Radyo Bandera Central Luzon 90.3 FM
Radio Station
Serbisyo Trabahao Sa Radyo w/ Louie Angeles
Giant Christmas Tree na simbolo ng tahanan tuwina ng San Joseño, inilawan sa SJDM
Muling nasilayan ng pamilyang San Joseño ang malaki, makulay at kumukutikutitap na animoy bahay na Christmas Tree bilang hudyat nang patuloy na simoy ng kapaskuhan sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan, gabi ng Huwebes, Nobyembre 30
Pinangunahan mismo nina Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida “AteCong” Robes katuwang ang Sangguniang Panglungsod, mga bagong nanalong kapitan, kagawad at mga SK officials ng lungsod ang Christmas Tree Lightning.
Ayon kay Mayor Robes, bagamat dumaan ang pandemya ay pinagsumikapan pa rin nilang iparamdam ang himig at ang diwa ng kapaskuhan sa San Joseño sa pamamagitan ng taunang pagpapailaw.
Sinabi naman ni Ate Cong na ang Christmas tree lightning na may silid sa gawing ibaba ay sumisimbolo ng tahanan para sa lahat ng San Joseño.
Nagpahiwatig umano ang disenyo ng Christmas light na may uuwiang tahanan at “feel at home” ang mga uuwing San Joseño.
Aniya, patuloy rin ang “Paskuhan sa Barangay “ na taunan nilang ginagawa kasama ang Sangguniang Panglungsod at mga opisyales ng naturang mga barangay na kanilang pupuntahan.
Lahat ng San Joseno mula sa 62 barangay ang makakatanggap ng pamaskong handog sa kanilang bahay na mismong ihahatid ng mag-asawang Robes simula umaga ng Biyernes.
Pinasalamatan ng mag-asawa ang mga dumalong San Joseño na hinandugan ng ilang kanta ng sikat na singer na si Rex Baculfo kasabay ang pagpapasinaya ng “Bancheto” na may samut-saring pagkain.
Serbisyo Trabaho Sa Radyo w/ Louie Angeles
Talakayang Pang-Kabuhayan At Pang-Konsyumer
Pinangunahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situations (DSWD AICS) at Department of Labor and Employment Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (DOLE TUPAD) payouts sa mahigit 2,000 residente ng Bocaue, Bulacan noong Biyernes, Nobyembre 24, 2023 upang gunitain ang anibersaryo ng kaarawan ng dating Alkalde ng bayan na si Joni Villanueva.
Sa kanyang talumpati, nagbigay pugay si Villanueva sa kanyang kapatid na nagsilbing punong bayan mula 2016 hanggang sa kanyang pagpanaw noong 2020. Samantala, nanawagan si Villanueva sa DOLE at DSWD na magsagawa ng ebalwasyon sa mga umiiral na programa ng ahensya kabilang ang pagtukoy ng nararapat na alokasyon ng mga mapagkukunan upang matiyak ang pantay na pamamahagi ng tulong.
Nauna rito, pinangunahan ng majority leader ang turnover ng bagong fire truck para sa munisipyo ng Bocaue at ang inagurasyon ng bagong barangay hall at day care center sa Brgy. Igulot.
|Via Jose Erwin Bunag
Flora Care Skin Saver
Libreng HPV vaccine sa grade 4 girls student kontra cervical cancer umarangkada sa Angeles
Matagumpay na idinaos ang unang bahagi ng libreng Human Papilllomaviruses Vaccine (HPV) o bakuna laban sa cervical cancer sa 700 babaeng estudyante sa anim na paaralan sa Lungsod ng Angeles nitong Martes ng umaga, Nobyembre 21.
Kasama ang City Health Office at Gender and Development Office ay personal na binisita mismo ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang pagbabakuna sa mga estudyanteng nasa edad 9 hanggang 14 anyos o grade 4 students mula sa anim na paaralan.
Tinungo ng punong lungsod ang mga paaralang Jose P. Dizon Elementary School, Sto. Rosario Elementary School, Cutcut Elementary School, Malabanias Intgrated School, Gueco Balibago Elementary School at Northville 15 Integrated School.
Ayon sa punong lungsod, programa ng Department of Health ang naturang libreng HPV vaccine na kanilang ipinatutupad para maprotekhan at maka-iwas ang kababaihan sa mga sakit gaya ng cervical cancer.
Aniya, target nilang mabakunahan ang nasa 3,000 mga estudyante sa lahat ng mga paaralan sa kanilang lungsod.
Maari din sumadya sa kanilang Rural Health Unit ang mga batang kababaihan o ang mga “walk in” mula sa mga private schools, dagdag pa ng punong lungsod.
Hinikayat niya ang mga estudyante sa nasabing edad na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa mga sakit na tumatama sa kanilang pagkababae.
Pinasalamatan naman ng mga magulang, mga g**o, opisyal na paaralan at barangay ang hakbang ng punong lungsod na masayang sinalubong ng mga estudyante sa mga nasabing paaralan.
Balitang PIA
Panunumpa sa tungkulin ng mga halal na opisyal sa 62 barangay sa Lungsod ng San Jose Del Monte,Bulacan sa pangunguna nina Congw. Rida Robes at Mayor Arthur Robes na ginanap sa Convention Center nitong Nobyembre 20.
Suportado nina Ate Cong Rida at Mayor arthur ang mga manunungkulan sa Sangguniang Barangay.
Binati Ng kongresista Ang lahat Na nahalal sa lahat Ng Barangay Ng kanilang lungsod, at hiling Niya sa mga ito na Sila ay magsama-sama sa Isang layunin upang mapaganda Ang komunidad Ng Lungsod.
Pabor din si Congresswoman Robes na sumailalim sa drug test Ang lahat Ng mga nahalal na Barangay officials sa kanilang lungsod bilang suporta na maging drug free Ang mga Barangay sa kanilang siyudad.
Narito ang kanyang pahayag.
Isinusulong ng pamahalaang Lungsod ng Angeles ang malinis na panunungkulan ng mga halal na opisyal.
Paliwanag ni IC Calaguas ang Chief Adviser ni Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin Jr. para sa mga bagong halal na manunungkulan sa mga barangay ay minumungkahing boluntaryong sumailalim sa drug testing.
Narito ang kaniyang pahayag...
Sino ang tatanghaling “Mutya Ning Angeles” 2023 na mag-uuwi ng total na P1.5M worth of prizes?
Muling nagpatalbugan at nagpakitang gilas sa harap ng mga Angeleño ang 19 kandidata ng Mutya Ning Angeles (MNA) 2023 sa Pre-Pageant Night na ginanap sa Angeles University Foundation-Sports and Cultural Center gabi ng Sabado, Nobyembre 18 sa Angeles City.
Pinangunahan ng aktor at model na si Daniel Matsunaga at ni DJ Tina Moran ang daloy nang pagpapakilala sa mga naggagandang kandidata sa naturang patimpalak.
Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ng mga Angeleño ang panimulang pagpapakilala at pagrampa ng mga kandidata habang nagpakita rin ng talent ang ilan dito kasunod ang swim wear at gown competition sa harap ng mga hurado.
Ayon kay Angeles City chief adviser IC Calaguas na katuwang si Executive Assistant lV Reina Manuel na kapwa kabilang din sa mga organizer ng programa, dobleng papremyo at saya ang aasahan pa ng mga Angeleño sa coronation night sa darating na Nobyembre 30 sa Grand Palazzo Royale.
Aniya, binuhusan ng panahon ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang napakamalikhaing programa na ito.
Dahil dito, positibong nalaman nilang kayang-kayang makipagsabayan ng kanilang mahuhusay na local gown designers sa mga pageant habang lumakas din ang kanilang turismo at naipakita rin dito kung gaano kagaganda at ka-talented ang mga Angeleña dahil sa mga ganitong makabuluhang kaganapan.
Dagdag niya, tatanggap ng total na P1.5M na cash price at worth of prizes o mga products at services ang tatanghaling MNA 2023.
IVia Maverick Marcelo Erwin Bunag & Dick Mirasol
Malaki ang pasasalamat ni Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad dahil sa sobrang busy ni Sen. Imee Marcos ay personal pa rin itong namahagi ng Educational Assistance sa 1,000 mag-aaral sa Bulacan State University.
Barito ang kaniyang pahayag.
|Via Erwin Bunag
Buhay na Buhay parin Ang Judiciary System sa bansa, Maagang pamumulitika isantabi muna -Sen. Imee Marcos
Muli na namang nabuksan ang usapin sa pagpasok Ng International Criminal Court o ICC sa pag iimbistiga sa dating administrasyong Duterte patungkol sa mga namatay sa drug war.
Itoy matapos na makapag-piyansa si dating senator Leila Delima sa mga isinampang Kaso laban sa kanya na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon Kay Senator Imee Marcos na Hindi nagbabago Ang kanyang stand dahil Aniya ay buhay na buhay Ang Judiciary system Ng bansa, at Isa nga daw Dito Ang patunay na Ang mga naisampang Kaso laban Kay Delima.
Nagpahayag din si Marcos sa kalagayan Ng mga Pilipinong naiipit sa digmaan sa pagitan Ng Israel at grupong Hamas.
Kasama rin sa mga sinagot ni Marcos Ang usapin hinggil sa mga dating kaalyado sa kamara Ng nakaraang Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya sa kanyang palagay sa mga sunod-sunod na banat sa pamilyang Duterte ay may kinalaman sa pulitika, ngunit sinabi pa nito na Hindi niya maintindihan kung bakit masyado pang maaga para sa pamumulitika dahil sa 2025 pa Ang eleksiyon at sa 2028 pa Ang presidential election.
Dagdag pa nito na maaring may nakikialam o ambisyon sa pulitika kaya ito nangyayari at dapat daw ay isangtabi Muna Ang pulitika at tumutok na lamang sa mga problema Ng bansa Lalo na sa pagresolba sa problema sa presyo Ng pagkain.
Ito Ang mga tinuran ni Senator Imee Marcos sa pagharap nito sa mga mamamahayag sa kanyang pagbisita sa Bulacan State University main campus sa Siyudad Ng Malolos nitong araw Ng biyernes November 18, 2023 upang magbigay ng educational assistance sa Isang libong estudyante dito.
Kasama Ng Senadorang humarap sa mga estudyante Ng nasabing unibersidad Sina Bulacan Vice-Governor Alexis Castro, City of Malolos Mayor Atty. Christian Natividad at Bulacan State University President Teody San Andres.
Narito ang kanyang mga pahayag.
IVia Maverick Marcelo
Nasa 1,000 mag-aaral ng Bulacan State University sa Lungsod ng Malolos ang nabigyan ng financial assistance sa halagang P5,000 na nagmula sa Department of Social Welfare and Development sa pagsisikap ni Sen. Imee Marcos.
Ayon kay Sen. Imee ito ay second batch na nang pamamahavi bg kanilang education assistance dahil ang first batch na naipamigay na nila sa satelite campus ng unibersidad sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
Aniya sa taas ng bilihin ngayon at sa damin ng mga gastusin sa eskwelahan ng mga magulang ng mga mag-aaral ay kulang-kulang ang tulong pinansyal na ito na sana aniya sa mga susunod na panahon ay madagdagan pa ito.
Pinuri ni Sen. Imee ang BulSu dahil isa ito sa pinaka mahusay na na eskwelahan sa bansa at hindi lamang sa Pilipinas dahil naka- ranking pa ito sa Times Higher Education Impact Rankings na international rankings ito at palaging nagta-topnocher ang mga mag-aaral sa nabanggit na unibersidad.
Nakibahagi rin sina Bise Gobernador Alex Castro, City of Malolos Mayor Christian Natividad habang masayang sinalubong ng pangulo ng BulSU na si Teody San Andres ang senadora.
|Via Erwin Bunag and Dick Mirasol
Agring-Agri At Iba Pa w/ Thony Arcenal
Kalusugan At Kabuhayan Sigurado Ka At Panalo
INAUGURATION OF THE NEWLY CONSTRUCTED MULTI-PURPOSE COVERED COURT AND KOMEDOR with THE CHIEF OF THE REGIONAL STAFF, PRO3, PCOL REYNALDO S OGAY JR as Guest of Honor and Speaker at Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan.
NPA REBEL SURRENDER TO BULACAN COPS
Camp General Alejo S Santos, City of Malolos --- A Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) member voluntarily surrendered to the Bulacan PNP in the City of Malolos, Bulacan on November 9, 2023.
Based on the report to PCOL RELLY B ARNEDO, Provincial Director, Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), the surrenderer was identified as alias Ka Peling, 67 years old, unemployed, a member of Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), and operating in the coastal areas of Bulacan, Pampanga, Bataan, and Zambales. He was convinced to join the aforementioned rebel group for Government reform to attain equal rights to avoid social injustice.
The Force Commander, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) said that on November 9, 2023, at about 12:11 p.m. in Camp Alejo S Santos, Brgy. Guinhawa, Malolos, Bulacan, and joint elements of the 1st PMFC, Bulacan PIU, 2nd PMFC, 301st MC RMFB, 24th SAC, 2SAB PNP SAF, and 70IB PA facilitated the surrender of the subject.
Alias Ka Peling turned over one (1) unlicensed firearm described as one (1) cal. .38 revolver without a serial number, and two (2) pieces cal .38 live ammunition.
The surrendered CTG member is presently under the custody of the 1st PMFC for investigation and custodial debriefing.
Bulacan Police is stern in its intensified campaign against insurgency and terrorism to ensure the provision of social services, employment opportunities, and an improved quality of life in communities that have been experiencing or are vulnerable to armed communist conflict. (PIO, Bulacan PPO)
IP MONTH CELEBRATION. The Angeles City Government, led by Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., on November 15, 2023 distributes ₱2,000 kabuhayan assistance, and seedlings to 543 Aeta families in Barangay Sapangbato.
Members of the Gender and Development Office, headed by Mina Cabiles, joined Mayor Lazatin during the distribution of the assistance.
This is also in line with the city’s celebration of Indigenous Peoples (IP) month.
According to Cabiles, among the beneficiaries are 173 families in Sitio Babo; 129 in Sitio Bliss; and 241 in Sitio Target.
“Sinisig**o po ni Mayor Lazatin na mahatiran ng tulong ang mga kababayan nating IP, at mapangalagaan ang kanilang kapakanan” Cabiles said.
Mayor Lazatin recognizes the significant contribution of IPs in the development of the community, particularly in preserving the watershed.
Bagong Patrol Motorcycle ang personal na ipinagkaloob ni Gob. Dennis Pineda sa Pampanga Police Office na pinamumunuan ni PCol. Levi Hope Basilio.
Tugon ito ng pamilya Pineda na lalo pang palakasin ang kampanya sa peace and order sa buong lalawigan ng Pampanga.
Malaki ang pasasalamat ng pulisya sa gobernador sa pagsisikap nito na makatulong sa kanilang hanay.
📸Pampanga PIO
DRUG DEALERS AND LAWBREAKERS ARRESTED IN BULACAN
Camp Gen Alejo S Santos, City of Malolos, Bulacan — Police operations conducted by the Bulacan PNP led to the apprehension of several individuals involved in unlawful activities on November 14, 2023 and early today.
Based on reports submitted to PCOL RELLY B ARNEDO, the Provincial Director of Bulacan PPO, in an anti-illegal drug operation by the Balagtas PS in Brgy. Wawa, Balagtas, that resulted in the apprehension of two (2) drug suspects. Confiscated were two (2) sachets of suspected shabu, weighing at about five (5) grams and valued at about thirty-four thousand pesos (Php 34,000 – Standard Drug Price, SDP) with marked money.
Similarly, four (4) more drug dealers were arrested during the series of drug sting operations by the Station Drug Enforcement Unit (SDEU) of CSJDM, Pulilan, San Miguel and Meycauayan PS. A total of twenty-eight (28) sachets of suspected shabu with estimated value of about thirty-five thousand and eight hundred pesos (Php 35,800 – SDP) and marked money were confiscated.
The arrested suspects and confiscated pieces of evidence were brought to the Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) for appropriate examination, while criminal complaints for violations of R.A. 9165 against the suspects are now being prepared for filing in court.
Meanwhile, in the city of Baliwag, a warrant of arrest was served, leading to the apprehension of a 43-year-old man, listed as Top 4 Municipal Level MWP of San Miguel, Bulacan. He was apprehended by the tracker team from the 2nd Platoon, 2nd PMFC, and Baliwag City PS by virtue of a warrant pertaining to violation of Sec. 5 Art II of RA 9165 with no bail recommended.
Furthermore, diligent operations to track down wanted felons by the 2nd PMFC, Sta. Maria, Pandi, Angat, Hagonoy, Balagtas, Plaridel and CSJDM PS, successfully arrested thirteen (13) individuals who are wanted for various crimes and violations. These apprehensions were implemented by virtue of warrants issued by the trial courts. All the arrested accused are presently under the custody of the arresting unit or station for proper disposition.
The Bulacan PNP firmly and unwaveringly supports RD, PRO3 PBGEN JOSE S HIDALGO JR's initiatives and policies, as exemplified by their determined efforts to combat crime, persistent pursuit of unlawful individuals, and steadfast commitment to the anti-drug campaign. (PIO, Bulacan PPO)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
3000
Malolos
KNJS is the official page of Kapatid Na Juan Sandro. The page will features Christian videos.
Malolos, 3000
This Page is All about my personal views and beliefs. i have no intention to harm or hurt anyone.
Malolos, 3000
This page is for everyone and for people who are looking for happiness on social media, please send
Province Of Bulacan
Malolos
Ikutin ang buong Pilipinas at alamin ang magagandang tanawin, kultura at history ng Bansa partikular
Centro Escolar University Malolos, Km 44 Mc Arthur Highway
Malolos, 3000
THE MALOLOS ACADEME is the official student publication of Centro Escolar University Malolos.