Letran Kamalayang Pilipino Club

Official page of Letran KAMPIL Club

Ang Kamalayang Pilipino (KAMPIL) Club ay isang organisasyong naglalayong itaas ang kamalayang panlipunan at palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kultura ng Pilipinas. Nagbibigay ito sa lahat ng mag-aaral ng pagkakataong matuklasan ang mga holistikong pundasyon ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng iba't ibang gawain sa isang kolaboratibo at eksploratibong kapaligiran.

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 29/02/2024

KUDOS KAMPIL! 🎥🎞️

Pagbati sa ngalan ng Sining at Kultura!

Isang matagumpay na mga palabas ang naisagawa ng KAMALAYANG PILIPINO CLUB. Napuno ang Room 401 ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga dumalong mag-aaral ng baitang 7 hanggang 10. May mga tumawa, nakarelate, kinilig at na-inspire.

Maraming maraming salamat sa lahat ng Letranista ng EJHS na sumuporta sa aming munting proyekto. Asahan ninyong muli kaming magtatanghal sa ngalan ng sining!

“Sumulat para sa sarili,
Bumigkas para sa kapwa,
At magtanghal para sa bayan.”

Muli, kami ang KAMPIL Club na muling magtatanghal upang magmulat!

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 29/02/2024

Now Showing: Set C Film “ Be(s)Pre(n) ! “ 🎬

Audience: Grade 9 and 10

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 29/02/2024

Now Showing: Episode 1 “ Colegio Week ! “ 🎬

Audience: Grade 7 and 8

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 29/02/2024

Now Showing: Set A Film “ Inlab(abo) ! “ 🎬

Audience: Grade 7 and 8

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 29/02/2024

Now Showing: Set B Film “ Eh Di Ikaw Na ! “ 🎬

Audience: Grade 7 and 8

Photos from Letran Kamalayang Pilipino Club's post 25/02/2024
24/02/2024

Ipapalabas na sa darating na Pebrero 29, Club Activity Day.

Unang Yugto: 9:00 to 10:30 am.
Ikalawang Yugto: 12:30 to 2:00 pm.

Kitakits sa Room 401 🎬




Disclaimer: No copyright infringement intended, music belong to the rightful owners.

Send a message to learn more

24/02/2024

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…

ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 🎥🎞️

“Handa ka na bang sumakay sa Vikings? Sumigaw sa Horror Booth? Mabusog sa mga masasarap na pagkain? Tara! Samahan mo kong i-celebrate ang Colegio Week ng aming school.”

Isa sa mga core memories ng mga mga Letran students ang pagkakaroon ng isang event kung saan nagkakaroon sila ng pagkakataong sumaya at panandaliang kumawala sa stress na dulot ng academics. Buti na lamang ay taon-taon itong ipinagdiriwang.

Iba’t ibang rides, booths, at mga food stall ang makikita tuwing Colegio Week at ang pinakamasaya sa lahat ay makasama sa celebration na ito ang mga kaibigan mo, mga g**o at syempre ang “crush” mo.

Naranasan mo na bang magtapat ng feelings mo? Naipadama mo na ba kung gaano siya kahalaga sa buhay mo at kung gaano ka niya napapasaya sa araw-araw na pumapasok ka sa school? Parang vikings noh? Ang sarap sumigaw. Ang sarap isigaw na gustong gusto mo siya! Hays..nakakakilig!

Ito na ‘yon! Abangan mo!

Mga Tauhan:
KAMPIL Club members

Tagapayo: Sir Towie

22/02/2024

Ipapalabas na sa darating na Pebrero 29, Club Activity Day.

Unang Yugto: 9:00 to 10:30 am.
Ikalawang Yugto: 12:30 to 2:00 pm.

Kitakits sa Room 401 🎬


(s)Pre(n)

22/02/2024

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…

ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 📽️

“Be, okay ka lang?, ikaw Pre okay ka lang? Nandito lang kami palagi. Mga kaibigan mo kami..”

Ito ay tungkol sa mga magkakaibigan na sinusubok ng tadhana upang malagpasan ang bawat hamon ng paaralan. Matutunghayan sa palabas na ito ang iba’t ibang uri ng karanasan ng mga mag-aaral at susubukin ang kanilang katatagan bilang magkakaibigan sa larangan ng pang-akademiko, paligsahan, at pagsusulit. Ipakikita rin dito ang iba’t ibang katangian at pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral at kung paano nila nalalagpasan ang bawat araw.

”Be(s)Pre(n)” sa panulat ni Maria Jhoanna Briol at sa Direksiyon ni Vannesa Limpio at Cielo Pauline Gomez

Ipapalabas na sa darating na Ika-29 ng Pebrero sa ganap na (9:00-10:30am) para sa unang yugto at (12:30-2:00pm) para sa ikalawang yugto.

Mga Tauhan:
Maria Angelie Martirez
Arlan Ricardo Alba
Cielo Pauline Gomez
Carl Andrei De Jesus
Keisler Jameson Ramos
Marjorie Elardo
Marvel Elliezer Agliam

Musika: Kuwentuhan by Sugarfree

Cinematography: Christopher Mar Louie Donaire

Ipapalabas na 🎬

Tagapayo: Sir Towie


(s)Pre(n)

"Sumulat para sa sarili,
Bumigkas para sa kapwa,
Magtanghal para sa bayan."

Kami ang Kamalayang Pilipino Club, handang maglingkod upang magmulat.


(s)Pre(n)

21/02/2024

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…

ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 📽️

“Ginawa ko naman ang lahat sa pag-aaral pero bakit ‘di naging sapat? Yung tipong ginalingan ko naman pero bakit mas magaling maging pa rin sya? Eh di ikaw na!”

Ito ay tungkol sa mga mag-aaral na laging ginagawa ang kanilang “best” sa pag-aaral ngunit hindi nila inasahan na sa mundong ito ay laging may mas magaling sa kanila. Ipakikita sa palabas na ito ang iba’t ibang uri ng mag-aaral pagdating sa larangan ng pag-aaral at kung paano nila ibinibigay ang lahat alang-alang sa matataas na marka. Matutunghayan sa palabas na ito ang saya, lungkot, pagkabigo at pagbangon sa bawat araw na papasok sila sa kanilang paaralan.

Edi Ikaw Na! sa panunulat ni Jade Velasco at sa direksyon ni Earon Nash Sarmiento

Ipapalabas na sa darating na Ika-29 ng Pebrero sa ganap na (9:00-10:30am) para sa unang yugto at (12:30-2:00pm) para sa ikalawang yugto.

Mga Pangunahing Tauhan:
Samara Rose Paderes
Shan Kenneth Bayon-on
Krishia Marie Kawabe
Viktor Andrei Villacorte

Mga Pantulong na Tauhan:
Harry Baluyut
Shadeena Akbar
Cielo Pauline Gomez
Marc Leoven Aquino
Rhian Raziel Pinto
Keisler Jameson Ramos

Ipapalabas na 🎬

Tagapayo: Sir Towie


!

"Sumulat para sa sarili,
Bumigkas para sa kapwa,
Magtanghal para sa bayan."

Kami ang Kamalayang Pilipino Club, handang maglingkod upang magmulat.


!

21/02/2024

Ipapalabas na sa darating na Pebrero 29, Club Activity Day.

Unang Yugto: 9:00 to 10:30 am.
Ikalawang Yugto: 12:30 to 2:00 pm.

Kitakits sa Room 401 🎬

20/02/2024

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…

ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 📽️

Naranasan mo na bang hindi ma-crush back ng ultimate crush mo?

Sabay-sabay nating tunghayan at panuorin ang karanasan ng mga batang mag-aaral sa kanilang pagsubok pagdating sa pagmamahal. Ano nga ba ang mas matimbang kaibigan o ka-ibigan? Talagang masarap nga naman ang pakiramdam ng pagiging Inlab.

“Inlab(abo)” sa panunulat ni Rich Mitzi Pinto at sa direksyon ni Alejandro Miguel Fabiala.

Ipapalabas na sa darating na Pebrero 29 sa ganap na (9:00-10:30am) para sa unang yugto at (12:30-2:00pm) para sa ikalawang yugto.

Halina’t ating tunghayan ang munting palabas na likha ng aming samahan, Kamalayan Pilipino Club.

Kitakits sa Silid 401 🎬

Mga Pangunahing Tauhan (Main Casts):
Andie Gayle Red
Keith Raineer Hernandez
Carly Larraine Rodriguez
Bencarl Chadric Carandang

Mga Pantulong na Tauhan (Supporting Characters):
Hailey Mish Daiz
Carl Andrei De Jesus

Cinematography: G. Christopher Mar Louie Donaire


(abo)

"Sumulat para sa sarili,
Bumigkas para sa kapwa,
Magtanghal para sa bayan."

Kami ang Kamalayang Pilipino Club, handang maglingkod upang magmulat.


(abo)

29/12/2023

“Ingay”

24/12/2023

Maligayang Pasko!

“Pasko”

17/12/2023

“Salo-salo”

10/12/2023

“Saya”

24/07/2023

Due to the potential effect of the typhoon 'Egay' and the 72-hour transport strike, Letran has decided to suspend the work operations on Monday, July 24, 2023, with the aim of ensuring public safety and minimizing the impact of these events.

However, the online enrollment for IRREGULAR college students, for 1st semester, Academic Year 2023-2024, scheduled on this day shall push through. For related concerns on enrollment, please email [email protected]

Thank you.

24/07/2023

Patuloy táyong maglakbay at payamanin ang ating danas.

13/07/2023

KWF, Puspusan ang paghahanda sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023!

Puspusan ang paghahanda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Tampok din sa selebrasyon ang lingguhang tema na Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas (1–5 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa (7–12 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas (14–19 Agosto); Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan (21–26 Agosto); at Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon (21–26 Agosto).

Ang mga layunin ng pagdiriwang ay ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; maiangat ang kamalayan ng mga mámamayáng Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nitó; mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampámahalaán at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nitó na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; maganyak ang mga mámamayáng Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at maipakilala sa mga mámamayáng Pilipino ang KWF bílang ahensiya ng pámahalaán na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nitó.

Itatampok ng KWF ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buwan ng Agosto kabilang ang serye ng webinar, tertulyang pangwika mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, mga timpalak, paglulunsad ng mga aklat, at Araw ng Parangal.

Maglalabas ang KWF ng mga patalastas sa opisyal na FB page ng ahensiya hinggil sa iba’t ibang gawaing pangwika na puwedeng daluhan at makibahagi ang bawat Pilipino.

Maaaring i-download ang soft copy ng poster sa https://kwf.gov.ph/kwf-puspusan-ang-paghahanda-sa-pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-2023/

Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa selebrasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa pamamagitan ng email sa [email protected].

# # #

13/04/2023

06/03/2023

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…

ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 📽️

“Be, okay ka lang?, ikaw Pre okay ka lang? Nandito lang kami palagi. Mga kaibigan mo kami..”

Ito ay tungkol sa mga magkakaibigan na sinusubok ng tadhana upang malagpasan ang bawat hamon ng paaralan. Matutunghayan sa palabas na ito ang iba’t ibang uri ng karanasan ng mga mag-aaral at susubukin ang kanilang katatagan bilang magkakaibigan sa larangan ng pang-akademiko, paligsahan, at pagsusulit. Ipakikita rin dito ang iba’t ibang katangian at pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral at kung paano nila nalalagpasan ang bawat araw.

”Be(s)Pre(n)” sa panulat ni Maria Jhoanna Briol at sa Direksiyon ni Vannesa Limpio at Cielo Pauline Gomez

A B A N G A N....

Mga Tauhan:
Maria Angelie Martirez
Arlan Ricardo Alba
Cielo Pauline Gomez
Carl Andrei De Jesus
Keisler Jameson Ramos
Marjorie Elardo
Marvel Elliezer Agliam

Musika: Kuwentuhan by Sugarfree

Cinematography: Christopher Mar Louie Donaire

Tagapayo: Sir Towie


(s)Pre(n)

Disclaimer: No copyright infringement intended, music belong to the rightful owners.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Inihahandog ng Kamalayang Pilipino Club…ARRIBA LIGHTS: Buhay at Kulay 📽️“Be, okay ka lang?, ikaw Pre okay ka lang? Nandi...
SET A TRAILER - INLAB(ABO)

Category

Website

Address

151 Muralla Street, Intramuros, Manila, 1002 Metro
Manila
Other Schools in Manila (show all)
TEATRO DE LETRAN TEATRO DE LETRAN
Manila

The Official and Premier Theater Company of Colegio de San Juan de Letran - Intramuros, Manila.

UP Manila Political Science Program UP Manila Political Science Program
307 Rizal Hall, College Of Arts And Sciences, University Of The Philippines
Manila, 1000

This is the official page of the UP Manila Political Science Program.

DLS-CSB Admissions Center DLS-CSB Admissions Center
2544 Taft Avenue Ground Floor, Solomon Hall
Manila, 1004

Follow us on Twitter! https://twitter.com/BenildeAdC

RUN - Review University for Nurses, Inc. - Nursing Review Manila RUN - Review University for Nurses, Inc. - Nursing Review Manila
Ruiloba
Manila, 1016

We have been providing quality review for nurses since 1990 and have been producing topnotchers ever since!

Letran Knights Letran Knights
151 Muralla Street Intramuros
Manila, 1002

Best Batch na tumatak sa history ng Letran - Mister Lazaro (HS Assistant Principal)The Loyalty And Brotherhood Of This Batch Is Unmeasurable!Admins: Ben Gerry "Ice" G. Abella Jon A...

Quiapo Parochial School/ Nazarene Catholic School Quiapo Parochial School/ Nazarene Catholic School
1053 R. Hidalgo Street
Manila

Official Fan Page of Nazarene Catholic School (formerly Quiapo Parochial School)PLEASE READ OUR COMM

San Beda College GS '90 - HS '94 San Beda College GS '90 - HS '94
Mendiola
Manila, 1005

HERALD THE BEDANS COMING... Gathering and uniting all SBC-GS Batch 1990 & HS Batch 1994 alumni inspired by the Benedictine principle of PRAYER & WORK (Ora et Labora). Spread the ro...

One SHADE Dance Squad One SHADE Dance Squad
Espana
Manila

One in Serving Him and Dancing Excellently. The Official Dance Troupe of the University of Santo Tomas-College of Fine Arts and Design

malateans88 malateans88
A. Roxas Street
Manila, 1009

Malate Catholic School High School batch 1988 page

Paco Catholic School Paco Catholic School
1521 Paz Street, Paco
Manila, 1007

Welcome, Paconians, to the official Facebook Group site of Paco Catholic School.

One La Salle Scholarship Fund One La Salle Scholarship Fund
Manila, 1004

The One La Salle Scholarship Fund campaign's goal is to raise One Billion Pesos by the year 2011 to support and send about 18,000 scholars to our 17 Lasallian schools all over the ...

SMCQC '96 SMCQC '96
Mother Ignacia Avenue, Quezon City
Manila

Initium Sapientiae Timor Domini