Bicol News Online
Nearby media companies
The City Club At Aplhaland Makati City Place Ayala Avenue Ext. Makati City
Sagat Street, Manila
Ground Floor Robelle Hotel No. 877 Corner Jp Rizal & Molina Streets
Panay
Flr. Carson Bldg. Orense Cor. del Carmen Street Guadalupe Nuevo
East Rembo
Lucena 4301
Taguig 405
Panay
1214
Senator Gil Puyat Cor. Washington Street
News Worldwide
𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟮 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗚𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚, 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬 |
Patay ang isang hindi pa nakikilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawa pang kasamahan nito ang sugatan matapos ang engkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group (CTG) at kapulisan ng Camalig MPS sa Brgy. Magogon, bayan ng Camalig, Albay.
Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa umano’y presensya ng hindi matukoy na bilang ng mga armadong lalaki na naglalakad sa paligid ng nasabing barangay.
Dahil dito, agad na rumesponde ang pulisya kasama ang 31st Infantry Batallion, 9th Infantry Division at NICA5 sa lugar, ngunit pinaputukan ito ng armadong grupo, kung saan tumagal ng humigit-kumulang 30 minuto ang palitan ng mga putok.
Kinilala ang mga naarestong miyembro ng NPA na sina alyas “Marsi/Masi”, 42 anyos, construction worker, at may warrant of arrest para kasong Attempted Murder at Destructive Arson, at si alyas “Ka Yeng”, 44 anyos, magsasaka at may warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Si Ka Yeng ay nakumbinsing aminin ang impormasyong itinago ng kanilang grupo ang mga baril na matatagpuan sa Purok 3, Brgy. Panoypoy ng kaparehong bayan.
Agad namang pinuntahan ang lugar at narekober nila ang samu’t saring mga baril at mga bala sa bakanteng lote.
Samantala, wala namang naiulat na namatay sa panig ng gobyerno dahil sa engkwentro.
Patuloy pa sa ngayon ang nagaganap na wildfire sa bahagi ng Mt. Asog sa lungsod ng Iriga.
Ayon sa inisyal na ulat, kaninang umaga pa nag simula ang sunog sa nasabing bundok.
📷 Ydnarventure
BREAKING: Suspendido ang face-toface classes sa Probinsya ng Albay bukas, Abril 22, 2024 dahil sa patuloy na pag-init ng panahon.
Basahin ang buong advisory:
𝐏𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂-𝐀𝐏𝐒𝐄𝐌𝐎 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟒
(𝙀𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙩𝙤𝙢𝙤𝙧𝙧𝙤𝙬, 𝘼𝙥𝙧𝙞𝙡 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟒.)
𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐓𝐄𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐓 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐗
The confluence of the continuing El Niño Phenomenon and the current Dry Season has resulted in persistent high heat index and rising temperatures particularly from 10:00 AM to 2:00 PM.
Said weather condition can result to heat-related illnesses and medical emergencies especially in poorly-ventilated environments.
In the interest of proactively securing the health of Albayanos and in the interest of public safety, the Albay PDRRMC hereby issues this advisory as follows:
1. In person classes at all levels including graduate school both private and public are suspended until lifted.
2. School heads are advised to implement alternate learning modalities for primary and secondary and on-line classes for tertiary and post graduate school.
3. The public is advised to minimize and or avoid any unnecessary outdoor activities due to the above-mentioned environmental conditions.
4. All C/MDRRMO's must ensure availability of medical teams and ambulances to respond to heat-related contingencies and emergencies.
So ordered.
📸: Governor Atty. Edcel "Grex" Lagman
TINGNAN | Raymond bus, nag overshoot sa daan sa Bgy. Ayugao, Presentacion, Camarines Sur, 5pm kaninang hapon.
Sa inisyal na ulat, patungong bayan ng Garchitorena ang naturang bus nang mangyari ang aksidente sa daan. Ligtas naman ang mga sakay nito.
📷| N. Macuan
PLEASE PRAY FOR INDONESIA 🙏
LOOK: Pinalikas na ang daan-daang residente na malapit sa Ruang volcano sa probinsya ng Sitaro, North Sulawesi at isla ng Tagulandang sa bansang Indonesia matapos ang volcanic eruption nitong Huwebes, dahil dito idineklara sa bansa ang highest alert.
Maliban dito, kinansela rin ang operasyon ng iilang Paliparan.
Makikita sa litrao na kasabay ng biglang pagbuga ng lava at makapal na abo ang sunod sunod na kidlat.
Sa lakas ng pagputok na umabot hanggang 63,000 feet sa atmosphere, posibleng makaapekto ito sa klima sa buong bansa katulad ng nangyari sa Hunga Tonga Eruption noong 2022.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng mga otoridad sa mga lugar na possible maapektuhan pa ng nasabing eruption.
📷 Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation/Facebook
CONGRATULATIONS!!!! 👏👏👏
THE FIRST EVER TOPNOTCHER FROM BICOL UNIVERSITY COLLEGE OF MEDICINE.
DR. ELICA YEM LOMA ARCILLA, 10TH PLACER IN 2024 PHYSICIANS LICENSURE EXAMINATION WITH AN IMPRESSIVE RATING 86.92%
PANGAPUDAN!!
Kung si isay man po an nakahiling ki Richard Condat, soltero, 30 anyos kan barangay Sibaguan, Sagñay, Camarines Sur na naghali sa saindang harong kan Lunes petsa 15 kan Abril, 2024, para maki ubak nin mais sa Sitio Durung-an, Sagñay, Camarines Sur, alagad dae pa ini nakakauli sagkod ngonian, tabi man paisihon si Gina Condat. Artificial an saiyang saibong na mata asin medyo may problema sa pag iisip.
April 18, 2024
𝐀𝐓𝐈𝐌𝐎𝐍𝐀𝐍 𝐃𝐑𝐑𝐌 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐇𝐄𝐀𝐓 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐗 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
As of 02:21 PM 🌤️
Heat Index: 50°C
Temperature: 34°C
Humidity: 72%
Danger - Iwasan magbabad sa araw sa pagitan ng 10am hanggang 4pm dahil maaaring magkaroon ng Heat Cramps at Heat Exhaustions. Posible itong mauwi sa Heat Stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity.
Ibayong pagiingat and manatiling hydrated!
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: Atimonan Weather Station (AWS)
NEWS UPDATE | Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang babae sa tulay ng Barangay May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur.
Sa impormasyon galing kay Barangay Kagawad Jun Ibatan, napag-alaman na galing ito sa sayawan sa Barangay San Roque Commonal, Ocampo.
Ang babae ay sinasabing taga San Ramon, Iriga City.
📸 (credit to the owner)
WOW, BYAHE MULA MANILA HANGGANG BICOL MALAPIT NG MAPABILIS
MASDAN: Pagnatapos na ang SLEX SLEX TR4 magiging 45 minutes na lang ang byahe mula Metro Manila hanggang Lucena City, Quezon Province!
55 porsyento ng tapos ang SLEX TR4 Extension at Tiaong Interchange noong January 4 pa.
Ito ay 66.74-kilometrong dagdag sa presenteng South Luzon Expressway (Metro Manila to Batangas) para sa totalmenteng 116.3 kilometers!
📷 : Progreso Pilipinas (Youtube)
JUST IN | Taiwan, niyanig ng 7.5 magnitude na lindol ngayong umaga April 3, 2024.
Naglabas na rin ng tsunami warning sa ilang coastal areas ang Pilipinas, ayon sa Phivolcs.
At pinapayuhan ang mga residente sa mga sumusunod na lugar na lumikas sa mas mataas na lugar palayo sa dagat:
Batanes Group of Islands
Albay
Surigao del Sur
Cagayan
Catanduanes
Dinagat Islands
Ilocos Norte
Sorsogon
Davao De Oro
Isabela Eastern
Samar
Davao del Norte
Quezon
Northern Samar
Davao del Sur
Aurora
Leyte
Davao Occidental
Camarines Norte
Southern Leyte
Davao Oriental
Camarines Sur
Surigao del Norte
TINGNAN | Francis Scott Key Bridge sa Baltimore, Maryland US, gumuho matapos na aksidenteng matamaan ng Cargo Ship.
Via: StreamTime Live - Baltimore, MD
Isang SUV, aksidenteng lumiyab ngayong araw March 12, 2024 sa Ligao City, Albay.
📸: Francis Nate/DPWH3rd DEO
Salamat po sa mga nagshare ng post at sa agarang aksyon para ma rescue ang dalawang owl na ito!
To God be the Glory always!🙏
TULONG PARA MARESCUE AGAD ANG DALAWA OWL!
Sa may mga contact/s sa DENR-CENRO na pinakamalapit sa Location ng dalawa owl, humihingi po kami ng tulong para marescue agad ang mga ito, Ito po ang exact location nila Zone 1, Bacolod Bato, Cam. Sur pakihanap po c Ms Erma Elpedes at Jhon Jhon Elpedes at maaari po lamang magdala ng kulungan para marescue ng maayos ang mga ito. Maraming Salamat po!
Mas maganda po kung mismo pumunta sa location kasi hindi po nila ito pwedeng ipagkatiwala kahit kanino, pwede nyo din e contact c Ms Erma Elpedes sa kanyang facebook account para sa cooperation.
Pakishare po para mabilis marescue yong dalawa owl.
LALAKI, PATAY NANG MASAGASAAN NG BUS SA CASTILLA, SORSOGON
Patay ang isang lalaki matapos umano itong masagasaan ng isang humaharorot na pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Milagrosa, Castilla sa Sorsogon nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Arcos Atizado, 61 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.
Ayon sa report ng Castilla MPS, papatawid na sana ang biktima sa kalsada galing sa pagbaba sa sinakyan nitong bus nang bigla itong masagasaan ng isa namang bus na minamaneho ni Arnel Antonio, 46 anyos ng Sariaya, Quezon.
Dead on the spot ang biktima dahil sa tinamo nitong malubhang sugat sa katawan.
Nasa kustodiya naman ngayon ng mga awtoridad ang driver ng bus upang masampahan ng kaukulang kaso.
TINGNAN | Road crash nangyari sa Elias Angles St. Sa Crossing malapit sa isang Fast Food Chain sa Naga City kaninang madaling araw 1 AM March 12, 2024.
Via | Jess Valle
||BFP LAGONOY IN ACTION
08 March 2024 || Retrieval Operation
Under the direct supervission of SFO4 Joey F Villarama, Officer-in-charge, Lagonoy Fire Station personnel Shift-A headed by SFO1 Harry S Villarino together with SFO1 Francis Doni R Rivero, FO2 Bryan Jay E Bacares, FO2 Arlan P Azor, FO1 Menchie R Belardo, FO1 Claudine R Peña and MDRRMO Lagonoy immediately responded to a call for retrieval of two person who accidentally fell into a deep well at Barangay Pinamihagan.
Upon arrival at the scene, responding personnel conducted a retrieval operation and successfully recovered two dead bodies from 20 feet depth deep well.
KOLEHIYALA, PATAY SA PAMAMARIL MASBATE CITY
Patay ang isang babaeng college student matapos itong pagbabarilin habang naglalakad pauwi ng nasa dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Bagumbayan, Masbate City pasado alas-5 ng hapon nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Cheryl Condeza, 32 anyos, isang 4th year college student ng isang unibersidad sa lungsod.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi galing paaralan kasama ang kaibigan nito nang biglang dumating ang nasa dalawang hindi nakikilalang persona at pinagbabaril ang biktima.
Dead on the spot ang kolehiyala habang tumakas naman kaagad ang mga suspek.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ngayon ng PNP sa krimen.| DZRH News
📷: Janebert Lebios
TINGNAN | TATLO KATAO, PATAY MATAPOS MAGKARAMBOLA ANG DALAWANG MOTORSIKLO SA KAHABAAN NG BRGY. SAN PEDRO, IROSIN SORSOGON.
Sa ulat ng Irosin MPS, pasado alas 12 ng madaling araw kahapon March 4, 2024 habang binabaybay ng motorsiklo lulan ng tatlong mga kababaihan na kinilalang sina Jenelyn Buen, 21 anyos, Marchie Lozada, 19 anyos at Joyce Malabare, 19 anyos, pauwi na sana sa kanilang tahanan nang makasalpukan nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Melvin Merabueno, 21 anyos.
Agad namang naisugod sa hospital an mga biktima na nagtamo ng malalang tama sa katawan pero kalaunan ay dineklara na ring dead on arrival ang tatlo na sina Buen, Lozada at Merabueno habang patuloy naman na nagpapagaling ang isa.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng Irosin Municipal Police Station may kinalaman sa insidente.
Via | Irosin MPS
ISANG 'PHILIPPINE HAWK EAGLE', NA-RESCUE SA TIGAON, CAMARINES SUR KAHAPON
TINGNAN: Isang 'Philippine Hawk Eagle' ang na-resuce kahapon, Marso 1,2024 sa tapat ng Tinawagan Elementary School, sa Brgy. Tinawagan, Tigaon, Camarines Sur.
Ayon kay Jomari Señar, nakita umano ito ng kanyang tito na si Faustino Señar kahapon na dumapo sa lupa at nanghihina na. Dito na kinuha ni Faustino ang nasabing ibon at dinala sa kanilang bahay upang pansalamantalang alagaan.
Isinangguni naman ito ni Jomari sa FM Radio CamSur sa kagustuhan na mai-turn over ang agila sa awtoridad. Agad namang nakipag-ugnayan ang himpilan sa DENR- CENRO.
Photo credits: Jomari Señar
"Paalam kaibigan"
Nagluluksa ang maraming mga celebrities sa pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.
Nasa comments ang link ng buong ulat.
Photo: Kylie Padilla () | Screengrab from MMK via | Wikimedia
25 ANYOS NA BABAE, PATAY SA PANANAKSAK SA TABACO CITY
TABACO CITY, Albay - Isang bangkay ang natagpuan sa kanal sa bahagi ng Purok 2, Brgy. Magapo, Tabaco City alas 2:30 ng hapon ngayong linggo, March 3, 2024.
Kinilala ang biktima na isang 25 taong gulang na babae, may live-in partner at residente ng naturang lugar.
Ayon sa report ng Tabaco City PNP, tadtad ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Sa ngayon, blangko pa ang awtoridad sa motibo sa krimen at kung sino ang salarin na nasa likod ng pagpatay.
📷 Albay PPO
TINGNAN | ENGINEERING STUDENT SA BICOL UNIVERSITY, PATAY SA ROAD CRASH NA NANGYARI SA NEW ROAD, PAWA-TAMAOYAN, LEGAZPI CITY.
Ayon sa report, habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ng isang 21 anyos na engineering student sa Bicol University ang nasabing lugar kasama ang kanyang pinsan para tulungan sana ang mga magulang nito dahil na flat ang gulong nang bigla umanong nag U-turn ang isang tricycle sa kanilang harapan.
Agad namang isinugod sa hospital ang driver na kalaunan ay binawian rin ng buhay habang patuloy naman na nagpapagaling ang pinsan nito.
📸 | Legazpi City Philippine National Police Traffic Investigation Division via Bicol Universitarian
E-BIKE AT MOTORSIKLO, NAGKABANGGAAN SA PASACAO, CAMARINES SUR
Nagkasalpukan ang isang motorsiklo at E-bike sa bahagi ng Barangay Sta. Rosa Del Sur, Pasacao, Camarines Sur hapon, nitong Pebrero 19, 2024.
Lumalabas sa imbestigasyon ng awtoridad na estudyante ang driver ng motorsiklo at wala itong lisensya.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga sasakyang sangkot sa aksidente para sa kaukulang disposisyon.
📸: Ferdinand Indalecio Ragmac
ISANG HIGH VALUE INDIVIDUAL ON ILLEGAL DRUGS, TIKLO SA TIGAON, CAMARINES SUR
Timbog ang isang lalaking sangkot sa iligal na droga sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Brgy. Poblacion, Tigaon, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Arvin Peña, kabilang sa Regional Target-listed personality on illegal drugs.
Nasamsam sa suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000.
Nasa Tigaon MPS na ang suspek kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📸: PDEA Bicol
GRASSFIRE | Naapula ng mga bumbero ang lumaking sunog na sumiklab sa damuhan sa Zone 5, Barangay Hobo, MInalabac pasado alas 1 ngayong tanghali.
Napigilan ang pagkalat pa ng apoy na ayon sa bumbero, nagsimula sa sadyang pagsusunog ng damo sa lugar.
KINDER PUPIL, KAMPEON SA LARONG CHESS SA RINCONADA CONGRESSIONAL MEET
LOOK: Kampeon ang isang 6 taong gulang na kinder pupil sa larong chess sa kasalukuyang ginaganap na Rinconada District Meet.
Ito si Kassie Nuñez ng Old Santiago Elementary School sa Nabua, Camarines Sur.
Wagi si Kassie sa score na 5-0 sa category ng elementary level.
Sunod na laro ng kampeon ang Camarines Sur Division Meet kung saan irerepresenta nito ang Rinconada District.
📷: Joseph Gavina
MISSING PERSON!!
Date: Saturday, February 10, 2024
NAME: Boan Dennis Benigno
AGE: 19
HEIGHT: 5.7
WEIGHT: 58
HAIR: Black
On or about 9:00 pm Saturday, he was last seen wearing a plain gray t-shirt and UNC PE shorts outside the compound at Molave St. Liboton, Naga City.
If you ever see my brother, kindly report to the nearest police station, barangay or message me po.
09063034495 globe
JUST IN | Kasalukuyang iniimbestigahan ang ulat na may bomb threat sa gusali ng SSS sa Barangay Concepion Pequena, Naga City ngayong hapon.
Dahil sa banta, pinauwi muna ang mga empleyado ng ahensya.
Pero nagnegatibo naman sa bomba ang gusali ayon sa Explosive Ordnance Disposal team ng PNP.
Una nang kumalat ang pekeng bomb threats sa mga ahensya ng gobyerno ngayong araw.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Website
Address
V. A Rufino Street
Makati
1229
Unit 503 Jose Cojuangco & Sons Building, 119 Dela Rosa Street Legaspi Village
Makati, 1231
ROGUE is an award-winning magazine that covers entertainment, culture, and current affairs for an influential and important audience in the Philippines.
2113 Dominga Bldg. , Chino Roces Cor. Dela Rosa
Makati, 1106
A broader look at today’s business
3/F Builders Centre Bldg. , 170 Salcedo Street, Legaspi Village
Makati, 1235
Giving voice to LGBTQIA Philippines. https://outragemag.com/
ACQ Tower, Sta. Rita Street , Guadalupe Nuevo
Makati, 1212
Please visit the official website: https://pinasglobal.com for more info.
MRP Building Mola Street
Makati, 1204
INQUIRER LIBRE is the free newspaper of INQUIRER PUBLICATIONS, INC. For ADVERTISING, MARKETING and PARTNERSHIPS inquiries, e-mail [email protected].
Makati
Your Number One and Most Trusted Radio Network in the Country. Basta Radyo... BOMBO!
CFAM-ICAM Bldg. , San Carlos Pastoral Formation Complex, EDSA, Guadalupe Viejo
Makati, 1211
To proclaim the story of Jesus so that all may know and live communion with God and share His saving