Atty. John Harvey Bequin

Atty. John Harvey Bequin

You may also like

김현중 Kim hyun joong
김현중 Kim hyun joong

Nagbibigay ng libreng payong legal sa mga residente ng Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna ⚖️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 27/07/2024

Ang Bequin Law ay buong pusong namahagi ng kumpletong school supplies sa mga mag-aaral ng Juanita Street, Sitio Maunawain.

Bilang bahagi ng aming pagsuporta sa edukasyon, ang magiging first honor sa katapusan ng school year ay magkakaroon ng reward na Php 10,000.

Sama-sama nating itaguyod ang kinabukasan ng ating kabataan! 📚🥇❤️

23/07/2024

Malamig ang panahon at nais humigop ng sabaw?

Punta na sa Lucky Pares! May libreng pares at rice para sa unang 100 followers na magpakita ng mensaheng ito sa cashier. Valid lamang ngayong araw at para sa mga residente ng Brgy. Duhat.

Ingat po tayong lahat sa bagyo at baha! 🥣☔️❤️

20/06/2024

Pagbati sa aking dalawang working students sa kanilang pagtatapos sa K-12!

Malayo ang mararating ninyo dahil sa inyong kasipagan at kabaitan. Nandito lang ako, palaging nakasuporta sa inyo, hanggang sa inyong pagpasok sa kolehiyo. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagsusumikap at abutin ang inyong mga pangarap. Proud na proud ako sa inyo! 🎓❤️

07/06/2024

Kape para sa mga magigiting na tanod ng Barangay Duhat. Salamat po sa inyong serbisyo. ☕️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 02/06/2024

Maraming salamat sa mga kabataang manlalarong Duhateño at Sangguniang Kabataan ng Barangay Duhat sa isang matagumpay na 3x3 Basketball Friendship Games!

Ang inyong dedikasyon at sportsmanship ay tunay na kahanga-hanga. Patuloy nating ipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa ating Barangay. Mabuhay kayo! 🏀💪❤️

31/05/2024

Kita-Kits sa Bagong Schedule! 🎉

Ang ating Basketball 3x3 One Day League Friendship Games ay gaganapin sa Hunyo 2 (Linggo) alas-8 ng umaga! 🏀

25/05/2024

Dahil sa malakas na ulan, postpone ang ating 3x3 Basketball Friendship Games ngayong araw. Mag-ingat po tayong lahat!

25/05/2024

Kita-kits tayo bukas sa ating 3x3 One Day Basketball League Friendship Games! 🎉

20/05/2024

📣 Heto na, heto na, heto na, hah hah... 🎶

19/05/2024

Maraming salamat, Sangguniang Kabataan ng Barangay Duhat, sa pagpapahayag ng suporta sa nalalapit na Duhat 3x3 Basketball League (Friendship Games). Asahan niyo din po ang aking 100% suporta sa mga aktibidad ninyo para sa ating mga kabataan.

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 18/05/2024

Ngayong May 26, 2024, sasabak ang ating walong teams sa isang araw na intense at kapanapanabik na 3x3 Basketball Tournament sa Duhat!

Suportahan ang inyong mga paboritong team at maging bahagi ng isang hindi malilimutang event!

Champion: Php 5,000 + Trophy + 4 Medals
1st: Php 3,000 + Trophy + 4 Medals
2nd: Php 2,000 + Trophy + 4 Medals
Consolation Prizes

NO ENTRANCE FEE.

17/05/2024

Sa lahat po ng kabataan ng Brgy. Duhat na interesado sa “3x3 One Day Basketball Open League” na gaganapin sa Palo Alto, maaari na kayong magsumite ng inyong mga player dito sa page. Ito ay para sa Day 2 ng paliga ni Franz upang lahat ay ma-accommodate.

Pakisumite ang mga sumusunod:
1. Pangalan, edad, at address ng mga miyembro ng team (Note: 4 na players lamang sa isang team, edad 19 taon pababa, resident ng Duhat)
2. Pangalan ng team

7 teams na lang po ang kailangan dahil may sumobra na sa Day 1 na isang team na ililipat sa Day 2.

Unahan po ito sa pagsumite, kaya first submission, first entry.

Prizes for Day 2:
Champion: Php 5,000
1st: Php 3,000
2nd: Php 2,000
More prizes to be announced later

NO ENTRANCE FEE

15/05/2024

Maraming nagtatanong sa akin kung tatakbo ba daw ako sa Barangay election o sa ano mang public office. Gusto ko pong magbigay linaw na hindi po at wala akong interes dito.

Ang aking layunin ay patuloy na magbigay ng libreng payong legal at makatulong sa abot ng aking makakaya nang walang inaasahang kapalit. Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta! ❤️

13/05/2024

Meron tayong kabarangay na nagtanong kung makukulong ba ang kanyang asawa kung sakaling mapatunayang guilty ito sa krimen na VAWC.

Sa ilalim ng Anti-Violence Against Women Act o Republic Act 9262, ang mga lumalabag na mapatunayang guilty sa krimen ay parurusahan ng:
● Pagkakakulong na nagmumula sa 1 buwan at 1 araw hanggang 20 taon
● Pagbabayad ng P100,000 hanggang P300,000 na pinsala
● Mandatoryong psychological counseling o psychiatric treatment

Ang VAWC ay kumakatawan sa Violence Against Women and Children na layuning protektahan ang mga kababaihan at mga bata mula sa anumang uri ng pananakit mula sa mga lalake, lalo na mula sa kanilang asawa o ama.

Sa panukalang batas na ito, layunin nitong protektahan ang mga babae mula sa kanilang asawa, kasintahan, nobyo, o dating karelasyon. Ipinapahayag din nito ang proteksiyon para sa mga bata na madalas na nadadamay sa pang-aabuso. Ang karahasan ay maaaring mangyari sa loob o labas ng tahanan.

Kung mayroon mang nangyaring pang-aabuso, maaaring kasuhan ng VAWC ang:
● Asawa o dating asawa
● Kasintahan o dating kasintahan
● Karelasyon sa k**a (may relasyon man o wala)

Sa kaso ng mga bata, maaaring kasuhan ang ama o ama-amahan ng bata na may edad na 18 pababa kapag siya ay nag-abuso.
-------
Kung ikaw ay taga-Barangay Duhat, Santa Cruz, Laguna, at nangangailangan ng LIBRENG tulong sa legal, magpadala lamang ng mensahe sa aking page.

Atty. John Harvey Bequin Nagbibigay ng libreng payong legal sa mga residente ng Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna ⚖️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 12/05/2024

Sa pagdiriwang ng Mother's Day, naghandog ang BEQUIN LAW ng mga manok sa mga minamahal na Nanay sa Juanita Street, Sitio Maunawain, bilang regalo.

Ito ay hindi lamang praktikal kundi isang simbolo rin ng pagmamahal at pagkakaisa sa bawat hapag-kainan. Sa simpleng paraan, nais naming ipakita ang aming pagpapahalaga sa mga dakilang ina ng ating komunidad. 🐥🎉❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 06/05/2024

Binabati ng BEQUIN LAW sina Crissagaile Dimaguila at Angunecai Martin sa kanilang napakagandang tagumpay sa pagkapanalo sa Atty. John Harvey Bequin’s - “Best in Advocacy" award sa Lakan at Mutya ng Duhat 2024! 🏆

Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa kapwa ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan sa ating Barangay. Patuloy sana kayong magningning at magpatuloy sa pagtulong sa pagbuo ng magandang kinabukasan para sa ating komunidad! 💫

Bawat Lakan at Mutya ng Duhat na nag-uwi ng 'Best in Advocacy' award ay nakatanggap ng Php 5,000 cash at isang prestihiyosong tropeyo mula sa BEQUIN LAW ❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 05/05/2024

Handog ng BEQUIN LAW ang 'LIBRENG MANICURE, PEDICURE, & FEEDING PROGRAM’ sa mga residente ng Juanita Street, Sitio Maunawain, bilang pasasalamat sa kapistahan ng Mahal na San Miguel Arkanghel. 🍚💅❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 04/05/2024

Ang BEQUIN LAW ay buong pusong nakikiisa sa selebrasyon ng 'Sagayla' ng Barangay Duhat!

Ipinapaabot natin ang suporta sa bawat isa sa pamamagitan ng paghatid ng food packs, refreshments at special awards matapos ang kanilang parada.

Sa pagkakataong ito, ipinagdiriwang natin ang social at self-acceptance, pati na rin ang mga tagumpay ng LGBTQ+ community.

Sa simpleng paraan ng paglilingkod, muli nating pinatutunayan na ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa pagmamalasakit sa isa't isa. Mabuhay ang Barangay Duhat! 👑💐🌈

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 03/05/2024

Taos-pusong pasasalamat sa Duhat Elementary School SGPTA sa pagtitiwala sa akin bilang hurado sa Gandang Mommy 2024.

Sa bawat hakbang ng pagkakataong ito, patuloy nating pinapakita ang galing at ganda ng bawat ina.

Hindi magpapahuli ang tapang at kagandahan ng bawat mommy ng Barangay Duhat!💐👑❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 02/05/2024

Salamat sa imbitasyon, Barangay Duhat!

Bilang isa sa mga hurado sa Lakan at Mutya ng Duhat Preliminary Competition, napakalaking karangalan na maging bahagi ng pagpapasya sa mga kabataang may husay at talento mula sa ating barangay. Nakakabilib ang galing at angking talento ng mga kabataang Duhateño.

Congratulations sa ating mahal na Kapitan Jessielito “Pogs” Kamatoy, mga kagawad, Sir Lesmer, lahat ng SK, Barangay staff at mga volunteers sa matagumpay na pagdaraos ng Maruhat Festival! 🎉👑❤️

02/05/2024

Ang bawat Lakan at Mutya ng Duhat na magwawagi ng 'Best in Advocacy' award ay mag-uuwi ng Php 5,000 cash at isang tropeyo mula sa BEQUIN LAW.

Ipagpatuloy natin ang pagiging inspirasyon at magandang ehemplo sa ating mga kabataan. Good luck! 🏆👑❤️

30/04/2024

Congratulations team East!
Champion - Junior Division 🏆

Dapat tularan kayo ng mga kabataang Duhateño. Sa inyong kahusayan, bawat pawis at sakripisyo sa bawat practice ay nagbunga.

Kayo ang may pinak**ahusay na teamwork na nakita ko, at higit sa lahat, kita ang inyong gigil at determinasyon na manalo.

Sa susunod na Duhat Summer League, mananatili akong tagahanga at #1 supporter niyo. 🥇🏀♥️

29/04/2024

Nakakabilib ang mga kabataang Duhateño!

Kagabi, bilang isa sa mga panelist na pipili ng pinak**ahusay at taos-puso na adbokasiya ng ating mga Lakan at Mutya ng Duhat, nasaksihan ko ang kanilang talino at dedikasyon sa pagtugon sa mga social issues ng ating Barangay.

Ang Lakan at Mutya na magwawagi ng "Best in Advocacy" award ay bawat isa na tatanggap ng 𝐏𝐡𝐩 𝟓,𝟎𝟎𝟎 𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐭 𝐭𝐫𝐨𝐩𝐞𝐲𝐨 mula sa BEQUIN LAW bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagpapakita ng kanilang adbokasiya.

Good luck sa inyong lahat at nawa’y ipagpatuloy niyo ang inyong mga magandang hangarin, suporta at pagmamahal sa ating Barangay! ⭐️👑❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 29/04/2024

Magandang araw po sa lahat! Ipinapaalam namin sa inyo na ang BEQUIN LAW ay opisyal na rehistrado sa BIR.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin kaming nagbibigay ng libreng payong legal para sa mga residente ng Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.

Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para sa inyong mga legal na katanungan. Salamat po! 📚⚖️❤️

26/04/2024

🚨 PAALALA: Ingat sa Pagbibigay ng Personal na Impormasyon kahit kanino!

Kamakailan lang, may kabarangay tayo na nag-ulat na mayroong nag-aalok sa ilang miyembro ng ating komunidad na kunin ang kanilang personal na impormasyon para gumawa ng GCash account. Ang pangako? Pampalit sa 200 pesos, at ang impormasyon ay ibabalik daw pagkatapos ng apat na araw.

Alamin ang katotohanan: Ang ganitong uri ng panloloko ay nagdudulot ng banta sa ating seguridad at kaligtasan. Posibleng magresulta ito sa malubhang pinsala sa ating trabaho, negosyo, o reputasyon. Isa sa pinakapanganib na maaring mangyari ay ang "identity theft" o pagnanakaw ng pagkakakilanlan.

Kaya't paalala sa ating lahat: maging maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon at huwag basta-basta magtiwala sa mga hindi kilalang tao. Sa ating pagtutulungan, panatilihin natin ang ating seguridad at protektahan ang ating mga sarili laban sa anumang uri ng panloloko.

22/04/2024

Best of luck to Team East (Junior Division) as you enter the semi-finals and aim for the championship! I'll be cheering you on all the way! 🏀 📣❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 21/04/2024

Sa pagdiriwang ng Filipino Food Month (Proclamation No. 469, s. 2018), ang BEQUIN LAW at ang aking mga kaibigan ay nagkaisa upang magsagawa ng feeding activity ngayong linggo ng umaga.

Nawa'y patuloy na manatiling buhay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng bawat isa sa ating komunidad. 🍲🤝❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 17/04/2024

Malugod kong binabati ang aking dalawang (2) working students/scholars sa matagumpay na pagsusulit sa Laguna State Polytechnic University - Sta. Cruz Entrance Exam! 📚🎉🥳

Nandito lang ako para gabayan at suportahan kayo sa inyong paglalakbay sa edukasyon at pag-abot ng inyong mga pangarap. Proud na proud ako sa inyo. Kudos! 💖

16/04/2024

Maraming salamat Team Palo Alto sa pag-imbita sa akin bilang inyong Manager. Proud ako sa husay na pinakita niyo.

Sana’y lagi niyong tandaan na sa laro ng basketball, hindi laging sinusukat ang tagumpay sa bilang ng puntos. It’s about your journey, the teamwork, the perseverance, and the growth you experience along the way. Minsan, ang pinak**ahalagang panalo ay nanggagaling sa mga aral na natutunan sa pagkabigo.

Keep pushing, keep striving, and remember, the true essence of basketball lies in the passion, the effort, and the love for the game.

See you next Summer League! 🏀⛹️❤️

Photos from Atty. John Harvey Bequin's post 14/04/2024

Marami ang nagtatanong kung magkano nga ba ang bayad kapag kukuha ng serbisyong legal (Abogado).

Narito ang aming Minimum Fee Schedule na itinakda ng Integrated Bar of the Philippines para sa buong Laguna upang magbigay linaw.

Subalit bilang suporta sa ating komunidad, ako po ay nagbibigay ng LIBRENG payong legal para sa mga kababayan nating taga-Barangay Duhat, Santa Cruz, Laguna, sa halip na magbayad ng Php500 o Php1,000 ayon sa nakasaad sa aming schedule.

Maaari niyo lamang akong kontakin sa aking page para sa karagdagang impormasyon at tulong sa inyong mga legal na pangangailangan. Maraming salamat! ⚖️📚❤️

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sitio Maunawain, Barangay Duhat
Makati
4009

Opening Hours

Monday 3:30pm - 5pm
Tuesday 3:30pm - 5pm
Wednesday 3:30pm - 5pm
Thursday 3:30pm - 5pm
Friday 3:30pm - 5pm
Saturday 3:30pm - 5pm
Other Public Figures in Makati (show all)
Groove Nation Groove Nation
Makati

Starbuck the Cat! Starbuck the Cat!
Makati, 1200

I can haz KFC?

Wonders of Women Blog Wonders of Women Blog
Makati

FOR THE EMPOWERED WOMAN YouTube: Wonders of women Instagram: Wonders of women

Paco Lorenzo Paco Lorenzo
Makati City
Makati

Model/Athlete

Makilahok Makilahok
Makati, 1229

Makiramdam. Makialam. Makiisa.

MAKATI GIRLS CLUB MAKATI GIRLS CLUB
Makati

I LOVE MAKATI CITY

Kyrah Banks Kyrah Banks
Makati

An Image Model from the Philippines, now living in Paris. Worked with Print Advertisements with Sun Cellular and several shops and designers.

Ria de Leon Ria de Leon
Makati

I just looooovvvee Ria de Leon. She's so pretty and she suits her cosplays. A combination of beauty

Besa's Footwear & Bag Restoration Besa's Footwear & Bag Restoration
Multiple Branches
Makati

"We Make Valued Footwear & Bags Look New Again, THE RIGHT WAY." S I N C E 1 9 3 5

Madam Mela Batista Madam Mela Batista
Ate Kuya
Makati

Long live, Mela! We love you! CheerS!

Chef Sau Del Rosario Chef Sau Del Rosario
465 AGS Building, Guadalupe Viejo
Makati

Official foodie fan page of Master Chef Sau Del Rosario=)