Angel's Haven Lying-In and Family Planning Clinic
MISSION
A primary institution with well trained staff to assist childbirth by providing prompt and q
Angel's Haven Lying-In and Family Planning Clinic
PhilHealth Accredited
Services Offered:
Magpa-anak
Family Planning Services
Prenatal check-up
Must read.
Good News para sa atong mga suki ug mga pinalanggang buntis... Kung ikaw philhealth member, wala nay excess bill kung manganak ka sa Clinic. Pa prenatal check up na!
FYI
FYI
Body pains? Sore muscles? 🤔
Skin Can Tell Classic will help you get the relief! Worry no more and experience the only best self-care essential for you! 😍💚
Para sa mga bago na tamad na mag backread 🙄
Para sa mga Kabuwanan 🍿
BROWNISH DISCHARGE + NO PAINFUL CONTRACTIONS ➡️ ➡️➡️ Tulog muna
PINKISH DISCHARGE + NO PAINFUL CONTRACTIONS ➡️➡️➡️ Tulog muna
REDDISH DISCHARGE + NO PAINFUL CONTRACTIONS ➡️➡️➡️ Tulog muna
MUCOID/JELLY LIKE DISCHARGE + NO PAINFUL CONTRACTIONS ➡️➡️➡️ Tulog muna.
MUCOID/JELLY LIKE DISCHARGE + TOLERABLE UTERINE CONTRACTION ➡️➡️➡️ Try to sleep, IF HINDI NA MAKATULOG, nag increase ang pain hindi na tolerable ➡️➡️➡️ GO NA.
PROFUSE VAGINAL BLEEDING, almost soaking a regular pad with or without painful contraction ➡️➡️ GO na.
IF with PAINFUL CONTRACTION, take note of the start of each contraction para alam nyo Interval.
IRREGULAR INTERVAL ➡️➡️ take a warm bath and TRY to sleep.
REGULAR INTERVAL ➡️➡️take a warm bath and continue monitoring. Shortening interval less than 5 minutes GO na if malapit lang ospital or lying in nyo.
TOLERABLE PAIN ➡️➡️➡️ Stay muna sa bahay.
NOT TOLERABLE ➡️➡️➡️ GO na
WATERY DISCHARGE WITH GREENISH COLOR ( P**P yarn) + NO LABOR ➡️➡️➡️ GO na
WATERY DISCHARGE that is CLEAR + NO LABOR ➡️➡️➡️ you may go after 3 hours if still no labor.
WATERY DISCHARGE + LABOR PAINS ➡️➡️GO na .
NO DISCHARGE + INTOLERABLE PAIN ➡️➡️➡️ GO na!
DECREASE IN FETAL MOVEMENT ➡️➡️ Inform your OB or Midwife or JUST GO na.
Know your GO Na 😅
BASIC
Pls. Read
FYI para sa mga gamessage sa page about abortion... GOD Bless u!
PARA SA MGA UNWANTED PREGNANCIES: INDUCED ABORTION OF LIVE, VIABLE FETUS IS ILLEGAL HERE IN THE PHILIPPINES
Sa isang Thread dito sa FB, may nacomment ako sa isang post tungkol sa 80%/20% na dilemma niya sa surprise pregnancy niya. Nag-share lang ako ng experience as an OB nang mga nakikita kong na-oospital, at namamatay dahil sa pagpapalaglag ng ilegal. BTW, totoo ito. Nalulungkot din ako pag may nakakausap ako na babae na magpapakonsulta dahil gusto mabuntis pero hirap na na nagpalaglag dati. Nagsisisi sila at naiisip yung ginawa nila. Hindi ko sila hinuhusgahan sa naging desisyon nila dahil hindi ko trabaho yun.
PERO, Kung magpapakonsulta ka sa akin para magpalaglag ng baby na ayaw mo, HINDI KITA MATUTULUNGAN DUN. Pero kakausapin kita na mag-isip. Makikinig ako sayo at ipagdadasal ko na ang magiging desisyon mo ay hindi mo pagsisisihan in the future.
Handa ba ang Pilipinas para gawing LEGAL at SAFE ang ABORTION ng healthy at viable na babies?
HINDI.
Ang mga doktor ay may sinumpaan na, "DO NO HARM" at tahasang paglabag dito ang maglaglag ng fetus na may cardiac activity.
May mga ethical considerations din sa mga kontrobersyal na kaso katulad ng pagbubuntis na malalagay sa peligro ang nanay (halimbawa, mga Functional Class IV na gravidocardiac na BAWAL mabuntis). Pinagmimitingan yan at pinaguusapang mabuti ng Ethical Committee.
May mga kaso din kaming nahandle ng r**e at teenage pregnancy at kasama sila sa mga inaalagaan namin.
Yun lang ang punto ko, na kahit anong pakikipag-away mo sa akin at AKADEMIKONG DISKURSO para ipilit ang paniniwala ninyong, "Your body, your choice," -
☝️Nasa Pilipinas ka. Ilegal ang Induced Abortion dito KAHIT AWAYIN mo pa ako. KRIMEN pa din yan at kahit sino na tutulong sa ganyang gawain ay KRIMINAL ayon sa batas ngayon.
Kaya kung hindi ka handa mabuntis, dapat alam mo na:
✅️ Kapag nakikipagtalik, pwede mabuntis.
✅️ Kahit na mag reversible contraceptive ka, may Failure Rate yan unless magpermanent contraveptive katulad ng fibriectomy, vasectomy, hysterectomy o huwag kang makipagtalik AT ALL.
Be wise, be safe at be knowledgeable. Huwag attack ng attack ng belief ng iba lalo na nasa Social Media na lahat may opinion at akala nila tama sila.
Personal opinion ko ito at Page ko ito. Kung hindi kayo sang-ayon sa opinyon ko, I will appreciate your respect the way I do yours. Useless ang ping-pong discussion na para tayong nagpapagalingan.
Unless pasyente kita o ka-close kita, hindi kita papakialaman sa Life Decisions mo kahit ano pa yan. Kung maging legal man ang Induced Abortion sa Pilipinas, pwede ka din kumonsulta sa ibang doktor na gagawa nito dahil HINDI ko ito gagawin.
Mahaba-haba at malayo pa ang Pilipinas sa isyu ng Women's reproductive rights. Emotionally, psychologically, academically, hindi pa tayo handa.
Yun lang.
- Doc Arbie😒
P.S. Huwag niyo ako tanungin tungkol sa pagpapalaglag sa ibang bansa.
Picture from Reuters. aborted fetus in formalin
Fyi
Ang cute ng Mommy ni Kidlat sabi nya ang kapal ng buhok ni Kidlat, worth it ang kamot ko 😁
🍿 Dahil dyan, meron akong ituturo ulet.
Si baby ay nasa loob ng amniotic bag na nasa loob ng uterus pa. Kaya impossible na mag cause ang buhok nya ng kamot or kati sa labas.
Kung galing sa buhok ni baby ang pagkakamot nyo, bakit kahit breech na makapal buhok e sa baba pa din kayo nagkakamot 😛 Tsaka hindi nga possible mag cause ng kati yan 😅 Not anatomically possible 😊
Bakit ba nangangati ang buntis? Syempre kasi nag expand na ang balat ng abdomen nyo, na stretch na ba, kapag nag expand na ang balat, hindi na sila masyado moisturize, may dryness na, kaya kumakati.
Kapag ma-kati ang sarap lalong kamutin ano 🤣 pero hindi ito mauwi sa stretch marks or striae gravidarum ( if hindi mo ma-pronounce mag stretch marks ka na lang ✌🏼)
Eh di sana scratch marks ang name nya diba ( basic) if galing talaga sya sa pagkakamot.
Ang mga kamot marks sa tiyan ng buntis ay dahil nga na stretch ang skin, nag break ang elastic fibers. Common ito, 90% of pregnant women meron nito. Ako kasama sa 10 % na pinagpala ang balat ✌🏼😅. If ang Nanay mo may stretch marks, malaki ang chance na ikaw ganon din.
Pasok….”Mama ko meron pero ako Wala”….🙄
(Hindi ko naman sinabi na 100% ganon, pero malaki nga chance, unless ampon ka 😛🤣)
Ang cute ni Kidlat, kuha eyes ni Cong, improved version ni Cong 😅 Congrats and welcome to Team Puyat.
Parang si Madam B ko, super mega improved version ko 😅
😁
No need to switch to Formula milk when our baby turns 1 or 2 years old.
Hindi po totoo na nawawala ang sustansya ng breastmilk pag lumalaki na ang anak natin.
WORLD HEALTH ORGANIZATION states that Follow on Formula or Growing Up Milks are NOT necessary.
RATHER complementary feeding with continue breastfeeding is the best nutrition for our toddlers! UP TO TWO YEARS AND BEYONDDDD!!!
NOTE: Photo just for fun! 🤣😅😂
To***co use or exposure to second-hand smoke during pregnancy increases the risk of:
🛑 birth defects
🛑 stillbirths
🛑 preterm births
🛑 infant deaths
HINDI NA MAWAWALA ANG COVID19
Mommies, make sure you have your complete Covid shots: 2 shots, then at least 1 booster.
Last 2 weeks, I had 2 Covid positive Mommies in their 3rd trimester. Isang asymptomatic, and isang nagkalagnat at sipon. Hindi po biro ang Covid dahil pati si baby sa sinapupunan ay apektado.
Get your Covid19 shots habang libre pa ng gobyerno. Ayaw na natin ng another lockdown.
- Doc Arbie💟
NORMAL URINALYSIS RESULT
✅ Ang URINALYSIS ay isa sa mga pinakakaraniwang paraan upang makita ng inyong doktor ang kalusugan ng inyong mga kidneys.
✅ Ang isang COMPLETE URINALYSIS ay binubuo ng GROSS EVALUATION, DIPSTICK ANALYSIS at MICROSCOPIC EXAMINATION.
✅ Sa litrato ay makikita ang isang NORMAL URINALYSIS result:
🚩COLOR AT TRANSPARENCY - kulay dilaw na pwedeng magbago ng tingkad depende kung marami o kaunti ang tubig na nainom. Dapat ay clear ang ihi.
🚩SPECIFIC GRAVITY - Ang normal ay nasa 1.010. Kapag mas mataas, ibig sabihin mas concentrated ang ihi, samantalang kapag mababa ay mas diluted ang ihi
🚩URINE pH - natural na acidic ang ihi (pH 5.0)
🚩PROTEIN - dapat NEGATIVE ito. Maaaring may problema sa kidney kung may TRACE o (+) ang resulta.
🚩GLUCOSE - dapat ay NEGATIVE ito. Kung positive, pwedeng mataas ang blood sugar o umiinom ng gamot gaya ng dapagliflozin.
🚩BLOOD - dapat NEGATIVE.
🚩LEUKOCYTES at NITRITE - dapat NEGATIVE. Kapag positive ang mga ito, maaaring may impeksyon sa ihi.
🚩KETONES - dapat NEGATIVE. Maaaring magpositive ito sa mga taong may mataas na blood sugar, mag nagfafasting, o sa may mga sakit.
🚩RBC (RED BLOOD CELL) - abnormal ang makakita ng 2 o higit pang RBC per high-power field sa ihi. Common na dahilan ang UTI, kidney stones o glomerulonephritis.
🚩WBC (WHITE BLOOD CELL) - kadalasan ay nasa 2-5 WBC per high power field sa ihi ay normal. Common na maraming WBCs kapag may impeksyon sa ihi.
🚩EPITHELIAL CELLS - dapat ay FEW o NEGATIVE. Kapag maraming ganito sa ihi nyo, ibig sabihin ay CONTAMINATED at hindi kayo nakakuha ng wastong specimen ng ihi. Dapat ulitin ang urinalysis.
🚩BACTERIA - dapat ay FEW o NEGATIVE. Ang pagkakaroon ng maraming bacteria sa ihi ay maaaring sign ng impeksyon.
✅ Isangguni sa inyong doktor ang paginterpret ng urinalysis dahil kailangang i-ugnay ito sa iba pang resulta ng lab tests nyo at mga sintomas ninyo.
For your guidance...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Telephone
Website
Address
Malaybalay
8700