LACER

This is the official social media page of the Lipa Archdiocesan Council for Electoral Reforms (LACER).

24/12/2023

May His light shine brightly during this Christmas season and always, as we reflect the true message of Christmas.

Merry Christmas everyone!

25/11/2023

‼️ Paalala sa mg Kandidato ‼️ mula sa COMELEC

November 29, 2023 (Wednesday) ang deadline ng pagpa-file ng SOCE.

❗PAALALA SA MGA KANDIDATO❗

4️⃣ na araw na lang bago ang deadline ng filing ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa BSKE 2023.

Personal na magpasa ng SOCE at iba pang angkop na dokumento sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan ka naghain ng iyong kandidatura hanggang November 29, 2023 (Wednesday), mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Link sa SOCE Forms: https://comelec.gov.ph/?r=CampaignFinance/SOCEBSKE2023

30/10/2023

Mahal naming mga Volunteers,
Sa pagtatapos ng araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyo. Ang inyong dedikasyon at walang-sawang pagsisikap na magampanan ang inyong mga gawain ang siyang naging daan sa pagiging matagumpay ng araw na ito.

Tunay na papupurihan ang inyong commitment na tiyakin ang makatarungan at mapayapang proseso ng eleksyon. Mula sa pagsasagawa ng mga voter's education seminars/ talks, voter's assistance desks, prayer vigils at holy hour, pagtulong sa mga botante sa mga polling areas sa mga simpleng pag-alalay sa kanila sa kani-kanilang presinto, hanggang sa pagpapanatili ng integridad ng ating sistemang demokratiko, inyong ipinakita ang kahanga-hangang dedikasyon sa ating komunidad.

Ang ating demokrasya ay patuloy na lumalago dahil sa mga tulad ninyo na handang maglaan ng kanilang oras at enerhiya para sa kabutihan ng nakararami. Ang inyong masigasig na pagkilos ay nagdala ng pagkakaiba, at ang inyong presensya ay nagdulot ng tiwala at kumpiyansa sa ating proseso ng halalan. Hindi lang ito tungkol sa mga oras na inyong inilaan ngayong araw, kundi pati na rin ang epekto na inyong iniwan sa aming lipunan at para rito, kami'y labis na nagpapasalamat.

Pakundangan na itong mensahe na ito ay maging isang tanda ng aming pasasalamat, ngunit sana ay inyong malaman na ang inyong mga kontribusyon ay hindi masusukat. Inaasahan namin na sa hinaharap na mga gawain makasama kayo at patuloy na ma-inspire sa inyong dedikasyon.

Salamat sa pagiging mga di-kilalang mga bayani ngayong Araw ng Halalan. Ang inyong serbisyo ay simbolo ng pag-asa at isang halimbawa ng lakas ng komunidad at demokrasya.

Lubos na nagpapasalamat,
LASAC / LACER

30/10/2023

Kilalanin si Joaquin, isa sa aming dedikadong mga boluntaryo ng LACER! 🌟 Alamin ang kanyang personal na karanasan sa 2023 BSK Election. 🗳️

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Lodlod Integrated National High School

Payapa at matiwasay ang pabibiglang ng mga boto sa bawat presinto. Nagkakaisa din ang mga G**o, Watcher, at ang mga Volunteer sa pagbibilang ng mga boto ng bawat mamamayan.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| Prayers & Rosary
St. Therese of the Child Jesus Parish
Talisay, Lipa City

HOLY HOUR for the Peace of Barangays and Sk Election 2023

Nagsagawa ang St. Therese of the Child Jesus Parish, Talisay Lipa City ng Vigil Mass/Holy Hour. Ito ay para sa mapayapa, ligtas at maayos na eleksyon para sa mga kandidato ng Barangay at SK officials.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Poblacion, San Nicolas

Mapayapa at ligtas na idinaos ang halalan para sa Barangay at SK officials sa Poblacion, San Nicolas

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023

Mahabang Parang Elementary School

Maayos na naidaos ang botohan sa Mahabang Parang Elementary School.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Rafael M. Lojo Memorial School
Banay-banay

Mapayapang naidaos sa Rafael M. Lojo Memorial School ang halalan para sa Barangay and SK officials.

Photos from LACER's post 30/10/2023

|
Nuestra Senora dela Paz Y Buen Viaje, Wawa

Maayos na nagtapos ang botohan sa Brgy. Wawa, Nasugbu.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023

Taal Central School
Taal, Batangas

Maayos na naisagawa ang botohan sa Taal Central School.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
IDLSCP Alitagtag
Munlawin Elementary School
Munlawin Alitagtag Batangas

Dumagsa ang mga botante sa Munlawin Elementary School.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| Rosary and Prayers
Taal Basilica

Nagsagawa ang Taal Basilica ng prayers and rosary para sa mapayapa, maayos at ligtas na halalan para sa mga kandidato at botante ng Barangay at SK Elections 2023.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023

San Fernando Elementary School

TINGNAN | Rev. Fr. Jayson T. Siapco, LASAC Director, sa kanyang pagiging JUARAN, bumoto sya upang makamtan ang KAPAYAPAAN.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
IDLSCP Alitagtag
Dalipit Elementary School
Dalipit East Alitagtag Batangas
Naganap sa Paaralan ng Dalipit Elementary Schools ang pagboto ng apat na Barangay : Barangay Dominador East, Dominador West, Dalipit East, at Dalipit West.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Marcos Espejo Integrated School
Banaybanay 2nd
San Jose of Archdiocesan Shrine and Parish of St Vincent Ferrer

Dinagsa ng mga botante ang Marcos Espejo Integrated School. Ngunit maayos at ligtas pa ring naisagawa ang halalan para sa Barangay at SK Elections 2023

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Bugtong Elementary School
St. Joseph the Worker Parish Inosluban, Lipa City

Dumagsa sa Bugtong Elementary School ang mga botante.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Maximo T. Hernandez Memorial Integrated High School

Naging matiwasay at payapa ang pagkakaroon ng botohan sa paaralan. Dahil sa pagtutulungan, dirediretsong nakapagbigay ng serbisyong pang eleksyon ang mga kinauukulan.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Sta. Rita Elementary School
Batangas City

Dinagsa ng mga botante ang Sta. Rita Elementary School .Kasabay ng dami ng botante ay ang maraming bilang ng precint watcher.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Bolbok Elemetary School
Batangas City

Maayos na naisagawa ang botohan sa Bolbok Elemetary School.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Gaudencio B. Lontok Memorial Integrated School

Time observed: 6:30 - 9:30

Bago pa lamang pumatak ang ika-6 ng umaga ay marami nang tao ang nakapila at naghahanap na ng precinct sa paaralan ng Gaudencio B. Lontok Memorial Integrated School. Makikita sa loob ng paaralan ang mga pulis, bumbero, at sasakyan ng bjmp upang mapanatili ang kaayusan ng botohan. Eksaktong 7 ng umaga ay nagsimula nang magpapasok sa bawat silid aralan ang mga in-charge sa bawat precinct. Sa paglipas ng oras ay marami pa ring mga botante ang hindi mahanap at hindi alam ang kanilang precinct number. May nakakalat na ring mga voters assistant desk kung saan may tig-dadalwang laptop upang matingnan at maibigay sa mga botante ang kanilang mga precinct number. Sa kabilang banda, patuloy ang pagtutulungan ng mga tao sa pamamagitan ng paggabay nila sa mga matatanda, PWD, at mga buntis upang mahanap at makarating sila nang ligtas sa mga assigned precinct.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
IDLSCP Alitagtag
Pinagkurusan Elementary School
Pinagkurusan Alitagtag Batangas

Naganap sa Paaralan ng Pinagkurusan Elementary School ang pagboto ng dalawang barangay at ito ay ang Barangay Pinagkurusan at ang Barangay Concepcion.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Paaralang Primarya ng Sta. Teresita
Sta. Teresita, Sto. Tomas Batangas

Sa pagpasok sa paaralan ay agad na makikita ang mga papel na nakapaskil sa Bulletin board kung saan naroon ang Precinct No. at Voter's Name, katabi nito ay ang mga nag-aasist sa tao upang alamin ang kanilang designated room. May mga tumutulong sa Senior and PWD na mga botante.
Upang mas maging maayos ay naglagay din ng mga upuan kung saan maaaring maghintay ang mga susunod na boboto.
Sa kabuuan, nagkaroon ng maayos at ligtas na BSKE ang Brgy. Sta. Teresita.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Brgy. Carenahan Baclaran, Sampaga, Durungao
Balayan Batangas

Naging maayos ang botohan sa Brgy. Carenahan Baclaran, Sampaga, Durungao. Naging tulong sa mga botante ang kopya kung saan mahahanap nila ang kanilang mga presintong bobotohan.

30/10/2023

Opisyal na tinatapos ang botohan, alas-3 ng hapon, Oktubre 30, 2023.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
San Bartolome Elementary School
Sto. Tomas, Batangas

Maayos ang naging sistema ng botohan sa San Bartolome Elementary School . May mga PNP, First Aid, Help Desks at iba pa na nakatutulong sa mga botante.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Bernardo Lirio Memorial Central School
Darasa, Tanauan City

Bilang tulong ng mga volunteer mula sa Nuestra Señora De la Soledad Parish ay tinulungan ang mga botante na mas mapadali ang kanilang pag alam sa kanilang precinct number sa pamamagitan ng pag-sesearch ng kani-kanilang pangalan sa kopya na hawak nila.

Photos from LACER's post 30/10/2023

| BSKE 2023
Banjo East Elementary School
Tanauan City

Maaga pa lang ay unti unti na ang pagdagsa ng mga tao upang magsiboto, karamihan sa mga ito ay alam na ang kanilang presinto sa tulong ng online access, mabilis ang bawat proseso at hindi rin gaanong humaba ang mga pila. Kagandahan ay nasunod na naging priority ang mga senior citizens at mga PWD.

Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Kilalanin si Joaquin, isa sa aming dedikadong mga boluntaryo ng LACER! 🌟 Alamin ang  kanyang personal na karanasan sa 20...
10 Utos sa Tamang Pagboto Ito ang RECAP ng 10 Utos sa Tamang Pagboto. Alalahanin ito sa Oktubre 30, Lunes, araw ng halal...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 10 Isaalang-alang Mong Una at Higit sa Lahat ang Kapakanan ng Bayan sa Pagpili ng Kandidaton...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 9️⃣ Huwag Iboto ang Kandidatong Immoral sa Kanyang Personal na Buhay.Abangan bukas ang ika-1...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 8️⃣ Iboto ang Kandidato Dahil Lamang sa Utang na Loob, Ganda, o Popularidad.Abangan sa mga s...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 7️⃣ Huwag Iboto ang Kandidatong may Record ng Violence, Graft, at CorruptionAbangan sa mga s...
Hayaang marinig ang iyong boses, makiisa sa pagbabago: Maging JUAraNg mamamayan.DISCLAIMER: We hereby declare that we do...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 6️⃣ Huwag Iboto Ang mga Kandidatong Gumagamit ng Guns, Goons, Gold, o GreedAbangan sa mga su...
Makadiyos, paano nga ba? Comment down below.#JUAraN #BotoKoSagrado #LACERBatangas DISCLAIMER: We hereby declare that we ...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 5️⃣ Huwag Mong Ibenta ang Iyong BotoAbangan sa mga susunod na araw ang 5 pang utos na dpat n...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 4️⃣ Alamin Mo ang mga Plataporma at Programa ng mga Kandidato o Partidong TumatakboAbangan s...
10 Utos sa Tamang Pagboto | 3️⃣ Kilalanin mo ang pagkatao, kakayahan, at katangian ng mga kandidatong nanliligaw sa boto...

Telephone

Address


LAFORCE Building, J. P. Laurel Hway, Marauoy
Lipa City
4217

Other Lipa City schools & colleges (show all)
The Mabini Academy The Mabini Academy
T. M. Kalaw Street , Brgy. Balintawak
Lipa City, 4217

Educational Institution

TMA Student Council TMA Student Council
Lipa City, 4217

school org :))

De La Salle Lipa Alumni Association, Inc. De La Salle Lipa Alumni Association, Inc.
De La Salle Lipa 1962 J P Laurel National Highway
Lipa City, 4217

De La Salle Lipa Alumni Association is a SEC registered organization for DLSL graduates since 1963.

Yolly G Latag Yolly G Latag
Lipa City, 4217

Mathematics Teacher at The Mabini Academy

DLSL College of Nursing DLSL College of Nursing
G/F Mabini Building, 1962 J. P. Laurel National Highway
Lipa City, 4217

9.0 NINER IELTS, OET & PTE Review  Lipa City 9.0 NINER IELTS, OET & PTE Review Lipa City
Room 301 City Sleep Inn Event Center, Brgy Sico JP Laurel High Lipa City
Lipa City, 4217

The No. 1 IELTS Agent in the Philippines and the Right Place to Score 9.0 in IELTS!

Lipa Science ROVER Scouts Lipa Science ROVER Scouts
611 B. Morada Street
Lipa City, 4217

Nucleus of a world-brotherhood of young men working under a common ideal of service.

Center for Batangas Studies Center for Batangas Studies
Lipa City, 4217

The De La Salle Lipa-Center for Batangas Studies (DLSL-CBS) is a center for research on all aspects of Batangas history and culture.

Think Thrice Think Thrice
Lipa City

Think Wise, while completing your 3'Is📄

KLL ROTC KLL ROTC
Lipa City

Defend your Country

Alpha kokak Alpha kokak
2427
Lipa City, JAMIE'S

Explanation