Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria

Saint Elizabeth of Hungary
November 17

Patron Saint: Bakers, Countesses, Death of children, Falsely

22/11/2023

PAGGUNITA KAY SANTA CECILIA, Dalaga at Martir
Nobyembre 22

Si Santa Cecilia ay mula sa maharlikang pamilya ngunit napabinyag sa relihiyon ng mga mahihirap noong mga panahong iyon - ang Kristiyanismo.
Inibig siya ng isang Romano, si Valeriano. Sinabi ni Cecilia na may mga anghel na nagtatanod sa kanya, ngunit di naniwala si Valeriano. Hanggang isang araw na siya ay silipin nito at napatunayan ni Valeriano na totoo ang sinasabi ni Cecilia. Dahil na rin sa pagkakataong iyon nagpabautismo si Valeriano sa Kristiyanismo at napakasal kay Cecilia.
Nang malaman ng Emperador na Kristiyano ang mag-asawa, kinumbinsi silang talikuran ito at kung hindi buhay nila ang magiging kapalit. Dahil sa pananatili ni Cecilia siya ay hinatulang mamatay.
Nang maging martir si Cecilia dahil sa pananampalataya, hindi malilimot ng Simbahan ang kanyang mga daliri na tila ba nagpapahayag pa rin ng pananampalataya hanggang sa wakas ng kanyang buhay. Ang isa ay naka senyas na tatlo at ang kabila naman ay nakasenyas na isa, na animo'y nagsasabi, na siya ay naniniwala sa tatlong Persona at isang Diyos. Si Santa Cecilia ay patrona ng Kristiyanong Musika, ng mga mang-aawit at may hilig sa pagtugtog.

Santa Cecilia, Ipanalangin mo kami.

21/11/2023

It is with deep sorrow and much love that we mourn the passing of Sis. Leocadia Custodio, Former Treasurer of the St. Elizabeth of Hungary Parish Pastoral Council, on November 21, 2023 at the age of 93 years.

The St. Elizabeth of Hungary Parish Pastoral Council extends our sincerest condolences to the bereaved loved ones of our sister in Christ, Lola Cadie.

Please join us in thanking the Lord for her well spent life in a Funeral Mass on Friday morning November 24, 2023, 9:00 am.

Lola Cadie, thank you for your service.

21/11/2023

TINGNAN: Sa Paggunita sa Paghahandog kay Maria sa Templo ngayong ika-21 ng Nobyembre, ay pormal nang nakadambana sa Kanang Retablo ng ating Simbahan ang imahen ng La Niña Maria de Santa Isabel; sa patuloy na pagpapayabong ng debosyon sa Batang Maria.

21/11/2023

PAGGUNITA SA PAGHAHANDOG SA MAHAL NA BIRHEN SA TEMPLO
Nobyembre 21

Nang tatlong taong gulang na si Maria, ang kanyang mga banal na magulang na sina Santa Ana at San Joaquin ay tinupad ang kanilang pangako. Tinipon nila ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan, binihisan nila ang batang Maria ng puting damit at inihatid sa templo upang ihandog. Sa katunayan, may dalawang mukha ang pagdadala kay Maria sa Templo. Sa isang banda, ipinagdiriwang nito ang paghahandog kay Maria sa Diyos. At sa kabilang banda naman, ginugunita nito ang Judeong ritwal ng paglilinis kay Santa Ana. Alinman sa dalawang mukhang ito ang ating tingnan, pareho itong pagtupad sa batas ng Judaismo. Sa Banal na Kasulatan, ang mga saserdote ay ang mga pari sa Templo. At dahil ang pangunahing gawain sa Templo ay pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng paghahain sa Kanya ng susunuging-handog, ang mga saserdote ay tagapaghandog ng mga kaloob ng tao sa Diyos. Sila rin ang tagapaggawad ng bendisyon ng Diyos sa Kanyang bayan. Sa aklat ng Levitiko (12:2-8) mababasa ang mga alintuntuning dapat sundin ng mga babaeng nagsilang ng sanggol. Partikular na binabanggit ng mga alituntuning ito ang bilang ng mga araw, paraan, lugar, at maging ang dapat ialay para sa ritwal na paglilinis sa babaeng nagbuntis at nagluwal.
Gayun na lamang ang paggalang at pag sunod nina Santa Ana at San Joquin sa batas nila. Kaya nga’t sinunod din ng Banal na Mag-anak, (Jesus, Maria, Jose) ang hinihingi ng batas, nang si Jesus naman ang ihandog nila sa Templo. Sa gitna ng kanilang napakataas na estado sa mga mata ng Diyos, larawan sila ng kapakumbabaan. Nagpalinis at naghandog pa rin sila.

20/11/2023

KONSYERTO NG MUSIKA, ALAY KAY SANTA CECILIA

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Santa Cecilia - ang Patrona ng Musika; ay malugod na inaanyayahan ang lahat na saksihan ang inihandang Konsyerto sa pangunguna ng Samahang Musikero ni Santa Cecilia, na mula sa iba't-ibang banda sa bayan ng Malolos, na katatampukan ng iba't-ibang mga tugtugin at awitin. Ito ay gaganapin sa loob ng ating Simbahan ngayong Martes, ika-21 ng Nobyembre, sa ganap na ika-6 ng Gabi.

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 20/11/2023
19/11/2023

Nobyembre 19: Ikatatlumpu't Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

“Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga... makihati ka sa aking kagalakan!” (Mateo 25:21)

Banal na Misa | 5:00 N.H.
Tagapagdiwang: Rdo. Padre Vicente B. Lina, Jr. (Kura Paroko)

18/11/2023

Nobyembre 19: Ikatatlumpu't Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

“Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga... makihati ka sa aking kagalakan!” (Mateo 25:21)

Banal na Misa | 7:30 N.U.
Tagapagdiwang: Rdo. Padre Vicente B. Lina, Jr. (Kura Paroko)

17/11/2023

Pasasalamat mula Sa Sangguniang Pastoral ng Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria

-sa ating minamahal na Obispo Dennis C. Villarojo, DD., mga pari na nagmisa sa ating Pagsisiyam at sa Kapistahan ni Sta. Isabel

-mga madre ng Religious Catechists of Mary at ng Holy Spirit

- mga naging tagapagtangkilik sa Banal na Misa at pagbabasbas ng bagong retablo at nagsipag-alay ng mga kandila, mgabulaklak, at korona kay Sta. Isabel, sponsors

-mga komisyon at mga samahang pansimbahan

- SPPC at Sangguniang Barangay na sakop ng ating Parokya

-Hermandad 2023 SPPC ng Brgy. Balite sa pangunguna ni Gng. Leonila Navarro at ng SPPC ng Brgy. Bungahan sa pangunguna ni Gng. Matilde Natividad

- sa lahat ng nakiisa at nagmamahal sa ating Patronang sI sta. Isabel, maraming maraming salamat po! Pagpalain tayo ng Poong Maykapal

17/11/2023

Ika-50 Taong Anibersaryo ng Pagtatalaga sa Parokya ng Santa Isabel ng Unggaria

MALIGAYANG PAGBATI!

Ika-50 taong Anibersaryo ng Pagtatalaga ng Parokya ng Sta. Isabel ng Ungaria
Bagong Bayan, Lungsod ng Malolos, Bulacan


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 17/11/2023

TINGNAN: Makikita sa mga larawan ang magandang gayak ng Altar at Retablo ng ating Simbahan sa pagdiriwang ng kapistahan ng ating Parokya sa karangalan ng Mahal na Patrona - Santa Isabel ng Unggaria; ngayong ika-17 ng Nobyembre.

Viva, Santa Isabel!

17/11/2023

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SANTA ISABEL NG UNGGARIA

Nawa ay matularan natin sa ating buhay ang mga ipinakitang halimbawa ni Santa Isabel. Magpasalamat tayo sa Diyos sa pagkakaloob niya sa atin ng isang Huwaran ng Kabanalan.

Santa Isabel ng Unggaria, Ipanalangin mo kami!

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 16/11/2023

DAPIT KAY SANTA ISABEL

Ang Prusisyon ng Dapit sa imahen Callejera ng Mahal na Patrona - Santa Isabel ng Unggaria, ngayong ika-16 ng Nobyembre - Bisperas ng Kapistahan; kaagapay ang mga Patron ng mga Nayon na sakop ng Parokya; na nagmula sa Bisita ng Santo Niño - Nayon ng Bungahan.

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 16/11/2023

Ika-siyam na Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 16

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Tikay
Lectors and Commentators
Knights of Columbus

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Vicente B. Lina, Jr. (Kura Paroko)

16/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 16 | Ika-siyam na Araw
Pagninilay: Tulad ni Santa Isabel - dapat nating tuparin ang layunin ng Diyos para sa atin

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 16/11/2023

Ikawalong Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 15

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Santor
Altar Servers
Marriage Encounter

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Howard John Tarrayo (Panauhing Pari)

16/11/2023

Sama-sama tayong magpasalamat sa Diyos sa pagkakaloob niya ng isang Huwaran ng Kabanalan - si Santa Isabel ng Unggaria.
Narito ang mga oras ng Banal na Misa sa pagdiriwang ng kapistahan sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria, ngayong ika-17 ng Nobyembre.

Viva, Santa Isabel!

15/11/2023

DAPIT KAY SANTA ISABEL

Ang Pagdapit sa imahen Callejera ni Santa Isabel ng Unggaria ngayong ika-16 ng Nobyembre, Bisperas ng Kapistahan.
Magsisimula sa ganap na ika-2 ng hapon, sa Bisita ng Santo Niño - Nayon ng Bungahan, kaagapay ang mga imahen ng Patron ng mga Nayon na sakop ng ating Parokya at tutungo sa ating Simbahan.

15/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 15 | Ikawalong Araw
Pagninilay: Santa Isabel - huwaran ng pagtulong sa mga biyuda at ng pagka-kawanggawa

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 14/11/2023

Ikapitong Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 14

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. San Pablo
Catholic Women's League
Komisyon ng Pamamahayag

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Benjamin Valencia (Panauhing Pari)

14/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 14 | Ikapitong Araw
Pagninilay: Santa Isabel - sa pagiging mabuting katiwala, naging handa sa pagharap sa Panginoon

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 13/11/2023

SAYAW SANTA ISABEL

Ipinamalas ng mga Mananayaw mula sa mga Nayon na sakop ng ating Parokya, ang kanilang husay sa pag-indak sa masayang saliw ng Sayaw Santa Isabel, na inialay nang buong sigla sa harapan ng imahen ni Santa Isabel ng Unggaria; na ginanap ngayong ika-8 ng Nobyembre.
Ito ay nakaugaliang gawain sa ating Parokya bilang pagpaparangal sa ating Mahal na Patrona at bahagi ng mga pagdiriwang ng kapistahan.

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 13/11/2023

Ika-anim na Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 13

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Mabolo
Deboto ni San Francisco ng Assisi
Charismatic

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Francisco Carson (Panauhing Pari; Kura Paroko - Parokya ng San Diego de Alcala, Polo, Lungsod ng Valenzuela)

13/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 13 | Ika-anim na Araw
Pagninilay: Puso ni Santa Isabel - ang mapalad na luklukan ng Kaharian ng Diyos

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 12/11/2023

Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 12

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Cofradia
Tanging Tagapagdulot ng Banal na Pakikinabang
Holy Spirit Academy

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Ruel Arcega (Panauhing Pari)

12/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 12 | Ikalimang Araw
Pagninilay: Santa Isabel - ipinakita ang pagpupuri sa Diyos sa pagtulong sa mga maysakit at nangangailangan

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 12/11/2023

Ika-apat na Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 11

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Bagong Bayan
Legion of Mary
Religious Catechists of Mary

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Enrico Crisostomo (Panauhing Pari)

11/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 11 | Ika-apat na Araw
Pagninilay: Santa Isabel - Masunuring Alipin ng Panginoon

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 11/11/2023

Ikatlong Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 10

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Look 2nd
Mga Paaralan at Kooperatiba sa Parokya
Apostolado ng Panalangin
Soldiers of Christ
Cofradía de la Niña Maria de Santa Isabel

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Chris John Awa, MSC (Panauhing Pari)

10/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 10 | Ikatlong Araw
Pagninilay: Ang Pananampalataya ni Santa Isabel - dapat isabuhay ng mga tagasunod ni Kristo

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 09/11/2023

Ikalawang Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 09

Mga Tagapagtangkilik:
SPPC ng Brgy. Dakila at Madera Subdivision
Discipulos del Niño Jesus

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Padre Vicente B. Lina, Jr. (Kura Paroko)

09/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 09 | Ikalawang Araw
Pagninilay: Dapat nating lakaran ang daan ni Santa Isabel tungo sa pagbabagong-buhay

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 08/11/2023

TRASLACION AT INDAKAN SA KALYE

Ginanap ngayong hapon ng ika-08 ng Nobyembre ang Traslacion o ang Paglilipat sa imahen ni Santa Isabel ng Unggaria, mula sa Bisita ng Santa Cruz - Nayon ng Balite, patungo sa ating Simbahan.
Kasabay na isinagawa ang nakaugaliang Indakan sa Kalye na nilahukan ng mga Mananayaw mula sa mga Nayon na sakop ng ating Parokya; sa masayang saliw ng Sayaw Santa Isabel.
Ang gawaing ito ay isa sa mga pagpaparangal sa ating Mahal na Patrona.
Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa sa gawaing ito.

Viva, Santa Isabel!

Photos from Parokya ng Sta. Isabel ng Unggaria's post 08/11/2023

Unang Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria
Nobyembre 08

Mga Tagapagtangkilik:
Sangguniang Barangay at Kabataan sa Parokya
Komisyon ng Kabataan
P***A

Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
Rdo. Msgr. Pablo S. Legaspi, Jr. (Panauhing Pari; Kura Paroko - Parokya ng Banal na Espiritu, Alido, Lungsod ng Malolos)

08/11/2023

Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria

Nobyembre 08 | Unang Araw
Pagninilay: Si Santa Isabel - mapagpasalamat sa Diyos anuman ang kalagayan sa buhay

07/11/2023

TRASLACION AT INDAKAN SA KALYE

Bilang pasimula ng mga pagdiriwang kaugnay ng Pistang Parokya, ay isasagawa ang Traslacion o ang Paglilipat sa imahen ni Santa Isabel ng Unggaria mula sa Bisita ng Santa Cruz - Nayon ng Balite, patungong Simbahan.
Kasabay nito ang masayang Indakan sa Kalye na magmumula sa Malolos Marine Fisheries School and Laboratory.
Malugod na inaanyayahan ang lahat na makiisa sa gawaing ito sa pagsisimula ng Pagsisiyam sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria; ngayong ika-08 ng Nobyembre, sa ganap na ika-2 ng Hapon.

Viva, Santa Isabel!

06/11/2023

Talatakdaan ng mga gawain sa pagdiriwang ng kapistahan sa karangalan ni Santa Isabel ng Unggaria - Patrona ng Mapagkawanggawa at ng buong Parokya ng Sta. Isabel.

Viva, Santa Isabel!

05/11/2023

PISTANG PAROKYA 2023

Ang nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ng Minamahal na Patrona ng ating Parokya - Santa Isabel ng Unggaria.
Makiisa sa mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng Pistang Parokya, 2023.

Nobyembre 08-17

Viva, Santa Isabel!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Ikatatlumpu't Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikatatlumpu't Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikatatlumpu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikadalawampu’t Limang Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikadalawampu’t Apat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikadalawampu’t Apat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ikadalawampu’t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Kapistahan ng Pagsilang ng Pinagpalang Birheng Maria
Ika-siyam na Araw ng Pagsisiyam sa Kapistahan ng Pagsilang ng Pinagpalang Birheng Maria
Ikawalong Araw ng Pagsisiyam sa Kapistahan ng Pagsilang ng Pinagpalang Birheng Maria
Ikapitong Araw ng Pagsisiyam sa Kapistahan ng Pagsilang ng Pinagpalang Birheng Maria
Ika-anim na Araw ng Pagsisiyam sa Kapistahan ng Pagsilang ng Pinagpalang Birheng Maria

Website

Address


Kuatro Kantos Bagong Bayan, (Sta. Isabel)
Malolos
3000

Opening Hours

Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 9am - 7pm

Other Catholic churches in Malolos (show all)
St. Padre Pio Northfields Malolos St. Padre Pio Northfields Malolos
Malolos, 3000

Official Page of the sub-parish St. Padre Pio, Northfields Executive Village Malolos, Bulacan.

Mahal na Birhen ng Lourdes - Sub-Parish Pastoral Council Mahal na Birhen ng Lourdes - Sub-Parish Pastoral Council
Abulalas, Hagonoy, Bulacan
Malolos, 3002

Official page of Mahal na Birhen ng Lourdes (Abulalas, Hagonoy, Bulacan)

LUPON NG MGA BANAL LUPON NG MGA BANAL
Malolos, 3000

Holy Spirit Parish - Alido Holy Spirit Parish - Alido
Yellow Bell Street Alido Subd Malolos, Bulacan
Malolos, 3000

Official Page of the Parish of the Holy Spirit-Alido, Malolos Heights Subdivision Malolos, Bulacan Sub-Parishes include Grand Royale, Royal Estate, Humel, Lapids Ville, Provence an...

Ina ng Bulacan - Our Lady of the Lord's Presentation Parish Ina ng Bulacan - Our Lady of the Lord's Presentation Parish
Malago
Malolos, 3000

The official page of the Parish of Our Lady of the Lord's Presentation located at Maunlad Ho

San Roque de Mambog Official San Roque de Mambog Official
Gitna Street Mambog
Malolos, 3000

San Roque de Mambog (Official)

SPCY Sabitan SPCY Sabitan
Malolos, 3000

PCY - Holy Spirit Parish - Alido PCY - Holy Spirit Parish - Alido
Malolos, 3000

Parish Commission on Youth Parish of the Holy Spirit Diocese of Malolos

Parokya ni San Jose, Manggagawa Parokya ni San Jose, Manggagawa
Azucena Street , Panasahan
Malolos, 3000

The Official page of St. Joseph the Worker Parish Panasahan, City of Malolos, Bulacan.

Parish Music Ministry Parish Music Ministry
Malolos, 3000

Minsan lang kaming magkita pero ang samahan namin ay parang magkakapatid na turingan.

St. Joseph the Worker Parish - Ministry of Altar Servers. St. Joseph the Worker Parish - Ministry of Altar Servers.
Panasahan
Malolos, 3000

The Official page of St. Joseph the Worker Parish Ministry of Altar Servers