Ang aking Gabay
IS TO PROCLAIM THE GOSPEL OF SALVATION THROUGH JESUS CHRIST, AND TO PREPARE EVERY NATION FOR HIS SOON
Liham ng Pag ibig mula sa Langit
Ang aking Gabay
Streaming free
Joseph E. Maga - YouTube People & Blogs
Ang Pagsisisi ni David
magkasala, ay nagpapakilala ng uri ng tunay na kalungkutan dahil sa pagkakasala. Ang kanyang pagsisisi ay tapat at taimtim. Hindi nadungisan ng anumang pagsisikap na pangatuwiranan ang kanyang pagkakasala; ang panalangin niya ay hindi udyok ng pagnanasang makaiwas sa nabibiting kahatulan. Nakita ni David ang laki ng kanyang pagsalansang; nakita niya ang karumihan ng kaniyang kaluluwa; kinasusuklaman niya ang kanyang kasalanan. Hindi lamang kapatawaran ang kanyang hiningi sa dalangin, kundi kalinisan din naman ng puso. Kinasabikan niya ang kaligayahan ng kabanalan—ang pagkasauli sa pakikiisa at pakikipagusap sa Diyos. Ito ang pangungusap ng kanyang kaluluwa:
“Mapalad siyang pinatawad ng pagsalansang,
na tinakpan ang kasalanan.
Mapalad ang tao na hindi paratangan
ng kasamaan ng Panginoon.
At walang pagdaraya ang diwa niya.” Awit 32:1, 2.
PreviousNext
PAGSISISI
Paanong magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paanong magagawang matuwid ang makasalanan? Sa pamamagitan lamang ni Kristo maaring makaayon tayo ng Diyos, at ng kabanalan; nguni’t papaano tayo lalapit kay Kristo? Marami ang nangagtatanong ng gaya rin nang isinigaw ng maraming tao noong kaarawan ng Pentekostes, nang sila’y masumbatan sa kanilang mga kasalanan: “Anong gagawin namin;” Gawa 2:37. Ang unang salita sa isinagot ni Pedro ay: “Mangagsisi kayo.” Gawa 2:38. Sa ibang pagkakataon, hindi pa naluluwatan pagkaraan nito, ay ganito ang kanyang sinabi: “Mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan.” Gawa 3:19.
Saklaw din ng pagsisisi ang pagkalungkot dahil sa kasalanan, at pagtalikod dito. Hindi natin tatalikdan ang pagkakasala, malibang nakikita natin ang pagkamakasalanan nito; hanggang hindi natin iyan tinatalikdang buong puso, ay hindi tayo magkakaroon ng tunay na pagbabago sa ating kabuhayan.
"Nagsalita si Jesus na may pag-ibig"
Hindi pinigil ni Jesus kahi’t isang salita ng katotohanan, bagkus lagi Niyang binibigkas ito sa pag-ibig. Gumamit Siya ng pinakamalaking katalinuhan, pagkukuro, at mahabaging pagaasikaso, sa Kanyang pakikisama sa mga tao. Kailan man ay hindi Siya nagwalang-pakundangan; hindi Siya nagsalita ng anumang mabigat na pangungusap; hindi Niya sinaktan, nang hindi kailangan ang damdamin ng mararamdaming kaluluwa. Hindi Niya pinagwikaan ang kahinaan ng tao. Sinalita Niya ang katotohanan, nguni’t laging nabibilot ng pag-ibig. Hinamak Niya ang pagpapaimbabaw, kawalan ng pananampalataya, at kasamaan; datapuwa’t may luha ang Kanyang tinig sa pagbigkas Niya ng matatalas na pagsansala. Tinangisan Niya ang Jerusalem, ang bayan Niyang minamahal, na ayaw tumanggap sa Kanya, na siyang Daan, Katotohanan at Buhay. Kanilang tinanggihan Siya na Tagapagligtas, datapuwa’t pinagpakitaan Niya sila ng malumanay na kaawaan. Sa Kanyang kabuhayan ay tinatanggihan ang sarili, at inaalaala ang mga iba. Bawa’t kaluluwa’y mahalaga sa Kanyang paningin. Bagaman laging sumasa Kanya ang banal na karangalan, ay yumukod Siyang may malumanay na pag-ibig sa bawa’t kaanib ng sambahayan ng Diyos. Nakita Niya na ang lahat ng tao ay mga kaluluwang waglit, at gawain Niya ang sila’y iligtas.
Iyan ang likas ni Kristo alinsunod sa inihayag ng Kanyang kabuhayan. Iyan ang likas ng Diyos. Mula sa puso ng Ama ay bumukal ang mga daloy ng banal na pagmamahal, na nahayag kay Kristo, at umagos sa mga anak ng mga tao. Si Jesus, ang mahabaging Tagapagligtas, ay Diyos na “nahayag sa laman.” 1 Timoteo 3:16
"Ang Pakay ni Jesus"
Nang ilarawan ni Jesus ang Kanyang pakay sa pagparito sa lupa, ay sinabi Niya: “Ako’y pinahiran Niya [ng Ama] upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha; Ako’y sinugo Niya upang pagalingin ang wasak na puso, at ipangaral sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi.” Lukas 4:18, talatang Griego. Ito ang Kanyang gawain. Siya’y naglibot na gumagawa ng mabuti, at pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ni Satanas. May mga nayong hindi nagkaroon sa isa mang bahay ng daing ng maysakit; sapagka’t nagdaan Siya roon at pinagaling Niya ang lahat ng may karamdaman. Ang Kanyang ginawa ay nagpatunay na Siya’y pinahiran ng langis ng Diyos. Ang pag-ibig, habag, at pakikiramay ay nangahayag sa lahat Niyang ginawa; ang Kanyang puso ay may awang nakikiramay sa mga anak ng mga tao. Ibinihis Niya ang katutubo ng tao, upang madama Niya ang mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang pinakadukha at pinakamababa ay hindi nangilag na lumapit sa Kanya. Pati ng maliliit na bata ay naganyak na lumapit sa Kanya. Ibig nila ang sumampa sa Kanyang mga tuhod, at tumitig sa Kanyang mapag-isip na mukha, na nagliliwanag sa pag-ibig.
"Ang Pakay ni Jesus"
Nang ilarawan ni Jesus ang Kanyang pakay sa pagparito sa lupa, ay sinabi Niya: “Ako’y pinahiran Niya [ng Ama] upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha; Ako’y sinugo Niya upang pagalingin ang wasak na puso, at ipangaral sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi.” Lukas 4:18, talatang Griego. Ito ang Kanyang gawain. Siya’y naglibot na gumagawa ng mabuti, at pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ni Satanas. May mga nayong hindi nagkaroon sa isa mang bahay ng daing ng maysakit; sapagka’t nagdaan Siya roon at pinagaling Niya ang lahat ng may karamdaman. Ang Kanyang ginawa ay nagpatunay na Siya’y pinahiran ng langis ng Diyos. Ang pag-ibig, habag, at pakikiramay ay nangahayag sa lahat Niyang ginawa; ang Kanyang puso ay may awang nakikiramay sa mga anak ng mga tao. Ibinihis Niya ang katutubo ng tao, upang madama Niya ang mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang pinakadukha at pinakamababa ay hindi nangilag na lumapit sa Kanya. Pati ng maliliit na bata ay naganyak na lumapit sa Kanya. Ibig nila ang sumampa sa Kanyang mga tuhod, at tumitig sa Kanyang mapag-isip na mukha, na nagliliwanag sa pag-ibig.
"TAYO'Y NATATALI SA KANYA"
Itinali ng Diyos ang ating mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng di-mabilang na mga tanda ng Kanyang pag-ibig sa langit at sa lupa. Sa pamamagitan ng mga bagay ng kalikasan, at ng pinakamataos at pinakamasarap na pagmamahalan dito sa lupa na maaaring sumilid sa puso ng mga tao ay sinikap Niyang pakilala sa atin. Subali’t ang mga ito’y di-ganap na naglalarawan ng Kanyang pag-ibig. Bagaman naibigay na ang lahat ng katunayang ito, ay binulag ng kaaway ng kabutihan ang mga pag-iisip ng mga tao, na anupa’t kinatakutan nila ang Diyos; ipinalagay na Siya’y mabagsik at hindi nagpapatawad. Hinila ni Satanas ang mga tao sa paniniwala na ang pangunang likas ng Diyos ay kabagsikan,—isang matigas na hukom, marahas at mahigpit na maniningil. Inilarawan niya ang Manglalalang na isang Diyos na laging nanunubok ng mga kamalian at pagkukulang ng mga tao, upang lapatan Niya sila ng mga hatol. Kaya nga, upang maalis ang maitim na sapot na ito, sa pamamagitan ng pagpapakita sa sanlibutan ng hindi matingkalang pagibig ng Diyos, ay naparito si Jesus upang tumahan sa gitna ng mga tao.
Bumaba ang Anak ng Diyos mula sa langit upang ipakilala ang Ama. “Walang taong nakakita kailan man sa Diyos; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala.” Juan 1:18. “Sino may hindi nakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.” Mateo 11:27. Nang hilingin ng isa sa mga alagad na: “Ipakita Mo sa amin ang Ama, ay tumugon si Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong nakakasama, at hindi mo Ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama, bakit sinasabi mo: Ipakita Mo sa amin ang Ama?” Juan 14:8, 9
"Ang Diyos ay Pag-ibig"
Sa bawa’t bulaklak na namumukadkad, at sa bawa’t talbus ng damong sumisibol ay nasusulat: “Ang Diyos ay Pag-ibig” 1 Juan 4:8. Ang mga ibong kaibig-ibig na nagpapasaya sa himpapawid ng kanilang awit; ang may magagandang kulay na bulaklak na nagpapabango sa simoy; ang matataas na punong-kahoy sa gubat pati ng kanilang luntiang mga dahon—lahat ng iyan ay nagpapatoo ng pagmamahal at pagkakalinga ng Ama nating Diyos at sa Kanyang pagnanais na paligayahin ang Kanyang mga anak.
Inihahayag ang likas ng Diyos ng Kanyang salita. Siya na rin ang nagpahayag ng Kanyang hindi masukat na pag-ibig at habag. Noong idalangin ni Moises: “Ipakita Mo sa akin ang Iyong kaluwalhatian,” ay tumugon ang Panginoon: “Aking papangyayarihin ang Aking buong kabutihan sa harap mo.” Exodo 33:18, 19. Ito ang Kanyang kaluwalhatian. Ang Panginoon ay nagdaan sa harapan ni Moises, at nagpahayag: “Ang Panginoon, ang Panginoong Diyos na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; na gumagamit ng kaawaan sa libu-libo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalansang.” Exodo 34:6, 7. Siya’y “banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob,” sapagka’t “Siya’y nalulugod sa kahabagan.” Jonas 4:2; Mikas 7:18.
"ANG PAGIBIG NG DIOS SA TAO"
Ang Kalikasan at ang banal na pahayag ay kapuwa nagpapatotoo sa pag-ibig ng Diyos. Ang Ama nating nasa langit ang siyang bukal ng buhay, ng karunungan, at ng kaligayahan. Masdan ninyo ang kahangahanga at maiinam na bagay ng kalikasan. Isip-isipin ninyo ang kataka-takang pagkakaangkop ng mga iyan sa mga pangangailangan at katuwaan, hindi lamang ng tao, kundi ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang sinag ng araw at ang ulan, na nagpapagalak at nagpapaginhawa sa lupa, ang mga burol, dagat at kapatagan, ay pawang nagsasalita sa atin ng pag-ibig ng Lumalang. Ang Diyos ang nagbibigay ng mga kailangan ng lahat Niyang nilalang sa araw-araw. Narito ang maiinam na pangungusap ng mang-aawit:
“Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa Iyo;
At Iyong ibinibigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
Iyong binubuksan ang Iyong kamay;
at sinasapatan Mo ang nasa ng bawa’t bagay na may buhay.” Awit 145:15,16.
Ginawa ng Diyos ang tao na sakdal sa kabanalan at kasayahan; at ang magandang lupa, pagkapanggaling sa kamay ng Lumalang, ay walang bakas ng kasiraan o anino man ng sumpa. Ang pagsalansang sa kautusan ng Diyos—sa kautusan ng pag-ibig—ay siyang nagdala ng hinagpis at kamatayan. Gayon man, sa gitna ng kahirapang ibinunga ng kasalanan, ay inihahayag pa rin ang pag-ibig ng Diyos. Nasusulat na sinumpa ng Diyos ang lupa sa kapakanan ng Lao. Genesis 2:17. Ang tinik at ang da wag—mga kahirapan at mga pagsubok na siyang sanhi ng pagsusumakit at pag-aalaala sa buhay—ay itinakda sa kanyang ikabubuti, na pinaka isang bahagi ng pagsasanay na kailangan sa panukala ng Diyos, upang maiyangat siya mula sa kasiraan at pagkaaba na ginawa ng kasalanan. Nabulid man ang sanlibutan sa pagkakasala, ay hindi naman panay na kalungkutan at kahirapan ang lahat dito. Sa kalikasan na rin ay may mga pabalita ng pag-asa at aliw na buhat sa Diyos. Sa mga dawag ay may mga bulaklak, at ang mga tinik ay nangatatakpan ng mga rosas.
napakahalagang tandaan na hindi ang pagsambit ng isang panalangin ang dahilan ng iyong kaligtasan. Hindi nakapagliligtas ang pagsambit ng panalangin. Kung nais mong maranasan ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus, ilagak mo ang iyong pagtitiwala sa Kanya. Pagtiwalaan mo na ang Kanyang kamatayan ay sapat na handog sa ikapagpapatawad ng iyong mga kasalanan. Magisisi ka sa iyong mga kasalanan at buong puso mo Siyang pagtiwalaan bilang iyong tanging Tagapagligtas. Iyan ang Biblikal na kaparaanan sa kaligtasan. Sabihin mo sa Diyos kung gaano ka nagpapasalamat dahil kay Hesus. Purihin mo Siya dahil sa kadakilaan ng Kanyang pag-ibig. Pasalamatan mo ang Diyos dahil sa paghalili ni Hesus upang Siyang mamatay para sa iyo at upang iligtas ka sa walang hanggang pagdurusa sa impiyerno. Iyan ang koneksyon ng kaligtasan at panalangin ayon sa Bibliya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
San Francisco Quezon Philippines
Lucena
4315
Lucena, 4301
The Official Page of Code Arts Online - STI Lucena S.Y 2023-2024
Brgy. Ibabang Dupay
Lucena, 4301
The Ricefield/Ang Palayan is the Official School Publication of Lucena City National High School
2nd Floor, LSC Building, Allarey Street, Barangay 3
Lucena, 4301
Your Christian broadcast station in Lucena City.
Lucena, 4403
A media platform that genuinely supports automotive enthusiast community who share a common interest