OOTD - Out of the Depths with Bishop Dennis Villarojo
Nearby places of worship
3000
Blk 25 Kgcmc
3000
Jil Church City of Malolos Chapter Bulacan
malolos
Brgy. Bonifacio, Surigao City
Welcome to the Out of the Depths with Bishop Dennis Villarojo!
HAPPY EASTER, mga ka-OOTD!
Tunay na muling nabuhay ang Panginoon, Aleluya!
Halina't pagnilayan natin ang Panahong ito sa pamamagitan ng talakayang ito kasama nina Fr. Franz at Bishop Dennis dito lamang sa OOTD: Out of the Depths, ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
OOTD : Ang Semana Santa sa puso ng isang Katoliko
Kapag sumasapit na ang Semana Santa o Mahal na Araw, puspusan ang paghahanda ng bawat simbahan at mga mananampalataya upang gunitain ang naging Pagpapakasakit, Kamatayan at ang Muling Pagkabuhay ni Hesus. Sa gabing ito, kasama nina Bishop Dennis at Fr. Franz, ating himayin at pagnilayan ang mga tanda o mga debosyon natin na nakakapagpalalim sa ating pananampalataya bilang mga Katoliko.
Dito lamang yan sa OOTD: Out of the Depths, ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
PABATID
Ipinawawalang bisa na ng Obispo ng Malolos, Dennis Villarojo ang pansamantalang pagpapahintulot sa mga mananampalatayang hindi magampanan ang obligasyong magsimba ng Linggo at Pistang Pangilin.
Kaya naman, maliban sa mga maysakit at anumang may mabigat na kadahilanan, ang bawat katoliko’y muli nang gagampanan ang obligasyon ng pagdalo sa banal na misa sa Simbahan.
MALIGAYANG KAARAWAN SA OBISPO NG MALOLOS!
Mula sa buong OOTD Staff and Crew at ng Ang Batingaw, Happy 56th Birthday po, Bishop Dennis! Mahal po namin kayo 💚
OOTD : Pasko ng Pagkabuhay
Siya ay muling nabuhay, ALELUYA!
Sa panibagong episode ng OOTD, pakinggan natin ang mga pagninilay ni Bishop Dennis sa pagdiriwang natin ngayong araw ng Pasko ng Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
OOTD :
Ngayong gabi, malapit sa puso ng ating Bishop Dennis ang Kapistahan ng Santo Niño na ating ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero. Alamin natin ang mga istorya at mga personal na karanasan ng ating minamahal na pastol.
Dito lamang sa programang naglalapit sa puso ng Mahal na Obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
PABATID : OOTD Epsiode sa pagdiriwang ng
Ngayong araw, mapapanood ang NEW EPISODE ang OOTD kasama si Bishop Dennis Villarojo at Fr. Franz Dizon mamayang 8:00PM upang talakayin ang Kapistahan na malapit sa puso ng ating Mahal na Obispo, ang Kapistahan ng Santo Niño.
Magkita-kita tayo mamaya, mga ka !
Viva Pit Señor!
VIVA SEÑOR JESUS NAZARENO!
Ang Enero 09 ay isang mahalagang araw para sa mga Pilipinong Katoliko sapagkat sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Ano ba ang pinagmulan ng pistang ito at bakit napamahal na ito sa ating mga Pilipino?
Dito lamang sa programang naglalapit sa puso ng Mahal na Obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
OOTD | Panahon ng Pasko ng Pagsilang
Sa pagbubukas ng Bagong Taon, talakayin natin ang mga mahahalagang pista na nakapaloob sa Panahon ng Pagsilang ng Panginoon. Halina't alamin ang mga kahalagahan ng mga ito.
Dito lamang sa programang naglalapit sa puso ng Mahal na Obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
OOTD Replay | December 11, 2022
Maaari ka raw humiling kapag nakumpleto mo ang Simbang Gabi o Siyam na Araw na paghahanda sa Pasko. Nakakumpleto ka na ba? Ano ang mga hiniling mo sa Panginoon na nagkatotoo?
Ngayong gabi, samahan natin ang ating mahal na Obispo Dennis Villarojo at si Rdo. P. Franz Dizon upang talakayin ang mga biyayang ating maaaring matanggap sa pagdalo ng Simbang Gabi.
Dito lang 'yan sa programang naglalapit sa atin sa ating obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
AVE MARIA!
Sa gabing ito, pagninilayan natin ang paparating na Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria o mas kilala bilang Inmaculada Concepcion na siyang Patrona ng ating Bansang Pilipinas at ng ating sinisintang Diyosesis ng Malolos.
Dito lamang sa programang naglalapit sa puso ng Mahal na Obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
OOTD : Panahon ng Pagdating ng Panginoon
Ngayong araw, binubuksan natin ang Panibagong Taong Liturhiko ng Simbahan sa Unang Linggo ng Adbiyento. Tatalakayin nina Bishop Dennis at Fr. Franz ang kahalagahan ng Paghihintay lalo na sa pagdating ng ating Panginoon.
Dito lamang sa programang naglalapit sa puso ng Mahal na Obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
OOTD : Christ the King
Sa pagdiriwang natin noong Linggo ng Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Jesukristo sa Sanlibutan, sama-sama nating pagnilayan ang kahalagahan ng Kapistahang ito sa ating Simbahan.
Dito lamang sa programang naglalapit sa inyo sa puso ng ating Obispo, ang OOTD: Out of the Depth; Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
PABATID: OOTD New Episode
Mamayang 8:00PM ay mapapanood ang NEW EPISODE ng OOTD: Out of the Depths kasama si Bishop Dennis Villarojo ng Diyosesis ng Malolos at si Fr. Franz Dizon.
Magkita-kita tayo mamaya at sama-samang makinig sa talakayan.
OOTD : Taon ng Sinodo
Nitong nakalipas na mga panahon, ginanap ang mga pagpupulong at mga konsultasyon tungkol sa Synod on Synodality ng ating Simbahan. Ngayong gabi, pag-uusapan natin ang mga naging bunga ng mga pag-uusap na ito at kung ano ang aasahan nating mga mangyayari sa mga susunod na panahon.
Dito lamang sa programang naglalapit sa inyo sa puso ng ating Obispo, ang OOTD: Out of the Depth; Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan.
PABATID: OOTD New Episode
Mamayang 8:00PM ay mapapanood ang NEW EPISODE ng OOTD: Out of the Depths kasama si Bishop Dennis Villarojo ng Diyosesis ng Malolos at si Fr. Franz Dizon.
Magkita-kita tayo mamaya at sama-samang makinig sa talakayan.
Sa Episode na ito ng OOTD, samahan natin sina Bishop Dennis at Fr. Franz Dizon sa pagdalaw sa isang institusyonng kumakalinga sa mga naligaw ng landas.
Tunghayan natin ang kwento sa likod ng Galilee Homes na matatagpuan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan
Dito lamang yan sa OOTD: Out of the Depths, Ating Pakinggan ang Tinig sa Pastulan!
OOTD Baliktanaw: Bethlehem House of Bread
Sa paglilingkod natin sa Diyos, may kaakibat na malaking responsibilidad na kailangang pasanin. Hanggang saan ang kayo mong ibigay para sa Diyos at sa iyong kapwa?
Tunghayan ang episode na ito ng OOTD. Ating pakinggan ang tinig ng mga taong bumubuo ng Bethlehem House of Bread sa Baliwag, Bulacan.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/wU6ydebJAso
OOTD Replay : Mater Dolorosa
Sa gabing ito, balikan natin ang pagninilay ni Bishop Dennis sa Mater Dolorosa o Inang Nangungulila.
Hindi matutumbasan ng kahit sinuman ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak.
Ngunit, gaano nga ba kasakit para sa isang ina na makitang nagdurusa at naghihirap ang kanyang anak?
At ano nga ba ang kayang isakrisipisyo ng isang magulang para sa kabutin ng kanyang anak?
Dito lang 'yan sa programang naglalapit sa atin sa ating obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
OOTD Replay | September 11, 2022
Ngayong gabi, sa nalalapit na Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus, balikan natin ang episode na ito kung saan tinalakay natin kung paano magiging magaan ang pagpasan natin sa krus ng ating buhay.
Dito lang 'yan sa programang naglalapit sa atin sa ating obispo, ang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
Bokasyon, bokasyon, saan ako paroroon?
Naguguluhan ka ba o hindi naman kaya matagal mo nang pinag-iisipin kung anong Bokasyon ang iyong tatahakin?
Sa episode na ito kasama si Bishop Dennis, bibigyang kasagutan nya ang mga tanong tungkol sa ating pagpili ng Bokasyon. Makatulong nawa ito papalapit sa ating Panginoon at patuloy na makapaglingkod sa Kanya.
Dito lang 'yan sa OOTD: Out of the Depths, ating pakinggan ang tinig sa pastulan.
OOTD : 21st Sunday in Ordinary Time
Sinasabi sa pagbasa ngayong araw, "Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”
Ano nga ba ang ibig sabihin ng ebanghelyo na ito ayon kay Lucas? 'Yan ang pag-uusapan ngayong gabi dito sa OOTD: Out of the Depths with Bishop Dennis Villarojo.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/j209KkWI_Uo
Magpuri at Magpasalamat tayo sa araw na ito na ating ipinagdiriwang ang Ikatlong taong Anibersaryo ng pagkakatalaga sa Ikalimang Obispo ng Malolos, Bishop Dennis Vilarojo.
Patuloy po namin kayong ipagdarasal!
IUBILATE DEO, LAUDATE DOMINUM!
Magpuri at Magpasalamat tayo sa araw na ito na ating ipinagdiriwang ang Ikatlong taong Anibersaryo ng pagkakatalaga sa Ikalimang Obispo ng Malolos, Bishop Dennis Vilarojo.
Patuloy po namin kayong ipagdarasal!
Masusubaybayan natin si Bishop Dennis sa OOTD : Out of the Depths tuwing Linggo, 8PM dito sa Ang Batingaw at sa OOTD Page.
OOTD : Solemnity of the Assumption of Mary
Bukas, ipagdiriwang ng Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Naniniwala tayo na ang Mahal na Ina ay iniakyat, kaluluwa at katawan.
'Yan ang ating matutunghayan ngayong gabi dito lamang sa OOTD : Out of the Depths kasama si Bishop Dennis Villarojo at Fr. Franz Dizon
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/2bqxO-Nvbo0
Happy 7th Episcopal Ordination Anniversary, Bishop Dennis!
TU ES SACERDOS IN ÆTERNUM!
Mula sa Sambayanan ng Diyos dito sa Parokya ng San Agustin, Baliwag, kaisa ng buong Team of Pastors: Fr. Narcing, Fr. Ver at Fr. Jess, at ng Ang Batingaw Online, taos-pusong pagbati sa ating minamahal na Obispo, Most. Rev. Dennis C. Villarojo, D.D. sa kayang pagdiriwang ng Ikapitong Taon sa pagka-Obispo.
Taos puso po ang pasasalamat din po sa mga aral na ibinabahagi ninyo Linggo-linggo bilang host ng “OOTD: Out of the Depths” na patuloy na napapanood dito sa Ang Batingaw tuwing Linggo, 8:00 PM.
Tunay po kayong biyaya ng Diyos sa amin at sa buong Diyosesis!
Ad Multos Annos po, Bp. Dennis
OOTD : Saint John Mary Vianney Sunday
Sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Pari, patuloy nating silang ipagdasal na maging Mabuting Pastol at ipalaganap ang Salita ng Diyos sa mga tao.
Sa episode na ito, kakamustahin natin ang estado ng mga pari na naglilingkod sa ating Diyosesis at kung paano tinutugunan ng ating obispo ang kanilang mga pangangailangan.
'Yan ang tatalakayin ni Bishop Dennis Villarojo at Rev. Fr. Franz Dizon dito lang sa programang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa Pastulan.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/pmIQnzbFKpM
Ipagdiriwang natin sa darating na Hunyo 29 ang Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo, mga apostol. Sa episode na ito ng OOTD, tatalakayin at hihimayin natin ang Hierarkiya ng ating Simbahan.
'Yan ang tatalakayin ni Bishop Dennis Villarojo at Rev. Fr. Franz Dizon dito lang sa programang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa Pastulan.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/1gS7-l5dTto
OOTD : Corpus Christi Sunday
Sa bagong Episode ng OOTD, tatalakayin naman natin ang Katawan at Dugo ng Panginoon kaalinsabay ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon o Corpus Christi Sunday.
'Yan ang tatalakayin ni Bishop Dennis Villarojo at Rev. Fr. Franz Dizon dito lang sa programang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa Pastulan.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/HpSd_IpD5bs
OOTD : Most Holy Trinity
Sa pagpapatuloy ng ating OOTD Series, tatalakayin ang ipinagdiriwang ngayong araw ang Santisima Trinidad.
'Yan ang tatalakayin ni Bishop Dennis Villarojo at Rev. Fr. Franz Dizon dito lang sa programang OOTD: Out of the Depths, Ating pakinggan ang tinig sa Pastulan.
YOUTUBE LINK:
https://youtu.be/cJSG8wgudOQ
Tunay po kayong biyaya ng Diyos sa Sambayanan!
Ad multos Annos, Bp. Dennis
Pagbati at Pagmamahal mula sa buong OOTD Team!
Kaisa ng buong Team of Pastors ng Paorkya ng San Agustin sa pangunguna ni Fr. Narcing Sampana, Fr. Ver Cruz at Fr. Jess de Silva, ng buong PPC at mandated organizations, at ng Ang Batingaw - Online, ipinaabot po namin ang aming pagbati sa ating Mahal na Obispo, Bishop Dennis Villarojo, na nagdiriwang ng ika-28 Anibersaryo sa Pagkapari.
Tunay po kayong biyaya ng Diyos sa Sambayanan!
Ad multos Annos, Bp. Dennis
Pagbati at Pagmamahal mula sa buong Parokya ng San Agustin, Baliwag!
Click here to claim your Sponsored Listing.
CANONICAL INSTALLATION OF THE FIFTH BISHOP OF MALOLOS
Welcome to the Event's Page of the Canonical Installation of the 5th Bishop of the Diocese of Malolos, Most Rev. Dennis C. Villarojo, D.D.! This page will provide materials for Catechism and other relevant information pertaining to this most awaited moment in the history of the Diocese of Malolos. Like and Share this page, be updated and be informed!
Videos (show all)
Category
Website
Address
Immaculate Conception Parish/Cathedral And Basilica Minore
Malolos
3000
Capule Street , Maunlad Phase 2, San Agustin, City Of Malolos, Bulacan
Malolos, 3000
TSAG's Mission - "Passionately follow Christ and make followers of Christ."
Malolos
This page is about touching lives and reaching out to families especially the children with the good news of the Lord JESUS CHRIST. Teach them the ways of the LORD that will give ...
Malolos
Si Maria: kasama ng Simbahang nagmimisyon; tugon sa hamon ng makabagong panahon
Malolos Pastoral Center
Malolos, 3000
DCLM aims to achieve a liturgical celebration that prefigures a heavenly liturgy through the promotion of liturgical music.
0631 Gym Baog Street Matimbo
Malolos, 3000
Vision:We are chosen servant of God raising up faithful leaders for the community transformation
Abulalas, Hagonoy, Bulacan
Malolos, 3002
Official page of Mahal na Birhen ng Lourdes (Abulalas, Hagonoy, Bulacan)
Malolos, 3000
Batingaw is the Official Page of the Iglesia Filipina Indepensiente - Diocese of Bataan and Bulacan.
Malolos
This is the OFFICIAL page of the Cofraternity of Our Lady of Mount Carmel, Here in Barasoain Church. This Page aims to promote the Devotion to The Patroness of The Historical Churc...