Sangguniang Panlungsod - Lucena City
The official page of the 19th Sangguniang Panlungsod of the City of Lucena, Quezon Province.
Hindi matatawaran ang naging kontribusyon ng mga Natatanging Lucenahin Awardees sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita na sa publiko ang Natatanging Lucenahin Walk of Fame sa pamamagitan ng Unveiling Ceremony sa Heroes Lane, City Promenade, Pleasantville Subd., Brgy. Ilayang Iyam, ngayong Agosto 15. Dinaluhan ito ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala katuwang ang mga City Councilors na sina Danilo Faller, Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera, Americo Lacerna, Benito Brizuela, Jr., Nicanor Pedro, Jr., Elizabeth Sio, Christian Ona at Amadeo Suarez. Nakasama rin sa seremonya si former Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala at SP Secretary Leonard Pensader. Nakaukit sa mga star ang mga pangalan ng naging awardees simula 1991 hanggang 2000.
Full-force ang Team Boom Lucena matapos pangunahan ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala ang laro kontra Team LDRRMO sa isinagawang Basketball League, kagabi, August 14. Winner ang Boom Lucena sa score na 89-82. Lumaro rin ang mga konsehal na sina Wilbert Mckinly Noche at Patrick Norman Nadera.
Tinungo ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala ang Barangay Gulang-gulang upang ipamahagi sa 657 na Senior Citizens at PWDs ang Birthday Cash Gift, ngayong Miyerkules, ika-14 ng Agosto. Nakiisa sa programa ang mga City Councilors na sina Americo Lacerna at Benito Brizuela, Jr. kasama si Dr. Kim Tan. Dumalo at nagpaabot ng suporta ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Joe Mark Alcantara. Ang mga naturang benepisyaryo ay ang mga birthday celebrants noong May at June.
May 325 PWDs at Senior Citizens ng Brgy. Mayao Kanluran na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Mayo at Hunyo ang tumanggap ng Birthday Cash Gift handog ng lokal na pamahalaan, ngayong hapon, August 12. Pinangunahan ang pamamahagi ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama ang mga konsehal na sina Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera, Americo Lacerna, Benito Brizuela, Jr. at Christian Ona. Full support naman ang ipinaabot ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kap. Adela Nave.
13 Legislative Proposals ang inaprubahan sa 97th regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ngayong Agosto 12. Binubuo ito ng apat na Resolutions, limang Ordinance, isang Application for Accreditation at 2024 Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Marketview at Salinas gayundin ang SK Domoit.
Happening Now | Ika-97 regular session ng 19th Sangguniang Panlungsod ng Lucena.
“My life has never been the same with Rotary.”
Ito ang linyang inihayag ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kaniyang Valedictory Speech bilang Hope Creating President ng Rotary Club of Lucena South sa naganap na Installation of Officers & Induction of New Member, kagabi, ika-11 ng Agosto. Ipinagmalaki ng pangulo ang successful activities, awards at record-breaking accomplishments sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa R.Y. 2023-2024. Binigyang diin nito na malaki ang pasasalamat ng LGU Lucena sa RC Lucena South sapagkat naging masigasig at matibay na kasangga ito sa layunin para sa ikagagaling ng mamamayang Lucenahin. Sa pagtatapos ng kaniyang pananalita, pinasalamatan ni Alcala ang Hope Creating Officers at members para sa pagbabahagi ng puso at panahon sa organisayon gayundin sa walang patid na suporta ni PDG William Delloro.
Lumaro ang ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa koponan ng Sacred Heart College Batch ’80 kontra Quezon High Alumni Basketball League, ngayong Linggo, Agosto 11. Nagtapos ang basketball game sa score na 74-71 pabor sa SHC ‘80.
Natapos ang laro ng Team Boom Lucena VS Port Management Office MARQUEZ sa score na 87-54, ngayong gabi, ika-10 ng Agosto. Nagsilbing Team Captian ang ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng waging koponan kasama si City Councilor Patrick Norman Nadera at mga Kapitan ng lungsod.
Ika-96 regular session ng 19th Sangguniang Panlungsod ng Lucena.
Pinangunahan ni Konsehal Benito Brizuela, Jr., Chairman ng Committee on Laws, Rules& Human Rights ang talakayan sa Legislative Proposal No. 19-08-717 o “An Ordinance Amending Tax Ordinance No. 08-051, also referred to as the Revenue Code of Barangay Cotta, Lucena City, Series of 2009”, August 8. Dumalo rito bilang resource persons sina City Slaughterhouse Head Marian Yap-Gallardo, BPLO Head Wendell Perez at City Veterinarian Dr. Michelle Anne Javier kasama ang mga kinatawan ng mga tanggapan ng City Treasurer, City Legal, City Administrator, DILG Lucena at Sangguniang Barangay Cotta.
Tinalakay ng Committee on Barangay Affairs sa pamumuno ni City Councilor Amadeo Suarez, Chairman, ang 2024 Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Marketview at Salinas, ngayong hapon, ika-8 ng Agosto. Humarap sa pagdinig si Kap. Joven Gunday ng Marketview kasama ang mga kinatawan ng Sangguniang Barangay Salinas at Offices of the City Budget and City Accounting.
Personal na ipinamahagi ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick "Dondon" Alcala katuwang si Mayor Mark Alcala ang Financial Assistance at Food Packs sa mga Solo Parent mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, ngayong Agosto 8. 788 benepisyaryo ang tumanggap ng naturang tulong mula sa pamahalaang lokal. Nakaalalay sa aktibidad sina City Councilors Danilo Faller, Americo Lacerna, Benito Brizuela, Jr. at Elizabeth Sio.
Nakadaupang palad ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick "Dondon" Alcala ang mga pinuno ng Pamahalaang Lokal ng Gloria, Oriental Mindoro sa pagbisita ng mga ito sa lungsod ng Lucena. Mainit na tinanggap ng bise alkalde kahapon, August 7, sina Municipal Mayor German Rodegerio, Vice Mayor Romeo Edward Alvarez at mga kawani ng LGU Gloria. Ipinaabot din nito ang pakikiisa at suporta ng pamahalaang panlungsod at ni Mayor Mark Alcala sa kanilang Benchmarking Activity na isinagawa sa lungsod.
Tinalakay ng Committee on Social Welfare, PWDs, Senior Citizens, Women & the Family sa pangunguna ni City Councilor Nicanor Pedro, Jr., Chairman, ang, “A resolution Authorizing the City Mayor in Behalf of the City Government of Lucena to Enter Into a Memorandum of Agreement with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) for the Distribution of Social Pension and Liquidation of Transferred Funds for the Indigent Senior Citizens (SOCPEN) on a Quarterly Basis”, ngayong ika-7 ng Agosto. Buong pagsuporta sa pamamagitan ng pagdalo ang ipinaabot ni CSWDO-OIC Mayshell Rañada kasama ang mga kinatawan ng Offices of the City Legal at City Administrator.
Isinalang ng Committee on Subdivision, Housing & Real State sa hearing ang Legislative Proposals No. 19-08-719, 19-08-720 at 19-08-721, ngayong Miyerkules, August 7. Pinangunahan ito ni Konsehal Americo Lacerna, Chair katuwang ang mga Konsehal na sina Wilbert Mckinly Noche, Benito Brizuela, Jr. at Elizabeth Sio. Dumalo rin ang representatives ng mga tanggapan ng CPDO, City Zoning Services at City Assessor kasama ang mga kinatawan ng Calmar Land Development Office.
Nasikwat ng Team Boom Lucena ang panalo kontra Port Management Office MARQUEZ sa naganap na Basketball Game, kagabi, Agosto 6. Pinangunahan ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang koponan ng Boom Lucena kasama si Konsehal Wilbert Mckinly Noche at mga Punong Barangay sa lungsod.
Tumayong ninong ang ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa wedding nina Alvir & Roxan, August 6. Congratulations and Best Wishes to the newlyweds!
All-out support ang ipinarating ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala kay Mayor Mark Alcala hanggang sa last day ng distribution ng libreng school supplies, ngayong araw, August 5. Nakibahagi sa programa sina Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera, Americo Lacerna, Benito Brizuela, Jr., at Elizabeth Sio gayundin ang mga DepEd Officials. Sinadya ng mga pinuno ang mga paaralan sa Barangay Ibabang Talim, Ilayang Talim, Salinas, at Ransohan.
Naging makabuluhan ang naganap na ika-96 regular session ng Sangguniang panlungsod ng Lucena sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ngayong ika-5 ng Agosto. 16 Legislative Proposals ang dumaan sa talakayan ng konseho kabilang ang walong Ordinansa, isang Resolution, isang Application for Accreditation at 2024 Supplemental Budget No. 1 ng Brgy. Talao-talao, Salinas at Marketview gayundin ng SK Councils ng Brgy. 2 at 10. Pasado na rin ang, “An Ordinance Extending the Implementation of the City Ordinance No. 2840, Series of 2023 or the Experimental Night Market Ordinance of Lucena City until January 30, 2025” at “An Ordinance Amending Section 8 and Section 12 of the City Ordinance No. 2840, Series of 2023 or the Experimental Night Market Ordinance of Lucena City” sa ikatlong pagbasa.
30 na koponan mula sa siyam na eskwelahan ang magtutunggali sa Lucena City Inter-School Alumni Basketball Friendship League 2024 na inorganisa ng City Sports Development. Sinaksihan ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala ang pormal na pagbubukas ng liga ngayong August 4.
Naipanalo ng Team Boom Lucena ang basketball game kagabi, August 2 laban sa Starhorse. Buong gilas na pinangunahan ang koponan ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala kakampi ang mga konsehal na si Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera at Christian Ona. Nakasama rin sa winning team ang mga Punong Barangays sa Lucena at kawani ng Sangguniang Panlungsod.
Sa pagpapatuloy ng school supplies distribution, kaalalay pa rin ang ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ni Mayor Mark Alcala sa pagtungo sa mga public schools sa Lucena upang ipamahagi ng libreng gamit pang-eskwela, kahapon ika-2 ng Agosto. Nakiisa rito ang mga konsehal na sina Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera, Benito Brizuela, Jr., at Elizabeth Sio. Masayang tinanggap ang mga gamit ng mga mag-aaral ng Kanluran, Mayao Parada, Mayao Castillo, Mayao Silangan, Domoit, Bocohan, Isabang, Ibabang Iyam, Ilayang Dupay, Gulang-gulang at Lucena WEST 1, 2, at, 3.
Kampeon ang koponan ng BOOM Lucena kontra City Fire sa iskor na 74-62, kagabi, August 1. Pinamunuan ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang team kasama ang mga City Councilors na sina Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera at Benito Brizuela, Jr. gayundin ang mga Kapitan ng iba’t ibang barangay sa lungsod.
Sa pagnanais na mapigilan ang teenange pregnancies sa lungsod, isang pagdinig ang pinasilidad ng Komite ng Kabataan at Pampalakasan, Agosto 1. Pinangunahan ito ni Konsehal Angelica Alcala, Tagapangulo kasama si Konsehal Nicanor Pedro, Jr. May titulo ang Legislative Proposal No. 19-06-689 na, “An Ordinance Establishing Lucena City Policy in Preventing Teenage Pregnancies, Institutionalizing Social Protection for Teenage Parents, Creation of Teen Center, and Providing Funds Therefor”. Nakiisa sa hearing ang mga resource persons na sina CHO-OIC Dr. Jocelyn Chua, CSWDO-OIC Mayshell Rañada, City Accountant Ella Michelle Azagra, GAD Head Carmilita Caparos, POPCOM Head Melanie Ornillo, LYDO Head Jordan Romulo, at ang mga kinatawan ng City Legal, at City Budget.
Sinimulan na ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala ang pamamahagi ng libreng School Supplies sa mga pampublikong paaralan sa lungsod, ngayong ika-01 ng Agosto. Tinungo ng mga opisyal ang North 1, 2 & 3, East 1, 2, 3, 4, 5, 7, 8 & 9, South 1 & 2, West IV, Barra, Talao-talao, Dalahican, CNHS, LDNHS, Bliss at LCNHS-Mayao Crossing. Buong suporta ang ipinarating ng mga Konsehal na sina Patrick Norman Nadera, Benito Brizuela, Jr., at Americo Lacerna, Elizabeth Sio.
Pinag-aralan ng Committee on Youth & Sports Development sa pamumuno ni Konsehal Angelica Alcala, Chairman, ang Fiscal Year 2024 Supplemental Budget No. 1 ng SK Barangay 2 at 10, ngayong August 1. Iniulat ng mga SK Chairpersons Dan Joshua Bautista at Peter Henri Degalicia ang mga priority projects na paglalaanan ng isinusulong na supplemental budget. Sinaksihan ito ng kinatawan ng Office of the City Budget.
Ginanap ang 2nd State of the City Address ni Mayor Mark Don Victor Alcala sa 95th regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena, July 31. Sa kanyang SOCA ay buong pusong nagpasalamat ang Alkalde sa ating presiding officer, Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at sa bumubuo ng Konseho “…for the incredible support you had given this administration. You have cemented our vision through necessary legislations—all for the benefit of every Lucenahin.”
Gaganapin bukas July 31, Miyerkules, ika-9 ng umaga sa isang special session ang ikalawang State of the City Address (SOCA) ni Mayor Mark Don Victor B. Alcala.
Iginawad ng ating Presiding Officer Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala ang plaque of recognition sa mga sub-station commanders at ilang kapulisan ng Lungsod ng Lucena, ngayong ika-29 ng Hulyo. Ito ay matapos magpakita ng katangi-tanging serbisyo sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang valiant protector ng komunidad at miyembro ng Lucena PNP. Nakasama rin sa pagbibigay pagkilala si Lucena PNP-OIC PLTCOL William Angway, Jr., HUC-OIC DILG Director Vilma De Torres, Councilor Amadeo Suarez at City Administrator Anacleto “Jun” Alcala, Jr. Kasabay din ito ng culminating activity ng 29th Police Community Relations Month Celebration ng Lucena Component City Police Station.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Website
Address
Lucena
4301
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
Governor's Mansion Compound, Brgy. 8
Lucena, 4301
Investing in the minds of the youth is the best and most sound investment that our province can make
Barangay Talao Talao Lucena City
Lucena, 4301
Lucena, 4336
This fb page wanted to post Sangguniang kabataan ng Barangay Banugao Project and Programs
Lucena Grand Central Terminal, Brgy. Ilayang Dupay
Lucena, 4301
Tax Information and Updates
4th Floor, Lucena City Government Complex, Brgy. Mayao Kanluran
Lucena, 4301
This serves as the official page of the City Election Officer Lucena City, Quezon Province. For further details, updates, concerns and announcements by this office, kindly...