas ang klase. Dahil ang lahat ng klase ay ibinibigay online, maaari kang mag-enroll saan man sa mundo.

28/07/2024

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:
"𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗮𝗵"


www.NewMuslimAcademy.ph

27/07/2024

"Protecting Your Faith in Times of Fitnah"

LIVE NOW - JOIN US !

https://us06web.zoom.us/j/82719059101

Dr. Ali Shehata, renowned for his expertise in Islamic studies, will lead an engaging discussion that promises to deepen your understanding and equip you with valuable tools to navigate the complexities of today's world.

To join the webinar, please use the following Zoom link: https://us06web.zoom.us/j/82719059101

17/07/2024

Si Propeta Muhammad ay madalas humingi ng proteksyon laban kay Satanas sa gabi sa pamamagitan ng pagbigkas ng Al-Mu'awwidhatan (Surah Falaq at Surah Nas) gayundin ang pagbabasa ng Surah Ikhlas.


www.newmuslimacademy.ph

16/07/2024

Muharram

16/07/2024

Ang mga aral mula sa kwento ni Mosa (alayhissalam)
Dr. Abdullah Abtahi
Martes, ika-16 ng Hulyo, 2024
4:30 PM Manila Time l 11:30 AM Makkah Time


www.NewMuslimAcademy.ph

16/07/2024

𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗠𝗼𝘀𝗮 (𝗮𝗹𝗮𝘆𝗵𝗶𝘀𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺)
Dr. Abdullah Abtahi
Martes, ika-16 ng Hulyo, 2024
4:30 PM Manila Time l 11:30 AM Makkah Time
Dasmariñas, Cavite

𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗡𝗔 𝗣𝗢 !

Manood Dito : https://fb.me/e/5uTSiktTf

16/07/2024

Ang Banal na Buwan ni Allah: Ang Muharram
Sheikh Rasheed Vallena
Martes, ika-16 ng Hulyo, 2024
7:30 PM Manila Time l 2:30 PM Makkah Time



www.NewMuslimAcademy.ph

16/07/2024

Ang Muharram at 'Aashooraa
isinulat ni Sheikh Rasheed Vallena

Sa Labin-dalawang buwan na nilikha ni Allah - Ang Dakila,
Apat sa mga ito ay pawang Mararangal at Pinagpala,
Lubos na mga Sagrado, Banal, at Lubhang Mabiyaya,
Ang Muharram, Rajab, Dhul Qa'dah, at ang Dhul Hijjah.

Sa mga Sagradong Buwan, bawal pumatay at maminsala,
Isinabuhay na ito ng mga Arabo noon pa mang sinauna
Sa mga Sagradong Buwan - ang Muharram ang Siyang Una,
Buwan ni Allah - puspos ng Biyaya at tigib ng Pagpapala,

Sa Buwan ding ito naganap sa Kasaysayan ang Araw ng 'Aashooraa,
Araw na iniligtas ni Allah ang Sambayanan ni Propeta Musa,
Mula kay Paraon at kanyang kampon na masama at mapang-alipusta,
Sa mga Angkan ng Isra'el na inalipin, pinagdusa, at pinaging-aba.

Iniutos ni Allah na sa gabi sila'y tumakas at umalis,
Upang 'di makita ng mga Ehipsiyo ang kanilang pagtalilis,
Kinaumagahan, ang bayan ay wala nang mga tao at malinis,
Lalo nang nagdulot kay Paraon ng lubhang p**t, galit, at inis.

Kaya't mabilis silang hinabol ni Paraon at kanyang kampon,
Sandatahang lulan ng karwahe't kabayo tungo sa dako paroon,
Nang marating na ng Angkan ng Isra'el ang dagat at ang alon,
Tiyak na kapahamakan kapag sila ay naabutan nina Paraon.

Kaya't ang Angkan ng Isra'el ay tila nawalan na ng pag-asa,
Sa Tulong ni Allah, maliban sa Propetang Pinuno na si Musa,
Sinabi ni Allah na hampasin ang dagat gamit ang tungkod niya,
Nahati ang dagat at naging daan para sa Tribong Labing-Dalawa.

Ang bawat tribo'y tumahak sa kani-kaniyang daan sa karagatan,
Hanggang sa lahat ng Angkan ng Isra'el ay ligtas na nakaliban,
At nang lumusong na sa dagat si Paraon at kanyang sandatahan,
Bumalik daglian ang dagat, sila'y nalunod hanggang kamatayan.

Sa Ika-Sampu ng Muharram naganap at nangyari ang lahat ng ito,
Kaya't si Musa at Angkan ng Isra'el ay nagpasalamat at nag-ayuno,
At sa Madinah ay nag-aayuno rin sa panahong ito ang mga Hudyo,
Kaya't mga Muslim ay nag-ayuno rin dahil si Musa'y Muslim na totoo.

Kaya't ngayong Buwan ng Muharram, ngayong Araw ng 'Aashooraa,
Tayong lahat ay mag-ayuno bilang Paggunita at Pag-alaala,
Tayong lahat ay magtatamo ng malaking Biyaya at Pagpapala,
Kapatawaran sa taong lumipas sa ating kamalian at pagkakasala.



www.NewMuslimAcademy.ph

15/07/2024

Ang gantimpala ng pagbigkas sa huling 2 talata (Ayaat) ng Surah Al-Baqarah bago matulog. Isinalaysay ni Abu Mas’ud (RA): Sinabi ng Propeta (SAWS), “Sinuman sa inyo ang binibigkas ang huling dalawang Talata ng Surah Al-Baqarah sa gabi, ito ay sapat na para sa kanya.”


www.newmuslimacademy.ph

14/07/2024

ANG ATING PAGSASABUHAY NG ISLAM AY MALAKING URI NARIN NG DA'WAH SA MGA TAO,

✅KAYA'T MAGING MABUTING HUWARANG MUSLIM KAPATID

14/07/2024

𝗦𝗮𝗺𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗛𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗠𝘂𝗵𝗮𝗿𝗿𝗮𝗺 𝗮𝘁 '𝗔𝗮𝘀𝗵𝗼𝗼𝗿𝗮𝗮:

1) 𝗔𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗵𝗮𝗿𝗿𝗮𝗺 ay ang unang buwan sa Kalendaryong Hijri. Isa rin ito sa apat na mga sagradong buwan - ang Dhul qa'dah, Dhul Hijjah, Muharram, at Rajab.

2) Kabilang sa kahigtan ng buwang ito ay ang pagbansag ng Propeta Muhammad ﷺ dito bilang "Shahrullah" o Buwan ni Allah. Ito ay katunayan sa karangalan at kadakilaan ng Buwan na ito sapagkat walang iniuugnay kay Allah kundi mga pili at natatangi lamang.

3) Ayon sa opinyon ng ilang Pantas, ang buwan ng Muharram ang pinakamainam sa lahat ng mga buwan. Sinabi ni Al Hasan Al Basri: 'Ang pinakamainam sa apat na mga Banal na Buwan ay ang 'buwan ni Allah' na Muharram.'

4) Ipinagbawal ni Allah na gumawa ng kasalanan sa apat na mga Banal na Buwan. Sinabi Niya sa Qur'an:
﴿ فَلا تَظْلِمُوا فِيهِنَّ أَنْفُسَكُمْ ﴾
"𝘒𝘢𝘺𝘢’𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰." (𝘈𝘵 𝘛𝘢𝘸𝘣𝘢: 𝟥𝟨).

5) Kabilang sa Sunnah ang pagpaparami ng pag-aayuno sa buwan ng Muharram. Ayon sa isang hadith: "Ang pinakamainam na pag-aayuno bukod sa Ramadhan ay ang pag-aayuno sa buwan ng Muharram, at ang pinakamainam na Salah bukod sa mga obligadong Salaah ay ang Salah sa Gabi." Iniulat ni Imam Muslim

6) Iminumungkahi (Mustahab) ang pag-aayuno sa ika-Sampung Araw ng Muharram na tinatawag na 'Aashooraa. Isa sa mga at ang kainaman nito ay ang nakasaad sa Hadith: "Ang pag-aayuno sa 'Aashooraa ay inaasam ko kay Allah na Kapatawaran sa mga kasalanan sa nakalipas na isang taon."

Ang hikmah (karunungan) kung bakit itinuring na marangal ang Araw ng 'Aashooraa ay sapagkat sa araw na ito iniligtas ni Allah si Musa at ang kanyang sambayanan mula Kay Paraon at kanyang mga sundalo. Nag-ayuno si Musa sa araw na ito bilang pasasalamat kay Allah. Kaya't nag-ayuno rin si Propeta Muhammad at ipinag-utos ang pag-aayuno sa araw na ito nang hindi sapilitan.

7) Isang Sunnah rin ang pag-ayuno sa ika-Siyam na Araw ng Muharram kalakip ng pag-aayuno sa ika-Sampu. Ito ay bilang pagsalungat sa mga Hudyo na nag-aayuno lamang sa mismong Araw ng 'Aashooraa. Sila ay naniniwala rin na ito ang araw kung saan iniligtas ni Allah si Propeta Musa mula kay Paraon.

8 ) Sinumang makalimot na mag-ayuno sa ika-Siyam ng Muharram ay Sunnah na mag-ayuno sa ika-Labing Isang araw ng buwan ng Muharram kasama ng pag-aayuno sa 'Aashooraa.

9) Ang pag-aayuno sa 'Aashooraa - ayon sa ilang Pantas - ay nahati sa tatlong antas: Una, pag-aayuno ng tatlong araw.- sa ika-Siyam, ika-Sampu at ika-Labing Isa. Nakasaad na ito ay ginawa ng ilang Salaf upang makatiyak mula sa pag-aalinlangan hinggil sa pagtingin sa pagpasok ng Bagong Buwan (Hilaal) ng Muharram. Gayunpamn, walanh malinaw na patunay hinggil dito.
Ikalawa, pag-aayuno sa ika-Siyam at ika-Sampung araw lamang ng Muharram. Ang karamihan sa mga hadith ay tumutukoy dito at ito rin ang nakasaad na Sunnah.
Ikatlo: pag-aayuno sa araw lamang ng 'Aashooraa . Ito ay ipinahihintulot at hindi makruh (hindi kanais-nais).

10) Maraming Muslim ang naligaw sa pamamagitan ng pagmamalabis sa Araw ng A'shura. Itinuring ito ng iba bilang araw ng pagluluksa at paggunita sa araw ng kamatayan ni Hussien (Radiyallahu anhu) - Apo ng Propeta (sallallahu alayhi wa sallam). Ang gawaing ito ay labag sa katuruan ng Islam na nagbabawal sa pagluluksa sa pagkamatay ng kahit na sinuman sa pamamagitan ng mga gawain ng Jahiliyah tulad ng pagpalo sa katawan at mukha at paghagulhol.

Naway gabayan tayo ni Allah tungo sa anumang kinalulugdan Niya.
Walhamdulillahi Rabbil Alamin.



www.NewMuslimAcademy.ph

13/07/2024

𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗵𝗶𝗸𝗿 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝘀𝗯𝗲𝗲𝗵 𝗕𝗮𝗴𝗼 𝗠𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝗴

Ang Sunnah ni Propeta Muhammad (SAWS) bago matulog ay bigkasin ang subhanAllah, Alhamdulillah, at Allahu Akbar ng tatlumpung beses. Isinalaysay ni Ali bin Abi Talib (RA): Si Fatima (RA) ay pumunta kay Propeta (SAWS) humihingi ng tagapaglingkod. Kanyang sinabi, “Maaari ko bang ipaalam sa iyo ang isang bagay na mas mahusay kaysa dito? Kapag ikaw ay matutulog, bigkasin ang “Subhan Allah ng tatlumpu’t tatlong beses, Alhamdulillah ng tatlumpu't tatlong beses, at Allahu Akbar ng tatlumpu't apat na beses. Idinagdag pa ni Ali (RA), “Hindi ko kailanman nakalimutang bigkasin ito mula noon.” May magtanong, “Kahit sa gabi ng labanan sa Siffin?” Kanyang sinabi, “Kahit sa gabi ng labanan sa Siffin.”

Sahih Al-Bukhari 5362 at Sahih Muslim 2727

www.newmuslimph.com/register

13/07/2024

Muharram 1446H
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐮𝐧𝐬𝐲𝐨!

Ika-9 ng Muharram sa
𝘓𝘶𝘯𝘦𝘴 | 𝘐𝘬𝘢-15 𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘺𝘰, 2024

Ika-10 ng Muharram sa
𝘔𝘢𝘳𝘵𝘦𝘴 | 𝘐𝘬𝘢-16 𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘺𝘰, 2024

Ika-11 ng Muharram sa
𝘔𝘪𝘺𝘦𝘳𝘬𝘶𝘭𝘦𝘴 | 𝘐𝘬𝘢-17 𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘺𝘰, 2024

Ang Kabutihan ng Pag-Aayuno sa araw ng Ashura:

Naisalaysay ni ibnu Abbas (radiallahu anhu) na kanyang sinabi:
(hindi ko nakita ang Propeta Muhammad (ﷺ)
na pinaghahanndaan niya ng higit ang pag-aayuno dahil sa laki ng kabutihan nito maliban na lamang sa araw ng Ashura at ang buwan na ito (ibig sabihin; buwan ng Ramadan)

Al-Bukhari



www.NewMuslimAcademy.ph

13/07/2024

GUSTO MO BANG MATUTUNAN ANG TAMANG PAG-BASA NG SURAH AL-FATEEHAH AT IBA PANG MAIIKLING SURAH SA QUR'AN?

SAMAHAN KAMI SA TAHSEEN - PAGPAPAHUSAY NG PAGBASA NG QUR'AN NA HANDOG SA INYO NG NEWMUSLIM ACADEMY

PO SA

New Muslim Academy – Philippines – Kasama MO, Pag-katapos ng Shahadah 09/07/2024

ONLINE CLASS CERTIFICATE - MAARI NA PONG i-DOWNLOAD SA WEBSITE ng www.newmuslimph.com.

YES! PO, Maari nyu ng i-download ang inyong FREE Certificate sa aming Classes mula sa NMA Philippines...

Easy lang - mag log-in or mag register then click sa "profilr ko" at download na your certificate for "Free "

New Muslim Academy – Philippines – Kasama MO, Pag-katapos ng Shahadah Kung iyong babalikan ang sandali na ipinahayag mo ang iyong Testimonya ng Pananampalataya (Shahadah) at naging isang Muslim, marahil ikaw ay nakadama ng magkahalong saya at kaba ng sabay.

09/07/2024

𝗔𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗻𝗻𝗮𝗵 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗵𝘂𝗵𝘂𝗴𝗮𝘀 (𝗪𝘂𝗱𝗵𝘂) 𝗕𝗮𝗴𝗼 𝗠𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝗴:

Isinalaysay ni Al-Bara ‘bin ‘Azib (RA): Sinabi sa akin ng Propeta (SAWS), “Sa tuwing ikaw ay matutulog magsagawa ng paghuhugas tulad ng sa pagdarasal, humiga sa iyong kanang bahagi at bigkasin,
اللَّهُمَّ أَسْلَمْتُ وَجْهِي إِلَيْكَ، وَفَوَّضْتُ أَمْرِي إِلَيْكَ، وَأَلْجَأْتُ ظَهْرِي إِلَيْكَ، رَغْبَةً وَرَهْبَةً إِلَيْكَ، لاَ مَلْجَأَ وَلاَ مَنْجَا مِنْكَ إِلاَّ إِلَيْكَ، اللَّهُمَّ آمَنْتُ بِكِتَابِكَ الَّذِي أَنْزَلْتَ، وَبِنَبِيِّكَ الَّذِي أَرْسَلْتَ
“Allahumma aslamtu wajhi ilaika, wa fauwadtu `Amri ilaika, wa alja’tu Zahri ilaika raghbatan wa rahbatan ilaika. La Malja’a wa la manja minka illa ilaika. Allahumma amantu bikitabika-l-ladhi anzalta wa bina-biyika-l ladhi arsalta”
O Allah! Ako ay sumusuko sa Iyo at ipinagkakatiwala ang lahat ng aking mga gawain at umaasa sa Iyo para sa Iyong pagpapala na kapwa may pag-asa at takot sa Iyo. Walang makakatakas mula sa Iyo, at walang lugar ng pangangalaga at kaligtasan maliban sa Iyo O Allah! Naniniwala ako sa Iyong Banal na Libro (ang Qur’an) na Iyong ipinahayag at sa Iyong Propeta (Muhammad (SAWS) na Iyong pinadala.
Sa gayon, kung pumanaw ka sa gabing iyon, papanaw ka ng may pananampalataya (i.e. o sa relihiyon ng Islam).

Sahih Al-Bukhari 247

www.newmuslimph.com

08/07/2024

Kami ang , kasama MO sa “Araw-Matapos-ang-Shahadah” na umaalalay sa Edukasyon ng Bagong Muslim.

Alam mo ba na wala kang babayaran?
100% LIBRE !

SALI NA : https://www.newmuslimacademy.ph/mag-pa-rehistro/

08/07/2024

𝗣𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝐇𝐈𝐉𝐑𝐈

1.) Ang Hijra ay tumutukoy sa paglalakbay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) mula sa Makkah tungo sa Madina. Ang Hijri ay kaugnay ng pang-uri na salita.

2.) Ito ay ang simulang bahagi ng Islamikong Kalendaryo.

3.) Ang bilang ng taon ay sinusundan ng AH, na karaniwang nauunawaan bilang "Pagkatapos ng Hijra (Paglalakbay)", na ang aksaktong kahulugan ay Anno Hegirae, "Sa Taon ng Hijra".

4.) Ang Hijri ay binubuo ng 12 mga buwan at 354 na mga araw.

5.) Ang unang buwan ay ang Muharram, at ang huli ay ang Dhul-Hijrah. Ang Ramadan ay ika-9 na buwan ng taon.

6.) Ito ay nakabase sa sistema ng Lunar o buwan at ang buwanang pag-ikot ng orbito ng buwan. Ang bawat buwan ay nagsisimula sa pagtingin sa bagong buwan.

7.) Ang pagtingin sa buwan ay isang Islamikong kaugalian sa buong mundo upang matukoy ang opisyal na pagsisimula ng bawat buwan.

8.) Ang bawat buwan ay binubuo ng 29 o 30 mga araw.

9.) Ang mga buwan ay umiikot bawat taon sapagka't ang kalendaryong lunar ay hindi nakapirmi, hindi tulad ng kalendaryong Gregoryan na nakabase sa sistemang solar.

10.) Ang mga buwan ay banayad na umiikot sa buong panahon bawat taon sa loob ng 12 araw. Ito ang dahilan kung bakit minsan ang Ramadan ay nasa panahon ng tag-init at ang ibang panahon ay sa taglamig.

11.) Ang mga Kalendaryo ay kalimitang ginagawa sa loob ng buong taon batay sa mga kalkulasyon nguni't ang mga ito ay maaaring magbago depende sa mga pagtingin sa buwan.

12.) Maraming mga gawaing pagsamba tulad ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, ang obligadong kawang-gawa ng Zakat at ang paglalakbay sa Makkah o Hajj ay nakabatay sa kalendaryong Lunar.

02/07/2024

Bro. Omar Penalber

Photos from New Muslim Academy - Philippines's post 02/07/2024

Ang Kasaysayan ng Pagtitipon ng Qur'an.
www.newmuslimacademy.ph

22/06/2024

"Diyos" sa wika ng mga Propeta; Hebrew: אֱלֹהִ֖ים (Elohim)
Aramaic: ܐܠܗܐ (Alaha)
Arabic: الله (Allāh)

21/06/2024

Magsikap sa maraming mabuting gawain....

20/06/2024

GOOD NEWS PO ! MAMIMIGAY KAMI NG 5,000 PHP TOTAL CASH SA MGA MAPIPILING SHORT VIDEOS NG AMING STUDENT AT FOLLOWERS SA

19/06/2024

Sheikh Abdulkhaliq Abtahi

Photos from New Muslim Academy - Philippines's post 18/06/2024

𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐤𝐫𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨

Ang inaalay na sakripisyo ay isa sa dakilang ritwal na gawain sa Islam, kung saan ating inaalala ang kadakilaan ng Allah, ang Kanyang mga biyaya na ipinagkaloob sa atin, at ang pagsunod ni Propeta Abraham (AS) sa kanyang Nag-iisang Panginoon. Inutusan ng Allah si Propeta Abraham (AS) na isakripisyo ang kanyang anak na si Ishmael. Si Propeta Abraham (AS) ay nagpasakop sa kautusan ng Allah. Habang inihahanda niya ang kanyang sarili na isakripisyo ang kanyang anak, ipinalit ng Allah kay Ishmael (AS) ang isang lalaking tupa. Ang pag-aalay na ito ng sakripisyo ay naging isang gawaing pagsamba mula sa panahon na iyon.

Sa araw ng Eid, ito ay inirerekomenda na bawat Muslim na may kakayahan sa pananalapi ay mag-alay ng sakripisyo na isang hayop bilang isang gawaing pagsamba sa Allah. Ang araw ng pagsasakripisyo ay nagsisimula pagkatapos ng panalangin (Salah) ng Eid na nasa ika-10 araw ng ika-12 Islamikong buwan ng Lunar, at tumatagal hanggang sa paglubog ng araw ng ika-13 araw ng parehong buwan. Ang itinakdang panahon ay tinatayang apat na araw kung saan upang matiyak na ang sakripisyo ay kumpleto. Anumang sakripisyo na isinagawa bago o pagkatapos ng panahong ito, ay hindi binibilang na sakripisyo para sa Eid, nguni’t isang pangkaraniwang sakripisyo lamang na maaaring gawin ng isang tao sa anumang oras ng taon.

Ang gawaing pagsamba na ito ay may napakalaking gantimpala. Sinabi ng Allah, “Sabihin, ‘Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal [na pag-aalay], ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.” [6:162] Ipinakita sa atin ng Allah ang kahalagahan ng sakripisyong ito sa sumusunod na talata, “Hindi ang kanilang [laman] karne ang nakararating sa Allah o ang kanilang dugo kungdi ang nakaratating sa Kanya ay ang Taqwa [mapitagang takot mula sa inyo.” [22:37] Sa ilang mga salaysay, ay binanggit ni Propeta Muhammad (SAWS) na may gantimpala sa bawat buhok ng hayop na isinakripisyo. Sinabi ng alagad na si Abu Ayyub, “Sa panahon ni Propeta Muhammad (SAWS), ang isang tao ay nagsasakripisyo ng isang tupa sa ngalan ng kanyang sarili at mga miyembro ng kanyang pamilya, at kumakain sila mula rito at pinamimigay ang ilan sa iba.”

Ang isang hayop na sakripisyo ay sapat na para sa isang tao at kanilang pamilya. Ang mga hayop na maaaring ialay na sakripisyo ay mga tupa, kambing, baka at mga kamelyo. Ang isang kamely o baka ay sapat na para sa pitong katao. Ito ay dahil sa mas malaking sukat ng mga baka at kamelyo, at kaya mas maraming karne ang makukuha. Kung mas malaki at mas mahal ang hayop, mas mabuti ang pag-aalay nito sa Allah bilang sakripisyo, kung ang isang tao ay may kakayahang gawin ito. May mga tiyak na kundisyon na kailangang matugunan upang ang mga nabanggit na hayop ay maging katanggap-tanggap na isang sakripisyo.

Ang mga ito ay:

Ang hayop ay dapat umabot sa kinakailangang edad, kung saan anim na buwan para sa isang tupa, isang taon para sa isang kambing, dalawang taon para sa isang baka at limang taon para sa isang kamelyo.

Ito ay dapat na malaya sa anumang makikitang pisikal na depekto. Ang mga halimbawa ay isang hayop na may isang mata, isang hayop na may sakit, isang hayop na pilay, at isang payat na hayop. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS): “May mga apat na hindi maaaring isakripisyo: isang hayop na may isang mata na kitang-kita ang depekto, isang may sakit na hayop na halata ang karamdaman, isang pilay na hayop na halata ang pilay at isang payat na hayop na walang utak sa mga buto.”

Mga hayop na may bahagyang depekto nguni’t hindi malala tulad ng nabanggit sa naunang paksa, hindi kaaya-ayang isakripisyo nguni't maaari pa rin. Mas malusog ang hayop, mas mabuti.
Bawal ibenta ang isang hayop na isasakripisyo. Kung ang isang hayop ay pinili para sa sakripisyo, ito ay hindi pinahihintulutang ibenta o ipamigay, maliban sa kapalit ng isa na mas mabuti.

Una sa lahat, ang pagsasakripisyo ay isang gawaing pagsamba, kahit na maaari tayong makinabang sa karne. Samakatuwid, may ilang mga kaugalian na dapat tandaan pagdating sa pagkakatay:
Mas mabuti para sa isang tao na siya ang magkatay ng sakripisyo kung maaari. Kung hindi kaya ng isang tao, inirerekomenda na siya ay nasa harapan kapag ito ay kinatay. Kung hindi, ang isang tao ay maaaring kumuha ng isang tao na maaaring gawin ito sa kanyang pangalan.

Ang hayop ay hindi dapat balisa o ipakita ang pagkamatay ng iba pang mga hayop.

Ang patalim o kutsilyong gagamitin ay dapat na matalas.

Ang hayop ay dapat na maging komportable hangga't maaari.

Ang hayop ay dapat katayin na nakaharap sa direksyon ng Makkah kung maaari.

Ang pangalan ng Allah ay binabanggit kapag nagsasakripisyo.

Ang pagkakatay ay dapat isagawa nang mabilis na may banayad na sakit hangga't maaari.

Kapag natapos na ang pagkakatay, inirerekomenda na hatiin ang mga karne sa tatlong bahagi: ang isang-katlo (⅓) ay kakainin ng pamilya na nag-alay ng sakripisyo, ang isang-katlo (⅓) ay ibibigay bilang isang regalo sa kamag-anak at mga kaibigan at ang isang-katlo ay ibibigay sa kawang-gawa, sa mahirap at nangangailangan.

Ang taga-katay ay hindi dapat bigyan ng anuman mula sa sakripisyo bilang gantimpala o kabayaran, subali't dapat bayaran ng hiwalay.

16/06/2024

🆃AKBIR

“𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘓𝘢𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘭𝘭𝘢𝘩.
𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,
𝘸𝘢 𝘓𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘪𝘭-𝘩𝘢𝘮𝘥.”

“Ang Allah ay Dakila,
ang Allah ay Dakila,
ang Allah ay Dakila.
Walang diyos maliban sa Allah.
Ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila,
at ang lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah.



www.NewMuslimAcademy.ph

Want your school to be the top-listed School/college in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Muharram
Ang mga aral mula sa kwento ni Mosa (alayhissalam)Dr. Abdullah AbtahiMartes, ika-16 ng Hulyo, 20244:30 PM Manila Time l ...
Tamis ng Pananampalataya
🆃AKBIR“𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘓𝘢𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘭𝘭𝘢𝘩.𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘸𝘢 𝘓𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘪𝘭-𝘩...
🆃AKBIR“𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩𝘶 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘓𝘢𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘢 𝘪𝘭𝘭𝘢𝘭𝘭𝘢𝘩.𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘈𝘬𝘣𝘢𝘳,𝘸𝘢 𝘓𝘪𝘭𝘭𝘢𝘢𝘩𝘪𝘭-𝘩...
"Yawmu Arafah"
Payo sa Hujjaj
"Mga Alituntunin sa Udhiya"By: Dr. Abdullah Abtahi
"5 Gawain na Katumbas ng Hajj ang Kabutihan"Dr. Abdullah Abtahi
"Suratul Fatiha"Pagpapaliwanag sa mga kahulugan nito at mga aral na makukuha dito

Telephone

Address


Cavite
Other Education Websites in Cavite (show all)
Cavite National High School Batch 2003 Cavite National High School Batch 2003
P. Garcia Street, Caridad
Cavite, 4100

Are you a Caviteñan? Share/Suggest this Page to your Classmates/Batchmates... Disclaimer: All phot

Career Connect Institute of Technology Career Connect Institute of Technology
Lumina Homes Ph4 Block 25 Lot 87 Barangay Bagtas Tanza, Cavite
Cavite, 4108

Career Connect Institute of Technology, Inc. established in September 20, 2021. We aim to be one of the TOP and Leading Technical Vocational Institute in the Philippines. We offer ...

DepEd Tayo Alulod ES - Cavite Province DepEd Tayo Alulod ES - Cavite Province
ALulod, Indang
Cavite, 4122

DepEdTayo Alulod ES - Cavite Province

One Click Juan Help One Click Juan Help
Olivarez College Tagaytay City
Cavite

ALS - LDES Cavite City ALS - LDES Cavite City
20 P. Burgos Avenue, Caridad, Cavite City
Cavite, 4100

Punlaan ng Pagmamahal at Karunungan sa 𝘼𝙇𝙎-𝙇𝘿𝙀𝙎 Matatagpuan. #AllinLahatSaALS #GOALS💙❤️💚

P/CDT Mark Rogel Peña Evangelista P/CDT Mark Rogel Peña Evangelista
Cavite, 4129

PNPA LAYAG-DIWA CLASS 2024 Cadet Attachment Program

Advantage of Modern Technology IN 21st Century Advantage of Modern Technology IN 21st Century
Munting Ilog Silang Cavite
Cavite

This page has an information that modern technologies contribution of us in 21st century

Titser Regz Page Titser Regz Page
Cavite, 4100

For Teachers and learner's guide. Video lessons, classroom display, school activities, activity sheets, and other school related files.

Edumotive PH Edumotive PH
Cavite

Yuji Itadori TV Yuji Itadori TV
Cavite

This Page for like and follow💟

Himawari Online Japanese Tutorial Himawari Online Japanese Tutorial
Cavite
Cavite

LEARN JAPANESE LANGUAGE Writing Reading Speaking Listening

DepEd Tayo-Youth Formation-Ternate Central ES DepEd Tayo-Youth Formation-Ternate Central ES
POBLACION II
Cavite

Supreme Pupil Government (SPG) activities, programs, and projects.