Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group

Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group, Religious organisation, Sitio Calizon, Santo Rosario Paombong Bulacan, Malolos.

Photos from Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group's post 01/08/2024

Narito ang mga ilang kuhang larawan sa ginanap na ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis noong ika-30 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ang Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group ay nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong sa paghahanda ng nagdaang Anibersaryo, at sa lahat ng nagsidalo sa ating ika-7 Anibersaryo. Ang Poong Jesus Nazareno - Adonis na po ang bahalang magbalik ng siksik, liglig at nag uumapaw na biyaya sa inyong lahat. PAGPALAIN PO TAYO NG PANGINOON!❤

Viva Jesus Nazareno!
Viva Jesus Nazareno!
Viva Jesus Nazareno!

30/07/2024

Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis (Novena at Gawain)

30/07/2024

Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno- Adonis (Motorcade)

30/07/2024

Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis

26/07/2024

𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼

Sa pagdiriwang ng Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis, iniimbitahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa ating pagdariwang. Narito po ang ilang impormasyon para sa petsa, oras at lugar ng ating Anibersaryo:

𝘗𝘦𝘵𝘴𝘢: July 30, 2024 (Tuesday)
𝘖𝘳𝘢𝘴: 10am
𝘓𝘶𝘨𝘢𝘳: Sto. Rosario Paombong, Bulacan

Magsisimula ang pagdiriwang sa isang Banal na Misa, na susundan ng munting salu-salo at programa. Para sa karagdagang impormasyon at kaganapan, mangyaring makipag-ugnayan at maghintay ng ilang anunsyo sa ating opisyal na page "Samahan Ng Señor Adonis De Nazareno Paombong group"

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo at pakikiisa sa makasaysayang okasyong ito. Halina't sama-sama nating kamtan ang biyaya ng ating Panginoong Hesus

Mabuhay ang Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis!

19/08/2022

PANALANGIN SA UMAGA
Ika-20 Biyernes sa Karaniwang Panahon

Ama,
punuin ang aming puso ng iyong pagmamahal
sa pagdating ng umaga.
Sa pagsasabuhay ng iyong atas,
makamtan nawa namin ang iyong kapayapaan
sa buhay na ito at sa darating
na buhay na walang katapusan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

16/07/2022

Novena🙏

26/02/2022

PABATID:

Mapagpala at mabiyayang araw po sa ating lahat pinababatid po ng aming samahan na wala po tayong nobena ngayong araw, sa susunod na sabado na po ang ating sunod na nobena. Salamat po at Pagpalain tayo ng ating Panginoon.😇

20/02/2022

Mapagpala at mabiyayang araw po mga kapatid namin kay Kristo at kapwa namin Deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, ang araw po ng ating pagnonovena at paglalive sa ating Mahal na Señor ay inilipat po namin tuwing araw po ng SABADO NG HAPON, sa kadahilanang ang iba po ay may mga kanya kanyang gampanin sa trabaho at pag aaral kaya't minabuti po ng aming samahan na ilipat ang paglalive at pangonovena tuwing araw ng SABADO nawa po ang bawat isa ay patuloy pa ring sumubaybay at sumabay sa ating pagnonovena sa Mahal na Señor ng Nazareno. Muli po, nawa ulit tayong sama samang magnovena sa ating mahal na Señor sa susunod na Sabado. Maraming Salamat po at Pagpalain tayo ng ating Panginoon.😇

19/02/2022

NOVENA SA MAHAL NA SEÑOR NAZARENO - ADONIS

18/02/2022
12/02/2022

NOVENA SA MAHAL NA SEÑOR NAZARENO - ADONIS

11/02/2022

Ika-11 ng Pebrero 2022
KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES AT ARAW NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

Panalangin sa Birhen ng Lourdes ngayong Pandaigdigang araw ng mga may sakit.

O Mapagkalingang Birhen ng Lourdes, kaming mga dumaranas ng mga karamdaman ay dumudulog sa iyo, sapagkat ikaw ang taga-aliw ng mga nagdadalamhati at kalusugan ng mga maysakit. Lubos kaming nagtitiwala sa iyo dahil sa marami’t mahimalang pagpapagaling na ginawa mo sa Lourdes at sa buong mundo. Taglay ang maalab na pananampalataya at pamimintuho, kami’y buong kababaang-loob na sumasamo sa ‘yo para sa aming mga kapatid na may karamdaman:

Yamang tunay na marami ang gumaling, dahil sa pamimintuho sa iyo, mangyaring gumawa ka ng isa pa, at iligtas itong mahal namin sa buhay. Ilayo mo sila sa panganib at ibangon sa banig ng karamdaman upang sila’y makabalik sa paglilingkod sa iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES, ipanalangin mo kami!
Maria, Taga-aliw ng Nagdadalamhati, ipanalangin mo kami!
Maria, Kalusugan ng mga Maysakit, ipanalangin mo kami!

29/01/2022

Magandang buhay mga kapatid ko kay Kristo! Nais lamang pong ipabatid ng aming samahan na ito lamang po ang kaisa isa at official page ng SEÑOR NAZARENO ADONIS at wala nang iba pa huwag po tayong malilito kung may makita man po tayong ibang page na katulad ng sa atin dahil ito po ay sa ibang grupo o samahan at hindi lamang po kami ang mayroong hawak ng SEÑOR NAZARENO kundi marami po sa ating lugar ngunit ipinababatid po namin na ito lamang po ang nag iisang page ng Samahan Ng Señor Adonis De Nazareno Paombong group Maraming Salamat po at Pagpalain po tayo ng ating Panginoon😇

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sinabi ni Juan, “Panginoon, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan po namin siya sapagkat hindi natin siya kasamahan.”Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat ang hindi laban sa inyo ay kakampi ninyo.” LUCAS 9 : 49 - 50

09/01/2022

KAPISTAHAN NG POONG HESUS NAZARENO

TEMA:BAKIT KAYO MATATAKOT?
WALA PABA KAYONG PANANALIG (Mark 4:40)

10/12/2021

Biyernes Del Señor

Mateo 11:28
[28]“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.

Location:Capilla De San Isidro
Spcy San Isidro I

Photos from Samahan Ng Señor Adonis De Nazareno Paombong group's post 20/11/2021

"O Kristong Haring marangal kaligtasan nami't buhay"

13/08/2021

PANALANGIN SA PANAHON NG LINDOL

Panginoong Diyos na may-likha ng langit at lupa, nasa ilalim ng Inyong kapangyarihan ang kaayusan at kahihinatnan ng sansinukob.
Nilikha Mo ang lahat ng bagay rito sa mundo na pawang mabubuti, kabilang na ang kalupaan.
Ngunit dahil sa aming mga kasalanan, naghihimagsik mandin ang kalikasan laban sa amin.
Tulungan Ninyo kami, sa tuwing kami'y nasisindak sa lakas ng paglindol.
Nawa'y hindi kami mapahamak at hindi masira itong hiram naming buhay.
At sa Inyong pagliligtas sa amin, ay mabigyan kami ng pagkakataon pang mapabuti muli ang aming mga sarili. Amen.

Kristo, kaawaan Mo kami!
Nuestra Señora de la Asuncion, ipanalangin mo kami!
San Emidio, Pintakasi laban sa lindol, ipanalangin mo kami!




Nuestro Padre Jesus Nazareno, Kaawaan at Patawarin mo po kami!

06/08/2021

BIERNES DEL SEÑOR (Friday Novena)

06/08/2021

Salamat sa panibagong buhay, Panginoon. Patuloy mo po kaming gabayan at patnubayan.

05/08/2021

Kahit nandun ka na sa point na pinakamahirap na sitwasyon, wag mong kakalimutan na may Panginoon. Piliin mo pa rin na magtiwala at manalig sa kanya sa lahat ng oras at panahon.

Photos from Samahan Ng Señor Adonis De Nazareno Paombong group's post 30/07/2021

Ang pagdiriwang ng ika-4 na Anibersaryo ng Mahal na Señor Nazareno Adonis 🙏🏼

E P E R T S 📸

Maraming salamat po sa lahat ng taong tagapagtaguyod ng selebrasyong ito. Pagpalain po nawa tayo ng Mahal na Poong Hesus Nazareno!

30/07/2021

4th Anniversary
Friday Novena

29/07/2021

Mapagpalang araw po sa ating lahat! Kayo po ay aming inaanyayahan na makiisa sa pagdiriwang ng Ika-4 na Anibersaryo ng Mahal na Señor Nazareno Adonis. Bilang pasasalamat sa apat na taong pagkakatag ng Mahal na Señor Adonis ay magkakaroon po tayo ng misa sa ganap na ika-8 n.u na gaganapin sa Parokya ni Santiago Apostol sa lugar ng Paombong. Mapapanood po ang banal na misa sa ating Page via livestream. Bagamat batid po nating lahat na tayo'y nasa panahon ng krisis, ngunit ang ating paniniwala at pananampalataya sa Mahal na Señor Nazareno ay di patitinag. Padaluyin nawa sa atin ng Poong Jesus Nazareno ang kaniyang banal na Espiritu!
VIVA NAZARENO! VIVA!

Maikling Impormasyon sa Mahal na Señor Adonis
-Dahil sa pagnanais at pangarap ni Tatay Art na magkaroon ng sariling imahen ng Nazareno. Sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga, nakapagpagawa siya at ang kanyang Pamilya ng isang imahen ng Nazareno na ipinangalan bilang Señor Nazareno Adonis, ang orihinal na imahen ng Nazareno sa bayan ng Paombong. Ito ay itinatag noong Hulyo 30, 2017 at binasbasan sa Parokya ni Santiago Apostol sa lugar ng Paombong. Sa pagpanaw ng aming Mahal na Tatay Art, ang founder ng aming samahan at nagmamay-ari sa imahen ng Mahal na Señor Adonis, ngayon ay patuloy na pinangangalagaan ng Pamilya Pasco ang imahen katulong nito sa pangangasiwa si Nanay Fhe Manlapig. Ang imahen ng Señor ay namamalagi lamang sa tahanan ng Pamilya Pasco.

Nuestro Padre Jesus Nazareno, Kaawaan mo po kami!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis (Novena at Gawain)
Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno- Adonis (Motorcade)
Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis
Novena🙏
NOVENA SA MAHAL NA SEÑOR NAZARENO - ADONIS
NOVENA SA MAHAL NA SEÑOR NAZARENO - ADONIS#novena
NOVENA SA MAHAL NA SEÑOR NAZARENO - ADONIS
KAPISTAHAN NG POONG HESUS NAZARENOTEMA:BAKIT KAYO MATATAKOT?WALA PABA KAYONG PANANALIG (Mark 4:40)
Biyernes Del SeñorMateo 11:28[28]“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasa...
BIERNES DEL SEÑOR (Friday Novena)
4th AnniversaryFriday Novena

Telephone

Website

Address


Sitio Calizon, Santo Rosario Paombong Bulacan
Malolos
Other Religious Organizations in Malolos (show all)
The Sanctuary Assembly of God The Sanctuary Assembly of God
Capule Street , Maunlad Phase 2, San Agustin, City Of Malolos, Bulacan
Malolos, 3000

TSAG's Mission - "Passionately follow Christ and make followers of Christ."

YGC JTLCI YGC JTLCI
Brgy. Santor
Malolos, 3000

Emmaus Bible Camp Emmaus Bible Camp
Malolos

A place for seminars, camps and retreat.

Unleash Unleash
Tabang
Malolos, 3000

Giving importance on the next generation

Kid's Generation for Christ - JTLCI Kid's Generation for Christ - JTLCI
Malolos

This page is about touching lives and reaching out to families especially the children with the good news of the Lord JESUS CHRIST. Teach them the ways of the LORD that will give ...

La Niña Maria de Barihan La Niña Maria de Barihan
Malolos

Si Maria: kasama ng Simbahang nagmimisyon; tugon sa hamon ng makabagong panahon

Diocesan Committee on Liturgical Music, Diocese of Malolos Diocesan Committee on Liturgical Music, Diocese of Malolos
Malolos Pastoral Center
Malolos, 3000

DCLM aims to achieve a liturgical celebration that prefigures a heavenly liturgy through the promotion of liturgical music.

Rivers Of Life Christian Church Malolos District Rivers Of Life Christian Church Malolos District
0631 Gym Baog Street Matimbo
Malolos, 3000

Vision:We are chosen servant of God raising up faithful leaders for the community transformation

Mahal na Birhen ng Lourdes - Sub-Parish Pastoral Council Mahal na Birhen ng Lourdes - Sub-Parish Pastoral Council
Abulalas, Hagonoy, Bulacan
Malolos, 3002

Official page of Mahal na Birhen ng Lourdes (Abulalas, Hagonoy, Bulacan)

Batingaw-Diocese of Bataan and Bulacan Batingaw-Diocese of Bataan and Bulacan
Malolos, 3000

Batingaw is the Official Page of the Iglesia Filipina Indepensiente - Diocese of Bataan and Bulacan.

Cofradia de Nuestra Señora del Carmen - Barasoain Church Cofradia de Nuestra Señora del Carmen - Barasoain Church
Malolos

This is the OFFICIAL page of the Cofraternity of Our Lady of Mount Carmel, Here in Barasoain Church. This Page aims to promote the Devotion to The Patroness of The Historical Churc...