Persons with Disability Affairs Office - PDAO - Malabon City
This is the official page
of the Persons with Disability Affairs Office
of the City Government of Malabon
Maligayang Pagdiriwang ng Kapistahan, Sta. Clara! ๐
Puspusin mo nawa sana kami ng biyaya lalo na ang mga masusugid mong tagasunod at debotong mga Malabueรฑo. Hangad namin ang mapayapa at masayang selebrasyon ngayong araw.
Maligayang Kapistahan, San Bartolome! ๐
Tunay na napaka-dakila ng araw na ito. Sabay-sabay po nating salubungin at yakapin ang pagdiriwang na ito kaakibat ang pag-asa at pananampalataya sa ating panginoon.
Sana ay maging mapayapa at masaya ang ating selebrasyon. Happy Fiesta!
Sa araw na ito, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day bilang pagpupugay sa kanyang natatanging tapang at sakripisyo para sa kalayaan at demokrasya ng ating bayan.
Sa pagtataguyod ng pantay na karapatan at katarungan, tayo'y patuloy na magtutulungan bilang isang komunidad.
Nawa'y maging inspirasyon si Ninoy sa pagtataguyod ng mas makatarungan at makabuluhang lipunan.
Mahalagang Paalala sa Publiko | Kasalukuyang kumakalat ang isang panawagan para sa donasyong salapi na diumanoโy mula kay Mayor Jeannie Sandoval.
Mariing ipinababatid ni Mayor Jeannie at ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na HINDI ITO TOTOO.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging mapanuri laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na nagpapanggap bilang si Mayor Jeannie o empleyado ng pamahalaang lungsod na humihingi ng anumang uri ng donasyon.
FINANCIAL ASSISTANCE FOR PERSONS WITH DISABILITIES WITH ACUTE MEDICAL CONDITION
Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ay magkakaroon ng proyekto na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal para 250 na kwalipikadong may kapansanan na mayroong acute medical condition. Ito ay upang makatulong sa kanilang mga medikal na pangangailangan.
Sino ang maaaring mag-apply at maging benepisyaryo ng proyekto?
Rehistradong may kapansanan sa Lungsod ng Malabon na nakapaloob sa mga sumusunod:
1. Immunocompromised persons with disabilities (mahina ang depensa sa mga sakit at impeksyon)
2. Persons with disabilities na may cancer na kasalukuyang nagpapagamot (chemotherapy, etc.)
3. Persons with disabilities na may rare diseases na kasalukuyang nagpapagamot
4. Persons with disabilities na kasalukuyang nagpapadialysis
Paano mapabilang at maging benepisyaryo ng proyekto?
Ihanda ang SCANNED COPY ng mga sumusunod:
a. Photocopy ng Valid PWD ID (Paalala: Siguraduhing malinaw ang mga kopya ng mga sumusunod na nasabing dokumento dahil ito ay i-upload sa form na ito)
b. Sertipiko ng Kahirapan (Certificate of Indigency)
c. Medical Abstract and/ or Medical Certificate
d. Medicine/Purchase Booklet (bilang katunayan na ikaw nagpapagamot)
e. Medicine Prescription (Reseta)
Sagutan lahat ang mga kinakailangang impormasyon sa loob ng form na ito:
https://bit.ly/PWDMedicalAssistance
DEADLINE NG APLIKASYON: September 13, 2024
Ngayong araw ay ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa anibersaryo ng pagpanaw ni dating senador Benigno โNinoyโ Aquino Jr. Alinsunod sa Proclamation No. 665, S. 2024, idineklarang special non-working day ang Agosto 23, 2024 sa buong bansa bilang obserbasyon ng Ninoy Aquino Day upang magbigay-daan sa mas mahabang weekend o linggo para mapaunlad ang lokal na turismo, habang pinananatili ang makasaysayang kabuluhan ng araw na ito.
Samantala, idineklara namang regular holiday ang Agosto 26, 2024 bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani.
Kaugnay nito, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa mga araw na nabanggit.
Paalala sa mga Malabon Ahon Blue Card Holders!
Huling 9 na araw na lang upang maclaim ang ikalawang ayuda ngayong 2024.
Pumunta sa pinakamalapit na ATM o USSC branch upang nawithdraw ito o sa mga groceries upang ipamili ang cash assistance na handog ng lokal na pamahalaan.
Narito ang listahan ng mga benepisyaryo: https://bit.ly/3McvyQV
High Tide Alert | Aabot sa 1.8 metro ang high tide ngayong Huwebes, Agosto 22, 2024, sa ika-12:58 ng tanghali. Pinapaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa pagtaas ng tubig sa inyong lugar.
PABATID | Ang Philippine Band of Mercy, Inc., isang pribadong humanitarian organisasyon, ay nag-aalok ng libreng operasyon sa mga indibidwal na may cleft deformities. Katuwang ang Ospital ng Malabon sa pagbibigay ng libreng operasyon para sa lahat ng mga kababayan nating Malabueรฑo. Ang pagpapatala ay mula Agosto 22-28, 2024 at sa darating na Agosto 29 gaganapin ang final screening na magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Maaari din po kayong tumawag sa numero ng Ospital #8518 8602 loc. 401, 402,404. Sa mga hindi po nakapagpalista maaari pa din po kayong magpunta sa mismong araw (Agosto 29), Isang malaking pribilehiyo ang magbigay ng masayang ngiti sa ating komunidad.
High Tide Alert | Aabot sa 1.9 metro ang high tide ngayong Miyerkules, Agosto 21, 2024, sa ika-11:46 ng umaga. Pinapaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa pagtaas ng tubig sa inyong lugar.
High Tide Alert | Aabot sa 1.9 metro ang high tide ngayong Martes, Agosto 20, 2024, sa ika-11:03 ng umaga. Pinapaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa pagtaas ng tubig sa inyong lugar.
WALANG PASOK | Kaugnay ng pagkasira ng Dampalit Tide Control Gate Structure sa Kaylanan Creek, Doรฑa Juana Flood Gate sa Brgy. Dampalit at inaasahang pagtaas ng tide level na aabot pa rin sa 1.90 metro ay inirekomenda ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsuspinde ng face to face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon sa lahat ng antas bukas, Agosto 20, 2024. Maaari naman magpatupad ng asynchronous o online class ang mga nasabing apektadong paaralan.
Sa kabila nito, patuloy naman ang isinasagawang repair sa Tanza Navigational Gate na inaasahang matatapos sa Sabado, Agosto 24, 2024. Ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ay nakikipag-ugnayan na rin sa MMDA at DPWH tungkol sa kinakailangang repair sa mga nasirang flood control structures sa Barangay Dampalit.
Pinaaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling ligtas mula sa anumang panganib.
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐๐ข๐ซ๐ฌ ๐๐๐๐ข๐๐ (๐๐๐๐)
Nais naming ipaalam sa publiko na may mga ulat na natanggap ang aming opisina hinggil sa paggamit at paggawa ng mga pekeng ID. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang parusa sa ilalim ng batas.
Ayon sa Republic Act No. 10175 at Revised Penal Code, ang sinumang gumagamit o gumagawa ng pekeng ID ay maaaring makulong at pagmultahin. Mahigpit na ipinapaalala sa lahat na ang ganitong mga gawain ay labag sa batas at nakakasama sa mga lehitimong taong may kapansanan. Inaabisuhan din ang mga medical professionals na maging mas mahigpit sa pagbibigay ng medical certificates, dahil sila rin ay may pananagutan sa ilalim ng batas.
Upang masiguro kung lehitimo ng inyong PWD ID, maaari ninyong i-verify ang inyong ID number sa pamamagitan ng link na ito:
https://pwd.doh.gov.ph/tbl_pwd_id_verificationlist.php
I-encode lamang ang PWD ID number na nakasaad sa inyong ID upang malaman ang bisa nito. Kung walang record na matagpuan sa DOH database, maaaring ito ay peke o hindi pa naireport sa DOH.
Kung may alinlangan sa anumang PWD ID, o kung may kilala kayong gumagamit o gumagawa ng pekeng ID, huwag mag-atubiling i-report ito sa pamamagitan ng pag-message sa aming page o direktang pag-report sa aming opisina.
Ang pagsunod sa batas ay tungkulin nating lahat. Magsama-sama po tayo para sa kapakanan ng bawat isa, lalo na ang ating mga kababayang may kapansanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
F. Sevilla Boulevard, San Agustin
Malabon
1470
Sanciangco Street Brgy Catmon
Malabon, 1470
MALABON CITY JAIL- MALE DORM Sanciangco St. Brgy Catmon Malabon City
DOST-NCR CAMANAVA Satellite Office, City Of Malabon Polytechnic Institute, Gov. Pascual Avenue, Cor A. Reyes St, Metro Manila
Malabon
The official page of DOST-NCR CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) CASTO
Phase IV-G Dagat-Dagatan Development Project
Malabon, 1470
"Outer beauty is a gift. Inner beauty is an accomplishment."
F. Sevilla Boulevard
Malabon, 1470
Monitoring, Evaluation, Accountability and Learning Office of Malabon City
Malabon
Malabon, 1474
This group intend to let people know about what is happening at our barangay and its community.
Malabon
Is an Organization & Sector who help to Develop, Educate The LGBTQ Community in the City of Malabon..