Letranites for Leni

Nagmamahal sa bayan, ipinaglalaban ang katotohanan, at kasama ni Leni Robredo sa kanyang kandidatura

21/02/2022

Makapangyarihan ang mga kwento.

Totoo man o hindi, kapag umagos ang mga ito sa kaisipan ng karamihan, kaya nitong baguhin ang ating kamalayan, ang ating tingin sa kasalukuyan, pati na rin ang pinaniniwalaang kasaysayan.

Sa pamanagitan ng mga kwento, napakaraming kasinungalingan ang ngayoโ€™y pinaniniwalaan ng ating bayan. Hindi natin ito hahayaan.

Kaya magkkwento tayo.

Magkkwento tayo ng karanasan ng mga totoong tao kay Leni Robredo.

Ipapakilala natin siya bilang ordinaryong tao, asawaโ€™t ina, at lingkod bayan sa pamamagitan ng mga kwento.

Bawat kwento, may kalakip na katotohanang sinumang patuloy na kikilalanin si Leni Robredo, makukumbinsing karapat-dapat siyang maging pangulo.

Abangan ang mga sa . ๐Ÿ’—

02/11/2021

Magandang umaga!

Nakita natin ang bilis at husay ni VP Leni kasama ng OVP sa pagtugon sa pandemya, at paggawa ng mga solusyon para matulungan ang mga sektor na pinaka-naapektuhan nito.

๐Ÿ’— PPEs, libreng sakay, at libreng dormitories para sa mga frontliners

๐Ÿ’—Ayuda para sa mga nangangailangan

๐Ÿ’—Community mart o app na nagdudugtong sa mga mamimili, nagtitinda, at riders para sa
tuloy-tuloy at ligtas na delivery ng essential goods

๐Ÿ’—Swab cab o libreng covid testing sa mga lugar kung saan mataas ang transmission

๐Ÿ’—Bayanihan e-konsulta, libreng teleconsult sa mga doktor at libreng COVID care kit package para sa mga nagpositibo

๐Ÿ’—Vaccine express o paglalapit ng bakuna sa mga komunidad

๐Ÿ’—Pagbibigay ng mobile phones, tablets, at laptops sa mga estudyante para sa remote learning

๐Ÿ’—Learning hubs sa mga lugar kung san mababa ang kaso ng covid

Itong lahat, at iba pa, nagawa ni VP Leni sa pakikipagtulunga sa iba't-ibang sektor, kasama ng mga eksperto, at nang walang humpay na pakikisalamuha at pakikinig sa mga komunidad na higit na niragasa ng pandemya.

Kung mayroong lider na napatunayan na ang kakayahang maiahon tayo sa pandemya, walang iba kundi si VP Leni. ๐Ÿ’—

29/10/2021

Tumindig kayo; tinitiyak ko, mayroon ding titindig sa tabi ninyo. - VP Leni Robredo

I-mention niyo naman sa comment section ng artcard na ito ang mga kakampink nating Knights mula sa Letran Manaoag.

Weโ€™d love to know all of you. ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

29/10/2021

Tumindig kayo; tinitiyak ko, mayroon ding titindig sa tabi ninyo. - VP Leni Robredo

I-mention niyo naman sa comment section ng artcard na ito ang mga kakampink nating Knights mula sa Letran Abucay.

Weโ€™d love to know all of you. ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

29/10/2021

Tumindig kayo; tinitiyak ko, mayroon ding titindig sa tabi ninyo. - VP Leni Robredo

I-mention niyo naman sa comment section ng artcard na ito ang mga kakampink nating Knights mula sa Letran Calamba.

Weโ€™d love to know all of you. ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

29/10/2021

Tumindig kayo; tinitiyak ko, mayroon ding titindig sa tabi ninyo. - VP Leni Robredo

I-mention niyo naman sa comment section ng artcard na ito ang mga kakampink nating Knights mula sa Letran Manila.

Weโ€™d love to know all of you. ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

29/10/2021

Happy Friday, mga ka-Letty! ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—

SABI NGA NI VP LENI ROBREDO, "SIGE LANG, TULOY LANG, DALOY LANG...". ๐Ÿ’—

Kaya anuman ang iyong pinagdadaanan, may pagsubok mang dinadala... sige lang, tuloy lang, daloy lang. Magbubunga't magbubunga din ang lahat ng iyong pagsisikap.

"Kaya sa palagay ko eto yung susi sa mga hamon na kinakaharap natin ngayon.

Ang laging pagsasabuhay ng kaisipan na walang mailt na hakbang, lahat mahalaga. Na lahat tayo, laging may magagawa - dito at ngayon.

Na ang daluyong na pagbabago ay nabubuo ng napakaraming maliliit na patak, nagsasanib para makapaglayag tayo tungo sa mundong pinapangarap natin.

Isang bagong mundong mas patas, mas makatao, at mas makatarungan.

Isang bagong mundong kumikilala sa husay at dignidad ng bawat isa.

Ang panawagan ko sa inyo ngayon, sige lang, tuloy lang, daloy lang."

๐Ÿ’—

28/10/2021

Mga ka-Letty, welcome sa Letranites for Leni!

Sabi nga ni VP Leni, โ€œmas radikal ang magmahalโ€. Kaya sa pahina at komunidad na ito, pagmamahal ang magiging dahilan at pamantayan ng ating bawat hakbang patungo sa mithiin natin para sa bayan.

Bilang Letranista, isa sa ating katangian ang pagmamahal sa bayan. Paano natin maipaparamdam sa labas ng ating hanay ang pagmamahal na ito?

Ang nagmamahal, bukas ang isip at puso para makinig at umunawa. Magbubukas tayo ng espasyo para sa matiwasay na dayalogo at talakayan para maintindihan ang pinanggagalingan ng mga kapwa nating iba ang pinaniniwalaan.

Ang nagmamahal, matiyaga at mapagpursigi. Hindi madaling iwaksi at talikuran ang matagal ng pinaniniwalaan at nakasanayan kaya naman handa tayong makaranas ng deferrals at rejections. Ngunit hindi tayo mapipigil ng mga ito sapagkat maliit itong dahilan kumpara sa laki ng ating ipinaglalaban.

Ang nagmamahal, marunong magpakumbaba. Ang laban na ito ay hindi para patunayan na mali sila at tama tayo. Isyu at katotohanan ang sentro ng diskurso, hindi ang ating mga pride at ego.

At panghuli, ang nagmamahal, lumalaban. Mula sa simula hanggang huli, online man o offline, akay-akay natin ang laban ng ating henerasyon, ng ating kasalukuyan, at ng ating kinabukasan. Tataya tayo at mananalo sa laban na ito.

Mga ka-Letty naming mahal, letโ€™s get to work. Muli, welcome sa Letranites for Leni!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Manila
Manila
Other Community Centers in Manila (show all)
Faith-Driven Entrepreneur Faith-Driven Entrepreneur
Manila

A CHRIST-centered, Bible-based community

Center for Community Transformation Center for Community Transformation
5/F Echelon Tower, 2100 A. Mabini Street, Malate
Manila, 1004

Passion for God Passion for the Philippines Compassion for the Filipino poor

DR.Hepogan GOLD Philippines DR.Hepogan GOLD Philippines
834 San Rafael Street, Brgy Plainview, Mandaluyong
Manila, 63

5.0887.655 Subscribe 6.0287.455 Followers

Fafa7 PHP B1 Fafa7 PHP B1
Manila

Funniest videos Funniest videos
Manila, 4024

vlog,just for fun, camera,videos

Dr.Hepogan GOLD - Protektahan ang kalusugan ng iyong atay Dr.Hepogan GOLD - Protektahan ang kalusugan ng iyong atay
Manila
Manila

Ang pagprotekta sa kalusugan ng iyong atay ay responsibilidad namin

TLH Strore TLH Strore
Manila
Manila

AIE System 3.0 AIE System 3.0
Manila, 1000

๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐——๐—ฅ๐—˜๐—”๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ!

DR Hepogan GOLD Korea DR Hepogan GOLD Korea
834 San Rafael Street, Brgy Plainview, Mandaluyong
Manila

Improve liver function, enhance liver function. Reduce symptoms of urticaria, rash, fatigue.

6623 6623
279manila
Manila, 279

UY TรNโค๏ธCHUYรŠN NGHIแป†Pโค๏ธDแป„ Dร€NG https://atplink.com/daily6623 ฤฤ‚NG Kร ฤแบ I LY

No.1 delicious crispy dried fruits and vegetables in Japan No.1 delicious crispy dried fruits and vegetables in Japan
Manila, 4010

Food safety food hygiene Protecting consumers' health Delicious and nutritious, preventing diseases: 'diabetes, blood fat, obesity'

May-igot Vibes May-igot Vibes
San Isidro Street
Manila, 6423

Lugar kon diin mga marites it tawo ๏ฟฝ