Nanay P - SKUL Pulis
Nearby public figures
Limay Bataan
De Ocampo Townsite
Villafranca Street Townsite Limay Bataan
National Road
2103
Alion, Mariveles
Bataab
2103
2103
Bataan
Limay
2103
You may also like
S.K.U.L.-Pulis "Sa Kabataan Uunlad ang Lupang Pinagmulan" is an initiated Best Practice of Limay MPS.
Mr. & Ms. Intramurals 2023 SFNHS
Thank you Ms. Jenelyn Sibayan SFNHS Principal for the invitation to join your sports/games and be one of your judges.
Weekly Coastal Clean Up with KASIMABAYANAN/SKUL-Pulis Team
Sa pamumuno ni PMAJ JENNIFER A CRUZ, COP Limay MPS, ang regular na paglilinis ng tabing dagat sa Brgy. SFII, Limay, Bataan ay isinasagawa isang beses sa isang linggo.
Ito ay pinagtutulungan ng SKUL-Pulis Team na binubuo ng ACCEL/Religious Sectors, Force Multipliers, KKDAT, Brgy. Chairman Elpidio Matilla, MENRO Mr. Vivencio Frianeza at ng inyong kapulisan.
Kami po ay patuloy na nananawagan sa mga residente nito lalo na sa mga mangingisda na nag-iiwan ng kalat at dumi. Bilang paalala ang ating lokal na pamahalaan ay magpapatupad ng task force kalinisan upang mapanagot ang mga mahuhuling lumalabag sa ordinansa pagdating sa kalinisan.
Maraming maraming salamat po sa mga taong nasalikod ng matagumpay na pag-ganap namin sa aming tungkulin lalo na po sa SKUL-Pulis program.
Ang service vehicle na pinagamit ng LGU sa kabutihang loob ni Mayor Nelson C. David, sa Laptop na donated ng ating ABC Brgy. Chairman Regalado Gabriel at sa napakagandang speaker with microphones mula sa Alangan Brgy. Chairwoman Teresita Dela Rea.
Ngunit hindi pa dyan nagtatapos, dahil marami pang nangakong magpapa-abot ng kanilang tulong para sa ikatatagumpay ng programang ito.
Ang lahat po ng inyong tulong ay epektibong nagagamit sa aming mga programa at ipinapangako po naming magiging kapakipakinabang sa magandang layunin nating lahat.
Pagpalain nawa kayo ng panginoon at biyayaan pa ng mahabang buhay at kalakasan sa paglilingkod sa ating bayan.
Ang SKUL-Pulis Team ay taos pusong nagpapasalamat!!!
MUTYA NG PILIPINAS IONA GIBBS HUWARAN NG SKUL-Pulis!!!
Ang Pride of Limay na si Iona Gibbs sa kanyang Home Coming ay nagpaunlak para sa isang larawan na kung saan ay nagpapakita ng suporta sa ating programa.
Dahil nais nya ring maging isang ehemplo para sa ating kabataan lalo na dito sa bayan ng Limay.
Saludo kami sayo Iona Gibbs sa karangalang hatid sa bayan ng Limay!
Mula sa pmumuno ni PMAJ JENNIFER A CRUZ, COP, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa tunay at buong pusong suportang inyong handog tungo sa isang mapayapa, ligtas at maunlad na pamayanan.
Ikaw ba ay may pusong Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Bansa?
Ang aming grupo ng SKUL-Pulis ay inaanyayahan ang lahat na gustong tumulong sa aming programa sa eskwelahan. Gayundin ay katuwang namin sa aming paglilingkod sa bayan na walang hinihintay na kapalit.
Ito po ay volunteerism, upang makatulong sa ating mamamayan, ito ay hindi sapilitan kundi ang libreng oras mo lamang ang iyong ilalaan ng buong puso...
Sa mga interesadong mamamayan ng Limay, mga magulang man, Brgy. Tanod, mga elected officials, maging ang ating nagbabagong buhay na kababayan, ang himpilan ng kapulisan ay laging bukas para sa inyong suporta.
Maki-isa at maging SKUL-Pulis Team Members!!!
S.K.U.L.-Pulis
(Sa Kabataan Uunlad ang Lupang Pinagmulan)
Bilang paghahanda sa opisyal na paglulunsad ng programang SKUL-Pulis, ang kauna-unahang pangkat bilang miyembro ng nasabing programa ay sumasabak na sa kanilang mga pagsasanay. Ang ilan sa kanilang inaaral ay ang Basic Fire Fighting Skills, First Aide and Rescue, Self-Defense Techniques and Basic Riffle Handling.
Ito ay isang paraan ng Limay PNP sa pamumuno ni PMAJ JENNIFER A CRUZ, ACOP upang magabayan at matulungan ang ating mga kabataan na hindi maligaw ng landas.
Gayundin, ang hikayatin silang maging kaisa sa pagsugpo ng kriminalidad sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti, pagrespeto ng kapwa, pagiging disiplinado at pag-iwas sa iligal na gawain bilang miyembro ng SKUL-Pulis.
Ito ay isinasagawa ng may gabay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng mga Religiuos Sectors na tumatangkilik sa programang ito sa pagbabahagi ng mabubuti at magagandang balita mula sa bibliya.
Dahil hangad namin na ang ating mga susunod na henerasyon ay may pusong Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Bansa.
Katuwang ang KASIMBAYANAN na binubuo ng Limay PNP, Limay BFP, Religious Sectors, Force Multipliers (CIS-SG, CACG at Mike Delta Force), KKDAT members at Advisers.
Skul pulis limay bataan
PTV4 News Report
Ang Limay PNP sa pamumuno ni PMAJ JENNIFER A CRUZ, ACOP ay patuloy na maglilingkod ng may malasakit sa ating bayan.
Nawa po ay tangkilin ng ating mamamayan ang programang SKUL-Pulis (Sa Kabataan Uunlad ang Lupang Pinagmulan).
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa ating Local Government Unit sa pamumuno ni Mayor Nelson C. David, Force Multipliers (CIS-SG, CACG at Mike Delta Force), KKDAT Advisers at lalo na sa Religious Sectors (ACCEL Group, OPAMTRA at iba pang Church Leaders) sa buong puso at walang alinlangang suporta upang mapagtagumpayan ang layunin ng SKUL-Pulis.
Sa ating lahat, WALANG BIBITAW!!!
Service Vehicle para sa SKUL-Pulis Activities
Noong Enero 9, 2023, ang kapulisan sa pamamagitan ni PSSg Lotes Fajardo Bascara sa pamumuno ni PMAJ JENNIFER A CRUZ, ACOP kasama ang mga Religious Sectors sa pangunguna ni Ptr. Emmanuel Calora ay nakatanggap ng service vehicle mula sa kabutihan ng munisipalidad ng Limay sa pamumuno ni Mayor Nelson C. David. Ang service vehicle na ito ay para sa SKUL-Pulis Activities na kung saan ay Limay MPS Best Practice "Katuwang ang KASIMBAYANAN".
Ito ay naging inspirasyon at motibasyon ng SKUL-Pulis team na ipagpatuloy ang programa upang makatulong na makamit ang tunay na mapayapa at ligtas na pamayanan sa mga susunod na henerasyon.
Isang malaking tulong ito upang patuloy na maisagawa ang programa kasama ang ating Religious Sectors, CIS-SG, Mike Delta Force, CACG, KKDAT, maging ang iba pang mga pribado at pampublikong organisasyon ng ating bayan.
Bukas po ang aming tanggapan sa mga taong bukal sa puso ang pagtulong sa ating mga kabataan para sa ikatatagumpay ng SKUL-Pulis (Sa Kabataan Uunlad ang Lupang Pinagmulan)
Maraming salamat Mayor Nelson C. David sa inyong tiwala sa SKUL-Pulis Team!!!
🫡🫡🫡
Mga mukha ng 1st Batch SKUL-Pulis Members
SFNHS Chapter
Maraming Salamat sa inyong buong pusong pag-ganap sa aming programa... Kayo ang aming inspirasyon para sa isang mapayapa, ligtas at maunlad na kinabukasan.
Ibalik natin ang mabuting gawa ng mga kabataan, ang pagiging Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Makabansa.
🫡🫡🫡
SKUL-Pulis
(Sa Kabataan Uunlad ang Lupang Pinagmulan)
Photo Credit: (CACG)
Mabuhay ang skul pulis limay, bataan (kasimbayanan)
Manalo ng "Ligtas Pasko Gift"
Paano sumali?
1. I-like at follow ang page.
2. Wag kalimutan mag ❤️ react sa mismong video post.
3. Sa comment section, I-tag ang inyong sampung (10) kaklase o kapitbahay.
4. Ang sampung nakatag ay dapat taga Limay at ma-like and follow sa page.
5. Screen shot and inyong comment at i-send sa message button ng page.
Ang maswerteng mananalo ay matatanggap ang regalo sa Dec 31, 2022.
Prizes:
1. Grocery Package
2. Wrist Watch from Nanay "P"
3. 10 Consolation Prizes (50 worth of load)
(From Brgy. Alangan)
4. Wait there's more
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!
Mula sa inyong S.K.U.L.-Pulis Team!!
Extended!!!!! Until January 5, 2023
For more prizes!!
Manalo ng "Ligtas Pasko Gift"
Paano sumali?
1. I-like at follow ang page.
2. Wag kalimutan mag ❤️ react sa mismong video post.
3. Sa comment section, I-tag ang inyong sampung (10) kaklase o kapitbahay.
4. Ang sampung nakatag ay dapat taga Limay at ma-like and follow sa page.
5. Screen shot and inyong comment at i-send sa message button ng page.
Ang maswerteng mananalo ay matatanggap ang regalo sa Dec 31, 2022.
Prizes:
1. Grocery Package
2. Wrist Watch from Nanay "P"
3. 10 Consolation Prizes (50 worth of load)
(From Brgy. Alangan)
4. Wait there's more
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!
Mula sa inyong S.K.U.L.-Pulis Team!!
RA 7610
Panoorin upang magkaroon ng kaalaman at tandaan ang mga paalala na aming handog.
Please watch the full video...for your awareness
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Limay Municipal Police Station
Limay
2103
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
National Road
Limay, 2103
Public Servant & Limay Bataan Vice Mayor & Sangguniang Bayan Presiding Officer 2019-2022 2022-2025