Bahaghari - Pisay Gitnang Luzon
Ang opisyal na peryodismo sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Gitnang Luzon
Ang mga pananaw at opinyon ng patnugutan/peryodismo ay hindi direktang sumasalamin sa pananaw ng Mataas na Paaralan sa Pilipinas sa Agham-Gitnang Luzon, ng PSHS System, o ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. Bilang pagsunod sa Republic Act 10173 o ng Data Privacy Act ng 2012, ang peryodismong Bahaghari ay humingi ng permiso sa mga magulang ng mag-aaral na i-post online ang graphic illustration o pubmat na naglalaman ng pangalan at larawan ng manunulat.
Sa patuloy na pagkalap ng katotohanan, narito ang mga mangunguna sa paninindigan para sa bayan. โ Sa ngalan ng malayang pamamahayag, sila'y muling magsusulat at mag-uulat upang makamulat. ๐๏ธ
Buong puso naming ipinagmamalaki ang patnugutan ng Bahaghari SY 2024-2025! ๐
โ๏ธ Nyah Salazar
๐ผ๏ธ Enzo Banzon at Jazel Reyes
๐ท Shander Liwanag at Anela Samson
โ๐ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐ข๐ง ๐ ๐ฆ๐๐ง'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐๐ ๐ฐ๐ก๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ฉ๐ซ๐๐๐๐ซ ๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐๐ญ๐ก ๐ญ๐จ ๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ ๐ฅ๐ข๐๐.โ โ ๐๐๐ง. ๐๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ ๐๐ข๐ฆ๐๐จ๐ง โ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒโ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐ซ.
Idinaraos ngayong Agosto 21 ang ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Sen. Benigno โNinoyโ S. Aquino Jr., ang namuno sa oposisyon noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni dating Pang. Ferdinand Marcos.
Matapos makipagsapalaran bilang sundalo at komandante noong taong 1950, pinasok niya rin ang larang ng politika sa dekadang iyon. Nang manalo ng upuan sa senado noong 1967 bilang kaisa-isahang senador mula sa partidong liberal, maigi niyang binusisi at pinuna ang kawalan ng hustisya sa ilalim ng termino ni dating Pang. Marcos โ na naging dahilan din ng kaniyang pagkabilanggo.
Habang nakakulong, nagsulat si Ninoy ng mga open letter laban sa rehimeng Marcos at naghatid ng talumpating salungat sa pagkakulong niya. Nakalabas siya ng kulungan at tumungong Amerika nang makaranas ng atake sa puso upang magpagamot. Dalawang taon matapos alisin ang Martial Law, bumalik siya sa Pilipinas sa kabila ng payo ng kaniyang pamilya. Noong Agosto 21, 1983, binaril siya sa kinilala noong Manila International Airport at namatay.
Maaga mang pumanaw si Ninoy, ang ilang taong nilaan niya upang magsalita laban sa mga kaapihan sa lipunan ay pumukaw sa puso ng maraming Pilipinong ipagpatuloy ang laban para sa kanilang kalayaan. Patuloy nawang mabigyang-kahulugan ang pagpanaw niya sa pamamagitan ng ating pag-alala sa kaniyang mga ginawa at sa walang humpay na pagsusumikap upang mapangalagaan ang mga karapatan ng bawat isa.
Nakikiisa ang Bahaghari sa paggunita at pagdangal kay Sen. Ninoy Aquino at sa kaniyang mga kontribusyong nagsilbing ningas ng pagsulong at pagtindig para sa demokrasya. โ
Sanggunian:
Benigno Aquino, Jr. | Filipino politician. (n.d.). Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/biography/Benigno-Aquino-Jr
Martial Law Museum. (2024). Martial Law Museum. https://martiallawmuseum.ph/magaral/from-senator-to-prisoner-the-story-of-n
Vila, A. C. (n.d.). Reliving Ninoy Aquinoโs wisdom through his own words. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2020/08/21/1360108/reliving-ninoy-aquinos-wisdom-through-his-own-words
--
โ๏ธ Xandrei Pangilinan
๐ผ Janine Emmanuel
| Guidance counselor mula Pisay Gitnang Luzon, tagumpay sa GCLE
Hinirang bilang Registered Guidance Counselor (RGC) si Rochelle Anne Capuli, isa sa mga guidance counselor ng Pisay Gitnang Luzon matapos mapabilang sa mga pumasa sa Guidance Counselor Licensure Examination (GCLE) na isinagawa nitong Agosto 13-14, 2024.
Mula sa Bahaghari, isang matamis na ngiti at pagbati, Ma'am Rochelle!
--
โ๏ธ Lexie Buencamino
๐จ Jazel Reyes
| Guidance counselor ng Pisay Gitnang Luzon, rank 2 sa GCLE
Pinarangalan bilang Registered Guidance Counselor (RGC) si Jene Lianica Arcega, guidance counselor mula Pisay Gitnang Luzon, matapos pumasa sa Guidance Counselor Licensure Examination (GCLE) noong Agosto 13-14, 2024 kung saan siya ang nagkamit ng pangalawang pinakamataas na iskor na 90% sa buong Pilipinas.
Mula sa Bahaghari, isang matamis na ngiti at pagbati, Ma'am Yani!
--
โ๏ธ Enzo Banzon
๐จ Jazel Reyes
| G**o mula Pisay Gitnang Luzon, nagtapos nang may karangalan sa QUT
Tagumpay na natapos ni Angelo Niรฑo Batoon, g**o mula sa Chemistry Unit ng Pisay Gitnang Luzon ang kaniyang Master of Education sa Queensland University of Technology (QUT) sa Australia na may espesyalisasyon sa Science, Technology Mathematics and Engineering (STEM) track nang may karangalan.
Sa tulong ng DOST-SEI, isa si Batoon sa 16 na empleyado ng Pisay System sa nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kursong may layong mapaunlad ang kaalaman sa pagtalakay sa STEM.
Mula sa Bahaghari, isang matamis na ngiti at pagbati, Sir Gello!
--
โ๏ธ Arvrisse Cuevas
๐จ Jazel Reyes
Nakikiramay ang peryodismong Bahaghari sa The Science Net at sa mga naiwang pamilya ni Ginoong Jerry Serdeรฑa.
Siya ang nagsilbing tagapayo ng The Science Net mula Pisay- Eastern Visayas Campus.
Patuloy nawang isabuhay ang kaniyang mga naging kontribusyon sa larang ng pagtuturo at pamamahayag.
Isang mahigpit na yakap, The Science Net. ๐ซ
Maraming salamat, Sir Jerry Serdeรฑa!
SA MGA LARAWAN | KARANGALAN AT KAHUSAYAN: Ika-15 Toast to Excellence, idinaos sa Pisay Gitnang Luzon
Isinagawa noong Biyernes ang ika-15 Toast to Excellence ng Pisay Gitnang Luzon na dinaluhan ng mga iskolar at magulang mula Batch 2029 hanggang Batch 2024, Seranaiya.
Minarkahan din ng pagdiriwang ang pagtatapos ng Batch Alyaposa mula ika-10 baitang na nasaksihan sa unang bahagi ng programa sa umaga.
Pinangunahan ang selebrasyon sa pagbibigay ng pambungad na talumpati ni Campus Director Theresa Anne O. Diaz.
Kasunod namang nagbigay ng talumpati si Dr. Carlo A. Arcilla, Direktor ng Department of Science and Technology - Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) at miyembro ng Board of Trustees ng Philippine Science High School System (PSHSS).
Binigyang-diin ni Arcilla ang kahalagahan ng integridad at pagkiling sa katotohanan higit pa sa taglay na kaalaman.
"We have a healthy respect for the truth and the facts โ that's an important lesson for a scientist.... Many scientists are good but they overextend their thinking. It is important to be grounded," ani Arcilla.
Nagtapos ang programa sa pangwakas na talumpati ni dating Curriculum Instructions Division (CID) Chief Karizz Anne L. Morante na nag-iwan ng mensaheng "Continue to exemplify the 'Husay Pisay' in everything that you do."
โ๐ฝ Lexie Buencamino
๐ธ Anela Samson, Shander Liwanag, Magus Bautista
Goodluck, mga ate at kuya! ๐ป๐ป๐ป
๐จ Hague Garcia
TINGNAN | UGNAYANG SIYENSYA'T KULTURA: Mga iskolar ng Pisay Gitnang Luzon, nakilahok sa Socio-Cultural Program ng INSO 2024
Bilang bahagi ng kauna-unahang International Nuclear Science Olympiad (INSO), isinagawa noong Agosto 5 sa Miriam College Henry Sy, Sr. Innovation Center ang โSocio-Cultural Programโ na dinaluhan ng 55 manlalahok mula sa 14 na bansa at mga piling mag-aaral mula sa Pisay Gitnang Luzon, Miriam College, San Francisco High School, at Quezon City Science High School.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng โget-to-know segmentโ sa programa, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makilala ang kultura ng isaโt isa at makabuo ng magandang samahan bagaman nanggaling sa ibaโt ibang bansa.
Bukod dito, nagkaroon din sila ng oportunidad na makausap ang ilang mga eksperto mula sa International Atomic Energy Agency (IAEA) at DOST - Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) kung saan mas napalalim ang kanilang kaalaman at nasagot ang kanilang mga katanungan ukol sa nuclear science.
Ipinakita rin sa mga mag-aaral ang ibaโt ibang kagamitan sa PNRI tulad ng Electron Beam at Multipurpose Irradiation Facilities, pati na rin ang kanilang nuclear reactors.
--
Panulat ni Angelo Dela Rama
๐ฌ๐จ๐๐ข, ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ก๐๐๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐ข
Inuwi ng Paris Olympics 2024 gold medalist sa Floor Exercise, Carlos Edriel "Caloy" Yulo, ang isa pang gintong medalya sa Menโs Vault Finals para makilala bilang kauna-unahang Pilipinong may dalawang gintong medalya sa Olympics.
Umiskor ang "Golden Boy" ng tumataginting na 15.116 points upang makoronahan bilang kampeon sa ikalawang sunod na gabi at itaas ang bandera ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024.
Isang matamis na ngiti at pagbati, Carlos Yulo!
--
โ๏ธ Dean Macaranas at Lexie Buencamino
๐จ Lexie Buencamino at Enzo Banzon
๐ท Rappler
๐-๐-๐-๐-๐-๐-๐! ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐ฃ๐ ๐๐, ๐๐จ๐ ๐ค? ๐คฏ๐ฅ
It's fine. It's cool! You can say na ayaw mo pa, but you know the truth. Balik-campus na! โฐ๐ซ
Kung nasasabik ka na, hindi ka nag-iisa! Andito rin si Iska Chappell na dumayo pa mula Tennessee ๐คฉ
Tara na! We're in the hallway waitin' for 'ya! Pisay skirt and my new black shoes~ โจ๏ธ
Sabay-sabay nating salubungin ang Taong Aralang 2024-2025! Good luck, Isko! ๐ซก๐ค
--
โ๏ธ Lexie Buencamino at Enzo Banzon
๐ผ Enzo Banzon at Jazel Reyes
๐๐๐๐ข๐ฌ ๐๐๐ก๐จ๐๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ข, ๐๐ก๐จ๐ช๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐ข
Namayagpag si Carlos Edriel โCaloyโ Yulo ng Pilipinas matapos niyang umukit ng 15.000 puntos upang makuha ang kauna-unahang gintong medalya sa Paris Olympics 2024 Menโs Artistic Gymnastics Floor Exercise Finals sa Bercy Arena.
Matapos siyang mabigo sa 2020 Tokyo Olympics, ay bumawi ang 4-foot-9 Pilipino sa 2024 Olympics at inuwi ang ginto para sa Pilipinas.
Sasamahan na niya si Hidilyn Diaz sa mga ginto ng Pilipinas sa Olympic history.
Isang matamis na ngiti at pagbati, Carlos Yulo!
--
Panulat ni Nathaniel Villena
Disenyo ni Enzo Banzon
| Budget ng Pisay Gitnang Luzon, tumaas nang 12.10% para sa 2025
Tumaas nang 12.10% ang budget ng Pisay Gitnang Luzon at ngayon ay pumapatak sa 148.3 milyong piso sa ilalim ng kasusumite lamang na 2025 National Expenditure Program (NEP) nitong Hulyo 29, 2024.
Samantala, walo sa 16 na kampus ang kinakitaan ng pagbaba ng nakalaang pondo, kasama na ang MIMAROPA Region Campus na nagkaroon ng pinakamalaking kabawasan na 46.01% mula sa dating budget nitong 123.9 milyong piso.
Sa kabuoan nasa humigit-kumulang 52 milyong piso ang idinagdag sa kabuoang panukalang budget para sa Philippine Science High School System (PSHSS).
Matatandaang 329 milyong piso ang ibinawas sa 2024 budget ng PSHSS, kung saan pinakamalaki ang ikinaltas sa kampus ng Gitnang Luzon na nasa 81.6 milyon.
Ang NEP ay isang national budget proposal para sa susunod na Fiscal Year (FY) na siyang ipinapasa ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso para sa pagrerepaso.
Sanggunian:
- Gulla, V. (2023, September 5). Pisay budget gets cut in DOSTโs 2024 budget. ABS-CBN News; ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/09/05/23/pisay-budget-gets-cut-in-dosts-2024-budget
- National Expenditure Program. (n.d.). Www.dbm.gov.ph. https://www.dbm.gov.ph/index.php/program-expenditure-classification-prexc?view=article&id=1204&catid=146 #:~:text=National%20Expenditure%20Program%20(NEP)%20Archives
- National Expenditure Program 2024 & 2025
--
Panulat ni Lexie Buencamino
Disenyo ni Jazel Reyes
| Nesth-eyy, nagpakitang-gilas sa Paris Olympics
Dinagok ni Nesthy Petecio ang pwesto sa Round of 16 ng Featherweight Category matapos niyang ratsadahin ang Indiyanong boksingerong si Jaismine Lamboria sa Round of 32 ng kampeonato.
Ang Tokyo Olympics 2020 silver medalist, na may taas na 5-foot-2, ay nagawang tumayo nang mas matangkad laban sa 5โ9 na Indian sa perpektong gameplan upang tumaas ang pagkakataon ni Lamboria na magwagi.
Nahirapan ang pambato ng India na maitama ang kaniyang mga tira sapagkat maliksi ang footwork at head movement ni Nesthy.
Bumuslo pa ng matitikas na suntok ang Pilipina at tuluyang naubos ang lakas ng pambato ng India sa huling round.
Sunod na katunggali ni Petecio si Amina Zidani ng France.
Sila ay magtatapatan na ng kamao sa Sabado, August 3, 2024.
--
Panulat ni Nathaniel Villena
Disenyo ni Jazel Reyes
โ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐โ
Kaakibat ng temang ito, sabay-sabay nating kulayan ang pagdiriwang ngayong Agosto nang may pagmamalaki at dedikasyong mas pagyamanin ang ating Wikang Pambansa.
Sa gitna ng mga unos, peligro, at walang humpay na paglaganap ng mga kaso ng katiwaliang kinahaharap ng bansa, wika ang ating nagiging sandigan. Boses pa rin ng masa ang siyang mangingibabaw sa huli.
Ngayon, higit kailanman, lubos na kinakailangang protektahan at lalong palawigin ang mahigit isang daang wikang nananatili nating mga kayamanan. Ang mga ito ang nagbubuklod sa atin at nagsisilbing sandatang magtataguyod ng kapayapaan, katarungan, at magandang kinabukasan.
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ซ๐ข, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐!
โ๏ธ Avy Laniojan at Lexie Buencamino
๐ผ Jazel Reyes at Enzo Banzon
| Paris Olympics Updates: Yulo, Delgaco, at Villegas, nagpasikat
Muling ibinibida ng 22 Pilipinong atleta ang kanilang gilas sa ibaโt ibang larangan ng isports tulad ng gymnastics, rowing, fencing, boxing, judo, swimming, athletics, golf, at weightlifting sa Paris Olympics 2024.
DAY 1:
Umarangkada ang kampanya ng Pilipinas sa Gymnastics kung saan sinelyuhan ni Carlos Yulo ang kaniyang puwesto sa 3 finals event sa kategorya.
Nakapasok ang 24-anyos sa finals ng all-around na kategorya matapos magtala ng iskor na 83.631, sapat para sa ika-siyam na puwesto.
Kaakibat nito, nasungkit din ni Yulo ang finals sa Floor exercise at vault na kategorya matapos umiskor ng 14.766 (2nd) at 14.683 (6th).
Gaganapin ang All-around finals sa darating na Miyerkoles, 11:30 pm habang ang floor at vault finals ay sa Agosto 3 at 4.
DAY 2:
Sinagwan naman ni Joanie Delgaco ang kaniyang daan tungong quarterfinals ng Womenโs singles sculls rowing category.
Matapos magtapos sa ikaapat na puwesto sa Heat 2 ng qualifying round, tumungo ang Bicolano sa โRepechageโ round kung saan nasigurado niya ang ikalawang tsansa upang makapasok sa quarterfinals.
Hindi sinayang ng 26-anyos ang pagkakataong ito nang sungkitin niya ang unang puwesto sa oras na 7:55.00 upang kunin ang kaniyang tiketa tungong quarters kasama ang Vietnamese na si Thi Hue Pham.
Gaganapin ang quarterfinals sa Martes, Hulyo 30, 3:30 ng hapon.
Tinusok palabas ng 22-anyos fencer na si Samantha Catantan ang Brazilian na si Mariana Pistoia upang umabante sa table of 32 kung saan kakalabanin niya ang World no. 2 na si Arianna Errigo.
Subalit, natuldukan naman ang Olympic Debut ni Catantan nang siyaโy paluhurin ni Errigo ng Italy, 15-12, sa round of 32 ng Women's Individual Foil kanina.
Kinapos man sa pagkakataong lumahok sa finals, itinaas nina Levi Ruivivar, Emma Malabuyo, at Aleah Finnegan ang bandera ng Pilipinas matapos matamo ang top 28 (51.099) , 29 (51.099), at 33 (50.498) sa all-around Womenโs Artistic Gymnastics.
Kinulang man, muntik nang lumahok sa vault finals si Finnegan nang umiskor ng 13.383 sa kategorya, sapat na para sa ika-10 puwesto.
DAY 3:
Naisuntok naman ni Aira Villegas and kaniyang posisyon sa Round of 16 ng Womenโs Flyweight Category matapos paluhurin si Yasmine Moutaqui ng Morocco sa Round of 32 ng torneyo.
Unang sabak man sa Olympics ay pinakita ng Tacloban native ang kaniyang maliksing galawan upang manalo via Unanimous Decision.
Kasunod na katunggali ni Villegas si Roumaysa Boualam ng Algeria.
Gaganapin ang bakbakan sa Huwebes, Agosto 2, 2:16 ng umaga.
Bukas naman ay sasabak ang kaniyang kapwang boksingero na si Nesthy Petecio para sa kaniyang Round of 32 na bakbakan kontra kay Jasmine Lamboria ng India.
Bukas din gaganapin ang mga Olympic debut nina Kiyomi Watanabe para sa Judo womenโs 63 kg at Kayla Sanchez para sa Womenโs 100m Freestyle.
--
Panulat nina Elijah Peniano at Dean Macaranas
Disenyo ni Jazel Reyes
Sanggunian:
Paris 2024 Olympics - latest news, schedules & results. (n.d.). https://olympics.com/en/paris-2024
AP, AFP, REUTERS, PSC-POC, & INQUIRER. (2024, July 24). Meet the Team Philippines for the Paris Olympics 2024 Summer Games [Photograph]. INQUIRER.NET. https://sports.inquirer.net/575473/team-philippines-in-paris-olympics-2024-meet-the-athletes
Noong 2019, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11440 na nagtatakda sa araw na ito, Hulyo 25, bilang ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐
๐ซ๐๐๐๐จ๐ฆ ๐๐๐ฒ. Ngayong araw, muli nating binibigyang-tanglaw ang isang makabuluhang tanda ng pagpapahalaga sa pamamahayag pangkampus --- isang 'di-mapapalitang salik sa lalong pagpapatibay ng malayang pamamahayag sa kabuoan.
Tumitindig ang Bahaghari, kaisa ng lahat ng publikasyong pangkampus, na patuloy na sumusulong upang maisiwalat ang mga tunay na dinaranas ng masa sa loob at labas ng pamantasan o institusiyon.
Lagi't laging handang magsulat at mag-ulat upang magmulat. Para sa malayang pamamahayag. Para sa bayan. ๐๐ต๐ญ
โAvy Laniojan at Lexie Buencamino
๐ผ Enzo Banzon
KAPAPASOK LAMANG | Iskolar mula Pisay Gitnang Luzon, sumungkit ng medalya sa Palarong Pambansa
Matagumpay na sinisid ni Seb Rafael Santos, estudyante mula sa Pisay Gitnang Luzon, ang tansong medalya sa kategoryang 4x100 freestyle relay sa Palarong Pambansa sa Cebu kanina.
Kasama ang kaniyang mga kakampi mula sa CLRAA, Itinuloy ng 15 anyos ang kaniyang porma upang tulungan ang kaniyang koponan na magtala ng 3:46.21 na oras sa kategorya.
Bukod dito, lumangoy rin si Santos sa 100m breastroke category.
Isang matamis na ngiti at pagbati, Seb!
--
Panulat nina Earth Peniano at Dean Macaranas
Disenyo ni Enzo Banzon
| Finalists mula Pisay Gitnang Luzon, nag-uwi ng mga parangal sa ENVision 2024
Matapos ibida sa Asian Institute of Management Conference Center nitong ika-13 ng Hulyo ang kani-kanilang mga solusyon sa food waste sa hospitality at tourism sector, hinirang bilang mga kampeon ng ENVision Case Competition 2024 ang The Serve habang pinarangalan naman bilang People's Choice ang Team Eco-nique.
Ang The Serve ay binubuo nina Ana Carmelita del Rosario, Anela Claire Samson, Jeila Ubando, at Nyah Kirsten Salazar, na silang nagpakilala ng solusyong "Power Up", isang solar-powered biogas digester kung saan ang food waste ay maaaring maproseso at mapagmulan ng enerhiya para sa buffet-style dining hotels.
"Sustainability can be achieved with the right tools, which incorporates passion, dedication, and innovation. This competition brought out the best in each individualโs capability to not only propose the best solution but to immerse in the series of trials and errors to find the best approach for the highly variable field," ani Samson.
Mula naman sa Team Eco-nique, ibinida nina Avril Lois Laniojan, Bea Angela Salunga, Gabrielle Frances Malong, at Lexie Therese Buencamino ang solusyong SMORTT o Supply Management Operations through Real-Time Tracking na naglalayong magamit ang smart logistics upang unti-unting maiwasan ang paglikha food waste.
Bukod naman sa mga pagkilala, handog din ng Novus at Tajara Hospitality ang cash prizes para sa mga nakakuha ng una at ikalawang gantimpala.
Nagtapos ang programa sa talumpati ni Aoi Rika Lim, project manager ng Novus, na siyang nag-iwan ng mensaheng "Continue to learn and love to learn. Remember to have fun because at the end of the day, we are all students in the school of life."
Samantala, kabilang din sa finalists ng case competition ang pangkat Ekonomiyum na kinabibilangan nina Angela Yeshuah Buted, Elisha Arwen Medrano, Yuan Carlos Regencia, at Janina Reese Tecson, na may inobasyong "Halamanan."
Itinanghal naman nina Allelee Venice Celis, Eunys Barbon, Kim Clarisse Mendoza, at Nehemiah Aรฑasco o Team Econommers ang "AI-roponics."
Nagsilbing kanilang mga tagapayo para sa patimpalak sina Bb. Pauline Kirstie Atumpag, G. Mark Xavier Bailon, at G. Joseph Ednie Soriano.
Isang matamis na ngiti at pagbati sa mga iskolar at mga tagapayo!
--
Panulat ni Lexie Buencamino
Kuha ni G. Mark Xavier Bailon
Sabay-sabay nating suportahan ang dalawang iskolar na kalahok sa Palarong Pambansa at National Schools Press Conference na kasalukuyang isinasagawa sa Cebu.
Leann Reign Madrid - NSPC Qualifier (Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita)
Seb Rafael Santos - Palarong Pambansa Qualifier (Swimming)
Goodluck, scholars!
--
Disenyo ni Enzo Banzon
KAPAPASOK LAMANG | Dalawang iskolar mula Batch Seranaiya, kabilang sa UPCM INTARMED Batch 2031
Inilabas ang listahan ng mga pumasa sa University of the Philippines College of Medicine Intergrated Liberal Arts and Medicine (INTARMED) ngayong araw kung saan kabilang ang dalawang iskolar ng Pisay Gitnang Luzon na sina Bianca Marie Lim at Raphael Carl Rosario.
Ang INTARMED ay isang pitong taong programa ng UP na nagpapaikli sa edukasyong pangmedisina ng dalawang taon kung saan 25 na babae at 25 na lalaki lamang ang natatanggap bawat taon.
Pagbati at padayon, mga iskolar!
Mga larawang mula sa Facebook nina Bianca Marie Lim at Raphael Carl Rosario
--
Panulat ni Enzo Banzon
Disenyo ni Jazel Reyes
KAPAPASOK LAMANG | Apat na grupong mula Pisay Gitnang Luzon finalists sa ENVision 2024
Magpapakitang-gilas ang mga iskolar ng Pisay Gitnang Luzon sa ENVision 2024 finals na isasagawa sa ika-13 ng Hulyo kung saan ipapamalas nila ang kanilang mga inobasyong solusyon sa food management.
"Sustainable food systems in the hospitality and tourism" ang tema ng ENVision ngayong taon kung saan layon nitong magbigay-oportunidad sa mga mag-aaral na gamitin ang kanilang galing at talento sa paglikha ng mga panibagong teknolohiya para sa ikabubuti ng hospitality industry ng bansa.
Narito ang sumusunod na mga pangkat mula Pisay Gitnang Luzon na pasok sa finals:
The Serve
Anela Samson, Carmel del Rosario, Nyah Salazar, Jeila Ubando
EKONIMIYUM
Elisha Medrano, Yeshuah Buted, Yuan Regencia, Janina Tecson
Eco-Nique
Lexie Buencamino, Bea Salunga, Gabby Malong, Avril Laniojan
Econommers
Allelee Celis, Eunys Barbon, Kim Mendoza, Nehemiah Aรฑasco
Patuloy ang kanilang paghahanda at pagpapabuti sa kanilang mga proyekto sa gabay nina Ma'am Pauline Kirstie Atumpag, Sir Mark Xavier Bailon, at Sir Joseph Ednie Soriano.
Pagbati mga iskolar at tagapayo!
--
Panulat ni Enzo Banzon
Disenyo ni Jazel Reyes
IPINAGMAMALAKI KA NAMIN, LEANN! โค๏ธ
SA HULING ESTASYON: Mga aral sa likod ng bawat pagkilala, binigyang-tanglaw sa pagtatapos ng Batch Seranaiya
Sa pagdaraos ng ika-10 Palatuntunan sa Pagtatapos nitong Hunyo 19,2024, nasaksihan ang huling pagmartsa at pagtanggap ng mga diploma, bilang tanda ng pagwawakas ng anim na taong iginugol ng Batch Seranaiya sa Pisay-Gitnang Luzon.
Sa kaniyang talumpati, nag-iwan ng mensahe si Campus Director Theresa Anne O. Diaz na "pwedeng magdahan-dahan, at sa bawat panibagong umaga, ang pagsisimulang muli ay isang tagumpay na. Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera," na hango sa mga liriko mula sa kantang "Karera" ng P-Pop girl group na BINI, kasabay na rin ang pagpapaalala sa mga nagsipagtapos na huwag silang makalilimot.
"Do not relinquish the passion to learn" โ ilan naman ang mga ito sa mga salitang bumuo ng talumpati ng panauhing tagapagsalita na si Dr. Joel Joseph Marciano Jr., Direktor Heneral ng Philippine Space Agency. Kaniyang ibinahagi sa mga iskolar kung papaano siyang natutong matuto sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanang hindi ito kinakailangang gawin nang mag-isa.
Sumunod naman dito ang paggagawad ng mga diploma sa panguguna ni Dir. Diaz, kasama si Philippine Science High School-System Executive Director Dr. Ronnalee Orteza. Kinilala rin ang mga nagsipagtapos nang may karangalan at kahusayang pang-akademiko.
Bago naman tuluyang humantong sa huling bahagi ng programa, nagbitiw ng mensahe ang kinatawan ng mga nagsipagtapos na si Bianca Marie Lim na ginawaran din ng DOST Secretary Award for Model Science Scholar, kabilang ang iba pang mga parangal. Wika niya, "Huwag magpapasilaw sa kinang ng medalya, lalo naโt ang angking husay at talento ng isang tao ay walang saysay kung hindi nito naaabot ang buhay ng iba."
Nasilayan din ang sabay-sabay na pag-awit ng pangkat nang kanilang itinanghal ang kanilang awit sa pagtatapos na "To the Final Station" mula sa titik at himig nina Arvi Abarientos at Gerzen Zabala, na siyang sumasalamin sa mga emosyong kaakibat ng gunita ng kanilang mga napagtagumpayan, gayundin ang mga pangarap na kanilang babaunin sa kanilang paglisan sa paaralan.
Isang matamis na ngiti at pagbati, Batch Seranaiya! Walang dudang patuloy pa kayong magniningning sa inyong panibagong yugto. Padayon! โจ๏ธ
Abangan ang espesyal na bidyong handog ng Bahaghari.
--
Panulat ni Lexie Buencamino
Disenyo ni Jazel Reyes
TINGNAN | Isinasagawa ngayon ang Araw ng Pasasalamat ng Batch Seranaiya
Bago pa man ang buwan ng Hunyo'y tuluyang lumipas,
Libo-libong pasasalamat ang handog sa'ting mga haligi ng tahanan,
Na sa ati'y nagbibigay-tibay at kanlungan โ
Higit pa sa inaasahan o mahihiling sa anomang oras.
Sa tayog ng mga pangarap na nahaharaya,
Kapanatagan ang siyang natatagpuan
Sa kanilang mga natatanging presensya
Na siyang napag-uugatan ng 'di mapapantayang tiwala't suporta.
Marahil para sa musmos nating mga bersyon sa nakaraan,
Nakapinta sa isipang lakas ang tanging pundasyon
Ngunit realidad ang nagpapatunay sa mga simpleng aksyon
Na nagiging espesyal
sapagkat ang kaakibat ay walang katumbas na pagmamahal.
Anomang dala ng mapanubok na mundo,
Dahil sa inyo'y nakasusulong nang lakas-loob.
Buhat sa puspusang paggabay,
Sa bawat bukas, kami'y inyong nahulmang magtagumpay.
At sa hindi pagsuko ng matatatag na mga kamay,
Maraming salamat sa lahat ng aming mga nagsisilbing 'tatay'.
Hunyo man o hindi, isang malaking saludo sa lahat ng mga ama at sa mga tumatayong haligi ng tahanan.
Mula sa Bahaghari, Isang Maligayang Araw ng mga Ama! โจ๏ธ
--
โ๏ธ Lexie Buencamino
๐ผ Jazel Reyes
Nakikiisa ang peryodismong Bahaghari sa pagdiriwang ng ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฒ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ด๐ต๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ (๐๐ข๐ฆ๐ง) na siya ring marka ng 66 na taon nilang pagtataguyod ng agham, teknolohiya, at inobasyon para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.
--
Disenyo ni Hague Garcia
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง! ๐ต๐ญ
Sa ating paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa daan-daang taon ng kolonyalismo, ang ating pagbubunyi ay tumatanglaw sa lakas at kagitingang naialay ng ating mga bayani. Gayunpaman, hindi nagtatapos ang lahat sa nakaraan.
Kaakibat ng pag-iingat sa kasarinlang natamo ang pagiging mulat sa mga kasalukuyang banta rito. At sa kabila ng mga pagsubok sa kontemporaryong panahon, ang pagmamahal para sa Inang Bayan ay patuloy na dumadaloy at nadarama sa bawat pintig ng mga pusong naghahangad ng walang iba kundi ang tunay na ikabubuti at ikaaangat ng bawat Pilipino. Nawa'y hindi lamang ito maging ugat ng pag-asa, kundi pati na rin ng inspirasyon ng walang-sawang pakikipaglaban para sa ating kapakanan at mga karapatan.
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐ง๐๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฒ๐จ๐ง: ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ข๐ , ๐ญ๐๐ฒ๐จ'๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ข๐ฅ.
At sa pagpinta ng mga pahinang susunod na magiging kasaysayan na siyang walang pinipiling edad, katayuan, o larang, marahil ay magandang maitatak sa puso't isip na kakampi ng pagpapahalaga sa kalayaang taglay natin ang pagpapalawig ng kamalayan, pakikialam, at pag-aksyon. Hindi lamang kayamanan ang kalayaan. Isa itong instrumento โ ng pagkamakabayan, ng pagsusulong ng makatarungang mga pagbabago.
Lahat-lahat, lagi't laging para sa bayan. โ๏ธ
--
โ๏ธ Lexie Buencamino at Avy Laniojan
๐ผ Enzo Banzon at Jazel Reyes
Sanggunian:
Department of Social Welfare and Development. (n.d.). https://www.dswd.gov.ph/2014/06/dswd-supports-116th-philippine-independence-day-celebration/
Independence Day: Groups protest Duterteโs โsurrenderโ of West Philippine Sea to China. (2021, June 12). Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2021/06/12/2104995/independence-day-groups-protest-dutertes-surrender-west-philippine-sea-china
Noelle. (2022, June 10). Fun Facts about Philippine Independence - UPC TLRC. UPC TLRC - Teachers Resource Learning Center.https://tlrc.upcebu.edu.ph/fun-facts-about-philippine-independence/
Silva, J. L. (2013, June 13). Why June 12 Is Different from Other Days โ Positively Filipino | Online Magazine for Filipinos in the Diaspora. Positively Filipino | Online Magazine for Filipinos in the Diaspora. https://www.positivelyfilipino.com/magazine/2013/6/why-june-12-is-different-from-other-days
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the business
Website
Address
Mabalacat
2010
Opening Hours
Monday | 7:30am - 4:30pm |
Tuesday | 7:30am - 4:30pm |
Wednesday | 7:30am - 4:30pm |
Thursday | 7:30am - 4:30pm |
Friday | 7:30am - 4:30pm |
Violeta Street Brgy. San Isidro, Dau
Mabalacat, 2010
Opisyal na Pahayagan ng Mabalacat National High School
7H28+V2C
Mabalacat
The Official School Publication of Santos Ventura National High School
Pila Duquit Mabalacat Pampanga
Mabalacat, 2010
๐ชปPeople who loves wattpad and books bonds together๐ชป