Huling byahing ikaliligtas
Nearby public figures
Blk 22 Lot 17 Northville 1-B Punturin Valenzuela City
Marulas A. Caloocan City
Block#16 Lot#09 Belmont Parc Villege
Marulas
N. de Galicia Street
1440
Llenado
Pinalagad Street Malinta
Kabesang Porong Street
M Urrutia 0349 Arkong Bato Valenzuela City
Richard Linga-on Palasan
Bagong Langit at Bagong Lupa
" Ang Maluwalhating tahanan na mamanahin ng tao "
Maraming tao sa daigdig ang umaasam sa isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit at suliranin. Subalit ang gayong uri ng pamumuhay ay hindi matatagpuan saan man sa daigdig, dahil sa patuloy na paglala at pagsama ng kalagayan ng pamumuhay ng tao, ay kitang-kita natin na natutupad ang sinabing ito ng Biblia:
Ecclesiastes 2:22-23
“Nagpapakapagod at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba ang pagpapagod na ito? Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito man ay walang kabuluhan.” [Magandang Balita, Biblia]
Napakalinaw na sinabi ng Biblia na anoman ang gawin ng tao’y hindi niya masusolusyonan ang lumalalang kalagayan ng kaniyang pamumuhay, patuloy siyang makakaranas ng kalumbayan, pagkabalisa, at kahapisan. Sa kabila ng paglago ng kaalaman ng tao, at pagunlad ng teknolohiya, ay wala siyang magawa para maiwasan ang bagay na ito.
Kailan man ay hindi matatagpuan sa mundong ito ang isang perpektong pamumuhay, dahil ang mundo man na ating kinalalagyan ay papunta sa pagkawasak, gaya ng sinasabi rin ng Biblia:
Isaias 24:19-20
“Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.” [MB]
Kaya atin ngayong natitiyak na hindi sa daigdig na ito matatamo ng tao ang inaasam niyang maluwalhati at perpektong pamumuhay, sapagkat ang mundong ito ay nakatakda na sa kaniyang pagkawasak na ito nga ay ang araw ng Paghuhukom:
2 Pedro 3:7
“Nguni't ang sang-kalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.”
Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay? Paano ba ito matatamo ng tao? At gaano kapalad ang mga tao na makararating doon?
Si Apostol Juan sa pulo ng Patmos
habang isinusulat ang aklat ng Apocalypsis
na ipinakikita sa kaniya ang Bayang Banal, ang Bagong Jerusalem
Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?Ating basahin ang sagot:
Hebreo 11:16
“Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”
Ang sabi ng Biblia, ang lalong magaling na lupain ay matatagpuan sa langit. Doon lamang malalasap ng tao ang isang uri ng pamumuhay na hindi pa niya nararanasan kailan man sa mundong ito. Sino ang maghahanda ng dakong iyon? Ang Panginoong Jesus ang maghahada, gaya ng kaniyang sinabi:
Juan 14:2-3
“Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon” [MB]
Ang isa sa misyon ng pag-alis ng Panginoong Jesucristo, ay upang ipaghanda ang mga ililigtas niya ng dakong kalalagyan, at ito’y ang bahay ng Ama na maraming silid. At kapag naihanda na niya ito ay siya’y muling magbabalik upang kunin at isama roon ang kaniyang mga hinirang. Anong uring pamumuhay ang tatamuhin ng tao sa dakong iyon? Isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit, kalumbayan, at maging kamatayan:
Apocalypsis 21:1-4
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”
“At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “
Ang tahanan ng Diyos na maraming silid na siyang ihahanda ng Panginoong Jesus, ay isang maluwalhating tahanan, Isang bagong langit at isang bagong lupa, na ito ay ang BAYANG BANAL, ang Bagong Jerusalem, na mananaog mula sa Langit.
Sa bayang ito, makakapiling na ng tao ang Diyos at hindi na siya makakaranas ng kalumbayan, kahapisan, sakit, at maging ng kamatayan, lahat ng bagay ng una ay lilipas na. Dito magawawakas ang paghihirap ng taong maliligtas, dito niya matitikman ang isang uri ng pamumuhay na kailan man ay hindi niya mararanasan sa diagdig.
Ano ba iyong Bagong Langit?
Alam natin na ang unang langit ay ang lahat ng bagay ngayon na nasa itaas na ating natatanaw. Ang araw, ang buwan at mga bituin. Ang langit na iyan ay mapaparam o mawawala sabi ni Apostol Pedro:
2 Pedro 3:10
“Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”
Mawawala ang lahat ng bagay na nasa Langit dahil sa ito ay masusunog. Kaya ang tao na maninirahan sa bayang banal ay hindi na makakaranas ng liwanag ng araw, at hindi na rin magkakaroon ng gabi:
Apocalypsis 22:5
“At hindi na mag-kakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.”
Sa bagong langit ay wala nang araw, kundi ang Panginoong Diyos ang magbibigay ng liwanag doon. Hindi na mararanasan ng tao ang mabilad sa init ng araw:
Apocalypsis 7:16
“Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:”
Ano naman iyong Bagong Lupa?
Alam din natin na ang unang lupa ay kung ano iyong tinutungtungan natin ngayon - yari sa bato, buhangin, lupa, at putik. Ngunit ang Bagong Lupa ay dalisay na ginto:
Apocalypsis 21:21
“…ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.”
Saan sa daigdig tayo makakakita ng lansangan na purong ginto na kumikinang na parang bubog o salamin? Tama po, ang lalakaran ng tao doon ay ginto, at hindi na lupa. At hindi lamang ang lansangan ang ginto kundi ang mismong bayan ay ginto rin:
Apocalypsis 21:18
“At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.”
Ang mga pintuan ng bayan ay yari sa mamahaling perlas:
Apocalypsis 21:21
“At ang labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas..”
Doon lamang tayo makakakita ng napakalaking perlas dahil ang bawat isang pintuan ng bayan ay isang perlas. Maging ang kaniyang kinasasaligan ay yari sa mga mamahaling bato:
Apocalysis 21:19
“Ang mga pinag-sasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda; Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista ".
Wala pang sinomang tao sa daigdig ang mayroong ganitong klase ng bahay, kahit gaano pa siya kayaman, o siya man ang itinuturing na pinakamayamang tao sa buong mundo. Sa gitna ng bayan ay mayroong isang ilog na may tubig ng buhay, at ang punongkahoy ng buhay na inalis sa halamanan ng Eden noon ay doon din matatagpuan:
Apocalypsis 22:1-2
“At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namu-munga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa ".
Sa Bayang Banal, doon lamang malalasap ng taong maliligtas ang tunay na kapahingahan ng kaniyang kaluluwa, ang walang hanggang buhay sa piling ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo. Gaano ba kalaki ang Bayang Banal? Ang sukat ng bayang banal ay ibinigay din ng Biblia, ating basahin:
Apocalypsis 21:15-16
“At ang nakiki-pag-usap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito. At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.”
Sabi ng Biblia, ang bayan ay parisukat [square] kung ano ang haba siya rin ang kaniyang luwang, ganun din ang kaniyang taas. Ang sukat nito ay labingdalawang libong estadio. Ano ang katumbas ng sukat nito? Ating basahin sa Bibliang Ingles:
Revelations 21:16
“The city was perfectly square, as wide as it was long. The angel measured the city with his measuring stick: it was fifteen hundred miles long and was as wide and as high as it was long.” [Good News Bible]
Ang sukat ng haba at luwang niya ayon sa Bibliang Ingles ay 1,500 miles na katumbas na sa kilometro ay: 2,414 kms, kaya ang kabuoang area ng bayang banal ay 5.83 Million Square Kilometers.
Napakaliit na sukat kung ikukumpara sa ating daigdig na may 148.4 Million Square Kilometers, at mas maliit pa ang bayang banal sa pinakamaliit na kontinente ng mundo na ito ang Australia na may 7.68 Million sq.km. At Malaki lamang siya ng kaunti sa bansang India na may 3.29 Million sq.km.
Kaya nga maliwanag na maliwanag na sa maliit na sukat na iyan ay tunay na ating mababatid na talagang hindi maliligtas ang lahat ng tao sa daigdig. Dahil kulang na kulang ang sukat na iyan upang magkasiya ang lahat ng tao.
Maaari pa bang mag-asawa ang tao sa dakong iyon? Sasagutin tayo ng Panginoong Jesus:
Marcos 12:18-25
“May ilang Saduseo na lumapit kay Jesus upang magtanong. Ang mga ito ay nagtuturo na hindi muling mabubuhay ang mga patay. Sinabi nila, "G**o, isinulat po ni Moises para sa atin, 'Kung mamatay ang kuya ng isang lalaki at ang asawa nito'y maiwang walang anak, siya ay dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay.' Mayroon pong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, subalit siya'y namatay na walang anak. Pinakasalan ng pangalawang kapatid ang biyuda subalit ito ay namatay ring walang anak. Ganoon din ang nangyari sa pangatlo. Isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid at silang lahat ay namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y ang babae naman ang namatay. Kapag binuhay na muli ang mga patay sa araw ng muling pagkabuhay, sino po ba sa pitong magkakapatid ang kikilalaning asawa ng babaing iyon, sapagkat silang lahat ay napangasawa niya?"
“Sumagot si Jesus, "Maling-mali ang paniniwala ninyo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang itinuturo ng Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos. Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging katulad na ng mga anghel sa langit.” [MB]
Hindi na kailangan pa ng paliwanag hindi po ba? Sapat na ang malinaw na sagot ng Panginoong Jesus. Kung hindi makapapasok ang lahat ng tao, sino lamang ba ang makapapasok sa Bayang Banal? Ang makapapasok lamang doon ay yung mga tao na ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero:
Apocalypsis 21:25-27
“At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.”
Makakapasok lamang doon ang isang tao kung ang kaniyang pangalan ay maisusulat sa aklat ng buhay sa langit. Kung wala roon ang pangalan ng isang tao siya ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy:
Apocalypsis 20:15
“At kung ang sino-man ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy.”
Kaya dapat matiyak ng isang tao kung ang kaniyang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, dahil kung hindi makikita doon ang kaniyang pangalan ito ay mangangahulugan ng walang hanggang kapahamakan para sa kaniya.
May halimbawa ba sa Biblia ng mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?
Kahit dito pa lamang sa buhay na ito ay maaari nang malaman at ang Biblia ay may ipinakilalang halimbawa:
Filipos 4:1,3
“Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko… Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay.”
Saan ba kabilang ang sinasabi ni Apostol Pablong ito na mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?
Roma 12:5
“Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”
Ang mga sangkap o kaanib ng katawan ni Cristo na siyang Iglesia [Colosas 1:18], ay ang mga tao na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay sa Langit. Maliwanag na kinakailangan na tayo ay maging sangkap o kaanib ng tunay na iglesia na ito nga ang Iglesia ni Cristo na tinubos niya ng kaniyang dugo:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Version]
Kaya nga kung ating natitiyak na ang ating pangalan ay nakasulat na sa aklat ng buhay dahil sa pagiging kaanib natin sa tunay na iglesia, ay dapat natin itong ikagalak:
Lucas 10:20
“Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.”
Kaya kung nais nating masiguro na tunay tayong makararating sa Bayang Banal, hinding-hindi natin maiiwasan ang isang napakahalagang gampanin, na tayo ay kailangang mapabilang o maging kaanib ng tunay na Iglesia na siyang katawan ng ating Panginoong Jesucristo, sapagkat dito kabilang ang mga taong maliligtas sapagkat siyang tinubos ng dugo ni Cristo:
Acts 2:47
“Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily such as should be saved.” [King James Version]
Sa Filipino:
Gawa 2:47
“Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”
Kabilang sa Iglesia ni Cristo ang mga taong maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom…At ang nga nakitityak na magmamana ng Bagong Lupa at Bagong Langit na inihanda .
https://www.facebook.com/100093186475628/posts/132201813229367/?app=fbl
🇮🇹IGLESIA NI CRISTO
ANG “ANAK NA BABAE NG SION” SA ISAIAS 62:11-12
Ang karaniwang tinutukoy ng ekspresyong “Anak na Babae ng Sion” ay ang “mga tao ng Jerusalem.” Subalit,may banggit din na “Anak na Babae ng Sion” na hindi literal o hindi tumutukoy sa mga tao ng Jerusalem. Ito ang nakasulat sa Isaias 62:11-12:
“The LORD has made proclamation to the ends of the earth: ‘Say to the Daughter of Zion, 'See, your Savior comes! See, his reward is with him, and his recompense accompanies him.' They will be called the Holy People, the Redeemed of the LORD; and you will be called Sought After, the City No Longer Deserted.” *Isaiah 62:11-12 NIV)
Sa talatang ito ay may binabanggit din na “Anak na Babae ng Sion” (“Daughter of Zion”), ngunit napansin ba ninyo ang pagkakaiba kaysa sa bumabanggit din sa “Anak na Babae ng Sion” at maging sa ibang mga talatang bumabanggit dito? BINABANGGIT ANG PANAHON NG KANIYANG PAGLITAW – “The LORD has made proclamation to the ENDS OF THE EARTH: ‘Say to the Daughter of Zion.” Dahil dito, natitiyak natin na ang binabangit dito sa Isaias 62:11-12 na “Anak na Babae ng Sion” ay tumutukoy hindi sa “mga tao ng Jerusalem” kundi sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw o sa mga wakas ng lupa.
Ang banggit na “mga wakas ng lupa” ay tumutukoy sa panahong malapit na ang “wakas” (Mateo 24:3 at 33), na ang pasimula ng panahong ito ay hinuhudyatan ng pagsiklab ng “digmaang aalingawngaw” na susundan ng isa pang digmaang kauri din niya, “bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian”:
“At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.” (Mateo 24:6-7)
Ang tinutukoy ditong “digmaan” na hudyat ng pagsisimula ng panahong “mga wakas ng lupa” ay ang Unang Digmaang Pandaigdig na sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Pinatutunayan ito maging ng mga kaibayo sa pananampalataya:
“Sinabi ngayon ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod kung paano nila mahihinuha kapag ang daigdig ay talagang pumapasok na sa pagsisimula ng panahon ng paghihirap...Ang paglapit ng katapusan ng panahon ay kakikitaan ng ilang pangyayari sa daigdig na nagyayari nang sabay-sabay. Ang mga pangyayaring iyon ay:
1. Maraming bansa na tumitindig [o nag-aalsa] laban sa maraming ibang bansa
2. Mga kaharian na tumitindig [o nag-aalsa] laban sa mga kaharian
3. Mga pagkakagutom
4. Mga epidemya ng mga sakit
5. Mga lindol sa iba’t ibang dako.
Sa Marcos kapitulo 13 ang salitang mga kaguluhan ay ginamit ng ating Panginoon sa halip na mga epidemya ng mga sakit...Mga digmaan sa pagitan ng mga bansa, o kahit sa pagitan ng mga kaharian, ay karaniwan at naging karaniwang pangyayari Itinala ng kasaysayan ang mga pagkakagutom sa iba’t ibang panahon. Nagkaroon ng mga panahon ng matitinding epidemya ng mga sakit, Nagkaroon ng mga paglindol sa nakaraan, subalit lalong dumarami sa kasalukuyang panahon. Gayunman, sinasabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad na naghihintay sa isang tiyak na panahon kung kailan ang lahat ng mga pangyayari ito ay magiging kapansin-pansin nang sabay-sabay. Ang kauna-unahan sa gayong panahon sa kasaysayan ng daigdig ay naganap sa mga taon ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914).” (Footnote Mathew 24:6-8 Last Days Bible, salin sa Pilipino)
Ang binabanggit sa Isaias 62:11-12 ay ang “Anak na babae ng Sion na mula sa mga wakas ng lupa” o lilitaw kaanlisabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas ay opisyal na natatag noong Hulyo 27, 1914, kaanlisabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pansanlibutan. Kaya, natitiyak natin na ang tinutukoy sa hula ay ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw.
Tulad din ng paggamit sa terminong “Jacob” at “Israel” na kaya natin natitiyak na ang binabanggit sa Isaias 41:8-16 ay hindi tumutukoy sa literal na “Jacob” at “Israel” ay dahil binanggit din ang panahon ng paglitaw – “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”:
“Huwag kang matakot, ikaw na UOD NA JACOB, at kayong MGA TAO NG ISRAEL; aking tutulungan ka; sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel…
“Ikaw na aking hinawakan mula sa MGA WAKAS NG LUPA, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” (Isaias 41:14 at 9-10, amin ang pagbibigay-diin)
Kailanman ay walang itinuro si Kapatid na Felix Y. Manalo at ang Iglesia Ni Cristo na “lahat ng binabanggit na ‘Anak na Babae ng Sion’ ay tumutukoy sa Iglesia Ni Cristo.”
Kaya, nagkakamali ang sinuman na basta may mabasa lamang na “Anak na Babae ng Sion” ay magkoklusyon nang tumutukoy na sa “Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw.” Ang karaniwang paggamit ng Matandang Tipan sa ekspresyong “Anak na Babae ng Sion” ay tumutukoy sa “mga tao ng Jerusalem” maliban sa Isaias 62:11-12. Natitiyak natin na ang banggit na “Anak na Babae ng Sion” sa Isaias 62:11-12 ay hindi isang karaniwang paggamit sa ekspresyong ito dahil sa binanggit din sa talata ang panahon ng paglitaw, “mga wakas ng lupa.”
🇮🇹-The Iglesia ni Cristo
Nakikita ngunit hindi na mamalas
Naririnig at hindi nauunawa;
Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.
2 Timothy 3:7
Mangyari sakanila ang ipinag pauna sabihin ni Cristo
Sa kanilang na ngasalabas
Ng pagsusugo ng Diyos kahit pa pagpupuyagian nila itong pag-aralan
Ng pag-aralan
Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.
2 Timothy 3:7
At sinabi niya sa kanila,
Sa inyo 👈ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas,👈 ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:👈
Mark 4:11
Kung gayon ang kaalaman sa mga salita ng Diyos ay ipinagkakaloob hindi nakukuha sa sariling inisyatibo kakayahan at pamamaraan natatamo ito hindi dahil sa katalinuhat Karunungan
Ninuman ni sa kanyang masigasig at masikhay na pag sasaliksik Bagkus itoy kaloob ng Diyos sa mga taong isinusugo niya.
Ito ang dahilan kaya tanging ang mga sugo ng Diyos ang may karapatang mangaral.
Kinukuwestion ni apostol pablo ang awtoridad sa pangangaral ng hindi isinugo ng Diyos:
Mga Taga-Roma 10:15
[15]At paanong👈 makakapangaral ang sinuman kung👈 hindi👈 siya isinugo? 👈
Sa mga taong nasa labas ng pagsusugo ng Diyos ang mga salita niyay hiwagang nakatago o naka lihim maaring makita nila ngunit hindi namamalas maaring marinig nila ngunit hindi nauunana hindi dapat ipangahas ni ipagmalaki ninuman ang kanyang pagiging pantas at matalino. Upang isiping makakaya niya itong unawain
Hindi isyu rito.
Kung gaano ang edukasyong naabot ng taga pangaral o kung saan at aa ilang unibersidad siya nagtapos o kung ilang titulo diploma at iba pang mga sertipikong pang akadimiko at panrelihiyon ang natamo niya o kung ilang kapuwa niya pantas matatalino ang nagpapahayag ng pagkilala at paghanga sa kanya.
INILIHIM SA MGA PANTAS......
AT MATATALINO, IPINAHAHAYAG SA MGA SANGOL '
ISANG POPULAR NA NAGPAPALAGAY NA MAS MAPAGKAKATIWALAANG PAKINGAN ANG TAGA-PANGARAL
NA MAY MATAAS NA KREDINSIYAL PANG AKADEMIKO AT PANRELIHIYON SAMAKATUWID BAGA'Y YAONG NAG TAPOS NG KURSO SA PHILOSOPHY MAALAM SA MGA KLASIKAL NA MGA LENGWAHENG BIBLECAL HEBREWS BIBLECAL
GREEK AT CHRISTIAN LATIN AT NATUTO NG ILANG ESPESIYALISADONG ARALING GAYA NG EARLIEST CHRIST OLOGIES
ESCHATOLOGY HERMENEUTICS
AT IBA PA KAPAG MAY GANITONG KREDINSIYAL ANG ISANG TAGA PANGARAL KARANIWANG PANATAG NA AT NAGTITIWALA ANG KANYANG MGA TAGA PAKINIG
Mapanganib ito,
Hindi dahil sa masamang mag aral at magtapos ng mga ganitong kurso't aralin kundi dahil hindi ang mga karunungang ito ang mabibigay sa tao ng karapatang mangangaral ng dalisay na mga salita ng Diyos manapa, ayon sa ating PANGINOONG Jesu-Cristo
Inilihim ng Diyos ang kanyang salita "sa mga pantas at matatalino" ngunit IPINAHAHAYAG sa mga sangol"
Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:
Matthew 11:25
Ang winikang ito ni jesus tungkol sa mga pantas at matatalino ay natupad sa panahon ng ministeryo niya sa mga ninuno.
Ng dalawa sa mga sekta ng judaismo mga pariseo at mga saduceo gayundin sa itinuturing na mga dalubhasa sa Kautusan ni Moises ang mga eskraba malaon ng bantog sa kabatiran ng mga kasulatan lubhang idukado ang mga pinuno ng mga pariseo mga saduceo at mga eskraba na anupat ng makita nilang nangangaral at nagtuturo ang hindi nag aral kailanman na si jesus
Juan 7:15
[15]Nagtataka ang mga pinuno ng mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?”
Mateo 13:54-55
[54]Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya't kanilang itinanong, “Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala?
[55]Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid?
Hinamak nila sila datapuwa't nang ang mga katotohanan ipinangangal ni jesus ay makaakit at nagpapahanga sa maraming mga tao natakot ang mga punong saserdote. At eskraba at nais nila na mapatay si jesus
Marcos 11:18
[18]Narinig ito ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Buhat noo'y humanap na sila ng paraan upang maipapatay si Jesus. Subalit natatakot sila sa kanya dahil humahanga ang lahat sa kanyang mga turo.
At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral.
Mark 11:18
Hindi nag aral kailanman ngunit nakakaalam ng mga karunungan ng Diyos dahil isinugo
Juan 7:15
[15]Nagtataka ang mga pinuno ng mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?”
Juan 7:16
[16]Kaya't sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.
At maging ang mga apostol na ang karamihan ay walang pinag aralan at mga mang mang.
Mga Gawa 4:13
[13]Nagtaka ang buong Sanedrin sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nakapag-aral. Nalaman din nilang dating kasamahan ni Jesus ang mga ito.
Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
2 Corinthians 5:19-20
Ang mga makabagong eskraba at pariseo at mga judaismo
Sila ang mga pangkating na nasa labas at walang sugo sila ang mga
Katoliko
Protante
Born again
Add mgci
At iba pa
Silang lahat ay walang sa pagka unawa..... at sinisiraan ang gawain ng Diyos
Para ang tao huwag sumunod sa mga utos at ang gawain ng ibang sekta ay siraan ang
IGLESIA NI CRISTO
PARA pasamain ito sa mata ng mga tao ito din ang ginawa ng mga tao noon sa panahon ng unang siglo maskin si jesus nakakaranas ng pang iinsulto at pananakit.... pero d.siya gumanti at d. siya nag babanta
1 Pedro 2:21-23
[21]Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan.
[22]Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman.
[23]Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.
Kaya sanay mauunawaan ito ng mga makabasa na suriin ang IGLESIA NI CRISTO
Bakit gayon nalamang ang aming pagmamalakit na makapasok kayo sa loob ng IGLESIA NI CRISTO
Mahal namin kayo mga kapuwa namin na kayo man ay mauunawaan ang aming paanyaya sa inyo... at alamin pa ng mas malalim ang mga aral na aming sinasampalatayanan
Sa ikapagtatamo ng pangako ng Diyos ang buhay na walang hanggan
Ang tao ay nilikha ng Panginoon Diyos sa KABUTIHAN
Ngunit ang tao ay
ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Kaya ang tao ay nag kasala sapagka't
Mahina.....
At ang Tao likas noon paman ay hindi nakikinig sa salita ng Diyos
At doon kay satanas nakinig....
Kaya napasa ilalalim sa SUMPA ng Panginoon Diyos ang tao ng una...
Silay mga nilikha sabi ng bibliya sa KABUTIHAN.....
At ang tao lang ang nag iisip ng kung ano anong mga bagay
Ang Mangangaral 7:29
[29]Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Paano nag umpisa....
Ng tuksohin ni satanas ang unang taong nilalang ng Diyos
Paano ito dinaya ni satanas
Na gamit din ni satanas ang salita ng Panginoon Diyos pero kanyang binaliktad.....
Sa babala ng Diyos sa unang tao ay hindi sila nakinig kaya silay nadaya... anong salita gamit ni satanas paano niya pinilipit ang salita ng Diyos
Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!
[5]Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos
Kaya sila napapasailalim ng sumpa mula ng mag kasala sila
Nag karoon sila ng kamatayan
At sa kanila nag mula ang kamatayan
Mga Taga-Roma 5:12
[12]Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
Genesis 3:11-12,17,19
[11]Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
[12]“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
[17]Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
[19]sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.”
Genesis 3:1-13
[1]Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”
[2]Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan,
[3]huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
[4]Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!
[5]Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos 👈at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
[6]Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. 👈Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito.
[7]Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan.
[8]Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno.
[9]Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, “Saan ka naroon?”
[10]“Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad,” sagot ng lalaki.
[11]Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
[12]“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
[13]“Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.“Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” sagot naman nito.
Kaya
Kaya si apostol ay nag babala nanaman uli baka may madadaya muli ng ahas o Santana's si Jesu-Cristo nanaman ang babaguhin ng mga mandaraya....
Gagawin Diyos
Paano ito ibinabala....
2Cor 2 Mga Taga-Corinto:3
Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
2Cor 2 Mga Taga-Corinto:4
Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
Alam natin ng mag kasala ang tao nasa sumpa na ng kamatayan
Mga Taga-Roma 5:12
[12]Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
Genesis 3:17,19
[17]Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
[19]sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.”
Kaya nag karoon ng paghuhukom ang Diyos sa tao
Mula ng silay sumuway
Mga Hebreo 9:27
[27]Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.
Paano muli maka panumbalik ang tao sa Diyos mula ng silay
masumpa
Mga Hebreo 9:9-12,14-20,22-26,28
[9]Simbolo lamang ang mga iyon at ang kahulugan nito ay ang kasalukuyang panahon. Ang mga kaloob at mga handog na iniaalay ay hindi nagpapabanal sa mga sumasamba roon.
[10]Ang paglilinis nila'y nauukol lamang sa pagkain at inumin at sa iba't ibang uri ng paglilinis, mga alituntuning panlabas na iiral hanggang sa baguhin ng Diyos ang lahat ng bagay.
[11]Ngunit dumating na si Cristo, ang Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na narito na. At siya'y naglilingkod doon sa sambahang higit na dakila, walang katulad at hindi ginawa ng tao. Ang sambahang ito ay hindi sa sanlibutang ito.
[12]Minsan lamang pumasok si Cristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo'y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at guya ang kanyang inihandog, kundi ang sarili niyang dugo, para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan magpakailanman.
[14]higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buháy.
[15]Kaya nga, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong kasunduan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, ipinatawad ang paglabag ng mga tao noong sila'y nasa ilalim pa ng naunang kasunduan. Dahil dito, makakamtan ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na kanyang ipinangako.
[16]Kapag may testamento, kailangang mapatunayang patay na ang gumawa niyon,
[17]sapagkat ang testamento ay walang bisa habang buháy pa ang gumawa; magkakabisa lamang iyon kapag siya'y namatay na.
[18]Maging ang naunang kasunduan ay hindi pinagtibay kung hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop na inihandog.
[19]Matapos ipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat alituntunin sa Kautusan, kinuha niya ang dugo ng mga baka at ng mga kambing at hinaluan niya iyon ng tubig. Kumuha siya ng pulang lana at sanga ng hisopo, at isinawsaw iyon sa dugong may halong tubig. Winisikan ang aklat ng Kautusan at ang mga tao.
[20]Kasabay nito'y kanyang sinabi, “Ito ang dugong nagpapatibay sa tipan na ibinigay ng Diyos at ipinapatupad sa inyo.”
[22]Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo.
[23]Ang mga bagay sa sambahang iyon ay larawan lamang ng mga nasa langit, at kinakailangang linisin sa pamamagitan ng mga handog. Ngunit higit na mabubuting handog ang kinakailangan sa paglilinis ng mga bagay sa sambahang nasa langit.
[24]Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay. Sa langit mismo siya pumasok at ngayo'y nasa harap na siya ng Diyos at namamagitan para sa atin.
[25]Ang pinakapunong pari ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon na may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit si Cristo'y minsan lamang pumasok upang ihandog ang kanyang sarili.
[26]Kung hindi gayon, kailangan sanang paulit-ulit na siya'y mamatay mula pa nang likhain ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng handog na kanyang inialay.
[28]Gayundin naman, si Cristo'y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Mga Taga-Galacia 3:10-13,15,17,19-27,29
[10]Ang lahat ng umaasa sa mga gawa ayon sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod at hindi gumagawa ng lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.”
[11]Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya.”
[12]Ang Kautusan ay walang kinalaman sa pananampalataya sa Diyos, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.”
[13]Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.”
[15]Mga kapatid, narito ang isang pangkaraniwang halimbawa. Kapag nalagdaan na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-kabuluhan ninuman. Hindi rin ito maaaring dagdagan.
[17]Ito ang ibig kong sabihin, pinagtibay ng Diyos ang kanyang kasunduan at ipinangako niyang tutuparin ito. Ang kasunduang iyon ay hindi mapapawalang-saysay ng Kautusan na dumating pagkaraan ng 430 taon, ni hindi rin mapapawalang-saysay ng Kautusang ito ang mga pangako ng Diyos.
[19]Kung ganoon, bakit pa ibinigay ang Kautusan? Ibinigay ito upang maipakita kung ano ang paglabag. Bago dumating ang anak na pinangakuan, ibinigay ang Kautusang ito sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan.
[20]Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa.
[21]Ang ibig bang sabihin nito'y sumasalungat ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Kung nakapagbibigay-buhay sana ang Kautusan, ang tao'y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod niya rito.
[22]Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibibigay sa lahat ng sumampalataya.
[23]Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag.
[24]Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya.
[25]Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.
[26]Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.
[27]Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya.
[29]At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.
Mga Taga-Roma 6:13-14,16-19
[13]Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.
[14]Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y hindi na namumuhay sa ilalim ng kautusan kundi sa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.
[16]Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa katuwiran?
[17]Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo.
[18]Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran.
[19]Gumagamit ako ng karaniwang pangungusap dahil sa inyong likas na kahinaan. Kung paanong ipinailalim ninyo noong una ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, ilaan ninyo ngayon ang inyong sarili bilang alipin ng katuwiran para sa mga banal na layunin.
Mga Taga-Roma 5:10
[10]Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.
Mga Taga-Colosas 1:21
[21]Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama.
Mga Taga-Efeso 4:17-19,22
[17]Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip,
[18]at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
[19]Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
[22]Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa.
Mga Taga-Efeso 2:1-3
[1]Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.
[2]Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos.
[3]Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapop**tan ng Diyos.
Mga Taga-Roma 5:10
[10]Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.
Mga Taga-Roma 8:1
[1]Kaya nga, hindi👈na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa 👈na 👈kay Cristo Jesus.👈
Mga Taga-Roma 5:1,8-10
[1]Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
[8]Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
[9]Kaya't sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa p**t ng Diyos.
[10]Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.
Juan 6:44
[44]Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.
Mateo 11:27-30
[27]“Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.
[28]“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
[29]Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan
[30]sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”
Juan 8:45,47,51
[45]Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagkat katotohanan ang sinasabi ko sa inyo.
[47]Ang mula sa Diyos ay dumirinig ng mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig sa akin sapagkat kayo'y hindi mula sa Diyos.”
[51]Pakatandaan ninyo: ang tumutupad ng aking salita ay hindi mamamatay kailanman.”
Juan 10:9
[9]Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.
Kaya ang papasok sa
IGLESIA NI CRISTO
SA PANGALAWANG NILALANG NA ADAN
Eph Mga Taga-Efeso:15
Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
Ang katawan abg IGLESIA
Si Jesu-Cristo BILANG ulo ng IGLESIA kaya
IGLESIA NI CRISTO
ANG MAY KAUGNAYAN SA harapan ng DIYOS
Ang IGLESIA NI CRISTO
ANG MAY TUNAY NA RELASYON SA DIYOS
Mga Taga-Efeso 5:32
[32]Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya.
Kaya kung TAWAGIN
IGLESIA NI CRISTO
Mga Taga-Roma 16:16
[16]Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.
Kaya ang tao kung noon sa pagsuway nila adan at iva....
Ang unang tao o unang adan ang sanhi ng pagkalayo ng tao sa Diyos
Bunga ng hindi pakikinig sa salita ng Diyos kaya silay nahiwalay sa Diyos
Isaias 59:2
[2]Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.
Ang unang adan na makasalanan.
At
Ang ikalawang adan ay si Jesu-Cristo
Tao din na mag lalapit naman sa Panginoon Diyos sya ang maglalapit para ang tao maipakipagkasundo muli sa Diyos
Sa pamamagitan ng Panginoon Jesu-Cristo ang pag pasok sa loob ng IGLESIA NI CRISTO
Mga Taga-Roma 5:12-15,17
[12]Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
[13]Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi ituturing na kasalanan.
[14]Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos.Si Adan ay anyo ng isang darating.
[15]Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo.
[17]Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.
Mga Taga-Roma 10:4
[4]Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang mapawalang-sala ang sinumang sumasampalataya sa kanya.
Lucas 13:22-24
[22]Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay, at siya'y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan papuntang Jerusalem.
[23]Minsan may nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?”Sinabi niya sa kanila,
[24]“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpupumilit pumasok ngunit hindi makakapasok.
Juan 10:9
[9]Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.....
Kaya kami nag aanyaya para ipapaunawa na kayo man makakabahagi ito ng kaligtasan mula sa Panginoon Diyos gamit ang kanyang bugtong na anak...
Ito ang niyang ibigsabihin na kapag sumampalataya ka sa kanyang anak na ito ang paraan para ang tao mag tatamo ng pangako buhay na walang hanggan
At ang hindi sumampalataya ay hinatulan na.
Juan 3:18
[18]Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na👈 ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
Nasa anak na ang paraan ng pag liligtas....
1 Mga Taga-Corinto 15:27
[27]Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.
Mateo 28:18
[18]Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
Kaya ang Panginoon Jesu-Cristo na din ang mag papasya ng paghuhukom sa araw ng pagbabbalik nya
2 Mga Taga-Corinto 5:10
[10]Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
Lahat ng tao haharap sa hukuman ni Cristo.
Dito mahahayag kung alin ang tatangapin ng tao
Ng siyay na bubuhay pa masama man o mabuti ang kanyang mga nagawa....
At si Jesu-Cristo ang mag sasabi sa Diyos na maliligtas ka at ipakilala ka sa mga angel ng Diyos
At sa kanyang ama o ng Diyos ng Panginoon Jesu-Cristo
Pahayag 3:5
[5]Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
Ang Diyos ni Cristo ay ang ama niya
Juan 20:17
[17]Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”
Kaya kilala ng Diyos ang mga sa kanya....
At kilala din ni Cristo ang mga kanya sila ang ipinakilala sa ama... niya....
Sila ang mga taong nakikinig
Sumunod
Juan 10:27
[27]Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.
Santiago 1:22-24
[22]Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
[23]Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumingin sa salamin,
[24]at pagkatapos tingnang mabuti ang sarili ay umalis at kinakalimutan ang kanyang hitsura.
Sila ang mga tao ng Diyos ang mga nakikinig ng salita ng Diyos
Juan 8:47
[47]Ang mula sa Diyos ay dumirinig ng mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig sa akin sapagkat kayo'y hindi mula sa Diyos.”
Kaya sila ang mga tunay na sumamba at mga na ilapit ng dugo ng Panginoon Jesu-Cristo
Mga Hebreo 9:14,22
[14]higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buháy.
[22]Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo.
Mga Taga-Efeso 1:7
[7]Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob
Kaya wala ng anumang hatol ang mga kay Cristo
Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
Romans 8:1
Kaya ligtas ang tao pagka pinaghahawakan ang salitang ipinangaral ng mga apostol maging ng anak ng Diyos
1 Mga Taga-Corinto 15:2-3
[2]Naligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; dahil kung hindi, walang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
[3]Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan;
Lucas 13:23-24
[23]Minsan may nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?”Sinabi niya sa kanila,
[24]“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpupumilit pumasok ngunit hindi makakapasok.
Juan 8:31,51
[31]Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung tinutupad ninyo ang aking aral, kayo nga'y tunay na mga alagad ko;
[51]Pakatandaan ninyo: ang tumutupad ng aking salita ay hindi mamamatay kailanman.”
1 Juan 5:2-3
[2]Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos,
[3]sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ang tumutupad ng kanyang mga utos. Hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,
Marcos 9:7
[7]Nililiman sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na nagsabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
Makati
Valenzuela
Makati
In an era of a fast changing technology today We Bayan ni Juan are in search for a information about our country Philippines, its history, places and other things. To enlighten, in...